Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"mahigpit" poems
salamat, sa pagpiling laruin ang aking mga daliri na tila hindi alintana ang pasmang taglay na kung lumuwag man ang kapit ko, ay mas hihigpit ang hawak mo kung dumulas man ang palad ko, ay hahatakin mo ako pabalik patungo sa piling mo upang hindi tayo maligaw sa ating mga sariling halik. salamat, dahil ilang beses kong pinasalamatan ang kalahatan pati ang tila pagyakap ng mga unan sa iyong bawat pagtahan ang mga salitang kaakibat ng kalungkutan at kasiyahan at pagmamahalan, na kung susuriin ay pilit na lumalaban kahit paulit-ulit kitang pinapahirapan. salamat, sa araw-araw **** pagbati ng "magandang umaga" kahit ikaw ang sanhi ng pag-aalinlangan kung tama bang magpahatak sa iyong kanlungan. ilang beses ko bang pagdududahan ang boses **** tila kandungan hindi ko man hiningi ay hinandog ng kalangitan sa likod ng mga telepono'y nagngingitian ngunit pipiliin kong ang akin ay hindi mo masilayan dahil puno ito ng kalungkutan. salamat, sa mga pangakong matulin ang pagkakasabi na bago pa man bigkasin ay batid ang mariing katotohanan na paulit-ulit lang itong maglalaro sa isipan. kahit ilang beses kong pagbawalan ang mundo na bitiwan mo ang kamay ko ay nasasakal na ang mga daliri at humihina ang aking pulso. salamat, dahil ang relasyong ito ay tila hindi matatakasan ang pangungusap na nabubuo'y nagtatapos sa kuwit at ang mga katanungan ay sinagot ng pilit. ang bawat "mahal kita" ay naging nakaririndi nagbabalitaktakan kung kanino ang mas dinig pilit man lakasan ang aking tinig ang panawagan kong umalis ay hindi mababatid. salamat, kahit paulit-ulit kitang pakawalan sa aking puso ay mahigpit ang iyong kapit na sa sobrang higpit ay tila paulit-ulit ding nagdurugo pati ang isip kong tila gumuguho dahil hindi ka lumalayo. patuloy man ang aking pag-ayos at nagtamo pa ng maraming galos; ay patuloy din ang iyong pagsira dahil pareho tayong lumuluha.
0
Jun 9, 2018
Jun 9, 2018 at 12:49 PM UTC
salamat.

Continue reading...
56
Simula noong ako'y bata pa, Iba ang iyong pagpapahalaga, Paulit-ulit kong itong nadarama, Isang pag-aaruga, Na hindi kayang tumbasan ng anong halaga, Sa panahon na ako'y nagkakasakit, Ako'y iyong pinipilit, Di ba't sinabi **** kailangan kong kumapit? Manalangin sa Maykapal ng mahigpit, Sapagkat pag-asa'y hindi niya ipagkakait. Di mo man sa akin sabihin, Ito'y aking napapansin, Di mo man banggitin, Alam kong ika'y nasasaktan din, Nahihirapan, Puso mo'y lumuluha, Kaya't ang tangi kong dalangin, "Panginoon ako'y inyo na lamang kunin." Kung kapalit naman nito'y pasakit at suliranin, Di ko kayang makita si Papa na ako'y nagiging pasanin, at kanyang babalikatin. Papa ika'y mahalaga sa akin, Naalala ko pa ang pagkakataong ako'y nagiging malungkutin, Niyakap mo ako kaya't ako'y nagiging batang masayahin, Ang halik mo sa akin, Kaysarap damhin! Init ng pagmamahal na hindi kayang sukatin! Pag-ibig na kahit saan kaya kong dalhin, Habang buhay kong gugunitain, Himig ng pagmamahalan natin! O kaysarap dinggin! Ang tiwala **** sa akin ay hinabilin, Bagkus ko itong pagyayamanin, Hinding-hindi ko ito sasayangin, Habang buhay ko itong pupurihin, Hanggang sa ito ay magniningning! 100 na tula alay ko sayo! Ika'y isa sa magiging pahina nito, Laman ka ng aking nobela, Na hindi maipagkakailang----- Ako'y sa'yo at ika'y akin lamang!
