Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kidlat" poems
Igapos mo ako sa lilim na 'yong puso, at doo'y liliwanag ang damdaming nakatago. Na sa gabing alitaptap lamang ang masulyapan, tutubuan ng pakpak ang pag-ibig na natagpuan. Lilipad kasabay ng mga ulap at hindi na halos maabot, sa kulog o kidlat ma'y hindi natatakot. Na handang suongin kahit malakas na hangin, upang pakpak nito'y nakalatag pa rin sa papawirin. Mapadpad man tayo sa lawak ng dagat, mga puso natin doo'y maglalayag. Na tayo'y sabay dadaong sa ating mga pangarap, na sa dako paroo'y naghihintay at umaandap.
0
Jun 22, 2015
Jun 22, 2015 at 10:56 AM UTC
Paglalakbay Ng Ating Pag-ibig
Parang alaala na ang sarap balikan, Lumipas man ang mga sandali sana'y ikaw andyan. Isang araw ako'y nakakita Ng bulalakaw sa kalangitan, Pumikit. Humiling. Na sana bigyan ako ng pagkakataon ikaw ay makapiling. Tayo daw ay nagkakilala sa maling panahon, Ngunit kailan ba naging mali ang pagibig na totoo? Sana tayo'y pagbigyan ni inang tadhana, Tatlo, dalawa o kahit isang araw lang, Maparamdam ko lang na ikaw... Oo, ikaw na nga at wala ng iba ang sinisigaw ng puso ko sinta. Maglalakad ako ng nakuluhod, Kahit pa saan sulok, Marinig lang ang dasal ko na maging tayo. Kahit kidlat man yan o bagyo ay susuungin ko, Para lang sa iyo. Kaya sana samahan mo ako, Hawakan ang mga kama'y ko, Pangako sa'yo hindi ko bibitawan ito. Dahil alam ko at ng puso ko, Na tayo sa habang panahon. Ngunit tulad ng bulalakaw nung araw na iyon, Ikaw'y naglaho kasama ng pangako, Ako'y binitawan sa gitna ng bagyo. Ngayon isa ka na lang alaala sa buhay ko na dati ay umiikot sa iyo.
0
Jun 13, 2015
Jun 13, 2015 at 12:34 PM UTC
Bulalakaw
Paalam sa munting kinang sa kanto ng iyong mga mata. Sa unang alab ng huling araw magpapaalam ang bihag ng tanikala. Walang humpay ang daluyong ng mga ala-ala. Salamat sa unang halik at iyong natatanging labi. Mula sa una at sa huli. Ito na ang huling paalam. Papadayon din ang araw, bukas o sa makalawa, o hindi kahit kailan. Walang luha o sugat na lalatay sa iyong balat. Hindi kailangang manatili sa ala-ala nating dalawa. Mula dito at sa mga susunod na araw, buwan, at taon. Para sa ating dalawa ang paalam na ito. Hindi na kailangan magkubli sa anino ng masaya at masalimuot na nakaraan. Ito ang ating hudyat, ang ating kidlat mula kay bathala. Para sa muling pagkinang ng iyong mga mata. Sa ala-ala ng buwan at ng mga bituin. Sia lahat ng bagay na nagpangiti sa iyong puso at labi. Paalam aking dagat, aking asul na langit. Minamahal kita.
