Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Bilangin ang iyong mga pagpapala sa halip na ang iyong mga krus;
Bilangin ang iyong mga nakuha sa halip na ang iyong pagkalugi.

Bilangin ang iyong mga kagalakan sa halip na ang iyong mga abala;
Bilangin ang iyong mga kaibigan sa halip na ang iyong mga kaaway.

Bilangin ang iyong mga ngiti sa halip na ang iyong luha;
Bilangin ang iyong tapang sa halip na ang iyong kinakatakutan.

Bilangin ang iyong buong taon sa halip na ang iyong payat;
Bilangin ang iyong mabait na gawa sa halip na iyong ibig sabihin.

Bilangin ang iyong kalusugan sa halip na ang iyong kayamanan;
Mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng iyong sarili.
George Andres Jul 2016
PAG-ASA/ISKOLAR NG BAYANG DUKHA
Madilim na sulok,
Kung san nagdurugo ang mga palad habang rosaryo’y hawak
Gunita’y lumipad habang likod’y dumaranak
Naalala ko pa no'y si Inang ingat na ingat sa isang batang mataba,
Matabang pitakang puno ng libo-libong kwarta
Sahod nilang mag-asawa na sa akin lang ginagasta
Para sa tuition ko, para sa pagkain, pamasahe't libro
O inang minamahal ako nang labis
Kung ang buwaya pa kayang tumatangis
Di maantig sa iyo’t tumalilis?
Sa pagligo sa likod ay laging may langis
Langis ng niyog na kinayod ng ‘yong nginig at mapupula nang kamay
Kung sa gabi’y rinig na rinig ko ang iyong pusong lukso nang lukso
Sa ilalim ng kulambong dinusta na ng panahon
Di mo magawang umalis kung dapuan ako ng sipon
Mga lamok na dumadapo di ligtas sa kanyang paglilitis
Sa loob ng tahanan di makitaan itlog ng ipis

Ako ang pasakit ng aba ninyong buhay
Pakiusap, pilitin **** lumakad parin gamit ang 'yong saklay
Hintayin **** mabigyan rin kita ng magandang buhay
Kung pagiging matiwasay ay dahil sa pagkakawalay
Tila di narin kaya ng loob kong patpatin
Sa ideya lamang nito’y tiyak na lalagnatin
O inay! Patawad kung pagod nang tumaas-baba pa aking baga
O Lubid sa inaanay na dingding  na tinitingala
Sa halip ng makikinang at mala diyamanteng mga tala
Huwag mo akong paglawayin sa iyong panlilinlang
Di magagawang sakupin ng depresyon ang tino kong nawawala
Ni ihulog ako nang tuluyan sa mahabaging grasya
Dahil kung sa pag buhos ng kamalasan ay patakan ang huling pasensya
Sa baha na isang pagtaas na lamang ay lulunurin na
At saka lamang ako sa huli'y makakahinga

Isa na akong kawalan na nilagyan ng katawan
Saksakin man, wala na akong maramdaman
Walang kikirot na laman
Walang dugong dadaloy nang luhaan
Sundalong natuyot na ng labanan
Binalot na ng kahihiyan at pagtataka kung mayroon ba akong kakayahan?
Biningi na nga ako ng mga sigaw sa aking isipan

Mas dukha pa akong di makakita pa ng liwanag
Liwanag na sa Bilibid natitikaman miski mga nag-aagawan
May hangin ngunit ako lang ang nalulunod
May dagat at ako lang ang di makalangoy
Mas preso pa akong walang makain nang di hamak
Mata kong bagsak at pula na, tighiyawat na parang sunog at di na maapula
Kakapalan lang ang ipakita ang mukha sa labas
Dahil kailan ba ang mundo'y naging patas sa batas?
Batas ng pag-iral ng matibay na loob
Ito na ang mga taong noo'y tinawag kong ungas
Bumubuhay na ng pamilya't may pambili na ng bigas

Sa loob ng maliit na kwadro
Sapat ang isang upua't mesa at isang kabayo
Sabit pati ang yabang kong diploma sa taas ng orocan
Lukot na resumé sa aking harapan nagmuka nang basahan
Mas tanggap pa sa trabahong pamunas ng puwitan
Ngunit mas higit pa ba ang munting papel kung nasaan aking larawan?
Bakas ng ilang buwang puyat at thesis na pinaghirapan
Salamin ng ninakaw na kabataan, ng inuman at kasiyahan
Repleksyon ng mga desisyong sa nakaraa'y napagpasiyahan

Bakit ako tatanggap ng trabahong mababa pa sa aking kakayahan
Bakit call center lang ang aking babagsakan?
O maging alila sa mga sinliit rin nila ang pinag-aralan?
Piso lang ba  halaga ng lahat ng aking pagsisikap?
Ito ba ang direksyon ng matamis na buhay na sa huli'y inalat?
Madali pa pala ang unibersidad
May kalayaan, oo tao'y mga mulat
Marami umano  ang buhok ng oportunidad
Hatakin man ay nasa harap ang bagsak

Kahapon itlog at pancit canton,
Dala ni nanay noon pang huling dalaw sa aking kahon
Inakalang sa tren isa akong bagon
Sa bilis ng oras ay papadayon
Isang buwan nang matapos na ako
Inakalang ito na ang hudyat ng aking pag ahon
Totoong mundong ganito pala ang paghamak at paghamon
Interbyu sa opisinang may pagka-amoy baygon
Ugali sa trabaho’y ako raw ay patapon
Kaklase sa hayskul aking nakasalubong
Nagsimula sa wala, ngayo’y umuusbong
Eh ilang beses ba ‘yong umulit ng ikatlong taon?!
Di maatim ng sikmura sila'y yumayabong
Habang ako rito sa kumot ay nakatalukbong

Hawak ko ang kwintas na mistulang ahas sa aking leeg
Nawalang pag-asa ng bayang tinakasan
Sasablay ako hanggang sa huling sandali
Kagitingan at kagalingan ang aking pasan pasan
Taas ang kamao habang dama ang gasgas ng tali sa aking lalamunan
Hinding hindi ninyo ako magiging utusan

Ito na ang mga huling salita sa aking talaarawan
Sinimulan kong isulat nang matapakan bukana ng Diliman
Bitbit ang banig at walang pag-alinlangan sa kinabukasan
Tilapiang pinilit sumagupa sa tubig-alat
Hinayaang lamunin ng mga pating na nagkalat
Nag-iisang makakaalis sa aming bayan
Dukhang nakita ang yaman ng Kamaynilaan
Dustang panliliit ang aking naging kalaban
Gabi-gabing basa aking banig sa malamig na sahig
Paulit-ulit sa aking pandinig ang salitang isang kahig!
Sa huli'y ano bang idinayo ko sa pamantasan?
Oo! Oo! Kaaalaman at pag-ahon sa kahirapan
Sa agendang ito ako pala ay tumaliwas
Sa mumurahin ako’y umiwas
Anupa’t sa aking kabataan, naging mapangahas
Ginamit nang ginamit pag-iisip kong nawalan na ng lakas
Sumama sa lahat ng lakara’t laging nasa labas
Tinapos agad-agad mabalanse lang ang lahat
Gabi-gabing sunog kilay pati balat
Waldas dito waldas doon, yan lang ang katapat
Sa huli’y doon na nga natapos ang lahat

Singsing ng pangako sa kanya,
Sa pamantasang sinisinta
Sa kahirapan di niya ako makikita
Bayang yayapusin mala linta

Ako raw ang pag-asa, isang iskolar ng bayang nais maglingkod sa bayan
Oo, naghikaos ang pamilya makalusot lang
Taas ng pinag-aralan, kung sa ibang bayan, sahod lang ng bayaran?
Mamamatay akong may dangal at pagmamataas sa aking kinatatayuan
Tatalon sa bangko't idududyan sariling katawan
Inyo na ang thirteenth month pay ninyong tinamuran!
Patawad sa bayan kong di na mapaglilingkuran!
Paalam sa bayang di pa rin alam ang kahulugan ng kalayaan!
7816
Edited this again for a schoolwork.
JOJO C PINCA Dec 2017
Walang sukat ang damdamin at wala rin itong tugma,
Ang wagas na pag-ibig o nagbabagang galit ay walang ritmo,
Lahat ng ito ay dapat na lumaya. Sumabog na tulad sa bulkan
Kung kinakailangan o di kaya ay dumaloy na tulad sa agos ng ilog.
Ganito ang malayang taludturan na aking tinatangkilik, oo alagad ako
Ni Walt Whitman at hindi ko ito ikinakahiya.

Hindi ko kinakailangan na bumilang ng mga araw, lingo at buwan,
Hindi ko kailangan na pagandahin ang mga salitang isusulat ko.
Totoo na gusto ko ring sumikat at makilala ng balana ang maging tanyag
Na tulad ng iba. Subalit wala akong balak na itakwil ang aking tunay na
Saloobin, hindi ko isasakripisyo ang aking nararamdaman para lang
Tanggapin at kilalanin ng iba.