0
Aug 18, 2017
Aug 18, 2017 at 10:53 PM UTC
100 Na Tula Para Kay Papa
Lilingon-lingon upang makakuha Ng isang sulyap, isang silip Hanggang sa tinalikuran mo na ng Tuluyan Ang kalayaan At hinayaan mo ang sarili mo Na bumalik Sa selda na iyong pinanggalingan, nakasanayan Pero hintay, hinto! Hindi kita papayagan na magkaganito Hayaan mo na yakapin kita ng mahigpit At pawiin ang mga luha sa iyong pisngi Wala akong mga karanasan at payo na pwedeng ibahagi Pero susubukan ko na Baliktarin ang iyong simangot sa isang ngiti Makatulungan sana nang kahit kaunti Sa mga sugat mo na humahapdi Ilagay mo ang iyong mga kamay Sa akin Ikaw ay aking hahawakan, Hinding-hindi ka bibitawan Ikaw ay sasamahan lakarin Ang nakatakdang landas Na kailangan **** tahakin Sa dami ng mga lubak at lindol Siguradong tayo'y madadapa rin Pero huwag mo na 'yun isipin Kasi anumang mangyari Kahit kailan, kahit saan Ikaw ay aking iibigin
0
Dec 12, 2013
Dec 12, 2013 at 7:03 AM UTC
Kaibigan
totoo and sinasabi nila na sa segundong mawalan ka ng pakialam sa mundo ay bigla nalang itong magpapakita ng pakialam sayo na sa oras na maglaho sa iyong pansin ang tagtuyo biglaan nalang iiyak ang mga ulap para sayo na sa sandaling binitawan mo ang kamay ng gusto ng makawala darating ang ibang kamay na hahawak muli nito ng mas mahigpit, totoo ang sinasabi nila tila mahirap lang maniwala sa sabi-sabi, sa haka-haka dahil hindi nga naman ikaw ang nakatayo sa sapatos nila tiwala tiwala sa pag-angat ng araw na hindi ka nito bibiguin tiwala sa iyong pag-dasal sa mga bituin na kumukuti-kutitap sa gitna ng dilim, ang buwan na sa mga pagkakataong wala ng pag-asa ay kakantahan ka ng may bukas pa, totoo ang sinasabi nila oo darating ang mga araw na bigla ka nalang mapapaiyak sa tuwa, sa lungkot sa paglisan ng taong iniikutan ng buhay mo darating ang mga araw na bigla ka nalang mapapaluhod dahil wala ka ng magawa at wala ka ng matawagan pero tatandaan mo na hindi ka nag-iisa dahil nandito ako, ako ako na kailan ma'y minahal, nagmamahal, at magmamahal sayo kumapit ka lang sa aking kamay sa aking balikat sa aking katawan na kahit ulanan ng pasa at sugat ay ibinibigay ko sayo ng buong buo uulitin ko, totoo ang sinasabi nila na sa gitna ng kawalan sa gitna ng pagsuko sa gitna ng pagbitaw ito mismo ang maghahanap sayo siya mismo ang maghahanap sayo darating at darating ang parte nitong kwento na bubuo sayo at muli nanamang iikot ang iyong mundo pero sa ngayon, sa dito, sa oras na ito habang naghihintay ka pa, ay mali pala, dahil hindi tayo maghihintay at hindi tumigil ang pagtakbo ng oras sa buhay na ito dahil maliwanag pa sa bumbilya ang kamalian ng nakaraan bitawan mo lang at hayaan mo kong isatupad ang aking mga pangako hindi kita iiwanan, tiwala magtiwala ka lang sa huling pagkakataon, uulitin ko, totoo ang sinasabi nila hindi ka nagbubulagbulagan kundi pinagkakatiwalaan mo lang ako ng buong isip at buong puso, ako ako na nagtiwala rin sa Kanya ako na hindi umasa, ngunit humawak sa salita ng aking Ama, ako ito ang tatandaan mo
0
Feb 26, 2016
Feb 26, 2016 at 11:40 AM UTC
Pag-bitaw

66
sobrang ginaw ba ng paligid at pati puso mo'y nanlamig? niyakap kita ng mahigpit, ngunit mas nanginig nang ako'y lumapit. sabi mo'y kailangan mo ng oras, espasyo na saki'y malayo. ang nais mo'y makapag-isip, bakit ko naman ipagkakait? binigay ko lahat ng gusto mo pero ngayon ako ang talo. ang panahong hiningi para init ay manumbalik ay ang s'yang naging mitsa upang damdami'y tuluyang mawaglit. sobrang lamig na ng paligid at ang tanging lunas ay ang iyong halik. pakiusap mahal, ika'y magbalik.
0
Oct 27, 2018
Oct 27, 2018 at 1:02 AM UTC
MAHALAMIG
Samahan mo akong kumawala, iwanan natin ang mundong ito sinta. Ikaw ang nais makasama sa pag-iisa, ikaw ang aking pahinga. Maglakbay tayo patungo sa kawalan, ang ingay at gulo ng mundo'y ating takasan. Hanggang kailan ito magtatagal? Walang kasiguraduhan, pero pinapangako kong hindi kita bibitawan. Tara roon sa dalampasigan kung saan mistulang ang mundo'y tayo lang ang nilalaman. Hayaan **** ang iyong mga kamay ay aking hawakan habang tayo'y nagsasayaw sa ilalim ng buwan. Ipikit ang iyong mga mata at damhin ang pag-ibig ko, sinta. Ituloy natin ang pagsasayaw na walang ibang musika kundi ang aking pagkanta. Mga noo'y magkadikit habang ang mga mata'y nakapikit. Higpitan ang iyong kapit, huwag kang matakot lumapit. Sa maiksing panahong tayo'y nagkakilala, ako'y iyong tunay na pinasaya. Ikaw sa akin ay tunay na mahalaga. Hindi kayang ipaliwanag ang nadarama. Huwag kang mangamba, sa puso ko ay mananatili ka. Halika sa mga bisig ko, mahal. Panahon natin ay di na magtatagal. Ang pagtatapos ay nalalapit, yakapin mo ako nang mahigpit. Nalalabing oras ating sulitin, pangakong ito'y ating uulitin. Huwag ka nang malungkot, huwag nang sumimangot. Huwag nang pumiglas sa aking yakap, damhin ang ihip ng hanging kay sarap. Kasabay nang pagtatapos ng gabi ay ang pagtatapos ng ating nakaw na sandali. Dahil tayo ay alon at dalampasigan, tinakdang magtagpo kahit panandalian. Tayo ay alon at dalampasigan. Ako ang alon at ikaw ang aking dalampasigan, ang lugar na aking pahingahan, aking takbuhan, aking pansamantalang tahanan. Ako ang alon at ikaw ang aking dalampasigan; ako sa'yo ay lumalapit, pilit kumakapit, ngunit kailangan kong lumisan. Ako ang alon, ikaw ang aking dalampasigan; malayo man ako saglit, ako'y babalik at aasang tadhana'y pagtatagpuin tayo ulit.
