Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
HYA Dec 2017
Tayo'y pinagtagpo lang pala
At hindi itinadhana para sa isa't-isa
Tayong dalawa ay patuloy na umaasa
Ngunit ngayon, kailangan ko ng lumayo. Pasensya.

Sabi mo, gusto mo ako
Aking puso't isip ay nagtatalo
Kung maniniwala ba sa sinabi mo
Dahil baka ikaw lamang ay nalilito

Nalilito sapagkat ako lang naman ang kasama mo sa lungkot
Nagbabalewala sa utot **** kay bantot
Nagpapasaya sayo kapag hindi mo kayang tumawa
Sumasagip sayo kapag ika'y naaaberya

Yung totoo, gusto mo ba talaga ako?
Tandaan, ang gusto at kailangan ay hindi magkapareho
Huwag **** pilitin kung hindi naman kaya
Tanggap ko na noon pa,  huwag kang mag-alala

Kaya mahal, ako na ang lalayo
Subalit bago iyan, iiwanan kita ng isang payo
Minsan,  kailangan mo ring sundin ang iyong puso
Dahil kapag utak lang lahat, ito'y maglalaho

Sana maging masaya ka sa kanya
Alam mo kung sino tinutukoy ko,  bwesit ka
Simula't sapul, diba siya naman talaga?
Brad,  matalino ako, hindi tanga

Sige na. Pinapalaya na kita
Kahit anuman ang mangyari, may tagasalba ka
Huwag ka ngang duwag,  ano ba?
Huwag kasing ipagpilitan sakin ang sarili kung gusto mo pa siya.

Lalayo na ako ha?
Lalayo na ako bago kita malayo sa kanya
Paalam, aking sinisinta
Heeey awis
J Dec 2016
Puno nanaman ang aking isipan,
Hindi ko alam paano at saan ito sisimulan,
Mga panahong kailangan ko ng kakapitan,
Ikaw sana ang takbuhan ngunit para bang ang layo mo na para akin pang lapitan.

Mga panahong sinabi natin na walang iwanan,
Subalit unti-unti nang napunta sa kawalan,
Marami tanong; maraming kwento,
Sa mga oras na ilalahad mukhang hindi intiresado,

Alam kong pag may umalis sa buhay mo,
Tuluyan mo ng kakalimutan at ika'y lalayo,
Ngunit pag ako'y kailangan,
Wag kang mag-atubiling ako'y tawagan.

Mali bang mapagod? At magpahinga?
Dahil kung mali iyon patawad ngunit kailan ko lang huminga,
Sa mga tingin palang alam kong maraming nagbago.
Kasalanan ko ba 'to? O sadyang hinayaan nalang maging ganito.

Patawad, ilang beses ko ba kailangan sabihin?
Patawad, patawad, patawad. Ilang beses ko ba kailangan ulitin? **Patawad.
Isang salita lang, patawad.
Hindi na ikaw ang gusto ko
Yan ang lagi kong paalala sa sarili ko
Sa twing nakatingin ako sa sayo.
Ayaw ko na ng mga mata mo.
Ayaw ko na ng mga ngiti mo.
Ayaw ko na ng lahat sayo.
Pinili kong maging pusong bato
At hindi pansisinin ang nararamdaman ko.
Parang normal lang
Gaya nung wala pang ikaw.
Kaya ko nung wala pang ikaw
Nagkandaletche letche lang nman ako nung may ikaw
Kasi nung may ikaw
Para akong baliw na laging nakangiti
Nakatingin sa langit
Iniisip ka palagi
At
Ayaw ko na non.
Kaya araw araw akong magiging bato
Sasanayin ang sarili magmukha lang na malakas ako.  
Kahit nakatingin ako sayo ngayon.
Ngayon.
Ngayon parang kinakain ko ang lahat ng pinagsasabi ko
Bakit ikaw parin ang gusto ko
Sa pagising sa umaga
excited pa akong pumasok
kasi ikaw ang makikita ko
kuntento sa sandali
HINDI
kuntento sa isang oras na pasulyap sulyap sayo
“pasulyap sulyap”
Ibig sabihin Segundo
Pero sa bawat segundo ng isang oras na gunugugol ko
Ang gusto ay ang tumitig lang sayo  
Sa mga mata mo, sa ngiti mo
Kahit sa lahat ng kaabnormalan ng katawan at isip mo
Tanggap ko.
Kasi ikaw parin ang gusto ko
Ikaw ang gusto ko
Sabi pa nila tumingin na raw ako sa iba
Kaya sinunod ko sila
Pero sa twing ikaw ay makikita
Parang madilim na kwarto
na ikaw lang
Ang tanging ilaw na bukas
Sa sandaling yun
Walang ibang gamit
Kundi isang ilaw na naiiba sa lahat.
susubok akong magsalita pero lalayo kana
tinatawag ka ng kaibigan mo
kasi ang isang oras ay tapos na.
“SANDALI” sabi ng prof.
muling napinta ang ngiti sa labi
dahil sa huling sandali
sumulyap muli sayo.
   Patapos na ang sandali
At tinawag kana muli
ng mga kaibigan mo.
habang hinihiling ko,
Na sana ay muling magsalita ang prof ng kung ano,
Pero sa oras na yon unang lumabas
ng silid ang propesor.
dahil tapos na ang sandali
Tapos na.
Ang isang oras.
Euphoria Jan 2017
Hindi ikaw ang aking mundo.
Ikaw ay parte lamang ng aking kwento.

Hindi ikaw ang kalawakan.
Ikaw, tayo, kahit pagkakaibigan ay may hangganan.

