Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"dinggin" poems
Simula noong ako'y bata pa, Iba ang iyong pagpapahalaga, Paulit-ulit kong itong nadarama, Isang pag-aaruga, Na hindi kayang tumbasan ng anong halaga, Sa panahon na ako'y nagkakasakit, Ako'y iyong pinipilit, Di ba't sinabi **** kailangan kong kumapit? Manalangin sa Maykapal ng mahigpit, Sapagkat pag-asa'y hindi niya ipagkakait. Di mo man sa akin sabihin, Ito'y aking napapansin, Di mo man banggitin, Alam kong ika'y nasasaktan din, Nahihirapan, Puso mo'y lumuluha, Kaya't ang tangi kong dalangin, "Panginoon ako'y inyo na lamang kunin." Kung kapalit naman nito'y pasakit at suliranin, Di ko kayang makita si Papa na ako'y nagiging pasanin, at kanyang babalikatin. Papa ika'y mahalaga sa akin, Naalala ko pa ang pagkakataong ako'y nagiging malungkutin, Niyakap mo ako kaya't ako'y nagiging batang masayahin, Ang halik mo sa akin, Kaysarap damhin! Init ng pagmamahal na hindi kayang sukatin! Pag-ibig na kahit saan kaya kong dalhin, Habang buhay kong gugunitain, Himig ng pagmamahalan natin! O kaysarap dinggin! Ang tiwala **** sa akin ay hinabilin, Bagkus ko itong pagyayamanin, Hinding-hindi ko ito sasayangin, Habang buhay ko itong pupurihin, Hanggang sa ito ay magniningning! 100 na tula alay ko sayo! Ika'y isa sa magiging pahina nito, Laman ka ng aking nobela, Na hindi maipagkakailang----- Ako'y sa'yo at ika'y akin lamang!
0
Aug 18, 2017
Aug 18, 2017 at 10:53 PM UTC
100 Na Tula Para Kay Papa
Sinasalipadpad ang mga kalat sa pulitika Umaalingasaw ang baho ng iilang kandidato Sa modernong botohan Tila may iilang selyo, May mga balotang sanay Sa may agnas na kandado. Binaha ang pila ng nanghihingi ng boto Istratehiya ng isa'y musika sa mga bingi At may mga bulag na nabibili ang dangal Iisa lang sana ang daan Pero may nagwawagayway ng limang daan. Sa Pula at sa Dilaw Andaming banderitas. Alam nyo, kapwa ko Magising tayo Mamulat na tayo Tama na ang bawian-buhay. Itong Hari ng mga Pula May tandem na Itim Dugo't budhi ma'y kayrumi Hindi kasi pinapansin Ang Itim ang Hari ng Droga Panay ang kalat sa Puerto Princesa Ang Pula ang taga-walis Tila anghel sa bawat sigaw ng masa Naglipana kasi ang salapi Mula sa bulsa niyang binulsa lang din Nagkabaun-baon sa utang Itong siyudad na wala noong bahid. Binayaran pati ang dangal Hindi lamang ng mga naturingang mangmang Eh kasi pati yung may rango Nagpatiwakal na rin Nanlimos ng barya ng bayan. Buhay mga kinitil Kung ang salita ay bibitiwan, Barilin nyo kami nang talikuran Habang may hinagpis Kaming Inang Bayan. Magwagi ka man Pula Hindi papayag ang Hari ng Sanlibutan Patas siyang lalaban sa Bayan Pagkat siyudad niya ito, Kaya nga "City of the Living God." Marami mang pakulo ang partidong Pula Sana'y Ama, dinggin mo ang mga Anak Kami'y maralita Palimos ng pag-asa Lalaban para sa hustisya. Mga kamay Mo ang yumapos sa bayan At basbas Mo'y sa Dilaw Pagkat ang puso ang Iyong tinitingnan Hindi ang pagkilos nang walang pagtingala Sayo. Ikaw ang Maghari Ama
0
Apr 29, 2015
Apr 29, 2015 at 10:23 PM UTC
Recall

Continue reading...
