Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
HAN Oct 2017
"Mahal na mahal kita" yan  ang sabi mo ng minsang yakap mo ako.
Ako'y ngingiti ng malaki higit pa sa buwang naka ukit sa gabi.
Pero bat ganito ang nararamdaman ko?
May halong takot at pangamba.
Oo mahal kita, mahal na makal kita.
Ang kinakatakot ko ay ako ay masaya,
ngunit baka ako'y iwan mo rin at hayaang lumuha mag-isa.

Natatakot ako na tuwing tinititigan kita
na bukas ay wala ka na
o baka, baka may mahal ka ng iba.
Natatakot ako.
Bakit ganito? Pagmamahal na napalitan ng pangamba.
Pagmamahal na napalitan ng luha galing sa aking mga mata.
na sa tuwing yakap kita, ako'y nangangamba.
Ayoko na...
Gusto kitang yakapin at sabihing---
"Mahal wag mo akong iwan"
Ngunit sasabihin mo
"Mahal, ano nanaman ba yan?"

Akala mo biro-biruan lang
ang pag sabi ko nyan,
pero isang matinik na takot ang nararamdaman.
Na sa tuwing aalis ka baka hindi na bumalik pa.
Na sa tuwing hindi mo pag-yakap sa akin sa gabi
ako'y nag-aalala sa lipi.
Na sa tuwing paghalik mo sa aking labi
baka... baka unti-unti mo nang nararamdaman ang pighati.

Mahal, pasensya na
kung ganito ang aking nadarama
sa pang araw araw na kasama ka.
Mahal hindi ko rin alam kung bat ganto ang nadarama.
Kaya siguro... ika'y pinapalaya ko na.
Mahal na mahal kita...
Na kaya kitang palayain at ika'y maging masaya.
Hindi dahil sa may mahal ng iba.
Kundi ako'y na tatakot na.
Hindi ko alam ngunit
sa tuwing kapiling ka, ako'y hindi makahinga.
Puro pag-aalala ang nadarama.
Daladala sa mga minutong kasama ka
sa gabing malamig,
sa mga tanghaling mainit.
sa muling pag-luhat pag-iyak.
Sa pananabik sa iyong mga halik.

Ito lang ang kaya kong gawin para sayo't sa akin.
Ang hayaan kang maging masaya kapiling ang iba.
Dahil aking nadarama may mas mahigit pa.
Sa kaya kong alay sayo at ibigay
sa pusong na nanamlay
at nadudurog na kasing liit ng palay
At ang tanging kayang sabihin sa mga bagay na aking nagawang kamalia'y
Mayala ka na aking mahal,
Tandaan mo, ika'y aking mahal na mahal higit pa sa aking buhay.
Have you ever  really really loved someone that you can set them free?
Stephanie Apr 2019
isinulat ni: Stephanie Dela Cruz

\

isang daang tula.
sabi ko noon ay bibigyan kita ng isang daang tula
mga tulang magiging gabay mo kung sakaling mawala ka man sa akin, o kung ilayo ka man ng ating mga tadhana, o kung paalisin mo na ko sayong tabi,
ngunit pangako, hinding hindi magiging dahilan ang kusa kong pag alis, pangako yan.
itong mga tulang ito ang magiging gabay mo kung sakaling maisip **** ako ang kailangan mo at ako ang gusto **** makasama hanggang dulo
itong mga tulang ito ang magiging resibo mo, magiging ebidensya ito ng kung paano kita minahal ng pagmamahal na hindi mo kailanman naibigay sa akin

isang daang tula.
alam mo bang tula ang una kong minahal kaysa sa iyo
ibinuhos ko lahat ng mga inspirasyon, pag-ibig, luha at pati tulog ko'y isinantabi ko na para sa kanila
dahil ako rin ang mga tulang ito,
alam mo namang isa kong babasaging salamin na paulit ulit na binabasag ng mga taong gustong maglabas ng sama ng loob, ng matinding emosyon, isang salaming kakamustahin kapag gusto nilang ipaalala sa sarili nila na maganda sila at mahalaga at kamahal-mahal at importante...
ako nga ang mga tulang ito, at paulit ulit kong pinaghirapang buuin muli ang aking sarili, ang bawat dinurog na piraso ko'y sinusubukang buuin muli gamit ang hinabing mga tula
itinago ko sa bawat maririkit na salita ang mga lamat na hindi na maaalis pero pipilitin ko...
at sa huli naisip kong hindi ko lang pala gustong sumulat at bumigkas ng tula..
gusto ko rin maging tula ng iba, na mamahalin ako katulad ng pagmamahal na ibinuhos ko sa mga ito

at ayun nga... dumating ka.

ngunit tanong ko pa rin sa aking sarili itong palaisipan...  "naging tula mo ba ko talaga?"


hindi.

dahil hindi ka naman talaga interesado sa mga tula.


alam ko naman kung anong nais mo talaga..

ang gusto mo'y musika.


maganda, masarap sa pandinig, masasabayan mo sa pagsayaw... maipagmamalaki.


hindi naman ako musika... isa lamang akong tula.



isang daang tula.
alam mo bang kung nakakapagsalita lamang ang aking mga sinulat ay sigurado akong magtatampo sila
dahil naisulat na ang tulang bukod tangi sa lahat, tulang pinaka mamahal ko higit sa lahat
ito ay ang bawat tulang isinulat ko para sa iyo..
isa... dalawa... tatlo.. hindi ko na mabilang kung gaano karaming tula na ba ang naisulat ko para sayo
ngunit mas marami ata yung mga tulang isinulat ko nang dahil sayo
at wag kang mabibigla kung sasabihin kong hindi lahat ng iyon ay puro kilig, puro saya, puro tamis ng sandaling kasama kita
dahil sa bawat pagkakataong hindi mo namamalayang sinasaktan mo ako ay sumusulat ako ng tula
may mga pagkakataong ikaw ang dahilan ng mga luhang siyang naging tinta nitong aking pluma na pinangsulat ko ng tula

wag kang mag-aalala, hindi nasasapawan ng kahit anong sakit at pait ang pagmamahal ko sa iyo. :)


isang daang tula.
teka, kailan ba tayo nagsimula?
napakabilis ng panahon, lumilipas na kasing bilis ng pagningning ng mga bituin sa gabi
hindi pa tayo tapos mangarap ngunit tumitigil na... natapos na ang pagkinang.
inaawat na tayo ng kalawakan... o teka... mali pala... dahil ikaw ang umawat sa kalawakan
pinatay mo ang sindi ng pinakamakinang na bituing pinangakuan ko ng wagas na pagmamahal sa'yo habambuhay
wala nang natira.. pati ang mga bulalakaw na nagdadala ng milyong paghiling kong makasama ka hanggang dulo ay wala na, lumisan na
at hindi ko naman inasahan na sasama ka sa kanila
hinihintay kong hawakan **** muli ang aking kamay nang mas mahigpit sa paghawak ko ng kamay mo katulad ng una't pangalawang beses nating pagkikita pero
binitawan mo ako mahal



isang daang tula...












teka muna mahal, hindi ko pa naisusulat ang pang isang daan
bakit ka'y bilis mo namang umalis... hindi mo man lang hinintay na matapos ko ang mga tulang ito na nagpapatunay na minsan may tayo


pero pangako...


tatapusin ko itong isang daang tula at hindi ito magtatapos sa pang isang daan dahil susulat pa ko ng mas marami, susulat ako nang mas marami pa hanggang sa hindi na ikaw ang tinutukoy ng mga salita sa aking tula, hanggang sa hindi na ikaw ang buhay nitong aking pagtula...
ipapaalala ko sa aking sarili na ako ang mga tulang ito at hindi ako magtatapos sa panahong pinili **** umalis kesa basahin ako, pinili **** iwanan ang tunay na nagmamahal sayo, sabi mo iingatan mo ang puso ko ngunit hindi mo ba alam? ikaw ang muling sumira nito kaya't heto... may dahilan nanaman para sumulat ako ng tulang magbubuo ng mga piraso ng aking sarili na dinurog mo... pinili **** saktan ako, pinili **** lumayo para sa sarili mo, pinili **** maghanap ng mas maganda at mas higit sa akin, ang dami dami **** pinili mahal ngunit bakit hindi ako ang isa sa mga pinili mo? ah. alam ko na. dahil nga pala may mas higit pa sa pagpipilian kaya bakit nga ba ako ang pipiliin mo diba?


pero pinapangako ko... isa lamang akong tulang hindi mo pinag-aksayahan ng oras para basahin ngunit balang araw ay magkakaroon din ako ng sukat at tugma, ang mga salita sa aking malayang pagsulat ay tatawaging liriko at kapag ganap na akong maging musika... pangako.... huling pangako ko na ito para sayo kaya't makinig kang mabuti...




mapasabay ka man sa  saliw ng aking musika, kailanma'y hindi na ko ang kanta, liriko, musika, at tulang isinulat para sa iyo.
I miss you so bad but not enough to want you back.
M e l l o Jul 2019
Simpleng aya lang pero alam ko na kung ano ang naglalaro sa isip mo.