Hindi ikaw ang buwan
Na nagbibigay liwanag sa aking karimlan

Hindi ako isang puno
Na aasa, mananatili, at maghihintay na mapansin mo.

Ang mga sugat na dulot ng ating mga sala
Ay hindi maghihilom basta- basta

...

Kaya ako na  ang hihinto, lalayo,
Ang magsasara ng pinto.
Ako na ang susunog ng tulay,
Ang puputol ng nag-uugnay.

Ako na ang bibitaw
Sa pagkakaibigang nasira ng pagmamahal na nag-uumapaw,
Ng bugso ng damdamin,
Ng tukso at mga tinagong saloobin.

Hindi naman maayos
Ang hindi sinusubukang i-ayos.

Kaya tama na nga siguro
Ito na ang dulo ng kayang tanggapin ng puso ko.

Paalam na sa mga tanong na kailanma'y hindi na masasagot,
Sa puso kong puno ng takot
Sa paglisan at pagbitaw
Hanggang sa ikaw na mismo ang umayaw.

Paalam na sa mga pangakong napako,
Sa mga katagang "walang magbabago",
Sa mga salitang binitawan
Ngunit hindi mo napanindigan.

Paalam na sa titulong "matalik na magkaibigan."

Paalam na sa lumabong pagkakaibigan,
Sa mga hinanakit at hindi pagkakaintindihan.

Paalam na sa sakit at pait
Na dala ng pag-ibig na hindi maaaring ipilit.

Paalam na sa labing-apat na taon.
Masasakit na alaala'y aking ibabaon.
Iiwan ka na sa nakaraan.
Papalayain ang sarili sa gapos ng nagdaan.

Sa pagiging estranghero nagsimula,
Estranghero rin akong lilisan.*
Ito na ang huli kong paalam.

-41-
This is the last poem I'll write for you for we will never have our goodbye. We were connected in a level unknown to us. We understood without words. Thanks for the memories.
Mae Mar 27
ang mundo'y umiikot,
mga tao ay nag babago.
unti-unti,
sila'y lalayo.

baka kulang pa nga,
ito'y hindi sapat.
siguro'y ika'y sabit lamang,
makakalimutan ka rin, balang araw.
Uanne Feb 12
Ikaw at ako
alam kong wala namang tayo.
Sino ba ang talo?
Hulaan natin kung sino.

Isip ko'y nalilito
ano ba ang gagawin ko?
Mananatili o lalayo?
Alam ko namang malabo.

Di na lang kikibo
Hahayaan na lang siguro
kahit di naman talaga sigurado
Kung magiging tayo.
Ikaw. Ako. Walang ikaw "at" ako.
02.12.19
M e l l o Jun 11
Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang ating kwento.
Hindi ko din alam kung kaya ko bang ikwento.
Pero eto ako kahit ayaw ko sige pa din sa pagsulat, inilalabas lahat nang nakatagong kwento,
mga alaala mga pagkakataon na pilit kinakalimutan ng utak pero ayaw lumimot ng puso.
Ganun na lang ba palagi?
Tila lagi na lang nagtatalo yung puso at isip pagdating sayo?
Ang swerte mo naman puso’t utak ko gumugulo pero ako ba sa’yo ay ano?
Tatlong taon.
Tatlong taon na ginugulo ng pangalan mo ang mundo ko.
Na tila ba parang ayaw kang bitawan ng sistema ko.
Siguro ay dahil nasanay na ako.
Ano pa bang magagawa ko? Eto talaga yung totoong nararamdaman ko. Pero ano?
Tatlong taon din na binabalewala mo. Baliw na yata ako.
Ayaw ko na.
Pagod na ako.
Dahan dahanin ko na yung paglayo ko sayo.
Oo.
Lalayo ako at pipilitin kong umahon mula sayo.
Ang pagmamahal kong ‘to nagpapalubog sa sarili ko.
Kailangan kong bumangon at sa pagkakataong ito hindi na ako iiyak.
At kailanman hindi na bibisitahin ang mga alaala mo.
Tama na.
Sa pagkakataong ito ay ako naman.
Papahalagahan ko na yung sarili ko na sinayang ng ilang taon sayo.
Babawiin yung mga luha sa pamamagitan ng pagngiti sa paparating na mga araw na ito.
At unti unting kakalimutan ang pag ibig na binasura mo.
Mahirap sa simula.
Pero pipilitin ko.
Lahat ng puyat ko sayo babawiin ko sa pagtulog sa darating na mga gabing din ito.
Eto na yung huli.
Eto na din ang bagong simula.
Nang bagong ako.
Una
Oo, heartbroken ako
Bakit pa kasi ikaw ang pinili ng puso ko?
Pakinggan mo ko kung sabihin ko man na hindi ko ito ginusto
Bigla nalang kumusang lumindol ang aking mundo

Hindi ko maintindihan,
ano ‘to?
Kasing tamis ng kendi ang mga salita mo kahapon
Pero
ngayon hindi lang man ako makausap
Giniginaw na ako
nami-miss ko na ang dati nating mga masisiglang araw
Mayroon ka na bang iba?

Kaya ngayon,
Ako’y magsisimula
Hindi na kita i-istorbohin o mamahalin pa
Alam kong mahirap dahil ikaw ang aking pinaka una
Pero kakayanin ko
Hindi para saiyo ang itong gagawin ko
Ngunit para saakin
Gagawa ako ng tulay
At lalayo na din
saiyo
Tutal, hindi ba ito ang iyong gusto?
Dedicated to my first love

Sorry for the people who can’t understand it. I wanted it to be in Tagalog

— The End —