0
Nov 14, 2016
Nov 14, 2016 at 9:50 AM UTC
Alon at Dalampasigan

26
Bato sa balat, Hayaan **** lumapat ang ‘yong kahinaan sa mahinahong baldosa Payagang lamig ay yumanig sa bawat panig ng iyong katawan Mula sa kalamlaman ng iyong talampakan hanggang umabot sa– Pagitan ng iyong mga hita, paakyat sa kalamnan, patungo sa dibdib Hanggang maramdaman nginig na dala ng iyong pag-iisa. Ipagpaliban mo muna ang mundo Ilaw sa paningin, Hayaan **** angkinin ka ng daang-daang mukhang nasasalamin sa bawat tisa Tignan ang iyong mga nakikita, ikaw ngayon ay nakakahon sa bato– At mga multo na iisa lang ang mga mukha’t hinaing Payagang ika’y ariin ng kanilang mga nanlilisik na titig, Huminga ng malalim at iyong sabihing Ginusto mo ang linggatong na ‘to Mata sa dutsa, Tumingala hanggang kadahilanan ay magunita Ang iyong katwiran kung bakit pinili mo ang kapangahasan Hamakin ang sarili’t magnilay-nilay sa nagbabadyang kasalanan ‘Di hamak naman na mas ikakasaya mo ang pait– Ng paglalapastangan sa sarili nang ilang makamundong saglit Pagbigayang mabasa ang sarili Silakbo sa kawalan, Ipikit ang mga mata’t pakiramdaman ang daloy ng tubig sa’yong balat Ipaanod sa agos ang haplos ng pighati’t pagtitimpi Sa mahigpit na bisig ng isang mapanghusgang mundo Tikman ang hagod ng malamig na pelus sa iyong mga labi Sumidhi sana ang pagdanak ng init ng pagnanasa sa bawat bena Mahalin mo ang iyong pagkatao Makipagtalik sa sarili, Ibigin **** maibigan ang pagiging makamundo’t makasalanan Ibaling ang pansin sa pagpapalabas ng himutok Muling sabihin na hindi makasarili ang pagnanasa sa sarili’t Ulit-ulitin ang pagbaluktot ng diwa’t isipan hanggang ito’y tumatak, Hanggang sa mabulalas mo ang iyong mga suliranin At matapos ang lahat ng iyon hindi mo maiiwasan– Pagkamuhi sa sarili.
0
Jun 9, 2018
Jun 9, 2018 at 1:20 PM UTC
Onanism

36
Naging masaya tayo. dahil sa'yo, biyak na biyak na puso ko, nawala ang pagmamalasakit, dahil sa'yong lokohan, naniniwala pa rin ako na maayos ang lahat, naniniwala akong walang aalis sa mahigpit na yakap wala akong halaga, hindi hindi na ako maniniwalang magiging totoo ang mga pangako natin sa isa't isa, nasira tayo, inakala natin na totoong pagmamahal ang inilaan natin sa isa't isa, buti nalang, inisip kong mabuti na, wala kang parte sa buhay ko, nagkakamali ka kung iniisip **** mahal kita.
0
Mar 26, 2018
Mar 26, 2018 at 3:54 PM UTC
Naging Masaya Tayo
Yayakapin ka nang mahigpit Pinagkainan mo'y ako ang magliligpit Tititigan ko pa rin ang mga mata mo Kahit na malabo na ang paningin ko rito Iintindihin kita sa pagiging makakalimutin mo Habang ipapaalala ko ang pagmamahal sa iyo Madali na rin siguro ako makalimot Ngunit pag-ibig ko sayo'y hindi ipagdadamot Marahil puti na ang ating mga buhok Matatamis na pagkain bawal na tayong makalunok Uugod-ugod, kulubot ang balat Ikaw pa rin ang aking prinsesa hangga’t ako’y nakadidilat
0
Nov 21, 2018
Nov 21, 2018 at 12:03 PM UTC
Sa Ating Pagtanda
Ang tula ay isang wasak na puso At isang nababagabag na isipan Na lumalakad sa mga bubog ng alaala Duguang mga paa, saan ka pupunta? Lumuluhang mga mata, ano ang iyong nakikita? Kung ang kahapon ay nilisan na, sa pagsikat ng araw mananatili ba? Kung ang sana ay isang mahigpit na yakap, kakapit ka ba? Kung ang mga halik ay matamis na panaginip, gigising ka pa ba? Kung ang kanyang mga kamay ay pangako ng isang umaga, bibitiw ka ba? Ang tula ay mga salita ng unang pagkikita at mga yapak ng paalam na.