Minsan mala-sutala pero mas madalas ay magaspang na tulad sa sako
Ang mga salitang ginagamit ko. Hindi ako nanunuyo sa halip madalas ako’ng
Nagmumura at nang-uusig. ‘Pagkat yan ang laman ng aking dibdib at hindi
Ko ito ikinakahiya. Malaya ako na tulad sa malayang tauldturan na itinataguyod ko.
Putang-ina ko man kahit hindi ako ma-publish gagawin ko parin ito.

Hindi ko pakikinisin ang magaspang na katotohanan, hindi ko pababanguhin
Ang nangangalingasaw na kaganapan ang isusulat ko ay ang tunay lamang.
Magiging tapat ako sa aking damdamin, hindi ko uulolin ang aking sarili at hindi
Ako mag-iinarte sapagkat hindi naman ako artista. Hindi ito Sunugan o Flip Top ito ang
Tunay na ako na s’yang nagsasalita. Hindi ko kailangan na magpatawa.

Ang tunay na makata ay naglalahad ng katotohanan hindi ng mga salitang
Gustong mapakinggan lamang ng mga taong bumabasa ng kanyang mga tula.
Walang sukat at walang tugma ganito ang tunay na demokrasya. Damdamin ko
Ang magdidikta, ito ang panginoon ng aking panulat.
Cedric Feb 2019
Napa-ibig ako sa aking kinakaibigan.
Sa una siguro’y ang pakiramdam ay magaan.
Nagkakilala ng basta-basta, walang dahilan.
Siguro dahil na rin sa  mabuting kapalaran.

Isang araw’y nalaman ko,
Magkapit-bahay lang pala kami.
Lalong nagkalapit ang puso’t damdamin.
Makalipas ang isang taon ng pagkikilala,
Sa dami ng tambay, kain, at gala,
Sa problema ng tropa o kaya’t sa pamilya,
Sa ngiti at ngisi sa bawa’t asaran,
Sa halip na ika’y may pagkasira,
Sa iyong puso na palaging hinihiwa,

Naroon ako sa iyong tabi,
Unti-unting napapangiti,
Napapamahal,
Nahuhulog ang dibdib,
Sa iyong pagkatao’t diwa.

Naaalala ko pa noong ika-siyam ng Mayo,
Bago matapos ang taon ng pag-aaral,
Sa isang buwan magkakahiwalayan na,
Magkokolehiyo na’t iiwan ang mga pinagdaanan.
Umiyak ka sakin habang nakain pa ng pakwan.
Na natatakot lang magsimula ulit,
Na makaranas ng bagong landas,
Na magbago, at maging kung sino man.
Na mahal mo ang iyong mga kaibigan,
Na ayaw mo silang iwanan.

Sinabi ko sayo,
Ika’y minamahal,
Ika’y itinatangi.
Ngunit hindi ko masabi,
Na ako ang magmamahal,
Ako ang magtatangi sa’yo.
Kaya ako’y gumawa ng katwiran,
Na kaming mga kaibigan mo,
Ay naririto lamang.

Ang pag-ibig ay parang nota,
Sa musika ng tadhana,
Sa teatro ng buhay.
Ito’y maligaya,
Upang hikayatin,
Ang ating puso na makinig.
Ngunit hindi kang saya ang ipinaparating.
Kundi’ hirap, lungkot, at paghihinagpis.

Parang emosyonal na gitara,
Na minsan nasisira,
Napuputol ang kwerdas,
Nasasaktan ang kamay,
Nalulumbay sa tono,
Habang humihiyaw,
Kumakanta ng buong puso,
Para sa ating mga sinta.

Dumating ang Agosto,
Miyerkules ng unang linggo,
Sa ika-beintidos ko nalaman,
Na galing pa sa iyong dila,
Na ako’y huli na sa paligsahan,
Na mayroon ng nanalo sa laban.
Ang puso mo’y nasagip na ng iba,
Ika’y nagkwento ng matagal-tagal.
Ang ningning sa iyong mata’y,
Parang ilaw sa entablado,
Nakikita ko ang mga sumasayaw,
Ligaya ang aking nararamdaman,
Habang ang aktor ay ako,
Na iyong tinitigan ng husto.
Pinipilit makinig nang maigi,
Sa kwentong busilak ng pag-ibig.

Ngunit pagkatapos ng kwento,
Naiwan akong mag-isa.
Sumigaw ng wala sa tono,
Sa kanta na puro hiyaw.
Hindi ko inakala,
Na ang kanta ko’y ganito,
Naisulat na ang mga nota,
Ngunit bakit masakit sa tenga?
Sa simula ng ika’y makita,
Nagsimula na ang tugtog.
Ngunit hindi ikaw ang aking kasayaw,
Hindi rin naiwasang mahulog.
Kahit pigilan ko man ang sarili,
Ako’y nahatak ng iyong tunog.
Magaling ka sumagaw,
Kwento mo’y ako’y napaikot.

Napapaisip ako,
Anong nangyari,
Bakit natapos,
Ang ating kanta.
Ng wala man lang paalam.
Ika’y bumula.
Nawala sa aking buhay.
Na para bang multo.
Hindi ko malapitan,
Mahawakan,
Matawag,
Ni mabanggit ang iyong pangalan.
Nawala ang ating teatro,
Nagkahiwalagan ang magkaibigan,
Ang direktor ay lumisan,
Upang maiwasan ang drama.

Napapaisip ako ngayon,
Bakit ikaw pa rin sa ngayon!
Ikaw na multo ng nakaraan,
Ang aking minamahal hanggang ngayon.
A Filipino poem about this girl I became close friends with. Originally a spoken word poetry for other purposes. I decided to post it here because, why not. I’m still in love with her up to this day. Well, it’s only been six months so this will be a long painful process.
m X c May 2019
gabing hindi mapakali,
gustong humagolgol, ngunit walang luhang pumapatak,
sikip ng dibdib ay hindi maintindihan,
ilang kilometro na ang takbo ng isip,
ngunit ikaw lamang ang iniisip,
Papalayain na ba ang sarili?
o hahayaan nalang na magkusang mawala,
dahil nagmimistulang bangkay na at hindi na maramdaman ang muling umibig.
ang makita kang masaya na, ay akin ding kasiyahan,
mga katanungan ko'y hangang tanong nalang.
sinusubukang ngumiti tumawa ngunit, aking lamang pinaglalaruan ang aking sarili, dahil sa halip tuwa at saya ang aking maramdaman ay parang normal lang.
PAPALAYAIN NA AKING SARILI,
sa nakaraan nating ako lang ang nakakalam, na parang ako lang ang nakakaalala.
ito na nakakaramdam na pala ako ulit.
SAKIT pala ang aking nararamdaman, na ako'y napag iwanan na, na ako nalang ang nabubuhay sating nakaraan. TAKOT, na ako'y tuluyan mo na palang nakalimutan, TUWA na ikaw ay masayang masaya na, ngunit sana ang mga tanong gustong itanong saiyo, matuldukan na, pangamba ko lang ay hindi nanaman ito sagutin. pangamba ko din ay baka hindi mo na ako ituring na kahit parang kapatid lang, yon ay aking tanging hiling.
ngayon ay siguro panahon na para,
Palayain na aking SARILI,
ngayon luha na ngay bumuhos sa umagang gansa ng sikat ng araw,
at ngayon sa huling pagkakataon ipapadama sayo,
K. ikaw lang, mahal kita, minahal kita, at kung baliktarin man ang mundo at kung saan pwede na ang TAYO, K. mamahalain parin kita.
mahirap man sakin ngunit siguro ngay ito rin ang iyong inaantay ang,
Palayain na aking SARILI.
there's always someone who will never be YOURS, iloveyou more than anyone knows.
thanks, and i will always be your MACy.
Crissel Famorcan Mar 2017
Ang bansang pilipinas sadyang magtatagumpay
Kung nanunungkulan dito,mahinaho't malumanay,
Matalino't masipag,may prinsipyo sa buhay,
Kayang mamuno ng bansa,masigasig na tunay.

Ngunit sa kasamaang palad, di natin ito nakamit,
Kaya mga mamamayan,para bang nakapiit
Mistulang preso nang kahirapan humagupit,
Walang kasama sa dusa, walang karamay sa sakit

Nasaan na ang pinunong inyong iniluklok?
Bakit hinayaan niyang pilipinas ay malugmok
Sa kahirapan ng buhay at magmistulang lamok?
Palipad - lipad o kaya naman ay nasa isang sulok.

Kung minsan ay talagang napapaisip ako
Ano ba talaga ang silbi ng gobyerno?
Para ba mangurakot at magbalatkayo?
At hayaang maghirap ang sariling bansa ko?

