Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"mahabang" poems
Sa loob ng jeepney, akoy may kursunada Ang babaeng gustong makilala, medyo suplada Biglang tinanong nya ako, “bakit may itatanong ka ba?” Kaya sagot ko, “wala akong itatanong, pero may kaba” Kaba sa dibdib, dahil sa binigyan ako ng pansin Mula sa binibining suplada at di ko yun akalain Na magpapasaya at bububuo sa mahabang araw Nang minsang napatingala sa kagandahang natanaw Dagdag ko, “Magbayad na tayo” Sabi nya, “bayad lang walang pang tayo” Sinabi ko ulit “Miss, pwede namang pambayad ang ngiti, (bakit?) kasi yung 500 mo wala silang panukli” Sa loob ng isipan koy tumutula, Sa labas ang mga mata koy natutulala Nabighani ng ganda at napahanga Di ko napapansin tulo laway labas dila Ngunit sa mukhang tila nakasimangot Napansin ko sa mga mata’y may lungkot Kaya Ang magpasaya, kahit papano ay aking ginawa Nang Minsan sana’y dumampi ang ngiti, at magbigay ng tuwa Ginawa ko na ang simpleng galawan Inaabot ang bayad, upang kamay nya ay mahawakan Gusto ko din sanang malaman ang kanyang pangalan Baka may pagasa kung sya ay liligawan Wala man akong pera, mahalaga masaya Wala man akong pera, basta katabi ko maganda Wala man akong pera, basta wala akong sakit Wala man akong pera, basta kami ay nagkalapit Aking naalala, aking naalala..... Wala pala talaga akong pera Ni piso isa, wala sa bulsa Pano na? Pano na? Kaya ang ending ng love story, Mamang tsuper I’m sorry Pagtumigil na tong byahe, Takbo sibat, handa na akong mag 123....
0
Sep 30, 2018
Sep 30, 2018 at 10:19 AM UTC
Crush Sa Dyip
Hindi ako magaling kumabisado Inaamin ko, hindi ako magaling kumabisado Higit sa lahat, ayokong pinipilit akong tandaan ang mga bagay na ayoko Pero gusto kong makabisado ang tunog ng pagakyat mo sa hagdan Gusto ko makabisado kung ilang kutsara ng asukal at takal ng gatas ang tinitimpla mo sa kape Gusto ko makabisado kung anong paborito **** palaman sa tinapay at kung kailangan mo ba ng alalay Gusto ko makabisado kung inuuna mo bang kainin ang balat ng manok o hinuhuli mo Gusto ko makabisado kung anong timpla ang gusto **** sawsawan sa iyong ulam...matamis, mapait, maasim o maanghang. Matamis, mapait, maasim o maanghang... Gusto kong makabisado, Gusto ko makibasado kung paano minumulat ang mata matapos magising sa mahabang panaginip Gusto ko makabisado ang galaw ng iyong mga kamay sa kung paano mo inaayos ang iyong kurbata Gusto ko makabisado kung paano mo tinatali ang sintas ng sapatos mo sayong mga paa Hindi ako magaling kumabisado... Inuulit ko, hindi ako magaling kumabisado Pero gusto ko makibasado lahat ng tungkol sayo, Sa maliit man o malaking detalye, madami man o kaunti Sa kung paano ka bumangon sa umaga at sa pagahon ng araw, Lahat ng iyong ginagawa sa umpisa at ang iyong hiling kapag tapos na Importante man o walang kahulugan, mahalagang ito'y aking malaman. Ang gusto ko lang makabisado Makabisado Makabisado At sa huling beses, uulitin ko Hindi ako magaling kumabisado Pero kakabisaduhin ko ang hugis ng iyong mukha, ang maiitim at mahahabang pilik mata, ang ngiti sayong labi, ang tunog ng hininga kapag ika'y katabi Gusto ko lang makabisado At kakabisaduhin ko Kakabisaduhin ko kahit gaano katagal Abutin man ng syam-syam, buwan-buwan, taon-taon, Itaga mo man sa bato Sumigaw ka man ng "darna" Pero mahal, kakabisaduhin ko... Kakabisaduhin ko, Maubos man ang mga bituin na siyang nagbibigay direksyon sa kung saan patungo Kakabisaduhin ko simula sa umpisa hanggang sa dulo Simula sa unang letra ng pangalan mo, kasunod sa numero ng kaarawan mo hanggang sa hibla ng buhok mo Panagako mahal, kakabisaduhin ko para sayo Kakabisaduhin ko At kakabisaduhin ko ang tibok ng puso mo, Umaasang baka sakaling masabayan ko
0
Oct 26, 2016
Oct 26, 2016 at 9:11 PM UTC
16

Continue reading...
