Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
ESP May 2015
Hindi ako marunong tumula

Hindi ako marunong tumula
Kahit tinuruan ako ng **** ko sa wika
Ng tamang pagsulat
Ng may tamang sukat
Ng may tamang sukat ng salita
Ng may tamang salita

Hindi ako marunong tumula
Dahil iniwasan kong gumawa ng isa
Dahil ayoko ng konbensyunal
Dahil ayoko ng sukat-sukat
Dahil ayoko ng bilang-bilang
Dahil ayokong nahihirapan
Kung paano ko ipapahayag ang sarili ko

Hindi ako marunong tumula
Dahil alam kong ang mga makata lamang
Ang may kakayanang makapagsulat
Silang mga nakapag-aral ng wika
Silang mga matagal nang nagsusulat
Silang walang sawang nagsusulat ng mga salitang
Kasing bango ng mga bulaklak
Kasing tingkad ng langit
Kasing linaw ng mga tubig sa dagat
Kasing sarap ng paglanghap ng sariwang hangin

Hindi ako marunong tumula
Kahit naririnig ko sa radyo
Ang mga kantang binibigkas
Ng mabibilis na mga bibig
Ng mga magagaling na mang-aawit ng tula

Hindi ko inibig ang tumula
Dahil alam ko sa aking sarili
Na marunong lang akong magsulat ng kung anu-anong kwento sa buhay
Mga kwentong binibigyan ko ng buhay
Na akala ko sa isip ko lang maninirahan

Ngunit dumating ang araw
Natulala sa isang bagong kwaderno
Blangkong kwaderno
Ni hindi ko alam
Kung ano ang isusulat
Walang maisip ni isa
Maliban sa isa
Ikaw
Ikaw lang ang laman ng isip ko

Nakapaglakbay patungo sa unang pahina
Ang salitang aking hinahanap
Hanggang sa nagtawag siya ng mga kasama
Ng ka-tropa
Ng ka-barangay
Sunod-sunod silang nagsisidatingan

Ikaw lang ang laman ng isip ko
Ikaw na lagi kong kasa-kasama
Ikaw na lagi kong gustong kasama
Ikaw lang
Pero sunod-sunod ang salitang naisulat ko
At nagulat ang nanlalabong mata ko
Tula na pala ang naisulat ko

At nagsulat ako
Nang nagsulat tungkol sa mga ngiti mo
Tungkol sa kung paano kita nagustuhan
Tungkol sa kung kelan lahat nagsimula lahat ng nararamdaman ko
Tungkol sa kung paano ko nilalabanan 'to
Tungkol sa pagkagusto na akala ko hindi dapat
Dahil magkaiba tayo ng gusto
Nagsulat ako nang nagsulat
Hanggang naisulat ko na pala
Na mahal kita

Hindi ako marunong tumula
Ayaw kong gumawa noon ng tula
Pero dahil sa'yo
Marunong na akong gumawa ng tula

Gumawa ako ng maraming tula
May maikli
May mahaba
May hindi tapos
May walang kwenta lang
Halos lahat ay patungkol sa iyo
Minsan sa buhay ko
Pero sa'yo lang umiikot ang buhay ko
Totoo

Ang sarap palang gumawa ng tula
Akala ko mahirap
Akala ko laging may batayan
Akala ko laging may sukat
Tulad ng itinuro sa akin ng **** ko sa wika
Pero hindi pala
May iba palang paraan
Basta't may emosyon kang nararamdaman
Mahalaga na may emosyon tulad ng
Malungkot kasi hindi kita nakasama
Mahalaga na may emosyon tulad ng
Masaya kahit na tinititigan lang kita nakikita ko na mangiyak-ngiyak ka na sa tawa
Mahalaga na may emosyon tulad ng
Pagkasawi kasi alam kong walang patutunguhan 'tong lahat

Katulad mo ako
Isinusulat mo kung anong nararamdaman mo
Ang nararamdaman **** hindi katulad ng nararamdaman ko
Ikaw na siyang nagmamahal ng taong
Hindi ka gusto
Katulad mo ako na
Nagsusulat ng laman ng puso mo

Kung pwedeng ako na lang na ang tinutukoy mo

Marunong akong gumawa ng tula
Ikaw ang may dahilan ng lahat
Nasabi ko na sa'yo lahat
Hindi pa pala lahat

Marunong akong gumawa ng tula
Pero hirap na hirap ako ngayon
Dahil wala na akong maramdaman
Wala na ang pinanghuhugutan
Wala na yatang dapat paglaanan
Wala na

Habang isinisulat ko ito
Wala akong emosyon
Walang emosyong nararamdaman
Sa'yo
Tapos na ata ako sa'yo
Wala na rin akong masulat para sa'yo
Pero marunong akong magsulat ng tula
Kaya
Maghahanap na lang ulit ako
Ng taong paglalaan ng mga salitang
Hindi makatotohanan sa pangdinig kapag isinambit
Hindi makatototohan habang binabasa ng mga mata
At hindi makatotohanang isinulat ng isang hamak na katulad ko
Maghahanap ako
Ng isang tulad mo

Mahaba-haba na ang aking naisulat
Napatunayan ko na atang marunong akong magsulat


Pero hindi ako marunong tumula.
JOJO C PINCA Dec 2017
Walang sukat ang damdamin at wala rin itong tugma,
Ang wagas na pag-ibig o nagbabagang galit ay walang ritmo,
Lahat ng ito ay dapat na lumaya. Sumabog na tulad sa bulkan
Kung kinakailangan o di kaya ay dumaloy na tulad sa agos ng ilog.
Ganito ang malayang taludturan na aking tinatangkilik, oo alagad ako
Ni Walt Whitman at hindi ko ito ikinakahiya.

Hindi ko kinakailangan na bumilang ng mga araw, lingo at buwan,
Hindi ko kailangan na pagandahin ang mga salitang isusulat ko.
Totoo na gusto ko ring sumikat at makilala ng balana ang maging tanyag
Na tulad ng iba. Subalit wala akong balak na itakwil ang aking tunay na
Saloobin, hindi ko isasakripisyo ang aking nararamdaman para lang
Tanggapin at kilalanin ng iba.

Minsan mala-sutala pero mas madalas ay magaspang na tulad sa sako
Ang mga salitang ginagamit ko. Hindi ako nanunuyo sa halip madalas ako’ng
Nagmumura at nang-uusig. ‘Pagkat yan ang laman ng aking dibdib at hindi
Ko ito ikinakahiya. Malaya ako na tulad sa malayang tauldturan na itinataguyod ko.
Putang-ina ko man kahit hindi ako ma-publish gagawin ko parin ito.

Hindi ko pakikinisin ang magaspang na katotohanan, hindi ko pababanguhin
Ang nangangalingasaw na kaganapan ang isusulat ko ay ang tunay lamang.
Magiging tapat ako sa aking damdamin, hindi ko uulolin ang aking sarili at hindi
Ako mag-iinarte sapagkat hindi naman ako artista. Hindi ito Sunugan o Flip Top ito ang
Tunay na ako na s’yang nagsasalita. Hindi ko kailangan na magpatawa.

Ang tunay na makata ay naglalahad ng katotohanan hindi ng mga salitang
Gustong mapakinggan lamang ng mga taong bumabasa ng kanyang mga tula.
Walang sukat at walang tugma ganito ang tunay na demokrasya. Damdamin ko
Ang magdidikta, ito ang panginoon ng aking panulat.
Stephanie Apr 2019
isinulat ni: Stephanie Dela Cruz

\

isang daang tula.
sabi ko noon ay bibigyan kita ng isang daang tula
mga tulang magiging gabay mo kung sakaling mawala ka man sa akin, o kung ilayo ka man ng ating mga tadhana, o kung paalisin mo na ko sayong tabi,
ngunit pangako, hinding hindi magiging dahilan ang kusa kong pag alis, pangako yan.
itong mga tulang ito ang magiging gabay mo kung sakaling maisip **** ako ang kailangan mo at ako ang gusto **** makasama hanggang dulo
itong mga tulang ito ang magiging resibo mo, magiging ebidensya ito ng kung paano kita minahal ng pagmamahal na hindi mo kailanman naibigay sa akin

isang daang tula.
alam mo bang tula ang una kong minahal kaysa sa iyo
ibinuhos ko lahat ng mga inspirasyon, pag-ibig, luha at pati tulog ko'y isinantabi ko na para sa kanila
dahil ako rin ang mga tulang ito,
alam mo namang isa kong babasaging salamin na paulit ulit na binabasag ng mga taong gustong maglabas ng sama ng loob, ng matinding emosyon, isang salaming kakamustahin kapag gusto nilang ipaalala sa sarili nila na maganda sila at mahalaga at kamahal-mahal at importante...
ako nga ang mga tulang ito, at paulit ulit kong pinaghirapang buuin muli ang aking sarili, ang bawat dinurog na piraso ko'y sinusubukang buuin muli gamit ang hinabing mga tula
itinago ko sa bawat maririkit na salita ang mga lamat na hindi na maaalis pero pipilitin ko...
at sa huli naisip kong hindi ko lang pala gustong sumulat at bumigkas ng tula..
gusto ko rin maging tula ng iba, na mamahalin ako katulad ng pagmamahal na ibinuhos ko sa mga ito

at ayun nga... dumating ka.

ngunit tanong ko pa rin sa aking sarili itong palaisipan...  "naging tula mo ba ko talaga?"


hindi.

dahil hindi ka naman talaga interesado sa mga tula.


