Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"umabot" poems
Mahal Salamat, salamat sa mga araw na nakasama kita Salamat sa mga araw na naramdaman kong ako'y mahalaga Salamat sa mga araw na ako'y iyong napasaya Salamat dahil binigyan ako ng pagkakataon na makilala ka Mahal Alam kong hindi ako, yung taong makapag-wawasto sa'yo. Alam kong hindi sapat, ang mga bagay na nagawa ko Alam kong kailanman, hindi magkakaroon ng tayo Alam kong mali ako, masyado akong umasa sa mga salita mo Mahal Patawad kung umabot na sa puntong napagod na 'ko Patawad kung hindi ko na tinuloy ang paglaban at bumitaw na 'ko Patawad kung masyado akong naging mapaghangad sa pagmamahal mo. Patawad kung ika'y laging mali sa paningin ko. Mahal Sana lagi **** tatandaan, kung paano kita minahal. Sana lagi **** ingatan ang 'yong sarili, san man magpunta Sana sa mga panahong wala ako, ika'y maliwanagan na. Sana sa susunod na babaeng darating sa buhay mo, iyong pahalagahan na. Mahal Huwag kang mag-alala, kahit gaano pa man karami ang sakit na aking nadama Lagi ko parin ipagdarasal na sana ika'y maging masaya. Hindi ka pa man humihingi ng patawad, napatawad na kita Sa lahat ng aking pagsisikap na iyong binalewala. Mahal Wala akong ibang hihilingin sa maykapal kundi ang 'yong kaligtasan Wala akong ibang hahangarin kundi ika'y matauhan na Mahal na mahal kita, higit pa sa sobra. Mahal na mahal kita, pero siguro tama na.
0
Apr 20, 2019
Apr 20, 2019 at 7:07 AM UTC
MAHAL
Mapupulang mga labi, nakakasilaw niyang ngiti Sa mapupungay na mata, panahon sana'y bumimbin, mapipigilan Ngayon ay magkalapit Mala- porselana niyang kutis, sa pantasiya lang binibini, gagawa ng pamagat Sa palasyo, mahal na prinsesa ang pag-uusapan ay ang mga hilig at libangan para magsaya umabot sa buwan Doon ang imumungkahing kasal Pahabaan ang oras ng pagtanda o mamalagi sa kasaysayan Natandaan pa noong nasulyapan Naging matiyaga na pinagmasdan ang kaaya-ayang katangian Hinintay sa bawat araw upang muli makita Nalapnos na ang higaan pero buo pa ang pagkaalala ng kanyang mukha Bughaw na kaharian ay itinayo sa kaitaasan Kumalat ng karangyaan Sa lawiswis ng kawayan Sa mga bunga ng iba't ibang halaman Bumaba sa trono ang espera Ito'y hindi nagustuhan Ang naganap ay parang katwiran na lumubog at di nasabi Saglit na nabaghan, sa huli'y nangisay
0
Dec 25, 2018
Dec 25, 2018 at 4:47 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #28
Panahon na Panahon na para sumulat ako Panahon na para ihayag ang nararamdaman ko Panahon na para idaan sa tugmaan ang dahilan Dahilan kung bakit ayon sa kanila ika’y aking nasaktan Napakatxnga mo Para kang gxgo Sxraulo Txrantado Oo, minura kita kasi di kita kayang mahalin Napakatxnga mo para ako ang piliin Pipili ka nalang kasi ba’t ako pa Oo, magmamahal tayo, pero di sa isa’t isa Sige, balikan natin ang simula Yung bago pa lang ako dito at mukha ako nung txnga Yung kakalipat ko pa lang at wala pa akong kilala Yung first day ko na walang kamuwang-muwang, padukot-dukot lang ng cellphone sa bulsa Yung di mo naman sinasabi pero umabot sakin ang balita Gusto mo ako, di kita gusto Lumalapit ka, lumalayo ako Nasaktan kita… hinayaan mo ako Kung inakala mo wala akong pakialam, nagkakamali ka Kung inakala mo mapaglaro lang ako, nagkakamali ka Kung akala mo pinaasa lang kita, di ‘yon totoo Ang dapat lang na malaman mo… Sinubukan ko Sinubukan ko ang alin? Txngina alam mo na yon Sabi nila natuturuan raw magmahal ang puso Piliin mo yung nagmamahal sayo Kasi natuturuan naman magmahal ang puso May kulang Piliin mo yung may gusto sayo Kasi natuturuan naman magmahal ang puso Uulitin ko, may kulang Piliin mo yung may pagtingin sayo Kasi natuturuan naman magmahal ang puso Pxta kayo kulang-kulang mga pinagsasasabi nyo Natuturuan magmahal ang puso pero iba ang magtuturo Natuturuan magmahal ang puso pero di ikaw ang gagawa nito Oo, natuturuan magmahal ang puso pero ibang tao ang magpapatibok dito Paano ko nalaman? Nasabi ko na, sinubukan ko Sinubukan kong gustuhin ka pero di ko magawa Pinilit na ibalik ang pagtingin pero hindi ko kaya Talagang hanggang kaibigan lang tayo Mali! Hanggang kaibigan lang, walang tayo Magiging totoo lang ako Hindi ko ‘to ginusto. Pati ikaw Di rin kita gusto Sasaktan na kita kasi sasabihin na naman nila pinapaasa kita Baka ikaw meron, pero ako walang pake sa sinasabi nila May pake ako, sa’yo May pake ako sa’yo kaya alam ko na di ako yung lalaki na nakatadhana para ibigin mo Di kita gusto, at alam kong di mo na rin ako gugustuhin pag nakita mo to Walang may alam kung kailan mo to makikita Anong taon, pang-ilang dekada Huling mga linya, kung binabasa mo to, alam mo na kung sino ka, pasensya na sinubukan ko pero wala talaga At least kaibigan na kita
0
Oct 29, 2017
Oct 29, 2017 at 11:00 AM UTC
PANAHON NA

Continue reading...
