Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
M.U
Saksi ako sa bawat tingin.
Saksi ako sa lihim na pagdapo ng paru-paro sa iyong bukirin.
Saksi ako sayo at sa kanya.
Saksi ako sa pag-aari mo sa kanya, gamit ang iyong mga mata.
Saksi ako sa lihim na pagsulyap.
Saksi ako sa labis na pagiingat.
Saksi ako sa lahat.
Pero ako, nasaksihan mo ba ako?
Napansin mo ba ang bawat tinging binabato ko sayo ?
Naaninag mo ba ang pusong dumadapo sa mga ito?
Nasaksihan mo ba?
Ang pagtago ko sa likod ng mga pahina,
Ang paghikbi ko gamit ang musika,
Ang sakit? Nasaksihan mo ba?
Na sa tuwing napapagod ka kakahabol, ganon din ako?
Na sa tuwing masaya kang tinititigan siya, ako naman, umaasang tititigan mo?
Nasaksihan mo ba?
Ang pag-asam kong sana,
Sana ako nalang siya.
Sana ako nalang...
Sana ako..
Sana...
Hanggang kailan ako kakapit sa mga natitirang sana?
Hanggang kailan ko panghahawakan ang paniniwala kong "baka"?
Ang paniniwala kong baka ikaw...
Ikaw na tama at ikaw na Mali,
Ikaw na oo at ikaw na hindi,
Ikaw na meron at ikaw na wala..
Ikaw na tanong, at ikaw na sagot. Ikaw na.
Paano ko nga ba mapapakawalan ang mga titig kong biglang nakulong sayo?
Paano ko nga ba mapipigilan ang kamay na pipigil sana sa pagtakbo mo?
Paano nga ba?
Kakayanin ko pa bang saksihan ang bawat ngiti, bawat tingin, bawat paghikbi na hiniling ko sa bituin pero sa iba dumating?
Kakayanin ko pa kaya?
Kakayanin ko pa..
Kakayanin ko..
Kakayanin..

M.U (Mag-isang Umiibig)
Random Guy Oct 2019
Ang kwento natin ay binuo sa gitna ng maling sitwasyon at maling pagkakataon.

High school.

Magkaibigan tayo noon.
Nagsasabihan ng problema, umiiyak sa isa't isa.
Kabisado mo ako, at kabisado na rin kita.
Tantya ko ang birong magpapatawa sayo at tantya ko rin naman ang tamang kiliti upang mawala ang galit mo.

Nakahanap tayo sa isa't isa ng kanlungan at hingahan sa nakakasulasok na mundo.

Lumapit at patuloy pang napalapit ang loob ko sa'yo, at ikaw sa akin. Hindi ko na rin namalayan na mahal na pala kita. Taguan ng nararamdaman ang nilaro natin ng ilang buwan. Totoo, laking gulat ko rin sa sarili ko kung paano ako nahulog sa'yo. Dahil ang katulad mo ay isang dyosa na hindi ko dapat lapitan, hagkan, o kahit hawakan man lang. Hanggang ang simpleng tingin ay naging mga titig, mga haplos lang dapat sa kamay ay naging mga kapit, at magkatabi lamang ngunit iba ang dikit.

Napuno ang puso ko ng pagmamahal at umabot na ito sa pagsabog. Naglahad ng nararamdaman, nagbabakasakaling pareho ang 'yong nadarama.

Pero mas laking gulat ko nang sabihin **** mahal mo rin ako. At isa 'yon sa pinaka masayang araw ng buhay ko.

Simula noon ay araw araw nang hawak ang iyong kamay, inaamoy ang iyong buhok, nagpapalitan ng mga mensahe, kinakantahan; ginagawa ang lahat upang mapakita lang sayo.. na mahal kita. Pero higit sa mga pinakita natin sa isa't isa ay mas tumimbang ang mga hindi natin pinakita ngunit pinadama.

Hawak ko ang buwan at ang mga bituin kapag kasama kita ngunit bakit ba kapag tayo'y masaya ay talagang lungkot ang susunod.

Nalaman ng mga magulang mo kung ano ang meron tayo. Hindi ko noon inasahan na ang mga susunod na mga linggo at buwan ay ang pinaka madilim na parte ng buhay ko. Dahil ang kwento natin ay binuo sa gitna ng maling sitwasyon at maling pagkakataon.

Papasok ka sa eskwela ng mapula ang mata at may pasa sa braso. Ngunit ang mas pumapatay sa akin ay ang ngiti sa labi mo. Mga ngiting hindi ko masabing peke dahil totoo. Dahil ba masaya kang makita ako kahit na ang sakit na nararamdaman mo ay dahil sa pagmamahal ko? Hindi nanlamig ang pagmamahal natin dahil sa kung ano mang ginawa natin sa loob ng relasyon. Kundi ang lamig ng pataw ng galit ng mas nakatatanda sa atin. At ang mas masakit ay hindi pa natin kayang lumaban.

Ang hindi mo alam ay walang lumipas na araw na hindi rin ako umiyak sa harap ng ating mga kaibigan, sa harap ng salamin, sa harap ng isang ****, sa harap ng mga matang nangungusap at ang sabi ay...

"may isang pagmamahalan na naman ang namatay."

Pinatay sa gitna ng saya, pinatay sa gitna ng ligaya, pinatay sa gitna ng magandang paglago.

Pinatay tayo ng tadhana. Pinatay tayo ng mga taong walang tiwala. Pinatay tayo ng mga taong ang  tingin sa atin ay mga isip-bata. Oo, tayo'y mga bata pa noon ngunit alam ko, alam ko na ang pag-ibig na 'yon ay totoo.

Nagsimula ka ng hindi pumasok sa eskwela. At kung ilang oras kitang hindi nakita sa iyong upuan ay ganon ding haba ng oras ng aking pagiyak sa likod ng silid. Sinisisi ang sarili sa kung bakit ganito at bakit ganyan. Bakit ganito ang tadhana? Bakit ganyan ang pag-ibig? At makikita nila sa mga luha ko na lumuluha na rin ito dahil sa patuloy na pagpatak, bagsak sa kahoy na upuan. At mas lalong bumabagsak ang luha ko dahil hindi ko alam kung anong nangyayari sayo. Sinasaktan ka ba? Umiiyak ka rin ba? Mahal mo pa ba ako? Kung pwede lang hugasan ng luha ang mga tanong ay kakayanin, dahil sa dami ay kayang anurin ang mga ito.

Ilang linggo pa ay hindi na tayo nakapag usap, pumapasok ka ngunit ang kaya lang nating gawin ay maghawak ng kamay. Dahil kalakip ng mga salita ay patak ng luha. Kaya tinakpan natin lahat ng ito ng hawak sa kamay, patong ng ulo sa balikat, yakap. At hindi ko inasahan na huli na pala 'yon. Dahil tapos na ang taong 2011-2012 ng eskwela. At hindi na kita nakita; ni anino, ni bagong larawan mo, sa loob ng maraming taon.

Ang meron lang ako ay ang manila paper na binigay mo sa kaibigan natin para ibigay sa akin. Na nagpaisip sa akin na sana, sana man lang ay nakita kita bago mo inabot ang pinaka mahabang mensahe na nabasa ko, mula sa pagiibigang pinilit na pinapatay.

Pagkatapos ng mga tagpong iyon, nalaman kong lilipat ka na ng eskwela sa susunod na taon. At parang 'yon na ang nagpa manhid sa pusong meron ako noon. O kung meron pa ba ako non noon. Dahil sa ilang linggo at buwan ng pinaka madilim na parte ng buhay ko ay unti-unti na pala itong nabasag, nawala, at nadurog.

Ilang taon rin bago ito nabuo o nabuo nga ba talaga ito. Ilang taon din akong nagmahal ng walang puso, dahil utak ang ginamit ko. Doon ko nasabi na ang pagmamahal ko sayo ay ang unang pagmamahal ko sa una kong puso.

Ilang taon akong nagpagaling, nakahanap ng kanlungan sa iba, kasayahan, kakumpletuhan, kabuuan.

Sa likod ng aking isip ang tanong na, "Nasaan na kaya s'ya?"

Hindi naaalis sa mga inuman ng barkada ang mga tanong na, "Saan na s'ya? Nakita mo na ba 'yon ulit?" Alam kong ramdam din nila, na kahit ano ang isagot ko ay may marka 'yon sa puso ko.

"Nakita ko s'ya sa Fatima ah."

"Nakakasalubong ko 'yon ah."

At kahit ilan pang pahapyaw ng mga tropa ang magpaalala ng ikaw ay may sakit pa rin. Kahit hindi ko ipakita, ramdam.

Walong taon.

Walong taon ang lumipas ng muli tayong magusap.
Kamusta?
Maayos naman,
Ikaw?
Okay lang din.

At para bang binalot muli ang puso ko ng muling pagkawasak mula noong umpisa.

At tila ba hindi pa pala natapos ang istorya natin sa nakalipas na walong taon, hindi pa pala namatay ang 2012 na bersyon ng mga sarili natin.

Nagusap tayo. Pero 'yon pala ang mali natin. Na kaya pala hindi na tayo nagusap hanggang sa mga huling sandali ng pagkikita natin ay alam nating ang mga salita ay katumbas ng luha, at ang mga salita ay katumbas ng sakit, at ang mga salita ay katumbas ng muling pagwawakas.

Apat na libo tatlong daan at walumput tatlong milya ang layo natin sa isa't isa. Muli, ang parte ng kwentong ito ay nabuo na naman sa gitna ng maling sitwasyon at maling pagkakataon.

At ang pinaka masakit sa lahat at ang punit sa kwento nating dalawa ay meron na akong iba. Dahil alam kong hindi kita nahintay, at sana malaman **** hindi ka rin naman nagparamdam. Ang kwento nating dalawa ay masyadong naging komplikado dahil sa iba't ibang kamalian ng sitwasyon at pagkakataon.

At alam kong sa pagkakataon na ito ay hindi na dapat natin ito sisihin, dahil ang kamalian ay nasa atin nang dalawa. Kung paanong naging sobrang huli na pala, o sobrang aga pa pala.

Ang kwento nating dalawa ay maaaring dito na matatapos ngunit ayoko naman ding magsalita ng tapos, kagaya ng nangyari matapos ang walong taon, biglang nabuksan ang kwento. At hindi ko alam kung ilang taon ulit, o talagang tapos na.

Pero kagaya nga ng sabi mo, ito ang ang paborito **** kwento sa lahat, at oo, ako rin. Ang kwentong ito ay magsasalin salin pa sa inuman, sa kwentuhan, sa simpleng halinghingan, kwentong bayan; na may isang lalaki at babae na nagmahalan kahit pa pinilit itong patayin at makipag patayan. Isang kwentong puno ng kawasakan, at patuloy na pinaglaruan ng tadhana. Tapos na nga ba ang pahina? Muli, kagaya ng nakalipas na walong taon, ang sagot ay oo. Ngunit ang kwento ay buhay pa, at patuloy na mabubuhay pa sa puso ko.
giggletoes
Mahal, tanda mo pa ba yung araw ng ating pagkikita?
Kung saan lahat ay ating ginawa upang kilalanin ang isa't isa.
Mahal, tanda mo pa ba kung paano mo ako kantahan sa mga gabing tumatawag ka?
Kung saan bawat salita natin ay nakakapagpakilig sa buong sistema.
Mahal, tanda mo pa ba ang mga araw na tayo ay magkasama?
Kung saan ang presensya ng bawat isa ang sa atin nakapagpapasaya.
Mahal, tanda mo pa ba ang mga araw na punong-puno tayo ng problema?
Kung saan pilit natin itong kinakaya kahit ang bigat bigat na.

Kay sarap isipin, kay sarap balikan.
Ngunit paano ko ito babalikan kung ako'y iniwan mo ng nag-iisa at luhaan.