54
May isang bagay na nais kong sabihin May mga salita akong nais na bawiin, Di ko alam kung dapat ko pa bang banggitin Pero kahit saglit, ako sana'y iyong dinggin Naaalala mo pa ba nitong araw na nagdaan? Isang tula mula sa akin ang iyong napakinggan Huling Mensahe kuno kaya ako nagpaalam Ipinangako na pipilitin kong maparam Na pipilitin kong mawala Itong damdamin na di ko alam kung paano ba nagsimula At mas lalong di ko alam kung paano mawawala! Ano ano pa ba ang mga dapat na gawin? Bakit ba kay hirap nitong tanggalin? Inunfriend ka sa fb, dinelete message mo Di ka pinapansin,umiiwas na ko ng todo Lahat na yata ng paraan ginawa ko Pero di ka pa rin talaga natiis ng puso ko Kanina lang kausap ulit kita Napapangiti tuloy ako ng para bang tanga Nagsasalita na ako dito mag isa Mga tao sa paligid ko para bang nagtataka Mga kasama ko bigla na lang napapanganga Eh ano bang **** nila? Minsan na nga lang maging masaya, Papakialaman pa ba? Minsan na nga lang magkaroon ng sigla Itong mundo kong puno ng lungkot, ng takot,ng pangamba, ng kawalang pag asa, Kaya salamat talaga at nariyan ka Picture mo pa lang ang laki na ng epekto, Para akong sira ang ulo, malaki ang depekto Sa isip na walang ibang laman kundi ikaw At puso na walang ibang sinisigaw Kundi ang pangalan ng nag iisang ikaw At magdaan man ang maraming taon O lumipas ang mahabang panahon, Ikaw lang at walang iba Sasabihin ko lang naman talaga Gusto kita.
0
Apr 4, 2017
Apr 4, 2017 at 7:21 AM UTC
Gusto kita (spoken poetry)
Minsan ako'y nanalangin, diwa ko'y nag-aalanganin. Di alam ang uunahin, di alam ang sasambitin. Gusto sanang alamin ano bang plano sa akin? Sana naman ako'y dinggin at wag nang pagisipin. Ang hirap kasing baybayin, lalo na kung hihimayin. Puso ko'y tila nakalambitin, nakalutang sa hangin. Pilit kong aalalahanin mga bilin mo sa akin. Mabigat man ang damdamin, alam kong andyan ka para ako'y yapusin.
0
Feb 10, 2019
Feb 10, 2019 at 4:14 AM UTC
PANALANGIN
gusto kong lumapit sayo ngunit, sa tuwing gagawin ramdam ko ang 'yong paglayo pagmamaka-awa'y dinggin gusto kong hagkan ka muli alam 'to ng mga bituin bukambibig 'to sa gabi binubulungan ang hangin ngunit anong magagawa? kung ayaw mo na saakin isa lang akong mahina gin'wa para 'kay mahalin
0
Oct 4, 2016
Oct 4, 2016 at 6:21 AM UTC
mahina
Ang luhang pilit na kinukubli, bumuhos, parang talon Sa mga pisngi kinikimkim, hanggang sa pusong humihinahon Mga kamay halukipkip, ang bibig ay takip-takip Sariling Hikbi, ayaw marinig ang nais, habang buhay na maidlip Ngiti nga'y naglaho, maskara'y nawala Masasayang halakhak, bulaklak na nalanta Pusong pinilit mabuo, maging bato Nadurong sa isang pagkakataon... Sa ala-ala mo Ang malayang paglalakbay ay sinubok kong mag-isa Inilayo ang puso ko, sa iyo ng aking mga paa... Pinilit na wag lingunin ang nakaraan Mga mata ay tinakpan, sarili'y piniringan Tainga'y pinilit takpan, madiin, madiin Na kahit bulong ng puso, di ko na kaya dinggin Ngunit ang damdamin, sumisigaw, humihiyaw Maliwanag, malinaw, malakas na bulong ay ikaw Ngayon gabi, sa pagtulog, halika sa panaginip ko Sa panagip baka doon, tayo magkatotoo Halika, mahal, halik sa tabi Tulungan mo akong palayain ko ako...