48
hindi mo yata napansin dahil ang bilis, ang bilis ng pagtibok ng puso ko ang bilis ng mga dumarating na alaala na nakalimutan na natin kung anong mayroon tayo ang bilis, ang bilis lang ng mahabang panahon na kung saan ibinigay ko na ang sarili ko sa iyo na kung saan wala na akong natira para sa sarili ko hindi ko inakala na parang kahapon lang pilit ko sabihin na mahal kita sa kahit anong paraan pero ngayon ay pinipilit na kitang huwag  ako pakawalan ang bilis. pero ang bagal ang bagal ng sakit na idinulot nang iyong pag lisan ang bagal ng panahon nang pag hilom ng sugat na iniwan mo sobrang bagal na halos nawala na ako sa kakabilang ng oras dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko kakalimutan ang araw na iyon. sana sa susunod magpapaalam ka muna bago mo bigyan ng ulap ang takipsilim na sa iilang oras na lang ay mag gagabi na.   sa tingin ko, dapat ko munang pigilan ang pagiisip sa mga bagay na to, dahil alam ko naman ni kahit isang salita ko hindi mo bibigyan ng pansin. Sobrang daya mo naman dahil lahat ng sinabi mo binigyan ko ng diin. lahat ng drama mo, lahat ng kalokohan mo lahat ng nagmamahal sayo lahat ng gusto mo lahat yun alam ko. hindi ko naman pwede ipagmayabang yun wala lang din dahil ang pwede malaman ng lahat iniwan mo na ako. wag na natin patagalin pa dahil alam na nila alam mo na alam ko na rin sa sarili ko. wag na natin ipilit yung mga bagay na wala na ang nais ko lang naman ay ang iyong paalam at sana marinig mo rin ang akin. paalam na sa munting pahayag na isinulat natin noong tayo pa ay masaya, madami akong natutunan sa'yo at madami ka rin natutunan sa akin, at biglaan, biglaan na muli nating bingyan ng magandang pag salubong ang pagwawakas na kung anong mayroon tayo dahil gusto mo na ako magsulat sa pahina ng iba ngunit naiwan ko ang lapis na kung saan nandoon pa sa iyong tabi paalam na sa mga umaga na sa pag gising ay halos ngiti agad ang nakadapi sa ating mukha na inuunahan pa natin ang pagsikat ng araw bago pa tayo magpaalam sa isat isa. paalam na rin sa saya na tayong dalawa lang ang nakaka alam paalam na. ang bilis lang diba? sana kung gaano kabilis rin ang pag paalam ko ay ganoon rin kabilis sa'yo. paalam.
0
Jan 8, 2017
Jan 8, 2017 at 8:45 AM UTC
paalam, paalam

73
Mayro'ng patingin-tingin Sa mahabang usapin Sa lumipas na araw Sya ay nagbalik tanaw Ayan sya't walang malay Ngiti sa labi'y taglay Nauubos ang oras Kala mo walang bukas Tila ba nalilibang Habang sya'y nag-aabang Sa mensaheng padala Ng kanyang kakilala Kahit sa isang saglit Isang iglap, kapalit Habang sya'y nag-iisip Nahulog na't na-idlip Sa pagbalik ng diwa Tama nga bang ginawa? Tinignan kung may tugon Dinampot, kanyang selpon "Ako ba'y isang hibang? Bakit parang may kulang?" 'Pag di na naka-usap Tila ba naghahanap Isip ay wag lunurin Damdami'y wag pukawin Atensyo'y wag ibaling Sa tulad **** malambing Pigilan **** umasa Kung ayaw **** magdusa Sarili ay gisingin Puso ay wag susundin Babala sa sarili Ika'y wag papahuli Kung ayaw **** magbago Kanyang pakikitungo Maluwag **** tanggapin At lagi **** tiyakin Sarili'y sasabihang: "AKO AY KAIBIGAN LANG." © LMLB
0
Sep 15, 2018
Sep 15, 2018 at 10:15 AM UTC
Paalala
papano ba mapaparating ang nararamdaman? kaya ko bang sasabihin saiyo ng harapan? kung meron lang sana akong lakas ng loob sa tamang hinala ng maling kutob bakit sayo lang nagkaganito sa bituwing tunay na may ganda bakit sayo, tuluyang nagbago may paghanga, meron ding pangamba sinta, di ko sinasadya may kusa itong paghanga tadhana ang nagbadya kaya wala akong magagawa kung sana kaya kong umilag kung sana di ako nalalaglag kung sana kaya kung pumalag kung sana ang puso di takot mabasag paano ka ba makikilala kung di ko kayang lumapit saan ba to mapupunta hangarin kailan ba makakamit marahil masaya na sana ako na aking madinig matamis na sagot ng malambing **** tinig ano bang gagawin, di makalapit at di makalalayo papano kakausapin,kung di masambit ang nais ng puso sana bigyan ng tapang, ipadama ang pagsuyo dahil itong naaramdaman di ko kayang isuko hawakan mo aking mga kamay dito sa gitna ng yakap humimlay wag nang malumbay,pangako ko habang buhay sayo lang iaalay ang pagibig kong tunay hayaan nating mga mata'y makiusap sa mga titig **** nakikihiram ng kislap bakit dito, kung saan ako nakatinag larawan mo ang bukod tanging lumiliwanag tulad ka ng rosas sa pula ng labi tulad ka ng anghel sadyang nakakabighani sa mahabang buhok, kutis **** malambot, at tamis ng yong ngiti wala kang katulad, anyong namumukudtangi nilalang na tulad mo BIYAYA kang mamahalin sa hamak na tulad ko SUMPA kitang iibigin oh Nadine, meron pa akong dapat na hiling kung dinig na ng diyos ang aking panalangin oh Nadine, bulaklak ka sa hardin wag mo sanang hayaan ako'y hanggan tingin na sana'y pakinggan ang aking hinaing pagkat di ko kayang mabuhay ng wala ka sa akin
0
Jan 22, 2019
Jan 22, 2019 at 4:42 AM UTC
"TORPE"

46
Ikaw yung unang ulang bumuhos Pagkatapos ng mahabang tagtuyot.
