Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nakakalimutan" poems
Sinusulat ko ito para aking matandaan Ang pangako na minsang sinundan Ng sakit at tampo ng nakaraan Pero hindi ito susundan ng sakit at kahihinatnan. Minsan aking pinangako na magiging okay lang ako Na lahat ng ito ay malalagpasan at makakalimutan rin Pero lahat pala ito’y napako, At napadaan lang sa daan na bako-bako. Daan na bako-bako, parang tayo. Di malaman kung san liliko, palagi nalang nakakalimutan at nahihilo, Kung ang damdamin ay pareho. Umasa ang isa at nagpaka-tanga, Sa pangako at pag-ibig kung san lahat ay nalito. Pangako. Sinusulat ko ito para aking matandaan Ang sakit na dinulot mo sa akin Mas masakit pa kesa sa paluhudin sa bilao ng asin At kalian man umasa na ikaw ay mapapa sakin. Pangako, salitang palaging napapako. Katulad ng tulang ito, parang pangako. Paulit-ulit sinasabi, ngunit nalilito at napupunta sa daan na bako bako Pero aking tutuparin, ang pangako na ito hangga’t sa kakayanin. Pero hindi kita tutularin, na ginawa ang pangako na parang bang kasing nipis ng asin.
0
Dec 3, 2015
Dec 3, 2015 at 5:44 AM UTC
Pangako
Bakit ba Ganito sa pinas Kung saan masyado tayong tutok sa tamang landas Landas na di naman natatahak Pagkat lahat ng pangako ng mga naging pangulo ay puro palpak Ano nga ba ang tamang landas Palagi na lamang itong bukambibig ng mga taong malalaki ang bibig ngunit maliliit at malalamig naman ang mga puso. Wagas kung makapagsabi ng tamang landas Kailan ba magwawakas ang pagpapatag sa tamang landas Tila masyado nang nabigyang importansya ang paghahanda sa tamang landas Na naaaksya na ang pera ng ating mga probinsya Ang mga pangakong napako Ang mga pulitkong napako na sa pagtahak sa landas na ito Na tila nakakalimutan na nilang isama ang sambayanan sa pagtahak nito Ang mga mamamayang pilipino na naubusan na ng lakas Pagkat wala na halos mailagay sa hapagkainan na bigas Sa walang katapusang pag taas ng tax upang mabuo at mapatag lang ang sinasabing tamang landas Mga pukitikong Masyado nang naging overly attached sa tamang landas Na tila konting lubak lang kuha agad sa kaban ng bayan... Sa pera ng mga mamamayan.. Upang magpagawa ng bagong daan. Mas matuwid na daan. Wow. Gusto nyo ba ng sapak? Bakit hindi nalang hayaan ang malubak na daan? Bakit hindi nalang hayaan ang konting baluktot sa daan? Basta siguraduhin lang natin na tama ang ating pupuntahan. Na pagdating natin sa ating paroroonan, paglingon natin ay wala na tayong babalikan dahil wala na tayong naiwan. Magkaroon man ng galos sa paglalakbay, ang sakit ay kayang pawiin ng haplos ng kapwa pilipinong naging kasama mo sa pagtahak ng daan na tnahak ng bawat pilipino. Ang kailangan namin ay isang pinuno Hindi pangulo na ituturo lamang ang tamang daan habang nakasakay sa kanyang mamahaling sasakyan at hindi na namamalayan na kanya na palang naiwan ang mga mamamayan.
0
Oct 18, 2015
Oct 18, 2015 at 12:19 AM UTC
Bakit ganito sa Pinas? (TAGALOG)

Continue reading...