0
Jul 2, 2019
Jul 2, 2019 at 11:34 AM UTC
Paalam
Oh kay gandang pagmasdan ang mga patak ng ulan Tila musika sa pandinig kapag ito'y bumabagsak sa bawat bubungan Animo nag-aanyayang tayo'y maligo't magtampisaw Kasabay ng mga bata na masayang naglalaro sa lansangan Aking naaalala noong ako'y bata pa Ang lagi kong dalangin, nawa'y bumuhos ang ulan Upang ako'y maligo't maglaro kasama ng aking mga kaibigan Hindi alintana kung may kidlat na paparating Basta't masaya kaming naglalaro sa kabukiran Noon, masaya na kami kapag umuulan Dahil hudyat na iyon ng aming paglalaro sa malakas na ulan At kapag tumigil na, si Ina'y nagluluto ng ginatan Upang mainitan daw ang aming mga tiyan Sa paglipas ng henerasyon, nabibilang na sa aking daliri ang mga batang naglalaro sa ulan Marahil mas ninanais na lamang nilang maglaro at humawak ng gadget kaysa magtampisaw Ang ilan nama'y takot magkasakit dala ng ulan Ngunit, kung inyong iisipin ang ulan ay biyaya ng Maykapal Nakabubuti ito sa ating mga katawan Kaya laking pasasalamat ko sa Maykapal Dahil naranasan ko ang maglaro't magtampisaw noong ako'y bata pa Hindi tulad ngayong henerasyon, na ang tanging ginagawa'y humawak at maglaro ng gadget Nakakalimutan na ata na sila'y musmos pa lamang upang maranasan ang saya ng kamusmusan
0
Jun 11, 2018
Jun 11, 2018 at 5:46 AM UTC
Ulan
Paalam bayan kong sinilangan, sintang katagalugan, lupain na sinakop ng mga puting dayuhan; inalipin at binusabos ng higit sa tatlong-daan na taon. Kung hindi sana ako nakagapos ay nasa larangan ako ngayon, nakikipaglaban para sa iyong kalayaan; subalit ako ay binihag ng mga taksil na kalahi, kayumanggi ang kulay ng kanilang balat subalit ugaling Kastila sila. Alam ko na ito na ang aking wakas dadalhin nila ako at si Procopio sa dako na di namin alam; tanging diyos lang ang nakababatid sa aming sasapitin. Sa punglo kaya o sa talim ng tabak kaming magkapatid ay masasawi? Nalulumbay ako hindi dahil sa ako'y mauutas kundi sa pag-aakala na masasawi ako sa kamay ng aking kalahi. Kung dayuhan man lang sana ang sa akin ay papaslang mas matatanggap ko ito nang maluwag sa dibdib. Paalam mahal kong Oryang, Lakambini ng Katipunan, ina ng aking anak at kabiyak ng aking dibdib. Naiiyak ako sapagkat malungkot ang naging wakas ng ating pagsinta. Kung magtagumpay ang himagsikan at makamtan na ang layang inaasam wag sana makalimutan ang mga nabuwal sa parang ng digma. Kainin nawa ng lupa ang mga taksil sa bayan, lunurin ng baha ang mga nakipagtulungan sa kaaway, tamaan ng kidlat ang mga tampalasan na umibig sa dayuhan na mapang-alipin. Sumpain sila ng langit. Nakapiring ang aking mga mata subalit nararamdaman ko na malapit na kami sa dako kong saan babasahin sa amin ni Komandante Lazaro Makapagal ang hatol ng konseho ng digma. Payapa ang aking kalooban, walang pangamba. Alam ko na ginawa ko ang nararapat, kailanman hindi ako nagtaksil gaya ng kanilang ipinaparatang. Mabuhay ang Pilipinas, Mabuhay ang Rebolusyon.
0
Nov 4, 2017
Nov 4, 2017 at 12:05 AM UTC
REBOLUSYUNARYONG PAHIMAKAS NI SUPREMO ANDRES BONIFACIO (isang kathang-isip ng may akda)

Continue reading...
31
mula sa bintana ng mga katotong tahanan may pinaghuhugutan balitang pinagkainan merong budbod di-umano ang bibingka sa bilao madalas di-ginugusto,,minsan nama'y napapa-tipo. bihira man ang daloy sa hiwa ng pagkakataon nariyan pa rin ang kuro at haka sa loob ng kahon sa tulong ng walang patumanggang bulong na hindi naririnig ang tunog sa likod ng pulang bilang matatanaw may abiso sa kidlat na walang kulog. ilako ang lakbay ng himay sa mga nagdidilang anghel para mahumpay ang tamlay mula sa pader na papel ibahagi ang natatanging kuwento sa oras ng hanay ng kasarinlan mag-manman sa likuran bago dumating at gumawa sa tambayan matabunan man sa araw-araw ang pag-apaw ng dalaw sa estado wag mag atubili,hataw lang sa paggalaw muling ibangis ang talento bagamat ano mang bulwak meron ang katha sa salamin,matapos na maisulat sa ere man hanggang sa paglapag ng tuyong dahon,may mangha na ipamu-mulagat sapagkat hinde mababanaag sa mga nilakaran ang iniwang bakas sa pinanggalingang upuan dahil ang dati nang puting kulay sa loob na 'ala pang bahid magkukulay dilaw sa pagkakaroon ng matimtimang masid at kung ang inaasahan ay taliwas sa nakatakda,,alin lang yan sa dalawa : bumilis ang pagbagal ng patak kaya manunumbalik ang dati nang sigla o malamang na mangamba sa pakiwaring hindi daratnan dahil sa pagkaantala? kung magkagayo'y ituloy lang ang pagkasabik sa pagtatapos pagkat magkakabunga!
