Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Jan 2017
Sabi mo gusto mo ko, umaabot sa "Mahal kita".
Lagi mo kong tinatanong kung "Kamusta kna ba?"
Wala ni isang araw na hindi mo pinaramdam na mahal mo ko.
Hindi ako sanay sa ganoon dahil sino ba naman ako?
Isang simpleng babaeng walang ganda,
Kaya ako'y nagtataka.

May pagkakataon na hindi ka ulit magpaparamdam,
Alam mo ba na nakakalma ang puso ko pag walang ikaw?
Pero babalik ulit sa tuwing nagpaparamdam ka na naman.
Ano ba talaga? Ganito ba yung sinabi **** Mahal mo'ko?

Sana 'di na lang umabot sa "Mahal kita", kung ganto lang pala.
Sana 'di mo pinaramdam na mahal mo 'ko hanggan dun lang pala.
Kasi umaasa ako kahit walang tayo.
At dahil nahulog na rin ako, umaasang andyan ka lang at sasaluhin ako.

Pero ganun pala talaga yun 'no?
Kung kailan mahal mo na ang taong mahal ka tsaka kanya iiwan ng walang dahilan...
To: CAN
Vanessa Escopin
Written by
Vanessa Escopin  F/BCD, PH
(F/BCD, PH)   
6.6k
 
Please log in to view and add comments on poems