27
Nakapag sulat na ako ng maraming tula, Tulang para sa iba ngunit para sakanya’y wala, Ang taong ini-alay ang buhay para lang sakin, Na minsa’y dinadaanan ko lang na parang hangin. Nakakalimutan na siya ang dahilan kaya ako’y buhay, Buong buhay niya ang kanyang ibinigay, Mga panahong ako’y nagpapakasaya, Habang siya’y nasa bahay nag-aalala. Ang oras at panahon ay napupunta sa iba, Ngunit sakanya ang mga ito ay para lang sa mga anak niya, Hindi mapakali dahil iniisip ang susunod na alis, Hindi ko namamalayan na sa aking pag-alis may isang taong nangungulila sakin ng labis. Inaantay ang aking pag balik mula sa eskwela, Ngunit sa aking pag dating hindi ko manlang siya makamusta, May mga oras na hindi nagkakaintindihan, Subalit sa huli ikaw ay kanyang pinapatahan. Mahal kong ina gusto ko iyong madama, Ang tulang ito ang magsisilbing paalala, Madami mang problema at tampuhan, Sa huli ikaw parin ang mahal kong ilaw ng tahanan
0
May 14, 2017
May 14, 2017 at 12:31 AM UTC
ILAW NG TAHANAN
Sino ka nga ba't sa bawat panaginip Ikaw ang laging nakikita, Mistulang tinatanong sa akin sarili kung bakit naroon ka. Pinagmamasdan ang iyong kagandahan, na ngayon tila'y nakakalimutan ko na. Kalakip ang istoryang ubod ng saya, Hindi magkubli ang pag-ngiti ng aking mata. Subalit sino ka nga ba? Alam mo bang hanggang ngayon hinahanap pa rin kita? Sino ka nga ba't halos may ilang buwan kitang hinahanap? Laging tinatanong sa aking sarili kung "Bakit nga ba?" Sino ka nga ba? At sana'y makita na kita? Kahit bilang isang estranghero, estrangherong hindi mo kilala. Sino ka nga ba't bakit ako'y nanabik sa iyo pag-dating? Ngunit kung ikaw ay mananatili laman sa aking panaginip itatanong nalang sa hangin, "Sino ka nga ba? at sa akin panaginip ay hindi ka ma-alis".
0
Mar 10, 2018
Mar 10, 2018 at 7:52 AM UTC
Sino ka nga ba?
*Sa  bawat katahimikan, Hatid ay kalungkutan. Sa bawat kalungkutan, Kasama ang kapighatian. Sa bawat kapighatian, Natatakpan ang kasiyahan. Sa bawat kasiyahan, Nailalabas ang kamusmusan. Sa bawat kamusmusan, Naitutuwid ang kamalian. Sa bawat kamalian, Sumisibol ang kaginhawaan. Sa bawat pusong sugatan, Nakakalimutan ang pinagmulan. Sa bawat pinagmulan, Naikukubli ang kasalanan. Sa bawat kasalanan, Nauuwi sa kamatayan. Kaya... Nararapat lamang na iyong pigilan. Iiyak mo ang bawat kalungkutan, Ilabas mo ang ngiti ng kasiyahan, Palitan ang pusong naging sugatan, Magiging matatag sa bawat pagdaraanan, At Diyos ay huwag na huwag kalimutan.*
0
Nov 1, 2015
Nov 1, 2015 at 5:39 PM UTC
Damdamin
Ayun,dalawang buwan na din pala ang lumipas. Pero parang taon na ang ating pinagsamahan. Yung mga usapan na minsan pareho din natin di inasahan pero yun din ang hantungan kaya masaya din na napagpaplanuhan. Mga pangarap na sa balang araw ay bibigyan natin ng katuparan. Kaya sa ngayon ang sakripisyo nang pagkakahiwalay ay abay nating nilalabanan. Ilang milya man ang ating agwat at Sierra Madre man ay nasa gitna ng ating daan hinding hindi naman natin nakakalimutan ang isat isa sa araw araw na nagdaan. Ang mundo ko ngayon ay napapalibutan ng palayan at mga simpleng mamayan ikaw naman ay nakikipagpatentero sa ka Maynilaan. Pero alam natin na darating araw na sabay nating pagsasaluhan ang agahan na aking pinagsikapan. Aaminin ko na may oras na gusto kitang kapiling upang hagkan lalo na kapag sa trabaho moy nahihirapan pero ganito talaga ang buhay aking mahal sadyang kelangan natin magtiis lumaban at magtulungan. At Sa pagsapit ng araw na tayo ay iisa na at si sinag at tala ay naglalaro na sana kasama natin sila at alala ng kanilang pagkabata. Dalawang buwan ay lumipas na at alam ko na mas mamahalin pa kita sa bawat araw buwan at taon na darating pa. Kahit pa ayaw mo kumain ng ampalaya at okra ihihiwalay ko pag ang ulam ay pakbet akin ang lahat ng tira.