0
Dec 12, 2015
Dec 12, 2015 at 8:50 AM UTC
salungguhit
ayan ka na naman, babalik at aalis ng hindi nagpapaalam. tila ginugulo mo ang aking isipan, ano ba nag problema mo. pwede bang tigilan mo na ako. sige, magalit ka. ibuhos mo ang lahat ng nararamdamn mo. Para kang ulan Biglang dadating At aalis biglaan Hindi alam kung kailan Hindi mo mapipigilan
0
Dec 3, 2015
Dec 3, 2015 at 11:07 AM UTC
tula: “ULAN KULOG KIDLAT”
Nauubos na ang katas ng mga bulaklak sa hardin, Gayundin ang mga dahong tila nagsasayawan sa bawat pagsipol ng hangin. Unti-unting ring nanamlay ang mga iwinawagayway sa bawat pulong ipinagbigkis. At maging ang bahaghari'y waring sanggol na nahihiyang magpakita't piniling magtitiis. Sa pagtikom ng bibig ng tinuturing na demokrasya Ay nasaan nga ba ang tunay na pagkalinga? Na sa tuwing gumagayak ang mga nakapilang ekstranghero Ay magsusulputan ang mga buwayang masahol pa sa nakawala sa hawla. Sinisipat ang mga bulsang walang laman, Para bang mga santo silang naghihintay sa alay na hindi naman nila pinaghirapan. May iilan pa ngang susukli ng lason buhat sa kanilang mga bibig. Matindi pa sa hagupit ng kidlat, kung sila ay magmalupit. Doon sa kasuluk-sulukan ng kurtina sa entablado'y Nagsitikom ang mga buwelta ng mga may puting kapa. Sila sana ang pinakamakapangyarihan Na hindi kung anong elemento ang pinagmumulan. Sila sana ang pinapalakpakan, Ngunit ang suporta'y wala naman palagi sa laylayan. Taas-noo sila para sa bandilang pinilay ng sistema. Bayani kung ituring ngunit sila'y napapagod din. Nakakaawa, pagkat sila'y pinamahayan na rin ng mga gagamba At kung anu-ano pang mga insektong noo'y itinataboy naman sa kanila. Tangay nila ang armas na posibleng lunas sa kamandag, Sila na rin mismo ang dedepensa't aawat Sa paparating na mga kalabang hindi naman nila nakikita. Ano nga ba ang laban nila? Ano nga ba ang tagumpay na maituturing Sa labang tanong din ang katapusan? Samu't saring lahi na may iisang kalaban Ngunit ang tanong ko'y, may iisa rin bang patutunguhan? May iisang sigaw ngunit ang tinig ay wasak sa kalawakan. May iisang mithiin ngunit ito'y panandalian lamang. Pagkat sa oras na ang giyera'y mawaksian na rin, Ang medalya't parangal ay tila isasaboy pa rin sa hangin.
0
May 28, 2021
May 28, 2021 at 3:19 AM UTC
Dextrose

34
013017 Hindi ako humihingi ng bago sayo Pero inabutan mo ako ng blangkong papel Siguro nga, siguro nga wala kang sinabing magsulat ako Pero heto ako't isinasatitik pa rin ang bawat tulang naging misteryo sa puso ko. Hindi ako humingi ng espayo sayo Pero binigyan mo ako ng patlang -- Mga patlang na hanggang ngayo'y walang sagot Mga patlang na hindi ko alam kung laan ba sakin O sinadyang ipadaan lamang sa mga kamay ko Para lang may maisulat ako ngayon. Hindi nawalan ng tinta ang panulat ko Pero tila naubusan ito ng dahilan para magsulat sa mas marami pag mga pahina -- Mga pahinang hindi ko alam kung pinunit mo na rin ba Hindi ko alam kung ginusot mo na ba O baka naman ipinadaan mo na sa apoy At oo, natupok na ang lahat Pero sariwa pa rin sa akin ang bawat linya ng talata Siguro nga, siguro nga hindi ko kabisado Sa kung papaano ako nagsimula O paano ako nagtapos sa piyesang iyon Pero ang alam ko -- ayoko na. Ayoko na -- ayoko nang bumalik sa umpisa At halukayin na naman ang nakaraan Yung katulad ng dating magmumukmok ako sa sulok Sasabay ang luha sa pagpatak ng ulan Sasabay ang takot sa kulog Sasabay ang galit sa kidlat At wala -- wala na naman ako. Ngayon, naisip kong sa dulo magsimula -- Sa dulo kung saan ay