Ano na? Sasama ka ba?
Wag kang mag-alala hindi ako magtatanong kung
"open minded ka ba?"

Kung matagal na tayong magkakilala
alam na alam mo na kung ano ang aking sadya.

Umpisahan natin sa simpleng kamustahan,
madalas pag ako nag-aya malamang matagal tayong hindi nagkita
Saan ba tayo magkakape?
Ayos lang ba sayo
kung d'yan lang sa tabi tabi?
Pero alam kong mas maganda
ang usapan natin sa loob ng magandang café
pero pag wala tayong budget
baka naman pwede na iyong nescafé?
Ano ba mayroon sa pagkakape?
At bakit tila ba napakaimportante?
Ang tanong ano ba ang iyong forté?
Oh natawa ka mali pala ang aking sinabi
Ang ibig sabihin ko ay ano ba
ang gusto mo sa kape?
Malamig o maiinit?
Latté ba o yung frappe ang gusto mo
okay na ko sa brewed o americano
sorry medyo lactose intolerant ako
kaya bahala ka na mamili ng gusto mo
may kwento ako habang ika'y namimili
kwentohan kita tungkol sa mga taong
minsan ko nang inaya o di kaya'y nag-aya sakin na magkape
at sana mabasa niyo din ito
alam niyo na kung sino kayo dito,
wag kayong kabahan sa pagkat
ang inyong mga pangalan ay hindi ko
ipaglalandakan masyado akong concern sa pagkakaibigan natin
baka ako ay inyong biglang iwanan wag naman.


Simulan natin ang kwento sa kaibigan kong mga lalaki,
special 'tong dalawa kasi kakaiba
yung isa ang lakas ng loob niyang ayain ako
nang makapasok kami sa café
akala ko magkakape kami
akala ko lang pala yun
aba'y pagkapasok umorder agad ako ng kape
pero siya'y umorder ng tsokolate
loko 'to na scam ako
habang yung isa well,
ako yung nag-aya medyo matagal na din kaming hindi nagkita
kaya naman ako'y nabigla bagong buhay na daw siya
at umiiwas magkape sabi niya
gusto pa daw niyang matulog
nang mahimbing mamayang gabi
kaya ayun tsokalate din ang pinili
Ano?
Alam mo na yan kung sino ka d'yan.

Kinakabahan ka na ba?
Ikaw na kasunod nito.

May dalawa pa akong kaibigan
na lalaki,
pareho silang pag nag-aaya magkape
kailangan ko pang bumyahe
yung isa mailap at andyan lang
sa makati
at yung isa kailangan ko pang mag mrt kasi nakatira siya sa quezon city
sobrang weird lang ng isa kasi
yung bagong flavor sa menu nang café
tinatry niya parati
banggitin ko yung nasubukan niyang
flavor sa teavana series ng SB
Hibiscus tea with pomegranate
nasabi mo lasang gumamela
at yung matcha & espresso fusion
na nagmadali kang umuwi pagkatapos **** uminom
Hulaan mo kung sino ka rito?


Lipat tayo sa mga kaibigan
kong mga babae
pero bago ko simulan ang kwento,
madami akong kaibigang babae na sobrang mahilig din magkape
pero pasintabi sa mga lalaki
may gusto lamang akong ipabatid
pag kaming mga babae
ang magkakasamang magkape
pag ikaw ang nobyo ng isa dito'y
malamang lovelife ninyo ang topic
wag mabahala kapatid kasi
madami dami din naman kaming
napag-uusapan maliban sa lovelife niyong medyo kinulang
minsan may nangyayari pang retohan
pero lahat yun biro lang baka mapagalitan
pag ang topic na yan ang hantungan
kung ikaw ay nasa tabing mesa lang
malamang mapapailing ka na lang
sa mga topic namin na
punong puno ng kabaliwan
minsan pinaguusapan pa namin
kung sino yung couple
na naghiwalayan kamakailan, inaamin ko
songsong couple kasama sa usapan.

Dalawang grupo 'tong kasunod.

Eto yung mga kaibigan ko na kung kami'y magkape puro deep talks ang nangyayari,
mga bagay sa mundo na hindi mo akalain nakakagulo sa taong akala mo hindi pasan ang mundo.
Mabibigat na usapan na may kasamang konti lang naman na iyakan
sama ng loob, pagkabigo at sobrang pagka stressed sa trabaho.
Ilang mura ang maririnig mo
pag sensitive ka at hindi nagmumura
hindi ka kasama dito.
Eto yung deep talks na walang tulogan
alam mo na yan part ka dito
mga usapan na kung iyong pakikinggan ay
masasabi mo sobrang weird naman
ang mga topic ay everything
under the sun yun nga lang dudugo tenga mo sa technical terms at englishan.

Eto yung grupo ng deep talks yung topic ay puro pangarap, eto yung deep talks na masasabi kong very inspirational at educational. Hindi tulad ng naunang grupo
sa ganitong usapan madami kang malalaman.
Dito lalabas ang mga katagang
"Wag mo kasing masyadong galingan"
at yung "baka hindi mo ginalingan"
Sasakit ang tiyan mo kakatawa at sasakit mata mo sa kakapigil ng iyong luha eto yung genres ng deep talks na may humor, drama, slice of life, at shoujo.
Mga usapang trabaho katulad nang parang naging monotonous at routinary na ang buhay:
Need mo lang ng new environment?
Mag bakasyon ka?
Career growth?
Feeling stagnant?
At
Mga usapang gigil sa ganitong mga tirada:
Ilang taon ka na?
Kelan ka mag-aasawa?
May boyfriend ka na ba?
Nagpapayaman ka ba?
Bakit si ano may ganito na ikaw kelan?
Naka move on ka na ba?

Ano asan kayo d'yan?
Wala ba?

May grupo din na sila laging nag-aayang magkape, mga kaibigan ko na ang usapan lagi ay magkita
sa ganitong oras ay palaging
hindi sumasakto ang dating
Pag eto yung kasama ko puro usapan namin ay mga memories noong elementary
minsan lang magkakasama pero ang samahan solid naman ang lalakas mag kulitan o ano kelan ulit tayo pupunta ng mambukal?
Sino na ang ikakasal?


Sa sobrang dami kong nabanggit
muntik ko nang makalimutan ang dalawang babae na 'to
pag kami nagkikita bakit puro ako yung napupurohan sa asaran
ang layo namin ngayon pero sana
pag-uwi ay magkakape ulit tayong tatlo
sobrang dami ko nang baong kwento malamang yung isa dyan isang maleta ang hila niyan
sagot ko na ang kape pero pakiusap
hayaan niyo muna akong makaganti.


Ang dami ko nang naikwento pero hindi mo ba naitanong
kung saan nanggaling ang pagkahilig
ko sa kape? Walk through kita sa buhay ko, mahilig magkape ang papa ko, mas naunang nakatikim ng kape ang kapatid ko, yung isa hindi mo mapipilit magkape at madalas magsimsim ang mama ko sa kape ko.

May mga tao din akong nakasama magkape, may mga sobrang ganda ng topic. Dali na kwento mo na. May mga taong tatanungin ka din kong ano ba ang hilig mo pati pagsusulat ko kinakamusta ako.
Hindi lahat alam na nagsusulat ako yung iba na may alam, kabahan kana alam **** andito ka.

Salamat sa pagbabasa, ngayon lang ako lumabas para isama ka sa obra na 'to.
Asahan mo na marami pang kasunod na iba,
nakatago lang sa kahon kung saan memoryado ko pa.


Lahat nang naikwento kong tao mahalaga sa buhay ko, yung iba nakilala ko lang nang husto dahil sa simpleng salita na "kape tayo"
Alam mo na kung bakit importante sakin ang pagkakape?
Alam mo na ang aking sadya?
Kung hindi pa baka hindi mo pa ako kilala. Handa akong magpakilala sayo, makinig sa kwento mo. Nag-aalala ka na baka isulat ko?
Sasabihan kita ng diretso kung oo.
Hindi mo pa ba ako nakasama magkape?
Ngayon pa lang inaanyayahan kita, taos puso kitang iniimbitahan.