0
Dec 13, 2013
Dec 13, 2013 at 2:52 AM UTC
KUBLI
Sinulat ko ito para sa babaeng inspirasyon ko Sinulat ko to para sa babaeng gusto ko Sinulat ko to kahit di mo gusto Sinulat ko to sa damdaming nanawagan para sayo Sinulat ko to kahit kupas na ang gamit na mga litanya Sinulat ko ito sana'y dinggin at pakinggan Sinulat ko to para sa babaeng mahal at mamahalin ko Sinulat ko to para sayo, aking sinta. Babaeng sinta nakita ko sa'yong matang nakasandal sa pighati hatid ay lumbay at kalungkutan Damdamin mo'y gusot nilukot pinaikot-ikot, kirot ang naidulot Di ka ba napapagod Sa iyong matang luhang di mapigilan pumatak ,umaagos hanggang sa mapagod at makatulog ngunit minsan nauudlot dahil sa sakit na naidulot Bibig at boses na ginapos ng nakaraan sa matatamis mabobolang salita lumipad sa kawalan humantong na bitiwan ka nya Ngayon ay hikbing paudlot udlot, pwede mo na ba ihinto? Para sa taong handa kang hintayin at mahalin ng walang halong kasinungalin at tunay. Handa ang panyo para punasahan ang iyong luha Handa ang tenga para dinggin ang iyong walang katapusan na drama Handa ang mga kamay ipagluto ka punan ang iyong katakawan Handa ang boses para ikaw kantahan kahit sa lumang paraan na tawag ay harana Handang handa kang paglingkuran kahit labhan ang damit ng iyong mga kuya Handa kang samahan sa iyong kasiyahan lalo na sa panahon ng iyong kalungkutan Handang gawin ang lahat ng makakaya para ikaw mapasaya lamang Handa iaalay ang sarili sa Diyos at hubugin ang sarili para maging karapat dapat sayo at sa pag ibig **** alay Handa ako ipakilala ka sa aking pamilya Handa kang hintayin kahit gano man katagal Handa ako na patunayan ang bawat pangako na nakasulat dahil dapat ang isang lalaki ay may isang salita Handang handa ako mahalin at ipaglaban ka sinta. Kapal man ng mukha ang sayo'y iharap Wag mo sana tingan sa itsura sana makita mo ang puso kong malinis ang intensyon totoong tunay Pakiusap muling buksan ang iyong sugatan hilom na puso; Para sa lalake di uso ang laro Sa bawat bigkas na taludtod Pangako sayo di mapupudpod Puso **** naupod napagod Di na mauulit ang pagkakataon na iyon Sayo'y di kahit kelan mapapagod Intidihin ka sa bawat pagkakataon Respeto at pangunawa ang aahon Para sa panahon sa muling pagkakataon Andito lang ako andito ako naghihintay at maghihintay sayo
0
Mar 4, 2018
Mar 4, 2018 at 2:05 AM UTC
Handa

40
habang naglalakad ako sa lupain ng mga sirang pangarap, mayroon akong pangitain sa napakaraming bagay. ang mga paghihinagpis tila baga'y tumutulong upang madagdagan ang aking pasan sa mundo. aking napagtanto na ang kaligayahan ay isang kalinlangan lamang. sa aking pagkalumbay at pakiramdam ng disorientasyon, buong buhay ko'y nabuhay sa takot. ang mundo'y pinamumunuan ng mga batas ng poot na matatagpuan sa iba't ibang dako. kaya naman ay ang mga nakararanas ng dalisay na kaligayahan ay isang hindi pangkaraniwang pangyayari. sa bawat araw ng aking paghihirap, umaasang makakaahon sa ilang butil ng kasaklaman ngunit sa kaibuturan ko, wala akong ibang makikita kungdi ang kasuklaman ng buhay. patuloy akong naglalakad sa mga anino upang maghanap ng liwanag ngunit aking napagtanto'y malinaw kong nakikita na wala nang ibang paraan upang makalabas pa sa suliraning ito. sa aking buong pagkabuhay, dala-dala ko ang mga basag na pag-asa't mga tipak na salamin. ang tanging sinag ng araw ang natitirang kislap ng aking mga masidhing lunggati sa rurok ng tagumpay. kung iyong titignan ang marikit na lilim ng gintong apoy na nagngangalit sa kanluran, ito ay ang aking mga minimithi na nakalilim sa puwang ng kalangitang asul. nais kong lumipad nang malaya tulad ng isang ibon sa kalawakan. sa mga kislap ng mga tala'y nakatingin, hinihiling na sana ang panagimpan ko'y dinggin. lahat ng iya'y hindi makakamtan sapagkat ako'y isang hamak na bata lamang na nangangarap ng imposible. pinapanood malunod ang aking sariling mundo mula sa aking bintana'y natatanto, mga pangarap ko'y dahan-dahang inaanod. sa araw-araw na aking paglalakbay sa mga repleksyon ng kadiliman, isa lang ang aking katanungan, isang ilusyon lamang ba ang kapayapaang aking matagal nang inaasam?