Kung titingnan kasi nating mabuti sa mata,
Pilipinas,ilan nalang ang tanawing magaganda
Hirap na mamamayan ang iyong makikita,
At mga batang lansangang kumakalam ang sikmura

Nasaan na ang pondo ng ating bayan?
Bakit naghihirap ang mamamayan?
Katwira'y marami daw pinaggagastusan
Ang mga departamento ng pamahalaan

Isa daw dito ang 4p's kung tawagin
Na tumutulong daw sa mga kababayan natin,
Pero ang nakikinabang,mayayaman lang din,
Sa halip na yung pamilyang walang makain.

Bakit katarungan ay hindi makita
Sa gobyerno ng bayan kong kawawa?
Nasaan na ang mga taong may pusong dalisay,
Na sa bayan ay handang maglingkod na tunay?

Kung ako ang tatanungin,ang akin lang masasabi,
Mga kurap ay laganap at plastic ang marami
Tapat na tao'y kanilang hinuhuli
At pamamalakad nila ang nais mamalagi

Kaya sana sa halalang papalapit,
Yung matitino naman ang ating ipalit
Mga tapat at di manggagamit
At kaunlaran ng pilipinas ang nais makamit..
KRRW Aug 2017
Si Jamaeda:
Isa siyang matrona
na ang pangarap
ay ang wagas
na kagandahan.
Palagi siyang
nilalait ng kanyang
mga kaeskwela.
Maging mga kapatid niya
ay nilalayuan siya.
Samantala,
ang mga magulang niya
ay ikinahihiya
ang kanyang
kakatwang presensiya.

Isang araw,
kanyang natuklasan
isang natatanging pormula
upang makamtan
pinakamimithing kagandahan.

Mula sa laboratoryo
lumabas ang isang
mestisang diyosa
na siyang nagdulot
nang tiyak na pagkahulog
ng bawat panga
na nilalampasan niya.

Puri dito, puri doon.
Ang tainga niya
ay pumapalakpak.
Kaway rito, kaway doon,
hindi siya matigil
sa kahahalakhak.

“Sa wakas,”
ika niya,
kagandaha'y napasakanya.
Subalit,
ngunit,
datapwat,
langit biglang
kumulog,
kumidlat.

Habang ang diyosa'y pauwing
mahinhing naglalakad,
nakasalubong niya
ang isang matrona
na siyang nagpaalala
ng mapait na nakaraan niya.
Itsura ng matrona
sadyang kasuka-suka
mas masahol pa
sa dating muka ng diyosa,
wika ng marami
pinagsukluban ng langit at lupa
maging impyerno ay nakialam pa.

Hiling nito sa diyosa
ibahagi ang sikreto niya
sa pagbabago ng uling
at naging isang ginto,
ngunit ang kagandahan
ng diyosa'y panlabas lang
sapagkat kanyang budhi
lubos-lubos ang kaitiman.
Itinaas ang kilay
at saka pumanhik,
hindi niya namalayan
ang nagbabadyang panganib.

Plok! Plak!
Inay ko po'y kaysakit!
Ang diyosang marikit,
napasubsob sa putik.

Ngunit sa halip
na malambot ang lupang hahagip
'yon pala'y sa ilalim
may nakatagong talim.
Matigas niyang mukha
ginuhitan ng pait
ang maladiyosang matrona
nasiraan ng bait.

Lahat ng tao'y
naengganyong lumapit,
sa lakas ng kanyang sigaw
dahil sa sobrang sakit.
Imbis na tulunga'y
pinagtawanan, nilait.
“Hahaha! Buti nga sa 'yo,
mayabang ka kasi,”
ang kanilang sambit.
Luha niya'y nangingilid,
ngunit walang pasubali,
ang kutya nila'y sumasabay
sa ulang masidhi.

Sa hindi niya inaasahan,
dinamayan siya ng isa.
Isang pamilyar na mukhang
hindi rin naman
naiiba sa kanya.

Magbuhat noon,
natutunan niya
ang isang malaking
leksiyon:
“Mas masarap ang maging duryan,
kaysa maging isang mamon.”
Written
31 August 2013


Copyright
© Khayri R.R. Woulfe. All rights reserved.
Gat-Usig Oct 2013
Mahal ko ang Filipino, pagdiriwa’y walang plano
Malaking palaisipan pag-alala ng gobyerno
Samantalang ‘di naisip prayoridad wala rito,
Pagpapayaman sa Ingles hindi na magkandatuto.

Paggunita anong saysay, pagsasabuhay sa wikà
Makakapagpamulat ba lalo na sa mag-aaral;
Pagsambit sa mga ito maging sa mga parangal,
Ito ba’y nakagugulat isang buwang itinakdà.

Totoo namang ginamit sa pakipagtalastasan
Filipino’y instrumento sadyang hindi matumbasan;
Kahit na karamihan pa napagkakamalang Kanô
Pakikinig sa istasyong bumibilib na napunô.

Ang tanong sa puntong ito, napapayaman ba kayâ?
Sa mga naging konteksto, ang masa ba’y nakukutyâ?
Sa mga nakakarinig, nahalua’y kabaduyan
Maging mga komentaryo, kalaswaa’y kinantsawan.

Kung bastos ang naging dating, anong magiging termino?
Ang mga dapat ilimbag sa papel ng mga dyaryo;
Sa pagbibigay ng aliw,ito’y pulos kababawan
Inisip ng mamamayan, may ganitong katangian.  

Kapuri-puri ang iba, may mahahalgang paksà
Ito’y kinakikitaan na may seryosong diskurso;
Sa kabilang banda pala, ito’y nawalan ng bisà,
Tulog na ‘pag pinalabas, ito’y kadalasang kaso.

Paano papaunlarin kung iba’y pinagpilitan
Tunay na nakalulungkot ito’y naging panambitan;
Sa halip pa ngang gamitin bilang makatwirang midyum,
Sa mga usap-usapan, maging sa mga simposyum.

Ang pagpapaunlad nito ay hindi sa balarila
Hanggang sa pag-uunawa pati ng ortograpiya;
Kinailangang mawala ang mga maling pananaw,
Ito’y nangangahulugang pagkilatis ‘di papanaw.


Ang natanging lingua franca nagbibigay identidad
Sambayanang sumasambit pagka- Pinoy lumalantad;
Sa bansa’y nagbigay-linaw, paggamit ng isang wikà,
Kaysa sa salitang- dayo, nagturan ng hakahakà.

Oo, Agosto na naman, dapat pa bang magkamayan?
Wika nati’y maging ilaw siyang magsisilbing lakas,
Juan, gumising ka naman, kamtan mo’y tuwid na landas;
Kung hindi tayo kikilos, mayroong paglalamayan.
solEmn oaSis Apr 2017
hindi siya isang pintor
at ni hindi rin isang iskultor
ngunit nais na niyang maipinta
sa tulong ng mahiwagang tinta
yaong sa kanya'y humihimok
:mga kulay at puno sa diwa niya'y nakalilok!
Maging ang napakatayog na bundok
aakyatin niya hanggang mayapakan iyong rurok
at muli doon sa ibabaw
kanya pa ring isisigaw
ang mga pasaring ng kanyang abot-tanaw
bukam-bibig niyang imemensahe ang lihim sa liham nitong Tanglaw at Panglaw!
Bagamat minsan na niyang pinailanlang
yaring tagumpay na sa kabiguan ay sumalansang
at kung ating susuriin,di lahat ng kabalisaan ay gaya ng tubig sa pampang
sapagkat mayroong kapayapaan sa gitna ng kagulohang humahadlang.

Sa tuwinang pagmamasdan niya
ang walang pakpak na mga anghel sa lupa,
sa mga sandaling ramdam niya
ang mapanganib na mga lobong nag-aanyong tupa.
Iisa lamang ang katanongan na sa kanya'y sumasagupa
"ano nga ba ang kasagotan sa mata-pobre upang ito ay magpatirapa?"
nang sa gayo'y matutong manikluhod sa Dakilang Lumikha
Maiwaksi ang pang-aalipusta sa mga dusta
Huwag nang malunod pa sa yaman sa halip tumulong sa aba at dukha
sabi nga niya... ITAGA MO SA BATO AT SA TUBIG AY ILISTA
"hindi lang bilog ang kaya kong paikotin"
Ayon pa sa kanya--aking uulitin
"magagawa kong iluklok
ang magnasang maging nasa tuktok
basta't may kalakip na pag-ibig sa nasasakopang sulok"

hindi siya isang pintor
at ni hindi rin isang iskultor
ngunit nais na niyang maipinta
sa tulong ng mahiwagang tinta
yaong sa kanya'y humihimok
:mga kulay at puno sa diwa niya'y nakalilok!
learn to move
move to learn

*April 9 Araw ng Kagitingan sa Pinas
El Aug 2017
limampung pulgada ang pagitan ng ating upuan
limampung pulgada na tila parang isang kilometro ang distansyang kinakailangang tahakin
upang maipatong ang braso sa pahirabang nakaumbok sa gitna ng ating luklukan,
kung saan ang iyong braso'y nakapatong rin.

apatnapung pulgada nang sumara ang ilaw kasabay ng aking mga mata
kung saan sinakop tayo ng karimlang mas madilim pa sa kalagitnaan ng takipsilim
ngunit ako'y nakatayo, naglalakad na patungo sa'yo –
mga kamay na kinakapkap ang malalambot na pulang ulo
sakaling ako'y mahulog dahil ang ninanais kong sumalo sa akin
ay apatnapung pulgada pa ang layo.

