Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"hangad" poems
Umiibig akong matapat ang puso, sa iyo, O Sintang pithaya ng mundo. Dilag na bulaklak sa harding masamyo, sinuyo’t pinita ng laksang paru-paro. Tinataglay nila’y mararangyang pakpak, subalit ang nasa’y tanging halimuyak. Iba sa bagwis kong luksa ang nagtatak, sa mata ng iba’y isa lamang hamak. Ako’y dahop-palad, niring mundo’y aba, sa utos ng puso, ikaw’y sinasamba. O! ang saklap naman, umagos ang luha, pagkat lumilihis ang ating tadhana. At niring landas ta’y lalong pinaglayo, nang ikaw’y nabihag ng hari ng mundo. Buong taglay niya’y di tapat na puso,  tanging hangad lamang ang kagandahan mo. Sinta ko ano pa ang aking magawa, kung sa ngalan ng Diyos kayo’y tinali na? Daloy ng tadhana’y mababago pa ba’t, panaho’y balikang ikaw’y malaya pa? Bihag ka na ngayong walang kalayaan,  hawak ang mundo mo ng lilong nilalang Wari'y isang ibong ang lipad may hanggan, at ang yamang pakpak, dustang tinalian.  Paano O! Sinta yaring abang buhay? Ikaw’y tanging pintig nitong pusong malumbay. Kung ikaw ang buhay ng buhay kong taglay, Sa iyo mabigo’y sukat ng mamatay. Subalit nasa kong lumawig sa mundo, sapagkat buhay pa niring pag-ibig ko. At ikaw O! Sintang namugad sa puso, napanagimpan kong pinaghintay ako.  Sa harap ng hirap na di masawata, tanging asam ko’y lalaya ka Sinta. At itong pagtiis ay alay ko Mutya, mula sa puso kong nagdadaralita. Maghihintay ako sa pagkakahugnos, sa tanikala **** higpit na gumapos, sa kalayaan na lubhang nabusabos, at mariing dulot, galak na di lubos. Ang aking paghintay akay ng pag-asa, lawig ng pag-asa’y kambal ang pagdusa. At ang dukhang pusong batis ng dalita, tila pinagyakap ang pag-asa’t luha. O! aking minahal ako’y maghihintay, kahit walang hanggang paglubog ng araw. Magtitiis ako sa gabing mapanglaw, hanggang sa pagsilang ng bukang liwayway. Yaong sinag nito’y ganap na tatapos,  sa dilim na dulot ng dusa’t gipuspos. Sinag na tutuyo sa luhang umagos,  niring mga matang namumugtong lubos. Yaong pamimitak ng mithing umaga, araw na mabihis ng mga ligaya, ang buhay kong abang tinigmak ng luha, mula sa kandungan niring Gabing luksa. Maghihintay ako sa gitna ng dusa,  kapiling ang munting kislap ng pag-asa. Magtitiis kahit sanlibong pagluha, hanggang sa panahong muli kang lalaya. Maghihintay akong di hadlang ang pagal,  kahit ang panaho’y lalakad ng bagal. Magtitiis ako pagkat isang tunay itong pag-ibig kong sa puso’y bumukal. Maghihintay kahit dulong walang hanggan, na pagdaralita’t mga kapanglawan Kahit di tiyak kong muling sisilang, ang bukang liwayway na tanging inasam. ©Raffy Love Canoy |May 2019|
0
May 28, 2019
May 28, 2019 at 6:21 AM UTC
Bukang Liwayway na Hinihintay

Continue reading...
69
Ibubulong nalang sa hangin,ang bawat pagsumamo Paano ba maipaparating, ang nadarama ng puso lagi kitang inaalala malayo ka man sakin Kelan ba tayo magkikita ang hangad nitong damdamin Sa panaginip nalang makikita matutupad ang pangarap Sa panaginip nalang ang pagsinta duun nalang magaganap Mga pangako at sumpaan paano na matutupad Walang kasiguraduhan kung saan ba mapapadpad Tadhanang mapaglaro, magkalayo at di pinagtagpo Ba't Sadyang mapagbiro kahit may lalim bawat pagsuyo Dating hawak ang ‘yong kamay, ngayon sa guni guni Buhat ng ikaw ay mawalay, nasisilayan sa muni muni Sinagot ma’y marami paring Katanungan Lahat ba ng tanong? wala pa ring kasagutan Kung may dulo ang daan, Saan ba ang hantungan Kung ito’y may hangganan, Ano ba ang pupuntahan Sa kapalarang magkatugma, kahit na isa kang dayuhan Ng pagmamahalang mahiwaga , na tayo ay nagkaunawaan Tunay nga na ang pagibig may isang diwa Tayo’y Itinadhana, Magkaiba man ang ating pananalita Andito lang ako, Malayo parin ang distansya, Naghihintay sayo, Malapit nang mapuno ang Pasensya Dito sa kaganapang di mapapaliwanag ng sihensya Kung ba't ikaw, ikaw ang hinahanap ng konsensya Kahit wala ka..... Di na makapaghintay sa panahon ng iyong pagbabalik Pagkakataong tayo’y muling magkita, ako’y nananabik Minsan pa sanay lumantay ang yakap mo’t mga halik Nang sana ang sigaw ko’y tuluyan nang matahimik *Para sa mahal kong si Reina Ngunit sana maunawaan nya ang tula ko.
