Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
EU EU May 17
Tila ako'y pinaglaruan ng tadhana
Nalulunod sa mga baka sakali
Bungad nito'y panandaliang tuwa sa una
At pangmatagalang pait at sakit sa huli

Unang yakap at halik mula sa kabiyak
Nagdulot ng pagluha dahil ang tayo'y malabo maging tiyak
Handa akong masaktan at bitawan ka
Mamahalin kita habang may oras pa
This is a poem I made when we decided to end our relationship in 5 months but now we are forever. ITS A CUTE AND LONG STORY HEHEHE
kinalimutan mo na kaya ako?
sa mga oras na nasa presensya ng bawat isa
naaalala mo rin kaya ang mga hangal na desisyong nagbuklod sating dalawa?

dahil ako, palagi.
sa tuwing nandiyan ay pinapauli-ulit
ang transisyon ng pagkawalay ng dalawang pinaglapit
sa pagkalimot ng isa
paulit-ulit nagsisimula sa umpisa
ani mo'y palabas sa sariling haraya

iniipit ako ngayon ng tahimik
ni walang imik sa pagitan nating dalawa
napagod na ang mga paang umakyat para lang matanaw
o magbigay ng senyas, nagdadasal na bigyang habag

napapangiti na lang sa mga gunita
dahil naaalala ang ilang beses na pagsuko at pagtayo namang muli
tulad ng paulit-ulit na pagtugtog
ng musikang nagpapaalala sayo
idk *** 2/4/19
cherry blossom Nov 2017
Mahal, nakalimutan na kita
Hindi ko sinubukang kalimutan ka,
Hindi ko sinasadya, maniwala ka
Pumagitna lang naman ang oras at ang kalayaan sa ating dalawa
Para kay B.
10/13/17
NoctOwl Oct 2017
Kay bilis din ng panahon aking kaibigan
Tulad ng paglaho ng pangalan mo sa inbox ng cellphone na gamit ko
Na dati ay napupuyat upang makatext lamang ang isang tulad mo
Ngayon ay nagtatanong kung mayroon ka pa ba ng mga numero ko?

Kay dali nga siguro lumipas ang oras
Tulad ng chat box sa facebook na hindi na kita mahanap
Na noon ay laging nasa unahan at puno ng tawanan ang nilalaman
Ngayon ay tila nalulumbay at ayaw tumahan

Salamat sa lahat ng mga alala na ito aking mahal
Masaya akong ulit ulitin ito sa aking isipan
Huwag ka mag alala dahil ako ay hindi nangangamba
May langit pa naman, kung saan walang time limit ay makakapiling ka.
ESP Feb 2017
sa unang sulyap, nabago mo lahat
sa unang isang oras, isang iglap
ako ay iyong iyo na

sa sandaling nakita ang sinag sa iyong mga ngiti
nagbubunyi ang mga matang naaakit
sa mga sulyap nating nagsasalit
di ko inasahang mananatili

patawarin; di ko na mai-alis
ang titig ko’y wari’y di mo na nais
di na matiis ikaw sulyapan pa
sana’y di na ito matapos pa

ang sandaling nakita ang sinag sa iyong mga ngiti
nagbunyi ang mga matang naakit
sa mga sulyap nating nagsalit
di ko inasahang nanatili.
Isang kanta.
Celaine Dec 2016
Sa bawat paggalaw ng mga kamay sa orasan
Naitatala nito ang takdang oras.
Ito ang mga kamay na sumusukat sa bawat
Segundo, minuto at oras sa bawat araw
na lumilipas.

Ngayong araw na ito,
tila sadyang nagmamadali ang
yaring mga kamay
na parang bang may hinahabol.
Hindi naman sila mga paa
Ngunit sila’y parang kumakaripas ng takbo

Sa aking pagtingin sa mga mabibilis na kamay,
nabagabag ako sa pagkaripas nilang ito.
Na kung sila’y magkakabuhay lamang
Ay aking itatanong,
“’Hindi pa ba kayo napapagod?”

Akala ko ba’y
Bilog man o parisukat ang hugis ng orasan
Ay ito’y patuloy na tatakbo?
Tatakbo at tatakbo.
Tatakbo lamang sa lugar na iniikutan nito
at hindi lalayo.
Iikot ng iikot.
Tulad ng ating mundo na hindi naiisip na tumigil.
Liban na lamang kung mayroong sadyang pipigil,
kung sadyang naubusan ng batirya,
kung nawalan ng dahilan para hindi pumalya.

Ngunit
sa isang saglit na pagpikit ng aking mga mata,
'Di ko nabatid kung isang panaginip
o isang realidad na nga ba ang aking narating.
Ang mga kamay na laging kumakaripas ng pagtakbo
ay bigla na lamang huminto.
Ang pagkumpas ng oras ay nabigo.
Ang panahon natin ay naglaho.
Habang aking isinusulat ang tula na ito, aking biglang sabi sa sarili,  "Dami **** time, girl. May research paper ka pa." HAHAHA how ironic

— The End —