Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"bote" poems
Isang araw, muntik na naman akong nagpakatanga Isang araw, naisip na naman kita Isang araw **** ginulo ang isipan ko Isang araw, binalik-balikan ang masasakit na alaala mo dahil Isang araw, biglang iniwan mo ako Iniwan mo ako... at mula noon Ilang araw akong wala sa sarili Ilang araw iniisip ang mga dahilan kung bakit ka lumisan at kung bakit ako'y hindi mo pinili Ilang araw na nagbabakasakali na ako'y iyong babalikan Ilang araw na patuloy na umaasa sa mga pangako **** napako sa kawalan Isang tanong na gumugulo sa aking isipan Isang tanong na hindi masagot nino man Isang tanong na hindi ko makalimutan Isang tanong na wala naman talagang kasagutan Isang tanong, "Mahal, bakit mo ako iniwan?" Hindi lang iniwan kundi iyo naring kinalimutan Kinalimutan agad na parang walang pinagsamahan Hindi pinapansin kapag nasisilayan Ang trato'y parang estranghero lang sa daan Bakit parang ako lang ang nasasaktan? Bakit parang ako lang ang nahihirapan? Bakit parang ako lang nagmamahal? Bakit ako lang? Bakit? Nang iwan mo ako, nawala ang tayo Nang iwan mo ako, ang natira na lang ay ako Mali pala, kasi pati ako ay nawala noong nawala ka Nawala ang dating ako na kayang mabuhay noong mga panahong wala ka pa Pagod na pagod na ako sa lahat ng sakit Pucha, hindi mawala-wala kahit anong pilit Ilang bote ng alak ang natumba at Ilang stick ng yosi na ang naupos Pero ang pagmamahal ko para sa'yo Mahal Hindi pa rin nauubos
0
May 15, 2015
May 15, 2015 at 12:02 PM UTC
I
Heto na naman ako Nag iisa sa silid Na binubuo ng apat na pader Naisipan kong umakyat Masdan ang alapaap na binubuo ng tala Kasama ang dalawa kong matalik na kaibigan; Isang bote ng alak, At isang bote ng gamot na walang mabuting maidudulot Ang kamay ko ay napuno ng marka Hindi itim O asul Pero pula Sunod sunod na linya at paulit ulit Ang mga marka ay nagsimulang dumugo Napatingin ako sa ibaba Ang mga halaman at lupa ay naghihintay sa aking pagbagsak Sa buong buhay ko Ngayon lang nagmukang malambot ang aspalto
0
Jul 26, 2017
Jul 26, 2017 at 6:13 AM UTC
Paalam na.
Sa isang gabi, tinapos ko ang lahat Tinapos ko ang mga luhang nanlalamig Luhang ikaw mismo ang nagdulot Mga luhang ni minsa'y di inakalang manggagaling sa pagmumukhang ito Sa isang gabi, tinapos ko ang lahat Tinapos ko ang sakit na ikaw mismo ang nagdulot Mahal, 'wag nang itanggi Ikaw ang nagdulot nito. Sa anim na bote ng alak, tinapos ko ang bawat sandaling kapiling ka Sa mga sinehan na pinuntahan, sa mga kamang inilapag ang mga katawan, sa mga piling lugar o sa kahit saang sulok na ninais. Sa anim na bote ng alak, tinapos kita. Ang unang bote ng alak ay para sa iyong panlalamig Totoo, nanlamig ka Mas malamig pa sa boteng hawak-hawak Sa bawat gabing kapiling ka, ang mga bisig mo lamang ang nagsisilbing unan Oo mahal, nasa bisig mo ako, pero ang lamig na. Ang pangalawang bote ng alak ay para sa'yong di pagpaparamdam Nagdaan ang mga araw na nasanay akong wala ka Nasanay akong mag isa sa bawat gabing ako'y may pangangailangan Nasanay akong bigyan ng init ang sarili gamit ang mga kamay Sinanay ko ang sarili Pero higit sa lahat, sinanay mo ako Ang pangatlong bote ng alak ay para sa iyong pagsisinungaling Alam kong nagsinungaling ka na wala kang iba Pag uwi mo sa akin, iba ang amoy, iba ang itsura Kasi naman diba? Iba na ang nag-alaga "I love you" sabi mo, pero sinungaling ka Sinungaling Ang pang-apat na bote ng alak ay para sa hindi mo pag-uwi sa akin Mahal, ako ang iyong tahanan Pero pinili mo ang lansangan