0
Jan 2, 2019
Jan 2, 2019 at 9:13 PM UTC
“LDR”
Alam kong pagod ka na sa ikot ng iyong mundo Maging sa iyong taun-taong pagkatalo Sa isang masikip na lungsod ay mistulang preso Hindi mo talagang nais na maparito Anim na taon sa malaking syudad Umani ng napakaraming kaalaman Alam mo naman ang iyong mga hangad Ang pangako lamang ang pinanghahawakan Nadudurog na tiwala mo sa sarili Sa iyong isipan, huwag kang paaapi Tagumpay ay malapit mo nang mawari Dahil siya ay ang iyong nasa isip at tabi. Pagasa ay wala sa malayo Nasa paligid ang mga kaibigan mo Na magsasabi sa iyo ng totoo ~ Tunay kang nagaantay Tunay kang magtatagumpay
0
Jan 5, 2019
Jan 5, 2019 at 1:10 PM UTC
Para Sayo,
Hindi alam kung pano sisimulan, nahihirapan itugma ang bawat salita na lumilitaw sa isipan, Ang bawat tunog sa bawat saknong ng bawat kaludtod ay nabibigatan, Ilapat sa mensaheng ibig iparating ng damdaming nagaalinlangan. Oo, hindi ako sanay gumawa ng tula, Itoy dili iba't hindi inaakala, Ngunit aking susubukan, alang alang sa kaibigan, Nanghihinayang sa alaala ng ating samahan, sa isang saglit ay iniwan. Mga pagsubok biglang dumarating, Sa kabagabagan ng buhay at panimdim, saklolo niyaong Dakilang may gawa ang tanging hiling, araw at gabi siyang dalangin. Ako ma'y naguguluhan sa mararamdaman, isip at puso laging nasa kabagabagan, kalungkutan ang nasusumpungan sa bawat araw ng aking kinalalagyan, damdamin ay halintulad sa parisukat, makipot at madilim na kulungan. Kaibagan koy huwag magtanim ng sama ng loob, Sa puso ko'y kalungkutan ang bumabalot, hirap ng pakikibaka sa araw-araw siyang sahod, ng buhay na sa pagsusumakit sa paglilikod, upang sa harap Niya'y magbigay ng lugod. Ala ala ang siyang pumupukaw sa aking loob, huwarang kaibigan ang ipinagkaloob, nagbigay inspirasyon at lakas ng loob, upang maganap tungkuling kaloob, sa Maylalang aking utang na loob. Patawad, unang sambit kung tayo man ay muling magkikita. Kalakip ay ngiti't saya sayo'y muling igagawad. Ipapalit sa galit at sama ng loob ay aking ilalahad, magpapakumbaba sayo ay aking hangad.
0
Jun 10, 2019
Jun 10, 2019 at 11:09 AM UTC
Di Tugma
Binibini, isang liham ang aking isinulat para sa iyo, Maaari mo bang ibahagi sa akin ang kislap ng iyong kagandahan? Marami ang nakakakita ng kagandahan ngunit, naipakita mo na ba ang kailaliman? Sa isang kupas na imaheng namumuo sa aking isipan, Higit pa ang kalawakan at kung maikukumpara ko sa mga tala sa kalangitan, Iisa ang isinasaad ng iyong kagandahan. Yun ay ang kalungkutan. Isang sulyap na tila ba wala ka ng ibang nanaisin pa, o hihilingin. Ang paghahangad ay labis subalit sasapat sa nagkukulang kong damdamin. Binibini, bakit nga ba namumuo sa'yong mata ang labis na kalungkutan? Bakit tila, sa aking pananaw ay nagsasabi na ika'y pagod na? Bakit ako ang nakakakita ng iyong paghihirap? Binibini, sa kabila ng lahat ng iyon, nagagawa mo parin na magtiis? Hanga ako sayo binibini. Hindi lang paghanga ang aking nadarama. Higit pa sa matatamis na salita. Higit pa sa pagpaparamdam ko sa'yo. Binibini, lubos akong nagmamahal sa iyo. Maaari ba'ng ako naman ang pakinggan mo? Na sana ay makarating sa'yo ang lahat ng hangad ko? Hangad ko ang iyong kaligayahan. Ngunit hindi ko maipapangako na sa bawat sandali ay naroroon ako para sa iyo. Hindi ko maipapangako na hindi kita sasaktan. Hindi ko maipapangako sa iyo na ang bawat alaala sa aking piling ay magiging espesyal. Sapagkat sa likod ng matatamis na salita ay ang pagkukubli ng masamang hangarin. Hangarin na ika'y saktan. Hangarin na sa bawat pangakong binitawan ay walang matupad. Hangarin na iwanan ka'ng nag-iisa. At hangarin na mag-iiwan sa iyo ng bakas na magdudulot ng iyong pagkahina. Hindi ko man maipangako na hindi ka saktan, Ang aking saloobin sa iyo ay totoo at walang bahid ng kasamaan. Hindi ko man magawang makapunta sa iyong tabi, Nakasisiguro ako na makararating sa'yo ang aking alab na damdamin.