0
Feb 21, 2016
Feb 21, 2016 at 8:36 PM UTC
Dalawang Buwan.
Nung isang gabi tinanong mo ko “Bakit mo ko mahal?” sa totoo lang hindi ko din alam. puno ako ng damdamin pero ayoko sa emosyon ayoko sa sakit ayoko sa mahal. ayoko na mahal kita. ayoko din na hinahanap-hanap ko ang mga bisig mo. sana’y akong mag-isa, akin lang ang sarili ko. Itong kakapiranggot na pagpapahalaga sa puso ko ay para sakin lang. bakit ko ibibigay sayo na mapagdamot sa pagmamahal? isa ka ding takot sa pag-ibig, takot magpapasok, takot magbigay dahil walang kasiguraduhan kung maibabalik. nalalasahan ko sa aking dila ang lungkot tuwing tumitingin ako sa iyong mga mata. Tuwing nasisilayan ko ang iyong anyo, pakiramdam ko ay kilala kita. hindi ko alam ang pangalan ng mga mahal mo at hindi ko alam ang mga bagay na mahalaga sayo, pero kilala ko ang pagpanglaw ng ilaw sa bawat kurap ng iyong mga mata, kilala ko ang unti-unti **** pagkaubos. Isa kang imahe na pinta ng sakit at lungkot at pangungulila napakadilim ngunit napakaganda. Kilala kita. Nakikita kita sa salamin kapag nakakalimutan ko kung ano na ako sa aking paningin. Siguro alam ko na pala kung bakit kita mahal. Kung bakit kita gusto mahalin. Ang yumi mo ay hindi bagay sa dilim. Kailangan mo ng saya, ng halaga. Madilim din ang mga ulap sa aking mga mata sinta, pero malinaw pa ang aking paningin at alam ko kung anong kintad ng kulay ang bagay sayo.
0
Oct 1, 2016
Oct 1, 2016 at 5:44 AM UTC
Para sa mga iniibig
Mahal, kailan mo ba napansing hindi mo na ako mahal? Kailan ba nagsimulang mamuo ang lamat— ang tipak sa dingding ng panahon Na nabuo mula sa iisang hibla Na lumawak at nagmistula nang mga sanga ng puno ngayon Mahal, kailan mo ba napansing hindi mo na ako mahal? Saan ba nagsimula ang sigalot na kahit anong gawin ay hindi ko mahanapan ng kakalásan— Hindi matakasan ilang bukas man ang daanan Gaya ng Ang Probinsyano sa telebisyon na inabot na ng ilang taong Naging saksi na rin sa pag-inog ng mundo kong patuloy man sa pag-ikot ay parang hindi naman makausad sa pag-atras Pabalik sa nakaraan nating ayaw magparaya Ayaw magpalimot, Ayaw magpaawat, Ayaw magpatawad Nasira ko yata ang pinaplano kong 𝘢𝘳𝘳𝘢𝘯𝘨𝘦𝘮𝘦𝘯𝘵 sa umpisa, mahal Gaya ng wala naman talaga tayo sa 𝘱𝘭𝘢𝘯𝘰 Ng kahit kanino sa ating dalawa Ngunit, heto na, nangyari na At nagkasakitan na Nang higit pa sa kayang pasanin ng puso At ngayon, gusto ko lang malaman: Mahal, kailan mo ba napansing hindi mo na ako mahal? Ano ba ang simula ng gulo nating parang islang lulubog-lilitaw— Paparoon at paparito, hindi makadiretso Gaya ng mga alon na nakikipaglaro sa dalampasigan Masaya naman tayo... 𝘮𝘪𝘯𝘴𝘢𝘯 Masaya naman tayo minsan Masaya naman tayo minsan At minsan, nakakalimutan ko ring hindi mo na nga pala ako mahal Mahal, kailan mo ba napansing hindi mo na ako mahal? Masyado nang matagal Ang paghihintay ko ng sagot sa mga tanong na paulit-ulit ko mang bigkasin Ay hindi naririnig ng utak **** ayaw umintindi At ng puso **** ayaw magsisi At nakakatawang isipin na ako ang naghahabol ng kaliwanagan, Nag-aasam ng kaayusan Kung sa ating dalawa, ikaw naman talaga ang nagkulang Paano ko ba tatapusin ito, mahal? Sana tayo na lang ang tinapos mo matagal na.