0
Apr 21, 2022
Apr 21, 2022 at 6:29 AM UTC
isang kislap ng pangarap

4
ilang beses na akong naniwala, naniwala sa mga mapanlinlang na salita, naniwala sa mga mapagpanggap na gawa, ngunit sa bandang huli'y trinato na parang wala. ilang beses na rin akong pinangakuan, pinangakuan na hindi ako sasaktan, pinangakuan na ako'y aalagaan, ngunit sa bandang huli ako pala'y iiwan. kaya ako'y may gustong hilingin, sana ito'y iyong dinggin, sa bawat salitang aking babanggitin, sana ito'y iyong tuparin. dahil sayo ako'y susubok muli, sana ika'y manatili sa aking tabi, kung maaari sana'y 'wag akong isantabi, 'wag tratuhin na isang pagkakamali. simple lamang ang hiling ko aking sinta, mahalin mo ako ng tapat at walang pagdududa, sa bawat salita ay sana maging totoo ka, 'pagkat mahal kita at sa akin ay mahalaga ka.
0
Aug 5, 2017
Aug 5, 2017 at 3:39 PM UTC
Hiling
Maisusulat ko ang pinakamalulungkot na tula ngayong gabi. Maisusulat, halimbawa: “Ang gabi’y mabituin, at nanginginig, asul, ang mga tala sa dako pa roon.” Umiikot sa langit ang hangin ng gabi, umaawit. Maisusulat ko ang pinakamalulungkot na tula ngayong gabi. Siya’y inibig ko, at kung minsan ako’y inibig din niya. Sa mga gabing tulad nito, niyakap ko siyang mahigpit at hinagkan sa lilim ng walang-hanggang langit. Ako’y inibig niya, kung minsan siya’y inibig ko rin. Paanong hindi iibigin ang mga mata niyang malamlam? Maisusulat ko ang pinakamalulungkot na tula ngayong gabi. Isipin lang: Hindi ko siya kapiling. Nawala siya sa akin. Dinggin ang gabing malawak, mas malawak pagkat wala siya. At ang tula’y pumapatak sa diwa, parang hamog sa parang. Ano ngayon kung di siya mapangalagaan ng aking pag-ibig? Ang gabi’y mabituin, at siya’y hindi ko kapiling. Iyon lamang. Sa malayo, may umaawit. Sa malayo. Diwa ko’y hindi mapalagay sa kanyang pagkawala. Anyong lalapit ang paningin kong naghahanap sa kanya. Puso’y naghahanap sa kanya, at siya’y hindi kapiling. Ito ang dating gabing nagpaputi sa mga dating punongkahoy. Tayo, na nagmula sa panahong iyon, ay di na tulad ng dati. Hindi ko na siya iniibig, oo, pero inibig ko siyang lubos. Tinig ko’y humalik sa hangin para dumampi sa kanyang pandinig. Sa iba. Siya’y sa iba na. Tulad ng mga dati kong halik. Tinig, maningning na katawan. Mga matang walang-hanggan. Hindi ko na siya iniibig, oo, pero baka iniibig ko siya. Napakaikli ng pag-ibig, at napakabata ng paglimot. Pagkat sa mga gabing tulad nito’y yakap ko siyang mahigpit, diwa ko’y di mapalagay sa kanyang pagkawala. Ito marahil ang huling hapding ipadarama niya sa akin, at ito na marahil ang huling tulang iaalay ko sa kanya. “Tonight I Can Write The Saddest Lines” ni Pablo Neruda sinalin sa Filipino ni Jose Lacaba.