0
Jul 1, 2019
Jul 1, 2019 at 10:02 AM UTC
Binibini.

32
kaligayahan mo'y akin pa ring dalangin, kahit iyon man ay wala sa akin. kung sakali'y ikaw ay luluha, sana'y ikaw ay mapapatahan niya. ang magandang ngiti sa iyong mga labi ay sana'y mamalagi; ang kintab sa iyong mga mata, ay sana'y laging makikita; pagsinta niyo'y sana'y pang habang buhay, at higit pa sa kung anong kaya kong ibigay. kung sakaling umibig ka sa iba, sana'y ang tunay na ikaw ay sapat sa kanya; hangad ko sa inyo'y magagandang bagay, at sana'y bawat araw niyo ay makulay.
0
Aug 17, 2018
Aug 17, 2018 at 10:57 AM UTC
kung sakaling umibig ka sa iba.
Tuwing balikan ko ang nangakaraang araw na nagugol noong kabataan. Wari'y nagbabalik ang diwang malumbay, na minsang dinanas niring abang buhay. Ang bawat nagdaang aking mga araw, doon sa luntiang ating paaralan gunita ay pawang dusa't kapanglawan, ang bumabalot niring balintataw. Subalit ang dusang nakapanghihina, pilit napapawi ng mumunting saya. Ang isang bituing kahali-halina'y naging hugot-lakas niring pusong aba. Hindi ko mawari noon yaring dibdib, tuwing binabaybay ang daang matinik. Anong ubod sayang naglaro sa isip, ang sinintang Musa ng aking pagibig. Simula nang ikaw ay aking mamasdan O! hangad kong tala sa sangkalangitan, hindi ko malirip at di na maparam tila nanggayumang lagi sa isipan. At magbuhat noo'y aking hinahangad; ang sangkalangita'y aking malilipad, upang mahahaplos ang talang pangarap at isang dahilan niring pagsisikap. Subalit ang hangad wari'y panaginip at tila'y malabo itong makakamit. Pagkat ako'y lupa't ikaw'y nasa langit, at kutad ang pakpak at walang pangsungkit. Ang tanging nagawa, sa layo'y pagmasdan. Puso'y inaaliw sa taglay **** kinang, at kung anong siglang sa akin nanahan, ang sanlibong dipa'y lakaring di pagal. Iyon ang gunita't aking kabataan, doon sa mahal kong ating paaralan. Kung pagsaulan ko'y pawang kapusukan, subalit tiyak kong sa puso ay bukal. Sumapit ang yugtong di ko na namasdan ang tanging bituing aking minamahal. Pagkat ay nalayo ako sa tahanan, upang susuungin ang bago kong daan. Ang pakiwari ko'y sa taong nagbago, paghanga'y aayon at ito'y maglaho. Tulad ng magapok ang buhay na bato, kung saan inukit ang puso't ngalan mo. Taon ay nagdaa't panaho'y lumipas, ngunit ang paghanga'y hindi kumukupas. Hindi ko maarok na lalong nagningas, nang muling magtagpo ang ating nilandas. Kaya ninais kong maipapahayag, ang mga damdaming sa puso'y nailimbag. Limang ikot-araw ang mga nagwakas, magpahanggang ngayo'y laging umaalab. Ikaw ang bituing aking hinahangad, isa sa nagtanglaw niring aking landas. Ang Musa sa puso't tanging nililiyag, ang umakay niring diwa na sumulat. At ngayon ay aking naipapabatid, dito sa talatang nagsalasalabid. Mula sa paghanga't tungo sa pagibig, ang hindi maihayag niring dilang umid. Papalarin kaya itong abang lingkod, at mula sa langit ikaw'y pumanaog? Diringgin mo kaya yaring tinitibok ng pusong noon pa'y sa'yo umiirog? At kung yaring akda'y sa'yo walang lasap, ipaguumanhin ang pusong sumulat. Ninanais ko lang na maipahayag, ang aking pagtangi sa'yo at paglingap. At kung kasadlakan nito'y pagkabigo, sa aking paglapit, ikaw ay lalayo. Tanging hinihiling, sa iyong pagtakbo, nawa'y di burahin ang mga yapak mo. ©Raffy Love Canoy |March 2020|