(tatlumpu, dalawampu, sampu)
bawat tapak na nanatiling tahimik, maingat.
(siyam, walo, pito)
natatanaw kita sa halip ng dilim kung saan wala talagang makita, makilala.
(anim, lima, apat)
para bang lahat ng puso sa silid ay nagsabayan sa pagsigaw.
(tatlo, dalawa, isa)
nasa tabi na ki–

bumukas ang mga ilaw, kasabay ng aking mga mata;
pumalakpak ang lahat.

Limampung pulgada pa rin ang pagitan ng ating upuan.
Maxwell Nov 2015
Pangako, hindi ka namin kalilimutan.
Bibigyan ng oras, gagawan ng paraan.
Ako naman, naniwala sa inyong kasinungalingan.
Ngayon tuloy, ako ang nasasaktan.

Ang pangako ay hindi sinabi upang ipako.
Sa halip, ito ay sinusunod.
Ikaw mismo ang nagsabi nito, alam mo ba?
Ngunit bakit hindi mo nagawa?
Venice Oaper May 2018
Ang gusto ko yung lalaking matipuno
Yung pagbubuksan ako ng pinto
Yung umaga pa lang pumupunta na rito
Tsaka dapat binabati niya magulang ko
Isama mo na rin buong pamilya’t kamag anak ko
Grabe ang lakas maka pogi non
Lalo na kapag binibilhan ako ng wanton
Yun kasi yung paborito ko
Kaya nakakakilig pag kilala ka ng lalaki nang todo
Ganun yung tipo ko
Simple lang at magalang
Madasalin at mapagmahal sa magulang
Isa lang
Isa lang ang hinihintay ko at alam kong ikaw yun.
Yung taong bubuo ng mga pangarap natin
At tutupad sa mga binitawang salita sakin
Ikaw yun
Ang yayakap sakin kapag malungkot ako
At pag kailangan ko ng makikinig sa mga problema ko.
Ikaw yun.  Nung una. Akala ko nung una ikaw na yun.

Isang malaking pagkakamali lang pala.
Imahinasyon lang pala lahat ng ito
Ang lala
Nabiktima lang pala ako ng maling akala
At nadala sa pagbabago **** lagi akong umaasa
Kaya ayoko na

Ayoko nang pagbuksan ka ng pinto sa tuwing lalabas tayo
Ayoko nang habulin ka pag nauuna kang maglakad at ikaw pa yung may ganang magalit
Ayoko nang paulit ulit ipaalala sayo na batiin mo mga magulang ko pag nakikita mo
Ayoko nang magtiis pa diyan sa katamaran mo dahil pagod na ako.
Nagsasawa na ako sa paulit ulit na salitang binibigkas mo pero di naman totoo.
Dahil ang totoo, hindi naman tumutugma sa mga kilos mo.
Ikaw na ang sentro ng relasyong to.
Sa halip na ako ang yakapin mo dahil malungkot ako, ako ang yumayakap sayo.
Hindi ako makapagsabi ng problema mo dahil sinisingitan mo nang mas malala yung problema mo.
Lagi ka na lang nagagalit kapag may kausap ako.
Pero pag ikaw yung may kausap, nagagalit ba ako?
Wala na sa lugar yung pagseselos mo.
Lahat na lang ng makausap ko pinaghihinalaan mo.
Ang toxic na ng relationship na to.
Kaya gusto ko na tapusin kung ano man ang meron tayo.
Natauhan ako na ako na pala ang gusto ko.
Ako pala yung hinahanap ko.
Pero kailangan ko ng taong parang ako.
Yung mamahalin ako tulad ng pagmamahal ko sayo.
Saan ba ako makakahanap ng taong katulad ko?
hugot lang mamsh.
Everything was out of control, kumbaga kung ihahalintulad sa daan ay lubak-lubak, kung itutulad sa isang kwento ay palpak at kumbaga parang isang ibon na walang pakpak. Umikot yung mga nagdaang araw sa mga bagay na inakala kong bubuo sakin, sa mga bagay na akala ko ay totoong kukumpleto sa akin, sa bagay na inakala kong tootong magpapasaya sakin. In short umikot yung sem na to sa akin. Inakala ko na sa pagtalikod ko ay makikita ko ang sagot, ngunit sa kasamaang palad para akong isang lubid na nalalagot. Patuloy na nilalagot ng mga poblema at mga unos na masalimoot. Mistulan akong isang tupang nawawala. Walang direksyon at sobrang naghahanap ng atensyon.  Yung mga tawang humahagalpak ay unti-unting nawawasak. Tumalikod ako sa Kanya kase sabi ko hananapin ko lang yung sarili ko, time, days, weeks passed by pero para bang hindi gusto ng tadhana na makita ko ang sarili ko, hindi gusto ng tadhana na makita ko ang hinahanap ko kaya nagdesisyon ako na bumalik sa dating tinalikuran ko. Sa pagbabalik ko yung init nang yakap Nya ang unang sumalubong sakin, yung mga kataga Nyang sobrang nagpabalik ng mga ngiti na nawala sakin. Mga kataga Nyang nagsasabing “ Anak, mahal kita. Sagot kita, wag kang mangamba kase ako yung sagot sa yong mga problema” sa pagbabalik natagpuan ko mga sagot na kaytagal kong hinanap. Nasaksihan ko kung paanong naging patag ang lubak-lubak, kung paanong ang kumplikadoy naging payak, kung paanong lumipad ang ibong nawalan ng pakpak, kung paanong nagtagumpay ang dating palpak, kung paanong naging ngiti ang mga iyak, at lalong higit kung panoong nabuo ang dating wasak. Saksing saksi ko kung paanong ginantimpalaan ng Panginoon ang mga paghihirap ko. Kung paanong hinanap nya ang nawawala akong at tinanggal yung mga luha sa mga mata ko. Kahit na I turned my back to Him, never nya akong iniwan, sinukuan o kaya ay sinumbatan sa halip ay pinakita Nya kung paanong lumaban, kung paanong manindigan. Sobrang sapat na sapat na yung alam **** kahit na pumalpak ka, tanggap ka Nya. Yung tipong kahit na lumayo ka hahanap hanapin ka Nya. Kase ikaw ay anak nya at ikaw ay mahal na mahal nya.
060522

Marahil salungat ang lahat sa ating pagsagwan
At baka sinasabi nilang
Naging iba na rin ang ating pamamaraan
Sa pagtuklas ng sining na buhat pa sa nakaraan.

Tila ba nais nila tayong patahimikin
Gamit ang mga balang kinimkim ng ating damdamin.
Hanggang sa tayo’y mabihag sa mga himig na iiba ang ritmo
Sa ninanais nating komposisyon.

Bagamat ito ang landas na payak para sa nakararami —
Ang landas na ang lahat ay handa nang tumaya't sumugal
Ngunit hindi, hindi pala ito para sa ating lahat —
At masasabi nating iba ang sinisigaw ng pulso nati't kaluluwa.

Sa mga pahinang ginuguhitan ng iba't ibang tinta'y
Tanging tayo lamang ang higit na may kakayahang kilatisin
Ang bawat guhit sa ating mga palad
At ang mga mantiyang hindi natin mawari sa simula
Kung saan ba ang pinanggalingan ng mga ito.

At sa muling pagdungaw natin
Sa sisidlan ng ating mga kaluluwa’y
Mahahanap din natin ang mga kasagutan
Sa pakikipag tagu-taguan natin sa mga lunas
Habang makakapal pa ang mga ulap na ating pilit na hinahawi.

Marahil nasisilayan nila tayo sa lente
Kung saan sila'y nakamulat na
Habang tayo'y kumakapa pa sa dilim —
At ang sinasabi nilang gintong mga salita'y
Nagmistulang mga malalaking batong balakid
Patungo sa liwanag at kalayaan
Na nais nating tuklasin nang mag-isa.

Marahil hindi nila tayo maintindihan
Sa mga oras na ang lahat ay abala
Sa pagsuong ng kanya-kanyang mga bangkang papel
Patungo sa tubig na dulot ng di kanais-nais na panahon.

