Sa simula't sapol, sa kuwento
lamang ng matatanda,
sa pelikula at mga takilya
doon lamang ako
nag-papaniwala.
Talastas ng isipan,
hindi ito makatotohanan.
Ngunit sa likod
ng aking isipan,
naroon ang munting katanungan.
Totoo nga ba
o sadyang kathang
isip lamang?
Hindi nag-papaniwala,
hanggang sa hindi ito nakikita.
Pagkaka-tanda ko'y minsan
akong humiling at matulin
naman itong dumating.
Hindi makapaniwala,
halos nanlaki aking mga mata,
isang diwata tugon
na mula puso, di mawari,
napalukso ito sa tuwa.
Tila inagaw **** lahat
ng liwanag at sa likuran
mo'y napakalibot.
Dumarating ka mula
sa mga ulap
at pagdaka'y isang binibini,
tumambad at sa akin
ay pumukaw.
Tunay at totoo
pala ang Diwata,
at yun nga ay ikaw!
Diwata ka sa aking paningin,
ano pa ba ang aking hiling?
Minsan ako nangarap
at nanalangin,
sana may enkantadang
handang magpa-angkin.
Nakakatunaw ka sa mata,
pagkat walang kasing
tulad ng iyong Ganda.
Di masambitla, mga salita
ko'y ayaw ngang lumabas
sa kanilang mga lungga,
kaya narito na muna
ang aking tula.
Ano pa't pupurihin
na lamang muna
kitang pansamantala,
ililihim na muna
ang mga kataga at
sa aking mga mata
ko na lamang muna mababasa.
Diwata ka sa aking paningin.
Pananambitam, dalangin
at hiling na sa munti
kong paraiso, sana'y doon
mo piliing manahan,
gawin **** iyong engkantadia
at handang pasakop sa
lahat ng iyong kagustuhan at nasa.
...Handang paalipin
at magsilbi, basta't ikaw
ang siyang laging aking kapiling...."