0
Dec 16, 2016
Dec 16, 2016 at 9:30 AM UTC
Kung 'di Man

43
Dinggin ang bawat salita mula sa puso ko mahal. Ikaw lang ang sinisigaw ng damdamin kung tunay. Araw araw at gabi gabi, isip ay hindi mapakali. Puso'y laging kumakabog habang ikaw ay nasa tabi. Totoo ba talaga and nararamdaman? Na ang pag ibig ko sa'yo ay walang hangganan. Na sana ako'y mahalin din ng walang katapusan. Sa paglalakbay,  kamay mo lang and lagi kong hahawakan kung saan man ang patutunguhan. Ligaya s'akin mga mata habang ikaw ay pinagmamasdan. Hindi kapanipaniwala na ang pagibig mo'y s'akin lamang. Ingatan mo ang puso kong madaling masaktan. At ang hiling, o giliw, ay mahalin ng sapat at ng lubusan. -MPS12
0
May 29, 2017
May 29, 2017 at 2:24 PM UTC
Mahal
para sa Kidapawan Diktador ang makinarya. Maringal ang langit. Walang ulan para sa pasasalamat. Ang ating tanging pagkakakilanlan ay pumapaimbulog sa bawat sugat na nagsara. Muli nila itong bubulatlatin. Hindi paham ang gatilyo. Mabilis na matutuyo ang pangako kung pawawalan ito sa katanghaliang tapat. Tanaw ng nakabiting ulo ng araw ang lahat ng nangamatay. Kasabay ng hangin ang pagpapaluka. Hudyat ng ulan galing sa ibaba – gigibain ang makapal na barikada ng katawan atsaka muling uuwi sa asawa’t anak na may bahid ng pula ang kamay. Dulo ng kuko’y kapiraso ng mundo. Itim. Hugis buwan. Ang pagputok ay isang rekoridang laging gumagapang patungo sa tugatog ng isang alala. Dadalhin nila sa bingit ng pagpaparam ang babasaging boses – ang mga bubog ay isasaboy na lamang sa lansangan. Lumalaon ay dumidiin ang bulahaw. Inutil lamang ang pagtatalik ng kamay at bakal. Umusal na lamang ng dasal sa likod ng kakahuyan at baka dinggin ng bathala ang panayam. Walang iisang dilang tumatabas sa dahas. kung saan sisimulang hanapin ng mga mata ang isang lugar kung saan ang lahat ay iwinawasto ng nakaraan ay lingid lamang sa kaalaman. bago mangapal ang dilim ay nilusong ng mga kalalakihan ang nalalapit na katedral. Naghahabol ang papauwing liwanag na masaksihan ang kabalintunaan. wala silang nakita, katawan lamang sa lansangan, tinutubos ng kasaysayan.