0
Nov 2, 2016
Nov 2, 2016 at 9:35 AM UTC
Ulan
**Hanggang dito na lang ba tayo? Hanggang dito na lang ba ako?** I. Matagal na itinagong damdamin Hiniling noon na mapansin At dahil sa ihip ng hangin Tinangay sa'yo ang pagtingin. Sabay tayong lumaban Upang mapatunayang pang-matagalan Pagsuko ng isa'y 'di inaasahan Paano na ang pagmamahalan? Oras ang ipinagkait Kaya ba ayaw nang kumapit? Mahal, kay tinding sakit Ito ba talaga ang kapalit? *Hanggang dito na lang ba tayo? Hindi na ba madadaan sa suyo? Hanggang dito na lang ba ako? Pagmamasdan na lamang paglisan mo.* II. Mahabang buhok na kulot Wari ko'y hindi ka salot Muntik na akong mabuslot Sa butas ng pag-ibig na dulot. Nakapagpalagayan, loob ay gumaan Araw-araw kausap, hindi nagkasawaan Dumating ang puntong nagkalokohan Namumuong damdami'y pinaglaruan. Sinabing mahal mo ako noong lasing ka Akala ko'y totoo kaya naniwala na Ganoon na siguro ako katanga Kahit kasinungalinga'y pinaniwalaan na. *Hanggang dito na lang ba tayo? Nasiyahan ka ba sa paglalaro? Hanggang dito na lang ba ako? Sasakyan na lamang ang mga biro mo.* III. Sobrang lapit pero malayo rin Kayang tanawin at lakarin Inhinyero, hindi mo ba mapansin? Na ang puso'y nais gapangin. Sa pagdaan ay umaasa Sa eskwelahan ay palinga-linga At kapag natanaw na Ibang saya ang dala mo, sinta. Nguit dumating na ang panahon Ang panahong hindi na makaahon Pagtangi'y kailangan nang ibaon Ito na ang huling desisyon. *Hanggang dito na lang ba tayo? Na ayos lang kahit sa pagtango? Hanggang dito na lang ba ako? Aasa na lamang sa paglampas mo.* **Alam kong walang magiging tayo Kaya sawi na naman ako.**
0
Nov 22, 2015
Nov 22, 2015 at 11:20 AM UTC
Hanggang Dito

55
May isang bagay na nais kong sabihin May mga salita akong nais na bawiin, Di ko alam kung dapat ko pa bang banggitin Pero kahit saglit, ako sana'y iyong dinggin Naaalala mo pa ba nitong araw na nagdaan? Isang tula mula sa akin ang iyong napakinggan Huling Mensahe kuno kaya ako nagpaalam Ipinangako na pipilitin kong maparam Na pipilitin kong mawala Itong damdamin na di ko alam kung paano ba nagsimula At mas lalong di ko alam kung paano mawawala! Ano ano pa ba ang mga dapat na gawin? Bakit ba kay hirap nitong tanggalin? Inunfriend ka sa fb, dinelete message mo Di ka pinapansin,umiiwas na ko ng todo Lahat na yata ng paraan ginawa ko Pero di ka pa rin talaga natiis ng puso ko Kanina lang kausap ulit kita Napapangiti tuloy ako ng para bang tanga Nagsasalita na ako dito mag isa Mga tao sa paligid ko para bang nagtataka Mga kasama ko bigla na lang napapanganga Eh ano bang **** nila? Minsan na nga lang maging masaya, Papakialaman pa ba? Minsan na nga lang magkaroon ng sigla Itong mundo kong puno ng lungkot, ng takot,ng pangamba, ng kawalang pag asa, Kaya salamat talaga at nariyan ka Picture mo pa lang ang laki na ng epekto, Para akong sira ang ulo, malaki ang depekto Sa isip na walang ibang laman kundi ikaw At puso na walang ibang sinisigaw Kundi ang pangalan ng nag iisang ikaw At magdaan man ang maraming taon O lumipas ang mahabang panahon, Ikaw lang at walang iba Sasabihin ko lang naman talaga Gusto kita.
0
Apr 4, 2017
Apr 4, 2017 at 7:21 AM UTC
Gusto kita (spoken poetry)
Oo. Totoo. Hindi mo na kailangan ipagsigawang mahal mo ako,na aakyat pa sa rurok ng bundok para isigaw ang pangalan ko,at ipahayag ang nilalaman ng damdaming nagsisidhi, sapat na sa akin ang ibulong mo ang mga salitang ‘yan na nais kong marinig mula sa mapang-akit **** mga labi. Hindi mo kailangang ibase ang nararamdaman mo sa sinasabi ng ibang tao,dahil hindi natin kailangan ng kanilang opinyon para umibig nang wagas o hanggang sa dulo ng mundo, hindi sila ang dumidekta sa kung sino man ang ititibok nitong puso, hindi natin kailangan ng kanilang opinyon.Hindi. Hindi mo kailangan ipagsigawang mahal mo ako na sa lahat ng date na ating mapuntahan ay kailangang pag-usapan ng mga kaibigan mo, o libo-libong litrato ang ipo-post mo, dahil ayaw ko lang mawalanang pagiging pribado ng ating relasyon,sapat na sa akin nang itago mo ang mga litratong ‘yan,at titigan pauli-ulit kapag miss na natin ang isat-isa. Hindi mo kailangang ma-insecure sa iba, hindi ko sila papatulan,hindi ko sila papansinin, hindi kita minahal nang mahabang panahon para saktan lang, wala akong pake sa kanila, ikaw ang mahal ko, oo, mahal kita, at tanggap ko kung sino ka, kung anong mayro’n at wala sa’yo,dahil mahal kita.Mahal na mahal, hindi mo kailangang ma-insecure.Hindi. Lahat ng bagay, ay aking gagawin, dahil hindi lang magtatapos ang aking “mahal kita” sa bawat letra ng mga salitang namumutawi sa aking bibig,hindi ito isang antigong alahas na susuotin lamang sa mga piling okasyon,pagkatapos ay itatago sa kahon, at kakainin ng alikabok sa lilipas na mga taon, mamahalin kita kahit sa ano mang panahon: tirik man ang araw sa pagtawa o kulimlim man ang gabi sa pag-iyak.Mahal kita.Mahal na mahal, at hindi lang magtatapos ang aking “mahal kita” sa mahal lang kita,kukunin ko ang mga agiw sa iyong mga lumang gunita,pilit kong wasakin ang mga pader na nakaharang sa ating dalawa. Hindi mo kailangan ipagsigawang mahal mo ako, sapat na sa akin ang pagsanay sa sarili sa ‘yong presensya at pagkandili,sapat na sa akin ang pag-intindi mo sa mga kamaliang pilit binabayo,mga pagkukulang na pilit pinupunan, at sa mga araw na kahit luha ang nalalasap ay patuloy ka pa ring nakahawak sa aking mga kamay at hindi mo ito binitawan. Hindi mo kailangan ipagsigawang mahal mo ako, pumasok ka sa pinakakasulok ng aking utak, nang mabatid mo ang mga nakasulat, nakalimbag sa bawat pahina ng aking isip: ililibot kita, sa aking nakaraan,sa aking ngayon at sa aking bukas, ilalahad ang pag-aasam na makatakas sa mga kabiguang natanaw. Sisirin natin ang pinakailalim ng aking puso, dito matatagpuan ang pag-ibig na kailanman hindi mabubura, hindi maglalaho, para sa nag-iisang ikaw. Hindi mo kailangan ipagsigawang mahal mo ako, hindi na kailangan, dahil alam ko, d’yan sa puso mo,nakaukit rin ang pangalan ko,at ang pag-iibigan nating dalawa, hindi mo na kailangan ipagsigawan pa dahil alam kong mahal mo rin ako.Mahal mo ako. Mahal na mahal.Sana Nga'y mahal mo pa ako! Mahal mo talaga ako.