At walang sinuman ang may kagustuhang maguho
Ang binubuo nating larawan sa ating mga isipan
Habang tayo'y pinagmamasdan ng  mapanghusgang lipunan
Kaya tayo'y tumitiklop sa halip na bumabangon nang kusa.

Gayunpaman, kalakip ng ating pagtalikod
Sa samu’t saring mga palamuting
Makinang pa sa ating mga kasuota’y
Doon pala natin maihihimlay ang sarili
Sa rurok na dati’y atin lamang na sinisilip at tinitingala.

Hubad ang ating mga pagkatao
Kung saan ang ating tinig ay hayagang mamaniubrahin
Ang mga kalansay ng kahapong humila sa atin pailalim
Habang tayo'y pansamantalang naging libingan
Ng mga baon nating kadilimang araw-araw nating hinihimay.

Ang ating pagsambit ng mga katagang
Tayo lamang ang nakaiintindi
Ay isa na palang patandaan
Na tayo'y dahan-dahan nang nakakaahon.

Bagamat walang hiyaw na sumasabay sa nais nating tagumpay,
Walang aninong nagbibigay-tulong
Sa bawat kahong ating binubuksan
Ngunit patuloy pa rin tayong papadyak at magpepedal.

Patuloy tayong lilipad higit pa sa ating mga imahinasyon
Kahit tayo mismo’y walang kamalay-malay
Kung saan tayo kayang tangayin
Ng mga saranggola ng kahapon at ngayon
Na ating kusang-loob na inialay na sa himpapawid at kalangitan.

At kung ang pagsagwan man nati’y salungat sa nakararami,
Ay patuloy pa rin tayong magtataya para sa ating mga sarili.
Patuloy na hahakbang at magpapasala sa umaalab na apoy,
At baka sakaling sa paulit-ulit na pagsubok nati’y
Ito na ang maging simula ng muli nating paglipad.

Maubusan man ng balahibo ang ating mga pakpak
Ay walang sawa tayong magbabalik sa simula —
Sa simula kung saan ang pag-asa
Ay tila ba kurtina sa ating mga mata
At waring nag-iisang diyamanteng kumikinang
Na handa nang igawad sa atin ng panahon.

Kung ito ang hamon sa larong alay ng tadhana'y
Tayo mismo ang kusang mag-aalis sa puwing sa ating mga paningin.
Magbibihis tayo hindi gamit ang lumang mga kasuotan
At gagayak na tila ba hindi tayo nasugatan
Buhat sa giyerang ating pinanggalingan.

Bagamat ang mga sugat sa ating katauha'y hindi natin maikukubli,
Ngunit ang mga ito'y magsisilbing baluti't tanda
Ng ating hayagang pagsambit
Na tayo'y nanatiling matatag
Pagkat pinili natin ang pag-ahon kaysa sa pagkalunod.

At hindi tayo mahihiyang tumapak sa papag
Kung saan tayo nagsimulang mag-ipon ng pangarap,
Kung saan ang ating lakas at inspirasyon
Ay buhat sa mga Letrang mahiwaga't makapangyarihan.

Sa mga oras na tila ba mabigat na ng lahat
Ay wala tayong natirang ibang armas kundi ang pagluhod.
At marahil sa ganitong paraan di’y
Mananatili tayong mapagkumbaba.

Muli man tayong nabasag at walang ni isang pumulot
Sa mga pira-pirasong kaytagal nating pinagsikapang mabuo’t pahalagahan.
At ang dugo’t pawis na hindi natin masukat
Sa babasaging garapon ng ating mga palad
Ay nagmistulang gantimpala sa atin ng Kataas-taasan.

Ito na marahil ang Kanyang hayagang paghikayat
Na kaya pa rin pala tayong akayin ng Kanyang mga Pangako
Patungo sa milagrong kaya pang lumipad ng eroplanong papel
Na minsang ginula-gulanit na ng kahapon.

Ang bawat Pangakong iginuguhit Nya sa ating mga puso
Ay higit pa na umaalab sa tuwing dumaraan tayo sa pagsubok.
Dito natin nakikilatis kung sino ba talaga tayo
At kung ano ba ang dahilan ng ating paghinga
Pagkat hindi pa rin tayo humahantong
Sa hindi natin muling pagmulat.

At kailanma’y hindi mauubos
At hindi mapapa-walang bisa ang mga ito
Ng mga ideolohiyang isinaboy ng sansinukob
At sapilitang isiunusubo sa atin
Hanggang sa hindi na tayo mauhaw at magutom pa sa Katotohanan.

Ang ating mga luha’y hindi lang basta-bastang dumaloy
Ngunit tayo’y inanod ng ating kalungkutan,
Ng ating hinagpis at walang katapusang mga katanungan
Patungo sa karagatang muli sa ating nagbigay-buhay.

Tila ba tayo’y muling binasbasan
Na higit pa sa mga tilamsik ng magagaan na butil ng ulan.
Na wala na pala tayong ibang dapat na patunayan.
At bagamat, napagod man tayo ngunit hindi ito ang naging mitsa
Ng ating pagtalikod sa Una nating sinumpaan.

At patuloy pa rin nating nanaising bigkasin
Nang walang bahid ng pagdududa’t pagkukunwari
Gamit ang ating mga palad at ang pintig ng ating mga puso’t damdamin
Ang pinakamagandang leksyon at mensaheng
Nagmistulang medalya ng bawat pahina ng panahon.

At mawawalan na tayo ng dahilan para magduda pa
Kung ano nga ba ang magiging katapusan
Pagkat ang tanging paksa ng ating paghimbing sa mga letra’y
Ang pag-asang darating din ang ating Tagapagligtas.

Ang ating pagyukod
At pagbaling ng tingin sa blangkong pahina’y
Isa palang pagsulyap sa kinabukasang
Makinang pa sa kung ano ang natatamasa natin sa ngayon.

At sa ating pag-angat hindi lamang para sa sarili
Ay 'di natin nararapat na malimutan ang dahilan
Kung bakit nais nating lumipad
At marating ang dulo ng pahina ng sarili nating mga kwento.
0617

Nanlilisik ang Iyong mga mata
Sa poot buhat sa paglisan ko sa Iyong tirahan
Na noo'y inangkin ko sa pagkupkop Mo sa akin.

Binihasan Mo ako ng demokrasya at kasarinlan
Bagkus ako'y natupok ng malagim na nakaraan.
Talamak ang pananakit, panghuhusga at pagkamkam
At doo'y tila binawi Mo rin ang minsang mga pamana.

Naging mapusok ang aking pagkatao
Na sa halip na bumalik Sayo'y
Patuloy na nagpakain sa maling istilo.
Nagkunwari ako bagkus ako'y natalo
Ito ang pagpataw ng madilim na peligro.

Nagniningas ang Iyong mga mata
Na tila hubad sa init na pantunaw sa mga nakikita
Napapikit ako buhat sa pangamba
Hindi na ininda ang taas ng mga nakuha.

Sa pagmulat ko na parang pagbukas ng mga bintana
Namungad na pala ang Iyong pagpapala
At ang kislap ng Iyong pagtingi'y
Syang kalangitan at katuturan para sakin.

Ikaw ang misteryo sa aking kalbaryo
Ang tagapaghusgang walang ibang hangad
Kundi para sa aking benepisyo.
Maghari Ka, Ikaw ang Bituin.
Rhon Epino Apr 2018
Pag ibig
Kanya-kanyang depinisyon
Kanya-kanyang eksplinasyon
Isang uri ng salamangka
Na makakapagpapabago ng lahat
Makapagbibigay ng dapat at sapat
Pero hindi lahat ng dapat ay kailangang maging sapat
Dahil kailanman ay hindi naging sapat ang lahat
Maghahangad ng iba
Maghahanap ng ibang kasama
Pero gayunpaman ay wag kalilimutan
Na ang pag ibig ay pag ibig parin
Kahit ito pa ay paiba-ibahin
O kaya nama’y balibaliktarin
Bawasan mo man o buuin
Pag ibig parin

Pag ibig
Ito ang tuwa sa isang libo **** luha
Isang porsyento sa ilang daang libo
Ito ang kahulugan sa bawat salita ng diksyonaryo
Ito ang nagbibigay pag-asa sa bawat gising mo
Ito ang magtuturo sayo
Na ang sakit at pait ay hindi bagay na dapat **** katakutan
Hindi bagay na dapat **** sukuan
O kaya nama’y dapat **** kalimutan
Dahil ang pag ibig ay ang lakas sa bawat paghina
Ang kagustuhang tumayo sa bawat pagsuko
Ang pagsulong sa bawat pag urong
Ang simula sa bawat katapusan
At ang katapusan sa bawat simula
Dahil ang katapusan ay hindi masama
Ito ang simbolo ng tagumpay
Ang simula ng simula