bago na ang lahat Oo, hindi naman nabubura ang sakit Pero kaya itong lagpasan Malalagpasan kasi pinalipas na ang panahon At hinilom na ang lahat -- Oo, napatawad na kita. Sabi nila, nasaktan na raw ako ng sobra Wag ko na raw balikan kasi nga baka di ko na kayanin Tama na raw, kasi nakakaawa na raw ako Ano raw bang meron sayo na minahal kita May mas magmamahal pa raw sa akin Mapapagod lang daw ako Sasaktan mo lang daw ako. Pero alam mo, iba ang sabi Niya -- Na patawarin kita Na binura Niya na ang lahat ng sakit sa puso ko Na wag akong magtanim ng sama ng loob Na pinalaya Niya na ako Na higit na magtiwala ako sa Kanya Na muli akong magtiwala sayo Na wag akong matakot magmahal muli Na wag akong matakot masaktan Na lagi kitang ipanalangin. Sa totoo lang, hindi ko alam Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng dahilan Kasi pag tinanong mo ako kung ba't kitang mahal, Wala akong masasagot sayo -- Basta, basta mahal kita At mas mahal ko Siya -- Doon Niya tayo ipinagbuklod ng pag-ibig Niya.
0
Jan 30, 2017
Jan 30, 2017 at 9:10 AM UTC
Walang Dahilan

60
Sa kumpas ng mga kamay Yaong mapapanood Hihinto ang oras Kasabay ng delubyo Tila nasa sentro ng mata ng bagyo Tangan ang manika na pinatakan ng dugo Isinuob at ang usok na umilanglang ay nakakahilo Malapit na maghating gabi Habang namumula ang buwan Isang salita na lng isasambit iyon Ay ang pangalan Maghahari ang sumpa na di Maglulubay Ngunit sa kahu-huling minuto Ay ang sandali Nang pagkamulat sa kapakanan ng minamahal At di sa pansariling pagkagusto at pag mamay-ari Kapatawaran sa Diyos ay inihiling Nang biglang may kulog at kidlat Kasabay ng malakas na hangin Parang may nagalit Gamunggong patak ng ulan sa pisngi Tila may mabigat na pasanin
0
Jun 27, 2019
Jun 27, 2019 at 8:16 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #70
“Wake up and live” ― Bob Marley Mga mukhang tao pero ugaling hayup, hindi naman aso pero laging kumakahol. Mga bastos magsalita, mas salaula pa sa baboy ang mga putang-ina. Matataas ang kanilang pinag-aralan pero bagsak ang grado pagdating sa kagandahang asal. Sa maiksing salita mga MAL-EDUKADO sila. Ayaw nila nang sinasagot sila kahit nambabastos sila. Gusto nila na galangin sila pero wala silang galang sa kapwa nila. Masyadong mataas ang tingin sa kanilang sarili kaya sobrang baba kung ituring nila ang iba. In short, mga HIJO at HIJA DE PUTA sila. Ang kanilang libangan ay ang pagalitan ang mga nasa ibaba nila. Hindi sila kailanman pweding magkamali at hindi nila tatanggapin ang kanilang naging pagkakamali. Ang ipasa ang sisi d’yan sila dalubhasa na tila ba sanay na manggahasa, manggahasa ng damdamin ng iba. Ang paborito nilang motto ay ito “THE BOSS IS ALWAYS RIGHT”. Mga bossing na saksakan ng kupal hindi pa kayo tamaan ng kidlat. Sana bumuka ang lupa at lamunin kayong lahat. Kung totoo ang aswang sana dagitin kayo ng mga manananggal. Bakit kasi hindi pa kayo dukutin ng mga Tamawo?   Ang mga katulad ninyo ang nagpapahirap sa buhay ng mga maliliit na tao. "You're adding insult to injury." Dinadagdagan ninyo ang sugat sa kanilang mga dibdib. Ipinamumukha ninyo lagi kung gaano lang sila kaliit. Hindi kayo marunong umunawa at maawa kasi ang alam lang ninyo ay ang mag-utos. Puro lang pakinabang ang laman ng utak ninyo. Hindi ninyo alam kung paano mabuhay ng marangal kasi wala kayong dangal. Salapi at posisyon ‘yan lang ang gusto ninyo. Kapag hindi na ninyo napapakinabangan ang isang manggagawa hindi na n’yo ito pinapansin, walang pagsalang na inyong binabaliwala.
