Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Marja Morales Aug 2017
ikaw,
ikaw yung piyesang wala akong pakialam
kahit ilang beses ko pang ulit-uliting basahin.
ikaw,
ikaw yung mga salitang walang tigil na bukambibig
na hindi ko kailanman gugustuhing bawiin.
ikaw,
ikaw yung musikang parating kakabisaduhin
ng mga tenga kong hindi ka pinagsasawaang dinggin.
ikaw,
ikaw yung pagmamahal na pipiliin at pipiliin ko pa rin,
kahit marami pang iba diyan na pwedeng dumating,
hindi pa rin matutunan ng puso 'tong minsan **** nagawang mahalin
na limutin ka dahil patuloy at patuloy ka pa rin nitong hahanap-hanapin,
dahil ikaw at ikaw pa rin
ang magiging pamagat ng tulang ito,
ang dahilan kung bakit pagod na naman ang mga kamay ko
sa kakatala ng mga ala-ala **** patuloy pa ring akong minumulto
dahil ikaw pa rin at walang nagbabago
ikaw pa rin kahit anong gawin ko,
ikaw pa rin kahit anong pilit ko,
ikaw pa rin kahit anong subok ko,
ikaw pa rin kahit ilang beses ko
pang ulit-ulitin sabihing huli na 'to,
ikaw at ikaw pa rin,
ikaw pa rin ang mahal,
ikaw pa rin ang minamahal,
at ikaw pa rin ang mamahalin ko.
HYA Nov 2017
Dinggin ang hininga ng may alikabok
Unawain ang kamay pagkatapos ng suntok
Mahalin ang pait sa matamis na mansanas
Tignan ang pagbuhos ng tubig mula sa itaas

Obserbahan ang lahat ng ito, mahal
Sapagkat kahit kamay mo'y hindi mahawakan
Bumalik ka sa ating munting tagpuan
At punasan ang luha sa aking pagtahan

Ngunit hindi pwede ang pag-iibigan sa aking piyesa
Kagaya nalang sa iyong pagngiti ay hindi dapat gawan ng malisya
Ang simpleng pagtawa ay nakakahumaling
Kaya dapat ikaw din ay magbighani sa akin

Hindi nga, hindi ito pwede
Kahit ang magustuhan kay napakaposible
Ako'y natukso sa magarbong panganib
At ikaw, sinisinta ko, ay nasa kanilang panig

Tayo'y pinagtagpo ngunit hindi para sa isa't isa
Kagaya ng isang mundo at ng kometa
Sa kanyang paghulog, marami ang nahalina
Kasabay nito ang pagwala ng kanyang presensya

Kagaya ng mismong puno at ang mga dahon nito
Pagkatapos ng kasaysayan ay mahuhulog din sa pinto
Na para bang ikaw at ako
Ikaw ay nakatayo habang ako'y nahuhulog papalayo sa iyo

Bumalik sa ating munting tagpuan
Kahit ikaw naman talaga ang sariling tahanan
At doon ko tatapusin ang aking panaginip
Kung saan ikaw ay naging akin kahit na saglit
written with wis dedicated to Mhaye Louisse hehe♡
Uanne Feb 10
Minsan ako'y nanalangin,
diwa ko'y nag-aalanganin.
Di alam ang uunahin,
di alam ang sasambitin.

Gusto sanang alamin
ano bang plano sa akin?
Sana naman ako'y dinggin
at wag nang pagisipin.

Ang hirap kasing baybayin,
lalo na kung hihimayin.
Puso ko'y tila nakalambitin,
nakalutang sa hangin.

Pilit kong aalalahanin
mga bilin mo sa akin.
Mabigat man ang damdamin,
alam kong andyan ka para ako'y yapusin.
02.06.19
11:11pm

— The End —