alam ko naman kung anong nais mo talaga..

ang gusto mo'y musika.


maganda, masarap sa pandinig, masasabayan mo sa pagsayaw... maipagmamalaki.


hindi naman ako musika... isa lamang akong tula.



isang daang tula.
alam mo bang kung nakakapagsalita lamang ang aking mga sinulat ay sigurado akong magtatampo sila
dahil naisulat na ang tulang bukod tangi sa lahat, tulang pinaka mamahal ko higit sa lahat
ito ay ang bawat tulang isinulat ko para sa iyo..
isa... dalawa... tatlo.. hindi ko na mabilang kung gaano karaming tula na ba ang naisulat ko para sayo
ngunit mas marami ata yung mga tulang isinulat ko nang dahil sayo
at wag kang mabibigla kung sasabihin kong hindi lahat ng iyon ay puro kilig, puro saya, puro tamis ng sandaling kasama kita
dahil sa bawat pagkakataong hindi mo namamalayang sinasaktan mo ako ay sumusulat ako ng tula
may mga pagkakataong ikaw ang dahilan ng mga luhang siyang naging tinta nitong aking pluma na pinangsulat ko ng tula

wag kang mag-aalala, hindi nasasapawan ng kahit anong sakit at pait ang pagmamahal ko sa iyo. :)


isang daang tula.
teka, kailan ba tayo nagsimula?
napakabilis ng panahon, lumilipas na kasing bilis ng pagningning ng mga bituin sa gabi
hindi pa tayo tapos mangarap ngunit tumitigil na... natapos na ang pagkinang.
inaawat na tayo ng kalawakan... o teka... mali pala... dahil ikaw ang umawat sa kalawakan
pinatay mo ang sindi ng pinakamakinang na bituing pinangakuan ko ng wagas na pagmamahal sa'yo habambuhay
wala nang natira.. pati ang mga bulalakaw na nagdadala ng milyong paghiling kong makasama ka hanggang dulo ay wala na, lumisan na
at hindi ko naman inasahan na sasama ka sa kanila
hinihintay kong hawakan **** muli ang aking kamay nang mas mahigpit sa paghawak ko ng kamay mo katulad ng una't pangalawang beses nating pagkikita pero
binitawan mo ako mahal



isang daang tula...












teka muna mahal, hindi ko pa naisusulat ang pang isang daan
bakit ka'y bilis mo namang umalis... hindi mo man lang hinintay na matapos ko ang mga tulang ito na nagpapatunay na minsan may tayo


pero pangako...


tatapusin ko itong isang daang tula at hindi ito magtatapos sa pang isang daan dahil susulat pa ko ng mas marami, susulat ako nang mas marami pa hanggang sa hindi na ikaw ang tinutukoy ng mga salita sa aking tula, hanggang sa hindi na ikaw ang buhay nitong aking pagtula...
ipapaalala ko sa aking sarili na ako ang mga tulang ito at hindi ako magtatapos sa panahong pinili **** umalis kesa basahin ako, pinili **** iwanan ang tunay na nagmamahal sayo, sabi mo iingatan mo ang puso ko ngunit hindi mo ba alam? ikaw ang muling sumira nito kaya't heto... may dahilan nanaman para sumulat ako ng tulang magbubuo ng mga piraso ng aking sarili na dinurog mo... pinili **** saktan ako, pinili **** lumayo para sa sarili mo, pinili **** maghanap ng mas maganda at mas higit sa akin, ang dami dami **** pinili mahal ngunit bakit hindi ako ang isa sa mga pinili mo? ah. alam ko na. dahil nga pala may mas higit pa sa pagpipilian kaya bakit nga ba ako ang pipiliin mo diba?


pero pinapangako ko... isa lamang akong tulang hindi mo pinag-aksayahan ng oras para basahin ngunit balang araw ay magkakaroon din ako ng sukat at tugma, ang mga salita sa aking malayang pagsulat ay tatawaging liriko at kapag ganap na akong maging musika... pangako.... huling pangako ko na ito para sayo kaya't makinig kang mabuti...




mapasabay ka man sa  saliw ng aking musika, kailanma'y hindi na ko ang kanta, liriko, musika, at tulang isinulat para sa iyo.
I miss you so bad but not enough to want you back.
RL Canoy May 2019
Umiibig akong matapat ang puso,
sa iyo, O Sintang pithaya ng mundo.
Dilag na bulaklak sa harding masamyo,
sinuyo’t pinita ng laksang paru-paro.

Tinataglay nila’y mararangyang pakpak,
subalit ang nasa’y tanging halimuyak.
Iba sa bagwis kong luksa ang nagtatak,
sa mata ng iba’y isa lamang hamak.

Ako’y dahop-palad, niring mundo’y aba,
sa utos ng puso, ikaw’y sinasamba.
O! ang saklap naman, umagos ang luha,
pagkat lumilihis ang ating tadhana.

At niring landas ta’y lalong pinaglayo,
nang ikaw’y nabihag ng hari ng mundo.
Buong taglay niya’y di tapat na puso, 
tanging hangad lamang ang kagandahan mo.

Sinta ko ano pa ang aking magawa,
kung sa ngalan ng Diyos kayo’y tinali na?
Daloy ng tadhana’y mababago pa ba’t,
panaho’y balikang ikaw’y malaya pa?

Bihag ka na ngayong walang kalayaan, 
hawak ang mundo mo ng lilong nilalang
Wari'y isang ibong ang lipad may hanggan,
at ang yamang pakpak, dustang tinalian. 

Paano O! Sinta yaring abang buhay?
Ikaw’y tanging pintig nitong pusong malumbay.
Kung ikaw ang buhay ng buhay kong taglay,
Sa iyo mabigo’y sukat ng mamatay.

Subalit nasa kong lumawig sa mundo,
sapagkat buhay pa niring pag-ibig ko.
At ikaw O! Sintang namugad sa puso,
napanagimpan kong pinaghintay ako. 

Sa harap ng hirap na di masawata,
tanging asam ko’y lalaya ka Sinta.
At itong pagtiis ay alay ko Mutya,
mula sa puso kong nagdadaralita.

Maghihintay ako sa pagkakahugnos,
sa tanikala **** higpit na gumapos,
sa kalayaan na lubhang nabusabos,
at mariing dulot, galak na di lubos.

Ang aking paghintay akay ng pag-asa,
lawig ng pag-asa’y kambal ang pagdusa.
At ang dukhang pusong batis ng dalita,
tila pinagyakap ang pag-asa’t luha.

O! aking minahal ako’y maghihintay,
kahit walang hanggang paglubog ng araw.
Magtitiis ako sa gabing mapanglaw,
hanggang sa pagsilang ng bukang liwayway.

Yaong sinag nito’y ganap na tatapos, 
sa dilim na dulot ng dusa’t gipuspos.
Sinag na tutuyo sa luhang umagos, 
niring mga matang namumugtong lubos.

Yaong pamimitak ng mithing umaga,
araw na mabihis ng mga ligaya,
ang buhay kong abang tinigmak ng luha,
mula sa kandungan niring Gabing luksa.

Maghihintay ako sa gitna ng dusa, 
kapiling ang munting kislap ng pag-asa.
Magtitiis kahit sanlibong pagluha,
hanggang sa panahong muli kang lalaya.

Maghihintay akong di hadlang ang pagal, 
kahit ang panaho’y lalakad ng bagal.
Magtitiis ako pagkat isang tunay
itong pag-ibig kong sa puso’y bumukal.

Maghihintay kahit dulong walang hanggan,
na pagdaralita’t mga kapanglawan
Kahit di tiyak kong muling sisilang,
ang bukang liwayway na tanging inasam.

©Raffy Love Canoy |May 2019|
梅香 Jul 2018
ilang buwan na ang lumipas,
ngunit damdamin ko sayo'y di pa kumukupas.
ikaw pa rin pala talaga
ang gusto ng puso kong tanga.

kahit ano pang sukat ng sakit
na sa buhay ko ay sasapit,
ito ay aking titiisin;
kahit hindi mo pa mapansin.

alam kong hindi ko na ito mababago,
kaya ang damdamin ko nalang ay aking itatago;
kung sa iyo parin ay nahuhumaling,
tungkol diyan ay hindi na ako magsisinungaling.

kahit na ako'y iyong pinaasa
at sayo'y walang natamasa,
ㅡ kagustuhan ko sa iyo
ay kailanma'y hindi magbabago.
hindi ko madidiktahan ang puso. ikaw pa rin talaga.
Irah Joyce Dec 2015
Isa
Isang taong nasasaktan
Isang taong umaasa
Isang taong nagbigay tiwala
Sa isang taong kanyang pinaka mamahal
Isang pagiibigan na nabuo sa loob ng isang taon
Isang magandang relasyon
Nasira ng isang sigalot
Isang pangakong bibitiwan
Ng isang pusong umaasa

Dalawa
Dalawang taong pinagtagpo
Dalawang taong nag-ibigan
Dalawang taong nagbigay kulay
Sa buhay ng isa't isa
Dalawang pusong pinag-isa
Dalawang labing nakangiti sa tuwina
Dalawang matang lumuluha
Dahil ang dalawa'y hindi na isa


Tatlo
Tatlong laruan na nagbuo ng pamilya
Tatlong laruang ginawang anak ng dalawa
Tatlong salita na nagbigay ligaya
Sa pusong tatlong taon ng umaasa
Kung may magmamahal pa ba?
Tatlong minuto kapiling ka ay sapat na
Upang mapawi ang lungkot
at mapalitan ng ligaya
Tatlong masasakit na kataga
Ang naghiwalay ng landas ng dalawa


