Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Oct 2015
Sa unang limang segundo, berde.
Sabi mo mahal mo. Sige, andar.
Sa susunod na dalawang segundo, dilaw.
Magmabagal ka muna.
Pagisipan mo kung tutuloy ka pa.
Sa huling segundo, pula.
Tigil na.
Wala na.
Maghintay ka nalang.
Magiging berde rin ulit yan.
Wag ka na mag-beating-the-red-light.
Pagbabayarin ka pa ng pulis at sasabihin sa'yong, "Nakita mo namang dilaw na yung ilaw, 'di ba? Ba't tumuloy ka pa?"
At ikaw naman 'tong nagbubulag bulagang sasabihing, "Akala ko po aabot pa ako."
Akala mo lang.
Akala mo kakayanin mo pa siyang habulin pero hindi na pala.
Akala mo maaabutan mo pa siya pero nakalayo na siya.
Akala mo.
Akala mo lang.
Pero mali ang iyong akala.
Sana.
Sana pala huminto ka na.
Sana pala hindi mo na hinabol.
Sana pala noong una palang, inalam mo na.
Sana inalam mo na, na di ka na niya mahal.
Kaya nung naging berde na yung ilaw, umandar na siya.
Pero nung umapak ka na sa gas upang habulin siya,
naging dilaw na yung ilaw.
Sana doon palang, tumigil ka na.
Sana doon palang, nagdahan-dahan ka na.
Pula na 'yung ilaw.
Tigil na.
'Wag mo nang pilitin pang habulin siya.
Pero ito ang sinasabi ko sa'yo,
Sa pagkakataong ito'y maging berde na muli,
Wag **** hintaying maging pula ulit ito.
Ang mga busina ng kotse sa iyong likod ang nagsasabi sayo, "Umandar ka na. Berde na ang ilaw. Ano pa ba ang ginagawa mo?"
Umapak ka sa gas, hindi para sa kanya.
Pero para sa sarili mo.
Poti Mercado
Written by
Poti Mercado  19/F/Manila, Philippines
(19/F/Manila, Philippines)   
3.5k
       Quasar Mangaoang, Ely Averill and Janelle
Please log in to view and add comments on poems