57
Bato sa balat, Hayaan **** lumapat ang ‘yong kahinaan sa mahinahong baldosa Payagang lamig ay yumanig sa bawat panig ng iyong katawan Mula sa kalamlaman ng iyong talampakan hanggang umabot sa– Pagitan ng iyong mga hita, paakyat sa kalamnan, patungo sa dibdib Hanggang maramdaman nginig na dala ng iyong pag-iisa. Ipagpaliban mo muna ang mundo Ilaw sa paningin, Hayaan **** angkinin ka ng daang-daang mukhang nasasalamin sa bawat tisa Tignan ang iyong mga nakikita, ikaw ngayon ay nakakahon sa bato– At mga multo na iisa lang ang mga mukha’t hinaing Payagang ika’y ariin ng kanilang mga nanlilisik na titig, Huminga ng malalim at iyong sabihing Ginusto mo ang linggatong na ‘to Mata sa dutsa, Tumingala hanggang kadahilanan ay magunita Ang iyong katwiran kung bakit pinili mo ang kapangahasan Hamakin ang sarili’t magnilay-nilay sa nagbabadyang kasalanan ‘Di hamak naman na mas ikakasaya mo ang pait– Ng paglalapastangan sa sarili nang ilang makamundong saglit Pagbigayang mabasa ang sarili Silakbo sa kawalan, Ipikit ang mga mata’t pakiramdaman ang daloy ng tubig sa’yong balat Ipaanod sa agos ang haplos ng pighati’t pagtitimpi Sa mahigpit na bisig ng isang mapanghusgang mundo Tikman ang hagod ng malamig na pelus sa iyong mga labi Sumidhi sana ang pagdanak ng init ng pagnanasa sa bawat bena Mahalin mo ang iyong pagkatao Makipagtalik sa sarili, Ibigin **** maibigan ang pagiging makamundo’t makasalanan Ibaling ang pansin sa pagpapalabas ng himutok Muling sabihin na hindi makasarili ang pagnanasa sa sarili’t Ulit-ulitin ang pagbaluktot ng diwa’t isipan hanggang ito’y tumatak, Hanggang sa mabulalas mo ang iyong mga suliranin At matapos ang lahat ng iyon hindi mo maiiwasan– Pagkamuhi sa sarili.
0
Jun 9, 2018
Jun 9, 2018 at 1:20 PM UTC
Onanism

36
Madasalin akong tao. Pagmulat pa lang ng aking mga mata sa aking unang hinga, sa pagbuka ng aking mga bibig, ngalan Niya na ang unang lumalabas, ngalan Niya na ang aking binibigkas. Sa bawat umagang gumising ako na wala ka sa'king tabi, mas lumalakas ang aking mga dasal. Umaalingawngaw sa apat na sulok ng aking silid ang iyong mga alaala. Yung tipong aabutin ng ilang dekada bago aking malimutan ang tinig ng iyong mahihinhing mga salita. Ako'y madasaling tao. Sa ilang beses ko ng Isinigaw sa langit ang iyong mga ginawa para mapamahal ka sakin bakit tila aking pakiramdam hindi Niya ako naririnig? Sa ilang beses kong hiniling na makasama ka, sa bawat araw na nasa isipan kita, kulang pa ang mga senyales na ibinibigay Niya. Nakakatawa nga lang dahil hindi ko naman tinanong kung Pwede pa bang ika'y mapa sakin Pero bakit sumasagot na Siya agad Na parang hindi maaari? Pero itinutuloy ko pa rin ang aking pagdadasal at baka sakaling mapag bigyan. Hanggang sa umabot ako sa lugar na sa aking pakiramdam hindi naman sapat ang pagbulong ng dasal. Na hindi na sapat na iiyak ko na lang lahat sa mga paa ng imahe Niya. Na dapat siguro hindi lang saming dalawa ng Diyos ang aking mga hinihiling. Aking gagawing dasal Ang iyong pangalan hanggang sa mabingi ako sa bulong ng bawat santo. Hanggang sa masunog ang dila ko Sa Amen ng bawat pari ng simbahan. Hanggang sa malunod ako sa mga dugong luha na iniyak ng birhen. Kailangan ko lang na iparamdaman Nila na ako'y naririnig. Kahit ang aking mga pinaka tahimik na sigaw para sa pangalan Niya. Isisigaw ko ang bawat rason kung bakit labis na Minahal kita. Ngunit ako'y nagbabakasali lamang, alam kong hindi lang ako ang Kanyang anak pero sana kahit isang beses lamang sa milyong daan kong pagsabi ng pangalan mo sa Kanya, kahit isa lamang sa kung sino man ang nasa itaas; nagbabakasakali lang akong umabot sa langit ang aking mga dalangin. Hanggang sa mahalin mo ako magiging madasalin akong tao.