"Kape tayo"

Sana sumama ka.
Poetry appreciation piece for my family, friends & coffee buddies
Tama na. ilang beses ko pa bang uulitin sa sarili ko ang tama na. Tama na sa pag-asa na maaaring mahalin rin niya ako. Tama na na lagging ako lang ang nagmamalasakit pero sa huli’y masasaktan ka lang. Tama na na lagi akong nagbibigay at siya’y kuha nang kuha lang. Tama na na lagi akong talunan sa bawat paglundag. Tama na na lagi akong umiibig at sa dulo’y sasabihing “kaibigan lang kita”.
Tama na siguro na marami nang beses na lagi akong nagpakatanga para sa’yo. Tama na siguro na lagi na lang akong umaasa na darating ka sa pintuan at sasabihing iba na ang iyong nararamdaman. Tama na rin siguro ang lagi kong pag-aalala kung “nasaan ka na?”, “kumain ka ba?”, “may payong ka bang dala bilang pananggalang sa malakas na ulan?”. Tama na siguro na lagi akong naging yaya, ina o alalay mo sa bawat bagay. Tama na siguro yung ginawa kong paninilbihan sa among ‘di naman ako sinuklian ng kahit ano. Tama na siguro na tigilan ko na itong ambisyon na ipinaiiral ko, ilusyon na maaaring maging tayo.
Naaalala ko, oo naaaalala ko ang mga bagay na pinagsaluhan natin. Naaalala ko noong una kitang nakilala, naaalala ko kung papaanong wala kang takot na sumama sa akin upang tuklasin ang isang lugar na ‘di ka pa pamilyar at ‘di mo pa alam. Naaalala ko ang pagtataya mo at tiwala na totoo ang mga pinagsasabi ko at dadalhin kita sa tamang lugar na ipinangako ko. Naaalala ko kung papaanong naloko ako sa kakatawa sa mga corny **** jokes. Naaalala ko yung panonood natin ng pelikula nang sabay at tititigan mo ako at tititigan din kita nang palihim. Oo naaalala ko pa ‘yun, at oo tinititigan kita kasi nabihag ako ng mga mata **** mapungaw, tila humihingi ng atensyon at pagmamahal. At oo, naaalala ko pa yung araw na tinext mo ako at agaran kang pumunta kung nasaan ako kahit malakas ang buhos ng ulan at dumating kang basang-basa. Naalala ko kung paano ako tuluyang nahulog sa’yo sa ginawa **** sakripisyo na maaari ka namang pumunta sa iba, ngunit pinili mo akong makasama.
Pero kung akala kong masaya at wala nang makakapigil sa ating dalawa, nagising ako mula sa isang realidad. Nagising akong ‘di pala totoo ang mga nakita ko. Nagising ako na wala ka sa piling ko. Nagising ako na ang lahat ng iyon pala ay isang malaking ilusyon. Nagising ako, masakit ang damdamin at namamaga ang mga mata mula sa paghimbing dahil sa kaiiyak. Nagising akong ‘di pala totoo ang panaginip na pinaniwalaan kong totoo. Nagising ako na ‘di mo pala mahal ako. Nagising ako sa tinig ng boses **** nagsasabing “mahal kita, pero kaibigan lang”.
Kaya ganun, wala akong magawa kun’di ang magmukmok sa sulok ng kuwartong dating puno ng saya at tawanan nating dalawa. Nanatili ako sa lugar kung saan tayo nanood at nagtabing dal’wa. Nanatili ako sa lugar kung saan mo ako pinuntahan kahit napakalakas ng ulan. Nanatili ako at nag-isip bakit kaya at bakit ikaw pa. nananatili at mananatili ako rito hangga’t ‘di pa rin malinaw sa akin ang lahat.
Bakit ba ng hilig kong magmahal? Bakit ba mahilig akong tumaya o sumugal? Bakit ba lagi ko na lang napagkakamalian ang galaw ng iba bilang isang mas malalim pa? Bakit ako nabibihag sa mga salita at gawa na ilusyon lamang pala? O baka naman sadya lang akong tanga. Baka sadya talagang kaibigan lang ang ipinakikita mo noong una, pero mali ang pagkakaintindi ko dahil ‘di ko pa nararanasan ang umibig nang mas higit pa.
Pasensya na sa mali kong pagbasa. Pasensya na at nagawa kitang mahalin bilang kaibigan. Pasensya dahil inakala kong mamahalin mo rin ako tulad ng pagmamahal ko sa’yo. Pasensya na sa aking damdaming tila mahilig lang talagang magmahal nang lubusan. Patawad na ‘di nabasa ang nais mo. Patawad na ‘di ko pa rin matanggap na hanggang magkaibigan lang tayo. Patawad marahil dahil ang sinasabi ng puso ko’y hanggang “magKA-ibigan” lang tayo.
Mahal ingat ka.

ingat ka mahal dahil baka madapa ka sa paulit ulit **** pagtakbo sa aking isipan

halos malibot mo na nga ang diwa kong kay sukal na parang kagubatan

at sa patuloy **** pagtakbo sa isip, baka hindi ko mamalayan

na tanging pangalan mo na lang pala ang aking nasasambitan.


ingat ka mahal, lagi kasi akong nag aalala sayo.

e hindi naman sa lahat ng pagkakataon nandyan ako sa tabi mo.

kung pwede ngang ako na lang ang mag ingat sayo, gagawin ko

Mahal na mahal kita, higit pa sa inaakala mo.


sabi ko mahal mag-ingat ka, pero hindi mo ginawa

nabundol ka tuloy hay nako mahal.

Nagpalamig lang naman ako sa tabi upang tiyaking ligtas at hindi magulo ang iyong isipan

mahal, kulang ba ang ginawa kong pagpapaalala?

hindi ba sapat ang pagpapakita ko sayo at ang pagsinta kaya’t ninais **** umiwas sinta?

Ngunit,

dahil mahal kita, at ang gusto ko lang ay makita kang maligaya.



ingat ka pa rin mahal

nag-aalala pa rin kasi ako sayo

maghihintay, umaasa sa muling pagbabalik mo

mahal pa rin kita, kaya mag ingat ka mahal

Dahil sa muling pagbalik mo iingatan na kita lalo

At hindi hahayaan na mabundol at masugatan

ang mahiwaga **** ikaw.

Kaya mahal ingat ka.
Ps. Nakikinig ako sa bawat kwento mo at nagaalala ako lalo kaso natatakot akong iwasan mo lalo. - hideonhell
J May 2017
Nakapag sulat na ako ng maraming tula,
Tulang para sa iba ngunit para sakanya’y wala,
Ang taong ini-alay ang buhay para lang sakin,
Na minsa’y dinadaanan ko lang na parang hangin.

Nakakalimutan na siya ang dahilan kaya ako’y buhay,
Buong buhay niya ang kanyang ibinigay,
Mga panahong ako’y nagpapakasaya,
Habang siya’y nasa bahay nag-aalala.

Ang oras at panahon ay napupunta sa iba,
Ngunit sakanya ang mga ito ay para lang sa mga anak niya,
Hindi mapakali dahil iniisip ang susunod na alis,
Hindi ko namamalayan na sa aking pag-alis may isang taong nangungulila sakin ng labis.

Inaantay ang aking pag balik mula sa eskwela,
Ngunit sa aking pag dating hindi ko manlang siya makamusta,
May mga oras na hindi nagkakaintindihan,
Subalit sa huli ikaw ay kanyang pinapatahan.

Mahal kong ina gusto ko iyong madama,
Ang tulang ito ang magsisilbing paalala,
Madami mang problema at tampuhan,
Sa huli ikaw parin ang mahal kong **ilaw ng tahanan
HAPPY MOTHER'S DAY!! I love you Mommy
JOJO C PINCA Nov 2017
"hwag kang mag-alala mahal ka parin nun". ito ang sinabi mo sa akin noong nakaraang taon. hindi ko agad naintindihan palibhasa'y tuliro ang isip ko, problemado ako sa bagong trabaho na kinakaharap ko.
tapos bigla kong naalala, oo nga pala, anibersaryo nga pala ng kasal natin. Ngumite na lang ako para maikubli ang aking pagkapahiya.
hindi ako kailanman nag-alala dahil alam kong mahal mo ako noon pa man hanggang ngayon.
hindi ako kailanman nag-alala dahil alam kong lagi kang tapat sa akin.
hindi ako kailanman nag-alala pagkat batid ko na hindi mo ako iniwan, lagi kang nandyan sa tabi ko umulan ma't umaraw.
hindi ako kailanman nag-alala dahil alam kong matagal mo nang inilaan ang buhay mo't pag-ibig para sa akin.
hindi ako kailanman nag-alala sapagkat alam kong sasamahan mo ako hanggang sa ating pagtanda.
pero nalulungkot ako sa tuwing naaalala ko na maraming beses ka nang umiyak dahil sa akin.
naiinis ako pagkat hindi ko nagawang samahan ka ng mga panahon na kailangan mo ako.
nagagalit ako sa sarili ko dahil hindi ko natapatan ang katapatan mo noong kabataan natin.
namamanglaw ako sa tuwing nakikita ko na kapos ang mga pagsisikap ko.
nalulungkot ako pag naiisip ko na baka mauna ako at hindi kita masamahan sa ating pagtanda.
ang nakaraan ay hindi ko na maibabalik, may mga pagkakamaling hindi ko na maitutuwid. pero pwede pa naman tayo makatawid dahil may ngayon at bukas pang maghahatid.
malapit na naman ang ating anibersaryo. hwag kang mag-alala pagkat hindi ako mag-aalala.
alam ko na mahal mo parin ako kahit konti lang ang iyong napapala sa gagong asawa na tulad ko.
kung sapat lang sana ang sulat at tula, kung ang mga tugma at tayutay at mga saknong nito ay magagawa kong lantay na yaman malamang hayahay ang ating buhay.
hindi ako si Perpekto at lalong hindi ako si Mr. Right
si Jojo lang ako, ganito lang ako kaliit, pero salamat at minahal mo ako.
Marthin May 2019
Oh magandang binibini, ako’y lubos na nagagalak dahil sa ating mga mumunting palitan ng mga mensahe. Kahit na ito’y di masyadong impormatibo, ako’y lubos na nasisiyahan sa ating mga pinag-uusapan.

