Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"limang" poems
Isa Isang taong nasasaktan Isang taong umaasa Isang taong nagbigay tiwala Sa isang taong kanyang pinaka mamahal Isang pagiibigan na nabuo sa loob ng isang taon Isang magandang relasyon Nasira ng isang sigalot Isang pangakong bibitiwan Ng isang pusong umaasa Dalawa Dalawang taong pinagtagpo Dalawang taong nag-ibigan Dalawang taong nagbigay kulay Sa buhay ng isa't isa Dalawang pusong pinag-isa Dalawang labing nakangiti sa tuwina Dalawang matang lumuluha Dahil ang dalawa'y hindi na isa Tatlo Tatlong laruan na nagbuo ng pamilya Tatlong laruang ginawang anak ng dalawa Tatlong salita na nagbigay ligaya Sa pusong tatlong taon ng umaasa Kung may magmamahal pa ba? Tatlong minuto kapiling ka ay sapat na Upang mapawi ang lungkot at mapalitan ng ligaya Tatlong masasakit na kataga Ang naghiwalay ng landas ng dalawa Apat Apat na buwan ang hinintay Bago makamtan ang matamis kong 'OO' Apat, ang bilang ng letra sa isang salitang tawag mo sa akin Noong ika-apat na beses na tayo'y nagkasama doon ka nagtapat sa'kin Lima Limang buwan tayong isa Lima, ang sukat ng aking paa Na lagi **** pinagtatawanan Lima, ang bilang ng mga daliri ko Na lagi **** hawak-hawak Limang minutong yakap madalas **** ibinibigay Anim Anim ang bilang ng letra ng iyong pangalan Anim ang dami ng nais **** alagang hayop Anim ang bilang ng pagpunta ko sa inyo Higit pa sa anim na beses kong uulitin ito: Mahal pa rin kita Pito Pitong kontenenteng nais nating lakbayin Pitong araw sa isang linggo Mga araw na pinasaya mo ako Pitong bilyong tao sa mundo Ikaw ang pinili ko Walo Walo, isang numerong mahalaga sa'tin Walo, isang numerong ginagamit sa tuwing naglalambingan Walo kapag pinalitan ang huling letra ng 'a' Wala, parang tanga Siyam Siyam ang araw ng kaarawan ko Siyam ang numero sa likod ng tshirt mo Siyam katunong ng pangalan ng matalik kong kaibigan na nasaktan ko ng lubos Siyam and dami ng taon na bibilangin bago matupad ang pangarap nating dalawa Sampu Sampung taon mula ngayon Ipinangako mo sakin ang isang masayang buhay Sampung taeon mula ngayon haharap tayong dalawa sa altar Sampung taon, maghihintay ako Yan ang pangako ko
0
Dec 27, 2015
Dec 27, 2015 at 9:10 AM UTC
Mga Numero

Continue reading...
76
Pwede bang pakisabi mo sa akin kung ano ang pag-ibig? Pakiramdam ko kasi ako na lang ang hindi makahanap nito. Pakiramdam ko kasi hindi sapat yung mga salitang nakalimbag sa diksyunaryo para maintindihan ko, Hindi din siguro sapat yung mga gabing 'di ako makatulog dahil sa'yo, 'Di din sapat na kasama ka sa mga salitang lumalangoy sa isipan ko tuwing susulat ako ng tula Hindi pa rin ba sapat, na nakilala kita? Para maintindihan ang pag-ibig? Para akong isang musmos na batang hinahanap ang kahulugan ng isang matalinghagang salitang nabasa niya sa isang tula. Nahihiyang itanong sa mga magulang at kaibigan, Kailangan ang sarili lang ang maka-intindi at makaramdam. Hindi ako makahinga, Sinasakal ako ng mga walang katapusang tanong, Kung ano nga ba talaga ang pag-ibig? Kung hinahanap nga ba 'to, o kung kusa nga ba 'tong dadating. Kung ang pag-ibig ba ay... Yung sandaling tumigil ang oras nang nakita mo siya sa unang pagkakataon? Yung nalaman ninyo ang pangalan ng isa't-isa at inukit mo na agad 'to sa isipan mo, at lumipas ang ilang araw may rebulto na siya sa puso mo. Ang pag-ibig ba ay... Ang mga saktong puwang ng inyong mga kamay? Ang bilis ng tibok ng puso mo nang una mo siyang nayakap? Nang nagsalubong ang inyong mga labi at nalaman niyo ang bawat sikretong tinatago sa katahimikan. Nang makita mo ang mga mata niya at naalala mo noong una kang nakakita ng mga kuliglig. Natakot ka at nabighani. Ang pag-ibig ba ay... Ang pagpapakatanga sa isang taong niloko ka na ng tatlong beses? Ang mga guhit sa braso mo? Ang mga natuyong luha mo? Ang pag-ibig ba ay ang pagmahal sa isang taong may mahal din na iba? Hindi ba pag-ibig ang pag-ibig, kung hindi nangyari ang lahat ng napanood mo sa pelikula at nabasa sa libro? Hindi ba pag-ibig ang pag-ibig, kung hindi ka nasaktan? Natatakot ako, Na baka sa sobrang tagal ko sa paghanap ng mga kasagutan, Mapapagod ako at susuko. Nabuklat ko na ata lahat ng mga talahuluganan at tesauro, Tila bang kaya ko nang gumawa ng tula para sa bawat salitang nakilala ko, Pero pinili kong mag-sulat sa isang salitang hindi ko nahanapan ng kahulugan. Limang beses ako nag-akala na nakilala ko ang pag-ibig, Limang beses akong nagkamali. Hindi ko alam kung tama pa bang kuwestiyonin ang pag-ibig, Ang ano, bakit, kailan, at paano. Siguro mananatili na lang 'tong matalinghagang salitang walang kahulugan at kailangan maramdaman para maintindihan. Pangako, Sa sandaling maramdaman natin 'to. Magmamahalan tayo ng higit pa sa pag-ibig.