0
May 10, 2020
May 10, 2020 at 7:53 AM UTC
Gunita ng Paghanga

73
Tayo lang naman ang magkasamang umukit ng hugis puso sa mga bituin, magkahawak ang mga kamay habang nagkukuwentuhan ng mga pangarap at hangarin Sana... hindi muna magtapos ang gabing ito Kung magagawa kong banatin at pahabain pa ang oras para lamang mapatagal sa'yong piling Ngunit kinaumagahan na nang ako'y magising... Akap akap ang sarili, mabigat ang damdamin Nagbuntong-hininga't bumulong nalang sa hangin Hindi ko na alam kung ligaya pa ba ang tunay na hangad Bakit ba lagi nalang ganito... Sa panaginip, patuloy mo akong dinadalaw Naniniwala ako sa salitang 'tayo' ngunit heto't nag-iisa na naman ako
0
Nov 12, 2016
Nov 12, 2016 at 8:12 AM UTC
[12] Hanggang dito nalang
Bayani sa bayan meron pa nga ba , tuluyan nga bang nawala o bulag ka lang talaga Nawawala na nga ba ang mga bayani o meron naman masyado lang tayong nagiging utak talangka, Sa bansang to hindi umuunlad , sinisisi ang gobyerno bakit hindi mo sisihin ang kapwa mo Kapwa mo mahal mo ano ka siraulo , dito sa bayan na ito hindi uso ang ganyang pagkatao Mas gugustuhin pa nilang kapwa ko mas angat ako , dahil ang sukatan dito ay estado nang pagkatao, Mahirap ka at walang salapi subukan **** ipaglaban ang karapatan mo , masama ang tingin saiyo Mayaman ka lumaban ka pera pera lang naman ang laban dito tiyak na ikaw ay mananalo Ganito sa bayan ko hindi balanse ang mga tao , kahit nga kumayod ka nang sobra sobra para makamit ang pangarap mo kung ang nasa paligid mo ay hihilahin ka pababa para lang bumalik ka sa simula at maging problemado, Ano sisihin mo lang kapwa mo?sisihin mo din sarili mo maghapon kang nakatunganga sa modernong teknolohiya hindi mo kayang mag reklamo sa ginagawa ng mga **** mo sa paraalan na nakatunganga din dahil hangad mo lang ay masarap na buhay at hindi mo hangad ang matuto sa paaaralang ito. Masyado ka nang nilamon nang sarap hindi mo danas ang hirap , tumingin ka naman sa ginawa nang mga nagpaaral sayo Naghirap sila humanap nang solusyon para lang ipamukha sayo na kahit malayo sila sayo o wala silang oras para sayo handa silang gawin ang mahirap na trabaho at kahit kokonting oras lang ang ibigay nila para makasama mo, makita ka lang masaya at masaksihan ang tagumpay nang buhay mo, yun ang pinakamagandang sukli na ibibigay mo Napaisip ka na ba sa ginagawa mo , palagi ka nalang dada daig mo pa ang telepono na walang sumasagot tunog lang nang tunog,at Galit ka pa , todo dabog kapag di napagbigyan ang gusto mo .Puro nalang tayo ganyan maliit na bagay pinapalaki Bakit di mo tignan mabuti at pagaralan ang iyong sarili ang kapaligiran tama bang magreklamo nang magreklamo kung ang sarili mo nga hindi mo parin maitama , tandaan mo na ang buhay ay parang isang gulong pero minsan nangangamoy din pakiramdaman mo nang mabuti baka sunog na at amoy goma na ang gulong na sinasabi mo , tignan mo din kung yung hangin masyado nang madami ang lumalabas para naman sa susunod hindi ka puro pag aaaklas.