Naniwala ako sayo.
Nagtiwala ako sa mga pangako mo.
Hindi ako tumigil kahit nasasaktan na ako.
Nanatili ako kahit alam kong lokohan nalang ito.
Ginawa ko lahat para sa relasyon na ating binuo
Pero mahal, bakit ka sumuko?

Nasan ka na? Nasan na ang mga binibitawan na mga pangako?
Yung pangakong ako lang ang nasa puso mo.
Yung pangakong ikaw lang at ako.
Yung pangakong hindi ka maglokoko.
Yung pangakong kakayanin natin ito.
Yung pangakong tayo lang dalawa hanggang dulo.
Wala na. Naglaho ng parang bula.
Wala na. Dahil may iba ka ng sinisinta.

Sabi mo mahal na mahal mo ako.
Ngunit anong nangyari at nagkaganito?
Akoy iyong ginago at paulit-ulit na niloko.
Ika'y biglang nagbago at unti-unting naglaho.
Bakit mo hinayaang magkaganito?

Pero mahal, alam mo ba?
Mahal na mahal parin kita kahit mukha na akong tanga.
Mahal na mahal parin kita kahit may iba ka na.
Mahal na mahal parin kita kahit alam kong wala ng pag-asa.
Mahal na mahal parin kita kahit tinalikuran mo ako at pinili mo siya.
Pero mahal, pasensya kana dahil ito ay sobra na.
Pagod na pagod na ako kaya pinapalaya na kita.

Ito na ang panahon para piliin ko ang sarili ko.
Ako na nagpakatanga sayo.
Ako na kinalimutan ang sarili ko.
Sarili ko na napabayaan ko dahil sa labis na pagmamahal sayo.

Sana sa araw na ika'y pinalaya.
Hinahangad ko na seryosohin ka niya.
Sana pasayahin mo siya sa araw na kayo'y magkasama.
Sana mahalin mo siya gaya ng pagmamahal ko sayo
Pagmamahal na hindi mo naibigay sa isang tulad ko.

Kaya naman mahal hanggang dito nalang tayo.
Kahit mahirap kakayanin ko.
Kahit masakit titiisin ko.
Paalam mahal, dahil ito na ang huling araw ng pagpapakatanga ko sayo.
Wretched Jun 2015
Ito na naman tayo.
Parehong sitwasyon,
ngunit ibang pangyayari.
Walang nakakaakala satin
na aabot ulit tayo dito.
Nagmahal ako ng babaeng
hindi na ko pwede mahalin muli
dahil sa mali ang panahon.
Saka na lang din naman
ako natauhan na
maling ito ang aking naging desisyon.
Siguro nga mali
na muli kitang minahal
ng mas higit pa sa aking inaakala.
Hindi naman kita masisi
kung siya talaga
ang iyong pipiliin.
Sino nga ba naman ako?
Pinili ko na lang na sabihing
mamahalin pa rin kita
kahit hindi ako mapasaiyo.
Kakayanin kong
maging masaya ka
sa piling niya.
Hahayaan kita maging masaya
habang onti onting namamatay
ang mga rosas na nais
kong ialay sa iyo.
Hahayaan kitang maging masaya
Habang sinasakal ako
Ng inyong mahihigpit na yakap.
Hahayaan kitang maging masaya
Habang nasusunog ako
Sa init ng inyong pagtitingan.
Gusto kita maging masaya
'wag mo lang sana sa'kin ipakikita.
Gusto kita maging masaya
'wag mo lang sana sa'kin ipamumukha.
Gusto kita maging masaya
pero 'wag mo sana ipaparamdam
na mas minahal mo siya.

Akala ko'y tanggap ko na ang katotohanan.
Hindi ako ang iyong tunay na mahal.
Hindi ako ang nais **** makasama.
Hindi ako. Hindi ako.
Hindi ako nanininiwala
na hanggang dito na lang ito.
Dahil umasa muli ako
Noong hinalikan kita
At sinabi ****,
"tumigil ang puso ko"
Umasa muli ako
noong tinitigan mo ko
Sabay sabing "alam ko ang gusto ko"
Na ako ang pinili **** isama
sa iyong paguwi
noong araw din na nakasama mo siya.
Sa walong beses
Na sinabi ko sayong "mahal kita"
Pakiramdam ko'y
Walong beses muli akong binuhay.
Walong beses kong narinig
ang mga anghel kasabay
ng iyong pagsasalita.
Sa bawat halik mo
na dumampi sa aking mga labi,
naramdaman ko ang iyong nasabi.
"Alam ko ang gusto ko"
Alam ko ang gusto ko,
At 'yon ay ikaw.
Habang magkadikit
ang ating katawan,
tumigil ka pansamantala.
Tinitigan ko lang
ang iyong mga mata
na tila tinatawag ako ng mga ito.
Ng bigla **** sabihin,
"Kakayanin na kaya natin ngayon?"
Wala ng ibang pumasok sa isip ko
kundi, ayoko ng palagpasin
ang pagkakataon na ito.
Kusang lumabas sa aking mga bibig
ang mga salitang,
"Kakayanin na natin ngayon.
Pipilitin natin.
Hindi kita iiwan.
Hindi na muli kita iiwan."
Alam kong ito ang gusto ko.

*June 23, 2015
11:56 am
Alam kong gagawin ko ang lahat para mabawi ko ang bawat luhang iniyak mo para sa akin. Pangako ko sa iyo na iyon na ang huling beses na ako'y iiyakan mo.
AUGUST Sep 2018
Sino ba ang modernong vincentiano?
Ano ba ang kanyang pagkatao?
Nagtatanong sa sarili ko
Habang pinagmamasdan ang mahinanang kamay
Kung anong magawa ko
Dito ba sa munting palad nakahimlay
Ang lahat ng kakayahan ko?

Anong meron ako, anong meron tayo? kundi kaalaman.

Kaalaman na di galing sa sabi sabi nilang “hugot”
Kundi sa piraso ng mga aral na ating pinulot
Dahil sa disiplina tayo y nililok
Ang kabutihang asal sa diwa ay pumasok

Mula sa Mga **** nating tinuturing na magulang,
Mga mababang tao na ating ginagalang,
Mga taong nakilala mula ng tayo’y musmos pa lang
Ipinamana sa atin ang pananampalataya, pagpapakumbaba, at kabutihan

Ang tanggapin ang katotohanan,
At hangganan ng kakayahan
Ang malaman ang kahinaan, kahit may kasimplehan
Pilit inaabot ang makatulong ng buong kalooban

Ng walang hinihintay na kapalit
Tulad ng modelo nating si San Bisente (st. Vincent)
Na sa pagtulong ay di napagod
Kaya sa mata ng Diyos naging kalugod lugod

Salamat sa  Amang nasa itaas
Na nagbibigay ng lakas
Ang lakas na di nauubos
Para sa aming misyon na di pa rito natatapos

Sandata ay ang panalangin
Lakas ng loob at damdamin
Dahil sa Diyos na mahabagin
Walang pagsubok sa buhay ang hindi kakayanin

Ating misyon, ang tumulong sa mga kapus palad at nawawalan
Hindi lang sa taong nawawalan ng materyal na kayamanan
Kundi para sa mga taong naliligaw, nalilito at nagugulumihan
Pagkat ating ramdam ang bawat hirap
Ang bigat na tinitiis ng bawat taong may pinapasan

Handang makiramay at ibigay ang anuman
Para lamang ang paghihirap sa pighati ay maibsan
Pagkat sa bawat taong ating natutulongan
gantimpalang pangkaluluwa ang dapat ipagyaman

Sino ang gumagawa nito?
Sino ba ang modernong vincentiano?
Isa ba ako sa mga ito?
Ang modernong vincentiano ay di lang ako kundi tayo
Ang modernong vincentaino ay nagsasakripisyo at mapagpakumbabang nagseserbisyo
Ang modernong vincentiano ang magpapatuloy ng ating kwento.
Ang tula kong ipinanalo ng first runner up sa isang slam poetry competition ng event na may temang "Ang Modernong Vincentiano" noong September 26, 2018.
Chi Oct 2017
Mahal,

Naalala mo pa ba yung mga panahon na puro ngiti at saya?

Mga araw na puno ng kwentuhan, asaran at tawanan

Na hindi ko malaman

Kung saan nanggaling ang mga iyan

Naalala mo pa ba kung paano ko lagyan ng ngiti ang iyong mga labi

At tila nilagyan ng bituin ang iyong mga mata?

Naalala mo pa ba kung paano mo sinabi sa akin na gusto mo ako?

Tila hindi ka pa nga sigurado sa nadarama mo

Naalala mo pa ba nung tinanong mo ako kung pwede bang manligaw?

Tila nanlumo ka pa nga sa sagot ko.

At hindi nagtagal, ay unti unti mo din binitawan ang salitang “Mahal kita. Mahal na mahal kita”

Dahil ako? Naalala ko pa


Naalala ko pa kung paano tayo nagkakilala

Kung paano sinabi sa akin ng kaibigan mo, na gusto mo ako

Kung paano mismo nanggaling sa bibig mo, na gusto mo nga ako

Kung paano ko binigkas ang salitang “Mahal din kita”

Kung paano mo unti unting binabawi ang salitang “Mahal kita”

Dahil sabi mo,

Sabi mo pagod ka na, ayaw mo na, sawa ka na

Kung paano ako nagpakatanga, habang tinutulak ka sa babaeng gusto mo

Habang sinasabing “Kung saan ka masaya, duon ako

Kahit masakit, kakayanin ko”

At naalala ko pa, kung paano mo sinabing “Patawad, mahal pa din kita.”

Tinanggap kita.

Tinanggap ko lahat ng eksplenasyon at rason mo.

Lahat lahat, kahit ilang beses kong narinig na ang tanga ko

Dahil tinanggap kita, pero masisisi ba nila ako?

Masisisi ba nila ako kung mahal pa din kita?

Masisisi ba nila ako kung patuloy pa din akong umaasa na babalik yung tayo?

Hindi naman diba?

Kasi unang una sa lahat, hindi sila yung nagmahal

Hindi sila yung sinaktan at iniwan


Ilang gabi akong umiyak

Ilang gabi kong iniyakan ang paulit ulit na dahilan

Ilang beses akong nagpakatanga sa paulit ulit na rason

Ilang beses akong tinanong kung kaya ko pa ba?

Kung masaya pa ba ako?

Kung pagod na ba ako?

Hanggang saan yung kaya ko?

At duon ko natagpuan

Duon ko natagpuan ang sarili ko

Namamahinga sa pagitan ng “Mahal kita” at “Pagod na ako”


Pero mahal, masisisi mo ba ako kapag sinabi kong pagod na ako?

Masisisi mo ba ako kung sinabi ko sayong gusto kong magpahinga habang minamahal mo?

Kung ang gusto ko lang ay ipadama mo ulit sa akin ang nadarama mo?

Kung ang gusto ko lang kalimutan ang sakit na dinulot mo?

Kung pagod na ako kakaisip sa salitang “kayo”?

Kung pagod na ako kakaiyak dahil parang siya pa din ang gusto mo?

Kung lagi kong naiisip na baka kaya mo ako binalikan, dahil hindi ka niya gusto?

Mahal, wag **** iisipin na ayoko na sayo

Wag **** iisipin na kaya ko gustong magpahinga dahil pagod na ako

Dahil tulad ng sabi mo, kung pagod na ako, magpahinga ako

Kasi mahal, gusto kong magpahinga

Para muling madama ang init ng pagibig

Na tila ba sa akin ay iyong ipinagkait Muling masulyapan ang mga matang

Tila ba hinahanap ako sa libo libong tao


Mahal, patawad.