0
Mar 8, 2021
Mar 8, 2021 at 5:25 PM UTC
HINDI NA DAPAT IPAGSIGAWAN PA

43
Maalam maghintay ang mga magsasaka Batid nilang mga butil ng bigas Ay mula sa mga butil ng binhi ng palay Na bago pa man maitundos sa lupa May paghahandang dapat na maisagawa   Maalam maghintay ang mga magsasaka Batid nilang kailangang palipasin Ilang mga araw at linggong magdamag Bago simulan bawat umaga ng pag-aararo Bawat umaga ng pagpapalambot sa lupa   Maalam maghintay ang mga magsasaka Batid nilang pagkatapos ng pagpupunla’y Mahabang takipsilim ng pag-aabang At pagdidilig. Hindi lamang ng tubig, Kundi pati pawis at dugo, higit na pag-ibig   Maalam maghintay ang mga magsasaka Batid nilang may panahon ng paghahasa Ng mga gulok, sundang at karit May panahon ng paghahawan May panahon ng paggapas at pag-aani   Maalam maghintay ang mga magsasaka Batid nilang may aangkin ng lupang kanila Batid nilang may panahon ng paniningil May panahon ng pag-ani ng karapatan May panahon ng pagkapatas   Maalam maghintay ang mga magsasaka Hindi sila nahihimbing sa kanilang paghihintay Mababaw ang tulog, tiyak nila ang oras ng paggising Ang oras ng pagtindig Ang oras ng paghawak ng kanilang mga karit.
0
Aug 11, 2015
Aug 11, 2015 at 10:39 PM UTC
Maalam Maghintay ang mga Magsasaka
Noong mga panahon na akoy natutong mangarap, Sa puso ko ikaw na agad ang hinanap Hindi ka nawawala sa aking hinagap para sa iyo,kakayanin ko lahat ng hirap Nang tumuntong ako ng sekondarya Ikaw pa rin ang gusto at wala nang iba ikaw ang tanging saki'y nagpapaligaya Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana Nang ako'y malapit na,inilayo kang bigla Sa guhit ng palad ko, bigla kang nawala Naglaho ka nalang na para bang bula O kay sakit isipin aking mahal Aking mga ilusyon di na kayang magtagal hinahangad kong mga parangal Tila mananatiling isang mahabang dasal Madalas ko ngang nadarama malapit ka nalang talaga pero hanggang pangarap na lang ba? Dahil sadyang maraming humahadlang Kahit na pag -asa ang pananggalang Sadya kang ipinagkakait sa akin Pilit kang inaalis sa aking landasin Kaya't patawad kung susuko na ako Pagkat di kita makakamit kahit na anong gawin ko !
0
Mar 22, 2017
Mar 22, 2017 at 2:15 AM UTC
Pangarap na lang ba?