Oh binibini, ang bawat ngiti na iyong pinapakita ang siyang nagbibigay sigla sa matamlay kong araw. Ang iyong mga tawa ang siyang nagsisilbing musika sa aking mga tenga, na walang kapantay sa tinig at ganda.

Kahit na sa kakaunting panahon na tayo’y nagkilala, para na kitang kaibigan na kay tagal nang kilala. Ang bawat palitan ng mga letra’t salita ay may kasamang pagmamahal at tuwa. Kaya ang mga salitang ito’y kusang lumalabas sa aking dila.

Oh binibini, nawa’y mapansin mo ang mga problema na dulot mo, sa pagka’t gabi-gabi nalang ako’y di makatulog pag na-aalala ang mga ngiti **** sintamis ng preskong bino at ng mga titig **** kasing init ng siling labuyo.

Nawa’y sa pag idlip mo’y mapaghinipan mo ako, ng ako rin ay makadayo sa mundong tayo lang dalawa ang nandoon. Kung saan malayo tayo sa mga mata ng di nakakaintindi, at sa mga salita ng di nakaka-alam.

Oh binibini, lagi mo sanang tandaan, na kahit saankaman ay laging nasa sayo ang puso ko. Na kahit bagyo ma’y dumaan at mga lindol ay maranasan, na ang pagtingin ko ay laging sayo lamang.
A deep tagalog poem
Eugene Dec 2018
Nakakubling Lungkot Sa Puso

Pilitin ko mang itago ang nararamdaman kong saya,
Nangingibabaw pa rin nang malaki ang nakakubling pangungulila.
Kahit sumilay man ang mga ngiti sa aking mukha,
Nakikita pa rin sa aking mga mata ang labis na pag-aalala.

Ano mang pilit kong magpakatatag at huwag pansinin ang bawat sumbat,
Muli pa ring nadarama sa puso ang pighati, pait, pagtitiis at sakit.
Naitatago man ng aking mga ngiti ang lahat ng pagdurusa't bigat,
Dadaloy pa rin ang mga luha at muling maaalala ang nakaraang mabibigat na habagat.

Kahit anong iwas ko, tinatangay pa rin ako ng isipan kung kamustahin sila.
Hindi ko kayang magsinungaling dahil sa puso ko ay mahal na mahal ko sila.
Ipagsawalang-bahala man ang bawat mga letrang nasa mensahe nila,
Mabubuo pa rin ito at mararamdaman ko ang nakaukit na mga salitang hinihintay ng puso sa tuwi-tuwina.

Sana ang lahat ng mga letrang naging salita ay totoo.
Sana ang lahat ng mga katagang nababasa ko ay galing sa kanilang mga puso.
Sana ang lahat ng mga litratong nakikita ko ay tunay at totoong-totoo.
At sana... mapanghawakan ng puso ko ang katotohanang hindi ko kayang mawalay pagkat sila ay naging bahagi ng bawat nakakubling lungkot sa aking puso.
JK Cabresos Nov 2012
Para lang nagbabalat ng sibuyas
ang istorya ng pag-ibig.

Sa simula...

Ng nasa mga kamay mo pa lang ito'y
may gana ka pang tumawa,

Hanggang sa inilagay mo na
sa isang sangkalan...
('chopping board' na nga lang, para mas maintindihan)

At nang binalatan mo'y
bigla ka na lang umiyak
at tumulo ang iyong mga luha
(sa sahig, alangan naman sa balkonahe!)

Pagkatapos nama'y nakatawa na ulit,
ngunit hindi pa rin nadala't
kumuha pa ng ibang sibuyas para balatan.
(sira-ulo lang te?)

Pero wala tayong magagawa dun,
hindi sa eksaherada masyado
ako kung makapagsalita,
eh ganun yun eh!
(ganun talaga!)

Kaya tanggapin ****
kapag sinubukan mo nang umibig,
alam mo nang sa huli'y
masasaktan at masasaktan ka rin...
('wag kang mag-aalala marami naman kayo!)

Ayyy! hindi 'yan!

Sa gitna pa pala 'yan,
dahil ang nasa huli'y
liligaya ka ng walang kasintulad ng dati.
(para bang nasa alapaap daw?)

Dahil ang magmahal ng isang gago...

Ayyy! Este tao,
ay maraming pagsubok,
tulad ng pagbabalat ng sibuyas...

Masusugatan ka talaga
kapag hindi ka marunong
magdahan-dahan at mag-ingat.
Kurtlopez Jan 2019
"Lihim"

Kitang-kita ang iyong mga ngiti
Malabo na ipakilala ko ang aking sarili
Ako’y ni hindi man lang makapapantay sa kung ano ka
Sa mata ng marami ika’y kakaiba
Saaki’y napakasimple **** tao
Dumaan saaking buhay at ako’y napatitig sayo
Alam kong isa kang liwanag sa gabi
Kay’hirap mapalapit sa tulad kong dyan lang sa tabi-tabi

Lihim na binabasa ka
Ngunit kailanma’y hindi makakapagsalita
Marahil hindi mo alam na ikaw ito
Ngumiti ka nga riyan ng ako’y mahanap mo
Hindi na mahalaga na iyong maramdaman
Sa isipan at salita ika’y nilalaman
Simpleng hangin mula sa iyong paggalaw
Bawat bagay saiyo’y sadyang aking pinipilit matanaw

Minsan sa gabi’y napapaisip
Buhay ko ba’y nais **** masilip
Isa ka sa kulay ng aking bahaghari
Baka nais mo akong makilala kung sakali
Subalit ang tulad ko’y tahimik lamang
Masaya at kumpleto na makita ka lang
Pag-aalala ko sa tuwing ika’y nasasaktan
Hiling huminto sa pag-iyak at ika’y pupuntahan

Tuwing pakiramdam mo’y ika’y walang halaga
Huwag kang humiling pa ng iba
Saaki’y isa kang mahalagang parte ng isang tula
Ikaw ang inspirasyon sa bawat isip ng gumagawa
Iniingatan sa bawat oras upang mapanatili sa isip
Kahit sa mga mahiwagang salita man lang ika’y mapalapit
Sa ulap boses mo ang liwanag
Malamig at malambing na tinig ay syang paliwanag

Ika’y hinahangaan sa simpleng bagay
Maaring marami nito sa iyong buhay
Hanggang sa ako’y mapaupo na sa aking upuan
Iniisip ang isang tao na labis kong hinahangaan
Sana’y huwag kang saktan ng mga taong nakapaligid
Utak kong minsa’y kumikitid
Bawat paghinga mo saaking isip ay nagpapalawak
Ikaw ma’y bumagsak, ligtas ka dahil ako’y handang humawak
Imposible mang kamay mo ay maparito saakin
Makaramdam man ng kakaiba, handa kitang mahalin
G A Lopez Mar 2020
Nakakatakot na ang mamuhay sa mundo ngayon.
Ang nasa isipan ay baka kinabukasan,
Hindi na makakabangon, walang kasiguraduhan.
Laganap na ang mga nakakamatay na sakit,
Mga sakit na walang lunas
At kaunti lang ang nakakaligtas.

Mayroon pa ring sakit sa lipunan
Na hanggang ngayo'y hindi pa rin naaagapan.
Ang hindi pagkakapantay-pantay, Kahirapan at kamang mangan.
Dulot nito'y pagbagsak ng ating Inang Bayan.