Pag ibig
Ang magbibigay ng sagot sa bawat tanong
Sa ano, bakit at paano
Ang pupuno sa bawat kakulangan mo
Pupunan ang pangangailangan mo
Ito ang tulay sa bawat pagitan
Malakas, matibay, mapagkakatiwalaan
Sapagkat ang pusong puno ng pag ibig
Ay malakas, matibay at mapagkakatiwalaan
Ito ang magkumukunikta sa dalawang magkaibang mundo
Kahit na sino at kahit na ano
Kahit na ano pa ang kasarian mo
O kahit na ano pang kinabibilangan mo
Sasagipin ka nito sa pagkalunod
Sa pag iisa
Sa mga panahong akala mo’y wala ka nang kasama
O kaya nama’y kinalimutan ka na
Yayakapin ka
At nang hindi manlamig at mamanhid ang iyong kaluluwa

Pag ibig
Di ka nito huhusgahan
Tatanggapin ka kahit ano ka man
Dahil kailanman ay wala itong batayan
Kahit ano pa man ang iyong pinaniniwalaan
Dahil pag ibig lang ang may konsepto ng pagtanggap
Pag unawa at walang halong pagpapanggap
Ito ay puro at dalisay
Hindi pinapahina ng panahon
At sa halip ay lalo pang pinapatibay
Ito ay mas malakas pa sa bawat pagsubok
Mas mataas pa sa pinakamatarik na bundok

Pag ibig
Ito ang produkto ng konseptong positibo
ng pluma at panulat
Ng tuno at liriko
Ng imahinasyon
Ng respeto at pagpapahalaga
Umibig at ibigin
Sabihin kung ano ang laman ng damdamin

Sayo, ano ang pag ibig?
Eugene Jan 2016
Mayroon akong kwento,
Sana ay mabasa ninyo.
Tungkol sa isang bobo,
Na minahal ang matalino.


Makurba ang katawan ni Matalino.
Mapungay naman ang mata ni Bobo.
Kabaitan ang ipinapakita ni Bobo.
Kamalditahan naman ang kay Matalino.

Isang araw sa may parke, nagkita ang dalawa.
Bumili ng minatamis si Bobo at ibinigay kay Matalino.
Pero hindi ito tinanggap dahil si Bobo ay hindi tao.
Sa halip na mainis, si Bobo ay ngumiti sa kanya.


Iniiwasan siya ni Matalino pero ayaw ni Bobo.
Mistulang kabute ito't lulubog-lilitaw.
Gusto niyang mahalin siya ni Matalino.
Kahit masunog pa ang balat ni Haring Araw.


Lumipas pa ang ilang linggo, buwan at taon,
Sumuko na si Matalino kay Bobong makulit.
Binigyan ng pag-asa ang pagsisikap niya hanggang ngayon,
Dahil alam niyang wala itong hihilinging anumang kapalit.



Hindi naglaon at sila'y naging kasintahan.
Ipinagmalaki si Matalino, siya'y kinaiinggitan.
Abot na niya ang langit sa kanyang harapan,
Pagka't napasagot niya ang Diyosa ng Kagandahan.
leeannejjang Jun 2018
Isang araw magigising ka na lang,
Ayaw mo na umiyak.
Ayaw mo na malungkot.
Ayaw mo na masaktan.
Ayaw mo na sa kanya.

Ilang araw ka ba umiyak sa loob
Nga kwarto kayakap ang mga unan
**** basang basa na mga luha?
Isa, dalawa, tatlo.

Pinilit mo ngumiti araw araw.
Tapikin ang iyong balikat
At sabihin "Ayos lang yan. Lilipas din yan".

Ilang gabi mo inisip ang mga paano at bakit na hindi nasagot ng tao akala mo'y hindi ka papaluhain?
Isa, dalawa, tatlo.

Lumipas ang panahon.
Lumubog ang araw, nagpakita ang buwan.
Sumikat muli ang araw.
Nagising ka.

Ayaw mo na.
Ayaw mo na sa mga pangako'ng napako.
Ayaw mo na sa matatamis na salitanv puro sugat ang dinulot.
Ayaw mo na sa kanya.

Isang araw nagising ka,
Hindi mo na tinapik ang iyo balikat.
Sa halip, gumising ka na puno ng pagasa.

Ngunit, bakit tila may kirot pa din sa iyo mga mata?
Nagising ka na ba talaga?
O nasanay ka lang sa sakit na iyo nadarama?
Sumasabay sa buhos ng ulan abg emosyon.
JOJO C PINCA Nov 2017
"Gather ye rosebuds while ye may,
    Old Time is still a-flying;
    And this same flower that smiles today
    To-morrow will be dying. "

Robert Herrick


Ang buhay ng tao ay sadyang maiksi at walang tibay, katulad lang ito sa kastilyong buhangin na agad gumuguho sa hampas ng alon at ihip ng hangin. Kaya marapat lang na ito ay ating samantalahin habang may panahon pa, hindi dapat na masayang ang bawat sandali ‘pagkat hindi na ito muling magbabalik pa.

Bakit ka nagsusumiksik sa isang tabi at nagmumukmok? Walang saysay ang maging malungkot sapagkat sandali lang itong ating buhay. Tumindig ka at gawin mo kung ano ang nararapat, piliin mo ang maging maligaya at kapakipakinabang. Tuklasin mo ang pilosopiya at kahulugan ng iyong sariling buhay nang hindi umaasa sa iba.

Kumawala ka sa tanikala ng mga maling akala at walang kwentang panukala, ang mga patakaran ay mga paraan upang ang tao ay alipinin kaya hindi ito dapat na tanggapin. Maging hari ka at panginoon ng sarili **** buhay sa ganitong paraan ka lang magiging totoong hayahay.

Huwag **** lingunin ng paulit-ulit ang kahapon dahil kahit anong gawin mo hindi na ito muling magbabalik pa, walang time machine na maghahatid saiyo pabalik sa nakaraan.

Huwag mo rin masyadong tanawin ang malayong hinaharap pagkat baka nga hindi mo na makita ang bukas na iyong pinapangarap.

Ang “ngayon” ang tanging panahon na iyong hawak at wala ka nang ibang mapanghahawakan pa. Ipagdiwang mo ang bawat ngayon na parang ito na ang huling araw mo.

Huwag kang makinig sa mga sinasabi ng iba sa halip ang puso mo ang iyong sundin at umasa ka na hindi ka nito kailanman ililigaw, gamitin mo ito na ilaw **** gabay.

At huwag **** sayangin ang nalalabi **** panahon, umahon ka mula sa iyong pagkakabaon at magsimula ka.

Katulad sa mabango at magandang bulaklak na iyong nakikita ang buhay **** tunay ngang maikli ay malalanta at mawawalan rin ng sigla kaya’t bago ka pumanaw gawin **** makasaysayan ang iyong bawat ngayon.
Wolff Apr 2017
nagsimula sa ikaw at ako....
na nauwi sa 'tayo'
ikaw ang mundo ko at ako ang buhay mo...
ngunit biglang nagbago...
ang 'tayo' ay naging magulo at malabo
nawala... naglaho...
ang 'tayo' ay naging 'kayo' at ang 'ako' ay pinalitan mo ng 'siya'...

sa halip na kalimutan ka ay ayun, naaalala ka...
ang ngiti **** nagpapaligaya sa akin...
mga salita **** aking nalalasahan at nakakain (mahal kita, mahal kita)...
ang iyong matang nangungusap sakin na ito'y patawanin...
ang paghaplos **** parang malamig na simoy ng hangin...
ang iyong tinig na nagpapasaya sa aking damdamin...

ang dating pagmamahal na nagsusumiksik at umaapaw
ngayon ay nasa ilalim na ng lupa...
kung kaya't wag mag alala
nilatagan ko iyon ng dahon, maging ligtas sa anumang panahon... sa darating na mga taon...

ginugunita ang ala-alang lipas na...
parang tubig sa batis na umaagos palayo sa aking mukha...
na hanggang doon na lang ang kinaya...
wala na akong magagawa...
kung kaya't salukin na lamang ito at ipanghihilamos
upang magising at matauhan na ito'y matagal nang wala...
nakabaon na sa lupa...
McDo's commercial is really something lol.
Christien Ramos May 2020
Isang katangian na ipinamukha sa akin ng kalungkutan ---
Madaya siya.

Madaya ang kalungkutan
Kaya ka niyang linlangin

Minsa’y kawangis niya ang tahimik na kalsada.
Bibigyan ka niya ng pagkakataon
upang mag-isip.
Hahayaan niyang makinig sa’yo ang buwan
Subalit hindi ka nito kakausapin; sa halip,
mas papangibabawin niya ang iyong pagkalito.
Pipigilan niya
ang pagkahol ng mga aso;
pahihintuin niya ang huni ng mga ibon.
Maging ang hangin ay pahihinain nito.
Ititikom ng mga nakatambay na pagtatanong
ang mga bibig nila.
Ngunit, ang akala **** tahimik;
Malungkot na pala.