Mahal kita, pero pagod na ako

Pero hindi ibigsabihin nito ay palayain mo ako

Ibig kong sabihin, ipaglaban mo naman ako.

Ipaglaban mo naman ako, dahil pagod na ako.
bartleby Aug 2016
Patawad,
Sa lahat ng mga bagay na nawala
Sa mga oras na nasayang
Sa mga tawanan at kwentuhang hindi na mauulit
Sa mga luhang hindi alam kung kailan titigil
Sa mga pagkakataong pinalipas

Totoo nga
Hindi sapat ang pagmamahal
Kailangang paghirapan at pagtrabahuan
Pero paano mo nga ba masasabi na mahal mo talaga ang isang tao?
Kung puro sakit na lang ang nararanasan

Hindi sapat ang pagmamahal
Sa dinami-dami ng dahilan para umalis ka sa isang relasyon, bakit ka nga ba nananatili?
Dahil sa pagmamahal na pinanghahawakan mo?
Pero paano kung yung ka-isa isang dahilan kung bakit ka nananatili ay nararamdaman mo nang unti-unting nawawala?
'Wag mo nang pahirapan ang sarili mo at ang minamahal mo o nagmamahal sa'yo
'Wag **** hintayin dumating sa punto na wala nang matira sa inyo pareho
Hindi tama ang "ibigay mo ang lahat"
Tandaan mo na bago ka magmahal ng ibang tao, kailangang buo ang sarili mo

Sa isang relasyon, dalawang tao ang dapat na nagtutulungan
Hindi isa lang
Hindi isa lang ang masaya
Hindi isa lang ang umiintindi
Hindi sapat na "gagawin ko 'to para mapasaya siya"

Siguro nga, mahirap talagang magmahal
Pero ganun naman talaga diba?
Pag para sa taong mahal mo, lahat kakayanin mo
Pero sapat nga ba yun?
Hindi.
Dahil paano ka magmamahal kung ikaw mismo ubos na?
Paano ka magbibigay kung ikaw mismo wala na?

Hindi ka nagmamahal para buuin ang isang taong wasak
Hindi ka nagmamahal para baguhin ang isang tao
Hindi ka nagmamahal para may maipagyabang ka sa mga kaibigan mo
Hindi ka nagmamahal para waldasin ang pera ng magulang mo

Nagmamahal ka para sa ikabubuti ng pagkatao mo at ng minamahal mo
Nagmamahal ka para malaman mo kung bakit ka talaga nandito sa mundong 'to
Nagmamahal ka para maging masaya, hindi para maging miserable
Dahil kung gusto mo lang din naman maging problemado, maraming problema ang Pilipinas na pwede **** atupagin

Kung nagmamahal ka na lang para masaktan at makasakit, hindi na yan pagmamahal
Ang pagmamahal ay hindi katumbas ng pagpapakatanga
Oo, may mga bagay na magagawa mo lang dahil sa pag-ibig
Pero kung magpapaka-tanga ka na rin lang, hindi mo ba mas gugustuhin na matuto at malaman ang mga mas importanteng bagay sa mundo?

Totoo nga, there's more to life than love
Hindi mo kailangan madaliin ang pag-ibig dahil marami pang pwedeng mangyari sa buhay mo
Marami ka pang makikilala
'Wag **** paikutin ang mundo mo sa isang tao na walang kasiguraduhan na magtatagal sa buhay mo

Bakit hindi mo muna buuin ang sarili mo hanggang sa dumating ang taong magmamahal sa'yo na kapantay ng pagmamahal na kaya **** ibigay?
anj Dec 2015
Sinusulat ko ito para aking matandaan
Ang pangako na minsang sinundan
Ng sakit at tampo ng nakaraan
Pero hindi ito susundan ng sakit at kahihinatnan.

Minsan aking pinangako na magiging okay lang ako
Na lahat ng ito ay malalagpasan at makakalimutan rin
Pero lahat pala ito’y napako,
At napadaan lang sa daan na bako-bako.

Daan na bako-bako, parang tayo.
Di malaman kung san liliko, palagi nalang nakakalimutan at nahihilo,
Kung ang damdamin ay pareho. Umasa ang isa at nagpaka-tanga,
Sa pangako at pag-ibig kung san lahat ay nalito.

Pangako. Sinusulat ko ito para aking matandaan
Ang sakit na dinulot mo sa akin
Mas masakit pa kesa sa paluhudin sa bilao ng asin
At kalian man umasa na ikaw ay mapapa sakin.

Pangako, salitang palaging napapako.
Katulad ng tulang ito, parang pangako.
Paulit-ulit sinasabi, ngunit nalilito at napupunta sa daan na bako bako
Pero aking tutuparin, ang pangako na ito hangga’t sa kakayanin.
Pero hindi kita tutularin, na ginawa ang pangako na parang bang kasing nipis ng asin.
#PrayForJean :)
011717

Sabi ko noon, hindi na ako magsusulat pa -- na hindi na ako mag-aalay ng tula para sayo. Na ang huling piyesa ng tula ay ipinalipas ko na rin noong isang taon, ipinatikom sa dagat na bumubura ng bawat larawang binigkis sa buhanginan -- noong isang taong napagmasdan ko ang pagbagsak ng bawat dahon ng alaalang dinumog at pinunit ng hangin.

Akala ko yun na ang huli, nang bigkasin ko sa mismong harapan mo ang bawat malayang mga tugmang naikatha buhat sa lalim ng sugat nang palihim na pag-ibig -- ngunit walang lihim na hindi nabubunyag kaya marapat na rin sigurong mailathala ang damdamin sa bawat dahong muling pausbong bagamat hindi ko pa rin alam kung aabutan ba ito ng taglagas.

Akala ko yun na ang huling pakikipagtagisan ko sa bawat salitang may mensahe ng pagbitaw. Akala ko kakayanin kong bumitaw agad, bumitaw nang kusa at tuluyan nang maihihimlay ang bawat tula sa mismong pinagtuyuan ng bawat dahong bumabagsak.

Ilang beses na kitang ipinaubaya sa Kanya pero paulit-ulit kang bumabalik -- ni hindi ko alam kung dapat bang sisihin ko ang tadhana o talagang kailangang kong tanggaping parte ito ng pagpapasakop at pagpapaayos ko sa Kanya. Paulit-ulit kitang kinatatagpo sa panaginip na halos magtaka ako kung bakit.

Napuno ng listahan ng ngalan mo ang mga petsa sa kalendaryo kung ilang beses kang naging bisita sa aking pagtulog at paghimbing. Hindi naman ako kumakatok sa aking unan at kumot para masilayan ka -- masilayan kung posible bang maharap kita at hindi na ako urong-sulong pa.

Paulit-ulit tayong ipinagtatagpo kung saan una tayong nagkita at nagbitaw ng mga pangakong uunahin natin Siya at doon din natapos ang bawat panimulang may matatamis at mabubulaklak na pagsasalarawan ng mga salitang "kung tayo'y tayo talaga." Pero paulit-ulit kitang hindi ipinagkakait sa Kanya kasi alam kong para sa Kanya ka naman at hindi ako ang makapagsasabing ang bukas ay laan para sa atin ng may iisang pintuan.

Hindi ko maaaring ilibing nang buhay ang bawat alaalang naging parte ng kung sino ako ngayon, mga nakaraang sabi nila'y dapat daw ay daanan ko lang at wag pagtambayan. At kung hihimayin ko ang bawat yugto, hindi ko alam kung kaya bang paluputan ang mga ito ng metaporang pampalasa sa bawat linya ng tula.

Hindi ko alam kung magkakasya ito sa puso **** ni minsa'y hindi mo nagawang pagbuksan. Inilatag ko na sa Kanya ang lahat kasama ang pagpapatawad ko sayo, kasama ang bawat panalangin ko para sa ikatataas Niya sa buhay mo -- mga panalanging para sa ikatatag ng pananampalataya mo, para sa ikalalalim ng relasyon at pundasyon mo sa Kanya.

At hindi, hindi ko lubos maisip na ganito ang paraan Niya para sa paghilom ko -- na mismong pinagtatagpi-tagpi niya ang bawat tauhan sa paligid ko para lang maharap kita.

Ilang beses akong umiwas na may sumbong sa kalangitan na sana nga dumating na ang panahon -- yung panahon na kaya ko na at kaya mo na rin. Nag-iwasan tayo na waring naglalaro ng Patintero at nakakapagod nga -- nakakapagod makipaglaro kasi hindi naman natin ninais na makipaghabulan sa wala na.

Pinili kong bitiwan ka pero hindi ko binitiwan ang paghihintay ko sayo -- naghihintay akong marinig lang mula sayo na ayos ka lang.

At oo, ayokong nakawin ang mga oras at sandali na laan para sa paglago mo sa Kanya. Noon pa man, yun na rin ang tanging dasal ko sa Kanya. At kahit sa pagbitaw natin nang paulit-ulit, mas minamahal ko Siya. Oo, mas matimbang ang pag-ibig Niya para sating dalawa kaya nga't mas mainam na mag-ipon na lamang hindi ng mga pangamba, bagkus ng mga panalanging kalugud-lugod sa Kanya pagkat iisa lang ang ating Ama.

At kahit pa, kahit pa hindi ko masuri sa aking sarili kung ito na ang huling piyesa, hindi pa rin ako bibitaw sa pagsusulat. Maubusan man ng pagdanak ng tinta ng aking pluma'y patuloy akong makapagsusulat.

At hindi matatapos ang mga tula na may ganitong pangwakas. Hindi ko rin alam kung kailan ito madudugtungan at kung dapat bang ihanay ko na sa ibang istilo ang bawat katha.

Gayunpaman, ang bawat tinta ng bawat kataga'y iisa lang ang diin -- isang mensaheng hindi ko kayang sambitin, hindi kayang sambitin nang harapan kaya't katulad ni Rizal, mas nanaisin kong ganito ang maging istilo ng mapagdamdaming paghihimagsik. Isang mensaheng hindi ko kayang bigyang pamagat at mananatiling isang alamat --- alamat na hindi ko wari kung makakarating ba sayo o hindi.
Sasarhan ko na ang plumang may umaapaw na pagbulong ng lahat, pagkat ngayon: ikaw naman sana ang magsulat. Ngayon, ikaw naman sana ang magbigay ng pamagat -- isang pamagat kung may "tayo" pa nga ba sa huling mga linya o tutuldukan na lang ba natin ito at lilikha ng panibagong kabanata.
cosmos Jan 2016
Natakot ako noong araw
Na nagising ako
At naramdaman ko ang kabog ng puso ko
Parang iba na ata
Ang sinasabi nito

Hulyo noong nangyari ito
Ngunit Oktubre na nang aminin sa sarili
Ang matagal nang ikinubling damdamin
Dahil nakakatakot

Nakakatakot ang mahulog
Para sa isang taong hindi naka-abang
Upang ika'y saluhin

Nakakatakot malunod
Sa lalim ng iyong mga mata
Na baka hindi na makabalik pa
At maiwang nag-iisa

Nakakatakot sabihin
Ang damdaming itinanggi
Dahil baka di pakinggan
At tuluyan nang iwasan

Natakot ako pero sumugal ako
‘Di na ata kakayanin pang itago ito

Ngunit matapos ang lahat
Tama nga ako

Tama nga ang paulit-ulit na sinabi sa sarili
Hindi na dapat
Bakit nahulog pa
Bakit nalunod pa
Bakit sinabi pa
Sana tinago ko nalang

Mas nakakatakot pala
Nang tuluyang mawala ka
anj Dec 2015
Masakit pa rin pala
Nang aking maalala
Ang unang araw kung san tayo'y nagkakakilala
At sinabi mo 'Ate dito ka ba?'