0
Mar 26, 2022
Mar 26, 2022 at 7:36 AM UTC
Mahal, kailan mo ba napansing hindi mo na ako mahal?

39
Mahal kita kaya gusto ko masaya ka Kahit minsan nakakalimutan mo na ako Kahit minsan gustong sumabog ng puso Kahit minsan patuloy sa pag tulo ang mga luha Kahit minsan hindi mo alam na ikaw ang laman ng aking sinusulat na tula Kahit minsan wala kang oras sa akin Kahit minsan sobrang sikip na sa damdamin Kahit minsan manhid ka Kahit minsan sobrang masakit na *Mahal kita kaya iintindihin kita Masaya na akong masaya ka*
0
Dec 6, 2016
Dec 6, 2016 at 6:42 AM UTC
Mahal kita kaya...
sa araw-araw na pagpapaalala ko sa kanya hindi ko nakakalimutan sabihin ang mga linyang ‘to: “ikaw ang pahinga ko” pahinga ko pagtapos ng mahabang araw makipagsapalaran sa buhay at para makahabol sa liga pahinga ko habang naglalakbay mula timog hanggang hilaga pahinga ko upang mapaalala na ang bawat pagkakataon na makasama siya ay mahalaga pahinga ko dahil napapakalma niya puso’t isipan ko nang walang bahala sa araw-araw na pagpapaalala ko sa kanya, na siya ang pahinga ko, ako pala yung unang kakapusin ng hininga, boses ko’y di na madinig sa sobrang hina, mag-isa tuwing gabi at ang tanging katabi ay pangamba, habang nakatitig sa sapot sa kisame na gawa ng gagamba ngayon, napagtanto ko na sa mga panahong kinailangan ko siya para maging kalakasan ko, siya din pala ang magiging dahilan ng kahinaan ko sa araw-araw na pagpapaalala ko sa kanya, na siya ang pahinga ko, hindi ko namalayan na pa kunti-konti na akong hinihingal, bumabagal, na-uutal, umaangal, nawawalan ng tamang asal, nakakalimutan ko na nga din ata mag-dasal. nakakapagod din pala ‘no? magpaalala palagi, kahit na hindi ka maalala, kaya pahinga muna ako, kahit ngayon lang, hihiga muna magpapahinga upang makahinga.