0
Nov 25, 2018
Nov 25, 2018 at 1:00 AM UTC
The What Ifs
Tanging hiling sa hangin na sana'y tangayin Ang mainit na bugso ng damdamin Bawat paghampas at kumpas, Hindi ko alam kung saan dadalhin Pinasok natin ang buhay ng isa't-isa Walang kamalayan sa ating pakakahantungan Sa mundong hindi perpekto at walang sigurado, ang tanging pinanghawakan ko lang ay may ikaw at ako. Nangungulila sa mga mata **** nangungusap Na sapat ng pagtakpan lahat ng sakit na nararamdaman Ang mga mata **** sumilaw sa madilim kong isipan Kailan ko kaya ulit ito matatanaw Madaming hindi pagkakaintindihan Nauuwi sa sakitan Hindi mabilang ang kapintasan Na bumabalot sating samahan Tila bagyong walang dala kundi pinsala Pagmamahalan nating puno ng pangamba Mga mata mo lang ang tanging naging sandigan Panangga sa kalamidad, silong sa kadiliman Isang gabing hindi ko mabura sa ala-ala Nakatatak sa puso't ispian Binaybay ng mga kamay mo ang bisig ko Hinagkan, hinalikan at hindi binitawan Pinagdasal na sana'y wala ng katapusan H'wag na sanang sumikat ang araw Dahil walang ibang nais kundi ang namnamin Ang bawat minuto sa iyong piling Marami ang hindi kayang unawain Ang ating kumplikasyon na dala ng depresyon Ano bang alam nila? Bukod sa kutyain tayo Sabi nila baliw tayong dalawa Hindi inalintana ang sinasabi ng iba Malaki ang tiwala ko sa'yo, sa akin, Sa ating dalawa Ngunit naging malupit ang mundo, marupok ka at mahina ako. Hindi na kita kilala Hindi mo na ko tinitignan sa mata Tinalikuran ang sarili kong giyera at pinaglaban ka Patuloy kong sinasabi sa'yong, "Mahal, andito lang ako. Kumapit ka." Nagbingi-bingihan, pasok sa isang tenga Labas sa kabila Pinagtabuyan palayo pero sabi ko sa sarili, hindi ako susuko. Tuwing ipipikit ko ang mga mata, hindi maiwasan ang pagtulo ng luha. Sinisigaw ng puso, kayanin ko pa. Pero ang tanong ng utak, para san pa? Gusto kitang hagkan sa bawat sulok ng katawan, gustong akuin ang sakit na iyong nararamdaman. Naging manhid ka saking sakripisyo, Patuloy akong pinagtabuyan. Hanggang sa naubos na ang pasensiya at pag-unawa, halos isuka na natin ang isa't-isa Pagmamahal nalang ang nakita kong dahilan kung bakit patuloy parin nating sinubukan Hindi lilipas ang isang araw na walang bangayan Ang haplos **** nung una'y malumanay naging mahigpit at puno na ng galit Nauntog sa katotohanang hindi sapat ang pagmamahal lang Naglaho ang kislap ng mata na nung una'y sapat na kahit wala ang mga salitang, "mahal kita" Anong ginawa natin sa isa't-isa? Mag pag-asa ba talaga ang pagmamahalan ng dalawang taong sira?
0
May 13, 2016
May 13, 2016 at 8:24 AM UTC
Pagmamahalang sira

68
Sa araw na’to haharanahin kita Kahit ‘di ako marunong kumanta. At ako’y madalas laitin ng iba. Ayos lang sa akin, basta ikaw ang kasama. Makita lang kita tumawa Buo na ang aking umaga. Magkakantahan tayo Kahit pareho tayong sintunado. Ang mahalaga ay sumaya tayo Kahit na madalas, sablay sa tono. Magtatawanan at maghahagikgikan 'Yan ang ating kaligayahan. Sa paglubog ng araw, parehong naluha. Dahil tapos na naman ang araw At ako naman sayo’y mangugulila. Ika’y lilisan na, Magtutungo sa Amerika. Nagyakapan ng mahigpit, At binigay ko ang aking gitara. Dahil ito lang ang magpapa-alala Sa ating masasayang alaala.
0
Jan 3, 2015
Jan 3, 2015 at 2:35 AM UTC
Gitara
I. Pangalawang pagkakataon? Karapat-dapat ka pa ba para doon? Matapos **** saktan ang damdamin. Ganun-ganun nalang ba ‘yun? II. Hindi mo alam ang dinanas kong hirap, Habang ikaw, hayun at nagpapasarap. Ang hirap mabuhay ng wala ka, Dahil sanay na akong nasa tabi kita. III. Pero pinilit kong tumayo para mabuhay! Sinanay ko ang sarili na wala ka, At lahat ng pagkalimot nagawa na. Pero ang sugat sa puso'y naghihilom pa. IV. Matapos ang isang taon, Landas natin ay muling nagkita. Akala ko lahat ng ala-ala'y wala na. Akala ko nakaraos na ako sa sakit, hindi pa pala. V. Iiwasan sana kita kaso braso mo'y ibinuka, Para tayong nagpapatintero sa kalsada. Pagkat humihingi ka ng sandali, Para makapag-usap tayong maigi. VI. Pumayag ako, Kahit alam kong masasaktan lang ako. Kahit alam kong 'di pa kaya ng puso ko. Pumayag ako! VII. Bakas sa mukha mo ang pagkatuwa! Dahil sa wakas masasabi mo na, Kung bakit ka nalang nangiwan bigla. Aaminin ko, ako rin ay nakaramdam ng kaunting tuwa. VIII. Pero hindi ko yun ipinahalata, Sapagkat, kung iyon ay iyong makikita, Marahil ika'y umasa na pinatawad na kita. Mali! Maling mali! IX. Napa-usog ka bahagya at nagbuntong hininga pa. Napahawak ka saking braso, tumingin sa aking mga mata. Sinabi mo lahat ng dahilan kong bakit ako iniwan, Ako ay naliwanagan sa iyong mga tinuran. X. Humihingi ka ng pangalawang pagkakataon, Pero hindi ko yun ganun-ganun. Tugon ko'y: “Aking pag-iisipan” at umalis na lamang. Hinabol mo ako’t sinabing: “Mahal kita 'di kita kinalimutan.” XI. Hindi ako sumagot at sa paglalakad diretso lamang. Pero alam ko sa sarili kong mahal pa rin kita. Alas dose na at diwa ko’y gising pa, Dahil sa aking naaalala ang ating muling pagkikita. XII. Napag-isip-isip kung dapat pa bang pagbigyan kita. Kahit na alam ko sa sarili kong mahal pa rin kita, Nagdadalawang isip pa rin ako baka masaktan na naman ulit ako. Hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako. XIV. Dumaan ang dalawang linggo, At sinipat mo na ako sa bahay ko. Halatang nasasabik ka na sa isasagot ko. Niyakap kita ng mahigpit sumigaw ng “Oo!” XV. Sa una'y nagtataka ka pa sa kinilos ko, At hanggang sa unti-unti kang nangiti. Dahil naliwagan na ang loko. Matagal ko ng pinag-isipan 'to at “Oo” ang sagot ko. XVI. At dahil mahal pa kita, hindi ko na natiis pa, Hindi sapat ang mga daliri ko kung gaano ko, Lubos na pinag-isipan ang isasagot ko sa'yo. At magmamahalan tayo muli, sa pangalawang pagkakataon.