Apat
Apat na buwan ang hinintay
Bago makamtan ang matamis kong 'OO'
Apat, ang bilang ng letra
sa isang salitang tawag mo sa akin
Noong ika-apat na beses na tayo'y nagkasama doon ka nagtapat sa'kin


Lima
Limang buwan tayong isa
Lima, ang sukat ng aking paa
Na lagi **** pinagtatawanan
Lima, ang bilang ng mga daliri ko
Na lagi **** hawak-hawak
Limang minutong yakap
madalas **** ibinibigay


Anim
Anim ang bilang ng letra
ng iyong pangalan
Anim ang dami ng nais **** alagang hayop
Anim ang bilang ng pagpunta ko sa inyo
Higit pa sa anim na beses kong uulitin ito:
Mahal pa rin kita


Pito
Pitong kontenenteng nais nating lakbayin
Pitong araw sa isang linggo
Mga araw na pinasaya mo ako
Pitong bilyong tao sa mundo
Ikaw ang pinili ko


Walo
Walo, isang numerong mahalaga sa'tin
Walo, isang numerong ginagamit
sa tuwing naglalambingan
Walo kapag pinalitan ang huling letra ng 'a'
Wala, parang tanga


Siyam
Siyam ang araw ng kaarawan ko
Siyam ang numero sa likod ng tshirt mo
Siyam katunong ng pangalan
ng matalik kong kaibigan na nasaktan ko ng lubos
Siyam and dami ng taon na bibilangin
bago matupad ang pangarap nating dalawa


Sampu*
Sampung taon mula ngayon
Ipinangako mo sakin ang isang masayang buhay
Sampung taeon mula ngayon haharap tayong dalawa sa altar
Sampung taon, maghihintay ako
Yan ang pangako ko
JOJO C PINCA Nov 2017
“Whatever satisfies the soul is truth”
- Walt Whitman

Sadyang mapaghimagsik ang iyong panulat ‘pagkat nilabag nito ang lahat ng tugma at sukat. Isa kang tunay na rebolusyunaryo sa larangan ng panitikan ng tulaan. Sinalungat mo ang tradisyunal na konsepto ng panulaan. Binigyang laya mo ang galaw ng damdamin upang ganap na kumawala ang tinig ng kaluluwa at sinabi mo na ito nga ang wagas na kahulugan ng tunay na tula. Na ang tunay na tula ay hindi dapat limitahan ng sukat, tugma at ritmo sapagkat ito ang sigaw ng kaluluwa’t damdamin.

Bagama’t hinamak ka nila at inusig noong ikaw ay nabubuhay pa subalit napatunayan mo naman sa lahat na tama ang doktrina mo’t pananaw. Ngayon ikaw ang tinitingala at binabathala ng lahat ng mga makata, ikaw ang itinanghal na ama ng Malayang Taludturan.

Salamat sa Leaves of Grass at Song of Myself kung saan ipinagdiwang mo ang pag-ibig mo sa buhay, kalikasan, kaibigan, pamilya at sa lahat ng mga bagay. Sabi nila bastos daw ang mga tema at paksang iyong tinalakay palibhasa’y nagpakatotoo ka sa iyong sarili at pagsasalarawan ng buhay.

Salamat mahal na **** sa iyong ginintuang pamana sa amin, salamat sa Malayang Taludturan, salamat sa pag-ibig mo sa panuluan. Ikaw na nga talaga ang humalili kina Dante, Homer at Ovido. Mananatili kang buhay sa aming ala-ala mahal na pantas.
Pearly Whites Jul 2012
Ang babaeng maganda,
alam ang kanyang hitsura.
Pasimpleng tumitingin
sa anumang pwedeng magsilbing salamin.
Konting suklay, konting pulbo
sa balat, ilang dampi ng pabango.
Kung umiwas sa araw,
parang bampirang malulusaw.
Walang bakas ng pagod,
kilala lamang ay lugod.
Ang babaeng maganda,
Prinsesa.


Ang babaeng maganda,
walang pinoproblema.
Matayog ang lipad ng utak,
daig pa si Icarus na nagkawatak ang pakpak.
Hindi marunong tumingin sa daan,
bahala ka nang mag-ingat, iwasan, huwag siyang tamaan.
Gumuho man ang mundo,
sa kanya lamang walang epekto.
Dahil sa tulong ng lahat,
naititiyak na hindi siya mamulat.
Ganito ang babaeng maganda,
nagmimistulang tanga.


Ang babaeng maganda,
puro na lang demanda.
Walang labis, lahat kulang,
kailangan laging nakalalamang.
Kung nais magpahuli,
pasensya ang hinihingi.
Kapag nangunguna,
“Pagbigyang daan ang Reyna!”
Ito ang tama, ito ang dapat.
Isinusuko ng lalaki ang lahat,
para sa babaeng maganda.
Walang-hiyang maldita.


Ang babaeng maganda,
bukod-tangi kung umasta.
Bawat kilos, sukat
mapaglihim, walang itinatapat.
Walang kupas ang pag-ngingisi,
sa likod ng maskara, naninisi.
Damdaming kahapon,
‘di maasahang mananaig ngayon.
Kay bilis maglaho ng pag-ibig.
Kahit anong lirikong sawi, idinadaig
ng babaeng maganda,
na hindi marunong magtiwala.


Mahirap magmahal
ng babaeng maganda,
dahil alam niya
ang kanyang halaga.


Mahirap magmahal
ng babaeng maganda,
pagka’t siya’y nag-aakalang
walang ibang tulad niya.


Mahirap magmahal
ng babaeng maganda,
kasi hindi niya alam
kung paanong magmahal ng iba.
because DieingEmbers asked for a translation :) this is a bit literal and it's lost the rhyme scheme... Maybe next time I can properly adapt it to English and make a new post, but for now here goes:


A beautiful woman
is aware of her beauty.
She makes subtle glances
at any reflective surface.
Some combing here, a bit of powder there
and a few dabs of perfume everywhere.
She avoids the sun
like a vampire.
She knows no fatigue,
she is always pleased.
The beautiful woman:
Princess.

A beautiful woman
has no care in the world.
Her mind soars in the high heavens
surpassing Icarus, who built but lost his wings.
She never looks at where she's going,
leaving you the responsibility of avoiding her.
Even when the world tumbles down,
she stands unaffected.
With everyone's help,
she is kept oblivious.
The beautiful woman
pretends to be an idiot.

A beautiful woman
is bursting full of demands.
Nothing is too much, all is too little
everything must be in excess.
If she wants to lag behind,
patience is the key.
When she leads,
"Give way to the Queen!"
This is how it should be.
The man surrenders everything
for the beautiful woman.
Shameless and cruel.

A beatiful woman
behaves strangely.
Every motion seems measured,
secretive, never too revealing.
Her smile never fades,
but behind that mask she blames.
The feelings of yesterday
can't be relied upon today.
Her love is quick to fade.
She's beyond any heartwrenching verse,
because the beautiful woman
never learned how to trust.

It's difficult to love
a beautiful woman,
because she knows
her worth.

It's difficult to love
a beautiful woman,
because she thinks
she's irreplaceable.

It's difficult to love
a beautiful woman,
because she doesn't know
how to love someone else.
Euphrosyne Mar 2020
Asa labas ng inyong bahay ako'y haharana
Lumabas ang iyong angkan ikaw nalamang ang hinihintay halina
Lumabas ka na diyan sa iyong bintana aking dalaga
At pakinggan ng mabuti ang aking aawitin kong kanta
Na naka paloob ang tamang sukat at tugma

Itong pag ibig ayokong masayang at pumanaw
Hindi naman sa nagmamadali at uhaw
Sadyang binigay lang ang simpleng babaeng mamahalin ko sino pa ba iyon kundi ikaw
Kaya't hindi na magpapaligoy pa dahil ayoko ng may kaagaw

Ito na haharanahin na kita na masarap pakinggan
Huwag kang umalis at makinig ka lamang
Pasensya kahit sintunado ako
Ang mahalaga ay payagan ako ng magulang mo at ikaw na maging tayo

Marami na naka silay nagmumuka na akong tanga
Itutuloy ko parin ang pag awit sa isang dalaga
Siya lang naman kasi ang rason ng aking pag gising tuwing umaga

Tatapusin ko ang pag harana
Sa isang napaka marikit na salita
Na tatatak sa utak nila
Na aking sinta, mahal kita.

Bawat sukat at tugma
Ng aking kanta
Ikaw ang aking inspirasyon na pinagmulan ng aking harana
Na siya naman nagtulak sa akin gawan ng tono at musika

Kaya pagdating ko sa dulo ng kanta
Sa aking hinaharana hindi ka mapapahiya
Dahil hindi ko sasayangin ang pagkakataon na magmahal ng katulad mo aking dalaga
Haharanahin kita ng mga tulang sulat ko na may sukat at tugma
Wala ka nang kailangan gawin pa dahil  sapat na sa akin ang sabihin **** allen mahal kita
Jose Remillan Sep 2013
Ang pagpapakahulugan mo sa
kahulugan na animo'y unos ng
kataga, sukat, at tugma, ay

sapat nang saplot sa hubad na

siniphayong talinghaga ng isipan
at libingan. "Namnamin mo ang
damdamin ng Wika," ang wika ng

mangingibig na makata.
For my teacher and inspiration, Dr. ROLANDO A. BERNALES.
Read his works and be inspired: http://www.rabernalesliterature.com/

Quezon City, Philippines
September 30, 2013
Euphrosyne Mar 2020
Mga sulat kong tula
Mga sukat at tugma
Hindi ba tumatak sayo sinta
Mga gawa kong tula?
Na sa iyo lamang ilalathala

Mga maririkit na salita
Mga nagtutugmang salita
Hindi ka ba kinilig aking sinta?
Hindi ba tumatak saiyong isipan mahal kong dalaga?