0
Jun 27, 2016
Jun 27, 2016 at 6:32 AM UTC
Higit Pa Sa Pag-ibig

45
Tuwing balikan ko ang nangakaraang araw na nagugol noong kabataan. Wari'y nagbabalik ang diwang malumbay, na minsang dinanas niring abang buhay. Ang bawat nagdaang aking mga araw, doon sa luntiang ating paaralan gunita ay pawang dusa't kapanglawan, ang bumabalot niring balintataw. Subalit ang dusang nakapanghihina, pilit napapawi ng mumunting saya. Ang isang bituing kahali-halina'y naging hugot-lakas niring pusong aba. Hindi ko mawari noon yaring dibdib, tuwing binabaybay ang daang matinik. Anong ubod sayang naglaro sa isip, ang sinintang Musa ng aking pagibig. Simula nang ikaw ay aking mamasdan O! hangad kong tala sa sangkalangitan, hindi ko malirip at di na maparam tila nanggayumang lagi sa isipan. At magbuhat noo'y aking hinahangad; ang sangkalangita'y aking malilipad, upang mahahaplos ang talang pangarap at isang dahilan niring pagsisikap. Subalit ang hangad wari'y panaginip at tila'y malabo itong makakamit. Pagkat ako'y lupa't ikaw'y nasa langit, at kutad ang pakpak at walang pangsungkit. Ang tanging nagawa, sa layo'y pagmasdan. Puso'y inaaliw sa taglay **** kinang, at kung anong siglang sa akin nanahan, ang sanlibong dipa'y lakaring di pagal. Iyon ang gunita't aking kabataan, doon sa mahal kong ating paaralan. Kung pagsaulan ko'y pawang kapusukan, subalit tiyak kong sa puso ay bukal. Sumapit ang yugtong di ko na namasdan ang tanging bituing aking minamahal. Pagkat ay nalayo ako sa tahanan, upang susuungin ang bago kong daan. Ang pakiwari ko'y sa taong nagbago, paghanga'y aayon at ito'y maglaho. Tulad ng magapok ang buhay na bato, kung saan inukit ang puso't ngalan mo. Taon ay nagdaa't panaho'y lumipas, ngunit ang paghanga'y hindi kumukupas. Hindi ko maarok na lalong nagningas, nang muling magtagpo ang ating nilandas. Kaya ninais kong maipapahayag, ang mga damdaming sa puso'y nailimbag. Limang ikot-araw ang mga nagwakas, magpahanggang ngayo'y laging umaalab. Ikaw ang bituing aking hinahangad, isa sa nagtanglaw niring aking landas. Ang Musa sa puso't tanging nililiyag, ang umakay niring diwa na sumulat. At ngayon ay aking naipapabatid, dito sa talatang nagsalasalabid. Mula sa paghanga't tungo sa pagibig, ang hindi maihayag niring dilang umid. Papalarin kaya itong abang lingkod, at mula sa langit ikaw'y pumanaog? Diringgin mo kaya yaring tinitibok ng pusong noon pa'y sa'yo umiirog? At kung yaring akda'y sa'yo walang lasap, ipaguumanhin ang pusong sumulat. Ninanais ko lang na maipahayag, ang aking pagtangi sa'yo at paglingap. At kung kasadlakan nito'y pagkabigo, sa aking paglapit, ikaw ay lalayo. Tanging hinihiling, sa iyong pagtakbo, nawa'y di burahin ang mga yapak mo. ©Raffy Love Canoy |March 2020|
0
May 10, 2020
May 10, 2020 at 7:53 AM UTC
Gunita ng Paghanga

73
Alam mo ba ang salitang pag-ibig? Natagpuan mo na ang iyong mangingibig? Handa ka na bang maging kaibig-ibig, Sa isang taong tinatangi mo't iniibig? Nang tamaan ako ng pana ni Kupido, Nabighani ako sa isang katulad mo. Bumilis ang tibok nitong abang puso ko, Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Sa tuwing ika'y pinagmamasdan, Lagi akong tulala at hindi maintindihan. Natataranta sa tuwing ika'y mapapadaan, Sa aking harapan at ako'y iyong ngingitian. Pag-ibig na nga itong aking nararamdaman. Naging magulo ang sistema sa aking katawan. Parang piyesta sa bayan kung ika'y pagkaguluhan, At nag-uumapaw na kaligayan kapag ako'y iyong kinindatan. Ang iyong mga mata'y ay parang bituin sa kalangitan. Na nagniningning at punong-puno ng kaligayahan. Ang hugis ng iyong mukha ay parang engkantada sa kagubatan. Napakaamo at mala-anghel kung ika'y aking tititigan. Nang ako'y magtapat ng aking tunay na hangarin, Naisiwalat ko ang sinisigaw nitong aking damdamin, Hindi ka nagdalawang-isip na ako'y agad na sagutin, At pinanindigan **** ako ay mahal mo rin. Mahigit dalawampu't limang taon na ang ating pagsasama. Biniyayaan tayo ng anim na anak at masusunuring mga bata. Inaruga at minamahal natin bilang mapagmahal na ama at ina, Na siyang dahilan na matagal nating buhay mag-asawa.