0
Jul 18, 2015
Jul 18, 2015 at 1:01 PM UTC
Pangalawang Pagkakataon

75
Kumapit ka. 'Wag kang bibitiw mula sa 'king kapit, Kung kailanga'y dakutin mo ang aking damit. 'Wag nang mag-atubili at ika'y humawak nang mahigpit, At makinig sa lahat ng aking mababanggit. Hindi lahat ng pangarap ay nakakamit. Hindi lahat ng bituin ay naaabot. Hindi lahat ng bundok ay naaakyat, At hindi lahat ng kapatagan ay nalilibot. Hindi lahat ng bukang-liwayway at dapithapon ay romantiko, Ngunit bakit kaya'y sa bawat pagsalubong ko sa araw ay ikaw lang ang laman ng isip ko? Hindi lahat ng panahong magkasama tayo ay puno ng kilig, Pero bakit kaya'y tila nauuwi na yata ito sa pag-ibig? Hindi lahat ng araw ay puno ako ng tuwa, Pero salamat nga pala sapagkat ikaw ang dahilan ng aking saya. Hindi lahat ng tulog ko ay mahimbing at mabisa, Ngunit dahil ikaw ang aking panaginip, salamat na rin pala. Ikaw ang pangarap na gusto kong makamit, Ang bituing nais maabot, Ang bundok na iniibig kong akyatin, Ang kapatagang gustong malibot. Kapag kasama ka'y ang bawat takipsilim ay nagiging romantiko, Nagiging matingkad ang kulay ng bawat bahaghari, Nagiging sabay ang kumpas ng bawat kanta sa tibok ng aking puso, At nagiging katotohanan ang isang pangarap na nais kong makamit Ngunit salamat sa pagturo sa 'kin Na hindi lahat ng nagmamahal ay minamahal din. Hindi lahat ng ginawa ko ay kaya **** gawin. At ang pinakamasakit sa lahat, ay 'di mo pa rin ako kayang mahalin.
0
Jan 6, 2017
Jan 6, 2017 at 11:18 AM UTC
Ang Makamit Ka
Sa sampu sigurong manggagawa ng Kentex tatlo ang maglalakad nang napakalayo, mula pinakamasikip na eskinita sa Valenzuela hanggang pabrika para makatipid sa tricycle. Sayang din kasi. Dalawa siguro sa tatlong yun, babae, may tig-isang anak na dumedede pa at hindi pa talaga maiwan pero kailangan nang iwanan kahit mahigpit ang pagkakakapit sa tuwing paalamanan dahil mas mahigpit ang pangangailangan. Sa sampung rin sigurong manggagawa ng Kentex siyam yung nagbabaon ng kaning tinipid nung hapunan at ulam para hindi na bumili sa kainan. Yung isa siguro kakain na lang ng biskwit at tubig. Sa sampu sigurong manggagawa ng Kentex siyam yung hindi na magbebreaktime para magmeryenda. Sayang ang bawat minutong titigil sa paggawa ng tsinelas, baka hindi umabot sa quota, baka mawalan ng trabaho bukas. Sa sampu sigurong manggagawa ng Kentex dalawa lang ang nagpapansinan sa oras ng trabaho- yung magkaedad at magkatabi. Sayang ang bawat minutong tatakas ang atensyon sa ginagawa, baka mareject ang gawa, baka tuluyan nang tumunganga. Sa sampu sigurong manggagawa ng Kentex labing-isa yung hindi pa nakaranas ng fire drill. Sa sampu sigurong manggagawa ng Kentex labing-isa yung walang benepisyo. Sa sampu sigurong manggagawa ng Kentex labing-isa yung mababa ang sweldo. Sa sampu sigurong manggagawa ng Kentex labing-isa yung inaasahan ng pamilya. Sa sampu sigurong manggagawa ng Kentex labing-isa ang hindi mo kilala kaya wala kang pakialam mabigyan man sila o hindi ng hustisya.
0
Aug 2, 2015
Aug 2, 2015 at 12:48 PM UTC
SIGURO, HINDI KO SIGURADO
Paunawa sa babasa: Hiniling ng isa kong kaibigan na relihiyoso na gawan ko daw s'ya ng tula tungkol sa ikalimang wika ni Kristo noong nagdaang Mahal na Araw kaya kahit Atheist ako ay ginawa ko ang Free Verse (Malayang Taludturan) na ito. “Nauuhaw ako” Malalim ang baon ng mga pako sa kanyang mga kamay at paa. Mahigpit din ang pagkakatali ng lubid sa kanyang mga braso. Napapalibutan siya ng mga kaaway, nagsusugal at nag-iinuman ang mga sundalong Romano habang nililibak siya ng mga Pariseo. Tiyak na wala s’yang kawala. Naghahalo ang dugo at pawis magkasabay itong umaagos palabas mula sa kanyang katawan; hindi na rin n’ya maalala kung ilan ng sampal, suntok, sipa at palo ang kanyang natanggap. Sa gitna ng kanyang paghihirap binigkas ni Hesus ang kanyang ikalimang wika: “Nauuhaw ako” Kagabi lang bago s’ya dakpin ng mga tampalasan ay nagmakaawa s’ya sa hardin ng Getsemane at taimtim na hiniling sa kanyang Ama na kung maaari sana ay huwag na n’yang danasin ang paghihirap na ito. Subalit hindi s’ya dininig nito. “Nauuhaw ako” Siya ba ang kailangan na magdusa, obligado ba s’ya na bayaran ang kasalanan ng iba? Bakit s’ya ang inutusan ng kanyang Ama para akuin ang sala ng sangkatauhan? Masyadong mabigat ang pasanin na ito para sa isang hamak na karpintero na gaya n’ya. “Nauuhaw ako” Ito ba ang kapalit ng pagiging masunurin at mabuting anak ang masadlak sa laksang dusa at malagim na paghihirap? Nasasabik na s’yang umupo sa tabi ng kanyang ama; hinahanaphanap n’ya na ang papuring awit ng mga Anghel sa langit. “Nauuhaw ako” Nilikha ba ang sanlibutan at ang mga tao upang sa bandang huli ay maging mapaghimagsik sila at walang galang sa kanilang lumalang? Bakit punong-puno ng kalupitan at karahasan ang mundo? “Nauuhaw ako” Hindi sapat ang tubig o ano mang inumin para mawala ang kanyang uhaw na nagmumula sa puso; ang pag-ibig ng sangkatauhan ang kanyang inaasam.
