Baka sakali, Na ikaw na yung taong hinihintay ko Hindi kita hinanap pero dumating ka nalang sa buhay ko Siguro nga baka sakali
Hindi man sigurado Pero hindi ko na gagawing kumplikado Masaktan man ako Tatanggapin ko dahil minsan na rin naman akong naloko
Sasabihin ko sayo pag nahihirapan na ako Sasabihin ko sayo pag suko na Pero mukhang malabo Hinding hindi na ata ako lalayo sayo
Sana nga, Sana nga yung baka sakali Maging totoo na Maging sapat na
Pero sa totoo lang Sapat na sapat ka na Sobra pa nga Kaya nga nagbabakasakali ako na hindi mo ako bibiguin
Kasi pag ginawa mo 'yung bagay na yon Iiyak lang ako Pero babalik pa rin ako sayo Tawagin mo akong tanga o ano pero hindi ako magpapakatanga para lang sa hindi importanteng tao
At isa lang ibig sabihin ng lahat ng ito Baka sakali man to Pero dahil mahal kita Tingin ko ikaw na ang baka sakali ko hanggang dulo.