Kaya ka niyang linlangin

Minsa’y kamukha niya ang payapang tahanan.
Na kahit ang bangaya’y mahihiya.
Walang mintis ang mga yakap,
ang mga tawanan
Buo sa numero
Hanggang sa dulo’t
magmula sa umpisa
Walang bahid ng pagkakawatak-watak
subalit, dama mo pa rin ang pag-iisa.
Dahil ang akala **** mapayapa;
Malungkot na pala.

Kaya ka niyang linlangin

Minsa’y kahawig niya ang mahinahon na ilog.
Na tanging lamig lamang ng tubig
ang kaya **** kilalanin
Bilang sa iyong mga daliri
ang mga batong natatangay nito.
Kaya niya itong gawing panatag
Subalit, hindi ang damdamin mo.
Matutuwa pa siya
Sa panghihinayang **** makasaksi
ng mabilis na pag-agos at pagbabadya.
Ang akala **** mahinahon;
Malungkot na pala.

Oo.
Mapagbalatkyo ang kalungkutan
Kaya niyang maghain
ng maraming pagkakakilanlan.
Bahagi ng kanyang iskema
ang pagkalito na siyang
sa’yo’y mananahan;

mahirap siyang maging kalaban.
Mahirap siyang maging kalaban.

Kaya't siya'y gayahin mo.
Linlangin mo rin siya
ng kakayahan **** magwangis
Ipakita mo na ikaw ang ingay
sa tahimik niyang kalsada;
Na ikaw ang bangayan
sa payapa niyang tahanan;
Na ikaw ang rumaragasang tubig
sa mahinahon niyang ilog.
Bigyan mo rin siya ng maraming mukha
na may iisang ulo ng katatagan
at paglaban.

Pero huwag sa sarili mo
Maging tapat ka rito
magiging armas mo ang pagbabalatkayo
laban sa lungkot; pero
huwag sa sarili mo.
Keep on fighting, fam!
JOJO C PINCA Nov 2017
putang ina ka wala bang hiya ha hayup ka? hindi kaba nahihiya sa amin ha? kami  ang dahilan kaya yumaman kang animal ka. wala kang mansion, kotse, limpak limpak  na salapi kundi dahil sa dugo't pawis namin. tapos kung tratuhin mo kami ngayon e para kaming basura hayup  ka.

kailanman hindi naging sapat ang pasuweldo mo sa amin. lagi kang nakaangil pag dagdag na sahod na ang pinaguusapan. marami kang satsat marami kang dahilan kesyo nalulugi ang kumpanya at hindi kumikita. kaya pala panay ang expand ng business operation.

mahilig ka pang manakot na magkakabawasan ng tao sa kumpanya kapag lumaki ang gastos dahil sa dagdag sweldo na aming hinihingi.

madalas mainit pa ang ulo mo sa amin e samantalang dahil sa amin kaya ka kumikita. kung aso ang tingin mo sa amin e ano ang tawag mo sa sarili mo? edi unggoy masyado ka kasing tuso.

lahat ng bagay ay nagwawakas kaya wag ka masyadong mapagmataas dahil sa oras na bumagsak ka hindi kita tutulungan sa halip tatawanan pa kita.
Para sa lahat ng ganid na kapitalista
Anton Jan 2020
baket kaya sa panahon ngayon
sa halip na maging masaya tayo sa kaarawan naten ay
nadadala tayo sa bigat ng pakiramdam naten
parang laging pagod na di mawala kahit anung tulog mo
kaya lagi nateng wini wish na sana mamatay nalang
para mawala ang pagod na nararamdaman naten
dahil baka ang kaluluwa talaga natin ang pagod
at hindi ang katawan.
JOJO C PINCA Nov 2017
Kahapon pagdaan ko sa Angeles City sa Mabalacat, Pampangga nakita ko sila. Sandali kong pinagmasdan ang kanilang pangkat na nagpapahinga sa may gasolinahan. Hindi ko maiwasan na malungkot.

Mahirap talagang maging mahirap, alam mo yung buhay ng isang kahig, isang-tuka, yung kakalam-kalam ang sikmura tapos hampas lupa? Yung hindi nakaka pag-almusal dahil walang pambili ng pandesal, na madalas ay nililipasan ng pananghalian at malimit na nakakatulog sa gabi ng walang hapunan.

Yung dalagitang nanggigitata may sanggol sa tagiliran, nagpapalimos sa gitna ng kalsada, kumakatok sa mga kotse, tinitiis ang nakakapasong init ng tanghaling-tapat. Nakaka-awa ang sanggol walang malay, walang muang, hindi n’ya pa naiintindihan ang kalupitan na kanyang dinaranas.

Ang maka-diyos na lipunan at makabayang mga pulitiko alam kaya nila ito? Ramdam kaya nila ang hapdi ng sikmura ng mga pulubi? Bakit ganito? Ewan ko, hindi ko rin alam ang puno’t dulo, hindi ko rin maintindihan ang lahat. Ang alam ko lang hindi sila nababawasan sa halip lalo silang dumadami habang sinasabi ng mga pulitiko na mahal nila at handang tulungan ang mga mahihirap.
solEmn oaSis Jan 2022
sa paglikha ng tuwina kong katha
madama mo din sana ang kakatwa
ngunit nakasanayan ko nang pagtatwa
hinggil sa himpilan ng tagong lubha

naririnig kahit di man pakinggan
nahihilig saglit kundi man tanggihan
inaaliw pilit ang sarili sa kundiman
bumibitiw singkit kong ngiti panandalian

dahil sa dingding lang ang pagitan
hilahil ng singsing dagliang pasakitan
walang pasakalye kang papanigan
humarang pa sa kalye silang marasigan

sapagkat ang magtengang-kawali
sa pangkat ay sadyang balewala rin
kapit sa patalim talagang tatanggapin
kahit pa maitim pawang palipad-hangin

wala kasing malaking nakapupuwing
ika nga nitong napipintong
pagsalubong
niyong yaong paimbulog na daluyong
tila halinghing, pakiwaring
may naduduling

dagundong ng kulog kung maihahambing
ang gulat na sumilay sa mga mata mo
sa halip ang kalakip yaring halukipkip
namulaga't humimlay di nais matamo

yun bang sa kabila ng pagka tulog-mantika
nakuha pang magbuhat ng silya-elektrika
tagos sa buto ang hiwa ng pahiwatig
halos tanto ang tugatog na matigatig

may tainga ang lupa, may pakpak ang balita
ganyan ko maikukumpara Ang Mala - Palara
na sistema ng isang walang muwang na puwang
pag sa sandaling mag-pasaring ang ingay ng kulay

mala-abokado ang sapak' na mau-uLinigan
mansanas sa pagkapula sa kabalintunaan!
mga paksa na may pasak natutunghayan,
tuwing ang kapas ay sawing masasaksihan

" Ang dapat ay isang Wika sa Magandang ibubunga "
pambihira naman ang mga dalahira ,
wari bagang mapupunong inuugatan !
Martes pakatapos ng Lunes ! Linggo lang ba ang pahinga ?
I was suppose to say that
precious or not
misuse or important
I always neglect the fact
of those direct track
coming from the back
of my splitting spit of my pen
symbolically every now and then
Christien Ramos May 2020
Kumusta?
Hangad kong nasa mabuting kalagayan ka.
Ilang linggo ko nang hindi nasisilayan ang mga ngiti mo;
na kahit bihira,
nakahahawa.
Matagal-tagal na rin noong huli kong narinig
ang ‘yong mga halakhak;
na kahit mahina,
dama ko ang ligaya.
Maging ang katahimikan mo’y
hindi ko pa rin limot
Hindi nakasasawa ang hindi mo pagpansin sa akin.
Huwag ka mag-alala,
hindi ko minamasama ang mga pagsasawalang-kibo.
Sariwa pa rin ang mga pagkakataong lumagpas ka sa harapan ko
Sa katunayan, gabi-gabi kong ipinagdarasal na darating din ang araw na lilingunin mo ako.
At ngayon ngang ‘di tayo nagkikita’t nag-uusap
Yayakapin ko ito bilang paghahanda.