Lahat ay isinisisi sa gobyerno
Kanilang buhay na sila mismo ang nagplano.
Bakit ka gagawa ng isang bagay na sa huli ay iyong pagsisisihan?
Hindi dahilan ang kahirapan
Upang gumawa ng kasamaan.


Dahil sa salot na sakit,
Maraming nagtatanong kung "bakit"
Panay ang pag-aalala
Hindi na mapakali sa kanilang mga lungga.
Utos ng pamahalaan ay binabalewala.


Tahimik ang kalsada
Walang sasakyang pumaparada
Ang mga pamilihan ipinasara.
Ang mga tao'y nagsisiwelga
Dahil daw ito'y pang aabuso at hindi pagpapahalaga.


Halos wala nang makitang tao sa mga bahay-sambahan
Ani nila'y ayaw mahawaan.
Naniniwala pa rin ako sa kasabihang,
Kung ayaw, may dahilan
Kung gusto'y, maraming pwedeng paraan.


Tanong kaibigan,
Bakit mo iiwan ang pagsamba?
Bakit ka mangangamba?
Ang Panginoong Diyos ang pinakamakapangyarihan
Siya ang sagot sa lahat ng ating kabalisahan.
Ang buong tiwala'y ibigay sa Panginoong Diyos na siya dapat nating pagkatiwalaan.
inggo Sep 2015
Hi miss
Pwedeng pakiss
Namimiss na kasi kita
Ang tagal mo na kasing wala

Hinihila pa din kasi ako
Ng lubid na itinali ko sa puso mo
Ayaw maputol sa sobrang tibay
Ilang beses ko nang sinubukan pero sablay

Kung sabagay rurupok din yan pag tagal
Mauubos din yang lubid ng pagmamahal
Matagal pero kakayanin yan
Naniniwala ako na hindi ito suntok sa buwan

Larawan natin ay isa isa ko nang nabura
Ngunit na-aalala pa rin ang maganda **** mukha
Oo dukha na ako
Kasi naghihirap ako makalimutan lang ang mga panahong naging tayo
032317

Sinubukan kong intindihin
ang bawat salitang sinasabi mo
Hinabi gamit ang iba't ibang lenggwaheng
Bago lang sa paningin at pandinig ko.

Natakot ako pagkat hindi ko maintindihan
At dumating na nga sa puntong
hindi na  rin kita maintindihan.
Kaya sumubok akong humanap ng ibang kahulugan
Nagbaka sakaling sa "doon"
ay may mapupuntahan.

Pero mali pala yung takot
na namuo saking pagkatao.
Lahat ng sabi kong iintindihin ko'y
bigla na ring naglaho.
Lumapit ako sayo
pagkat kinakain ako ng emosyon ko,
Ng takot, duda at kakulangan sa tiwala sayo.

Sinambit mo sa aking tumigil na ako --
Sa pag-aalala sa mga bagay
na ikaw mismo ang aareglo.
Dagdag mo pa'y ikaw ang aakay
sa mga walang katapusang kahinaan ko
At doon ako natutong:
wag ka nang ipilit ang kakayahan ko.

Nilinis mo ako at ginawa mo pa ring bago
At sabi mo pa nga'y aabahin mo ako
Hanggang sa makarating tayo sa simulang dulo.
Ama, sa aking pagpapasakop,
Pwede bang yung buong ako
Yung yakapin **** may pagkalinga?

Napagod na kasi akong mag-isa
Gusto ko nang sumilong --
Sumilong sa tangi **** presensya.
Sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Ang ginagawa ko'y hindi mo nalalaman ngayon; datapuwa't mauunawa mo pagkatapos.  - Juan 13:7
032017

Isa, Dalawa, tatlo, apat, lima, Anim, Pito? Tama ba?
Pasensya kana,
Hindi ko na kasi mabilang ang ating mga away at tampuhan.
Nahihiya na nga ako sayo eh, Kasi hindi dapat ito yung iyong nararanasan.

Alam ko sobra-sobra na yung mga sakit na naidulot ko sayo
Wala na yung mga pangako na sinabing tutuparin ko
Yung mga "***** tayo jan, ***** tayo dito"
Yung "Susulitin natin ang oras pag balik mo sa piling ko"
Dapat pala sinulit ko na ang oras habang nandito kapa sa piling ko.

Naalala ko pa yung araw na paalis kana
para tuparin yung pangarap mo
Kahit masakit sakin na lumisan ka
ikaw ay aking suportado
Kahit na alam kong matagal yun
pilit nating sinasabi na saglit ka lang, Na kayang kaya natin
Hanggang sa dumating na tayo sa hindi natin kaya.

Ang "sakit"
Salitang nanggaling na parehas sa ating dalawa
Yung tipong mahal na mahal pa natin yung isat isa
pero parang hindi na
Yung kahit hindi ikaw yung problema
sayo na napupunta
Hindi ko alam kung dapat bang wakasan na
Pero nagdesisyon tayo na kayanin pa.

Lumipas ang ilang araw
bumabalik na tayo sa dati
Nag-iintindihan na ulit
minsan pa nga nag bobolahan
Sabi ko pa sa sarili ko nun… YES!!! Wala na tong katapusan
Ngunit NAUDLOT ang ating walang katapusan.

Bumabalik na naman si justine sa kanyang dating ugali
Magdodota tapos hating gabi na naman uuwi
Tatawag ka sa aking telepono pero hindi ko nasasagot
Hanggang sa tumagal tagal na,
Hindi ko na sinasagot.

Ang hirap lang kasi maging masaya nang wala ka pisikal
Ang hirap magtiis na yung yakap
ay babasahin ko na lang at hindi na literal
Kaya nililibang ang sarili kahit na mali na ang paraan
Kahit na alam kong mali yun na dahilan
Hindi ko pa rin tinigilan.

Sabi ko sa sarili ko
maayos din lahat ng ito pag nakauwi kana
Nagkakaganito lang tayo dahil hindi tayo magkasama
Nag-aalala pagkat hindi sigurado sa ginagawa ng isa
Kahit iilang araw nalang
tiisin pa natin, pakiusap ko sayo
Maliliwanagan din naman
kapag nagtagpo na and dalawang puso.

May isa lang akong hiling na sana ay tuparin mo
Sa laban na ito,
Wag ka sanang matuto na sumuko.
(c) JS

This piece made me cry. Alam ko, di ka mahilig magsulat. Minsan, akala ko gusto mo na lang sumuko sa laban natin. Pero salamat, kasi nandyan ka pa rin. Salamat kasi mahal mo pa rin.

I glorify the Lord sa lahat ng mga nangyayari. Higit ang pagmamahal Niya for us. Yung pag-ibig na to, it's a shower of His grace. Thank You Jesus!
rekojeth Jan 2017
Magsisimula ako nang hindi sa umpisa
Magsisimula ako kung nasaan ka
Magsisimula ako sa huli
Magsiisimula ako kung kailan hindi kana uuwi.
Nagsusulat ako hindi dahil gusto kitang ipabalik
Nagsusulat ako dahil gusto kitang ibalik
Sa dating princresa na kilala ko'ng ikaw.

Magsisimula ako sa huli
kung saan wala na talaga,
kung saan ako sayo ay umiibig pa,
at umiiyak habang sinusulat ang aking tula.
Sa huli kung saan gusto kitang ipabalik,
minsan naging desperado ako matikman lang uli ang iyong halik.

Susunod naman ay ang kalagitnaan
kung saan nating ginawa ag lahat ng mabuti
at masama,
dito tayo naging malungkot at masaya,
habang pag-ibig natin ay buo pa.

At mag tatapos ako sa pinaka-una
unang pag sabi mo na "mahal kita"
unang oras na sinabe mo na "hinahanap-hanap kita"
unang tikim ng iyong halik
unang tingin na iyong ibinalik.

Sana na aalala mo pa
noong tayo ay ag dadalawang isip pa
kung anong relasyon ba nating dalawa,
pero masaya tayo na nag sasabi sa isat-isa na "ito na talaga ,mahal kita".