0
Nov 6, 2017
Nov 6, 2017 at 3:28 AM UTC
"NAUUHAW AKO"

14
Kailanma'y hindi ako nagsawa Hindi ako magsasawa Na titigan ang masaya **** mga mata Tingnan ang labi **** tumatawa Pakinggan ang boses **** musika sa aking tainga At tanawin ang nakabibighani **** mukha Hindi ako magsasawa Ilang araw man ang dumaan Patuloy pa ring ikaw ang nasa aking isipan Tila nga nalulusaw na ang kisame Kakatitig ko, at ang mahahalagang bagay ay isinasantabi Malaanan ka lamang ng oras Kahit man lang sa isipan ko At ang pananatili ng iyong mga bakas Ay ang hindi mo paglisan sa puso ko Dahil kung merong pagkasugat Kasunod agad nito ang peklat Na mananatiling sa aki'y nakatira At hindi na ito mabubura Pero mahal, hindi pa rin ako magsasawa Hindi ako magsasawang kabisaduhin ang iyong bawat paglingon Ang iyong mga di pagtugon Kabisado ko na ang iyong mga galaw Kagaya nang kung paano ko laging naaalala Ang iyong pagtanaw Pagtanaw mo sa akin kasabay ng iyong ngiti Kabisado ko ang iyong mga "hindi" Kabisado ko na kung saan kita makikita Sa mga lugar na minsan sa aki'y naging mahalaga Alam na alam ko kung kelan tumitibok ang aking puso Tuwing nakikita ko ang sapatos mo Itim at pula Ang kulay kung saan lagi kitang naalala Rinig ko na ang malakas na pagtibok At agad akong nagtatago sa sulok Hindi ako magsasawa Magpapatuloy ako At kahit nasasaktan ako sa mga pagbitiw mo Oo, ramdam ko ang pagbitiw mo Kahit pa hindi mo kailanman hinawakan ang mga kamay ko Oo, masakit Nasasaktan ako Pero pasensya na, magpapatuloy pa rin ako Lumipas ang mga buwan Sa aking puso ka pa rin nanininirahan Sa dami ng unos na aking naranasan Nahihirapan akong tumahan Hanggang sa napagtanto kong pagod na ako Hindi ko alam kung paano nangyari ito Biglaan nalang Kagaya ng paglaho mo Pagod na ako Pagod na akong intindihin ang aking nadarama Pagod na akong umasa Pagod na akong maghintay sa wala Ang umasa sa mga bagay na kailanma'y di mangyayari Mga bagay na hindi ko mawari Pagod na akong paniwalain ang sarili kong magugustuhan mo rin ako Paniwalain ang sarili kong may dadalhin ka sa pagbalik mo Pero nagkamali na naman ako Dahil nakalimutan ko Na hinding hindi pwedeng maging "tayo" Dahil iba ang gusto mo At hinding hindi mangyayaring magiging ako ang tipo mo Dahil hindi tayo talo Pagod na ako sa mga bagay na di pwedeng ipilit Pagod na ako sa pagkapit ko na dati'y mahigpit Pagod na akong kumapit Pagod na ako sa sakit Ngayon, gumagawa na naman ako ng tula Para sa taong iba ang nilalaanan ng kanyang mga salita Pero bago matapos ang tulang ito... Pakinggan mo ako Pakinggan mo ang bawat salitang aking sambit Pakinggan mo ang liriko ng aking awit Pakinggan mo ang tono ng aking tula Damhin mo ang bawat pagbigkas ko ng mga talata Dahil maaaring ito na ang magiging huli Ito na ang bagay na hindi ako magsisisi Sa huling pagkakataon, ramdamin mo ang aking pagkapit Ramdamin mo sa huling pagkakataon ang aking bait Dahil, sobra nang pait Ayaw ko nang damhin Ang mga sugat na dinulot nito Dahil ngayon, nagdurugo ang puso ko Habang tinitingnan ang mga sugat sa kamay ko nang dahil sa patuloy na pagkapit sa'yo Ako lang pala ang kumakapit Kaya tatapusin ko na Ako'y bibitiw na Nang sa gayo'y maging malaya ka na
0
Nov 13, 2017
Nov 13, 2017 at 6:54 AM UTC
Hindi Magsasawa

90
Mayroong yakap na mahigpit; mayroong yakap na magaan. May mabigat, may parang nasa ere't may parang walang laman. May luhang dugo't pawis, may luhang sampal sa nakaraan at luhang mitsa ng pagbangon. May ngiting tinuwid, may ngiting dyamante sa langit pero tinampo't itinapon ng pagkakataon. Oo, kayhirap amuhin; parang berdeng buhangin. May mga katauhang iniibig, kahit di ka perpekto't kulang din sa pag-ibig. Piniling umibig, hindi pinihit -- Hindi pinilit na umibig. Bagkus, Siyang katapatan ng Langit, Siyang patas, Siya nga namang tapat. Kaya naman katapata'y naging patas; ni walang ganti, ni walang pag-imbot. Dalisay ang pag-ibig, luha'y salok sa gabi't Siyang Perlas na pabaon sa umaga.