Hindi ba’t pamilyar ka naman sa mga taong sinusungkit ang mga bituin at buwan?
Pagkatapos ay iaalok sa kanilang mga kasintahan
Na para bang mga prutas na hinintay nilang mamunga sa kanilang mga bakuran.
May kakilala ka nga yatang tumawid daw sa maraming ilog at umakyat ng pagkakatayog na mga kabundukan
Sinaluhan sa hapunan ang mga diwata’t
Pumaslang ng mga halimaw kinabukasan;
upang siya’y puntahan.
Marahil ay narinig mo nang may minsang pumasan ng daigdig para sa kaniyang nobya
Ngunit sa huli’y hindi naisakatuparan.
Umasa ang nobya.
Umiyak ang nobya.
Ang nobya marahil ang pumasan sa halip na siya
May isa nga sigurong nagmalaki na bubuo raw ng pira-pirasong ikaw
Na tila kontrolado niya ang mga piyesa ng buhay mo.
Pamilyar, hindi ba?
Ngunit,


hindi ganito.
Hindi ganito ang aking paano.

Oo. Naiintindihan kong ang ilan sa mga ito ay idyoma o eksaherasyon lamang
Pero nangangamba ako na baka pagod ka na;
Na baka nabibingi na ang iyong mga tainga
Sa paulit-ulit na pangangako;
Na kahit ang talulot ng mga mabubulaklak na salitang ‘to ay
tuyo na.
kahihintay sa tapat at sa tunay.

Ayokong magpaganggap.
Pagod na rin akong magkunwa-kunwariang kaya ko ang lahat.
Dahil sinta, hindi.

Hindi ko masusungkit ang mga bituin at buwan
pero handa akong samahan kang panuorin sila.
Hindi ko kayang sa isang araw ay tumawid sa maraming ilog at umakyat ng kabundukan
pero ituturing kong mahalaga ang bawat oras na kasama ka
Aking pagtatrabahuhang makarating sa araw na palagi kitang kasama sa hapunan
at sabay nating papaslangin ang mga pangamba sa umaga.
Hindi ang daigdig; ngunit
Pakakawalan ko ang mga pasan-pasan kong takot;
Kawalan ng tiwala sa sarili;
Ang inggit.
Hindi ito pagbabanta, sinta.
Pero ipanganganak ang mga araw
Na aasa ka;
Na iiyak ka.
Subalit, wala itong kakambal na paglisan.

Uulitin ko.

Ayokong magpaganggap.
Pagod na rin akong magkunwa-kunwariang kaya ko ang lahat.
Dahil sinta,
Hindi

kita iiwan.

Ganito ko marahil sasabihin sa'yong gusto kita
Pakapakinggan mo sana.
---
I miss you, mei ;(
Jun Lit Sep 2017
Makulimlim ang kalangitan
habang pilit kong inaaninag
kung ikaw ay nasaan
Mga palad natin kapatid
kung hindi man nagkadaupan
Tukoy kong iisa
ang ating pinagmulan

Mapula, kulay-dugo,
ang agaw-buhay na liwanag
sa likod ng mga ulap
Alam kong lumubog na
ang araw sa kanluran

Hinihintay ng katuwang sa buhay
ngunit ang sagot mo sa mga panaghoy
ay hindi marinig ng naulilang pandinig.
Hinahanap ng mga magulang
ang anak na inaasahang
sa takdang panahon
sa kanila’y maghahatid sa himlayan.

Mabato, matarik, ang piniling lakbayin
Liku-likong landas tungo sa mithiin
ng Sambayanang hindi palaring
pamunuan ng mga bayaning magigiting
sa halip na mga kawatan at mga salarin

Mabato, matarik, ang piniling lakbayin
Ngunit hindi ka natakot na ito’y tahakin
Hindi ka umurong at di mo pinansin
ang mga pasakit, ang mga pasanin.

Dakila ka, kapatid
At ang ‘yong paglisan, may hatid mang lungkot
na ang punglong malupit, takbo mo’y tinapos,
hininga mo’y nalagot
At sa huling bugso,
tatabunan ng lupang kalayaan ang dulot
mula doo’y sisibol, sanlibong punlang aabot
hanggang sa dulo, hanggang sa tugatog
Aalalahanin ka sa araw ng tagumpay at pagtutuos
Para sa Sambayanan, bawat puso’y sasabog!
solEmn oaSis Dec 2022
"Tayo ay magsikap upang makamtan natin ang kasaganahan"
Bagong umaga, bagong pag-asa
pinapahayag ng masiglang kantahan.
nasa Pilipinas ka man o nasa Hongkong,
adobong manok man o adobong kangkong,
Natatamasa **** bunga ng iyong pinagpagalan
at Kung ang tigatig ng tugatog **** pinagtagumpayan
ay tila ba kalatas na kinuyumos ng anluwagi
Pakaingatan **** mainam ang iyong nararamdaman.
Awon ! Tama lang na madalas dapat magpunyagi,
Mautakan nawa ang puso sa halip na Balantagi.
Kung ang bago ay naluluma at ang luma ay mapapalitan,
Ganon din naman ang hirap...ginhawa kasunod ng pighati.
Asikot man ang mga lalim ng hiwaga hatid ng mga paham..
sila man ay mistulang ulap na sadyang sa tadhana ay wingkag,
tila ba pasakalye ng pananambitan na galing pa sa kalye ng tungag !
Happy new year 2023
Minsan pang kita'y inalo
sa dusa mo't kalbaryo
"tumakas kaya tayo..
dito.. dito..  sa magulong mundo" Sabi mo.
(at tumakas ka nga.. patungong karimlan)

Hinahayaan ang mga paa'y humakbang..
na sundan yaong mga iniwang bakas
nitong mga aninong nagpumiglas
At nilamon na tayo ng kawalan.
(at hindi.. hindi ito ang alapaap)


Ngunit gigising parin tayo..sa reyalidad..
sa buhay.. at sa tunay na anyo ng mundo
"Hindi ba dapat ikaw mismo ang magbago nito,
na sa halip ay ikaw ang binago ng mundo?"
reyftamayo Aug 2020
umiikot ka na naman
sa tabi ng parisukat
na tatlong taon mo ng ginagawa
araw-araw.
binabaybay ang makipot
na diwa sa malawak na kamalayan
hanggang tuluyan itong sumabog
at magkahiwa-hiwalay
upang muling mabuo.
maliit ang kurot
ng ibinatong kulangot,
sa halip na ito'y humarang
bumara lang at nakapuwing
sayang ay muntik pang matapakan
dulot ng taglay nitong kalakihan
sa kailaliman na abot pusod
pero balon ang katumbas.
kaya sige pa at ituloy
ang animo'y walang humpay
na paghahanap sa hindi mawala-wala.
nasa likod lang ng buwan.
kasing daling tingnan ng araw.
lalo na kung gabi't mapanglaw ka,
walang kasama.
Lecius Dec 2020
Ipagpatuloy mo ang pag-kapa sa gitara kahit na iyong mga kamay ay itinatali nilang pilit. Ituloy mo ang pag-sulat, pag-awit ng mga liriko ng kanta kahit maraming mapanghusgang mga mata.

Wag-kang manahimik-- ang kailangan mo ay umimik.  Ipabatid sa kanila na ito ang landas na piniling itahak, at kahit man minsa'y ika'y napapahamak, 'di mo parin isususko iyong pangarap.

Kayat tumugtog ka at iparinig sa kanila ang minamahal mo na obra. Pukawin mo ang bawat natutulog na damdamin, gisingin mo ang kanilang mga puso, ipabatid ang mahika ng sariling musika.

Tandaan mo malaya kang piliin kung sino ka mismo.  
Ikaw ang may hawak ng buhay mo, kaya't h'wag sanang hayaan na sila ang mag-dikta ng pangarap. Oras na para ibuka mga pakpak at lumipad.

Hindi ka isang talunan, bagkus idolo na dapat hangaan, sapagkat kay raming dahilan upang isuko ang laban, subalit hindi mo tinuloy sa halip ika'y nagpatuloy-- pinili mo na ipanalo kaysa ipatalo.
Donward Bughaw Apr 2019
Huwag kang papadala
sa habag
na maaaring gamitin laban sa iyo
ng mga nagpapalagay
lamang,
lumalapit 'pag me kailangan
dala-dala ang platapormang
pamukaw sa mga proyektong hindi pa nasimulan
at sa halip,
paulit-ulit na bukambibig
at ang idadahila'y
mababaw na putik.

©2019
Nalalapit na naman ang eleksiyon. Siguraduhing tama ang pipiliin at ibobotong kandidato.
Kev Catsi Aug 2019
ang sugat ng nakaraan
ay huwag mo ng balikan
dahil kusa mo nalang sinasaktan
ang iyong sarili ng walang kalaban-laban

sa halip ito'y gawing sandata
sa iyong bagong kabanata
dahil ngayo'y ika'y isang  banta
para sa mga taong walang kwenta
Anton Nov 2019
Mahirap manatili na,
                           mag-isa sa mundong ito,
kung saan inaasahan ng lahat,
na may kasama ka or kapares na isang tao,
Ang hindi nila napagtanto na,
ang manatiling iisa ay
                           hindi tungkol sa walang pagpipilian,
Sa halip isang pagkakataon,
na makagawa ng matalinong mga pagpili,

— The End —