0
Nov 24, 2017
Nov 24, 2017 at 3:42 AM UTC
BOSS, AMO, MANAGER NA GAGO

36
Isa kang kidlat, Panandaliang liwanag sa gabi kong maulap, Ikaw ang bagyong matagal ko nang pinagdarasal na dumaan at manatili, Istorbohin mo ang kalmadong dagat sa pusong nananahimik, Ibigay mo ang mga kulog mo na ikakabingi ko, papakinggan pa rin kita, Ibuhos mo ang ulan mo, Ang hangin mo, na kayang ipaalala sa'kin kung paano ginawin. Iparamdam mo ang hagupit ng bagyo mo, At pangako, Magiging matatag ako, Ipagdarasal na manatili ka.
0
Aug 5, 2016
Aug 5, 2016 at 10:41 AM UTC
Bagyo
Sa siglaw ng pagkapanaw ay lumamlam ang ilaw Sa dibisyon ng dalawang kaharian ay ang larawan na inalis sa pananaw na pumitlag-pitlag Mas malamig pa sa yelo ang istorya kung dadamdamin ang ipinapalitaw Ang dulo ng kidlat na ipinukol ng langit ay gumawa ng sugat na dahilan ng antak Ang mala-tanso niyang buhok paano kakalawangin Gumaganap ang pag-ibig nang palihim Darangin sa apoy ng katotohanan sa pagsisinungaling- nang hindi pagsabi na talagang umiibig Nahimlay sa kamposanto Di malikmata ang natatanaw na santilmo na umaalab Tanglaw sa salamisim na siyang nagrereplek-balik Ang dyamanteng hikaw ay pawang tala ikinabit sa kanyang tainga Kariktan ay lalong nadadagdagan Bumuyo para magnakaw ng halik
0
Dec 31, 2018
Dec 31, 2018 at 6:08 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #38
Imposible, malabo, walang tiyansa, ano pa? Anong salita pa ang mag lalarawan ng "tayong dalawa". Parang pag kidlat at pag kulog habang tirik na tirik ang araw, Parang pag kakaroon ng trentay dos na bilang sa kalendaryo, Ang pag tubo ng rosas sa malamig na semento At pag kakaron ng dagat sa isang malawak na disyerto. Alam kong wala, walang pag asa. Hindi maari. Pero tulad ng pag tatagpo ng araw at buwan isang beses sa mahabang panahon. May pinanghahawakan ako, Isang araw, Balang araw Pag tatagpuin tayo ng tadhana Sa di inaasahang lugar at panahon. Tibok nalang ng ating mga puso ang mag didikta na tayo talaga, ang naka laan para sa isat isa.
0
Nov 8, 2015
Nov 8, 2015 at 7:47 AM UTC
ISANG ARAW
Kabado; Habang ginagala ng sarili ko ang dalampasigan. Ang malumanay na ihip ng hangin ang naging pampakalma. Bawat buhangin na kumukulbit sa’king mga paa ay seryoso. Walang pagkukubli ang puso Ang hindi mapirming mga yapak ay katumbas ng pagkasabik sa’yong yakap. Gabi, muli akong tumingala Walang palya ang ihambing ka sa mga tala. Kinukwento sa’kin ng mga kuliglig kung paano tatahakin ang ‘yong pag-ibig. Hindi ko kabisado; ‘Di alam kung pa’no babagtasin ang dagat na ito. Wari nila’y diyan matatagpuan ang pagmamahal mo ngunit, paano? Sinasamahan akong maglakbay ng inggit at takot Hindi madaling pamamangka ang sa aki’y bumabalot. Ang bigat ng pag-aalala ang maaaring magpalubog at malunod sa luha at panaghoy. Paano mapapanatili ang ningas ng apoy? Ano’ng solusyon sa pagkabahala upang magpatuloy? Hanggang sa itulak ako ng sapat na panahon. Muling humakbang ang hindi mapirming mga paa Humina panandalian ang ihip ng hangin Marahan ang pagkulbit ng mga buhangin. Matapang kong nilisan ang pampang Lakas ng loob, isang bangka’t panagwan Sabay naming idinawdaw ang aming mga sarili sa karagatan. Hayagang ibinubulalas ng langit na ako’y maging handa Malayo na ako sa pampang ngunit tanaw ko pa rin ang kaba. Ang pagkulog ay nagsimula na. Biglang pumatak ang ulan ng pagbabanta Dinig ko ang bulungan ng mga isda. Sambit nila’y masasayang ang pagbabakasakali Hantungan ng pakikipagsapalara’y