0
Jul 21, 2015
Jul 21, 2015 at 8:34 PM UTC
Kahit sino man ang makarinig

77
Sa sampu sigurong manggagawa ng Kentex tatlo ang maglalakad nang napakalayo, mula pinakamasikip na eskinita sa Valenzuela hanggang pabrika para makatipid sa tricycle. Sayang din kasi. Dalawa siguro sa tatlong yun, babae, may tig-isang anak na dumedede pa at hindi pa talaga maiwan pero kailangan nang iwanan kahit mahigpit ang pagkakakapit sa tuwing paalamanan dahil mas mahigpit ang pangangailangan. Sa sampung rin sigurong manggagawa ng Kentex siyam yung nagbabaon ng kaning tinipid nung hapunan at ulam para hindi na bumili sa kainan. Yung isa siguro kakain na lang ng biskwit at tubig. Sa sampu sigurong manggagawa ng Kentex siyam yung hindi na magbebreaktime para magmeryenda. Sayang ang bawat minutong titigil sa paggawa ng tsinelas, baka hindi umabot sa quota, baka mawalan ng trabaho bukas. Sa sampu sigurong manggagawa ng Kentex dalawa lang ang nagpapansinan sa oras ng trabaho- yung magkaedad at magkatabi. Sayang ang bawat minutong tatakas ang atensyon sa ginagawa, baka mareject ang gawa, baka tuluyan nang tumunganga. Sa sampu sigurong manggagawa ng Kentex labing-isa yung hindi pa nakaranas ng fire drill. Sa sampu sigurong manggagawa ng Kentex labing-isa yung walang benepisyo. Sa sampu sigurong manggagawa ng Kentex labing-isa yung mababa ang sweldo. Sa sampu sigurong manggagawa ng Kentex labing-isa yung inaasahan ng pamilya. Sa sampu sigurong manggagawa ng Kentex labing-isa ang hindi mo kilala kaya wala kang pakialam mabigyan man sila o hindi ng hustisya.
0
Aug 2, 2015
Aug 2, 2015 at 12:48 PM UTC
SIGURO, HINDI KO SIGURADO
Aking inaninag Itong bughaw na kalangitan Hindi nga ba Parang kailan lamang Nang ako’y kanyang tinalikuran? Napako ang pangako Na ako’y pangangalagaan Luha niya’y umabot Di lamang sa’king talampakan Nalasap ko ito Mapait at ngayo’y nag-ibang anyo Ngayong timplang kape Mula sa mga mata nitong Tila ba kaytayog. Tinangay kami ng malakas na alon Kami’y nagpatangay na lamang Wala akong alam Kundi and makipaglaro Ng tagu-taguan Nakadilat at mulat na mulat sa katotohanan Sakay kami ng pridyeder, Ako at aking ulirang mga kapatid Puno ng pighati’t pangamba Sa uulitin, Ito na lamang ang magagawa ko. Sabi nila, tutulungan nila kami Sabi ng ilan, wala na raw pag-asa Kanino nga ba kami magtitiwala? Kung mismong kalam nga ng sikmura’y Di na mainda? Wala na akong mailuluha pa Pagod na ako sa pagsagwan sa kawalan Wala na ngang pag-asa Wala man lang naiwan sa amin Sana kasama nalang kami Sa mga buhay na nalantang Parang bula Tulad nila Itay at Inay Di sana’y masaya kami Sa kalangitan. Pumikit ako, Habang mahimbing ang paghikbi Ng aking mga kapatid Sana nga may buhay pa. Sinagip nyo kami, Noong una, nagalit pa ako Ayoko sana Kaso wala na rin kaming magawa Sasama na kami Kasama kami sa pagbangon Oo, ngayon ako na’y magtitiwala At ipapasa-Diyos na ang lahat Siya na ang bahala. (11/17/13 @xirlleelang)
0
May 27, 2014
May 27, 2014 at 10:15 PM UTC
Pridyider
Isang mensahe na ipinapahatid ni "Ariii Potter" sa kanyang alaga na si "Hedwig" the Snowy Owl. Sa naghihimultong pagmamahal ko sayo. Mahal.. oo, mahal nga ang tawag ko sayo Nagbunga kasi ang pagkagusto ko sayo, Nagbunga ng isang pagmaMahal Yung feeling na "gusto kita" Naging "mahal na kita" real quick Inakala ko talaga sa diagon alley ka lang gumagala Eh bat ka na sorted dito sa puso ko Bakit nga ba.. Patawad sa mga katagang sinabi ko, ay mali. hindi ko lang pala sinabi. Ipinagsigawan ko pa. Ang corny no? Pero... Pagbigyan mo sana ako na ihatid ang mga salitang gustong ipabatid ng puso ko Idadaan ko lang muna sa isang tula. -- Umpisa. Sa kung paano mo ako nginitian At tinanong kung "potterhead kaba?" Hindi ko alam kung ginamitan mo ako ng "petrificus totalus" Dahil sa tuwing tinatawag mo akong ng"Ariii" na fre-freeze ang aking hypothalamus Na halos masabog-sabog na tong pagmamahal na ihahantulad ko sa isang bulkan Hindi ko man lang namalayan na umabot ito ng isang buwan Pati na ang nakatagong pag-ibig dito sa aking damdamin Ay sadyang naging malalim Na kahit gumamit man ako ng salitang "alohomora" Para mabuksan ang pintuan ng puso **** nakasara Kahit maging seeker man ako sa quidditch At ikaw ang magiging "snitch" Hindi parin kita maka-catch Sapagkat ang tayong dalawa ay imposibleng maging match O makipaglaban man ako sa Wizard's Chess Para makamtan ang iyong sorcerer's heart Ay hindi parin sapat Alam mo kung bakit? Dahil hindi ako karapat-dapat At ang karapat-dapat Ay ang ika'y pakawalan Dahil alam ko naman sa kahuli-hulihan Ako parin ang masasaktan Kaya salamat, Salamat sa pansamantalang kilig Sa tuwing ika'y nakatitig.