0
Jan 9, 2016
Jan 9, 2016 at 11:57 AM UTC
O, Pag-ibig
Sa minsan kong paghawak ng isang panulat At sa sandaling panahon na mata'y idinilat Masakit na katotohanan ang sa aki'y sumambulat At mga katiwaliang di man lang maisiwalat At kaya nga nabuo ang una kong tula, Punong - puno ng emosyon na pawang mga luha sa kahabaan tila ba naging dula, Dalawampu't limang berso:pawang may tugma Hindi ko alam kung bakit at paano Sa mga isyung pambansa,wala ngang alam gaano Pero basta't tinamaan ako ng inspirasyon, Biglang gumagana itong imahinasyon Mga salita ay rumaragasang tuloy - tuloy, Parang tubig sa ilog,walang tigil sa pagdaloy Nag - uumapaw sa kaisipan at sadyang matalinhaga Tunay na nagmumula sa puso ng makata
0
Mar 22, 2017
Mar 22, 2017 at 2:14 AM UTC
Makata ng Makabagong Henerasyon
Sinasalipadpad ang mga kalat sa pulitika Umaalingasaw ang baho ng iilang kandidato Sa modernong botohan Tila may iilang selyo, May mga balotang sanay Sa may agnas na kandado. Binaha ang pila ng nanghihingi ng boto Istratehiya ng isa'y musika sa mga bingi At may mga bulag na nabibili ang dangal Iisa lang sana ang daan Pero may nagwawagayway ng limang daan. Sa Pula at sa Dilaw Andaming banderitas. Alam nyo, kapwa ko Magising tayo Mamulat na tayo Tama na ang bawian-buhay. Itong Hari ng mga Pula May tandem na Itim Dugo't budhi ma'y kayrumi Hindi kasi pinapansin Ang Itim ang Hari ng Droga Panay ang kalat sa Puerto Princesa Ang Pula ang taga-walis Tila anghel sa bawat sigaw ng masa Naglipana kasi ang salapi Mula sa bulsa niyang binulsa lang din Nagkabaun-baon sa utang Itong siyudad na wala noong bahid. Binayaran pati ang dangal Hindi lamang ng mga naturingang mangmang Eh kasi pati yung may rango Nagpatiwakal na rin Nanlimos ng barya ng bayan. Buhay mga kinitil Kung ang salita ay bibitiwan, Barilin nyo kami nang talikuran Habang may hinagpis Kaming Inang Bayan. Magwagi ka man Pula Hindi papayag ang Hari ng Sanlibutan Patas siyang lalaban sa Bayan Pagkat siyudad niya ito, Kaya nga "City of the Living God." Marami mang pakulo ang partidong Pula Sana'y Ama, dinggin mo ang mga Anak Kami'y maralita Palimos ng pag-asa Lalaban para sa hustisya. Mga kamay Mo ang yumapos sa bayan At basbas Mo'y sa Dilaw Pagkat ang puso ang Iyong tinitingnan Hindi ang pagkilos nang walang pagtingala Sayo. Ikaw ang Maghari Ama
0
Apr 29, 2015
Apr 29, 2015 at 10:23 PM UTC
Recall

54
Nilawis ng dilim ang mayorya ng mga ilaw sa kalangitan Ang kapanglawan ng mga ulap na nagdaan ay nakakapangilabot Kumikinang ang maliliit na butas sa telang itim na tumatalukbong sa himpapawid At sa bawat minutong nagdadaan may tila bang may naglalaro sa balabal ng karimlan Tila may kutsilyong pumupunit sa alapaap para makasilip ang liwanag Ngunit muling isasara ang tastas na nagawa sa segundong ito'y nagsimulang bumuka May mga bulalakaw na nagpakita. Tayong limang nakahilata sa kamang kayumanggi na sinapinan ng damo Agad-agad tumingala sa pag-asang tayo'y makakahiling sa mga nauupos na bato Ang saglit na gumuhit ang bulalakaw ay nag-umapaw tayo sa tuwa Halata ang paniniwala sa pamahiing matutupad ang pangarap kapag humiling ka Sa isa't kalahating segundo na iyon na nagising ang ating mga diwa Ang mga daliri ay nakaturo sa nagdaang hulagway na hindi na maibabalik Sabay-sabay tayong pumikit. At sa pagbukas ng mga bintana patungo sa ating mga kaluluwa Ang isa sa atin ay nagreklamo; "Hindi ko nakita!" At sa kanyang pagsamo sa uniberso na magbigay pa ng pagkakataong humiling Paghalakhak at malarong panunukso ang nakuha niya mula sa atin Habang ang mapangilabot na simoy ng hangin ay humaplos sa ating mga katawan At ang katatawanan ay napalitan ng isang tanong walang kasiguraduhan: "Kailan kaya ulit mangyayari 'to?" Na tayo ay magkakasama sa isang pagkakataong Walang inaalalang pagsalansang ng mundong hindi tayo Na ang tanging balabal na bumabalot sa ating mga puso ay ang yakap natin sa isa't-isa Na ang kalinawan ng ating mga isip ay nagiging malaya Magpakita lagpas pa sa pagkislap sa gilid ng balintataw ng mata Na kung saan, tayong matatalik na magkaibigan, Tayo ay masaya. Sa bawat pilit na pag-alpas natin mula sa bisig ng nakaambang Mapanglaw na kinabukasan, tayo'y palaging magtatagpo dito —Hindi ko sinasabing sa plazang ito kung saan ang usok ng sigarilyo ay lumulunod sa baga, Kung saan ang mga punong nakahilera ay nakahubad at dayupay, Kung saan lingid ang ating kagustuhan gawing tirahan ang tinalikdang plaza na ito— Kung hindi, dito! Sa pagkakataong busilak ang tawanan at totoo ang ating pagkakaibigan Sa huling pagkakataon tumingala tayo. Lubusin natin ang pagkakataong kinakalmot ng mga anghel ang kalangitan Magpakasasa tayo sa saglit na pinatotohanan natin ang pamahiin Na kapag humiling ka sa bumabagsak na bituin ito'y magkakatotoo Na inuulok natin ang isa't-isa ipikit ang mga mata sa bawat ilaw na gumuguhit Sa himpapawid na madilim na mamaya ay babalik sa maulap na umaga At sa nagbabadyang pagtatapos ng pag-ulan ng ilaw at muling pagbukas ng ating mga mata Hanggang sa huling bulalakaw, Kaibigan, humiling ka.