0
Apr 3, 2016
Apr 3, 2016 at 7:56 AM UTC
Pagpapamudmod
Hindi ko tanda kung bakit Basta't alam kong masakit... Masakit ang iwan ka ng taong mahal mo Tulad na lamang ng  pang-iiwan ko sa'yo Hindi ko alam kung ano ang rason Basta't mga damdaming ito'y dapat nang ibaon Na dapat na lamang limutin ang lahat Ngunit yun pala'y, hindi ito sapat Aaminin ko na ngayon na ako'y nagkamali Na ang iyong pagtitiwala'y tuluyan kong binali Bakit ko nga ba nagawa ang mga bagay na iyon? Na pati pagmamahal mo'y basta nalang tinapon Ako'y di karapat dapat sa isang tulad mo Ngunit sa pagkakataong ito, sana'y dinggin mo ako Limutin na natin ang mapait na nakaraan Pagkat Diyos na rin mismo ang gumawa ng paraan... Kundi dahil sa aksidente, di ako matatauhan Sa pagmamahalan nating puro galit at tampuhan Kaya burahin na natin at magsimula muli Gawin ang tama't huwag nang mag-atubili Pasensya na rin kung di kita lubusang tanda Basta't sa kinabukasan, tayo'y maghanda Paano nalang kaya ang buhay ko kung wala ka? Laking pasasalamat ko nalang  sa'king amnesya
0
Oct 17, 2015
Oct 17, 2015 at 12:40 PM UTC
Amnesya
at hindi mo 'man ako alalahanin sa paraan na aking gustuhin hindi mo na rin siguro sasaliksikin na kung bakit ikaw ang paksa sa "kung paano ako mahalin" hindi na rin para iyong mabatid at dinggin sapat na ang yapos ng hangin na may panalangin hindi ka 'man naging akin minsanan din naman kitang na-angkin
0
Sep 4, 2024
Sep 4, 2024 at 5:11 AM UTC
isiping 'di ka patutulugin - 01.
*Gumawa ka ng makasaysayan sa iyong buhay na ito'y hinding hindi mo makakalimutan Sa tuwing babalikan mo ito ay maging parte ng iyong buhay. Mga ala-alang dinggin, hiling na sa tuwing maririnig mo ang mga salita at emosyong nakabalot sa iba't ibang panig ng daigdig. Maglakad ka, maglagkbay hanggang sa dalhin ka ng iyong mga paa Sa bawat litrato o lugar na iyong mapupuntahan. Maglista ka! Ipunin ang lahat ng masasayang bagay, tao, lugar, pagkain at kung anu-ano Mga karanasang nais **** gawin habang bata pa! gawin mo ang nais ipahiwatig ng damdamin, puso at buong pagkatao Hanggang sa ito'y masaktan, masugatan, malunod sa nag-uumapaw na kasayahan. Walang humpay na inaasam, kamitin ang nais marating. Hanggang nasa iyong mga palad na ito. At habang nariyan pa, huwag na huwag **** kalimutang ipalaganap ang mga mensaheng dapat pakawalan. Huwag igapos dahil ito'y wawasak din sa iyong panahon.*
0
Sep 25, 2015
Sep 25, 2015 at 12:23 PM UTC
Untitled
Ikaw ang naging mundo ko Una pa lang nahulog na ako Sinubukang pigilan itong puso Subalit pangalan mo ang sigaw nito Ang sarap **** pagmasdan Di nagsasawang ika'y titigan Ngiti mo'y hindi makalimutan Hanggad ko lamang ang yong kasiyahan Dalangin ko'y sana'y dinggin Na balang araw ika'y mapasaakin Sana'y di pa huli ang lahat saatin Magtiwala ka, hanggang huli ika'y iibigin
0
Nov 1, 2018
Nov 1, 2018 at 10:29 PM UTC
AKING SINTA
ang hangin ay merong hatid na amoy at pawang init naman ang nasa apoy sa tubig, mayroong ahon pag nalulunod sa lupa, may bangon yaong mga na-talisod Bilangin Nawa Tagong Bituin ,,,, upang hiling wagas makapiling !!! buhangin din tila pumag-ibig ,,, lutang ngunit saganang alamin !!! Tulak ng bibig kabig ng dibdib kung ayaw daw maraming dahilan Puspos o kapos, bawas o Tigib kapag gusto raw, merong Paraan para umigi kapupuntahan,,, lingonin lagi pinanggalingan sampuan man 'tong pagpapantigan, Takaw-dinggin sa naninindigan !!!