Mga nakaka kilig na banat
Bakit parang walang tama
Sa iyong isipan at puso na dun naman patungo ng mga salitang pinagisipan ng tamang sukat at tugma

Nakukulangan ka ba
Kailangan bang deretsuhin ko na?
Okaya isigaw ko pa?
Na mahal kita sinta?

Walang halong biro
Dahil nahulog na sayo
Kaya nung iniwasan mo na ako
Parang nasa burol, napakatahimik ko
Para bang nagluluksa ang sarili ko
Nawalan ng ngiti ang labi ko

Umaasa parin na tumatak sayo
Sinta ikaw lamang gagawan ng obrang ganito
Dahil nakakaiba ka sa
ibang mga dalaga mahal ko
Kaya lahat ng itong sukat at tugma
Mga obrang pinagisipan ng mahaba
Kahit ayaw mo na, sayo parin ilalathala.
Nagbabaka sakaling tumatak man lang kahit konti sa iyong isipan at puso mga likha kong para saiyo lamang.
Rey Tidalgo Jul 2016
Matulog ka hirang / at kata'y tutulak
Sa landas ng gabing / humahalimuyak
Doo'y tutuparin / ng ating pangarap
Lahat ng pagsuyo't / pag-ibig na hanap

Kata'y aaliwin / ng mga kundiman
At patutulugin / ng hanging mahinay
Pag-ibig ang ating / magiging himlayan
Sa harap ng tala't / mga bulalakaw

Sa landas ng tuwa / kata'y matutulog
Lilipas ang hirap / lahat malilimot
Lalaya ang diwa't / mga bungang-tulog
Sa tulong ng gabing / lipos ng pag-irog

Kata'y maglalampong / nang buong hinahon
Wala ni sinuman / ang makatututol
Huhuni't aawit / ang lahat ng ibon
Titigil ang luhang / sa mata'y nanalong

Lamang ang hangad ko'y / iyong mamalasin
Ang aking pintuhong / hindi magmamaliw
Sukat na sa akin / na iyong ibigin
At kung ibigin ma'y / umibig ka giliw!

Tena at humimbing / sa gabing tahimik
Na nilalambungan / ng nunungong langit
Mga puso'y sabay / na mananaginip
Sa awit ng isang / hele ng pag-ibig
***
Kata - Tayo
Kundiman - Awit ng Pag-ibig
Bungang-tulog - Panaginip
Lipos - Puspos
Maglalampong - Maglalambing
Nanalong - Matulaing anyo ng bumabalong
Mamalasin - Mamasdan
Pintuho - Pagsuyo
Tena - Tara na
Hele - Awit na pampatulog
VJ BRIONES Dec 2015
Paano sumulat ng magandang tula?
Kailangan bang ito'y may sukat at tugma?
Paano kung hindi makita ng diwa?
Ang tula ba ay ginawa para mabale-wala?
Mga salitang hindi masabi sa iba, kaya sa pagsulat na lang idadaan gamit ang tinta.
Mga gumugulo sa aking isipan, kailangan isulat para mailabas ang aking mga nararamdaman.
Pakiramdam na hindi kayang intindihin ng iba, kaya idadaan na lang sa pagsulat ng tula.
Tula na makakarelate ang iba.
Tula na matatamaan sila
Tula na may simpleng salita,
Tula na babalikbalikan ng iba.
ngunit ako, babalikan mo pa ba?
collab poetry with my friend "RENZ Omana"


"nag post ako ng isang maikling salita sa fb tapos nagcomment siya hanggang nakabuo kami ng isang makatang tula"
Stephanie Jan 2020
Ikaw ang takbuhan sa mga oras na walang wala..

Ang ibig kong sabihin sa walang wala ay yun bang walang wala na kong maibuhos na luha,

Walang wala na kong malapitan,

Walang wala na kong makapitan,

Wala nang gustong makinig,

Wala nang interesado, naubos na kasi ultimo ang para sa sarili.

Ikaw lang ang natatangi.

Ang lakas pala ng loob kong magalit sa mga mang-iiwan, naisip kong wala rin pala akong karapatan.

Ganoon din ako..

Binitawan kita kapalit ng kasiyahan.

Nakangiti ka sa akin habang hinahatid ako sa napakagandang hantungan.

Baligtad na ang mesa.

Nandito na ko.... muli.

Lalakad patungo sa iyo na may dala dalang pluma at papel

Iguguhit ang pait, ngingiti dahil ito na naman tayo sa puntong ito at hindi ko mahanap ang mga tamang salita

Nalimot ko na ata ang tamang pakikipagtalastasan.

Alam kong mauuwi na naman sa tipikal na kamustahan.

Hindi ko inakalang babalik tayo sa nakaraan habang umuusad ang mga kamay ng orasan

Mapagbiro.

Hindi ako handa sa pagsalubong ng taon

Bakit ko nakikita ang mga aninong matagal nang nilamon ng liwanag

Bakit muling nagdurugo ang mga sugat na matagal nang naghilom

Hindi ako naniniwala sa swerte.

Walang swerte. Walang sumugal na hindi natalo.

Buti na lang mayroon akong babalikan.

Ikaw yung kaibigan na hindi lumilisan.

Matagal ang isang taon,

Sumulat ako ng mga tulang kawangis mo

Binuo ko sila na parang mga bahagi ko

Akala ko ay tapos na...

Kung ang pagsulat ay paglaya, hindi ba dapat ay nakakalag na sa akin ang tanikala?

O mali.. baka wala talagang paglaya

Paano kung nililibot ko lamang ang malawak na hawla nang may huwad na pag-asa?

Minasdan ko ang obrang nilikha ng dekada,

Makulay, sa unang tingin ay puno ng pangarap

Parang nobelang nagsasalaysay, at kapag naroon ka na sa kasukdulan ng tunggalian,

Nanaisin **** isara ang pahina..

Makikiusap ang nobela sa isang pagkakataong sana'y siya ay tapusin hanggang huling kabanata...

Napaluha ako ng matindi dahil isa pa lang trahedya ang nobela.

Teka.. teka..

Buburahin ang ilang metapora.

Masyadong madrama.

Malayo sa imaheng gusto kong makita at ipakita

Ngunit tila hindi hawak ng aking kamay ang panulat,

Hinablot nang marahas ng pusong gustong kumawala

Ganon ata talaga sa muling pagkikita pagkatapos ng matagal na pagkakawalay...

Puno ng emosyon.

Magugulo ang burador, wala nang patutunguhan ang tula.

Hindi bale.

Hindi naman dapat na maging maganda ang porma ng tula,

Hindi importante ang sukat at tugma,

Sa susunod na babasa ka ng tula,

Nagbibigay ka ng tunay na pag-asa sa may akda.

Kasinungalingan ang bigkasing masaya ako, ngunit aaminin kong may tuwa, may katiting na pagsigla sa muli nating pagkikita,

Maraming salamat, Sining ng Malayang Pagsulat.
This is my another piece which is written in Filipino. And, it is a free verse poem.
(1:30 AM/ Brownout)

Ang alab Mo’y minsang inalay sa’kin
Syang naging mitsa ng pagkandirit ng himagsikan.

Ako’y nakakapaso
Magbibigay-liwanag sa madilim na kinagisnan,
Sa apat na sulok ng silid-aralan,
Sa lipunang may mabigat na ginagampanan
Tangan ang alab na umalarma sa pagkatao.

Nilisan ko ang liwanag
Kung saan akala ko’y dapat na maging kasanayan.
Ako’y Iyong tinubos
Sa mapanghusgang lipunan
May tatak sa noo, syang bukambibig ng madla
Salamat, nang ako’y maging pag-aari Mo
Nang ako’y pagharian Mo.

Gamitin Mo ako,
Pagkat ang liwanag, ang katuturan
Kailanma’y hindi mapupunan ng anumang salita
Nang sinuman..
Kung ang alab ay hindi Ikaw ang sentro
At kung ang lakas ay hindi mula Sayo.

Sukat ang buhay ko
Bawat luha ko, akala ko’y walang silbi’t walang kwenta
Ngunit iniipon Mo pala ang bawat butil nito
Minsan pala’y nakapapaso rin ito
Isalin **** muli, buohin Mo’t ihulma ang pagkatao.

Sayang..
Kung ang ilaw ay nakakahon
Kung ang sisidlan ko’y hindi ko lilisanin
Kung ang sarili’y hindi kikitilin
Nang magkaroon ng pangalawang buhay.

May ilang gagambala
Mga insektong hindi alam kung saan nagmula
Mamumuhunan sila’t magiging igno sa liwanag
At kung di lalakas ang alab,
Ako pala’y matutupok.

At sa hanging iihip,
Kung wala ang mainit na mga kamay
Na siyang yayakap at hahagkan sa akin
Ako’y maagang mahihimlay,
Mawawalang saysay ang pagkatubos sa akin.