Sumulat ako ng isang mahabang tula. Tungkol sa ulan na kailanma’y di tumila. Kahit na ito’y sadyang dalubhasa. Ito’y kailanma’y hindi mo mababasa. Sumulat ako ng isang mahabang tula. Tungkol sa telang nagkukulay na lila. Nagsimula ako na maligaya. Ito’y kailanma’y hindi mo mababasa. Sumulat ako ng isang mahabang tula. Tungkol sa nakabibighaning himala. Ako’y hindi makapaniwala’t napuno ng pag-asa. Ito’y kailanma’y di mo mababasa. Sumulat ako ng isang mahabang tula. Tungkol sa pagtingin sa kana’t kaliwa Puno ng salita’t walang maipakitang pruweba Ito’y kailanma’y hindi mo mababasa Sumulat ako ng isang mahabang tula. Tungkol sa isang nakakaawang ulila. Ako’y umuwi habang ang mata’y puno ng luha. Ito’y kailanma’y hindi mo mababasa Sumulat ako ng isang mahabang tula Tungkol sa pagsulat ng talata. Nagmuka akong walang utak na sanga Ito’y tapos mo nang mabasa
0
Feb 20, 2017
Feb 20, 2017 at 11:16 AM UTC
Isang mahabang tula
Maraming salamat Sa mala alamat Na kwento ng ating pagmamahalan Na dati ay walang hangganan Nauwi sa hiwalayan Nauwi sa mahabang gabi ng iyakan Nasaktan tayo pareho Pero hindi ako sumuko Tatlong buwan nag-isip Ngunit ika'y nainip Hindi ko na nasagip Natangay na ng hangin na malakas ang ihip Maraming salamat Sa lahat lahat Sa kahinaan at kalakasan ko Tinulungan mo akong magbuhat Tinuruan mo akong tumayo Pinangako sayo ang hindi paglayo Binago ako ng ating pagmamahalan Mga pangarap nati'y nagkakaroon ng katuparan Ngunit pagmamahalan natin nagkaroon ng katapusan Hindi na din natin nagawan ng paraan Na ayusin at bigyan ng pagkakataon Nagkulang na ata sa oras at panahon Ikakahon ko na ang lahat ng ating alaala Itatago sa isang parte ng puso ko kung saan wala ka na
0
Oct 8, 2015
Oct 8, 2015 at 9:23 PM UTC
Salamat
#090316 Naabutan mo ba ang Chinese Garter o 10-20? Luksong-lubid, Tagu-taguan, Piko o Patintero? Alam mo ba yung Yes or No? Gumuhit ka ng kahong pahaba't Hatiin ang mga ito, marahil mahabang proseso Mahalukay lamang ang tamang istilo. Titingala't magtatanong, "Yes or No?" At may magbabatuhan ng boses ng pagsilong. Paano kaya kung ganoon kadali Kung kaya **** magpatawad Nang bukal sa puso't walang gitgit. Hanggang kaya mo nang ipaubaya ang galit sa Langit, Hanggang kaya mo nang lumaban na may sariling paninindigan. Pagpapatawad Sa mga nanakit sayo, Sa mga nasaktan mo, Maging sa sarili mo. Kaya mo ba? Yes or No? Bumisita ka sa Palengke, Tiyak bistado mo ang 'yong sarili. Hindi ba't pag mahal, humihingi ka rin ng tawad? Pag di ba pinagbigya'y galit ang ibabayad sa Tindera? Oo, mahal kasi; sobrang mahal Kaya sana'y lambingin ng "oo" ang "patawad" niya. May oras para sa lahat; Maging sa paghilom ng Bayan, Sa pagdidildil ng Asin sa sanlibutan, Na Siya ring naghasik Ng mga butong nagkalaman sa Lipunan. Bahagi ka ng Tulang ito, isang tulang pasalaysay - Payak at walang bahid na pagkukunwari. Ibabalot ko ang tanong na "Yes or No?" Batang 90's, iba na nga pala ang timpla't Magkakaubusan na naman ng mga letra't himig. Sige, magtatapos ako Sayo, Pagkat Ikaw naman ang taya sa buhay Mo. At ito na marahil ang Pagtatapos Na Ikaw rin ang Panimula. (P.S. Tapusin Mo, sa muli nating pagkikita)
0
Sep 3, 2016
Sep 3, 2016 at 8:37 PM UTC
Batang 90's
Sa dami ng mga trabahong tumambak dahil hindi mo pa nagagawa Mga papeles na nagpatung-patong na Yung lamesa **** inaagiw na dahil hindi mo alam kung saan at paano magsisimula. At mga istoryang di mo pa maisulat dahil nangangapa ka pa. Isama mo na rin yung katrabaho **** nakakairita na sa tenga. Dahil crush niya daw si Justin Bieber At paborito niyang frappe sa Starbucks ay Caramel. Kahit mukhang ang afford niya lang ay Nescafe “Oo nga pala, French Vanilla” na iniinom ni Toni Gonzaga. Pero wala siyang pambili ng sarili niyang tumbler. Tangina. Idagdag mo pa ang mga patay na oras na sunod-sunod ang mga buntong-hininga Nahuli ka pa ng boss mo na nakatulala Kaya hayan at napagalitan ka pa. At dahil contractual ka, yung limang buwan na kontrata mo Biruin mo, baka mapaaga pa ang endo. Aminin mo na ang pagpatak ng alas-singko Ay may kakaibang dalang saya. Na parang sumagot na ng “oo” yung matagal mo nang nililigawan. Nakulayan na rin yung mga pinlano niyong outing na buong akala niyo’y hanggang drawing na lang. Parang pagbabalik sa Pilipinas ng kasintahan **** kumayod sa ibang bansa. Parang ibinalita sa TV na hindi traffic ngayon sa EDSA. Himala! Kaya ang pagsapit ng alas-singko ay kakambal ng paglaya. Wala sa’yo kung sa bus man ay tayuan O kaya sa dyip ay makasabit man lang. Basta makauwi ka lang. Nakakasabik pa rin ang ideya Na ang bawat pag-uwi Ay kasing banayad ng mayroong sasalubong sa’yong ngiti Mga ngiting papawi sa kangalayan ng mga binti. Mayroong yakap na nakaabang Ang mga bisig na nagmistulang pinakapaborito **** kulungan Dahil doon mo nararamdaman ang tunay na kalayaan. Mula sa pang-aalipin sa’yo ng lipunan. Nakahain na rin ang hapunan. “Mahal, ano ba ang ulam?” Sabayan natin ito ng mahabang kwentuhan. Simulan natin sa simpleng kamustahan. Dahil pagkatapos, ay aabangan mo na naman ang alas-singko kinabukasan.