0
May 23, 2016
May 23, 2016 at 12:58 PM UTC
Plaza Maestranza

44
Alas dos na ng umaga, Ako'y gising na gising pa, Nag-iisip ng mga bagay, Mga bagay na bumuo sa'king buhay. Nasagi sa isipan ko yung mga alaala, lahat, malungkot man o masaya, Nag mistulang halo-halo na. Kay rami ng sahog, yung iba di mo na kakainin pa. Sa dami ba naman ng akyat baba at atras abante ng buhay ko, Malamang nagkandaleche-leche 'to, Alangan naman lahat naka super glue? Ano yan? para di na matanggal kahit na bumagyo? Anu-ano nga bang nangyari nitong mga nakaraang bwan? Bakit parang nawala ako sa aking isipan, Ano nga ba talaga ang tunay na dahilan? Nitong isang aksidenteng aking kinasangkutan. Isang sahog ang di ko kinaya, Sa halo-halong aking kaharap sa mesa, Salitang sa ibang dayalekto nagmula, Nagsimula sa 'g' at nagtapos sa 'a'. Limang letra, isang salita, "gugma", ang isa sa sahog na aking nakita, "gugma", ang may pinakakomplikadong lasa, "gugma", minsay kay tamis, minsay kay pakla, minsay mapait pa. Halo halo ko'y puno nito, Mistulang lahat ng alaala koy tungkol dito, "gugma", paksa ng aking bakasyon, "gugma", isyu ng buhay ko hanggang ngayon. Hay nalang, iisa palang perwisyo na, Ano nalang kaya pag marami pa? Ano yan? "gugma na sobra sa isa"? Ayayay, naging salawahan pa... Ang halo halong iisa ang sahog ngunit halo halo parin, Sa dami ba naman ng iisang sahog di mo aakalain, Mistulang iba't iba, ngunit sa katunayan, iisa, "Gugma", sahog na dadaya sa iyong mga mata.
0
Aug 20, 2017
Aug 20, 2017 at 2:59 PM UTC
Halo halong sahog ay iisa
Tatlong Bituin at Isang Araw Isang Bandila, Apat na Kulay Dilaw Pula't Bughaw, Puting Dalisay muling nagugunita sa aking balintataw! Nasaan ka na nga ba? tanong namin minsan ni kuya habang sa amin si Bunso iniaabot ang papel na piraso. Nakatupi iyon at aking binuklat nang masilayan ko...katotohana'y sumiwalat. Damdamin ko'y halos gustong sumambulat sumandaling napapikit, sa aking pagmulat agad ko siyang hinagka't niyakap tumulo ang luha, sarili'y hinagilap hanggang matanto sa aking hinagap Bunso kong Anak... Ina'y INAAPUHAP Ang kanyang mga mata'y nangungusap huwag malungkot! ibig kong ipakiusap unti-unti ring matutupad mga pangarap waring singsing...hinugis ng alapaap Kahit walang ulan, posibleng magkabahag-hari Hangga't may pag-asa, lumbay mapapawi balang-araw mommy ninyo siguradong babawi makakapiling din na parang buhawi kasi di tayo gaya dati dapat Apat tulad nitong  Talumpati Kaso ang nailapat ay Labis pagkat panulat ko di Lapis Limang salita sa Bawat Taludturan sa mga saknong sana'y matutunan Kulang man kayo sa Pagmamahal tayo'y Family Three na Literal ako man ay naging Hangal Mga Anak Kayo'y Aking Dangal MAHAL KO KAYO! inyong tandaan pagkat ako'y Haligi ng Tahanan magmula pa sa inyong kamusmosan hanggang Mahalin ang INANG BAYAN !!! Philippines Independence Day June 12, 1898 - 2017 Ang Pamilya ang matibay na Pundasyon ng Lipunan. Lipunan na may Pagkakaisa upang bumuo ng Malayang Gobyerno Gobyernong magpa-HANGGANG NGAYON hangad at Ipinagbubunyi ang Araw ng Kasarinlan! Na siya rin namang Araw ng Kalayaan!
0
Jun 12, 2017
Jun 12, 2017 at 9:20 AM UTC
" dapat Apat "

43
Sa dami ng mga trabahong tumambak dahil hindi mo pa nagagawa Mga papeles na nagpatung-patong na Yung lamesa **** inaagiw na dahil hindi mo alam kung saan at paano magsisimula. At mga istoryang di mo pa maisulat dahil nangangapa ka pa. Isama mo na rin yung katrabaho **** nakakairita na sa tenga. Dahil crush niya daw si Justin Bieber At paborito niyang frappe sa Starbucks ay Caramel. Kahit mukhang ang afford niya lang ay Nescafe “Oo nga pala, French Vanilla” na iniinom ni Toni Gonzaga. Pero wala siyang pambili ng sarili niyang tumbler. Tangina. Idagdag mo pa ang mga patay na oras na sunod-sunod ang mga buntong-hininga Nahuli ka pa ng boss mo na nakatulala Kaya hayan at napagalitan ka pa. At dahil contractual ka, yung limang buwan na kontrata mo Biruin mo, baka mapaaga pa ang endo. Aminin mo na ang pagpatak ng alas-singko Ay may kakaibang dalang saya. Na parang sumagot na ng “oo” yung matagal mo nang nililigawan. Nakulayan na rin yung mga pinlano niyong outing na buong akala niyo’y hanggang drawing na lang. Parang pagbabalik sa Pilipinas ng kasintahan **** kumayod sa ibang bansa. Parang ibinalita sa TV na hindi traffic ngayon sa EDSA. Himala! Kaya ang pagsapit ng alas-singko ay kakambal ng paglaya. Wala sa’yo kung sa bus man ay tayuan O kaya sa dyip ay makasabit man lang. Basta makauwi ka lang. Nakakasabik pa rin ang ideya Na ang bawat pag-uwi Ay kasing banayad ng mayroong sasalubong sa’yong ngiti Mga ngiting papawi sa kangalayan ng mga binti. Mayroong yakap na nakaabang Ang mga bisig na nagmistulang pinakapaborito **** kulungan Dahil doon mo nararamdaman ang tunay na kalayaan. Mula sa pang-aalipin sa’yo ng lipunan. Nakahain na rin ang hapunan. “Mahal, ano ba ang ulam?” Sabayan natin ito ng mahabang kwentuhan. Simulan natin sa simpleng kamustahan. Dahil pagkatapos, ay aabangan mo na naman ang alas-singko kinabukasan.