0
Feb 5, 2020
Feb 5, 2020 at 9:22 AM UTC
ikaw ang pahinga ko
Oh kay gandang pagmasdan ang mga patak ng ulan Tila musika sa pandinig kapag ito'y bumabagsak sa bawat bubungan Animo nag-aanyayang tayo'y maligo't magtampisaw Kasabay ng mga bata na masayang naglalaro sa lansangan Aking naaalala noong ako'y bata pa Ang lagi kong dalangin, nawa'y bumuhos ang ulan Upang ako'y maligo't maglaro kasama ng aking mga kaibigan Hindi alintana kung may kidlat na paparating Basta't masaya kaming naglalaro sa kabukiran Noon, masaya na kami kapag umuulan Dahil hudyat na iyon ng aming paglalaro sa malakas na ulan At kapag tumigil na, si Ina'y nagluluto ng ginatan Upang mainitan daw ang aming mga tiyan Sa paglipas ng henerasyon, nabibilang na sa aking daliri ang mga batang naglalaro sa ulan Marahil mas ninanais na lamang nilang maglaro at humawak ng gadget kaysa magtampisaw Ang ilan nama'y takot magkasakit dala ng ulan Ngunit, kung inyong iisipin ang ulan ay biyaya ng Maykapal Nakabubuti ito sa ating mga katawan Kaya laking pasasalamat ko sa Maykapal Dahil naranasan ko ang maglaro't magtampisaw noong ako'y bata pa Hindi tulad ngayong henerasyon, na ang tanging ginagawa'y humawak at maglaro ng gadget Nakakalimutan na ata na sila'y musmos pa lamang upang maranasan ang saya ng kamusmusan
0
Jun 11, 2018
Jun 11, 2018 at 5:46 AM UTC
Ulan
Hindi ito isang pagpaparinig Ito ay isang pagpapahiwatig Na sa oras na aking marinig Ang malalamig **** tinig Na sa’kin ay nagpapakilig Ako ay agad na tumatahimig Ikaw ay aking pinaamin Inaway kita at pilit na diniin Na may nararamdaman o may gusto ka sa’kin Ang pag-aaway na ito ay itigil natin Mayroon ka lang sasabihin sa akin At yun na nga, ikaw ay napaamin rin Isang araw, aking napag-isipan Bagay tayo, ikaw ay niligawan Gusto mo ang gumagawa ng tula Tatlong tula yan ang aking ginawa At yun na, sinagot mo’ko bigla Naging masaya ako, totoo Naging masaya ako sa piling mo Nakakalimutan ko lahat ng problema ko Akala ko palagi tayong masaya Yun ay panaginip ko lang pala Ang mahal ko ay may mahal ng iba Masakit, masakit na wala ng tayo Pero Masaya, Masaya dahil merong kayo Galit, galit ako dahil pinipilit ko ang sarili ko sa’yo Takot, takot akong mawala ka sa buhay ko Yan ang emosyon, emosyon ko sa’yo Pero ano na ba ang papel, ang papel ko sa buhay mo Pangako huli na to, huling tula na gagawin ko para sa’yo Seryoso,  wala itong halong biro Pakakawalan na kita Sana maging masaya ka sa kanya Marami pa namang iba, iba na mahihigitan ka pa Kaya paalam  na.
0
Jul 10, 2020
Jul 10, 2020 at 9:42 AM UTC
Emosyon
Sa tag-init ay nagdidikdik ng asin Sa tag-ulan ay kakainin ang bunga ng pananim Ano ito ang nakatagong sakit na ipinunla ng mga luha Dahil sa hindi masabi sabi ang sinta kaya ba na muntik na gawin ang pangkukulam kay Dessa Kasalanan na kaagad may parusa Lumalalim na ang tampo sa kanya Pagsuyo na pinag iingat-ingatan ay punyal na nakatarak sa puso't isipan Mas mabuti kung nakakalimutan Ngunit sumpang ala-ala na bumabalik hindi nagtatahan At kapag lasing na ay nagiging madaldal Mahangin ang wika, sa kataas - taasan ay umaapaw Kung mananahimik ay parang nakakulong sa bahagi ng mundo Sa prusisyon ay hindi maglalakad Ang luhang dumausdos sa pisngi ay wala ng makababakas pa kahit patak man ng natutunaw na kandila
0
Apr 20, 2019
Apr 20, 2019 at 2:58 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #66
#042816 Naghalungkat ako Ng mga larawang walang mukha, Kupas na alaala, Walang kulay na sandali, Basura ng pagkukunwari. Nagkolekta pala ako Ng mga kumikinang na diyamante Mapang-akit at akala ko'y tunay. Pero sila'y pekeng alahas. Pinunit ko Ang mga sulat na hindi nabasa May mga letrang dayuhan sa papel, Nabubura, natitintaan, natatapalan At nakakalimutan. Nagbilang ako Ng mga barya, kahit paulit-ulit Hanggang sa maging kulang. Inipon ko, pero hindi sapat, Kaya't gagastusin na lamang Para sa walang saysay na luho. Nagtupi ako Ng mga damit na gula-gulanit Noo'y bago pa't sabay sa uso. Ayos ang pustura, Pero ngayo'y basahan na, Mabuti pang gupit-gupitin na lang. Magtatapon ako Ng inaanay na kaha, Walang silbi; walang pag-asa. Kesa sa mabulok itong muli, Hindi niya na kayang iinda ang paglilihim. Papalayain ko na siya Kahit pa siya'y mahal.