0
May 20, 2016
May 20, 2016 at 11:11 AM UTC
Kung Bakit Inaabangan Niya Ang Alas-Singko

39
Pinangako ko noong gabing Lumisan ka at akoy iyong iniwan, Na hindi na muli ako maglilimbag Ng kahit anong kanta o tula Na naglalarawan ng mga nararamdaman ko sayo Ngunit heto ka nanaman Biglang lumitaw mula sa kawalan Muling pinaparamdam ang dapat di ko na maramdaman At muling ginugulo ang tahimik ko nang isipan. Pinangako ko na hindi na muli ako magsusulat Ngunit heto ako ngayon, Nangangati ang mga kamay na muling humawak Ng ballpen at gawin ang bagay na matagal ko nang kinalimutan—na hindi pa naman pala Muling inilimbag ang mga sakit Muling isinumbong sa papel ang mga hinanakit Muling nagbabakasali na sa aking pagsusulat Muling maghilom ang mga peklat At sa wakas sa dinami dami ng kalyo Na aking natamo Sa aking mahabang pagsusulat, Muling naghihilom ang mga sugat Muling kakalimutan ka At kapag biglang naalala Muling maglilimbag at magsusulat Susubok makalimot muli sa lahat
0
May 1, 2017
May 1, 2017 at 11:36 AM UTC
Paglimot
Kulang ang mahabang gabi Para sa pagidlip ng isipang puno ng pagkalito Kahit naman makatulog ay Sa paggising utak pa rin ay pagod Dala-dala maging sa panibagong araw Ang mga gumagambalang pighati Utak siguro ay puno ng bagabag Napakasikip na ng kokote, problema pa ay padagdag Tila ang mga pangarap ay tuluyan nang lumisan Init ng aking damdamin tuluyang lumigamgam Pag-asa ay naiwan sa mga kahapon Wala na bang ibang mararating? Sa mga kalyeng nalakaran na Ipagpapatuloy pa rin ang paglaboy Mas makabubuti pa sigurong makatulog Baka sa panaginip lahat ito ay maglalaho Antok sa mundo, ako po ay dapuan mo
0
Nov 24, 2018
Nov 24, 2018 at 12:20 AM UTC
Kulang nga ba ang Mahabang Gabi ?
"KORNI" Naglakbay, naglibot, naghanap ng mahabang panahong para sa araw na ito, ngayon, tadhana nga sigurong maituturing na ika’y muling matagpuan. Ngayong nagtagpo tayong muli, hindi na mag-huhulus dili at papipigil pa, hindi ko na pipigilan pa ang mga salitang nagpupumiglas sa aking bibig galing sa aking puso na sana ay noong simula pa lamang ay ibinugsu ko na. Mahal kita, hindi ko man maibibigay sayo ang isang perpektong relasyon na gaya ng ipinapangako nila, patawad sapagkat ang tanging maiaalay ko lang ay ang aking katapatan at walang hanggang pagmamahal. Wag mo akong kapootan sa pagiging duwag ko sa aking nararamdaman, patawarin mo ako sa pagpapalipas ng panahon na wala akong ginawang paraan, ngunit higit sa lahat, wag mo akong kapootan sa dahilang hanggang ngayon ikaw pa rin ang aking mahal. Nang ikaw ay nawala, ang buhay ko ay uminog sa matinding pagsisisi at panghihinayang, kaya ngayon, hayaan mo akong iparamdam, sabihin at ipakita na ikaw at ikaw lang ang tanging mahal.
0
Jul 2, 2015
Jul 2, 2015 at 12:25 PM UTC
Corny
sa araw-araw na pagpapaalala ko sa kanya hindi ko nakakalimutan sabihin ang mga linyang ‘to: “ikaw ang pahinga ko” pahinga ko pagtapos ng mahabang araw makipagsapalaran sa buhay at para makahabol sa liga pahinga ko habang naglalakbay mula timog hanggang hilaga pahinga ko upang mapaalala na ang bawat pagkakataon na makasama siya ay mahalaga pahinga ko dahil napapakalma niya puso’t isipan ko nang walang bahala sa araw-araw na pagpapaalala ko sa kanya, na siya ang pahinga ko, ako pala yung unang kakapusin ng hininga, boses ko’y di na madinig sa sobrang hina, mag-isa tuwing gabi at ang tanging katabi ay pangamba, habang nakatitig sa sapot sa kisame na gawa ng gagamba ngayon, napagtanto ko na sa mga panahong kinailangan ko siya para maging kalakasan ko, siya din pala ang magiging dahilan ng kahinaan ko sa araw-araw na pagpapaalala ko sa kanya, na siya ang pahinga ko, hindi ko namalayan na pa kunti-konti na akong hinihingal, bumabagal, na-uutal, umaangal, nawawalan ng tamang asal, nakakalimutan ko na nga din ata mag-dasal. nakakapagod din pala ‘no? magpaalala palagi, kahit na hindi ka maalala, kaya pahinga muna ako, kahit ngayon lang, hihiga muna magpapahinga upang makahinga.
0
Feb 5, 2020
Feb 5, 2020 at 9:22 AM UTC
ikaw ang pahinga ko
Ang Paglimot ay isang pamamaraan upang makalimot. Sa isang simpleng salitang paglimot ito ay maraming mga masasayang alaalang syang magbabalik at hindi ito nakakatulong sa paglimot bagkus lalo ka lamang nitong sasaktan. Ang paglimot ito din ang pinaka mahirap na bahagi ng aking buhay bilang isang umiibig marahil ng bawat isa sa atin. Ang paglimot sa taong minsan ng naging parte ng ating buhay na ating minahal ng mahabang panahon at kahit sa haba na ng panahon na iginugul ay wala padin ang tamang panahon. Ang pagpapalaya sa taong ni minsan ay hindi naging akin. Hindi ba't masakit. Ou.masakit ang Masaktan at mahirap ang maranasan ang lahat ng ito, ngunit kinakailangan ko na din sigurong palayain ang sarili kong puso. O Kay hirap kang limotin. Minahal at minamahal kita ng hindi mo alam kaya't ngaun lilimotin na din kita ng hindi mo parin nalalaman ang tunay kong nararamdam. O Kay hirap ng palimot. Ligayang kakaiba sa tuwing ikay nakikita tila'y di ko maipaliwanag subalit ito ay kailangan ko ng limotin.Magawa ko pa kayang ika'y makalimotan ngaung pati sa pagtulog ko ay naroon ka sa aking panaginip. Ang kalimotan ka ay mahirap ngunit kailangan. Kaylangan kong turuan at tulongan ang aking sarili upang ikay makalimotan na ng tuluyan. Ang tanong ko Ano ang tamang pamamaraan upang ikay lubosan ng maibaon sa limot at ng wag ng masaktan pa ang puso kong mag-isang umaasa sa tamang panahon. O Kay hirap ang limotin ka.