Pinili ko'ng mag simula sa wakas at mag wakas simula.
Nang sa ganun ay kahit papano ay maramdaman ko'ng maging masaya
kahit alam kong patapos na ang aking tula.
Andrei Corre Aug 2021
Hindi agad nagtama ang mga mata natin kaya naman
'Di ko akalaing magkukrus ang mga landas natin
Alam mo 'yong: 'makuha ka sa tingin'?
Ang ginawa mo'y hinablot mo 'ko sa kada titig na
Dadampi sa aking gawi—'di ko pinapansin
Ngunit nang magsimula na ang tugtog ay siyang kusang
Pagdidikit ng mga palad natin. Bawat hakbang,
Sabay ang galaw ng ating katawan
Ito siguro ang pakiramdam ng nalutang sa buwan

Binibigay ka ng mga ningning sa mga mata mo:
Ang mga lihim na nakayukom sa puso mo
At sa mapupula **** labi ko narinig ang
Sinabi ****: ganiyan din ang nararamdaman ko
Ang lakas ng tibok ng puso ko, nakakabingi
Kung alam mo lang na ito ang dalangin gabi-gabi
Kaya ang sabi ko, wala na akong pakialam pa
Kung sa balikat hahawak o sa bewang ba
O kahit pareho pa tayong nakapalda
Basta isasayaw kita hanggang sa ako'y
Maputulan ng hiniga

Ikaw ang kaharap ko, wala akong pag-aalala
Kahit pa ramdam ko ang mga mata nila sa'ting dalawa
At mas maingay pa ang bulungan
Kaysa awit ng banda
O kahit ilang tapak pa ang gawin mo sa aking paa
Hindi ko bibitawan ang kamay mo; hayaan mo
Mapapagod din sila

Basta ako, alam ko ang mahalaga: ikaw ang mahalaga
Ang pakiramdam ng hininga mo sa balat ko
Ito ang mahalaga, ang pagyapos mo sa'king kaluluwa
Habang inaangkin natin ang magdamag, ito ang mahalaga

Iyan ang mga sinabi ko noong gabi ng pagtatanghal
Pero huwag ka sanang mabibigla
Hindi ito madadaan sa isang sambitla o kahit
Maupo pa 'ko upang ilahad sa 'yo lahat
Hindi ko rin alam kung saa't kailan nagsimula
Ang alam ko lang, dito ako ipinadpad
Ng agos na pilit kong nilabanan
At sa tuwing maglalakbay, ang anino mo ang
Laging nadadatnang tumatakbo palayo sa kalawakan
Pero saglit lang, 'di ko alam kung ako ba'ng may kasalanan
Sa walang hanggan nating habulan
Na para bang tayo'y laging pinagtatagpo upang
Tunghayan ang sakit na dinudulot sa isa't isa

Pero teka muna, saglit lang, ako lang ba ang nagdaramdam?
May ngiti na sa 'yong mga mata kahit mga luha
Ang umaagos sa kanila; ang iyong tindig ay parang
Noong una nating sayaw— ngunit may nagbago sa 'yong galaw
Napaisip ako, 'di ko mapigilan, kung ikaw pa ba ang natatanaw
Ang dalaga noong una't huli kong sayaw
Na alam kong imposible nang balikan
Ang sa'kin lang ay sana'y alam mo na
Lahat ng 'yon ay tunay
At mahal kita, maniwala ka
Kahit ako pa ang unang bumitaw

#
2017 spoken poetry piece
JulYa04 Aug 2018
Namimiss pa ba kita?
Namimiss ko pa ba ang mga mensahe mo sa umaga pgkagcng at ang pinakamasaya ang mensahe mo bgo matulog sa gabi

Namimiss pa ba kita?
Namimiss ko pa ba ang bigla **** pgsasabi na mahal mo ko kahit kailan kahit saan basta maalala mo lng na dapat ulitin ulitin mo ang salitang yun sa akin.

Namimiss pa ba kita?
Namimiss ko pa ba ang pagiging malambing mo na parang halos araw araw ramdam ko na minsan napapangiti nlng ako pag nakikita kita na may kasamang pamumula ng mgkabilang pisngi ko

Namimiss pa ba kita?
Namimiss ko pa ba ang pagtawag m sken na may kasamang pg aalala pero ngaun wala na.

Namimiss ko pa ba nga ang dating ikaw at ako at ang salitang tayo na kahit ipilit ko ay wala na dahil sa ikaw ay di na babalik dito sa piling ko
#broken
Christien Ramos Jun 2020
patawad
patawad kung natakot ang mga balikat ko.
kung wala silang lakas ng loob upang pasanin ang bigat ng mga kwento mo.
alam nilang mangangalay sila
at baka hindi ako patulugin sa sakit,
sa pangamba,
sa pag-aalala.
nababahala ang kanan,
ang kaliwa
silang dalawa
kaya patawad;

patawad kung inalagaan ko ang lamya
hindi mo makakapitan ang mga buto
dahil sa rupok
dahil sa walang kasiguraduhan
dahil takot sila sa pusok
hindi kongkreto ang pundasyon
at inisip kong 'wag sila ialok sa'yo.
kaya patawad;

patawad kung walang tamis ang mga pangungusap.
tinanan ka ng matatabang na salita sa kawalan
at wala silang balak na bumalik.
iniwan kang nakalutang sa ere;
nag-iisip,
nanabik
sa ginhawang mailap.
kaya patawad;

takot lang ang mga balikat na ito
na maging makasarili.
ayaw lang nilang sumandig ka sa pader
na nagdadalawang-isip.

kaya kapag dumalaw muli ang gabi
na kailangan **** ihilig ang sarili mo,
handa na sila

sumandal ka't makikinig ang mga ito.
Christien Ramos May 2020
Kabado;
Habang ginagala ng sarili ko ang dalampasigan.
Ang malumanay na ihip ng hangin ang naging pampakalma.
Bawat buhangin na kumukulbit sa’king mga paa
ay seryoso.
Walang pagkukubli ang puso
Ang hindi mapirming mga yapak
ay katumbas ng pagkasabik sa’yong yakap.
Gabi, muli akong tumingala
Walang palya ang ihambing ka sa mga tala.
Kinukwento sa’kin ng mga kuliglig
kung paano tatahakin ang ‘yong pag-ibig.
Hindi ko kabisado;
‘Di alam kung pa’no babagtasin ang dagat na ito.
Wari nila’y diyan matatagpuan ang pagmamahal mo
ngunit, paano?
Sinasamahan akong maglakbay ng inggit at takot
Hindi madaling pamamangka ang sa aki’y bumabalot.
Ang bigat ng pag-aalala ang maaaring magpalubog
at malunod
sa luha at panaghoy.
Paano mapapanatili ang ningas ng apoy?
Ano’ng solusyon sa pagkabahala upang magpatuloy?
Hanggang sa itulak ako ng sapat na panahon.
Muling humakbang ang hindi mapirming mga paa
Humina panandalian ang ihip ng hangin
Marahan ang pagkulbit ng mga buhangin.
Matapang kong nilisan ang pampang
Lakas ng loob, isang bangka’t panagwan
Sabay naming idinawdaw ang aming mga sarili sa karagatan.
Hayagang ibinubulalas ng langit na ako’y maging handa
Malayo na ako sa pampang ngunit tanaw ko pa rin ang kaba.

Ang pagkulog ay nagsimula na.
Biglang pumatak ang ulan ng pagbabanta
Dinig ko ang bulungan ng mga isda.
Sambit nila’y masasayang ang pagbabakasakali
Hantungan ng pakikipagsapalara’y wala.
Galit na sumasayaw ang alon
Ang kidlat ng kawalan ng pag-asa’y sa aki’y humahabol
Pataas nang pataas ang sumasalubong na alon.
Ang ‘di mawalang pagdududa ay nakikipag-unahan
Umaakyat ang mga tanong sa’king isipan
Kailan ko ba matatagpuan?
Sabik na akong salubungin ang pag-ibig mo…
… ang pag-ibig **** nasaan?
Subalit, naghintay ako;
Walang humpay ang paghampas ng mga alon
Hindi natatapos ang pagtaas.
Bawat pulgadang nadadagdag ay ang mga sagot sa’king katanungan
At bigla ang pagtaob;
Tama ang bilin ng mga kuliglig
Ito nga ang natatangi **** pag-ibig
Mapanghamon;
ngunit presko sa pakiramdam.
Ang sarap palang makamit ang matagal mo nang inaasam
Pipiliin ko ritong manatili hanggang
ako ri’y iyong matagpuan
papagingdapatin **** ako rito’y manahan
‘pagkat kahit sa daluyong, kalmado akong magsasagwan.
Kabado;
Habang ginagala ng sarili ko ang dalampasigan.
Ang malumanay na ihip ng hangin ay naging pampakalma.
Seryoso ang bawat buhangin na kumukulbit sa’king mga paa.
Walang pagkukubli ang aking puso
‘pagkat dito pa lang sinta, mahal na kita.
Patricia Balanga Jun 2017
Tatlong salita. Labing dalawang letra
Pasensya ka na

Pasensiya ka na hindi ko masasabi
Sikretong iyong pinakamimithi
Marami akong tinatagong saloobin
‘Di tulad **** bukas na bukas sa akin

Ikaw na lang ang hindi nakakaalam
Ng sikretong kay tagal kong tinakpan
Masasabi ko pa ba sa’yo
Nang hindi nag-aalala sa reaksyon mo

Hindi sa hindi ko pagtitiwala sa ‘yo
Kung hindi dahil sa natatagong damdamin ko
Ito’y mananatiling nakakahon
Kaya sana maintindihan mo ang rason

Tatlong salita. Labing dalawang letra
Pasensya ka na
Kay tagal na panahon na
Simula nang mahalin kita
Jasper May 2018
Minsan naiisip ko kung bakit madalas akong nag-aalala sayo.
Madalas din kung maramdaman ko na sa bawat minsan nasasaktan ako.
Minsan wala akong maramdaman.
Madalas nagiging manhid nalang.