0
Nov 7, 2016
Nov 7, 2016 at 10:34 AM UTC
Potterhead

43
Mahal, kaya ko pa Kaya ko namang maghintay kahit sa huling sagot mo pa'y Ayaw mo na Mahal, kaya ko pa Ilang beses nang dumaan Yung mga pagkakataong bitawan ka Pero mahal, ayoko Iba ka sakanila Kung dati'y nahahayaan ko pa Mahal, pasensya Kung ikaw kasi ang pinaguusapan talagang di ko kaya ilang beses mo nang pinilit na lumayo ako sayo ngunit di gagalaw tong mga paa ko Kasi mahal, Alam ko namang ayaw mo rin Pinipilit mo lang naman sa sarili mo na masyado pang maaga na mali kaya mo ko inilalayo sayo Kaya magpapakatanga ako Pwede bang hayaan mo ko? Ikaw kasi yung unang pinaglaban ko Di pa ba sapat na hayaan mo ko? Sige, mahal Ayos lang Ipilit mo sa sarili mo Ilayo mo ko, Paghintayin ako Mahal, kaya ko pa Wag mo lang naman sanang ipilit na ginagago kita At kung naghihintay ka lang na sabihin kong Di kita mahal Pasensya, Ako na mismong nanloko sa sarili ko Kung ginawa ko man yon Mahal,  ipilit mo nang lahat Wag lang sa puntong umabot sa totoo kog nararamdaman, Kasi mahal, Tangina, Mahal talaga kita
0
Dec 3, 2016
Dec 3, 2016 at 1:15 AM UTC
Kaya pa
Mahal. Paulit ulit na binibigkas ng mga labing di napapagod sa pag satsat. Mga labing hindi nagsasawang ikaw ay halikan. Halikan ang bawat sugat sa puso mo na matagal ng tinatago ng benda. Mahal. Saan man tayo umabot, saan man tayo matapos, kahit na mapudpod ang swelas ng ating mga sapatos. Mahal, Patuloy kitang mamahalin. Huminto man tayo. Sabi nga nila Normal naman ang mapagod. Magkasabay man o hindi. May mauna o mahuli. Patuloy nating aakyatin ang tugatok ng mundo. Ang mundong iniiukutan ng mga puso nating patuloy tayong pinag tatagpo. Mahal. Humihingi ako ng pabor. Hawakan mo ako. Higpitan ang kapit sa aking mga braso. Wag mo ako hayaang makatakbo. Dahil darating ang araw na bigla nalang luluwag ang iyong kapit. At hindi ko mapapansin na mag isa nalang akong nag lalakbay papunta sa hangganan ng ating pagmamahalan. Mahal, Hindi man ito ang tamang panahon. Sinusubok man tayo ng kalupitan ng mundo. Mahal, Balikan mo ako. Ibalik mo ako sa higpit ng yakap mo. Ibalik mo ako sa mga inosenteng halik ng iyong labi. Ibalik mo ako. Ibalik mo ako sa pag kakakulong sa iyong puso. Mahal, Mahirapan ka man. Nakikiusap ako. Mahalin mo akong muli.
0
Mar 13, 2016
Mar 13, 2016 at 10:40 AM UTC
Liham ng nagmamahal at nangunguna sa panahon
Puno ng init ang unang higop ng kape Nakakapaso ngunit ramdam mo ring gumuguhit ito sa iyong mga ugat Hanggang sa umabot na ito sa iyong pusong bumibilis na ang pagtibok Sa iyong mga kamay na walang tigil ang panginginig Sa iyong mga matang mulat na mulat sa hating-gabi At sa iyong mga bibig na nananatiling bukas at handang sabihin ang lahat ng ninanais Ngunit sino ba ang iyong kape? Ang nagbibigay sa’yo ng panandaliang lakas? Sino ba siyang nagiging rason para manatili kang gising sa gabi kahit gustong-gusto mo nang matulog? Sino ba siyang nagdudulot ng matinding panginginig sa iyong mga kamay at tuhod sa tuwing nakikita mo siya? Sino ba siyang nagpapabilis ng pagtibok ng iyong pusong naghahanap lamang ng panibagong taong mamahalin habang inaantay **** mawala ang paso sa iyong dila na nadulot ng iyong nakaraang baso ng kape na punong-puno ng pait? Ayan na’t naglalakad na siya papunta sa’yo Inaantok ka pa at walang kamalay-malay na nariyan na pala siya Papalapit nang papalapit hanggang sa nauwi nang magkahawak ang inyong mga kamay at ayan na naman Ang pagbilis ng tibok ng iyong puso Ang walang tigil na panginginig ng iyong mga kamay Ang pananatiling bukas ng iyong mga mata Kahit gusto na nitong pumikit, magpahinga, at mamaalam na sa ginagalawang mundo Ngunit tulad ng epekto ng kapeng iniinom mo araw-araw Papawi rin ang pananabik at pagkamulat ng iyong mga mata Mapapagod din ang iyong pusong nalasing na sa dami ng kapeng iyong nainom na akala mo’y matamis ngunit nag-iiwan din pala ng mapait na bakas sa iyong mga labi Titigil din ang panginginig ng iyong mga kamay Sadyang panandalian lang at hinding-hindi na tatagal Sapagkat siyang kape na nagbibigay sa’yo ng lakas Ay siya ring kape na inubos mo hanggang sa huling patak