0
Dec 12, 2015
Dec 12, 2015 at 11:09 PM UTC
"Ang Paglimot" November 28,2015
Iyak. Iyak ng isang kobrang nakadikit sa dingding na kaya kong patahanin unti-unti sa bawat pihit. Sa bawat patak ng luha nitong humahalik sa aking noo na dahan-dahang dumadausdos papunta sa aking mga pisngi. Sa aking mga pisnging halos magkapasa na sa madalas **** pagpapaligo rito ng mga kurot. Ang iyong mga kurot na siya namang nagpapahiwatig na hinding hindi ka magsasawa sa pagmumukhang ito. Noon. Hindi na ngayon. Patuloy ang paggapang ng mga patak na maligamgam papunta sa aking mga labi na hindi pinalagpas ang pagkakataong ipaalala sa akin na ang mga labi ito ay minsan nang nabigyan ng pagkakataong iwika ang kung ano mang hindi kayang maipahiwatig nang sapat ng aking mga haplos. Ang mga labi kong minsan nang natikman ang tamis ng iyong gayuma. Ni hindi pinatawad ang lasa ng tsisburger o ng kung ano man ang iyong kinain sa araw na iyon. Ang mga patak na ngayo’y lumalakad na nang tahimik sa kahabaan ng aking leeg na siyang nagdurugtong ng aking ulo na kumukulong sa aking utak sa aking dibdib na naglalaman ng aking puso. Ang puso kong bumulong nang paulit-ulit na para bang sirang plaka at nagsabing may pag-asa pa. Ang kumulit sa akin na maniwala sa tibay ng ating pagmamahalan. Ang aking utak na nagsabing wala itong patutunguhan na tila’y totoo sapagkat ang ating mga kamay ay hindi makapagkokomunika nang mahabang panahon at may posibilidad pang hindi na muling magkatampo kahit pa ang mga ito’y kulu-kulubot na. Ang karibal ng aking puso na aking pinakinggan. Sayang. Para bang ako ang paboritong manika ng kapalaran. Ang kanyang manikang paulitulit na pinaiikot sa isang tugtog na di ko kayang sabayan. Siya na tuwang-tuwa na makita akong naghihikahos sa pagbugbog ng bawat pagsubok. Awat na. Pihit. Ayoko nang maalala pa ang pait na ipinapaalala ng bawat patak. Pihit pa. Tila'y isang patak na lamang ang ibubuga. Ang bawat halik ng tubig sa baldosadong sahig na lumilikha ng malungkot na tunog na “tik… tik… tik…” Isang pihit nalang. Isang pihit nalang at titigil na ang tila duet na paghugulgol ng ahas na nakadikit sa dingding na baldosa rin at ng ngayon ko lang napansin na umaapaw kong mga mata na kanina pa pala sumasabay sa agos ng tubig na dumadaloy sa aking mukha. Tama na. Tahan na. /e.m/
0
Jan 29, 2016
Jan 29, 2016 at 4:18 PM UTC
Hilamos ng Alaala

27
Sa hinaba-haba ng tag-init Ngayon nalang ulit umulan. Nang malakas. Nang saglit Di ko mainitindihan ang langit. Kung paano niyang iniluha Ang bigat ng bawat kahapon Ng natuyo niyang pusong Pinigilang umagos Sa mahabang panahon. Tumangis siya Nang malakas Dahil di niya maamin At di niya matanggap Ang itinakda **** pagwawakas. Sa kakarampot niyang pag-asa na babalik ka rin. Ngayong gabi. Ang kanyang napili Na ibulalas ang lahat Sa pag-aakalang Tulog na ang lahat Lahat ng mata’y nakapikit. At wala nang makakarinig Ng pagtangis Na mayroong balang-araw Na katabi mo siyang Mahihimbing. Ngunit nagkamali siya. Saan nga ba tutungo Matapos niyang iluha Ang lahat sa lupa Na aanurin Patungo sa puso **** Kinakain ng pangungulila. Sa hinahaba-haba ng tag-init Ngayon nalang ulit umulan. Nang malakas. Subalit saglit Marahil ay ayaw niya Nang makasakit. O gusto ka lang niya damayan Sa gabing Wala ka nang ibang inisip Kung bakit ka niya iniwan O paano ka niyang nagawang saktan Kung paano sinira Ang bawat pangakong Binitiwan. At kung paanong di mo masabi Ang tunay **** nararamdaman. Kaya sa susunod Na iiyak ang langit Kapag malamig ang gabi At pangalan niya Ang tanging kayang bigkasin Ng mapuputla **** labi Ay patuluyin mo siya. Hayaan mo siyang umapaw Hayaan **** bahain ka At tuluyang ambunan Ang natutuyo mo ng puso. Makipagsayaw ka Kung kinakailangan Nais ka lang niyang damayan Gusto niya rin ng karamay.