Minsan ginugusto ko nalang na biglang mawala.
Madalas sinasabi ng isip ko na 'wag magpapabigla.
Minsan naman nakakasanayan ko na tiisin ang pagkalungkot.
Madalas hindi ko kinakaya, mahirap, matindi, makirot.

Minsan napapatanong ako kung, "Minsan lang, pero ba't napapadalas?".
Madalas na kase akong matulala kakatingin sa larawan nating kupas.
Minsan nasasagi sa isip ko, "Kuntento ka pa ba? O sawa ka na?".
Madalas akong natatakot, nababalisa, 'di mapakali, oo, sobra na.

Minsan ko nang nagawa ang ibalewala ang iba, walang nakikita, kahit nandyan na.
Madalas ko ding sinasabi sa sarili na wala akong alam noon, kahit 'di na tama.
Minsan naisip ko na baka bumalik sa'kin, at karmahin ako.
Madalas namang kinokontra ng isip ko, ang damdamin ko.

Oo nga pala, minsan na din akong nagloko.
At ngayon nararanasan ko, ang madalas na pinaggagagawa ko.
Kahit sabihin pa na minsan lang, kahit minsan lang na nangyari.
Madalas ko ng maranasan, minsan, madalas, bumabalik sa akin ang ginawa ko dati.
072921

Nag-uumapaw –
Nag-uumapaw ang Iyong pag-ibig at pagkalinga
Sa pagsilang ng araw.

Ang Iyong mga yakap na hinahagis ng hangin
At dumadampi sa aking balat,
Ay maigting na pagtapik sa aking kaluluwa.

Di ko masukat kung gaano kalawak ang karagatan
At ako'y nabihag; ako'y nabighani Sa'yong kagandahan –
Kagandahang mismong ang Iyong mga nilikha
Sa kanila ko nasisilayan
Sa kanila ko nararamdaman
Ang pag-ibig na sinasabi **** walang katulad,
Walang pamagat, walang sukat.
At walang kung anumang lalim.

Sa'yong pag-ibig, hayaan **** matuklasan ko
Hayaan **** masilayan ko
Ang nais sambitin
Sa mga pahina na nakasulat –
Iyong Isinulat noong nakalipas pa.

Sa bawat paglagas ng mga dahon
Para itong bumubuhos sa'king mga paa
At sa tuwing ako'y titingala'y
Gusto kong saluhin ang lahat nang paisa-isa
Saluhin lahat ng mga biyaya
Ng bawat pag-ibig
Ang bawat pagkalinga Mo
Na hindi ko malaman kung saan nanggagaling.

At hindi ko matansya
Kung bakit hindi nauubos ang Iyong pag-ibig.
Pero salamat, salamat Panginoon
Salamat sa walang hanggan –
Sa walang hanggan dahil sa pag-ibig Mo,
Inialay Mo ang Iyong anak na si Hesus.

Hesus na syang lunas ng anuman –
Anumang sakit, anumang delubyo,
Anumang pagkukunwari, anumang pag-aalala
Anumang walang pagtitiwala..
Anumang poot at sakit na nararamdaman,
Nananatili man yan sa puso o sa isipan
O yung mga taong nakasakit sa'yo
Mga taong nasaktan mo.

Dahil sa nag-iisang Pangalan,
Kaya nitong tupukin ang lahat
Kaya nitong bawiin ang lahat ng nawala sayo.
At dahan-dahan,
Dahan-dahan kang ngingiti
Hindi lamang ang Iyong mga labi
Kundi ang puso mo
Na ang hantungan ay doon sa kalangitan –
Sa kalingatan kung saan sa trono
Ang trono ng Liwanag ay patuloy na kikinang
Patuloy na mamumutawi ang kagandahan
At sabay-sabay nating masisilayan
Ang pagbabalik ng hinihintay ng lahat.

Salamat at patuloy tayong maghihintay
Patuloy na iibig
Patuloy na mananampalataya..
Patuloy lang, patuloy lang..
Random Guy Oct 2019
mas ayos na rin pa lang uminom ng malamig na kape

hindi mag-aalala na mawawala ang init
dahil hindi nga mainit.
magtataka ka lang sa hindi magandang lasa
sa pagkatunaw ng yelo.
nagpapakita na lahat ng bagay na napapabayaan ay hindi maganda ang lasa
parang tayong dalawa
nakalimutan na kailangan pala
habang mainit ay damhin
o wag hayaang matunaw ang damdamin.
Katryna Mar 2018
Hindi mo alam kung gaano ko nakipag laban sa mga kaaway.
Hindi mo alam kung gaano ko nakiramdam sa mga patay.
Hindi mo alam kung gaano ako nakinig sa pipi at bingi.
Hindi mo alam kung gaano ko isintabi ang sarili
sa gitna ng mga kuro kuro,
pag aalala
at pagkalungkot ko bawat gabi.

Hindi mo alam kung gaano kalamig ang init ng tag araw sa tuwing gigising akong wala ka man lang sa aking tabi.

Para kang buhay sa bingit ng katamayan.
Para himig sa kawalan.
Kawalan ng paramdam at kawalan ng malay.

Kasing lamig mo na ang kapeng tinimpla sa mainit na tubig
Kasing lamig mo na ang kanin bahaw sa tabi.

Anong nangyari?
Bakit tila isang bagyo ang nagpawala ng tayo at tanging bakas na iniwan satin ay ito.

Bakanteng lote puwang sa puso
na ni isang ugat ng pag mamahal ay parang ayaw nang tumubo.
When love and hate collide
Masaya ako nasa pagmulat ng aking mga mata ay mensahe mo agad ang aking makikita
Hindi namn nabago dahil simula umpisa ay binabati mo na ako ng "magandang umaga", " kumusta ang tulog mo"? "Kumain kana ba"?Hindi bat masarap sa feeling? Nasa bawat palitan ng ating mga mensahe ay kinakailangan ng paggalang animoy bumabalik sa nakaraan.
Parang Lola't lolo mo lang na nangangaral sayo tuwing ikay sasagot ng pabalang.
At kapag nawala ang "po" at "opo" sa mga pangungusap na ating binibitawan ay siguradong away na ang labanan, tampuhan, at suyuan.
Bakit hindi ka nag "oopo"? Bakit walang "po"?
Galit kaba? Ano bang ginawa ko sayo?
Mga palitan ng salita na hindi natin sigurado kung may patutunguhan paba.
Naalala ko pa nga nung gabing hindi ka nagrereply sa mga message ko. At mga ilang minuto, hindi ako nakuntento sa tagal ng reply mo. Napa-call na ako, baka bukod sa busy ka e baka may kausap ka ng iba. Para ba akong nahihibang parang sirang plakang hindi ko maintindihan, at hindi ako matatahimik hanggat diko alam ang dahilan ng ilang minutong iyong pananahan hanggang umabot ng ilang oras ay hindi parin nagnonotif...
Ang pangalan mo sa phone ko.
Hindi na ako nag-atubili hinawakan ko na ang aking telepono, tinawagan kita at naka-ilang miss call ako sayo pero tanging ring lang yung naririnig ko.
Hinayaan ko lang ang sarili ko sa panonood sa yt ng mga palabas na nakakatawa. Tulad na lang ng mga prank na walang kwenta. Yung tipong matatawa ka na lng sa kanila.
Matatawa ka na lng kasi kahit anong paglimot ang gawin mo ay maiisip mo parin kung bakit wala pa siyang reply sa mga text at calls mo. Sayang naman yung unli call and text na pinaload ko, kung hindi mo rin sasagutin mga tawag at text ko.
Hanggang sa umabot na ang umaga, heto ako't mulat parin ang mga mata.
Hindi ako dinalaw ng antok dahil mas nangingibabaw ang pag-aalala.
At ngayon ko lang narealize na alas otso palang pala kagabi e tulog kana.
Nakakasira ng bait ang bumagtas ng isang puzzle na daan, nawala ni isang bakas man lang ang iniwan.
May mga oras na pagagalitin mo ako at gagawin mo akong hindi ginustong galit,
ngunit kahit ano pa man, "I will always love you."

Mayroong mga malupit na salita na maaari **** sabihin na hahantong sa akin masaktan at magdadala sa akin ng kalungkutan,
ngunit kahit ano pa man, "I will always love you."