Ngunit ang alab na ito’y
Kitilin man: kusa man at sa walang dahilan
Maari pang mabuhay, sa ikalawang pagkakataon
Sisindihang muli,
Luluha sa hapdi’t kirot ng kahapon
Ngunit ang bukas ay may kasiguraduhan
Na ang tatahakin ay hindi na tulad nang ngayon.

Binibilang na ang oras
Bawat minuto’t segundo
Maaring mapagal at maagang tamlayin,
Kung saan saksi ang kadiliman sa liwanag na taglay.

Ngunit bago maupos,
Ako’y may aabutin
Bawat sulok ay dadampian ng buhay
At magmamarka sa bawat haligi
Na kahit sa dilim, mayroong palang pag-asa.

(5/13/14 @xirlleelang)
Jose Remillan Nov 2013
J.
Pinagtagpo tayo ng magkahiwalay
At magkasikbay na lakbayin at
Pagpapasya. Marahil, sansinukob na nga ang
Unang nagparaya. Itinakda nito ang grabedad

Para tayo’y magsama bilang lumang pangako
At bagong pag-ako  ng pag-ibig, patungo sa layon at
Realedad ng ating mga palad. Hindi ba’t tayo nga
Ay kapwa mapalad? Dahil hindi sa ano mang

Sukat ng tagumpay ng buhay tayo nananahan
At nananalig, kundi sa eternal na doktrina’t utos ng puso,
Yaong ibinubukal ng wagas na pagsuyo, yaong kahit ang
Oras ay mapaparam sa lingid na daigdig ng ating mga bisig.
This poem is dedicated to Dr. ROLANDO BERNALES, "in celebration of the 12th year of love and lifetime friendship" with his "one and only." Congratulations Sir, I wish both of you all the love in this world.

University of the Philippines---Diliman
Quezon City, Philippines
November 19, 2013
JOJO C PINCA Nov 2017
“Yesterday is gone. Tomorrow has not yet come. We have only today. Let us begin.”
― Mother Teresa

May mga panahon sa buhay ko na nasayang, may mga darating pa siguro pero baka hindi ko na maabutan, tanging ang ngayon ang tangan ko sa aking palad. Sisiguraduhin ko na hindi ito masasayang. Gagamitin ko at pagyayamanin ang ngayon ko sapagkat ito lang ang oras na hawak ko. Magsusulat ako ng mga salitang matulain kahit hindi nila ito tanggapin. Kahit ako lang ang tunay na aangkin sa aking simulain. Kahit malalim ang dagat na aking lulusungin kapos man ang bait ito’y aking gagamitin at titimbulanin.

Walang yumayaman sa pagsusulat ng tula at ang buhay ng isang makata sa panukat ng lipunan ay laging salat. Pero wala na akong magagawa napasubo na ako, matagal ko na itong nilimot at tinalikuran subalit para itong isang sumpang anino na laging nakasunod ayaw akong tantanan. Mabuti pa ang nag-uulat sa radyo at telebisyon dahil may nakikinig pero sa sumusulat ng tula bihira lang ang lumilingap. Putang-Ina bakit ba kasi ito pa ang nakahiligan ko?

Siguro dahil dito ako sumasaya, kasi nagagawa kong bigyang tinig ang tahimik kong isipan. Bakit kasi hindi na lang ako naging payak sa lahat ng bagay lalo na sa gawaing pag-iisip? Bakit kasi masyado akong mapagmasid, mausisa at malikhain sa pagsasalarawan ng mga bagay-bagay? Bakit ayaw magpahinga ng aking diwa?

Hindi naman ako magaling sa tugmaan at sa pagkatha ng mga kinakailangang sukat kaya kinalimutan ko na ito. Pero may ulol na bumulong sa akin “ok lang yan may free verse naman e kung hindi mo kaya ipahayag sa tugmaan gamitin mo ang malayang taludturan”. Kaya ito nanaginip na naman ako ng gising at tinatawag ang sarili ko na isang “makabagong makata”. Putang Ina makatang walang pera at laging nangungutang. Buti man lang sana kung makukuha ko kahit ang kalahati ng tagumpay nina Walt Whitman, Amado V. Hernandez, Jose Corazon De Jesus at Francisco Balagtas o kahit na si Emilio Mar Antonio na lang – e tiyak na hindi naman.    

Kanina pa tumatakatak ang tiklado ng aking computer, ayaw ko nang magsulat pero may demonyo na tumutulak sa akin para gawin ito. Ayaw akong patahimikan ng putang-ina. Kaya’t heto ako at nagpupursige parin. Ang makabagong makata ay hindi na muling tatalikod sa tawag ng tulaan. Kahit walang pera magpapatuloy ako kasi dito ako masaya, masaya pero malungkot din. Ewan, madalas hindi ko maintindihan. Hindi ko na muling sasayangin ang natitirang oras ko.
Tocz Laurenio Feb 2020
dilaw na dyaket ang suot mo noon
habang ako ay nananahimik
hindi makaimik
at pinagmamasdan ang bawat sinag ng dapithapon
na sinasala ng kinulayang bintana
kung saan ay sa aking mga mata na ngayon lamang nakakita ng ganda ay biglang napatunganga

dilaw na dyaket ang suot mo noon
at ang unang naitala
sa listahan ng mga napuna ng aking mga mata at biglang napatunganga na nga

nang dahil sa bawat tupi ng manggas
at bawat kusot ng bulsa ng dilaw na dyaket **** naisipang ipakita sa silid ng mga kaluluwa

mga kaluluwang akala ko ay mabibigyan kong buong pansin ngunit heto, napatitig na rin

ako'y napatitig na rin

napatitig sa dilaw na dyaket mo
at hindi ko mawari kung paano
pero ang dilaw na dyaket **** nakabalabal sa iyong kay liit na katawan ay humihila pababa sa iyong mga balikat
nakakibit
hindi man lang kayang mapaakyat ang iyong pagpapakalálo
napapaliit
ang tikas ng iyong pagkatao

hindi ko rin mawari kung paano
pero ang dilaw na dyaket mo ay para bang napabalabal na rin sa akin
at mula noon, ang bawat tupi ng manggas at bawat kusot ng bulsa ng aking puso ay handa nang aminin na ikaw ay naging isang

anghel

ang dilaw na dyaket mo ay naging iyong halo
at ang bawat tupi ng manggas at bawat kusot ng bulsa nito ay naging mga pakpak mo at ikaw ay naging isang

anghel

ika'y naging
anghel sa aking isipan
marikit na imahe sa aking kaloob-looban
munting sigaw sa buong kalawakan
o, munting anghel ko, nais ko na sanang isigaw:
nakikita mo ba?
nakikita mo ba kung paano kita nakikita?
nakikita mo ba kung paano kita sinasamba?
nakikita mo ba kung paano kita sinisinta?

oo, sinisinta, dahil
munting anghel ko, o, mahal kita
mahal kita, o, munting anghel ko

mahal kita
at ang bawat tupi ng manggas at bawat kusot ng bulsa ng iyong pagkatao
mahal kita
at ayaw kong manatili ka lamang sa isipan ko
mahal kita
at nais kong ako ang magpabalabal sa iyong puso
at nais kong ako ay maging iyo

at nais kong mahalin mo rin ako

ngunit, o, munting anghel ko, natakot ako
natakot ako na
kung ilalahad ko ang lahat ng mga ligaw na alaala ko sa iyo
ay huhusgahan mo ako
kung hayaan kong buksan mo ang aking mga pinto
ay matatakot ka nang makita mo ang nilalaman nito
kung ipakita ko sa iyo ang lahat ng mga tupi ng manggas at mga kusot ng bulsa ng aking puso
ay magugulat ka at lilisanin mo ako

kaya heto, ang munting anghel ko ay nanatili sa isipan lamang
ang marikit na imahe ko ay nanirahan sa kaloob-looban lamang

ang munting sigaw ko ay naging bulong lamang
isang bulong na nagsasabing:
o, munting anghel ko, mahal kita,
o, munting anghel ko, pangarap kita,
ngunit, o, munting anghel ko, natatakot akong sa piling mo'y ako'y madulas
at tuluyang mawala ka.

maroon na dyaket ang suot mo kanina
noong ako ay naarawan ng sikat ng umaga
at ng tawa ng ilang mga kahalubilo't kasama
at naroon sa gitna ng aking sariling mga tawa ay nakita kita
ngunit may kasamang iba

at siya'y ika'y inakbayan
at ika'y siya'y nginitian
at ako'y napaisip nang biglaan
kayo ba?
kayo ba?
kayo ba?

napakwento ang kaibigan ko:
alam mo ba,
ganun na nga
sila na
magdadalawang-linggo na.

hindi naman sa nasaktan ako
pero parang ganoon na nga.

hindi naman sa napatigil bigla ang tibok ng puso ko
pero parang ganoon na nga.

hindi naman sa nadurog ako nang mapansin ko na ang sukat ng maroon na dyaket mo ay mas sakto sa iyo at hindi niya nahihila pababa ang iyong buong pagkatao at siguro ito ay dahil siya ang kasama mo at hindi ako kaya para bang siya na ang nakabalabal sa iyong puso at ang bawat tupi ng manggas at bawat kusot ng bulsa ng kaniyang puso ay napaibig na sa iyo—

pero parang ganoon na nga.

ganoon na nga
dahil kayo na nga

kayo na
kayo na
kayo na.

ganoon na nga
dahil siya ang kasama mo

hindi ako
hindi ako
hindi ako.

