Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Aug 2016
Ilang sulatin ba
Ang kailangang gawin
Upang bumalik ka sa akin?
Andito sa malayo
Nanghihingi ng payo
Kung ako ba'y mas lalong lalayo
Dahil sa sakit ako'y punong puno
Pero heto ako ngayon
Malapit na akong umuwi
Upang masilayan ulit ang iyong ngiti
Ang ngiting masaya
Dahil sa kanya
Okay na ko na okay ka
Kahit kapiling mo'y iba.
Luha man ay nasa gilid na
Nang masakit kong mata
Masaya akong masaya ka.
#impromptu
Pain-A-Full
Written by
Pain-A-Full
1.4k
 
Please log in to view and add comments on poems