0
Feb 22, 2018
Feb 22, 2018 at 10:39 AM UTC
Hatak,Ihip,Tago,Hanap

22
Mayroong isang awiting nais kong marinig Isang mapagpala at malamyos na tinig Mayroong isang pangarap na nais kong matupad Dito sa puso ko'y isa lang  ang aking hangad Mayroong isang halamang nais kong mahagkan Nag-iisang bulaklak na may angking kariktan Mayroong isang pangakong iaalay ko sa iyo Sa buhay kong ito'y tanging ikaw aking mundo Koro: Paglisan ko'y walang iiwanang luha Paglisan ko'y hindi wakas kundi isang simula Iiwanan kong bakas ay kahapong walang sigla Haharapin ko ang ngayon at ang bukas na masaya Paglisan ko'y hindi wakas, paglisan ko'y pagdating Sa isang buhay na may pangakong lakas, Pag-asa at pag-ibig na wagas Paglisan sa kahapon Pagdating sa 'king magiging bukas Mayroong isang damdaming sinikap itago Pagtahak sa isang landas na di nais mabago Pagyakap sa liwanag, paghalik sa pag-asa Maaari nang ipagsigawan, maari nang magsaya >Koro<
0
Oct 22, 2015
Oct 22, 2015 at 12:32 AM UTC
Paglisan ay Pagdating
Matulog ka hirang / at kata'y tutulak Sa landas ng gabing / humahalimuyak Doo'y tutuparin / ng ating pangarap Lahat ng pagsuyo't / pag-ibig na hanap Kata'y aaliwin / ng mga kundiman At patutulugin / ng hanging mahinay Pag-ibig ang ating / magiging himlayan Sa harap ng tala't / mga bulalakaw Sa landas ng tuwa / kata'y matutulog Lilipas ang hirap / lahat malilimot Lalaya ang diwa't / mga bungang-tulog Sa tulong ng gabing / lipos ng pag-irog Kata'y maglalampong / nang buong hinahon Wala ni sinuman / ang makatututol Huhuni't aawit / ang lahat ng ibon Titigil ang luhang / sa mata'y nanalong Lamang ang hangad ko'y / iyong mamalasin Ang aking pintuhong / hindi magmamaliw Sukat na sa akin / na iyong ibigin At kung ibigin ma'y / umibig ka giliw! Tena at humimbing / sa gabing tahimik Na nilalambungan / ng nunungong langit Mga puso'y sabay / na mananaginip Sa awit ng isang / hele ng pag-ibig
0
Jul 18, 2016
Jul 18, 2016 at 7:20 AM UTC
Hele ng Pag-ibig
Tatlong Bituin at Isang Araw Isang Bandila, Apat na Kulay Dilaw Pula't Bughaw, Puting Dalisay muling nagugunita sa aking balintataw! Nasaan ka na nga ba? tanong namin minsan ni kuya habang sa amin si Bunso iniaabot ang papel na piraso. Nakatupi iyon at aking binuklat nang masilayan ko...katotohana'y sumiwalat. Damdamin ko'y halos gustong sumambulat sumandaling napapikit, sa aking pagmulat agad ko siyang hinagka't niyakap tumulo ang luha, sarili'y hinagilap hanggang matanto sa aking hinagap Bunso kong Anak... Ina'y INAAPUHAP Ang kanyang mga mata'y nangungusap huwag malungkot! ibig kong ipakiusap unti-unti ring matutupad mga pangarap waring singsing...hinugis ng alapaap Kahit walang ulan, posibleng magkabahag-hari Hangga't may pag-asa, lumbay mapapawi balang-araw mommy ninyo siguradong babawi makakapiling din na parang buhawi kasi di tayo gaya dati dapat Apat tulad nitong  Talumpati Kaso ang nailapat ay Labis pagkat panulat ko di Lapis Limang salita sa Bawat Taludturan sa mga saknong sana'y matutunan Kulang man kayo sa Pagmamahal tayo'y Family Three na Literal ako man ay naging Hangal Mga Anak Kayo'y Aking Dangal MAHAL KO KAYO! inyong tandaan pagkat ako'y Haligi ng Tahanan magmula pa sa inyong kamusmosan hanggang Mahalin ang INANG BAYAN !!! Philippines Independence Day June 12, 1898 - 2017 Ang Pamilya ang matibay na Pundasyon ng Lipunan. Lipunan na may Pagkakaisa upang bumuo ng Malayang Gobyerno Gobyernong magpa-HANGGANG NGAYON hangad at Ipinagbubunyi ang Araw ng Kasarinlan! Na siya rin namang Araw ng Kalayaan!