0
Jan 2, 2018
Jan 2, 2018 at 11:45 AM UTC
kape

25
Di maipaliwanag bakit tayo nandito kung paano umabot sa puntong ganito nahihiwagaan pa rin naman ako pero mukhang walang paliwanag 'to Kung bakit ikaw sana na nga ikaw Dahil hindi ko matatanggap at hindi ako magpapanggap Ngunit ayoko na munang isipin ang mga bagay na di pa satin Pero umaasa ako na may patutunghan to - J. L
0
Oct 5, 2015
Oct 5, 2015 at 9:04 AM UTC
Ikaw
Sabi mo gusto mo ko, umaabot sa "Mahal kita". Lagi mo kong tinatanong kung "Kamusta kna ba?" Wala ni isang araw na hindi mo pinaramdam na mahal mo ko. Hindi ako sanay sa ganoon dahil sino ba naman ako? Isang simpleng babaeng walang ganda, Kaya ako'y nagtataka. May pagkakataon na hindi ka ulit magpaparamdam, Alam mo ba na nakakalma ang puso ko pag walang ikaw? Pero babalik ulit sa tuwing nagpaparamdam ka na naman. Ano ba talaga? Ganito ba yung sinabi **** Mahal mo'ko? Sana 'di na lang umabot sa "Mahal kita", kung ganto lang pala. Sana 'di mo pinaramdam na mahal mo 'ko hanggan dun lang pala. Kasi umaasa ako kahit walang tayo. At dahil nahulog na rin ako, umaasang andyan ka lang at sasaluhin ako. Pero ganun pala talaga yun 'no? Kung kailan mahal mo na ang taong mahal ka tsaka kanya iiwan ng walang dahilan...
0
Jan 31, 2017
Jan 31, 2017 at 10:58 AM UTC
Pinaasa
Naaalala ko pa yung araw na maging tayo Pakiramdam ko noon tumama ako sa lotto, Yung tipong tila ba’y ayaw kong tayo’y magkalayo Tapos malingat lang hanap na nang hanap sayo… Lumipas yung mga araw naguumpisa na ang ating istorya Istorya na hinubog ng pagsubok at pagtitiwala Mga tao sa paligid ambag sa kwento natin ay iba-iba Yung iba nakakatulong, yung iba naman nakakasira… Umabot sa buwan tayo’y patuloy na tumatatag Sa kabila ng kaliwa’t kanang problemang sa ati’y hinahapag, Walang sukuan, alitan natin naaayos natin sa loob ng magdamag Para sa pangakong relasyon natin na sinuma’y di kayang matibag… Taon na ang binibilang panibagong kabatana nanaman, Kahit mas tumindi ang bagyo, kaya natin lagpasan… Kahit minsan, mabigat na, patuloy parin lumalaban Mga binuo nating pangarap di natin binitawan… Tumagal pa at tumatagal mas minamahal pa kita Mas may ngiti at tawanan mapapansin sa ating pagsasama Ang alitan at problema parang sa ati’y wala na, Dahil mas malaki na ang tiwala natin sa isa’t-isa… Patuloy na binibilang at pinagtitibay ng panahon Pagmamahalan nating di kayang sirain ng bagyo o alon, Ang pangakong pag-ibig na walang kondisyon, Ating ipinaglalaban at ipaglalaban KAHAPON, BUKAS, NGAYON! ©2017 John Vincent Obiena. All rights reserved.
0
Aug 31, 2017
Aug 31, 2017 at 8:09 AM UTC
Kahapon, Bukas, Ngayon
Saglit lang ang ligawang nangyari. Wala ngang isang buwan nang puso ko ay nadali. Magkagayunpaman, nakaramdam ako ng sigla kahit na sandali, Pintig nitong aking puso ay hindi kailanman nagkamali. Dama ko ang bawat silakbo at mga pighating iyong hinabi, Nang magkuwento ka kahit pa umabot tayo ng hatinggabi. Tuwang tuwa ako dahil tiyan ko ay napuno yata ng tutubi, Para kang mahalimuyak na nektar na sa akin ay kumikiliti. Pagmamahal ko sa iyo ay tumindi nang tumindi, Para kang apoy na kapag sinindihan ay lumalaki, Kagandahan at talino mo ay labis kong ipinagmamalaki, Katulad mo para sa akin ay karespe-respeto, aking Binibini. Mahigit isang taon din akong iyong napapangiti, Pero bakit ngayon ang puso ko ay nagdadalamhati? Wala bang saysay ang lahat ng aking mga sinabi, Na higit kailanman ay minahal kita kahit may gatas ka pa sa labi. Kahit labis akong nagdamdam at nasaktan ay nagagawa ko pa ring ngumiti. Kahit hindi mo na ako pinapansin, pilit pa rin kitang iniintindi. Kahit ang layo ng agwat natin sa isa't isa, ikaw pa rin ang aking pinili. Kahit ramdam kong ang pagmamahal mo sa akin ay umiiksi, tiniis ko ang pighati. Kaya, ako na ang magtatapos sa pag-ibig nating hindi na puputi. Ibabaon ko na lamang sa limot ang lahat ng alaalang namutawi, Kahit madurog pa ang puso at isipan ko sa kakahikbi, Hindi na maibabalik pa ang tamis ng kahapong tayong dalawa ang humabi.