siguro kung hindi ako natakot

siguro kung hindi ako natakot na ilahad ang lahat ng mga ligaw na alaala ko sa iyo
ay hindi ka na mananatili lamang sa isipan ko

siguro kung hindi ako natakot na hayaang buksan mo ang aking mga pinto
ay mapapabalabal ko na ang iyong puso

siguro kung hindi ako natakot na ipakita ang lahat ng mga tupi ng manggas at mga kusot ng bulsa ng aking puso
ay ako na'y magiging iyo

siguro kung hindi ako natakot na madulas sa piling mo
ay mamahalin mo na rin ako

ngunit ayan na nga, o, munting anghel ko, natakot ako
at ayan na nga, o, munting anghel ko,
lahat ng ito ay hindi ko na nasabi sa iyo
at ayan na nga, o, munting anghel ko,

baka tuluyan nang mawala ang dilaw na dyaket mo sa buhay ko

maroon na dyaket na ang suot mo
ngunit ang dilaw na dyaket mo pa rin ang nakatatak sa isipan ko
at ang bawat tupi ng manggas at bawat kusot ng bulsa ng dilaw na dyaket mo ay nakabalabal pa rin sa aking puso

aking puso na nadurog, at patuloy na nadudurog hanggang ngayon
nang dahil sa dilaw na dyaket na suot mo noon

dahil sa dilaw na dyaket na suot na ng iba ngayon
Filipino translation: "Yellow Jacket". A Filipino spoken word poem.
Kurtlopez Mar 2019
'Kay raming pagpipilian
Subalit ikaw ang napuna.
Maari ka bang maging paksa?
Paksa sa lilikhaing tula.

May sukat man o malaya
Ayos lang basta may tugma
Tugmang di lang sa salita
Kundi maging sa gawa...

Puro na kasi ako simula
Baka lang naman ikaw na
Ang pupuno sa aking tula
Upang nilalaman nito tuluyang magawa.
Hindi man naisin
Ikaw ay nasa isip pa rin
Sinubukang limutin
Damdamin para sayo ay di kayang tiisin

Lahat ng lungkot na sa aking puso'y, iyong iniukit
Nakasulat sa papel, sa dingding doon nakadikit
Mga saloobing puno ng hinanakit
Itatago at kikimkimin, isasabay na lamang sa aking pagpikit

Sabi mo "hindi mo ako iiwan"
Tugon ko "ikaw lang magpakailaman"
Subalit ngayon ako'y nangungulila
Hindi malaman kung bakit laging nakatulala

Sinta, ano ba ang aking nagawa?
Hindi ko sukat akalain, na ang pag ibig natin ay biglang mawawala
Sa aking pag-iisa, susubukang isagawa
Ang paglimot sa ating masasayang ala-ala

icm
Daniel Dec 2017
Gusto ko ng panibagong balat.
Iyong maputi at makinis.
Mala porselana,
Na halos kuminang tuwing masisinagan ng araw.
Kabisado ko ang bilang ng araw,
Na ginugugol sa ilalim ng araw kakabanat.

Ngunit,
Ang panibagong balat,
Hindi nito ako kayang protektahan, alam ko.
Lilimitahan lamang nito ang mga nalalaman ko.
Ngunit,
Sa panibagong balat, nais ko magsimula.
Kilalanin at kalimutan ng halos magkasabay,
Ang imahe ng nakakadiri kong balat.

Bilang ang peklat.
Sukat ko kung gaano kalalim ito,
Noong sugat pa lamang.
Kaya ko gusto ng bagong balat para pagtakpan ito.
Baka sakaling iwasto ng bago kong balat,
Ang mga naimali ko.

Makikilala kaya ako ng ibang tao,
Sa bagong balat na suot ko?

Marahil hindi,
sana hindi,
panigurado hindi.

Nais kong magtago,
Sa paraan kung paano ako lulutang ng hubo't hubad.
Nang hindi ko na itatakip,
Ang aking palad sa aking dibdib,
Dahon sa ibaba ng puson.

Isisigaw ko ang salitang "PUTA!" ng napakalakas,
Halos magsisilabas
Ang mga putang mismong makakarinig,
At yayakapin ko sila.

Dahil bago ang balat ko, ito'y mainit.
Kumpara sa nahamugan kong balat kagabi.
Malinis,
Kumpara sa balat kong may dampi ng mabahong laway.
Mabango,
Kumpara sa mumurahing aficionado na nahaluan
Ng pawis ni Ricardo kagabi.

Bagong balat.
Ibebenta ko ang luma kong balat,
Sa gabing ito.
Bilhin mo ang aking balat.

May panibago bukas,
Pag-asa, hamon,
Mantikilya sa loob ng pandesal.

Gamit ang luma kong balat,
Makakabili pa ba ako ng bago?

Magkaiba ang bagong uri sa bagong palit.
Ang balat ko, nalaspag na.
Tulad ng puti kong damit,
Hindi na ito puti.

Marumi ang titig ko.
Marumihin ang aking naisuot.
Ang balat ko ay puno ng mantsa,
Ngunit bago ang aking suot ngayon, bagamat,
Iisa parin ng uri.

Balat na nakalaan para ulitin ang pagrumi at
Yurak sa puti kong suot.
Bagong balat, kulay puti.
Wala na akong maisuot.

Hubad na ang aking puri.
Hindi ko masuot ang salapi.
Magkano pera mo? Tara?
Nais mo bang makita ang aking balat?
Itong tulang ito ay patungkol sa prostitusyon. / This poem tackles prostitution.
102516 #Manila

Ililiyad ko ang mga kamay
Pakanan at pakaliwa
At hindi ako mapapagod,
Hindi ako mangangalay.

Tangan ko ang sari't saring mga bagahe
Iba't iba ang sukat
Batay sa kapasidad ng bawat isa.
Pero sila rin ang pumili;
Kailanman, di ko sila diniktahan.
May ibang kaya nila, may ibang hindi
May ibang nang-iiwan,
Ikaw na raw ang bumitbit.

Lilipad ako, higit pa sa agila
Lilipad ako pero hindi ako kakampay.
May engkwentro sa ere,
May digmaan sa himpapawid.

At hindi ako paiihip
Kahit pa taliwas ang hangin.
Ako'y tutuloy lang --
Makalalapag din ako,
Kaya't hintayin mo sana.
Dilaw na trayanggulang babala
Ilang hugis lobo na sayad sa lupa
Parisukat na alaga'y basong nag-iisa
Naghihintay sa ekstrangherong sasaling muli
Nang ang dati'y maitapon
Ang bago'y maidampi na sa uhaw na lalamunan.

Naglaho sila't nagsipangwala
Ang lupa'y hati sa sukat na pantay
Nilamon ang mainit na hangin,
Umihip ang taglamig na hindi nyebe
Bumulong sa akin, ngunit walang pahiwatig.

Tila namamasyal ang telang marumi
Pupuswit ang tubig mula sa bibig
Ipon nya'y kayrami,
Bukas sana'y maubos na ang mga ito
Nang ang dungis ay pahiran din ng malinis na likido.

Parehas ang kulay ng tumawid sa linyang puti
Higit sa isa ang bawas na sinyales
Akala ko'y kilala ko, ngunit naglaho sa usok
Ang apat na bilog na itim,
Gumulong at rumolyo sa aspaltong pulbura.

Itong may pula ang sutla
Itim ang tangan na may kasama pa
Bumungad at inihaing may lista
Ngayon pala'y may salamin sa harap
Malayo ang hugis at ang porma
Hindi ko na binalingan ng pansin
Ngayo'y laos na ang bawat eksena.

(6/3/2014 @xirlleelang)
Sa tulang lalagyan ko ng sukat at tugma
Sa bagong kabanata ng buhay na ilalathala
Sa bagong librong babasahin at maaring isantabi ng iba
Hayaan sanang ang tulang ito ang mag kuwento
Kung paano ang ikaw at ako ay magkakaroon ng bago at unang pahina

Maaring tawanan at magduda
Dahil ang babaeng nag sulat nitong tula
Ay nasaktan na
Hayaang ihayag kahit bahagya
Na ang salitang minahal at mahal kita
Ay hindi salita ng isang bata
Ngunit ipinapahayag sayo ginoo ng isang dalaga

Sa bagong kuwento na sisimulan niya
Humiling sa tala na ito na ang huling pahina
Gusto na niyang tuldukan ang mga tauhan sa bawat kabanata
Dahil ikaw na ang pinili sa huling librong susulatin niya
Kaya ginoo, mahalin mo sana siya
Kahit isa siyang prinsesang sinubok ng panahon at tadhana

Sa Pag agos ng alon
Hayaan **** sumabay ka sa indayog
Dahil sa ginoong nag babasa ng tulang isinulat ko gamit ang buong puso
Mamahalin kita nasa bangka ka man o naka lubog sa tubig ng panahon
Isang metapora na ang ibigsabihin ay
“Nasa baba ka man o taas mamahalin ka at hindi iiwan kahit kalaban ko man ang malupit na tadhana at panahon”


-kabanata
JOJO C PINCA Nov 2017
“Real generosity towards the future lies in giving all to the present.”
― Albert Camus

Kung gusto may paraan, kung ayaw laging may dahilan. Pero may mga taong sadyang mahina kaya’t nahihirapan makahabol. May mga naghahabol naman na hindi talaga umaabot. Kahit anong gawin walang nasasambot, parang bunga na laging bubot at mukhang hindi na mahihinog. Hindi mo kailangan na maging alipin ng sistema kung ito ay iyong isinusuka. Kumawala ka at maging palaboy kung kinakailangan. Ibinabaon ka ng mga sama ng loob at ng matinding awa sa sarili. Hindi dapat maging ganito ang buhay.