0
Jun 12, 2017
Jun 12, 2017 at 9:20 AM UTC
" dapat Apat "

43
Hindi ko kasi alam kung saan ako lulugar Ako na ba talaga Siya pa rin yata Sabi mo kasi wala na Pero sa iyong bawat salita Nakikita ko siya Nandiyan pa siya Natatakot kasi ako Na mahulog para sayo Mahulog at hindi masalo Dahil yakap yakap mo pa siya Sabi mo kasi napapasaya kita Ngunit laging may lungkot Sa iyong mga mata Namimiss mo lang yata siya Tama ba'ng ituloy pa ito? Baka sa dulo'y wala ring tayo? Baka sa dulo'y ako na lang? Ayoko nang masaktan Hangad ko lang naman Ang iyong kasiyahan Sinusugal ang aking kabuuan Laging nagtatapang-tapangan Pinapairal ang katangahan Sigurado ka ba sa iyong nararamdaman? Kasi hindi ko na alam Kung saan ako lulugar Baka isang araw Sa aking pagmulat Wala ka na at sabay na ulit kayong naglalakbay Ingatan ko daw ang aking puso Pero bakit tila Mas mahalaga sa aking Buuin ang sa iyo Habang unti-unting gumuguho Ang puso ko
0
Feb 24, 2017
Feb 24, 2017 at 8:38 PM UTC
panakip-butas
"Napakaraming tao dito sa atin ngunit bakit tila walang natira" dug dug dug Bubuksan mo ba to o hindi? Pag di mo to binuksan pwersahan kaming papasok! Tatlong katok muli Pagkatapos isang tadyak sa pinto ang gumising sibilyan na natutulog sa kama mag-isa. Pagkapasok agad, Sinaktan, pinuruhan, sinapak at sinikmuraan Tinutukan ng baril, tinakot bago pakunwaring pinatakbo. Sinigurado ang pag-asinta sabay kalabit ng gatilyo. Patay ang hinihinalang druglord sa kanto. Ngunit pagkatapos, walang patunay na nahanap. Isang maling pagpatay nanaman ang naganap. Pagkatapos ng gabing iyon, di lang isa ang namatay. Isang pamilya ang kinunan ng walang kamalay-malay. Kung sino pa ang nasa posisyon iyon pa ang mga kaaway ngayon. Kung sino pa ang nakakangat, siya pa tong namiminsala ngayon. Nasa mataas nang upuan pero hangad pa rin ay pag-angat. Halatadong di napapansin, ay hindi! Halatadong walang pake sa mga taong nasa baba. Pinagmukhang sirko ang mundo, pinapasunod ang bawat tao na parang aso. Inanyaya pa ang lahat ng madla ng parang ganito. "Mga bata, matatanda! Halina kayo panoorin ninyo ang palabas naming inihanda at ipakikilala ko sa inyo ang mga kapwa ko sirkero. Na namamahala sa sirkuhang ito." Palakpak Palakpak, yan ang nais ng sirkero diba pagkatapos ng palabas? Pero lahat ng mga tinuring ninyong hayop ay nakawawa at mistulang mamatay na. Ay hindi patay na, yung iba nama'y ginawa ninyong bulag na tagasunod. At pag wala nang kwenta iiwanan sa daan para damputin ng iilan at buburahin ang mga bakas na naiwan. Mga kamay nakagapos Walang takas Walang lakas Pagkahimlay Walang naiwang bakas. Ang galing maglinis ng krimen, mismong nangakong maglalaan ng pagmamahal ay ang mismo ring sa bansa sumasakal. Oo, sawa na ako sa tunog ng kampana sa tuwing magmimisa dahil may isa nanamang nawala. Rindi ang tenga ko sa paulit-ulit na hiyaw, sa paulit- na hiyaw at sa paulit-ulit na hiyaw ng inang umiiyak sa libing ng nagiisang anak. Kelan pa ba matatapos ang pwersahang pagkitil ng buhay sa pilipinas? Matagal nang nangangakong magbibigay sila ng kapayapaan pero kasabay nito ang paghawak ng baril sa kanilang kanang kamay. Mga kamay nakagapos Walang takas Walang lakas Pagkahimlay Walang naiwang bakas Makabagong istilo ng pagpatay sa Pinas Magpapanggap na tagapagligtas, pagkatalikod mo'y Paalam Pilipinas ang huli **** mabibigkas. "Napakaraming tao dito sa amin ngunit bakit tila walang natira?" Pinapatay sila....