wala. Galit na sumasayaw ang alon Ang kidlat ng kawalan ng pag-asa’y sa aki’y humahabol Pataas nang pataas ang sumasalubong na alon. Ang ‘di mawalang pagdududa ay nakikipag-unahan Umaakyat ang mga tanong sa’king isipan Kailan ko ba matatagpuan? Sabik na akong salubungin ang pag-ibig mo… … ang pag-ibig **** nasaan? Subalit, naghintay ako; Walang humpay ang paghampas ng mga alon Hindi natatapos ang pagtaas. Bawat pulgadang nadadagdag ay ang mga sagot sa’king katanungan At bigla ang pagtaob; Tama ang bilin ng mga kuliglig Ito nga ang natatangi **** pag-ibig Mapanghamon; ngunit presko sa pakiramdam. Ang sarap palang makamit ang matagal mo nang inaasam Pipiliin ko ritong manatili hanggang ako ri’y iyong matagpuan papagingdapatin **** ako rito’y manahan ‘pagkat kahit sa daluyong, kalmado akong magsasagwan. Kabado; Habang ginagala ng sarili ko ang dalampasigan. Ang malumanay na ihip ng hangin ay naging pampakalma. Seryoso ang bawat buhangin na kumukulbit sa’king mga paa. Walang pagkukubli ang aking puso ‘pagkat dito pa lang sinta, mahal na kita.
0
May 3, 2020
May 3, 2020 at 1:03 AM UTC
Daluyong

65
Ang ulan ang tanging makakapagsabi Na ikaw lang ang aking iniibig Ito rin ang tanging nakakasaksi Sa ating lubos na pagmamahalan Tinamaan na nga ng iyong kidlat Nananalangin sa tuwing bumubuhos Tangayin sana ng hangin ang mga halik Na s'yang inaasam ng ating mga labi Maramdaman sana ang mga haplos Na ‘di kayang ipaabot ng ating palad Pananabik ay lalo lamang tumitindi Kahit ilan pang bagyo ang dumaan Maghihintay kahit ga'no katagal Kung makikita pagtila'y bahaghari At sa dulo nito'y ikaw
0
Nov 13, 2020
Nov 13, 2020 at 12:39 PM UTC
Ulan
113024 Kalakip ng bawat salita Ang mga balang ligaw na tumatagos sa katauhan. Nakapiring at nakatali sa mabibigat na kadena, Na para bang imposible na ngang kumawala. Sa aking kadilima’y umaasa pa rin akong Darating ang Liwanag Na siyang magbubukas ng aking mga mata At tutunaw sa bakal na kaytagal ko nang pasan. Nauuhaw — Nauuuaw ako sa Kalinga at Pag-ibig. Napapagod — Napapagod sa bawat kirot At bakit hindi nyo pa ito itigil? Ahhh! Ayoko naaa!!!! Bagkus may boses sa loob kong Tumatawag sa aking ngalan Na minsan na nilang pinatikim ng alikabok At binaon sa Hukay Ang natitirang halaga nito. Dumaan ang mabangis na mga kulog at kidlat At ang hangin ay naging payapa sa aking pandinig At heto na nga marahil ang simula Ng aking pinakahihintay — Kung saan ang Liwanag Mo naman Ang aking masaksihan. Walang ibang yumakap sa akin nang ganito — Binalikan Mo nga talaga ako. At ang mga pangako Mo’y hindi napako, Hindi nalusaw ng anumang unos at bagyo, Ng anumang kadilimang ipiniring nila. At ang tagal ko ngang naghintay Ngunit ibang saya pala talaga Ang makapiling ang tunay na nagmamahal, Ang tunay na makapangyarihan sa lahat. At hindi na nga mahalaga ang anumang nakaraan Pagkat ang lahat ay bago na nga talaga. Dumating ka na nga — At handa na ako.
0
Jan 5, 2025
Jan 5, 2025 at 4:52 PM UTC
Handa na Ako
Pumarini at kinutaw ang kalma Ng tubig na sa sariling mundo ay abala At nang magulo ay bumaha Sa emosyong hindi maapula Waring nagtatambol ang dibdib At ang isip ay nagtatalo kung panaginip Sumasayaw sa gitna ng init Habang nalulumos sa bagyong nagngingitngit Sa libro na kabanata ay wala Unang pahina ay nagawa Mga pangyayari ay naitala At ikaw ang unang nakatala Ngunit kung gaano dumating Ay ganon din kabilis na nawala Waring kidlat na gumihit sa katha Hanggang ngayon ako'y nananaginip pa kaya?