Dalawang taon nang pagtitiis, dalawang taon na puro hinagpis at dalawang taon na panay tanggap ng mga galit at paninisi. Tama na, ito na ang panahon para wakasan ang lahat. Sapat na ang mga pagpapakumbaba at pagsasawalang kibo. Hindi ka aso, tao ka tandaan mo yan. ‘Hwag mo’ng ipilit kung hindi naman talaga sukat dahil kahit anong pilit hindi ito babakat. Maging karapt-dapat ka sa paggalang na dapat ibigay mo sa’yong sarili. Tama lang yan magpahinga kana.

Ang mundo ay de-kahon hindi kapa isinisilang ganito na ito, wala ka nang magagawa para baguhin ito. Pero ‘pwede kang kumawala, maging rebelde at lagalag. Oo, maghimagsik ka laban sa mapang-dusta na sistemang umiiral. Patunayan sa kanila na kaya mo’ng mabuhay sa labas ng sapot na bumabalot. Hindi ka balut kundi tao kaya hindi ka dapat na matakot kahit naglipana pa ang mga salot. Hindi ka dapat na lumuhod at magmaka-awa sa mga taong umaastang panginoon.

May mga nag-di-diyos-diyosan na mga kupal na nasa lipunan na ang paboritong tapakan ay ang mga mahihina at hampas-lupa na tulad mo; mga putang-ina sila na walang alam gawin kundi ang mang-api ng mga taong kapos sa dunong at pinag-aralan. Ganito ang sistema ng lipunan, ganito kabaho ang mundo na pinatatakbo nang mga walanghiyang tao na kung umasta ay aakalain mo’ng mga kagalang-galang. Mga hindot sila na walang pakundangan sa damdamin ng iba maitanghal lamang nila ang huwad na kadakilaan ng kanilang nabubulok na mga sarili.

Tama lang ang ginawa mo, tama lang na kumalas ka sa naaagnas na sistema na nagkukubli sa loob ng mga magagarang opisina. Tama yan, itakwil mo ang mga panlalait na pinakikinis nang mga salitang Inglis na inilalagay sa mga dokumento. Panahon na para maging totoo ka sa iyong sariling damdamin at pagkatao. Binabati kita dahil sa wakas nagpasya ka ng may katapangan – sana noon mo pa ito ginawa. Ako na ang sasalo sa natitira mo’ng kalat, ako na ang haharap sa mga halimaw na iyong tinakasan.
Para kay Rey
Taltoy Sep 2017
Pareho bawat linya,
Tugma't sukat, iisa,
Ngunit aki'y naiba,
Sa linya, tugma'y wala.
Random Guy Oct 2019
"hello, kamusta?"
kataga na kay tagal kong hinintay
kung hula mo'y ilang buwan
sablay
dahil taon ang hinintay ko
upang makita sa loob ng kompyuter ko
ang mga katagang "hello, kamusta?"
at kung sa mas eksaktong sukat
ay walong taon
halos ka-edad ng batang marunong ng sumagot sa magulang
may sariling aksyon at pagiisip
at kung iisipin
hindi sana tayo ganito
kung sumagot tayo sa magulang natin dati
o kung may karapatan na tayo dati
kung mas inuna natin ang aksyon na gusto
kaysa sa aksyon na mas nararapat
sabagay
hindi rin naman dapat sila sisihin
dahil bata pa tayo noon
mas bata tayo noon ng pitong taon
ngayon
sa 'yong "hello, kamusta?"
ay natigilan ako
kaya ka ba nagpaparamdam
ay dahil kaya mo ng tumayo
salungat sa gusto ng iba
patungo sa mas gugustuhin mo
o isa ulit itong pagsawsaw
ng iyong paa sa rumaragasang damdamin ko
kagaya ng ginawa mo
pitong taon nang nakalipas
nilubog ng kaunti ang iyong damdamin
para lamang malaman
na hindi lahat ng gusto mo ay pwede mo nang kunin
at agad agad **** hinugot ang iyong pagtingin
na para bang hindi din ako sumawsaw
nagpaanod
nalunod
sa sakit ng rumaragasang tadhana
na noo'y inakalang
kayang suungin
para lamang malaman ko na hindi ka pa pala handa
ngayon
sa 'yong "hello, kamusta?"
isa ba itong tanda
na handa ka na
na kaya mo na
panindigan
ipaglaban
magpaanod
malunod
sumuong
ano
mas masakit di 'ba
na malamang mayroon na akong iba
"hello, kamusta?"
072921

Nag-uumapaw –
Nag-uumapaw ang Iyong pag-ibig at pagkalinga
Sa pagsilang ng araw.

Ang Iyong mga yakap na hinahagis ng hangin
At dumadampi sa aking balat,
Ay maigting na pagtapik sa aking kaluluwa.

Di ko masukat kung gaano kalawak ang karagatan
At ako'y nabihag; ako'y nabighani Sa'yong kagandahan –
Kagandahang mismong ang Iyong mga nilikha
Sa kanila ko nasisilayan
Sa kanila ko nararamdaman
Ang pag-ibig na sinasabi **** walang katulad,
Walang pamagat, walang sukat.
At walang kung anumang lalim.

Sa'yong pag-ibig, hayaan **** matuklasan ko
Hayaan **** masilayan ko
Ang nais sambitin
Sa mga pahina na nakasulat –
Iyong Isinulat noong nakalipas pa.

Sa bawat paglagas ng mga dahon
Para itong bumubuhos sa'king mga paa
At sa tuwing ako'y titingala'y
Gusto kong saluhin ang lahat nang paisa-isa
Saluhin lahat ng mga biyaya
Ng bawat pag-ibig
Ang bawat pagkalinga Mo
Na hindi ko malaman kung saan nanggagaling.

At hindi ko matansya
Kung bakit hindi nauubos ang Iyong pag-ibig.
Pero salamat, salamat Panginoon
Salamat sa walang hanggan –
Sa walang hanggan dahil sa pag-ibig Mo,
Inialay Mo ang Iyong anak na si Hesus.

Hesus na syang lunas ng anuman –
Anumang sakit, anumang delubyo,
Anumang pagkukunwari, anumang pag-aalala
Anumang walang pagtitiwala..
Anumang poot at sakit na nararamdaman,
Nananatili man yan sa puso o sa isipan
O yung mga taong nakasakit sa'yo
Mga taong nasaktan mo.

Dahil sa nag-iisang Pangalan,
Kaya nitong tupukin ang lahat
Kaya nitong bawiin ang lahat ng nawala sayo.
At dahan-dahan,
Dahan-dahan kang ngingiti
Hindi lamang ang Iyong mga labi
Kundi ang puso mo
Na ang hantungan ay doon sa kalangitan –
Sa kalingatan kung saan sa trono
Ang trono ng Liwanag ay patuloy na kikinang
Patuloy na mamumutawi ang kagandahan
At sabay-sabay nating masisilayan
Ang pagbabalik ng hinihintay ng lahat.

Salamat at patuloy tayong maghihintay
Patuloy na iibig
Patuloy na mananampalataya..
Patuloy lang, patuloy lang..
Stum Casia Aug 2015
Sana pwede akong patulugin at paganahing kumain ng inyong mga at least.
At least hindi sila naparis sa mga nawala na lang sukat.
At least di sila nakitang palutang lutang sa ilalim ng Jones Bridge.
At least hindi ko na kailangang halughugin ang mga gusgusing morgue

makita lang sila.

At least buhay sila-

nakakulong nga lang,
may kaunting pasa sa tadyang.

Sa totoo lang,

nakakabingi ang inyong mga at least.
Wala itong silbi sa akin sa kasalukuyan.

Parang gabundok na labahing poproblemahin.
Parang lukot na polo na makikita ko sa salamin.

Parang masikip na brief at basang medyas.

It *****.

Hinuhubad nito lahat ng panatag na larawan sa aking isip.
Ginugulo nito ang relasyon ng subject at predicate sa aking mga pangungusap.

It really *****.

Bakit naman kaya ako makukuntentong-
at least buhay sila?

Eh, sa ganitong bansang
ang mga namumuno’y tila 3 for 50 na DVDng ibenebenta sa Raon-

sino ba dapat ang nakakulong?
Jazz Magday Nov 2018
sinampal ng reyalidad
'di tayo magka-edad
eh ano naman?
sambit ng rebelde
basta 'wag ka ng manangis
sayang ang agos ng ilog
may pag gagamitan ka nyan
ako'y malapit na

pagmasdan, mas lumilinaw
ang 'di sukat akalain
unti-unting niyayapos ng panalangin
na minsan magiging akin
at tatawagin, sasabihin
na itong 'di maipaliwanag
natuklasan magyabang
akin, tayo, sabay aaminin

marahil marami nga sila
makitid na lansangan
tila mga pang-unawa
nakahilera ang bawat tanong
kasabay ay pagbugso ng ninanais
huwag mag alala
dalawa ang pag-ibig
nakahain at naghihintay sa'yo

kahit anong talinghaga
sa ating paliwanag,
tayo pa rin ang sampid
gayong pahirapan
ang pinagdaraanan,
magkaiba pa rin ang batid
ganito kapayak ang pag-ibig ko
mahigpit na yapusan; araw araw
simple at dalisay
matagal namamatay

kaya kahit nakakakapos hininga
masaya na ako at naaninag ka
Tagalog
Angel Dec 2021
Ang aking unang pag-ibig ay tila ba perpekto,
Tila ba ito'y hindi magwawakas hanggang dulo.
Ngunit sa isang iglap ito'y nagbago,
Dating masayang relasyon biglang naglaho.