0
Aug 28, 2017
Aug 28, 2017 at 11:32 AM UTC
Makabagong Istilo

46
Huwag ka nang magalala Susubukan kong Itali sa iyong pulso Yaring munting tala 'Wari isang lobo Upang ikaw ay tumahan na Gaano ba kasakit ang iwanan? Paano ba tatakpan ang mga lamat ng puso **** nabasag? Hayaan **** ihele ka ng mga mumunting kuliglig sa parang Sa pagtulog mo Hangad ko rin Mabura ang sakit na iyong dinaranas -Tula V, Margaret Austin Go
0
Nov 20, 2014
Nov 20, 2014 at 7:14 AM UTC
Tula V
hindi kita minahal at sana'y 'wag **** paniwalaang kahit minsan ma'y iniisip pa rin kita; nanaisin pang iwanan ka't limutin ang nakaraan samakatuwid hindi ko gugunitain ang mayroon tayo noon nais ko lamang na lisanin na ang mundo ngayong wala ka na, ako ay liligaya na ng kasintulad ng dati papa'no pa ba kaya mababatid mo'ng lahat ng ito kung sa ngayong nakatago pa ang mga luha sa'yong mga mata ngunit paalam na lang ba ang s'yang bukambibig upang makalimutan ang iyong mga ngiti na hindi ko hangad na mahagkan ka sa t'wina   (ngunit ang totoo, basahin mo mula sa ibaba)
0
Oct 19, 2011
Oct 19, 2011 at 5:44 AM UTC
Pamamaalam
Naglalakad ng palayo ng kita'y nilingon Nais kang hilahin mula sa kahapon Sinabi sa sarili, tama na at tigilan na Ngunit paanong gagawin, mahal pa kita? Anong gayuma ba ang ibinigay sa akin? Sa pagpikit man o paggising, ikaw ang nais mahalin. Bakit mo ako hinila at niyakap? Kung sa huli, ikaw mismo ang iilap? Sa tuwing lalayo, tatakas, iiwas Nandiyan ka, pati ang pag-ibig kong awas-awas Gusto ko ng limutin at tapusin nalang lahat Ngunit ang nais matapos ay ang tangi kong hangad Paano ko ba sasabihing paalam na? At sa aking paglayo. wag na akong tawagin pa... Hayaan mo na akong umusad, mag-isa At huwag **** iparamdam na ako'y mahal pa... Ayoko na, tama na. Sobra na ang sakit Sa tuwing nakikita ka, puso ko'y hinihigit Oo, nangingiti, natutuwa, sumasaya Dahil ang totoo, mahal pa rin kita
0
Dec 13, 2013
Dec 13, 2013 at 2:59 AM UTC
Mahal Pa Rin Kita
Gandang iyong taglay ay naguumapaw, at ang ugali'y napaka. Higit pa sa nakikita ng aking mga mata, Ako nga'y lubos na humahanga. Sa aking panaginip ikaw ay napapasama, Ikaw lamang ang nasa isip, aking sinta. Ako sana ay iyong namang bigyan ng karampot na pansin Sapagkat ikaw ang pinakamahalaga sa akin. Nagiimpok na ng pangarap, tanging hangad ika'y nasa aking paningin, Sa iyong mata ako ay matagal nang nagpapaalipin. 11-12-18 12:14am
0
Nov 11, 2018
Nov 11, 2018 at 11:26 AM UTC
Nag-aabang Sa Iyong Pancit, Pansin.
Kanilang giit, "Kaluluwang kinakain na ng bisyo," "Laman na nagpapabighani sa demoño" Akin lang namang hawak ay sigarilyo Hangad lang naman ay konti niyang epekto. Pagkalma sa problemadong utak, Na sa napakaraming gulo ay naisabak, Isang araw ng aking buhay ang bawas para sa isang piraso, Tanggap ang kalakalan, hirap nang magbago.