0
May 26, 2024
May 26, 2024 at 7:44 PM UTC
Una
072616 Sa lubak na nalulumbay, Hayaan **** sumuko ang kaba -- Nang lumihis ang pagsinta Buhat sa mapang-akit na dilim. Hawiin Mo ang ulap, Ama Nang mautal ang maling tibok. Sa mabagsik na Kidlat, Yuyukod ang pusong napaso't naanod. Kitilin Mo ang espayo't Haligi ko'y tibakin. Ihanay Mo saYong lente't Pagsusumamo ko'y timbangin. Pagkat walang mararating Galing kong pansarali. Kaya't hugasan Mo nang lubos, Puso ko'y lambingin ng 'Yong grasya. Umaapaw at di nauubos, Yan ang tapat **** pagsinta.
0
Jul 26, 2016
Jul 26, 2016 at 8:56 AM UTC
Unwavering
Wala na ang dati ang natira ay pighati mundo ay nahati at naglaho ang buwan Anino ay lumisan humalo sa kadiliman ulan ay tumahan ngunit ‘di ang bagyo Kulog, kidlat, alimpuyo tangay ay laman at dugo mga baling buto lagusan sa hangin Naroon ang dating ngayo'y isang pangitain bilanggo ng salamin magdadalamhati Dahil wala na ang dati Gabi sa panghabang-panahon Aasa sa mga bulong Lalakad, tatalon...
0
Nov 5, 2017
Nov 5, 2017 at 7:35 AM UTC
Wala Na Ang Dati
Sintas Man Ay Kalas Luma Na At Pigtas Sapatos At Medyas Dibaleng May Pintas Kamisetang Butas At Maong Na Kupas Pigtal Na Tsinelas Hindi Pa Parehas Tinotonong Kwerdas karakrus ang kwintas sa sugal ay utas pati pato hulas bahala na bukas tawagin mang takas hihiram ng lakas tatagay ng wagas nalango sa wakas kamay lang may hugas bahid, patak, tagas palay naging bigas kahapon ay bakas sing-linaw ng habas nahinog ang prutas ngunit di pinitas bagsak mula taas sabik na pumatas kahit pa lumabas tinatagong Katas Tinukso Ng Ahas Yinapos Ang Angas Kinapos Sa Alas Nilukso Yung Dahas Natisod, Nadulas Kasi Nga Nangahas Kung Dati Minalas Nadapang May Bangas Babangong Matikas Sa Mali iiwas panata kong tagos dalangin ay lubos payak man ang lapis yakap Di Pa labis sugat na may hapis ginamot ng kapis Tila Tala Lihis Kutitap Sa Bilis Araw May Silahis kidlat ang hagibis mukha na manipis nagpalit ng bihis hahakbang sa libis Layon Ay Malinis Patama Ay Daplis Ngunit May Hinagpis Pinawi Ng Haplos Animan na agos Timplang Nalamukos Animo Ay Musmos Siglang Dinaraos Biyaya Ay Puspos !!!