Sobrang sakit pa rin pala
Nang aking maalala
Ang mga salitang nabanggit mo na 'gusto kita'
Pero mas lalong masakit nang malaman ko na ikaw ay meron ng iba.

Ngunit ako si tanga at di sumuko
Dahila ako'y nangako na kakayanin ko
Kakayanin kong makita at matiis na meron kang iba
Habang ako, ito nagluluksa.

Masakit pa rin pala
Nang aking balikan itong mga matatamis na alaala
Na lahat ay nangyare na sa nakaraan,
At kailangan ng harapin ang kasalukuyan

Kasi hanggang ngayon, ang sakit sakit pa rin pala.
Dahil di ko matanggap na siya ang pinili mo at di ako
Pero pangako kakayinin ko,
Kasi mahal kita, at iyon lang ang masasabi ko.
Dedicated to gra :)
Euphrosyne Feb 2020
Milya milya man ang layo mo,
Pero sisiguraduhin kong kakayanin ko,
Kakayanin ko, kakayanin natin lahat ng mga pagsubok na darating, Pagsubok na sabay nating haharapin,
Pagsubok na kahit tayo ay magkalayo'y alam kong ating malalagpasan,

Wala sakin kung kilo kilometro man ang layo mo,
Wala sakin kung hindi kita nakakasama o nakikita,
Pero sakin sapat ng alam kong mahal mo ko,
At sapat ng malaman **** ikaw lang ang laman ng puso ko,

Hindi ko man hawak ang iyong mga kamay,
Hindi man kita mayakap gamit ang aking mga bisig,
Hanggat nandito ka sa puso ko,
Mananatiling ikaw hanggang dulo

Mahal, Gusto kong malaman ****
Kahit ilang milya o ilang kilometro ang layo mo,
Wala ng papalit sayo dito sa puso ko.
Hindi man ngayon, handa akong maghintay hanggang sa magtagpo tayo.
Para sayo ito ulit diane. Kahit ilayo mo pa sarili mo kusa akong lalapit sayo. Determinado parin ako.
103115

Heto, bibilangin ko na naman ang araw,
Uno, dos, tres, at mapapahintong bigla sa ikaapat.
Hindi batid ang tamang oras
O hatian ng minuto't pag-istambay sa segundo,
Bagkus, iyon ang eksaktong araw.

Panahon na siguro para maisalta ang salita
Sa puso **** tila nakakahon pa't hindi pa malaya,
Sa pagbubukambibig ng itinabing damdamin,
Sa paglisan sa ipinaubaya **** pangakong
Minsang pinanghawakan ng pusong hindi pinagdamutan.

Kung pipili ako ng salita, baka maubos ito sa kawalan;
Gaya ng pagtampisaw ng bituin sa kalangitan.
Baka malusaw ito gaya ng yelong nakatiwangwang,
At masayang ang tubig na sana'y sagot sa uhaw.
O baka mapudpod gaya ng posporo,
Paulit-ulit na sinubok ng pagkakataon,
Bagkus hindi maisindi ang pag-ibig,
Kaya nanatiling walang pahiwatig.
At biglang itatapon, ikakahon ang natitirang damdamin,
Itatago, hanggang sa magkataong kailangan na talaga.

Panalangin ko'y magpalakas ka sa pananampalataya,
Wag **** lingunin ang nakaraan, at taglayin mo ang Liwanag.
Kung napapagal na'y, wag kang hihinto,
Bagkus, mas kumapit ka pa sa may mas mataas na pangako.

Narito ako't hindi tatalikod sayo,
Susuportahan ka kahit hindi mo makita ang pag-alalay.
Panalangin ko'y tapusin mo ang laban,
At mas masilayan ang kagintuan ng Haring Araw,
Wag kang mabubulag sa mukhang may ilaw.
Tingnan mo ang pawang mga kamay,
At wag matakot sa pagsuntok sa hangin,
Pagkat iilag ang sitwasyon,
Bagkus binibilang Niya ang lakas at determinasyon.
Mas ialay ang puso sa Kanya,
Higit pa para sa pag-ibig na inantala.

Hayaan **** makinig ang puso mo,
Pagkat nanalangin ang puso ko.
Kahit minsa'y kaylayo, kahit hindi ko madipa-dipa.
At sa paghihintay natin sa tamang panahon,
Kaya ko nang sambitin ang estado ng puso.
Hindi sa paghain ng mga letra sa pawang mga mata,
Na tila mananatili na lang sa papel na hindi nababasa.

Pag muling nagtagpo,
Ako mismo ang haharap sayo,
Pero tandaan **** baka wala akong masambit.
Hindi dahil mahina't naubos na ang lakas ng loob,
Bagkus, hindi ako makapapaniwala
Na ang oras ay tunay at eksakto para sa pagkikita.

Hindi ko mapipigil ang pagluha buhat sa saya,
Pagkat ang kabiyak ng pusong minsang nasugatan at hinulma'y
Kaya nang matitigan kahit hindi na magbilangan ng oras.
Mayayakap na hindi lang dahil sa pagmamahal,
Bagkus, pahiwatig sa pasasalamat na tunay ngang ikaw.

Pag-ibig Niya ang dahilan
Kung bakit patuloy na naghihintay,
At kung bakit patuloy kang ipinaglalaban,
Patuloy na ibinabatak sa Maykapal.

Sa Kanya ang papuri sa umusbong na damdamin,
Ang pag-ibig ko sayong patuloy na nananatili.
Oo, isinapuso ko ang pag-ibig ko sayo't
Pinili kong pillin ka, sa kabila nang tila magulong anggulo.

Ganoon ang pag-ibig ko,
Hindi mo masusukat, bagkus kaya Niyang higitan pa.
Kaya't hindi ako lumaban, pagka't mas iniibig ko rin Siya.
Hindi mo mababasa, pagkat Siya ang may katha.
At kung anuman ang nilalaman ng pusong may sagot,
Sana'y katimbang nito ang damdaming ipinaglalaban.

At kung kinaya nating magkanya-kanyang kasama Siya,
Mas kakayanin na nating magkaisa para rin sa Kanya.
At saka na natin sabay na ibabandera Kanyang Ngalan.
At pawang magiging patunay sa pag-ibig na nakapaghihintay.

Tila kayhirap bigkasin, kahit apat lamang ang kataga.
Mahal kita, sana makarating sayo,
Sa tamang panaho'y magpalitan nga ng kataga.
Sana ikaw ang unang magpatimbang sa Kanya,
Maniniwala akong makararating sa patutunguhan
Ang liham ng pusong may totoong damdamin.
Para sa taong pinagdarasal ko, maghihintay ako.
032317

Saan ka na?
Mahal mo pa ba ko?
Ano bang nangyari?
Galit ka ba?
May nagawa ba ako?
Nagbago ba?
Wala na ba?

Sa dami kong tanong,
Tila sumuko ka nang magbigay ng kasagutan.
Ang agang nawala yung sabi nating
Sana'y pangmatagalan.

Paalam, pero biglaan
Hindi ko naman inasahan
Na sa ikaapat na pagkakataon
Bibitaw ka, mauuna ka na naman.

Paalam, pero akala ko nagpapalipas ka lang ng sandali
Akala ko kakayanin ko pang maghintay
Sa bawat oras na walang pagkukunwari.
Heto na naman, ba't ba ako yung natatalo palagi?
Ba't palaging luha't sakit na lang sa huli?

Yung "mahal kita" na sabi **** hindi nakakasawa
Ayun, nawala na lang nga ba nang kusa?
Tinanong kita, kung may iba na ba?
Ang sabi mo, magtiwala ako, pero bakit nga ba?
Bakit nga ba nawala ka?
Iniwan mo na ba talaga ako?

Naghintay ako ng paliwanag mo
Pero kahit isang mensahe, may natanggap ba ako?
Isa lang naman yung hinihintay kong sagot,
Pero wala at ba't pag sa akin na'y tila ika'y nababagot?

Tumatakbo na lang akong mag-isa;
wala ka na kahit sa anino man lang.
Hindi ka na nagparamdam pa,
Ganun naman lagi, sana'y kahit paalam na lang.

Iniisip ko sasalubungin mo pa ba ako
Iniisip ko kung may babalikan pa nga ba ako
Meron pa nga ba? Yan ang tanong ko.
Parang lahat nagbago na,
Pati ako, tila limot mo na.

Iniisip ko kung paano yung mga plano natin,
Paano na? Eh balewala na ako sayong paningin.
Makakasama pa ba kita ulit?
Parte pa ba ko ng buhay mo?
O nasabi mo na lang na "tama na."

Pasensya, kasi hindi ko ata kaya
Ilang beses ka na kasing nawala
Ilang beses na kasi akong lumagapak sa kawalan
Bumangon naman ako pero lagi **** binabalikan.

Tinanggap naman kita, nagtiwala naman ako sayo
Pero ba't ngayon nasaan na ba tayo?
Gusto ko nang umuwi at makita ka
Pero wala ka na eh,
Wala na pati yung pagmamahal mo.

Babalik ka ba? May hinihintay ba ako?
Wala ka kasing sagot, kahit ano pang gawin ko.
Gusto kong sabihin sayong, wag mo kong iwan
Na sana manatili ka naman
Na sana kahit ngayon lang naman.

Pero wala, naubos na ako
Wala na akong laban at talo na ako.
Oo, hindi ko tanggap lahat
Oo, ngayon lang to kaya ibabagsak ko na rin lahat
Ibabagsak ko na kasi di ko na kaya
Di ko naman maayos yung puso mo kung wala na talaga
Kulang pa rin yung pagmamahal ko sayo
Kulang pa rin, kaya natalo na naman ako.

Nakakapagod na kasing iyakan ka
Nakakapagod na kasing isiping may "tayo" pa.
Na ikaw na yung pinapangarap ko,
Pero hindi pa rin pala kita maabot.

Hindi naman kita pinakawalan,
Pero ba't mo ko binitawan?
Sana sinabi mo agad
Sana pinaliwanag mo
Kasi di ko maintindihan
Di kita maintindihan.

Pero kung may ibang sana akong hiling:
Kung aalis ka man uli,
Sana'y magpaalam ka man lang
*Sana sabihin mo, *para bumitaw na rin ako.
l May 2016
siguro maraming nag-iisip
na sobrang saya ang
magkaroon ng bestfriend,
at maging bestfriend sa isang tao

may karamay sa kalokohan,
may laging pagk-kwentuhan,
may pagsasabihan ng kadramahan,
may kasama sa lahat ng kasiyahan

pero para sakin —
hindi masaya maging bestfriend
ayoko ng bestfriend lang ako
hindi ako kuntento

pinapangarap kong lagi na
kamay niya, hawak sa tuwina
gusto kong ako lang yung
sinasabihan niyang mahal niya

gusto ko ako yung babaeng
dadramahan at iiyakan niya,
gusto ko ako yung babaeng
hindi niya kakayanin mawala

pero ang lahat ng ito,
sa kasawiang palad,
ay mga pangarap lamang
pangarap na di pwedeng matupad

sapagkat para sakanya,
isa lang akong isa sa mga kaibigan.
sino nga ba naman ako?
isang hamak ng bestfriend lang
12am thoughts + may 16, 2015 00:20.
ZT Jun 2015
Puso may nasugatan, maghihilom din ito
Sugat na dala ng pait ng paghihiwalay, ibaon mo na sa limot
Ba't di nalang isipin mga maliligayang alaalang iniwan
Ng taong minsan **** minahal

Mahirap mang bumangon, kakayanin pa rin
Dahil sa bawat unos na pinagdaanan
Kalinawan ng damdamin ang nakaabang
Na siyang magbibigay lakas sa iyong muling pagbangon

Mabigat man ang mga paa, kaya pa ring igalaw
Kung may determinasyon, kaya mo rin umusad
Ito'y mahirap pero 'di imposible
Magpursige ka lang, makakaraos ka rin

Kapag ikaw ay nakabangon na,
Umusad mula sa kinatatayuan,
Pagkatapos ng mga luhang lumunod sa'yong mga mata
Bagong mundo ang iyong matatanaw.