Nagsimula sa isang bagay na hindi napagkasunduan,
Hanggang sa dumami't hindi na mabilang,
Naghanap ng ibang tao na pwedeng mapaghingahan,
Panandaliang sarap sa iba'y kanya ring tinikman.

Kaliwa't kanan na sumbatan,
Mga pagkakamaling paulit-ulit binabalikan,
Mga salitang masakit na hindi na malimitahan,
Tila ba kami'y estranghero at walang pinagsamahan.

Ako nga ba? Ako nga ba ang dahilan tulad ng iyong tinuran?
Hindi ba't ikaw itong nangloko at ako'y pinagtaksilan?
Masaya ka ba sa iyong ginawang kasalanan?
Habang ako'y nandito at patuloy na nasasaktan.

Saksi ang lahat kung paano kita minahal,
Ipinagmalaki at ipinaglaban sa pamilya kahit sila'y hadlang.
Hindi sukat akalain na ito'y hindi magtatagal,
Relasyon na aking iningatan, ngayon ay isang kwento na lamang.
Euphrosyne Feb 2020
Sa bawat sukat at tugma
Sa bawat tula kong hindi tumugma
Ang tayo'y hindi dapat itinadhana
Ngunit tayoy pinagtapo ni tadhana

Sa bawat oras na naiisip ka
Sa bawat paglinap ng tula
Na sayo lang naman ilalathala
Na ikaw lang laging laman ng mga masasayang tula

Sinta sana makuha mo lahat ng obra
Dahil walang ibang nanaising  pagbigyan nitong nilikha
Kundi ikaw lang at wala ng iba
alam kong huli na
Ngunit ipaglalaban parin kita

Sa mundong napupuno ng kalokohan
Pupunuin naten ng pagmamahalan
Piliin mo ako at papakita ko sayo
Kung ano ang ibig sabihin ng pagiibigan

Lubos akong nagpapasalamat
Sobrang maraming salamat
Kahit kay tadhana
Dahil nakilala ko ang isang uri ng dalagang katulad mo
Walang kupas
Walang kulang
Walang arte
Kaya nung nahulog saiyo
Wala akong laban sayo
Hinayaan nalang mahulog sayo
Dahil una palang ikaw na ang gusto.

Itong mga tula
Nagpapakita
Nagpapatunay na mahal kita
Salamat sinta, mahal kita.
Kilala mo na sarili mo o kailangan ko pang sabihin dito? Sige na para sayo to diane wala nang iba.
Manunula T Feb 2018
Hayaan **** alayan kita ng taludtod,
Ngunit di ko na pag iisipan ang tugma,
Pagod na din ako magbilang ng pantig
At di na ako susunod sa nais **** sukat
Sapagkat isa na tayong "tulang malaya"
JOJO C PINCA Nov 2017
Tulad sa Malayang Taludturan
walang patakaran ang tunay
na pagsinta, walang sukat at
madalas wala rin itong tugma.

Walang protocol sa pag-ibig,
walang arrival at departure ceremony,
hindi rin kailangan na maglatag ng Red
Carpet o kaya ay patunogin ang mga trumpeta.

Kumbaga sa Mortal Combat
no-holds-bar ang tunay na pag-ibig;
walang-awatan, walang time out,
lahat pweding gamitin. Titigil lang
ang labanan kapag sumuko na ang isa.

Walang rules sa tunay na pag-ibig
kasi hindi tulad ng basketball na may foul
at substitution. Ang totoong nagmamahal
tinatanggap ang mabuti't masama sa kanyang
minamahal.
Pain-A-Full Nov 2018
Ang tema sa tulang ito ay nagsisimula sa ikaw at ako

Para saan pa ang memorya nating dalawa kung kakalimutan din naman kita

Para saan pa ang libong lakad kung hindi naman ikaw ang kasama

Para saan  pa ang kantang ginawa kung ang tugtog kong ikaw ay wala

Para saan pa ang letrang isinulat kung pangalan mo'y di maibigkas

Sa tatlong daang animnapu't limang araw  na nakilala ka, asan ka na?

Para tayong pares ng tsinelas, isang sukat, isang kulay

Pero para saan pa kung kapares ko'y di ko na makita

Magagamit pa ba?

Para saan pa ang isinulat kung ang  tema nito ay wala na?

Sa bawat letra sa tula ay ilang beses akong nagmakaawa

Sana bumalik ka

Pero ang tanging sagot ay

Para saan pa?

(Ngayon ang tema sa tulang ito ay di  tungkol  satin o sayo kundi sa nag iisang ako.)
solEmn oaSis Nov 2023
.......Nang
umamen
Marunong ,
Hindi lang ikaw
Tumalima
kasi nga....
Ikaw lamang
ang dehado,
sa madumi
obligado,
Pihadong
kakapit ka
muli at tiyak
nga babalik ka.
ayy puta tang-ina
Ang bawat pahina
Kahit pa maibenta
Ikaw Ang Kwento na
Wala ka mang Kwenta
Para ka na lang sa akin
kahit pa sa loob ko ay
labag pahalagahan
walang iba na
yaman,
kundi
Binabagtas
nag-iisang lawa
sa Sagwan at Bangka
Yaring Ako ay Panimpla
Ganyan ka ba talaga
Waring mala-mapa
rumehistro na
sa wankata
na di mo pa
mahahalata
Batid ang maha-
hatid pa Lalo
kapag ito
ay hina-
yaan
maging
kuwintas
na bi🌟uin
OO !
Hindi nga Siya.

Pero mali naman na sabihing

Tama ka !

Bagay na bagay na talaga kami sa isa't isa.

Gaya baga ng mga kaibigan ko sa kanilang salita...

" kahit Wala Naman Siya

Mabubuhay pa din Ako Nang Wala na Ngang Patumangga ! "

Sabi sa mapag-imbot na tibok ng puso kong hugis-mangga !

Siya na nga daw
Ang naturang

Pag-ibig Ng aking Buhay
at Giliw na hinirang

Subalit sa aking magiting na Diwa

na tanging saad ay hayag na hidwa

Hula sa Amin ay Laho

kahit na humadlang pa ang Tadhana...

Halo sa aking nangingilid at napupuwing kong

pananaw sa pigil na pigil Kong

Luha na may umaapaw na paniniwalang

Siya pa mismo ang nagpahayag ,

na di kami patuloy na MagLalayag !

Alam ko naman

Kahit di na kami tatagal sa 'ming pagsasama ,,,

Sinasabi ko lagi sa aking loob

Ang pabulong na ...

mahaL kitA !

" o o t o t o o "

Wala na ngang PatLang
na diringgin mo ,,,
lamang na ika'y hibang
Sa Binabasa mo ...

" atiK lahaM "

Mga sambit Kataga Bali-baliktarin man,

sa larangan ng Agos Ng Kabalintunaan,

Itong aking pinaglalaban

tunay at mananatili

alaala na Lamang ,,,

sa radar ang pawang

sukat sabihin ko hanggang

sa aking Pagsigaw.... !!!!
Siya ay Ikaw !

Pagtatapat kong muli

Mahal Ko Siya !

Minsan pa...

ay huwag mo na lang muna

Tangkain pa ang Pagbabasa

Buhat pa dun sa pinakababa na kinakatok sa Tinanikala
Patungo sa nakakalula na pagtutok Don sa tinitingala

Try to start reading verses from the bottom of a Loving heart ,
All the way into up above until you reaches in top of a hurty part !

magmula pa sa salin-wika

Binabaybay at binibigKas
Tila Binalatang sinKamas

Pagkat nawala sa itaas,
ang hinahanap ko po na Titulo...
Panustos ko pinapatas,
taimtim ang inaalyas sa Liriko...

Wala na ngang PatLang
na diringgin mo ,,,

habang Ikaw ay Libang
Sa Binabasa mo ...

" o o t o t o o "
Di bale na di
maging top
Ang bottom...
Balang-
Araw
naman
alaala
na...
nasa bayabasan
way back in
02 02 2020
ay uusbong muli
gaya Ng...
kung saan at
Paano ko
tinanim
Ang puno
sa di ko
naman bakuran !
At Ang Ngayon
na tinengga
Ng kahapon
sa mahabang
pana-panahon
Hayaan ****
Bantayan ko
ang iyong Palayan
kahit na gaano pa
matuyot ang sanga
o maging mga
hulog na bunga,
bibig ko at panga
laging handa nga
sa pag-nganga !

motto: bot ***
bottom to top
Reven Denim
is what i have
for my next
poem not
so reverse I
Exclamation Point
I mean...

Outcome
Acknowledgement
to you Madam
Arianna Bagley
nobody Apr 2021
Nag
Nag

Nagpaparamdam
Nagpapadama
Nagpapaalala

Nagpapadala
Ang damdamin
Sa mga parirala

Bagamat
Walang sukat
Ito ang inaakala

Mga salitang
Walang tugma
Pero ikaliligaya

Nalilito
Nagtataka
Nagtatanong

Pilit iniintindi
Ang bawat
Bulong

Hinuhukay ang
Anumang natitirang
Nakalubong

Madumi at pilit
pipigilan ito sa
pag-usbong

Nakita na
Nakita ko na

Kailan ba naging malinaw
ang mali na.

— The End —