0
May 20, 2016
May 20, 2016 at 11:11 AM UTC
Kung Bakit Inaabangan Niya Ang Alas-Singko

39
Mahigit pitumpu't limang porsyento Niyurak ng matinding alon Walang awa ang haplos Ang yapos na nakagigimbal Kinitil hindi lamang ang buhay Gayundin ang hanapbuhay. Ni hindi masisid ang perlas Na ngayong may takip sa ibabaw Nabibilang ang lumalangoy Kaawa-awang gambalain At hablutin sa laot nang walang muang Ngunit anong siyang magiging sapit? Kung sila'y hahayaang hindi nakagapos? At doon sa lambat ay patitiwarakin. Tinaguriang "No Build Zone" Ngunit naroon nakatirik ang bawat pundasyon Walang opsyon, pagkat ang gobyerno Kaytagal din nang pag-aksyon. Mula sa libu-libong tirahan sa Tent City Sila'y lilisan patungong Bunk House Transitional Shelter kuno Hanggang sa malipat At magkaroon ng panibagong tirahan. Doon sa Tacloban, May dalawang daan at apatnapu't anim na tirahan Bagkus ang nakalilim, apat na libong pamilya naman. Salamat sa mga NGOs Sa 9181 na Bunk House Sa gobyernong dapat na kikilos Kailan ba sisimulan ang pagbabago? Walong libong pabahay raw ang ginagawa 167 bilyon ang budget, Saan nga ba napunta? Ito ba'y binulsa? Comprehensive Rehabilitation Plan kung tinagurian Kay bango ng ngalan Bagkus umaalingasaw ang baho Ang kasiraan, ang kawalan ng aksyon Para sa bawat mamamayan. Sa dakong Guian, Eastern Samar Tatlong daang permanenteng pabahay raw Ngunit ni isang pundasyon ng naturang pabahay Tila naglaho pa rin ni Yolanda At walang bakas na pasisimulan. Sabi ni Pnoy, malinaw raw ang target Pero hanggang target na mga lang ba? Kailan ba sisimulan ang tuwid na daan? Baka naman baku-bako na Wala man lang pasabi sa kinauukulan. Kung ang hustisya'y hindi matugunan Sana ang kalamnan ng bawat biktima'y Syang agapang mapunan Kaawa-awa silang naghihikahos. Ang laki ng tulong ng mga karatig-bansa Ba't tila walang pakialam? Kayong mga nasa trono, Tayuan ang posisyon At serbisyo'y gawin nang totoo.
0
Nov 8, 2014
Nov 8, 2014 at 10:44 AM UTC
Pagbangon Buhat kay Yolanda

58
kung ang tula ay di akma sa paksa ng may akda ano pang talim meron ang talinghaga kung wala nang talas sa bawat talastasan nitong nagbabagang hidwaan ng tugmaan sa palabigkasan ng huwarang balagtasan meron pa nga bang halaga ang mga rima sa tuwinang wala namang ka-eskrima ang taludturang may tatlo-hang tugma manapa'y pakinggan itong aking mga tagong himig bagkos nga ako ri'y gawaran ng batikos sa aking hilig sapagkat mayroong hiwa ang susunod kong pahiwatig meron akong ikukuwento mga saknong na naimbento ito'y mula pa sa " KONTENTO " sa una niyong bahagi ano daw ang sinabi? heto't muli kong ihahabi ang hadlang at paslang na kapwa pumailanlang sa makatang may lalang 1) " may saboy ang liyab kapag naidadarang " (fire) 2) " sa simoy at alimuom na hindi pahaharang " (wind) 3) " anomang sisidlan, tining ay iindayog kapag umaapaw " (water) 4) " gaano man kalalim hukay, pagtapak sa lapag mababaw " (earth) 5) matapos ang pagyuko ,,,,tingalain ang Kaitaasan ....Ika-limang KONTENTO (love) ---walang hanggang mararanasan! 1) APOY 2) HANGIN 3) TUBIG 4) LUPA 5) PAG-IBIG
0
Jan 7, 2016
Jan 7, 2016 at 8:09 AM UTC
~lakbay-diwa~
Isa, isa lang, isa lang naman ang gusto kong makasama. Dito sa mundong pinaghalong lungkot at ligaya. Yun ay IKAW. Dalawa,  dalawang salita lang ang maibibigay ko. Maibibigay kong rason para malaman mo. Kung bakit ikaw,  ikaw ang gusto ko. Dalawang salita na binubuo ng siyam na letra, MAHAL KITA Tatlo,  tatlong salita lang naman ang ninanais ko. Salitang nais kong marinig mula sa bibig mo. Salitang habang sinasambit mo ay naguumapaw ka sa tuwa. Salitang MAHAL DIN KITA Ngunit apat,  apat na masasakit na salita. Na tila ba'y pagtibok ng puso ko'y tumigil bigla. Kasabay ng pagpatak ng luha sa aking mga mata. Nalaman ko,  nalaman ko lang naman na MAY MAHAL KANG IBA. Lima,  limang salita ang paulit-ulit kong hinihiling. Magmula ng malaman kong may iba ka ng kapiling. Sana,  SANA IKAW AT AKO NALANG. Anim,  anim na salitang patanong ang nasa isip ko. Tanong na gumugulo sa puso't isipan ko. Tanong na gustong malaman ang kasagutan nito. ANONG BANG MERON SIYANG WALA AKO. Pito,  pitong salita ang nais kong ipaalam sayo. Pitong salita na sana'y magpabago ng isip mo. Pitong salita na handa kong gawin para sayo. MAHAL KITA AT HANDA AKONG MAGHINTAY SAYO. Walo,  walong salita na pilit kong pinanghahawakan. Walong salita na inaasahan kong matutupad,  hindi man kinabukasan. DARATING ANG PANAHON NA MAMAHALIN MO RIN AKO. Siyam,  siyam na salita na alam kong totoo. Siyam na salita na binitawan ng kaibigan ko. Siyam na salita sa na dumudurog sa puso ko tuwing naririnig ko ito. WAG KA NG UMASA, MAY MAHAL NA SIYANG IBA.   Hanggang sa sampu, sampung salita na nanggaling mismo sa bibig mo. Salitang  nagmulat sakin sa katotohanang hindi talaga magiging tayo. Salitang nagpagising sa natutulog na puso ko. Salitang ITIGIL MO NA, HINDI MAGIGING IKAW ANG TAONG MAHAL KO.