Mas maliwanag, mas kaakit-akit, maganda
At mas nararapat sa iyo.
Nasaktan ka man, 'di titigil ang mundo upang ika'y hintayin
Kaya tahan na, dahil ang buhay ay patuloy pa rin.
kung nasaktan ka, umiyak ka... pero wag **** hayaan na hilahinka nito pababa.. Bumangon ka at matuto kang mag-move on.. dahil hindi ka hihintayin ng mundo..
Glen Castillo Aug 2018
May mga salitang sa papel na lang kayang manatili
Dahil hindi na ito kayang bigkasin pa ng mga labi.

                    Natapos na ang palabas na ang tauhan ay ikaw at ako
                    Tayong mga bida noon, sa mundong hindi nila nakikita

Gusto kong isipin na nalaos lang tayo,pero hindi pala
Dahil ang dating tayo,ngayon ay ikaw na lang at ako

                     Bakit ganito? wala naman akong naaalala na drama
                     ang sinulat kong kwento
                     Pero bakit sa malungkot natapos ang lahat?

Minsan ay gusto ko na lang gawing gabi ang bawat umaga
Sa gayon ay hindi nila mapansin na may hinagpis akong dinadala
Sa gayon ay hindi nila makita na lumuluha ang aking mga mata

                      Pagkat sa dilim, doon ko lahat itinago ang sakit at dusa
                      Na ni sa panaginip ay hindi ko inasahang dadating pa

Oo kakayanin kong maging gabi ang bawat umaga
Mahirap,
Pero pwede ba?

                       Sa kahuli-hulihang sandali ay maturuan mo ako sana
                       Na gawing gabi ang lahat ng umaga
                       Na kasing dali lang kung paano mo nakayanan
                       Na maging malungkot ang dating tayo na masaya.




                                          © 2018 Glen Castillo
                                           All Rights Reserved.
Minsan ay dadalawin ka ng mga alaala sa nakaraan
Upang magpa-alala sa'yo kung bakit ka nasa kasalukuyan.......
madrid Oct 2015
GISING!*
mainit na kape
natutumbang mga mata
nanghihinang katawan
isip ko'y nawawala
isang tinik ng ingay
agad ng napatingin
sa gawing banda roon
anong takot sa dilim
balik tayo sa mga salitang
mala-linya na ang ukit
sa utak kong sabaw
lahat sa paningin na'y marikit
maski nag-iisang ilaw
nagmumukha ng tutubi
pagkat sa pagdating ng bukas
bawal ang magkamali
ilang pahina nalang
kaya't konti pang tiis
minimithing tagumpay
aking makakamit
kaya't higop pa ng kape
puta*, dila ko pa'y nasunog
dasal na lamang ang katapat
maliban sa luha at uhog
kakayanin, kakayanin
hindi nais magtagal
habang sila'y nagsasaya
narito kang nag-aaral
kung ayaw **** maiwan
sa kwartong maputi
kasama ng demonyo
gisingin ang sarili
walang alay na magaganap
hindi maaaring ipabahala
bawal tayong magtawag
diyos-diyosan dito sa lupa
itong mga matang
bumibitaw, bumibitaw
sa gabing ito, walang susuko
maski budhi ko na'y sabaw
For the hell that is upon us.
(A tagalog poem)



Tyaka na lang kita papansinin,
kapag kaya na kitang bigyan ng isang
matamis na ngiti gamit ang bibig na hindi
nangangamoy usok ng sigarilyo.
Tyaka na lang kita kikilalanin,
kapag kaya ko na ring kilalanin ang sariling tinig at hindi ang sigaw ng mga demonyong nangungupahan sa aking isip.
Tyaka na lang kita tatawagan,
kapag kaya ko nang alagaan ang aking katawan at muli na akong natutulog
bago pa magpalitan ang araw at buwan.
Tyaka na lang kita iisipin,
kapag ang tanging kinakatakutan ko na lamang ay ang pagkakawalay sayo
at hindi ang maaari kong gawin sa sarili
oras na maiwan nang mag-isa sa kwarto.
Tyaka na lang kita papakatitigan,
kapag ang aking mga mata'y hindi na pagod, namumugto, namumula.
Tyaka na lang kita kakausapin,
sa araw na pag-ibig na ang aking bukambibig,
sa oras na kasiyahan na ang nasa isip
at hindi kung paanong tali ba ang gagawin sa gagamiting "lubid".
Tyaka ko na lang hahawakan ang iyong kamay,
kapag naghilom na ang mga hiwa at sugat na ginuhit, inukit sa pulso,
kapag ang isip at kalooban ko'y
muli nang nagkasundo.
Tyaka na lang kita hahalikan,
kapag kaya ko nang talikuran ang mga bote ng alak kapalit ng dampi ng iyong labi.
Tyaka na lang kita yayakapin,
tyaka ko na lang hahayaan ang sariling
maranasan na iyong mahagkan,
kapag muli na akong nakakakain ng tama, sa tamang oras.
Kakayanin mo kaya ang maghintay kahit magpa-hanggang kailan?

At patawarin mo ako. Patawarin mo kung ano ako. Patawarin **** ito ako.
Patawarin mo ang kototohanan na
binubuo ako
ng kalungkutan at kaguluhan.
Patawarin **** kung minsan
kapag bumuhos ang luha
ko'y mas malakas pa sa ulan.
Isang araw, aawit ako
ng awit ng pananalig at katiyakan.
Susulat ng tula na naglalaman ng kasiyahan.
Ngunit sa ngayon,
dasal ko'y patawarin mo muna ako.

Giliw, tyaka na lang kita iibigin...
kapag kaya ko na ring ibigin ang aking sarili.
Anton Jun 2020
-Binibining_Enilra

nakatulala sa kawalan
malayang naglalakbay ang isipan
luha ay nagsisimula nang mag unahan
di alam kung dapat na bang punasan

bakit akoy lubusang nasasaktan?
di alam kung  ang hahantungan
tanging ikaw lang ang laman
kahit damdamin ko'y nahihirapan

Mahal,patawad ng ika'y aking nilisan
lubos ko itong pinagsisihan
di kona inisip kung ikaw ba'y masasaktan
basta't ang alam ko lang ito ang tanging paraan

simula ng umalis ka't di na nagparamdam
lubos akong nag nakakaramdam ng agam-agam
kung bakit hindi mo man lang nakuhang magpaalam

nahihirapan nakong unawain ka
lalo na yung mga panahong sayo'y balewala na
kinukulit kita ; sinusuyo
bakit tila mas lalo kang lumalayo

araw araw akong naghihintay iyong mensahe
na baka mabigyan moko ng oras na walang bayad at libre
kase alam ko hindi sayo pwede
subalit di na bale

Mahal naman kita,kaya
kaya kung magtiis para sating dalawa
kaya kung maghintay kahit gaano pa katagal
lahat ay kaya kung isugal

dahil mahal kita!

ngunit isang araw nagising ang aking diwa
nagising na may luha na saaking mga mata
naisip na baka wala na talaga
walang nang pag-asang muling magbalik ka
kung paano tayo nagsimula tulad  nung umpisa

kaya mahal , patawad!
ako na yung unang sumuko
dahil hindi kona alam kung kakayanin ko pang labanan
ang tukso
di ko na alam kung may puwang paba ako dyan sa puso mo

ngunit ng dahil sa pinaggagawa ko
mas lalo lang palang naagaw ang aking trono
mas lalo ko lang palang sinasaktan ang sarili ko
umiiyak;lumuluha
labis akong nagdurusa

dahil kasalanan konaman
kung bakit pako nag desisyon ng hindi ka kasama
labis akong nagsisi kung bakit
iniwan kita

pasensya!
pasensya kung makapal ang aking mukha
nakuha ko pang humiling
na bumalik ka sa aking piling
na baka sakaling muli kitang mahagkan
kahit sa panaginip lamang

sana'y muli **** pakinggan ang aking panalangin
bumalik ka sana sakin
at muli akong tanggapin
dahil diko na alam ang gagawin
hindi ko na alam kung paano kakayanin
kung tuluyan na nga natin itong tatapusin.

mahal patawad kung ako'y naging makasarili
inisip na baka hindi talaga tayo sa huli
patawad kung lagi akong wala sa iyong tabi
patawad kung di kona kinayang manatili

sana'y palagi **** tatandaan na mahal kita..
kahit wala na tayong dalawa

#ManunulatPH
#Repost
Austine May 2014
gigising at muling sasabihin
na kakayanin at tatanggapin
mag-isa ko nga bang haharapin
bigat ng aking damdamin?

iiwanan mo rin ba
ang puso ko na binuhay mo pa
sana di na lang nag-abala
para ngayon ay tanggap ko na

ayoko na, tama na, awat na
pakiusap ko, sinta
malabo na ako'y makabangon pa
kung puso mo sa aki'y magsara

hayaan, iwanan, paalam
palayain sa baging
na ako rin ang naghaing
bitawan, wag sundan, paalam
Crissel Famorcan Mar 2017
Noong mga panahon na akoy natutong mangarap,
Sa puso ko ikaw na agad ang hinanap
Hindi ka nawawala sa aking hinagap
para sa iyo,kakayanin ko lahat ng hirap

Nang tumuntong ako ng sekondarya
Ikaw pa rin ang gusto at wala nang iba
ikaw ang tanging saki'y nagpapaligaya
Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana
Nang ako'y malapit na,inilayo kang bigla
Sa guhit ng palad ko, bigla kang nawala
Naglaho ka nalang na para bang bula

O kay sakit isipin aking mahal
Aking mga ilusyon di na kayang magtagal
hinahangad kong mga parangal
Tila mananatiling isang mahabang dasal

Madalas ko ngang nadarama
malapit ka nalang talaga
pero hanggang pangarap na lang ba?
Dahil sadyang maraming humahadlang
Kahit na pag -asa ang pananggalang
Sadya kang ipinagkakait sa akin
Pilit kang inaalis sa aking landasin
Kaya't patawad kung susuko na ako
Pagkat di kita makakamit kahit na anong gawin ko !
Arya Apr 2016
Para kang saranggolang maputi
Na nakatali sa aking mga daliri
Ngayon, nais kong lumipad ka muna, lumipad ka muna palayo sa akin
At ika'y sumabay sa hangin
Na pansamantalang hindi ka makita ng aking paningin
Masakit man talagang isipin
Ngunit aking paring kakayanin
Papasaan ba't mamawala rin ang sakit sa aking damdamin
Pero iyong tatandaan, hindi kita bibitawan
Kasi alam ko balang araw babalik ka at tayo'y muling magtatawanan
Dahil naniniwala ako na tayo'y nakatali sa sinulid ng ating pagmamahalan. :)
#saranggola
#sinulid
#pagmamahal
Vernice Q Nov 2015
Bakit kasi biglaan ko pa rin naaalala ang lahat?
Bakit hindi pa rin kita makalimutan?
Gusto ko ng sumaya.
Gusto ko na din magmahal ng iba.
Pero sa tuwing gagawin ko yun, natatakot ako.

Natatakot akong masaktan sila,
at masaktan ulit ako.
Namamanhid ako tuwing susubukan ko.
Bakit ang hirap pa rin?
Sana may tumulong naman sakin
para lumakas lakas naman ang loob ko.

Kasi hindi ko alam
kung hanggang kelan ko pa kakayanin ang ganito.
Ang hirap-hirap, sa totoo lang.

Dinadaan ko lang lahat sa tawa,
sa pagguhit, sa pagsusulat…
Pero onti na lang, baka bumigay na ako.