Ang pang-lima na bote ng alak ay para sa hindi mo pag alala Pinili **** limutin ang ating mga sarili Pinili **** maging bulag upang di ako makitang nasasaktan Puta ka? Sana naging bulag ka na lang talaga Ang pang-anim at panghuling bote ng alak ay para sa hindi mo pag-laban Ipinaglaban kita Ipinaglaban kita sa mga taong pilit tayong paghiwalayin Ipinaglaban kita sa mga kaibigan ko Ipinaglaban kita sa buong mundo Pero please naman, ipaglaban mo rin ang sarili mo Gawin mo para sa'yo Sa anim na bote ng alak Tinapos ko ang lahat at naitanong ang sarili Sino nga ba ang nagpapasya kung minahal kita o hindi? Ikaw ba? Sila? Hindi ikaw! Hindi sila! Kundi ako! Hindi sila ang magpapasya kung inibig kitang tunay Dahil sa huli Ako ang nagmahal, hindi sila Ako ang nasaktan, hindi sila Sa anim na bote ng alak Tatapusin na kita at patuloy pa kitang tatapusin hanggang sa hindi maghilom ang sugat sa puso na pinili **** iwaksi.
0
Sep 12, 2015
Sep 12, 2015 at 2:08 AM UTC
Ang Anim na Bote ng Alak

Continue reading...
54
Kling Klang....  Kling.. Klang.. Tunog ng kampana'y sumisigaw ng kagalakan, Amihan hanging sumisimbolo ng isang Banal na kaarawan. Saanman pumaroo't-pumarito'y puno ng kasiglahan; Mga hapag-kaina'y dinadagsa ng iba't-ibang kasaganaan, Mumunting kislap sa bawat bahay ay pawang madadaanan, At mga magigiliw na parol sa bawat poste'y isa-isang nagtitingkaran. Habang ang lahat ay masiglang nagkakantahan, Isang lalaki ang naglalakad sa makipot na eskinitang daanan, Maruming damit, gusgusing katawan, Balbasing mukhang mistulang mga puno sa isang mayabong na kabukiran. Pasuray-suray n'yang tinahak ang kadiliman, Dala ang isang boteng alak na kanyang nag-iisang kasamahan. Mga lasing na hakbang ay pilit binibitawan, Mumunting yapak patungong bahay na kubli sa kasayahan. Pagdating sa bukana, bote'y itinapon sa pintuan. Nagsusumigaw at pilit humihiyaw na siya'y agad na pagbuksan. Isang babaeng puno ng pasa't sugat ang kanyang naalinagan; Mayuming mukhang naging busangot ng dahil sa kahirapan. Ilang minuto pa'ng nakakaraan, Isang nakakakilabot na sigaw ang pumagitna sa masasayahang kantahan, Iyak na pilit tinatago, pinipigilan ngunit sa huli'y sumuko't mabilis na nagsilabasan. Ang katanungan, ano nga ba ang dahilan ng kasuklam-suklam na sigaw na nasaksihan? Mistulang iyak ng pagkahabag ng kalangitan Ang unti-unting nagsipatakan. Ulang nakisabay sa nakakakilabot na kalagayan - Binubugbog ng lalaki ang asawa; ang kanyang pinangakuan ng pag-iibigan, Isang taon pa lamang ang nakakaraan! Dugo'y nag-unahan sa pagpatak, Nagsimula sa kanyang kaibuturan binaybay hanggang sa kanyang talampakan. Babae'y nanghina't nagsumamo Na tigilan na ng kabiyak ang pambababoy dito at sa anghel sa tiyan nito. Ngunit ang tainga niya'y nagmistulang sungay; Walang bahid ng pag-aalinlangang pinagpatuloy ang maling labanan. Tengang-kawali't pinag-igihan pa'ng pagsipa't pagsuntok sa tinuturing n'yang kalaban. Dala ng matinding droga, ang haligi ng kabahayan ay naging sundalo't kaaway sa sarili niyang tahanan. Mistulang militar na naging ispeya't traydor sa dapat sana niyang pinagsisilbihang kaharian. Ilang araw pa'ng nakalipas, isang nakakabangungot na kaganapan, Ang naging usap-usapan sa pamayanan. Isang inang nilapastangan ang nakitang walang malay, duguan at butas ang sinapupunan. Sa gitna ng pighati't panlulumo, Ang kampana'y muling umiyak ng pakikiramay. Tunog ng madamdaming dalamhati. Musikang malumanay, .......dahan-dahang naghahatid sa inosenteng sumakabilang buhay. Kling Klang... Kling.. Klang..