0
Sep 13, 2017
Sep 13, 2017 at 12:03 PM UTC
Sampung mga Salita

37
Bilang na ang aking maliligayang araw. dalawa na lang. Kung isasama yung pangakong panlilibre ng lomi ng mga kasamahan sa pabrika sa unang restday matapos ang endo- tatlo. At ganito pala ang feeling ng may taning. Para kang nasa nilulumot na aquarium na walang oxygen at goldfish kang kasama ng dalawang golden arowana. Hindi ka makahinga. Sa a kinse, matuloy man o hindi ang balitang super-bagyo Tapos na ang limang buwang kontrata. Matatapos na rin ba ang hindi naumpisahang pagsinta? Tulad ng paghahanap ng mga skater sa kanilang skate park, matatagpuan ko rin ba ang lakas loob at habambuhay na hindi na? Kaya naman kaninang tanghalian, wala akong kwentong maihain sa iyo. Parang habambuhay ko ngang uubusin yung inorder kong BBQ kanin at RC. Paano ko ba sasabihing baka isa na ito sa huling dalawang tanghalian na sabay tayong kakain? Paano ko ba sasabihin na sa maraming pagkakataon na sabay tayong kumakain, nagtitipid ako at hindi naman talaga ako nagugutom. Gusto lang kita makasama kasi parang gusto na kita. Pero tulad ng inililihim kong pagtatapos ng aking kontrata Hindi mo alam. Hindi mo alam na ikaw ang dahilan kung bakit masarap ang simoy ng hangin sa loob ng pabrika kahit wala naman talagang bintana at inuubong industrial fan lang ang meron tayo. Hindi mo alam kung anong kapanatagang nararamdaman ko tuwing sinasabihan mo akong mag-iingat ako tuwing uwian kahit ang totoo, hindi natin kakilala ang kaligtasan at kapanatagan sa pabrikang walang fire exit at benefits. Yun talaga yun, hindi mo alam. Pero alam mo naman sigurong salot talaga ang kontraktwalisasyon? At maramot talaga sa mga lovestory nating mga below-minimum-wage-earners at contractual workers ang sistema ng paggawa sa Pilipinas. Sa mga susunod na bukas, ikaw naman ang mag-e-endo. Baka mapunta ka sa Savemore na tadtad din ng kontraktwal. At masnatch ang numero mo at hindi na kita matatawagan. At ako, baka sa hirap humanap ng trabaho maisangla ko ang aking telepono. At isang monumentong singlaki ng Mall of Asia ang itatayo sa pagitan nating dalawa. Kasalanan ito ni Ernesto Hererra.
0
Aug 2, 2015
Aug 2, 2015 at 12:53 PM UTC
ENDO

38
Babalik ako sa kung saan tayo ay mga bata pa Nag lalaro, tumatakbo, tumatawa Walang iniisip na problema At may mga ngiting walang katumbas Na nakikita sating mukha. Isang umaga ang hindi ko nalimutan Yung araw na nalaman ko na ikaw ay may pag tingin pala, Tumingin ako sayo Napatingin sa mga ngiti mo Na parang nakuha ang inaasam asam niyang regalo sa pasko Habang ika'y ay bahagyang yumuko at umiiwas na makita ko Mga mata natin ay nag tagpo Diko alam aking sasabihin Gusto ko itanong sayo kung bakit ako, Ngunit walang salita ang lumalabas sa mga labi ko. Ilang umaga ang nagdaan na palaging tumitingin sa langit at ngumingiti sa araw Pumipikit at dinadama ito na parang na sisilaw sa angkin nitong ningning Iniisip kung ikaw ay makikita. Kaya't dali daling papasok sa eskwela Tingin doon, tingin dito "Nasan ka ba" ang tatlong salita na laging sinasambit tuwing hinahanap ka. Tuwing tayo ay nag kakasalubong Parang may kuryente na sa katawan ko'y tumatakbo. Ngingiti tayo sa isa't isa Na parang mga batang binigyan ng sorbetes At natuwa sa kung gaano ito katamis. Tatapusin ko na itong tula na aking ginawa Ito nga pala ang isa sa magagandang bagay na nangyari saking pag kabata. Limang taon na ang nakalipas .
0
Feb 27, 2016
Feb 27, 2016 at 10:43 AM UTC
Elementarya
Sa unang limang segundo, berde. Sabi mo mahal mo. Sige, andar. Sa susunod na dalawang segundo, dilaw. Magmabagal ka muna. Pagisipan mo kung tutuloy ka pa. Sa huling segundo, pula. Tigil na. Wala na. Maghintay ka nalang. Magiging berde rin ulit yan. Wag ka na mag-beating-the-red-light. Pagbabayarin ka pa ng pulis at sasabihin sa'yong, "Nakita mo namang dilaw na yung ilaw, 'di ba? Ba't tumuloy ka pa?" At ikaw naman 'tong nagbubulag bulagang sasabihing, "Akala ko po aabot pa ako." Akala mo lang. Akala mo kakayanin mo pa siyang habulin pero hindi na pala. Akala mo maaabutan mo pa siya pero nakalayo na siya. Akala mo. Akala mo lang. Pero mali ang iyong akala. Sana. Sana pala huminto ka na. Sana pala hindi mo na hinabol. Sana pala noong una palang, inalam mo na. Sana inalam mo na, na di ka na niya mahal. Kaya nung naging berde na yung ilaw, umandar na siya. Pero nung umapak ka na sa gas upang habulin siya, naging dilaw na yung ilaw. Sana doon palang, tumigil ka na. Sana doon palang, nagdahan-dahan ka na. Pula na 'yung ilaw. Tigil na. 'Wag mo nang pilitin pang habulin siya. Pero ito ang sinasabi ko sa'yo, Sa pagkakataong ito'y maging berde na muli, Wag **** hintaying maging pula ulit ito. Ang mga busina ng kotse sa iyong likod ang nagsasabi sayo, "Umandar ka na. Berde na ang ilaw. Ano pa ba ang ginagawa mo?" Umapak ka sa gas, hindi para sa kanya. Pero para sa sarili mo.