0
Mar 18, 2016
Mar 18, 2016 at 10:14 AM UTC
Berdeng Buhangin
I. Heto na naman ang panahon na naman ng tag-ulan. Ating ala-ala ay dahan-dahang nagsisibalikan, Sa aking mumunting isipan. Mga ala-alang na hindi na dapat pang binabalikan. II. Naalala ko pa noon ang ating unang ulan, Sa kung paano mo ako hagkan, Sapagkat pareho tayong nangingig ang katawan. Niyakap kita ng mahigpit at halos ayaw na kitang pakawalan. III. Pareho tayong tahimik ng mga gabing 'yun, Hindi tayo nag-uusap nasa iba ang atensyon. Bigla kang bumalikwas at sa akin ika'y napatingin. Ako'y panandaliang nagulat at ako'y umiba ng tingin. IV. Napukaw ang atensyon mo ng iyon ay aking gawin, Ika'y nagtanong: “Mahal, anong ba’t 'di ka makatingin?” Nagulat ako sa tanong mo, 'di ko alam ang sasabihin. Sagot ko'y: kaswal na “Wala” at ika'y niyakap ng mariin. V. Bigla akong nagising sa katotohanan, Kaya’t akin ng tinigilan ang pag-iisip ng kalungkutan. Kung itatanong n'yong nasaan na s'ya. Nandun s'ya sa langit kapiling ang Diyos Ama. VI. Oh, ulan! Kasalanan mo talaga 'to! Kaya ngayon sila'y muling tumatangis mula sa mata ko. Hayaan n'yo na ako, Ganito na talaga siguro ang epekto ng mga ulan sa buhay ko.
0
Jul 8, 2015
Jul 8, 2015 at 11:53 AM UTC
Ang Ala-ala Sa Unang Yakap Sa Ulan
Unti-unting naghahari ang dilim Sa sulok ng lumang kamalig Isang papel at lapis na hinahawakan nang mahigpit At ang buwan ay sumisilong Sa anino ng mundo Batbat ng bituin ang langit Sa bulag na panganoorin May galak na maiguguhit Sa kapintasan ng tinta Ang saysay ng buhay malilirip Sa kumukutitap na lampara Lahat ay nakapiring Habang sa luklukan ang gabi Nalilingid ang katotohanan Ngunit maaaring isulat ng pipi Luluha ang birhen Sa awit ng mga pipit Ang pagsasalaysay sa buhay Ay kapana kapanabik Kung may hirap at pasakit Ngunit hanggang kailan ang pagtitiis sa lumulubog na kapalaran Umaaninag sa pawid at Sa mukhang nagugululumihanan Lumilipas ang sandali nang marahan Mahirap suyuin ang hangin Hindi madali ang mabuhay Magpatangay sana upang makalaya gaya ng lumulutang na saranggola sa habag ng gabi't tala
0
Oct 26, 2019
Oct 26, 2019 at 6:10 AM UTC
Saranggola sa Hating gabi
Kung maaari lamang sana kita'ng    makita at makausap, Yayakapin kita nang mahigpit at    magpapasalamat--- Salamat sa sakripisyo,    sa pagmamahal, para sa iyo'ng pasensya at    paalala'ng walang pagal. Alam ko'ng sandali lamang    tayo'ng nagkasama, ngunit hanggang ngayon ang iyong    pagiging ina'y akin pa ri'ng dama. Marami pa sanang gusto'ng    sabihin at iparamdam sa'yo; Nasaan ka man, sana'y iyo    pa ri'ng natatanto: Kung ano ma'ng mayroon ako,    ano ako at nasaan ako, Aking Anghel, ay dahil at para sa'yo. *(c) emeraldine087
0
Apr 13, 2018
Apr 13, 2018 at 2:25 AM UTC
AKING ANGHEL
Kay dami nang hindi mo katulad ang sinarahan ko ng pinto Hindi labag sa aking kalooban na mag papasok kung sino-sino Para mag kalat, mang gulo, at bantayan ang mahalagang bagay sa akin Dahil alam ko na ikaw ang tahanan ko At nakalaan to para sayo Ikaw ang banyo na binabalik balikan ko na parang balisawsaw ako Ang kusina na nagsilbing lugar, para iluto ko ang putahe na mas matamis pa sa mga ngiti mo Ang silid kainan, kung saan lahat ng gusto mo ay inihain, dulot ng pagmamahal ko Ang sala, kung saan ang tinig ng halakhak at tawanan ay maingat na tinatabunan ang pintig ng puso, Ang aparador, kung saan nakatago lahat ng liham na dapat basahin mo At ang kwarto, kung saan bumubuhos ang luha, na naging takbuhan ko tuwing nalulungkot ako, Sabay mahigpit na yakap sa unan nang hindi ako bitawan nito Ikaw ang susi para mabuo ang tahanan ko, Isang katok lang ang tunog na gusto kong marinig galing sayo Kung pwede lang tanggalin ang pinto na nakaharang dito Ito'y gagawin ko Isang sulyap lang kahit may harang na matataas na bakuran na nakapaligid sakin ay masaya na ako Ipaalam mo lang na hinahanap ako ng mga mata mo dahil para sayo ito Gusto ko nang ipaalam sayo, Ang mga lihim, na wala nang espasyo para ipaglagyan pa Gusto ko nang ipaalam sayo, Na ikaw ang gusto ko, sya lang ang kailangan ko Gusto ko nang ipaalam sayo, Na tunay kang mahal nito At sana'y alam mo ang lihim ko, Na gusto kong ako ang maging tahanan ng puso mo
0
Feb 18, 2016