0
Apr 16, 2022
Apr 16, 2022 at 6:43 AM UTC
"Sabado de Gloria"
umagang kay lamig napapaos na tinig sintunadong himig sana'y may makarinig nauutal na bibig nanghihinang mga bisig matang hindi maka-titig sa mga hindi masabing katinig tagimpang makisig kumukupas na daigdig humihinto ang bawat pintig nawa'y dinggin ang pahiwatig
0
Feb 11, 2020
Feb 11, 2020 at 8:23 PM UTC
Untitled
dinggin ang lagaslas ng tubig na pumapalupot sa bisig. handa na ang bukana. kasabay ng pag-alon ng damdamin ang p a g b a g s a k ng lamig na dala ng pag-lisan o ang init na lulan ng pag-dating papalapit ng papalapit sa nagngungusap na mga mata, sinasalamin nang iyong banta ang aking bibig. bilugan, hubad, tahimik.
0
Nov 4, 2015
Nov 4, 2015 at 4:38 AM UTC
Baso
nakakatakot na sarili'y kilalaning lubusan dahil kasa-kasama'y pagkatao kong maitim pa sa balahibo ng uwak; dahil kaakibat nito'y kausapin siya at dinggin ang kanyang pakiusap na siya'y isulat kahit ayoko'y ayoko na, ayoko na ayoko na ayokong isulat sadyang kataga ngunit heto ako't sinulat pa rin siya ayoko siyang pakinggan ayoko na, ayoko na ngunit heto ako't nagpatangay sa mga salita naririnig ko aking mga sinusulat malinaw pa sa'king mga mata di kaya siguro nga'y mas mainam kung siya nalang ang bahala? baka nga kaya'y mas mainam kung siya nalang ang bahala kontrolin ang buhay kong tutal nama'y lagi niyang pinapakialaman siya nalang ang bahala ayoko na, ayoko na siya nalang ang bahala kahit mapagpasiyahan pa niyang mawala na kaming parehas kung sa pagkawala sarili'y mahanap at ayos lang ako ay malimutan ng lahat naisulat ko naman siya.
0
May 25, 2018
May 25, 2018 at 1:52 PM UTC
padala sa agos ng itim na tinta.
Lungkot sa mga mata'y iyong pawiin Lungkot sa mga labi'y iyong tanggalin Lungkot sa puso'y iyong pagaanin Lumipas na ang panahon ngunit ikaw parin Lumipas na't lahat, pakiramda'y pinapainam parin Muling babalikan ang masasayang ala-ala Muling ibabalik ang dating sigla Hanggang kailan ka kaya tatakbo sa aking isipan Hanggang kailan kaya ngingiti na ikaw ang dhailan Hanggang kailan kaya madarama itong paru-paru Ilang beses pa kaya aasa sa iyong pag balik Ilang tula pa kaya ang gagawin bago ka limutin Ayoko pa tapusin ang pantasyang ito Ayoko pa tapusin ang lahat ng ito Patuloy na mananalig na sana'y dinggin ng tadhana ang siyang hiling Patuloy na dadamhin ang inam sa pakiramdam na iyong dulot kahit hindi ka na kapiling
0
Jun 19, 2020
Jun 19, 2020 at 2:24 PM UTC
M A H I K A
Sa bawat oras na kayakap kita, Piling mo'y palagi kong ina-alaala. Sa bawat oras na nagsasalita ka, Mga ibinibigkas mo'y pawang musika sa aking tenga. Sa bawat oras na tinitigan kita, Para akong nasa langit nakatulala. Pero lahat na ito, totoo nga ba? Hindi ba tayo nilalaro ni tadhana? Gugustuhin ko man maniwala, Ano pama'y aking magagawa? Kung lahat na ito'y isang panaginip na gawa-gawa? Nagmamaka-awa ako paki-usap ko'y dinggin niyo na. Sa bawat oras na kasama kita, Palagi kong itinatanong sa Maykapal, Ito na ba talaga? Ikaw na ba talaga iyan? Ngunit noong hinawakan ko ang kamay mo, Bigla akong nagising sa katotohanan. Lahat lang pala iyon ay isang panaginip lamang. Ah, tama ang hinala ko. Hindi nga talaga pwede na maging tayo. Kase alam ko na ang ikaw at ako. Ay isang kalokohan na gawa-gawa ko. Isang walang kwentang kathang-isip na gawa ko. Ah, kaya pala nagising akong luhaan. Dahil binigyan ako ng isang magandang kasinungalingan. At sa pagmulat ng aking mata, Binigyan ako ng isang mapait na katotohanan. Bakit ko pa ba napaniginipan iyon? Kung alam ko na sakit lamang ng puso ang makukuha ko. Hay naku! Ang sakit ko namang managinip. Isang napakasakit na mapag-isang panaginip.