0
Jan 13, 2022
Jan 13, 2022 at 1:28 PM UTC
"payak na yakap"
tulak ng bibig, kabig ng dibdib damdaming ikinukulong itinanim ang punla diniligan ng mga mapagbalatkayong salita namulaklak, namunga tulak ng bibig, kabig ng dibdib iyong pinitas ang bunga kinagat, nilunok ang dagta at katas muling itinanim ang buto diniligan, namulaklak, namunga tulak ng bibig, kabig ng dibdib ang hardin ay naging gubat, mapanglaw na kakahuyan kung saan lahat ay nawawala nilalamon ng lupa, pinipiga ang katawan iniluluwa ang kaluluwa tulak ng bibig, kabig ng dibdib bumuhos ang malakas na ulan dumagundong ang kulog gumuhit ang kidlat sa langit, tumama sumiklab ang apoy, kumalat abo na lamang ang natira
0
Dec 18, 2020
Dec 18, 2020 at 8:28 AM UTC
tulak ng bibig, kabig ng dibdib
Ako'y tila papel na madaling tangayin Dinadala sa kung saan ang ihip ng hangin Ako'y tila pangarap na nais abutin Sapagkat mula sa lupa ako'y titingalain Ako'y nandidilim sa ibabaw ng lupa At pinipigil ko ang pag patak ng aking luha Ang aking ngitngit ay kulog na nakabibigla At kidlat ang lumalabas sa tuwing magsasalita Dumating ang panahong hindi ko na kaya Ang bigat ng hirap ay sukdulan na At ang aking luha ay pumapatak na Ang lahat ay ibubuhos ko na! Sa bigat ng paghihirap na pinapasan ko Ay dilim na tila tinakluban ang pag-asa mo At kapag naibuhos at umaliwalas na ako Ang araw ay sisilip na tila pag-asa mo Riyan sa malayo ako na lamang ay masdan Sapagkat ako'y di mahahawakan kahit sa malapitan Ngunit pumarito ka't ipararamdam ko ang kaginhawaan Dito sa alapaap ng walang hanggang kalayaan - JGA
0
Oct 13, 2021
Oct 13, 2021 at 7:48 AM UTC
Ulap
if everything is true I don't want to wake up If everything is just nonsense, I want to wake up, I don't want to get hurt by anything, But I hope when I wake up, I will be with the right person for me The right time To make me happy. Even if I tell you that I want you Even if I tell you that I love you Even if I want to be with you Even if it's just for a moment If every moment is forever I will be hurt Because everything will be gone I will still never forget you. If the day comes All that will be thrown away And gone away Like lightning along with what I feel for you But here I am in reality, "me" I wasn't born to be a princess But I'm full of dreams With My father dominates. If forgetting is a medicine To break up with failure I promise I won't let you down Because I know I'm with an impossible person. If I love you Whatever it takes To be with you As far as I can go All I can do To love you If there is no way to get in love If there’s nothing to fall in love If our love story is over If all that's left is love To set you free For a new chapter To live and be happy again I love you but I am only this way Only up to this point My love was only this way Only up to that point ************************* "𝕂𝕦𝕟𝕘 𝕄𝕒𝕙𝕒𝕝 𝕂𝕚𝕥𝕒 ℍ𝕒𝕟𝕘𝕘𝕒𝕟𝕘 𝔻𝕠𝕠𝕟 ℕ𝕒𝕝𝕒𝕟𝕘 𝕐𝕠𝕟" kung totoo man ang lahat ayoko nang magising Kung kalokohan lang ang lahat, Gusto kong gumising, Ayokong masaktan ng kahit ano, pero sana pag gising ko, Makakasama ko ang tamang tao para sa akin ang tamang pagkakataon para maging masaya ako. Kahit sabihin ko sayo na gusto kita kahit sabihin ko sayo na mahal kita Kahit gusto kong makasama ka kahit saglit Kung ang bawat sandali ay habang buhay akong masasaktan Dahil mawawala ang lahat Hindi parin kita makakalimutan. Kung darating ang araw Lahat yan ay itatapon parang kidlat kasabay ng nararamdaman ko sayo pero heto ako sa realidad na ako, "ako" Hindi man ako pinanganak para maging isang prinsesa ngunit ako ay puno ng mga pangarap Sa aking ama ang nangingibabaw. Kung ang paglimot ay isang gamot para makipaghiwalay sa kabiguan Pangako hindi kita bibiguin dahil alam kong nasa isang imposibleng tao ako. Kung mahal man kita Kung ano man ang kaya marating Para makasama ka Kung hanggang saan lang Ang kaya kong maabot Para mahalin ka Kung wala ng daan para sa umibig Kung nagtatapos na ang kwentong pag ibig Kung ang natitirang pag ibig nalang Ay ang palayain ka Para sa panibagong kabanata Upang mabuhay at maging masaya ulit Mahal kita pero Hanggang dito nalang Hanggang doon nalang yon.
0
Apr 18, 2025
Apr 18, 2025 at 2:15 PM UTC
"If I Love You But Only This Way" (Tagalog Version)

94
Sa bawat patak, alaalang gumugambala sa utak. Sa bawat kulog, alaalang hindi ako pinapatulog. Sa bawat kidlat, mga kamay mo na nakapaikot sakin ng nakaunat. Sa bawat hampas ng hangin, ikaw na minsan'y naging akin. Sa bawat pag ulan, napagtanto na ika'y isang malaking kawalan.
0
Jul 5, 2016
Jul 5, 2016 at 8:45 PM UTC
La Niña