0
Aug 24, 2017
Aug 24, 2017 at 4:49 PM UTC
Tamis ng Kahapong Pag-ibig
Ang lahat ay may umpisa, Ang lahat ay may pinagmulan, Kalungkutan man o ligaya, Ang maaaring kahahantungan. Sa bawat pagsubok na haharapin, Tagumpay o kabiguan ang aabutin, Ito'y pagsisikapan, Kahit sakit man ay umulan. Pero lahat ay gagawin, Hanggang sa kayang abutin, Hanggang sa huling patak ng dugo, Ibubuhos hanggang sa huling yugto. Tatanggapin ang kalalabasan, Tatanggapin kahit ano man yan, Kahit masaktan man, Tatanggapin ng aking kalooban. Dahil ito ang aking destinasyon, Sa byahe ko kasama ka, Sa panahong nakasama ka, Ngayon, ang oras ko para bumaba. Salamat aking sinta, Salamat sa ligayang iyong dala, Salamat, kahit ito'y panandalian, Maraming salamat, aking kaibigan. Ang kwentong di natin inakala, Ay nasa huli na palang kabanata, O kay rami kong natutunan, Mula sa mga bagay na nagdaan. Ito'y aking kayamanan, Umabot man ang katandaan, Itong karanasan, Di matatanggal sa isipan. Heto na ang huling pahina, Huling pahina ng ating kabanata, Ang kabanatang ito'y lalagyan ko ng bantas, Isang tuldok: katapusan ng aking kalatas. Ang kalatas ng aking paghanga.
0
Jul 14, 2017
Jul 14, 2017 at 9:36 AM UTC
Tuldok
Andito na naman ako Magsusulat na naman para matandaan Mga pangako na minsan mo binitawan Nagtatampo at nasasaktan Nasaan ka? Bakit hindi kita maramdaman? Natatandaan mo pa ba yung pangako mo? Pangako mo na mananatili ka sa tabi ko? Sinabi ko sayo na aalis na ako Na ayoko na at sumuko na tayo Pero nanatili parin sa piling ng pareho. Mahal, alam natin saan tayo lulugar pareho Kung hanggang saan lang ang meron "tayo" Pero ang pangako mo na hindi mo ako pababayaan nasaan? Naglaho na ba at tuluyang nakalimutan? Nakalimutan o hindi mo mapanindigan? Hindi mapakali't nanghihinayang Mga binitawang salita at nararamdaman Pilit binubura lahat ng ugnayan Ugnayan na nabuo sa pag-iibigan Hanggang umabot sa desisyon na wakasan. Mga pangako natin sa isa't isa Napako at nawala na Tila ba kay bilis lang uli mapag-isa Yung sakit na hindi ko maramdaman noon Ay unti unti ng yumayakap sa akin ngayon. Mahal, salamat sa masasayang araw natin Mga araw na nabuo ng masarap na salita sa atin Larawan mo na hindi makakalimutan Haplos at yakap mo na hindi mapantayan At sa mga pangako na iyong binitawan. Salamat sa masasayang kwento Na itatago ko hanggang dulo Salamat dahil naging parte ka ng buhay ko Masayang alaala ng babaunin ko Ito na ang dulo na kayang tanggapin ng puso ko.
0
Feb 21, 2020
Feb 21, 2020 at 4:26 AM UTC
PANGAKO
Pwede kong dugtungan ang ating nasimulan Pwede mo ring tapusin ng walang lingunan Pwede mo akong ipagtanggol sa lahat ng tao Pwede mo ring iwan ang isang ako. Pwede **** hilingin na lumayo sa akin At lahat ng sakit ay akuin Pwede kang lumabas ng pinto Ng walang pangakong pagbabalik At pwede rin akong tumu-nganga na lang sa isang tabi At mangulila sa iyong mga halik Pwedeng sa akin, ikaw ay magsinungaling Na kapag tayo ang magkasama, Iba ang gusto **** makapiling. Pwede kang maging bingi sa aking mga hinaing Pwede rin akong maging pipi sa aking mga pasanin. Pwede mo akong sumbatan sa aking mga pagkakamali At pwede ring sa piling mo ay hindi na ako manatili. Pwede kang maghanap ng iba, At tuluyang ako'y limutin na Pwede akong magmaka-awa sa iyong harapan Na huwag mo sana akong lisanin Sapagkat ang sabi ng puso ay hindi nito kakayanin At pwede rin tayong umabot sa puntong tatanungin kita Na kung pwede pa ba? Pwede pa bang ayusin natin 'to? Pwede pa bang ayusin kahit sirang-sira na? Na kahit gahibla na lang ang pagitan ng Tayo pa at hindi na. At kahit alam kong pwede iyong mangyari Na kahit hindi sabihin, iyon ay iyo ng nawari. Pero pinili nating ang lahat ng iyon ay hindi gawin Dahil sa pangako ng isa't- isa ay mahalin Mahal, hindi ako perpekto Na kahit malapad ang aking noo, Iaalay ang aking pagkatao At sana, sana, hiling ko Tanggapin mo ito ng buong-buo. Ngunit kung ika'y nag-aalangan, Huwag ka sanang matakot na ako'y lapitan. At kung naguguluhan ka pa rin sa lahat, Nakiki-usap ako,pakibasa lang 'yung pamagat.