Feb 18, 2016 at 11:08 AM UTC
Lihim na Tahanan
Sa kanyang himig ako'y nahahalina Magkasintunog ng mga ibong malaya Umiindayog sa puso ko't pagsinta Misteryosong dilag, sino s'ya talaga? Sa tuwing napapanood 'y anong ganda Mata'y matimyas na tala sa umaga Tanglaw sa daigdig na puno ng hiwaga Liwanag sa bukang liwayway 't hiraya Manipis ang labing kakulay 'y makopa Malamyos ang tunog ng bawat salita Halik ng anghel ang dapyo ng hininga Halimuyak ay buhay, di nawawala Kahit panlalaki ang gayak at porma Na kanyang ginampanan sa prima donna Munting lawiswis na lupaypay 't mahina Nang lumaki'y diwata sa encantadia Ang isip ko ay kinabig 't kinawawa Ginapos nang mahigpit ng kanyang drama Madalas ay namumugto ang mga mata Kapag nasisilayan s'yang lumuluha Huwag sana pabugso bugso't pabigla Ang tibo niyang pangungusap at banta Sapagkat nababagha't natutulala Damdami'y pinamumugaran ng kaba Sa kumpas ng mga kamay ay humahanga Isang paraluman na ang kiyas 'y siga Hudlum sa kanto na mahal ang pamilya Pinakamatapang na lahing Claveria Sa likod ng pagganap ano nga ba s'ya? Sapantaha ko ay magalang na bata Binibini at dalagang Filipina May puring Perlas ng Silangan ng Asya Lingid sa kamalayan nang napahanga Sa kanyang angking galing bilang artista Dagdag pa ang sayaw n'yang mala-prinsesa Sa makabagong tinikling, siya'y reyna Araw 'y nakahilig sa katanyagan n'ya Harap 'y pangarap na sinasalubong pa Hiyas s'ya sa mundo na walang kapara, Kumikinang at nagbibigay pag-asa
0
Jan 4, 2020
Jan 4, 2020 at 11:09 PM UTC
Altheyah Ablan
Ang panggagaway ay sinukat na plano Nadinig ang umanas na demonyo Marahil di itinadhana Patawarin sana ang kaluluwa na binahiran ng tintang itim Nanawagan sa iba't-ibang uri ng engkanto Sila'y maging alipin Lumagablab ang raya Naupod parang sigaro ang katinuan Walang sumansala sa hangad Lumapit na  ang liyag Tulala habang bumalisbis ang luha Dinukot ang puso niya't nilunok Mamamatay kung hindi maaangkin Ang nag-udyok ay ang nilalaman ng diwa para tumahi ng isang hiraya Sapagkat di maipahayag nang harap harapan kaya ang hinanakit ang naghari sa gitna ng pagsinta Pinalipad gaya ng saranggola Ang guryon ay mahigpit na tinalian Sa kalaunan, napugto ang sinulid Nakalaya sa pagkabigkis
0
Dec 23, 2018
Dec 23, 2018 at 8:43 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #25
Maisusulat ko ang pinakamalulungkot na tula ngayong gabi. Maisusulat, halimbawa: “Ang gabi’y mabituin, at nanginginig, asul, ang mga tala sa dako pa roon.” Umiikot sa langit ang hangin ng gabi, umaawit. Maisusulat ko ang pinakamalulungkot na tula ngayong gabi. Siya’y inibig ko, at kung minsan ako’y inibig din niya. Sa mga gabing tulad nito, niyakap ko siyang mahigpit at hinagkan sa lilim ng walang-hanggang langit. Ako’y inibig niya, kung minsan siya’y inibig ko rin. Paanong hindi iibigin ang mga mata niyang malamlam? Maisusulat ko ang pinakamalulungkot na tula ngayong gabi. Isipin lang: Hindi ko siya kapiling. Nawala siya sa akin. Dinggin ang gabing malawak, mas malawak pagkat wala siya. At ang tula’y pumapatak sa diwa, parang hamog sa parang. Ano ngayon kung di siya mapangalagaan ng aking pag-ibig? Ang gabi’y mabituin, at siya’y hindi ko kapiling. Iyon lamang. Sa malayo, may umaawit. Sa malayo. Diwa ko’y hindi mapalagay sa kanyang pagkawala. Anyong lalapit ang paningin kong naghahanap sa kanya. Puso’y naghahanap sa kanya, at siya’y hindi kapiling. Ito ang dating gabing nagpaputi sa mga dating punongkahoy. Tayo, na nagmula sa panahong iyon, ay di na tulad ng dati. Hindi ko na siya iniibig, oo, pero inibig ko siyang lubos. Tinig ko’y humalik sa hangin para dumampi sa kanyang pandinig. Sa iba. Siya’y sa iba na. Tulad ng mga dati kong halik. Tinig, maningning na katawan. Mga matang walang-hanggan. Hindi ko na siya iniibig, oo, pero baka iniibig ko siya. Napakaikli ng pag-ibig, at napakabata ng paglimot. Pagkat sa mga gabing tulad nito’y yakap ko siyang mahigpit, diwa ko’y di mapalagay sa kanyang pagkawala. Ito marahil ang huling hapding ipadarama niya sa akin, at ito na marahil ang huling tulang iaalay ko sa kanya. “Tonight I Can Write The Saddest Lines” ni Pablo Neruda sinalin sa Filipino ni Jose Lacaba.
0
Dec 16, 2016
Dec 16, 2016 at 9:30 AM UTC
Kung 'di Man

43