Ayoko na ng ganito…
Mahilig akong manood ng pelikula
Sisiyasatin ko ang bawat balangkas
Panonoorin mula sa simula
Papunta sa kasukdulan ng kwento
Hanggang sa katapusan ng kwento

Isa sa paborito kong kategorya nito
Ay ang pag-ibig

Napakasayang manood ng pelikulang pag-iibigan ang tema
Dahil kahit minsan ay katulad din ito ng nararanasan natin

Magsisimula sa pagpapakilala
Sa “ako nga pala si..”
“At ako naman si..”
Sabay ngiti na tila titigil ang mundo
Bibilis ang pintig ng puso
At mapupuno ang tiyan
na tila nakalunok ng sangkatutak paruparo
At nanirahan sa ilalim ng mga kalamnan mo

Napakatamis ng mga simula
Ang mga panahong ang mga mata
Ang nagsisilbing daluyan
Ng enerhiya na nagpapasabay ng tibok
ng puso niyong dalawa
Ang mga panahong ang mga kamay
Ang nagsisilbing hawakan sa pinakamalayong paglalakbay

Kikiligin ka sa simula

Magpapatuloy sa kasukdulan
Magpapatuloy
Sa “Bakit hindi mo agad sinabi?”
Sa “Bakit ka nagsinungaling saakin?”
Sa “Ano bang nagawa ko sa’yo”
Sa “Saan ba ako nagkamali?”

Matututunan mo na ang pag-ibig pala ay nagbabago
Ang dating matamis ay naging mapait
At tila isang kape na dating kumukulo sa init
Ay nanlamig bigla
Sa di inaasahang panahon

At sa katapusan ay makikita mo ang dulo
Ang pagpapaalam
Ang mga salitang “Hanggang dito na lamang tayo”
Na kahit na ipinangako niyo sa isa’t isa ang walang hanggan
Ay naabot niyo pa rin ang dulo

At kahit na masakit ay tatanggapin mo
Dahil ang katotohanan ay
Ang pag-ibig ay nagwawakas

Mahilig ako sa mga kwento
Dahil dito umiikot ang mga pelikulang sinusubaybayan ko
Ang simula, kasukdulan at pagtatapos

Ang paborito kong istorya
Ay ang pag-ibig

Pag-ibig
Na nagsimula sa pagpapakilala
Sa pagtanggap ng katotohanan
na hindi ko kakayanin mag-isa
Sa pagsambit na ikaw lamang
ang kayang magligtas
sa kaluluwa kong ligaw

Hindi man puno ng tamis
Pero puno nmn ng tunay na pagsinta
Ng totoong nagmamahal

Ang mga mata niyang magbabantay saakin
Sa tuwing ako’y nag-iisa’t nasa panganib
Mga labi, na hindi mo man nakikita ang ngiti
pero ramdam ang pagmamahal sa tamis ng salitang sinasambit
Mga kamay, na hindi nagsisilbing hawakan, pero gabay
At sa tuwing naliligaw na ako’y andyan ka pra itama ang aking landas

Pag-ibig
Na ang kasukdulan ay
Naganap sa krus
Kung saan ipinakita ang tunay na kilos ng pagmamahal;
Sakripisyo
Kahit na hindi ako nararapat sa pag-ibig mo’y
Ibinigay mo ang lahat
Para lamang maibalik ang ako, na minsan nang naglibot papalayo
Sa kasabikan na mahanap ang dulo
Kasama ang mundo
pero nagkamali ako

Ang mundo ay iiwan kang lagalak
Sa kalsada
Humahanap ng titirhan
Humihingi ng makakain
At nanlilimos ng ng salapi

Pero ikaw ang pumulot saakin
Sa pagkaalipin ko sa mapanlinlang mundo
Iniangat mo ako sa kahirapan ko
Kahit na tila kapeng nanlamig ako
Ay hindi mo isinantabi
Pinaranas mo ang tunay na pag-ibig
Na hindi kayang ibigay ng kahit sino

At tulad ng mga pelkulang paborito ko
Hilig kong sinusubaybayan ang kwento
Ang paborito kong kwento ay ang pag-iibigan nating dalawa, Panginoon.

At magtatapos ito sa…
Mali.
Hindi pa rito nagtatapos ang kwento
Miss Emma Writes Jul 2019
Kay tagal kong hinintay itong araw na 'to,
Marahil matagal tayong di nagkatagpo,
Siguro ito na yung tamang pahahon para sabihin ito,
Gulong-gulo ako hindi ko na alam ang gagawin ko.

Maingay na lansangan,
Mga taong nagsisigawan,
Sobrang gulo ng kapaligiran,
Pero ako patuloy na blangko ang isipan.

Mahal, hintayin mo ko,
sandali na lang to,
huwag ka munang umalis,
sana man lang kahit ngayon ako'y iyong matiis.

Mga tatlong kanto pa ang layo ko sayo,
Maaari mo ba kong mahintay pa, mahal ko?
Paumanhin kung napatagal ang pagdating ko,
Hindi ka na tuloy nahintay ng mga kaibigan mo.

Pero eto na ilang hakbang na lang malapit na ako,
Isa... dalawa...
dalawa...
Pero teka...
Bakit parang hindi ka masaya?
Bakit parang nadismaya ka pa?

Sa puntong yun hindi ko talaga alam.

gutom.
pagod.
uhaw.

Kaya't sabi ko sa sarili ko gusto ko nang bumitaw,
Pero mahal... ayoko pang umayaw,
Baligtarin man ang mundo ang hahanapin ko'y ikaw parin at ikaw.

At habang papalapit na ako,
Mas naaninag ko na ang mukha mo,
Tama nga ako,
Hindi ka nga masaya sa pagdating ko.

Pero nung niyakap mo ko at humingi ka ng tawad...

Hindi ko alam kung anong unang babagsak,
Ako ba o yung mga luha sa mata ko na nag-uunahang pumatak.

Sa bawat sandaling iyon di ko talaga alam ang sasabihin ko,
Hindi ko na alam ang gagawin ko,
Kaya ayun... hinayaan ko na lang tumulo ang mga luha ko,
Hinayaan kong ang mga mata ko ang magsalita para sa nararamdaman ko.

Pero sabi ko sa sarili ko, " Gusto ko pa... Kaya ko pa naman."

Kaya nung niyayakap mo ko,
Alam mo kung ano naramdaman ko?
Alam mo kung ano tumatakbo sa isipan ko?
Hindi ko kakayanin kung ibang tao na ang yayakapin mo ng ganito.

At sa pagkakayakap mo,
Mas naramdaman ko na mas gusto ko pang kumapit sayo,
Naramdaman ko na hindi ko kayang mawala ang taong to,
Kaya napatigil at napaisip ako,
Bakit nga ba ako kumapit sayo?

Kasi... Mahal kita.

Mahal Kita.

sa kung paano mo ikwento ang mga bagay na gusto mo,
sa kung paano mo tingnan ang mga mata ko,
sa kung paano mo napapasaya ang araw ko,
sa kung paano mo hawakan ang mga kamay ko sa harap ng maraming tao.

Mahal kita.

At sa tuwing kausap kita,
Ngiti sa mukha ay hindi maipinta,
Marahil ang boses mo ay parang musika,
Kaya't puso'y laging naaalala ka.

Lilipas ang mga araw at buwan,
Tayo ay magkakatampuhan,
Mga tao'y magsisilisan,
Pero ako, dito lang ako di kita iiwan

At sa mga oras na ito alam kong hindi pa huli,
Mahal, may itatanong ako at sana ay pag isipan **** mabuti,
Pag isipan **** mabuti dahil alam kong hindi ito madali,
Mahal, pwede bang ikaw na ang aking una't huli?



12/27/18
ps. It was made for my one great love, but we broke up.
Jeremiah Ramos May 2016
Huwag **** kalimutang huminga,
Bago magsalita,
Bago tumula,
Pagkagising mo sa umaga,
Huminga ka.
Huwag **** kalimutang may dugo sa'yong mga baga
Na patuloy pa rin dumadaloy katabi ng puso **** pagod na

Huminga ka,
Sa bawat halakhak,
Sa bawat pag-iyak,
Sa bawat paghabol mo ng hininga kapag napapagod.
Ito ang sagradong paraan para sabihin Niya sa'yo na kaya mo pa.

Huwag **** kalimutang pumikit minsan,
Intindihin mo sana na 'di lahat ng bagay ay kailangan **** makita,
Na may kapayapaan at katahimikan din sa dilim,
Ipa-hinga mo muna ang iyong mga namumugtong mata,
Ipa-hinga mo muna ang paghanap sa kanya kung umalis na siya
Magpahinga ka muna kasi
Kaya mo pang pumikit,
Kaya mo pang huminga

Huwag **** kalimutang makinig,
Sa hampas ng alon sa mga bato,
Sa pagtama ng patak ng ulan sa lupa,
Sa mga huni ng ibon,
Sa mga kuliglig sa katahimikan ng gabing madilim,
Sa tunog ng paborito niyong kanta,
Sa mga kwento niya,
Sa tibok ng puso mo,
Sa boses niyang nasa isip mo pa rin na para bang kanina lang kayo nag-usap
Pakinggan mo silang mabuti,
Kasi
Kaya mo pang makinig
Kaya mo pang pumikit,
Kaya mo pang huminga

Huwag mo sanang kalimutan kung paano umibig
Kasi nandito pa ako, nakikinig at umiibig pa din sa'yo
Kahit nakita na kitang pira-piraso sa pagkabasag mo.
Gusto kong guhitan ang buong katawan mo ng mga gusali't siyudad
na lumiliwanag sa gabi na para bang dinala ang mga tala sa lupa
at sana makita mo na isa kang dahilan kung bakit may liwanag
tuwing hindi sinisinagan ng araw ang mundo.
Huwag **** kalimutan ang ibig sabihin ng pag-ibig sa'yo

At sa huling pagkakataon,
Huwag mo sana akong kalimutan,
Huwag **** kalimutan na may naniniwala sa'yo
Na patuloy pa rin kitang papakinggan
at kokolektahin ang bawat luha mo sa garapon.
Kung kakayanin ko man, iguguhit ko ang bawat parte ng katawan mo sa bawat blankong papel
at kung ipagtatagpi-tagpi,
sana makita mo na isa kang pinaghirapan na obra.

Sana alalahanin mo na
May baga ka para huminga
May mga mata ka para pumikit at dumilat at makita na 'di ka nag-iisa
May mga tenga kang handang makinig
May mga paa ka para tumayo at maglakad
At may puso kang basag ngayon
Pero kaya pa ring umibig at maniwala
na kaya mo pa.
Kaya mo pa.
aphotic blue May 2017
Minahal mo ba talaga?
O naawa ka lng sa kanya?
Tinigil mo na nga,
Kaso umiyak sya,
nagbago yung isipan.
Binalikan ng walang dahilan.
Tapos ngayon ika'y nalilito,
Kung titigilan ba ang panloloko.
Kaya mo ba syang saktan ng buong buo.
Mawala lng yung nararamdaman niya sayo.
Isipin **** mabuti yung gagawin.
Hindi ba sya masasaktan pag ika'y aamin?
Malungkot, luluha sya ng di inaakala
Tingin mo ba ang gagawin mo ay tama?
Kung ikaw ay aking tatanungin.
Kakayanin mo bang magmahal ng iba ng palihim?
Hindi ba sya magagalit pag sya'y iyong paglaruan?
Yung tipong nahuhubog kayo sa kasiyahan.
Pero yung totoo, katotohanan ba yan?
Hanggang tawa na lng ba kayo
Wala na lng ba talagang mangbabago ?
Subukan **** sabihin yung totoo.
Baka maraming masusubukang bago
©aphoticblue
Georgette Baya Sep 2015
Love na love talaga kita eh, and it would mean so much lalo na
pag binanggit ko pa na mahal na mahal na talaga kita. NAPAKA STRANGE.