0
Jan 30, 2016
Jan 30, 2016 at 9:53 AM UTC
Kapit Lang

40
ngayon ko lang napansin. sobrang dami ko palang isinulat para sa'yo. ngayon ko lang napansin na lahat sila galing sa mga katabi kong diksyonaryo at tesauro. malay ko ba kung ano ang ibig sabihin ng mga isinulat ko. lumalaki pa lamang ako. ngayon pa lang natututong makipagtalastasan, makipagbalagtasan, makipagsagutan, makipag-away. ngayon pa lang akong natututong maghintay at ngayon pa lang nasusugatan. ngayon ko lang nalaman ang tunay na ibig sabihin ng paniniwala. paniniwala sa pagkahulog, paniniwala sa kung anumang gusto kong paniwalaan. paniniwala na meron ka pang mapapaniwalaan dito sa mundo. kapit ka, subukan mo. ngayon pa lang akong nagtitiwalang muli. ngayon pa lang nagpapatawad. ngayon pa lang nakakapagsabi ng 'mahal kita', nang walang pagdududa at walang pagsisisi. mahal ko talaga sila. ngayon ko pa lang nararamdaman ang tunay na pag-ibig. ngayon ko pa lang nakikita kung paano magmahal ang isang taong nasasaktan. ngayon pa lang ako nakakita ng taong durog at winasak ng panahon — marahil dati puro sa teleserye ko lang ito napapanood. noong pumunta kami sa isang museo, napakaraming uri ng sining na maaari **** makita. may mga head busts, paintings, sculptures, pati mga ginamit ng mga pintador na brushes at pati na rin mga natuyong pintura nila. tinignan ko lahat iyon. umabot ng halos labindalawang oras ang pag-iikot ko. walang kain-kain. kinailangan kong makita lahat. ngunit ngayon ko lang napagtanto na iisa lang naman 'yung gusto ko talagang makita. ('yung spolarium.) ngayon lang ako nakarinig ng mga taong wala talagang kamuang-muang sa mundo. 'yung tipo ng taong nakaupo sa ginto ngunit talagang lumaking tanga. nakakaawa sila. ngayon ko pa lang pinapangaralan 'yung sarili ko. kanina nga lang ako nagsabi sa sarili na hindi na ako kakain ng fast food at processed food. (seryoso. nakakamatay talaga sila.) sa pagkamatay ng nakaraan, noon ko lang nasabi sa sarili ko na gusto ko pa talagang mabuhay. gusto ko pang makakita. gusto ko pang makaramdam. ngayon pa lang ako natututong magsulat.
0
Feb 20, 2017
Feb 20, 2017 at 11:43 PM UTC
2017

2
Binibigay ko ang nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap ko sayo. Sigurado na ako. Ang hinihintay ko na lang ngayon ay umabot tayo sa panahon na lahat ng inaalay kong pagmamahal para sa'yo ay kaya ko na rin ibigay sa sarili ko.
0
May 1, 2016
May 1, 2016 at 9:35 AM UTC
Oras
Handa na  ipagtanggol katumbas man itong sampung buhay Ang halaga'y higit pa sa inipon na mga koral sa karagatan Kung binastos kahit malinggit ay kikibo ang nanahimik na balasik Hinintay humulaw ang bagyo at si Dessa ay sumakay bago umuwi ng bahay Lumusong sa baha sa baryo at ginunam-gunam ang sandaling yaon Kung may oras sa pag-aaral gayun din sa paglilibang Ngunit ang kunting kalayawan ay naging hadlang upang makatanggap ng medalya ng karunungan Hindi bakal at kawad ang pag-iisiip para di matukso sa mga bisyo Sa pagsusugal ay nalulong Hindi mahilig sa anumang  pampalakasang laro Napasama sa kapatiran Dumating ang mga araw ang alingawngaw ay umabot sa ama Nagpakalasing noong gabi bago naglabas ng mga hinaing Mga salita niya'y matutulis, umuulos sa laman
0
Jan 10, 2019
Jan 10, 2019 at 6:15 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #47
032217 Ang bilis namang kumupas ng lahat Yung akala kong aabutin pa ng kinabukasa'y Kinain na ng alikabok, Hindi ko na mabasa ang naka-imprinta Na dati lang, araw-araw kong pinagmamasdan Na dati lang, parang sabik ka pang maging parte ng araw ko Na dati lang, sinasabi **** ako ang kumukumpleto nito. Ang bilis namang maglaho ng lahat Pumikit lang ako, naiglip lang ako Parang nagbago na rin ang mundo mo Iba na ang istilo, iba na ang galaw Iba na ang sambit, iba na -- Hindi ko na mabasa pa Hindi ko na nga alam kung nasaan na ba ang "tayo." Ang bilis namang huminto't sumuko Na sabi mo'y hindi ka magsasawa Pero parang kapeng katitimpla lang, Nanlamig at hindi ko alam kung paanong nawalan ng lasa Iba na ang nagtimpla, Ayoko na sana. Ang bilis naman ng lahat, Sabi ko pa naman, "Higitan natin ang tatlong araw" Oo, sinubukan natin Nahigitan nga natin at naging "tatlong buwan." Pasensya, hindi ko kasi matanggap Na ganito ang bunga nang minsang pinagtayaan ko Siguro nga ganoon talaga, Sa huli't huli'y susuko rin ang isa Bibitaw din at maglalaho ang "tayo." Pasensya talaga, Ang hirap tanggapin Kasi ikaw ang unang sumuko sa ating dal'wa Ayoko na ring manguna pa Ayoko na ring ayusin pa Ayoko na ring bigyang kahulugan pa. Hindi ko alam kung paano ako uuwi Kung sasalubungin pa ba ako ng yakap mo O mag-isa ako uuwi't maghihintay na lang muli Maghihintay at papara ng iba. Hindi ko alam kung paano na Paano na yung mga plano natin Mga planong napako kahit maaga pa lang Hindi man lamang umabot sa ninais natin. Sapat na sigurong itigil ang kahibangang ito Na minsan, nangarap ako At ikaw pa ang pinangarap ko. Nandyan ka man, ang layo mo pa rin. Kaya siguro, siguro itigil n natin At siguro nga, hihinto na rin ako sa pagsusulat sayo Kalilimutan ko na lang ang lahat kahit masakit Tama na siguro, ayoko na magsulat Tama na, sumusuko na ako sayo.