0
Apr 28, 2016
Apr 28, 2016 at 10:36 PM UTC
Cabinet
Madaming taon ay nakalipas. Madaming litrato natakpan. Bakit hindi mo pa nakakalimutan?
0
Apr 18, 2017
Apr 18, 2017 at 8:58 AM UTC
P a a n o?
Isantabi muna ang takot sa dilim. Isantabi muna ang nasaktang puso . kalimutan muna ang mga mapapait na nakaraan at tayo ay magkaisa para bigyan pansin ang wikang Pilipino na unti unting nalulunod dahil sa impluwensya ng mga banyaga. nakakalungkot isipin na hindi na pinapansin ang sariling wika nakontento na tayo sa kaalaman tungkol sa wika . nakakalimutan na ang kahalagahan at kaimportansya neto sa bansa. Nasaan na kayo?
0
Aug 21, 2018
Aug 21, 2018 at 8:07 AM UTC
Nasaan na kayo?
Mas madaling intindihin ang pag-ibig Kapag walang sinasambit at parating tahimik Kapag ngumingiti at umaabot sa langit Kapag nagagalit at napipikon ng kay dali Mas madaling basahin ang pag-ibig Kapag kumikislap ang mata at kinikilig Kapag kamay nakakapit at sa braso nakasabit Kapag tumatawa at masid tunay na ligaya Mas madaling mahalin ang pag-ibig Kapag puro at dalisay ang pag-sinta Kapag walang lihim at parating totoo Kapag hindi nangsasakal at pinipigalan ang galaw Mas madaling alagaan ang pag-ibig Kapag ikaw ito at hindi s'ya Kapag ikaw ito at hindi iba Kapag ikaw ito at ikaw lang ito Hindi parin nag-babago Hindi parin nakakalimutan Hindi parin natatabunan Hindi kailan man lilisan Ikaw parin ang aking pag-ibig Ikaw parin ang aking sinisinta Ikaw parin ang aking ginugusto Ikaw parin ang aking paksa sa tulang ito
0
Dec 26, 2020
Dec 26, 2020 at 6:19 AM UTC
"Mananatiling Ikaw"
mahal kita, sigurado akong mahal kita.. kahit sa pagkakataong nakakalimutan **** kailangan din kita, kahit sa mga panahong kaysa sa akin ay may pinili kang iba... mahal kita, sukdulan hanggang langit kumbaga, kaya noong unang beses mo akong binalewala, hindi ako nagtampo bagkus inintindi kita.. mahal kita, kung may sobra pa sa sobra.. kaya't sa paglisan mo ngayon ako'y nagtataka, tunay bang ako ang pinili nung pinili kita.. mahal kita, mga salitang laging sambit sayo ng aking mga labi, mahal kita, mga salitang dahil sa labis na pagmamahal sayo'y nakalimutan kong sabihin sa aking sarili.
0
Feb 1, 2020
Feb 1, 2020 at 7:42 AM UTC
mahal kita
Labis nating inaalintana ang ating kinabukasan. Natutulero sa pweding kalabasan,nang mga kilos na hindi pinag-iisipan. Masyadong padalos-dalos sa ating mga hakbang. Nababagabag, nauubos ang oras at panahon sa kakaisip ng ating kahihinatnan. Nang hindi namamalayan,na ang Halaga ng Kasalukuyan ay atin ng nakakalimutan. Sa pagnanais na makarating agad sa bukas,ang Ngayon ay hindi na napapahalagahan. Kung hindi na alam ang nangyayare sa takbo ng ating buhay,Huwag kalimutan na anjan ang Maykapal.Laging gumagabay at nagbibigay ng tamang daan. Manalig at magdasal at tayo'y Kanyang Papakingan.
0
Mar 23, 2023
Mar 23, 2023 at 10:53 AM UTC
Takbo ng Buhay