0
Dec 28, 2015
Dec 28, 2015 at 4:47 AM UTC
Sa Tuwing Uulan, Kapag Gabi...
Akoy naglalakad sa pulang tela, May naka palibot na bulakalak, Sa gilid ay may kandila, May mga upuan  na kulay pula, May mga batanng naglalakad na sa akiy nangunguna, Isang batang lalaki ang aking nakita, May dalang singsing ang aking hinala, Akoy maraming kasama at silay nakaayos na, May lalaking nakabarong na tila may hinihintay pa. Teka ako ata'y nahuli na sa byahe nila "bakit ako nalang magisa?", Akoy namangha silay nakatitig na, Mga mata'y   nanghihila , Kayat paa ko'y humakbang na. Tila nakaramdam ako na di makahinga, Ako'y nakaputi at may mahabang tela, May hawak na bulaklak, May nakatabon sa mukha. Ayan na ako'y malapit na sa altar na aking pinipilit makuha, Natigil ang mundo ko ng may magsalita "You may now kiss the bride" daw ang aking hinala. Akoy nagulat pagkat ako'y may kaharap, Papalapit ang mga labi na sa aki'y nangungusap, Ngunit may biglang tumawag "Cleo, ika'y gumising na't mag almusal, Buti nalang at ako'y nagising at natigil ang KASAL.
0
Sep 30, 2015
Sep 30, 2015 at 11:09 PM UTC
PANAGINIP
Gusto ko ng panibagong balat. Iyong maputi at makinis. Mala porselana, Na halos kuminang tuwing masisinagan ng araw. Kabisado ko ang bilang ng araw, Na ginugugol sa ilalim ng araw kakabanat. Ngunit, Ang panibagong balat, Hindi nito ako kayang protektahan, alam ko. Lilimitahan lamang nito ang mga nalalaman ko. Ngunit, Sa panibagong balat, nais ko magsimula. Kilalanin at kalimutan ng halos magkasabay, Ang imahe ng nakakadiri kong balat. Bilang ang peklat. Sukat ko kung gaano kalalim ito, Noong sugat pa lamang. Kaya ko gusto ng bagong balat para pagtakpan ito. Baka sakaling iwasto ng bago kong balat, Ang mga naimali ko. Makikilala kaya ako ng ibang tao, Sa bagong balat na suot ko? Marahil hindi, sana hindi, panigurado hindi. Nais kong magtago, Sa paraan kung paano ako lulutang ng hubo't hubad. Nang hindi ko na itatakip, Ang aking palad sa aking dibdib, Dahon sa ibaba ng puson. Isisigaw ko ang salitang "PUTA!" ng napakalakas, Halos magsisilabas Ang mga putang mismong makakarinig, At yayakapin ko sila. Dahil bago ang balat ko, ito'y mainit. Kumpara sa nahamugan kong balat kagabi. Malinis, Kumpara sa balat kong may dampi ng mabahong laway. Mabango, Kumpara sa mumurahing aficionado na nahaluan Ng pawis ni Ricardo kagabi. Bagong balat. Ibebenta ko ang luma kong balat, Sa gabing ito. Bilhin mo ang aking balat. May panibago bukas, Pag-asa, hamon, Mantikilya sa loob ng pandesal. Gamit ang luma kong balat, Makakabili pa ba ako ng bago? Magkaiba ang bagong uri sa bagong palit. Ang balat ko, nalaspag na. Tulad ng puti kong damit, Hindi na ito puti. Marumi ang titig ko. Marumihin ang aking naisuot. Ang balat ko ay puno ng mantsa, Ngunit bago ang aking suot ngayon, bagamat, Iisa parin ng uri. Balat na nakalaan para ulitin ang pagrumi at Yurak sa puti kong suot. Bagong balat, kulay puti. Wala na akong maisuot. Hubad na ang aking puri. Hindi ko masuot ang salapi. Magkano pera mo? Tara? Nais mo bang makita ang aking balat?
0
Dec 13, 2017
Dec 13, 2017 at 10:01 AM UTC
Mahabang Sigarilyo, Mahabang Gabi ni Maria.

67
sa may dagliang liko abot ng aking ligaw na sulyap ang sabungan. matatas ang kanyang ngalan. "Cockfighter's Rendezvous" kaunting lakad lamang pabalikwas sa MERALCO kung saan isang mahabang karagatan ng tao ang pilit na inaalon ng bayarin, kaltas sa sahod, bulag sa paroroonan. ayon sa mga akda ay mayroong Kristo sa sabungan. siya ang nangangasiwa sa aliwan ng mga drayber. ang matalas na tari ng kanilang hagikgikan ay lumulubog sa haba ng pantimpalak naroon daw si Kristo habang ang dagundong ng batingaw ay tulog sa tore. pitikan ng pitikan ng yosi kung saan na lamang maisipan ng pagod na kamay na may samyo ng dala nitong lansa, at matapos ay papasok ng muli sa simbahan kung saan kasabay ng pag-danak ng dugo ang pag-kubra ng nag-wagi. hawak ni Kristo ang patay na manok, nasusulat sa tari ang linya ng dugo. alam ko naroon si Kristo. hawak ni Kristo ang mga baryang kumakalansing. ilang pirasong pag-asa para sa pawisang drayber, para sa parokyanong lasinggero, para sa baguhan sa aliwan, para sa llamado. hawak ni Kristo ang lahat, at siya ang panuto sa pagsusulit ng ganid. pauwi na ako. wala na ang alingawngaw ng sigawan. Lunes nanaman at ramdam ng lahat ang bigat ng parating na mga araw.
0
Sep 19, 2015
Sep 19, 2015 at 12:59 AM UTC
Si Kristo Ay Nasa Sabungan