0
Apr 30, 2015
Apr 30, 2015 at 10:57 AM UTC
Kampana

46
(A tagalog poem) ㅡ Tyaka na lang kita papansinin, kapag kaya na kitang bigyan ng isang matamis na ngiti gamit ang bibig na hindi nangangamoy usok ng sigarilyo. Tyaka na lang kita kikilalanin, kapag kaya ko na ring kilalanin ang sariling tinig at hindi ang sigaw ng mga demonyong nangungupahan sa aking isip. Tyaka na lang kita tatawagan, kapag kaya ko nang alagaan ang aking katawan at muli na akong natutulog bago pa magpalitan ang araw at buwan. Tyaka na lang kita iisipin, kapag ang tanging kinakatakutan ko na lamang ay ang pagkakawalay sayo at hindi ang maaari kong gawin sa sarili oras na maiwan nang mag-isa sa kwarto. Tyaka na lang kita papakatitigan, kapag ang aking mga mata'y hindi na pagod, namumugto, namumula. Tyaka na lang kita kakausapin, sa araw na pag-ibig na ang aking bukambibig, sa oras na kasiyahan na ang nasa isip at hindi kung paanong tali ba ang gagawin sa gagamiting "lubid". Tyaka ko na lang hahawakan ang iyong kamay, kapag naghilom na ang mga hiwa at sugat na ginuhit, inukit sa pulso, kapag ang isip at kalooban ko'y muli nang nagkasundo. Tyaka na lang kita hahalikan, kapag kaya ko nang talikuran ang mga bote ng alak kapalit ng dampi ng iyong labi. Tyaka na lang kita yayakapin, tyaka ko na lang hahayaan ang sariling maranasan na iyong mahagkan, kapag muli na akong nakakakain ng tama, sa tamang oras. Kakayanin mo kaya ang maghintay kahit magpa-hanggang kailan? At patawarin mo ako. Patawarin mo kung ano ako. Patawarin **** ito ako. Patawarin mo ang kototohanan na binubuo ako ng kalungkutan at kaguluhan. Patawarin **** kung minsan kapag bumuhos ang luha ko'y mas malakas pa sa ulan. Isang araw, aawit ako ng awit ng pananalig at katiyakan. Susulat ng tula na naglalaman ng kasiyahan. Ngunit sa ngayon, dasal ko'y patawarin mo muna ako. Giliw, tyaka na lang kita iibigin... kapag kaya ko na ring ibigin ang aking sarili.