0
Oct 6, 2015
Oct 6, 2015 at 12:50 AM UTC
Ang Stoplight Sa May Intersection
I. Sinong mag-aakalang matatapos ang lahat sa atin? Naalala mo ba na halos boto ang lahat sa atin? Akala nang iba, ‘di tayo magpaghihiwalay, Akala nang iba, tayo'y walang humpay. II. Noon 'yun, at hanggang akala nalang 'yun. Ang sabi nga nila, “Mahirap tumama ang mga akala” Maraming nadismaya at nalungkot nung malaman nila. Na ang dating hindi mapaghiwalay Ay may bago na ulit buhay. III. Bakit nga ba nawala ang dagitab sa'ting dalawa? Ahh, naalala ko na!Nagloko ka nga pala. Humanap ng iba, Samantalang ako tiwalang-tiwala Na ako na ako lang ang iyong sinta. IV. Ako naman 'tong si tanga, tiwalang-tiwala naman Na hindi mo lolokohin ang isang tulad ko, Tanda mo pa ba? Halos lahat ng sikreto ko alam mo. Pati nga numero ko sa ATM pinagkatiwala ko sa'yo. V. Ang tagal na natin, magli-limang taon na sana, Ang dami kong masasayang ala-ala na mababalewala. Pero aanhin ko naman ang mahabang pagsasama, Kung araw-araw may kahati ako sa'king sinta? VI. Siguro nga'y tapos na ang ating istorya, Nabasa na nila ang bawat pahina, Natuldukan na ang kwento nating dalawa. At nalaman na nila kung ano ka ba talaga. VII. Mas mabuti pa ngang punitin na ang bawat pahina, O kaya sunugin nalang, para mas madali, 'di ba? Pero salamat sa'yo ha. Dahil kahit paano may natutunan ako Na hindi sa tagal ang sukatan ng pagmamahal, sa tiwala!
0
Sep 13, 2016
Sep 13, 2016 at 12:06 PM UTC
Ang Hindi Nagpahalaga
Patay sindi ang ilaw sa kwarto. Bawat pagsindi ay napuputol ang tulog na mga limang minuto pa lamang ang tinatagal. Kaluskos mula sa kisame ay pilit na sinasawalang bahala. Ang salamin sa aparador sa paahan ng aking kama ay mistulang naggiging larawan. Mayat maya'y nagkakaroon ng imahe ng isang babaeng naka trahe de boda. Balingkinitan ang katawan, bagsak ang balikat, bahagyang nakatungo't walang bahid ng kagalakan sa kanyang mukha. Ilang saglit lang ay mawawala. Dali-dali akong tumayo at binuksan na lamang ang pinto ng aparador. Ihinarap sa pader ang salamin, sabay balik sa aking kama. Ang loob ng aparador na lamang ang aking nakikita. Wala na ang babaeng nakaputi, di narin nagparamdam muli. Nawala narin ang nakakabahalang kaluskos sa kisame. Ang ilaw ay nanatiling nakasindi. Alas-tres na ng umaga nang ako ay nakatulog. Nagising ng alas-sais at nagmamadaling naligo't nagbihis. Iniligpit ang gamit sa bag, nagsuklay at napaharap sa salamin. Natigilan. Nakasara na ang aparador. - March 15, 2010, Vigan
0
Mar 16, 2010
Mar 16, 2010 at 1:34 AM UTC
Ang Aparador
Puti, para sa malinis na intensyon. Ang mukha **** sigaw ay perpeksyon. Ako at ikaw ay hanggang sa imahinasyon, Pero ako ay may limitasyon. Pula, para sa mabungang alaala, Walang humpay na pagsasaya. Hindi matapos tapos na tawa, Pula rin, para sa dugong bubulwak at magsasama-sama. Lilac, para sa iba **** balak. Sakit na paeang kutsilyo ang sumaksak. Ang mga gamit ngayon ay iyong hawak, Puro ka galit at talak. Asul, para sa masalimuot na hangganan. Mga naburang tawanan, Naburang talaan At naburang pangalan. Itim, para sa pusong nagdadadalamhati. Para sa natamong sugat at pighati. Mga nawalang sabi-sabi at bati. Itim, para sa pag-ibig kong nahati.
0
Apr 18, 2017
Apr 18, 2017 at 3:07 AM UTC
Limang kulay ng Pag-ibig
Araw-araw bumabangon sa sariling saliw; ginigising ng gutom na kumakahig sa bituka. Minsa'y may buwan pa. Minsa'y may araw na. Palagian, walang laman ang platong hapag sa sahig na simot sa mumo. Katamaran! Katamaran ang limang-minutong pahinga mula sa pag-araro ng lupang 'di pag-aari. Katamaran ang pag-inom ng tubig sa gitna ng pagkayod sa araw na tirik. Batugan kung tawagan - palamunin - mga litid na sakal, makabagong alipin. Mga matang idinilat ng karahasan, mga iyak na busal ng kasadong bala - Ngayon, gigising. Gigisingin hindi ng kalam sa tiyan. Binalda ng pang-uumit - bubulabugin ng kapagalan mula sa impyernong tahi ng bukirin. Gigising sa sariling saliw; hindi sa gutom na gumuguhit sa bituka. Gigising Gigisingin ng pakikibaka.