0
Nov 16, 2018
Nov 16, 2018 at 11:49 AM UTC
Sigarilyo
Ang panggagaway ay sinukat na plano Nadinig ang umanas na demonyo Marahil di itinadhana Patawarin sana ang kaluluwa na binahiran ng tintang itim Nanawagan sa iba't-ibang uri ng engkanto Sila'y maging alipin Lumagablab ang raya Naupod parang sigaro ang katinuan Walang sumansala sa hangad Lumapit na  ang liyag Tulala habang bumalisbis ang luha Dinukot ang puso niya't nilunok Mamamatay kung hindi maaangkin Ang nag-udyok ay ang nilalaman ng diwa para tumahi ng isang hiraya Sapagkat di maipahayag nang harap harapan kaya ang hinanakit ang naghari sa gitna ng pagsinta Pinalipad gaya ng saranggola Ang guryon ay mahigpit na tinalian Sa kalaunan, napugto ang sinulid Nakalaya sa pagkabigkis
0
Dec 23, 2018
Dec 23, 2018 at 8:43 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #25
Ilang Huwebes at Linggo na ba ang nagdaan? Ang aking mga bestida na nakalagay sa aparador ay laging pinagmamasdan. Sa oras ng alas singko'y tumutunog na ang aking selpon Magiinat at babangon. Sinisikap kong laging makapunta sa kapilya Doon sa tahanan Mo'y laging nadarama Ang pag-ibig mo at pagyakap sa akin sa tuwina Doon sa tahanan Mo'y naidudulog lahat ng aking nadaramang sakit at problema Hindi na po kami makapaghintay Ama Nais na po naming makabalik sa mahal **** Iglesia Kung saan itinuturo sa amin ang iyong totoo at mahahalagang aral at salita Ngunit alam kong darating ang araw, kami'y muling magsasama samang sa Iyo'y sasamba. Nagkaroon man ng isang pandemya Ngunit hindi nito napigil ang aking pananampalataya Narito pa rin at masigla Tunay na maawain at magpamahal Ka. Kahit sa aming sambahayan ay iginagawad pa rin ang pagsamba Sapagkat hangad naming Ika'y bigyan ng papuri at awitan ng kanta. Ang laging panalangin ay 'wag sana kaming kalilimutan, o Mahal kong Ama Kaming Iyong hinirang na sa Iyo'y lubos na nagtitiwala. Nasasabik na ang puso't kaluluwa ko Ang magpunta sa tahanan Mo Sa madaling araw na pagsamba Bumabangon ng maaga at mapapasabing, "Oras na upang maghanda, hinihintay na ako ng Ama."
0
May 15, 2020
May 15, 2020 at 12:30 PM UTC
Sa Tahanan Mo
sa dagliang pangangalawang ng buto dala ng bawat patak ng ulan. ang pinapaling lakas ng hangin palihis sa kurtina ng pag-iisa, itong kamay na palupot ng pagkalugmok, hapung-hapo sa paghabol sa pag-uumaga ng mga sandali. napababalikwas sa tuwing banaag    ang hinaharap. hubad ang bughaw na katawan ng mundo    ang kulay ng karagatan ay pula – dala ng silakbo    ng damdamin; magtatampisaw sa tubig   hihiga at lulutang       kasabay ng tagistis ng alaalang walang ibang hangad                    kundi ang umusad.
0
Mar 10, 2016
Mar 10, 2016 at 3:41 AM UTC
Dagat, Alaala
Isang minuto, kahit isang minuto lang, para matitigan ko pa ang kislap ng iyong mga mata, isang minuto, isang minuto lang, pipilitin ko lang maramdaman ang pintig ng iyong pusong sumigaw ng mahal mo ako, isang minuto, isang minuto pa para tanggaping imposibleng maging tayo. Oo, mahal kita, susulitin ko ang bawat minutong hawak-hawak ko pa ang iyong mga kamay, mahal kita, at patuloy kitang mamahalin hanggang sa maubos man ang tinig o ang ating himig, mahal kita at sana'y minahal mo rin ako. Isang minuto, isang minuto lang bago ako umalis, isang minuto para mahagkan ka muna, isang minuto para masabi sa'yo ang bawat katagang nakaukit sa pinakakasulok ng aking puso, mga katagang nais maipabatid itong nahihikahos na damdamin, mga emosyong mahirap ipaliwanag, at bawat bugso ng gunitang nasa bahaging ang meron lang ay ikaw at ako, pero walang tayo, mga gunitang kahit ilang takipsilim man ang lumipas, di pa rin kayang mabura o kahit man lang matangay ng mga luha. Mahal kita, at patuloy kitang mamahalin, dito sa mundong walang kasiguraduhan, ako'y maghihintay pa rin, isang minuto, isang minuto lang bago ako bumitaw, oo, bibitaw ako, pero di ibig sabihing di na kita mahal, iiwan ko lang ang puso ko, bibitaw ako dahil kahit gaano pa kasakit ang makita kang masaya sa piling ng iba, hangad ko lang ang iyong kaligayahan sa piling niya, lalayo ako para lumaya ka, lalaya ka at lalayo papalapit sa kanya, pero isang minuto lang, oo, isang minuto pa, at pagkatapos nito'y kakalimutan na kita.
0
Mar 1, 2016
Mar 1, 2016 at 6:01 PM UTC
Isang Minuto (Ver. 2)

62
Ang pag ibig ko sayo ay hindi magbabago hanggat andito ako ikaw lang ang mamahalin ng ganito dahil ikaw lang din ang nagiisang babae sa puso ko, Hindi sadyang akalain ang tadhana pinagtagpo sa atin At ang pagkakataong ito ay aking papahalagahan hanggang dulo, Wala ng hangad pa kundi ikaw ay makasama At dahil sayo ikaw ang nagbigay saya at buhay sa puso ko,
0
Jun 5, 2016
Jun 5, 2016 at 4:37 AM UTC
Umiibig