May mga hindi matalinong pagpapasya na iyong ginawa na biguin ako,
ngunit kahit ano pa man, "I will always love you."

May mga pagkilos na maaaring aksyon mo na mag-aalala sa akin,
ngunit kahit ano pa man, "I will always love you."

Magkakaroon ng mga sandali kung saan mo ako maiiyak at dadalhin mo ako sa luha,
ngunit kahit ano pa man, "I will always love you."

Magkakaroon ng hindi mapagpapatawad na mga pagkakamali na idinulot mo sa akin,
ngunit kahit ano pa man, "I will always love you."

May mga kasinungalingan na sinabi sa akin kung saan sinubukan mo ang aking tiwala sa iyo,
ngunit kahit ano pa man, "I will always love you."

Sa buhay may mga paghihirap, argumento, at mga hamon na dapat nating tiisin,
ngunit kahit ano pa ang mangyari, nais kong malaman mo na, "I will always love you," ngayon at magpakailanman!
Lecius Dec 2020
Kung makakausap ko lamang ang batang ikaw, sasambitin ko sa kan'ya na alam mo ba, ikay isang batang maraming talento. Mapapahanga sa'yo ang mga tao nang dahil sa pag-kanta mo.

Hahanap-hanapin nila boses na napakaganda, mistulang anghel ang umaawit kapag narinig na. Lahat ng kanilang mata'y sa'yo titig kapag inumpisahang umawit, 'di sila kukurap kahit saglit.

Kung makakausap ko lamang ang batang ikaw,
papayuhan ko s'ya na marami kang makikilala kaibigan man at kaaway, mayroong mananatili at aaalis, may mamaalam at 'di na muling babalik.

May makikilala ka na isang pag-ibig, mamahalin ka niya. Gabi't araw  ka niyang ipapanalangin na sana maayos kalagayan mo. Siya sa'yo mag-aalala kung kumain kana ba o may sakit ka.

Kung makakausap ko lamang ang batang ikaw,
Ipapaalam ko sa kan'ya na kay raming paghihirap ang dinaranas mo, pero sa kabila nito ay hindi ka sumusuko, parati mo kinayakayanang lampasan.

Isa kang napakatatag na babae na hindi agad aatras sa ano mang pag-subok sa harap, parati kang nag-papatuloy na may bitbit na ngiti sa mukha na hindi basta-basta mabubura.

Kung makakausap ko man ang batang ikaw,
babanggitin ko sa kan'ya na huwag kang mag-alala ang hinaharap mo ay nasa maayos na kalagayan. Kasama n'ya iyong pamiya at minamahal siya.

Huwag kang mag-alala sa kinabukasan, pag-tuunan mo ng pansin ang kasalukuyan, sulitin mo ang bawat araw para maging masaya, dahil ang kinabakusan ay malayo pa ang kasalukuyan ay nasa harap na.
Gamaliel Jan 2021
///
Paano ko pa sasabihin kung kailangan ko ng limutin? Pati panahon na aking inaasahan, aking kalaban. Malayo ka. Malaya ka.

Bakit hindi na lang ako? Siya ba ang itinadhana sa iyo? Masaya ako para sa iyo. Dalangin ko ang kaligayahan mo. Pero bakit hindi na lang ako? Mapait ang panlasa ko. Nasasaktan ang puso ko. Kalungkutan ang baon nito. Itatago at iingatan na lang mga ngiti mo. Hindi ko na alam kung saan ako patungo.

Alam ko, mag-aalala ka para sakin. Alam ko, malulungkot ka para sa atin. Huwag na. Ako na lang para sa ating dalawa kaya awat na. Huwag mo sanang isipin na isang kasalanan. Hindi ko rin naman malaman. Basta na lang naramdaman. Gusto ko namang iwasan. Gusto ko namang pigilan. Ano bang dahilan? Mayroon ka bang kasagutan? Paano, mauuna na ako sa katapusan.

Tiyak ko, lubos ka niyang pahahalagahan. Nakikita ko naman ang inyong pagmamahalan. Mas madalas man na ako ang lisan at ang pag-ibig ko ay di suklian, marami na rin ang aking iniwan at tinalikuran. Nawa'y ang lahat ng ito ay di mo na maranasan. Kung maipapangako niya lang sana na di ka sasaktan at pababayaan. Oo, kusang-loob na bibitaw, kahit pa pumanaw.

Alam ko, isa lang naman akong kaibigan. Hinahanap ko lang rin naman ang mga kasagutan. Parehas natin gustong maintidihan. Alam ko, ako'y iyong papakinggan. Tulad ko sayo, ikaw, ay aking kaibigan. Wag mo muna akong talikuran. Maari kayang dahan-dahan? Ngiti ka muna at ako'y pagbigyan.

Hindi ka mawawala sa aking hiraya kahit papunta ka at mananatili sa piling niya. Kung bakit ba naman sa pagkakalayo nating dalawa kita unang minahal at ninais na makasama. Kung bakit ba naman sa iyong pananahimik natuto ang puso ko na umibig nang may pananabik.

Ikaw naman ang mauna sa ating dalawa. Dito na lang muna ako, tatahan at magpapahinga. Maghihintay pa rin sayo at hindi susuko. Kapag dumating ang panahon na mangulila ang iyong puso, bumalik ka sakin na tumatakbo at nagmamadali. Sabay na tayong magsisimulang muli at iiwan itong ating dulo.
Simula sa Dulo
Taltoy Jun 2018
Nagbalik tanaw,
Hinalungkat ang nakaraan,
Mga 'storyang, lumitaw,
Binalot ng tawanan.

Ngunit ang mithi ko'y iiba,
Nais kong ika'y mas makilala,
Sapagkat ang alam ko sayo'y ang kaunti pa,
Ako nama'y pagbigyan mo, sige na.

Nagulat, di makapaniwala,
Bakit parang nagtutugma,
Ang ating mga storya,
Ang ating pagkabata.

S'an nga ba ako?
S'an ka naman ng mga panahong ito?
Hindi ba, tayo'y magkalayo?
Ni minsan, tayo ba noo'y nagtagpo?

At tayo'y nagbiruan pa,
Sabi natin ng patawa,
"Aba, baka ito'y tadhana",
Aba, sana nga.

Maalala pa kaya kita?
Ang tanong nating dalawa,
Tanong na may kaba,
Nagtatanong nang nag-aalala.

Aalahanin kita,
Ang sa aking bawat umaga,
Ang buwan sa aking gabi,
Ang mitsa ng aking mga minithi.

Ang sabi kong "una",
Una kong maaalala,
Una kong ipinagdasal,
Ang una kong minahal.
bakit kailangan sa harap ng iba Kunwari nakangiti ka?
kahit ang totoo sa loob loob mo hindi naman talaga.
bakit kailangan sa paningin ng iba  ipakita **** Kunwari matatag ka?
kahit na ang nararamdaman mo ay nanghihina ka.
bakit kailangan sa kaalaman ng iba Kunwari malakas ka?
kahit ang totoo mabubuwal ka na.
bakit kailangan sa harap ng iba mag kunwari masaya ka?
kahit ang totoo durog na durog kana.

Dahil ba mas ok ng malaman nila na ok ka,kaysa ipaliwanag pa yung totoong nilalaman ng puso mo?
O Mas maigi na siguro ang mag Kunwari kaysa ipakitang Mahina ka.
kasi hindi lahat ng pinapakita sayo na Pag-aalala ay totoo.
not all people that showing you a care is real.sometimes they just ask to get some information  to make you down.
Taltoy Sep 2017
Ilang kilometro na ang tinahak,
Kay layo na ng inabot ng aking mga yapak,
Patungo sa pook na di ko alam saan,
Parang hilong sinusunod ang nararamdaman.

Hindi ko na maalaala,
Ang lahat ng mga pangyayari,
Binaon nang walang pag-aalala,
Sa nakaraang tulad ng gabi.

Ako nga ba'y nasaan na?
Ako ba'y babalik pa?
Nasa gitna ng kawalan,
Kumakapit sa nararamdaman.
50 At masayang nagpaalam ang dalaga
Sa nag-iisang pauwi na binata

51 Pag-aalala ay ‘di maiwasan
Agimat inihandog ng babaeng kasintahan

52 At sa kanyang daan pauwi
Panibagong halimaw sumalakay muli

53 Ito naman ay sa itaas nagmula
Isang bulalakaw na hugis dalaga

54 Sa lalaking si Birio’y dahan-dahang lumapit
Dumampi sa lalaki ang katawang mainit

55 Wari’y nang-aakit ang kakaibang nilalang
Subalit sa pagnanasa’y si Birio’y humadlang

56 At sa isang saksak ng espada
Bulalakaw naglahong parang bula.

-07/18/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 177

— The End —