Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Apr 2016
Nakakapagod makitang lagi kang may kasamang iba.
Nakakapagod pakinggan ang mga kwento mo tungkol sa kanya.
Nakakapagod isipin ang history ng love life mo.
Nakakapagod tanggapin na, sa ngayon, hindi ako ang para sa iyo.

Pero salamat sa tiwala.
Salamat sa tawanan.
Salamat sa mga panahong natutuwa kang makita ako.
Salamat sa pake mo sakin.

Na kahit pa ulit-ulit na nagagasgas ng mga salita at gawa mo ang puso ko,
Binigyan mo ako ng panahong makilala ka. At malaman ang mga saloobin mo.

At oportunidad na mahalin ka kahit masakit.
Ang tunay nga na pag-ibig ay walang hinihinging kapalit.

Kaya huwag kang mag-alala,
Anumang gawin mo,
Hindi ako lalayo.

Dahil alam kong kailangan kita,
Pero deep down
...
Kailangan mo rin ako.
From A Heart
Written by
From A Heart
2.9k
   ---
Please log in to view and add comments on poems