He is shy, kind, innocent, pleasant, different, even for a guy
He is fragile, sweet and mostly meaningful, mostly to my life.

Kahit alam kong wala kami dun sa stage na,
"in relationship" i'd bother myself to care.
Kasi he is meaningful, mahalaga siya saakin, yung tipong kaya ko syang alagaan at aalagaan no matter what. I would make time for him just to see him, smile, laugh or even giggle a bit, because his  happiness makes the most out of him and it makes me happy too.
Kung kakayanin kong kwentuhan siya gabi gabi hanggang sa makatulog sya gagawin ko (kaso ang tagal nya mag reply kaya ako yung nakakatulog :3)

Sabi nila sakin,

"grabe na yan ahh. baka nakakalimutan **** babae ka pa din ah?"

Sabi ko,

"oo alam ko, at alam ko yung ginagawa ko."

"yun naman pala eh, ano yan?"

"ang alin?"

"yang tipong support support na yan?"

"wala namang masama dyan, atleast napapakita ko padin sakanya na mahalaga siya sakin, kahit di nya nararamdaman"

"ayooooooon, manhid"

di na ko sumagot, sumasama din kasi yung loob ko pag naririnig kong sinasabihan sya na manhid eh, kahit totoo, parang sakin bumabalik kasi ako yung nagbibigay ng effort pero parang di nya na fe-feel. Pero mahal ko padin siya, walang makakapag bago dun.

Yung mga simpleng tweet nya na, napapalundag ako sa kilig at tuwa.
Yung mga kindat nya na (kahit hindi siya marunong) nakakamatay.
Yung mga biglang ngiti nya na, nasusulyapan ko bawat tingin.
Yung mga mata nyang mapupungay na lagi akong dinadala sa langit (hindi naman siya chinito, feeling lang hahaha)
Yung kilay at buhok nyang lagi kong hinahaplos (naka keratin daw eh hahaha)
Yung boses nyang sintonado, pero pag kinakanta nya yung "When You Say Nothing At All" pati ung "Life of the Party" lumalabas yung pagka inner Michael Buble nya.
Yung moves nya na mala 90's, na pag sumasayaw sya sa harap ko napapatakip nalang ako kasi, mas lalo akong nafafall.
Yung kuko nyang laging bagong gupit.
Yung amoy nya na parang amoy baby, tapos minsan panlalaking panlalaki (seryoso nakaka ******)

At maraming maraming marami pa.
He's my kind of perfect.
Sabi nga nila, pag mahal mo ang isang tao, lahat ng imperfections nya sa sarili o sa buhay pa yan, his flaws, handang handa kang tanggapin yun ng buong buo, walang labis, walang kulang.

Love is accepting, who they are and what they are.
Diba sabi mo di ka marunong mag luto? Ako din eh, siguro sa tamang panahon, we would invent kinds of dinner or even breakfast and lunch, that your dad and my mom used to do. Kahit di tayo sigurado sa anong lasa nung pagkain na magagawa natin, as long as we got it each other, we can make it better.

Di ko alam kung bat umabot ako dito eh, alam mo bang onting onti nalang, ako na talaga manliligaw sayo? Ang bagal mo kasi eh. Hahaha joke lang, syempre hanggang panaginip ko nalang yon.

Nung coronation night, pinuntahan kita sa dressing room nyo,
I was really stunned, as you walked out that room. Destiny nga ba talaga? I was REALLY shocked, kasi merong SLOW MOTION, i have never felt that feeling before, NEVER!
Tapos yung sinabi ni Sir Yu, may kwinento sya sakin tungkol sa napagusapan nyo tungkol sakin. Long story-short, naglululundag ako sa kilig at tuwa na, who would have thought na masasabi mo pala yung mga ganung salita na yun.
Tapos si B1, haha natatawa nga ko kasi kinikilig daw siya satin, aabangan nya daw yung next chapter natin, ang tanong meron nga ba?

Jon Ray Ico Ramos! Oo ikaw! Malakas loob ko banggitin pangalan mo dito, kasi wala kang account dito at di mo alam na may ganito ako, ibig sabihin di mo to mababasa and as far as i know walang taga SCCV ang may ganito, well. HAHAHAHA!
Mahaaaaal na mahaaaal kita. Minsan sa sobrang saya ko pag kausap kita napapatype nalang ako ng "I love you" muntik na nga akong makasend nyan sayo eh, buti nalang talaga hindi hahaha :3 wala na kong masabi kasi inaantok na talaga ako as innn.

Basta sana pagka gising mo, mabasa mo to (pero syempre di mo to mababasa) para malaman mo na, ikaw ang huli kong iniisip bago ako matulog.

Good mor-night!
---------------
Good morning, Jon Ray!


P.S: sinadya ko talagang ipost to ng 5:55 AM kasi favorite number mo ang 5 so, ayan :)
032217

Iniwasan kong tumingin sayo
At ginawa ang mga bagay sa paraan na alam ko.
Akala ko kakayanin ko,
Dahil tingin ko sa sarili ko: malakas ako.

Sa una'y naging maayos ang lahat
Na para bang ang taas ko kung lumipad.
Dahil ramdam ko sa aking mga palad
Ang ihip ng hangin at ang mga ulap.

Sinabayan ko ang ikot ng mundo
Sinubukan lahat anuman ang naisin ko:
Mga bagay na labag sa kalooban mo
Na di mo ninais na gagawin ko.

Ang taas na nga ng aking nalipad,
Malayo-layo na rin ang aking napad-pad.
Ngunit sa puso ko'y meron pa ring hanap-hanap
Siyang bagay na di pa rin natutupad.

Tingin ko'y kaya ko nga ang lahat --
Na kahit mag-isa'y lahat matutupad.
Ngunit sa taas ng aking narating, ako'y bumagsak
At nagtamo ng malaking sugat.

Nalunod ako sa dagat ng pagkatalo
Na akala ko kaya kong manalo.
Na kahit magisa lang ako,
Lahat ay kakayanin ko.

Kinain ako ng sarili kong mundo,
Ng paniniwala kong malakas ako.
Na kahit hindi ako tumingin sayo,
Lahat ng bagay ay makakamtan ko.

Ngunit sa kabila ng lahat ay nandyan ka pa rin,
Tinulungan akong tumayo mula sa pagkakadapa.
Ginamot ang sugat ng pagkabalisa,
Kahit na pinili kong lumakad mag-isa.

Hindi ko pala kaya nang wala ka,
Sa paniniwala sa sarili'y, ako'y naging tanga.
Na ang hinahanap ng puso ko'y nasayo lang pala,
Maraming salamat sa pagmamahal aking Ama.
(c) Argel Viterbo
Eugene Mar 2018
Gabi-gabing nagsusunog ng kilay.
Araw-araw na tinatahak ang lubak-lubak na daan.
Minu-minutong nagtitiis ang balat sa tirik na araw.
Iniinda ang mga kagat ng lamok sa gabi.
Pinagtitiyagaan ang kapirasong lamparang liwanag sa dilim.
Maibahagi lamang ang kapiranggot na kakayahan.

Inakala **** madali.
Hindi pala.
Kailangan **** suungin ang init.
Kinailangan **** tawirin ang mga ilog marating lamang ang iyong patutunguhan.
Inakala mng magaan.
Hindi pala.
Kinailangan **** maglakad ng walang sapin sa paa.
Kinailangan **** iwasan ang mga putik sa kalsada upang marating ang lugar na akala mo ay langit na.

Nagawa mo pa ring makaalpas.
Ilang beses ka na ba dapat na sumuko?
Nakailang iyak ka na ba gabi-gabi dahil hindi mo kaya ang nakikita mo?
Ilang damit lang ba ang dala-dala mo upang maitawid ang mga kaalaman para sa iba na nagmula sa iyo?
Kaya mo pa ba?

Ikaw ang liwanag sa kanilang madilim na daan.
Ikaw ang gabay sa kanilang pagpupursige.
Ikaw ang magiging pag-asa sa mga pangarap nilang hinahabi.
Huwag **** ipakitang marupok ka dahil lamang sa delubyong likha ng kalikasang nasa iyong harapan.
Isipin mo sila!
Isipin **** may naghihintay na bukas para sa kanila.

Ikaw ang kanilang tinitingala.
Magpatuloy ka sa pagngiti.
Isapuso mo ang kanilang masasayang pagbati sa tuwing ikaw ay makakarating.
Damhin mo ang kanilang pananabik na makita kang masayang nagtuturo sa kanila.
Iwaksi mo ang negatibong bagay sa iyong isipan.
Yakapin mo ang iyong natutunan --ang iyong misyon at rason kung bakit ka inilagay sa posisyong iyong kinatatayuan.

Balang araw ay magtatagumpay ka!
Balang araw ay masisilayan mo ang katas ng iyong pagpapakumbaba.
Pagsisikap.
Pagtitiis.
Malayo ka man sa mga mahal mo sa buhay, naiintindihan nila.
Ang propesyon mo ang magbibigay ng pag-asa.
Magtiwala ka!

Kaagapay mo ang Diyos sa bawat **** pagsisikap.
Huwag kang panghinaan ng loob sa bawat problemang iyong kinakaharap.
Alam naming kaya mo!
Sa iyo uusbong ang mga batikan.
Sa iyo magmumula ang mga pinakasikat.
Sa iyo manggaling ang magagaling at matatalino.
Alam naming kaya mo!
Magtiwala ka sa kakayahan mo.
Ikaw at ikaw lamang ang maglililok nito.
Ikaw at ikaw ang huhubog sa kani-kanilang mga talento.
Nasa iyo ang aming papuri.
Nasa iyo ang aming taos-pusong dasal.
Ang laban mo ay laban naming lahat.
Kayanin mo.
Kakayanin mo!
Ikaw ang aming liwanag sa gabi at pag-sa sa umaga.

#IkawNaNagmamahalMagmamahalPa
Sitan Sep 2019
bem
akoy isang lalaking hindi madasalin
hiniling sa diyos na ikay mapasakin
handa sa ano mang ating tahakin
pangako na ang lahat ay ating kakayanin

tulang puno ng pagmamahal nililikha
nagmula sa puso lahat ng mga salita
ngunit kaakibat ng salita ang gawa
kahit ano mangyari hindi magsasawa

handang magbago ang tulad kong tarantado
patunayan lang na hindi isang gago
sadyang mamahalin ka ng buong buo
mula nang ikay mahalin handang magbago

isang binibining kumbagay mala-sining
minimithing mapapunta sa aking piling
mapaano ibibigay lahat ng hiling
pangarap ikay katabi sa bawat gising

sa bawat kwento mo na puno ng pighati
gagawin ang lahat para ikay ngumiti
mga kwentuhan na umaabot ng gabi
ang pag-ibig sayo ay lalong tumitindi

marapatin na bigyan ng pagkakataon
pag-ibig sayo aabot habang panahon
akoy nagbago at handa ng patunayan
ikaw ang mahal mula noon hanggang ngayon

marami man kontra sa ating pagsasama
handa ng patunayan na ito ang tama
ang kasiyahan ay laging ipapadama
papalitan ng saya lahat ng drama

siguradong sayo ay hindi nagkamali
ikaw talaga ang minahal at pinili
mga oras na kasama ka di mapakali
akoy handang mag-antay sayo basta palli

tutuparin ang pangakong di ka sasaktan
ano man ang mangyari di kita iiwan
siguradong ikaw lang ang paglalaanan
ng tunay na pagmamahal magpakailanman

ibibigay lahat ng iyong pangangailangan
mapa gamit o prutas maliban sa pakwan
susuportahan ka kahit anong larangan
ipaparamdam tunay na pagmamahalan

pinakaminahal marahil ay ikaw
kagandahan tilay mga perlas na hikaw
pagmasdan at marahil ikay masisilaw
iyong kausapin paniguradong siya'y
sabaw

marahil ito na ang aking huling saknong
handang maghintay sa sagot mo sa aking tanong
paumanhin sa tula kong usad pagong
paninidigan ko lahat hanggang sa kabaong
Jeremiah Ramos Apr 2016
Sabayan mo ako sa pagbigkas nito,
Nakakapagpabagabag,
Pitumput-pitong puting pating,
Minikaniko ni Monico ang makina ni Monica,
Ang relo ni Leroy ay Rolex
Bumili ako ng bituka ng butiki sa butika.