0
Jul 1, 2020
Jul 1, 2020 at 12:27 PM UTC
Gising
Lunes Siya ay tatlong-daang talampakan mula sa aking kinatatayuan Sa kanyang pinaroroonan ako ay patungo Sa dulo ng pasilyong ito siya'y taimtim na naghihintay Sinuway ko ang tawag ng kahayokan ng damdamin At hindi kumatok nang madatnan ang pintuan ng kanyang silid "Hahayaan ko na lang siyang umidlip." sambit sa sarili Martes Siya, isang panibagong habol ng paningin, sumenyas May ngiti siyang ipinakita bago dumiretso sa kasilyas Sa silong ng eskuwelahan kung saan ako nag-aaral Ako'y sumunod sa utos ng aking katigangan Sumunod sa estrangherong may kislap sa kanyang ngiti Ngunit dali-dali akong umalis nang mga mata ko'y nanlisik Miyerkules Ako ay nakaupo sa dulo ng bus, iniwan ng mga pasaherong inip Napaisip at nag-iisip na bumaba na ngunit May sumakay na lalaking marilag at ako'y nabihag Hindi ko naiwasang hindi tumitig habang siya'y nakangisi At sa kanyang pagtabi at mag-dikit ang mga biyas namin Agarang tinawag ko ang kundoktor at pinahinto ang sasakyan Huwebes Mag-isa sa aking silid, nakahilata sa kama, Luna sa aking mukha Ang diwa ay naglalakbay at may hinahabol na alaala Bigla kong naalala may mensahe sa aking selepono Isang hubad na larawan ng kausap ko nang wala pang limang araw Nandilat ang aking mga mata at nagising ang aking diwa Sa kalakhang kanyang ipinakita na aking di naman gaanong pinansin Biyernes Ikaw ay aking muling nasulyapan sa isang kainan Malapit sa iyong tinitirhan, may kausap sa iyo'y nakikipagtitigan O sa imahinasyon ko lang iyon? Ngunit hindi ko maiaalis sa puso ko ang masindak, Manlumo, malumbay na kaya **** mabuhay na wala Ang init ng mga balat nating nagtatagpo. Oh Diyos ko, Ako'y pagbigyan mo makasama siya kahit isang gabi lang Isang magdamagang nananaig ang kamunduan Na maglapat ang aming mga dila Na masubo ko ang kabuuan niya hanggang mabulunan Na malasap ang alat ng pawis sa kanyang balat Na mahila ko ang kanyang buhok sa gigil ng pagkasabik Na muling takpan niya ang aking bibig, pinipigilan akong umimik Sabado ng gabi may mensaheng bumungad sa'kin Kami raw ay mag-hapunan at kumain ng pang-himagas hanggang Linggo ng umaga At sa pagkakataong ito ay pumayag na ako.
0
Jul 21, 2016
Jul 21, 2016 at 5:12 AM UTC
Araw-Araw

46
Mas mabuti pang ilibing Kaysa maligaw Mas mabuti pa nakikita ang sarili sa ilalim Kaysa hindi makita ang sarili kahit kailan Oo nga't ako ang naghukay ng lupa, Ako itong kusang pumasok. Ako ang naglibing sa sarili ko. Ngunit sinipa mo ako paloob. Tinabunan mo ng lupang mas marami pa kaysa nararapat. Sila itong nagpatong ng limang malalaking bato. Paniguradong wala na akong aahunan. Paniguradong hindi na ako makakabangon s apagkakamatay. Hindi pa napanatag at may ahas na pinagpilitan. Ipasok, gumapang, pinagsiksikan. Tinabihan ako, hinalikan Inikot ang ulo at dahan dahang pinalibutan ang aking leeg. Hindi ako lumalaban, hindi ako pumalag. Hanggang kailan niyo papatayin ang namatay na? Hanggang kailan niyo didiligan ng dugo ang lupang basa? Hanggang kailan ako mamamatay? Svelte Rogue
0
Apr 30, 2016
Apr 30, 2016 at 6:55 AM UTC
Manhid
Paghinga'y humihina at ang pagngiti ay may kasama ng luha Ang pagsinta'y kinaiinggitan ng langit bagaman hindi mapalad Pagdurugo'y ayaw na tumigil Ang kapanglawan sa loob ay naghari Nanirahan sa anino ng bukid - sa dilim Nag-alala sa di humuhugpong tulay Sinlamig ng nyebe sa taglamig Sa kaginawan nagiging yelo ang tubig At ang temperatura'y bumababa pa sa sero Gaya ng pagpanaog ng bahaghari sa magkabilang dulo Tulad ng malinaw na batis at ng talon na masiyahin nag-uugnay sa damdamin - pag-ibig na hindi kailanman naangkin at naalagaan para bumalong Nang ito'y hindi na maitiklop upang maisilid sa mumunting lalagyan, humihibik sa tuwing gabi Ang inuusal ay mahal na lakambini limang sintido'y binihag
0
Jan 22, 2019
Jan 22, 2019 at 3:32 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #57
Miss na miss na kita Ang aking minamahal Nang parang ito'y sugat Basag na salamin sa sa aking paa Nang nawawala ka Ay dinulot ng tuwa Kalungkutan, mabigat na bulsa At notebook na puno ng tula at minsan pera Noon ubos ang pera sa aking bulsa Piso, rosaryo, medalyo at picture mo Ngunit ngayon ay idinulot mo ang sakit sa bewang Parang may UTI o palo ang iyong dala Bulsa, pantalon at zipper Kinalimutan mo na ba? Kung gaano katagal na tayo magkasama? O minamahal ano pa ba? Mamatay lang ako huwag lang mahulog ang aking pantalon Buhat ang labing limang taon ng pagsasama Sinturon, nasaan ka na? (DEDICATED SA AKING ITIM NA SINTURON) MAY YOU REST IN PEACE KAHIT SAAN KA MAN
0
Dec 17, 2014
Dec 17, 2014 at 2:13 AM UTC
Sinturon
Limang taon na akong naghihintay Sa puso mo'y magkaroon ng kaunting espasyo Pag-asa'y unti-unting namamatay Sabihin mo Kailan ba dapat huminto? Kung may araw na sa gabi? Kung ubos na ang buhangin sa disyerto? Kung matamis na ang tubig-dagat? Kung ayaw ng magluto ni Spongebob ng Krabby Patty? Dahil hindi ako titigil Hangga't hindi pa nauubos ang nakaimbak kong "Kaya ko pa!" Hangga't hindi pa napapatunayan kung may forever ba At hangga't makalimutan ko na ang paghinga
0
Aug 31, 2015
Aug 31, 2015 at 1:24 AM UTC
Kailan Ba Dapat Huminto?