0
May 9, 2019
May 9, 2019 at 10:29 AM UTC
Mapag-isang Panaginip
Pangyayaring di ko aakalain Ikaw na nakahuli ng aking paningin Anyo **** sa isip ko'y tumanim Liwanag ang dulot sa mundo kong nababalot ng lungkot at dilim. Oras, araw, bwan, taon ang nagdaan Pagtingin sa iyo'y tila nananahan Pag-ibig na nga ba ang nararandaman? O nararapat ang puso'y mag dahan-dahan. Simple lang ang aking hiling Nawa, tinig ng puso ay dinggin Panalangin ng sarili sa mga bituwin Maging kaibigan ka, kahit di na mapa sa aking piling. Ngunit ang isip ay nababahala Sa puso, ito'y naghahatid ng kirot at pagkasira Ang dating dulot ng pag-ngiti, ngayon ay pag luha Bakit ba ang sarili sa iyo'y di nagsasawa? O aking paki-usap sa iyo Sana naman, ako'y pakinggan mo Sa akin nawa ay huwag lumayo Kahit na kakilala mo lang ako. Isip ko'y gulong-gulo Ulo'y di makapag-isip ng diretso Puso'y nangangailangan ng mga payo Tanggapin mo nawa ang pagsusumamo.
0
Jan 26, 2019
Jan 26, 2019 at 7:35 AM UTC
Mga luha sa likod ng aking ngiti
Gabi-gabing tinitiis ang lamig Ng pusong binibigo ng pag-ibig Unti-unting bumibitaw ang mga kamay Sa relasyong unti-unti na ring namamatay Sa bawat bitaw ng buntong-hininga Kalakip ang malaking panghihinayang Sa bawat luha na tumulo mula sa mata Kalakip ang mga alaalang puno ng lumbay at ligaya Pilit mang itulog na lang ang lahat Pilit mang ibaon ang sakit sa limot Pilit mang magpakalunod sa nadaramang lungkot Sadyang hindi magawa ng pusong nayayamot Kailan kaya gigising sa umaga Na kayang tanggaping wala ka na? Kailan kaya gagalaw muli ang oras Na tumigil nung bigla kang nawala? Kailan maghihilom ang mga sugat Na dulot ng mga hinagpis ng kahapon? Kailan kaya ako makakalimot ng lubos Para puso'y matutunang umibig muli? Bathalang Maykapal na sa langit ay nagmamasid Dinggin ang aking mga panalangin ng hinagpis Ako po'y nagsusumamo't dumudulog sa inyo Pawiin ang lungkot na pinagdurusahan ko O Pag-ibig na mahirap mahagilap Na hanggang ngayo'y nananatiling mailap Sana'y ang susunod siya na ang huli Ang babaeng makatatagal sa aking mga bisig
0
May 19, 2019
May 19, 2019 at 2:52 PM UTC
Dalangin
Dinggin ninyo Ang pag-ibig ay mapanibughuin Ayaw may kahati Ni ayaw magpasaling Ang pinangakuang kamay lang ang dapat tumangan Kapag may ibang humawak Ay mangyayari ang tunggalian Ito'y maramot - di mapagbigay Sa tulaling kabiyak niyang laging nakaugnay At ang takbo ng oras sa kanila ay mabagal Nararamdaman ng bulag Nauunawaan ng pipi Umaalingawngaw sa tenga ng bingi Walang kapansanan Walang dahilan sa hindi pagganap Ngunit nang minsan natanaw Na may ibang kalaguyo Nagunaw ang mundo Dahil lubos ang tampo
0
Oct 4, 2019
Oct 4, 2019 at 11:50 PM UTC
Ang pag-ibig Ang Panibugho