Eto ang mga pampilipit dila na naalala at kinalakihan ko
Ang saya bigkasin,
Kasi alam ko na ang bawat pantig, ang tamang pagsambit
At tuwang-tuwa ako bigkasin sa harap ng mga kaibigan ko
Ipinagmamalaki kasi kaya kong sabihin ng diretso, at hindi nauutal
Siyempre, noong una, pumilipit ang aking dila
Ilang beses pinaulit-ulit, hanggang sa masabi nang tama
At ayun, kinaya kong sabihin

Pero sa lahat ng narinig at nabasa kong pampilipit dila
Tila bang 'di ko pa rin kayang sabihin sa sa'yo ang mga salitang
Mahal, kita. Gusto, kita.
Na para bang sila ang mga salitang pinakamahirap bigkasin,
Kahit siguro ilang beses ko ulit-ulitin hanggang sa masabi ko nang tama
Parang hindi ko pa din kakayanin.

Siguro mas kaya ko pang sabihin sa sa'yo ang mga pampilipit dila na naaalala ko,

Nakakapagpabagabag
Nakakapagpabagabag ka sa pagtulog ko
Kakaisip kung anong mangyayari kung sinabi ko sa'yong gusto kita.
Kung anong mangyayari, pag nanligaw ako o pag naging tayo na.
Handa akong protektahan ka sa pitumput-pitong puting pating.
Alam mo ba ang relo ni Leroy ay Rolex?
Sana alam din niya ang oras ng uwi mo, para maihatid kita,
Sana alam din niya na tumitigil ang oras tuwing nagkakasalubong ang ating mga mata
Sana alam niya ang tamang oras kung kailan ko ba dapat sabihin sa'yo na mahal kita

Nauutal sa apat na pantig,
Na hindi ko naman alam kung gusto mo bang marinig

Mahal kita, mahal kita, mahal kita.
Ilang beses inulit-ulit bigkasin habang papunta sa'yo
Baka sakaling masabi ko pagdating ko sa harap mo
Pero nang nakita ka na,
Para bang nabura mo ang lahat ng bokabularyo na alam ko,
Nakalimutan ang tamang balarila,
Nakalimutan kung paano mag-salita
At nang lumampas ka,
Nanghinayang. Sayang.

Tatanggapin ko na lang na
Siguro hindi lahat ng pampilipit dila ay kaya kong bigkasin
Mas-mabuti na lang siguro na,
Hindi sumubok, hanggang sa makalimutan ko nang sabihin sa'yo
At mag-aantay na lang muli
ng isang taong
hindi pipilipit ang aking dila
Kapag sinabi kong,
Mahal na mahal kita.
Ysa Pa Jun 2016
Oo ginawa mo na ang lahat
Binigay mo ang higit pa sa nararapat
Bumangon, tumakbo at tumalon ka na
Nagkandasubsob at nagkadapa-dapa ka pa
Tumawid ng bundok at ng mga karagatan
Ikaw ay nalunod at nasaktan
Nagsunog ng kilay, at kinalimutan ang tulog
Hinarap mo lahat at ikaw ay nagpabugbog
Ginawa mo ang lahat ng makakaya mo
Ngunit ikaw ay nabigo
Masakit, oo! Walang duda yan
Lalo na kung nalahat na ang iyong kakayahan
Nakakalugmo at nakakadusa
Nakakaiyak at nakakawalang pag-asa
Parang pinagsukloban ng langit at lupa
Parang pinagkaitan ng lahat ng mga tala
Mahirap! Masakit! Oo alam ko
Pero hindi pa ito ang huli o dulo
Maniwala ka sakin, mahirap pero kakayanin
Masakit pero hindi imposibleng gawin
Kung kelan nakasuka ka na ng dugo
Tangina! Ngayon ka pa ba susuko?
Lets just say that something happened...
Pinanday ka ng panahon
May tapang na hindi
basta sumusuko,
sa lahat ng laban
wala kang inuurungan,

Agimat mo ay katapangan
na umagaw mula sa kalaban.
Buo at tibay ng iyong loob
ano man ang iyong sagupain
walang di kakayanin.

laban mo’y hindi biro
Una kami sa iyong puso
Bago ang iyong pagkatao
Karamay ka, sa bawat
along bumubugso.

Ikaw ang bagong bayani
ng ating lipi na nagbabalik
ng kulay at sigla bitbit
ang bandila na may kisig
at buong katapangan.
Dedicated to all frontliners and to all great leaders.
Xian Obrero Mar 2020
Nakaupo't-nag-iisa, kagaya kahapon sa bintana siya'y nakadungaw
Mula sa kanyang silid, mga mata niya'y malayo ang tinatanaw
Ang palagi niyang inaabangan ay ang napakagandang paglubog ng araw
Sa paglubog nito'y siya ring pagsalubong niya sa gabing walang kasing ginaw.


Sa paglipas ng panahon ay nasanay na nga siyang palaging ganoon
Ang paglubog ng araw ay inaabangan niya pa rin maging hanggang ngayon
Hindi siya nagsasawa at napapagod sa paghihintay buong maghapon
Wari'y kakayanin niya ring mahintay ang pagtuyo ng mga dahon.



Ang wika niya, "Sa tuwing lulubog ang araw ay naaalala ko siya"
Naaalala niya raw ang kanyang sinta at ang taglay nitong yumi at ganda
Kasing liwanag rin daw ng araw ang pagkislap ng kanyang mga mata
Ngunit isang hapon raw ay bigla na lang itong kinuha sa kanya.



Sa labis niyang pagmamahal sa sinisinta niyan iyon
Nabatid kong marahil sa lungkot ay hindi siya makaahon
Kaya pala ganoon na lang ang kanyang paghihintay sa buong maghapon
Sa paglubog na araw pala na nagpapaalala sa kanyang sinta kahit papaano siya'y nakakaahon.
080216

Ayoko sanang sagutin
Pero gusto kitang marinig.

Naiinis ako
Pagkat nilalampaso ang puso ko.
Pagkat wala lang sayo,
Pero heto ako't tila iniibig ka pa rin.

"Hello"
Sa tagal ng panaho'y
Ngayon lamang ulit.
Natatameme ako pagkat walang masambit.

Tangan ko ang matatamis na alaala,
Subalit dumadampi ang sakit
Tumatagos higit pa sa damdamin,
Ang iyong walang paalam na paglisan.

Yung boses **** tila walang emosyon,
At doon tumigil ang tibok ng puso.
Hindi ko alam ba't hinahayaan ka
Ba't ako'y tila umaasang
Baka may pangalawang pagkakataon pa.

Alam ko namang iba na ngayon,
Walang malalim na dahilan.
Wala kang dahilan
Bagkus puso ko'y tila naghihintay.

Nagtataka ako sa mga tanong mo
Nagtataka ako sa pag-uusisa mo.
Natatakot akong mahulog sayo,
Pagkat alam ko kung gaanong sakit na ang natamo
At sa ngayo'y
hindi ko na ata *kakayanin pang muli.
Nasasaktan ako kasi mahal kita. Nasasaktan ako kasi totoo ang nadarama. Walang halong biro, pagkat ako'y sigurado.

Sana makaya ko pagkat nakaya Niya para sakin. Alam kong mah dahilan Siya kung bakit. Kahit sobrang sakit ng ganito. Kahit mahal kita pero nasasaktan pa rin.

Lahat ay ilalatag ko sa Maykapal. Ganun na lamang.
Pipin Oct 2017
Hindi ko alam kung saan sisimulan
Kung paano tatapusin itong aking liham
Ni hindi ko alam kung kakayanin ko pa
Ang salitang "pamamaalam".

Hindi ko alam kung mababasa mo pa to.
Hindi ko rin alam kung naririnig mo pa ko.
Kung kaya pa bang mabasa ng mga mata mo
at marinig ng mga tenga mo
ang nais kong sabihin para sa'yo.

Maraming mga alaala ang iyong iniwan
Maraming pangako ang hindi na masusulyapan
Mga bagay na dati'y pangkakapitan
Ngayo'y bibitawan na sa iyong paglisan.

Gayunpaman, maraming salamat
Hindi ko man masasabi dito sa’yo ang lahat
Pero Mahal na mahal kita at yun ay tapat…
Kurtlopez May 2023
Bibilang ng lima
upang sarili'y mapakalma
sabay bugtong-hininga
mga luha'y nagsitulo na pala
dahil hindi na kinaya ang sakit na dala,

akala nila wala akong problema
akala ng iba ako ay masaya
akala nila wala akong iniinda
nasanay kasi silang lagi kang nakatawa
nasanay kasi silang lagi kang masaya
nasanay kasi sila na ganyan ka,


napakahirap na sitwasyon
hindi nila alam na saking pag ngiti
sa loob nito'y pighati
iniisip ng iba na nagbibiro lang ako
iniisip nila na hindi ito totoo
pero hindi nila alam unti-unti na akong pinapatay nito,

dinadaan ko nalang sa pagpapatawa
upang ang iba'y mapasaya
ngunit sakabilang banda
ay may salitang nag nanais na "ako naman sana."

nag tatago sa bawat ngiti sa labi ko
ang sandamakmak na problemang pasan-pasan ko
sakabila ng aking pagtawa
ay may lungkot na dinarama,

ginawa ko naman ang lahat,
ngunit bakit hindi parin sapat
hindi ba nila nakikita
o ayaw lang talaga nila bigyang halaga,

siguro nga talagang walang nagmamahal sakin
dahil walang umiintindi
sa aking pag inda
lunod na lunod na ako sa kalungkutan
labis-labis na akong nahihirapan,

puso ko'y hirap na
Ayoko ng magpanggap pa
magpanggap na masaya ako
sa harap ng iba
dahil ang totoo, halos 'di ko na kaya,

ako'y biktima ng sarili kong kalungkutan
biktima ng kahibangan
biktima ng kapighatian
biktima ng pusong mapanlinlang
at biktima ng isip na nais ng lumisan,

hindi ko na kilala kung sino ako,
hindi ko na kilala ang sarili ko
kailan ba ako makakatakas dito
sa higpit ng kadilimang
bumabalot sa isip ko

alam kong hindi ko na kaya
pero kakayanin ko pa
kakayanin kong muling
makatayo sa sarili kong mga paa
upang masolusyonan
ang aking problema

kakayanin kong lumaban
dahil ayaw kong maging talunan
at hinding hindi ako magiging talunan
kakayanin kong labanan ang lungkot
upang hindi na ako tuluyan nitong mabalot,

alam kong may kwenta
akong tao dito sa mundo.
alam kong may nagmamahal
pa sa akin ng totoo
alam kong ang Diyos ay
lagi kong kasama sa lahat ng dako
alam kong Sya ay laging nasa tabi ko
alam kong yayakapin
nya ako sa bawat pighating ito!

hindi ako magpapalamon sa aking depresyon
lalaban ako kahit problema'y
kasing lakas ng alon
lilipas din ang hapti ng kahapon
hindi man ngayon
ngunit darating ang bukas
at itong kalungkuta'y magwawakas.

— The End —