0
Mar 22, 2017
Mar 22, 2017 at 3:56 AM UTC
Ang Bilis Naman

54
*Hindi ko alam kung kailan Wala akong maisip kung saan Pero alam kong ikaw ay matatagpuan Kahit siguro umabot ako sa buwan Siguro ay hinahanap mo rin ako Baka sakaling nagkatabi na tayo sa eroplano Maaaring nakasalubong na kita doon sa may kanto O baka naman nakasama na kita sa trabaho Sa ngayon kailangan kong maglakbay Patungo sa mga lugar na maaaring ikaw ay naghihintay Hahawakan ko ng mahigpit ang iyong kamay Ipapapaniwala ko sa iyo na merong panghabangbuhay*
0
Jan 7, 2016
Jan 7, 2016 at 10:55 AM UTC
Mahahanap din kita
Hassle. Nagsulat si Fidel, Pero anong nangyari? Walang napala sa isang daang tula, Luha ang kapalit at sakit ang sinapit Dahil pinilit ang gusto pero ang gusto niya ay pumili ng iba. Kaya hindi na kita gagawan ng isang daang tula. Titigil na dito sa pang pito at hindi na tutuloy sa walo. Talo. Talo lang din naman kahit umabot pa ng singkwenta, Dahil hindi naman benta sayo ang mga pakulo, Ang mga salitang kinumpila para iparating na ika'y gusto. Ano na nga ba ang gagawin ko? Ititigil na ang pag titig sa litrato, Lalabanan ang isipan na pagbulay-bulayan ang mga dahilan kung bakit hindi maaring maging tayo. Piniling hindi ka na alayan ng 'sang daang tula. Piniling alisin ka sa aking haraya. Pinipiling maging malaya. Magpapaubaya. Pero minsan talaga 'Di mapigilan magsulat ng isa pa At isa pa, Hanggang sa nakakatawa na Dahil umabot na pala sa isang daan ang mga tula.
0
Aug 29, 2017
Aug 29, 2017 at 10:00 AM UTC
Hindi na Kita Gagawan ng 100 Tula
Naalala mo pa ba, noong magbukas ang Nagi? Pagkahaba pa ng pila, umabot ng Yabu dati. Kahit pa nga yata Yabu, ay kayhaba din ng pila Araw-araw laging ganyan, kaya dapat maaga ka. Sa katagalan pagdaka ay nagkaupuan na nga Ang babae ay sisigaw, at susundan ng iba pa Bigay todo ang pagbigkas, tila baga walang bukas Rinig mo ang tinig nila kung ikaw ay nasa labas. Sunud-sunod na araw pa, na kami ay nasa Nagi Itanong mo pa kay amo, siya po ang aming saksi. Kung paanong alas-onse'y, naghihintay na ng taxi para sa pila'y mauna, at nang makakain kami. Ilang buwan din siguro ang sa mundo ay dumaan na ang pagdalaw sa Nagi ay biglang naging madalang Na mula sa bawat araw, ito'y naging linggo-linggo Kalaunan pa ay naging Enero, Pebrero, Marso. Lumipas ang mga taon, at ngayo ay Pebrero na. Ngayon na lang uli kami doon sa Nagi nagpunta. Ang dating mahabang pila, ngayon ay tila wala na Alas-dose na noon, tanghali na po partida. Noong pumasok na kami'y sumisigaw pa rin sila ngunit dinig mo sa boses na ang sigla ay wala na. Kahit yung pitsel ng house tea na laging inihahanda Ngayon baso-baso na lang, tapos manghihingi ka pa. "Nakakain na po kami, puwede bang bukas na lang?" "Mayroon na n'yan sa Mega, pati na sa Katipunan" "Huwag ka nang magmadali, hindi na dapat agahan" "Kahit anong araw pwede, kasi nandyan lang naman 'yan". Tayo'y magaling lamang ba, kapag bago at simula kapag bago sa paningin, kapag bago sa panlasa? Na 'pag nilamon ng oras o kinasanayan mo na ay tila pinagsawaan at pinagwalang bahala. Kailan kaya darating, ang sa aki'y tinadhana na sa aking pagtangkilik, hindi ako magsasawa? Na kapag nakita ako'y ramdam ko ang galak niya at ang puso ko'y lulukso marinig lang ang ngalan n'ya. Malamang ay naglalaro ngayon sa iyong isipan "Tungkol pa rin ba sa Nagi, ating pinag-uusapan?" Huwag mo na itong isipin, sagutin mo na lang ako may pila pa kaya ngayon, sa bagong tayong Ippudo?
0
Feb 12, 2016
Feb 12, 2016 at 4:48 AM UTC
Nagi