0
Jul 13, 2016
Jul 13, 2016 at 9:52 AM UTC
Awit Ng Pasubali

Isang libong tansan dating takip sa bote ng alak Isang drum ng luhang walang galak Maubos man ito't tuloyang matuyo Ikaw rin naman ay nasa malayo Tama na 'to, tama na po Tanginang pag-ibig kelan ba susuko? Tama na 'to, tama na po Paalam na, mahal ko'ng sumuko Kape sa umaga, iyak sa gabi Ako ba ito? Hindi ko mawari Sa kama ko'ng dati kitang katabi Tutupiin ko na, at itatabi Tama na 'to, tama na po Tanginang pag-ibig kelan ba susuko? Tama na 'to, tama na po Paalam na, mahal ko'ng sumuko Wala na akong maidudugtong, "Paalam Shin Hye" sinigaw ko'ng pabulong
0
Mar 10, 2017
Mar 10, 2017 at 8:51 PM UTC
Paalam Shin Hye
Ang swerte mo Inggit ako sa'yo Parang na sa'yo na ang buong mundo Pero hindi dahil sa pera o sa yate mo Kasi na sa'yo siya Pansin mo ba ang kinang sa kanyang mata? Tuwing siya ay ngumingiti Kung pa'no pumoporma ang mukha n'ya 'pag tumatawa? O ang lambot ng kanyang buhok 'pag ito'y kanyang hinahawi? Kung pa'no s'ya maglakad, tumayo o umupo? 'Pag seryoso na s'ya sa trabaho? Ang ekspresyon n'ya 'pag sya'y nagki-kwento? Pati paraan ng kanyang pag-ubo? Eh yung kapag medyo tinamaan na s'ya ng alak? Na parang ang sampung bote'y 'di pa sapat Kulang pa nga ang pulutan 'Pag tutumba na s'ya'y mapapatakbo ka para alalayan Ang ganda n'ya 'diba? Kung tutuusin nga 'di na n'ya kailangan ng kolorete pa Yung itsurang pagod n'ya kakaiba Para ka na lang mapapatulala Habang nakanganga Lalo na 'pag naiinis na s'ya sa'yo 'Pag napipikon na s'ya kakaasar mo Pero nakakatuwa kahit puno ka na ng palo Kahit pa s'ya lagi ang dapat panalo 'Pag naglalambing s'ya Kahit gusto mo pa magalit, wala Mapapangiti ka na lang at hala Galit mo'y naglaho na Yung mata din n'yang namamaga Kasi kakaiyak lang n'ya O kakagising lang kasi Iba pa rin eh Kasi nakikita n'ya yung akala mo walang makakakita 'Pag nagtatampo ka na pero ayaw mo ipahalata Yung gula-gulanit **** kalupi pinalitan pa n'ya May iniwan pang sulat nung nawala ka Nung nagkasakit ka, s'ya'ng nag-alaga Alam n'ya kung pa'no ka pangitiin hanggang sa ika'y tumawa Para nga'ng pati mga iniisip mo, alam na n'ya Pati siguro yung katotohanang nahuhulog ka na 'Diba ang swerte mo? 'Yun lang kasi pwede kong iuwi Para sa aking sarili Kasi nga sa'yo s'ya Do'n wala akong magagawa 'Di ko nakikita kung pa'no n'ya isiping mahal ka n'ya Na ayaw ka n'yang mawala Na ikaw na yung naiisip n'ya na habangbuhay makasama Yung kinabukasan n'yong kayong dalawa Kaya swerte ka Kuya Wil Na sa'yo kasi ang 'di mapapasa'kin Kaya ingatan mo s'ya't mahalin Dahil kung hindi, baka sya'y aking dagitin
0
Feb 26, 2019
Feb 26, 2019 at 7:06 AM UTC
Kuya Wil

55
Ang alak na ito ang magiging dahilan kung paano kita malilimutan, kahit sandali. Sa alak na ito ibubuhos ko ang bawat luha na hindi ko na maiiyak. Naalala ko pa kung paano naglapat ang mga labi natin sa isa’t isa. Tulad ng kung pa'no dumampi ang labi ko sa bibig ng boteng hawak ko ngayon. Bawat halik ay mapait ngunit 'di kasing pait ng beer na madalas kong inumin. "Isa pang bote diyan!" Meron pa bang mas malamig sa pagtrato mo sa'kin? Lasing na ako. Lango na ako sa pagmamahal ko sayo. Nilunod ko na ang sarili sa alak, ngunit ang puso ko ay parang walang balak na bumitaw sa'yo.
0
Mar 1, 2017
Mar 1, 2017 at 1:54 AM UTC
LASING SA PAG-IBIG
sayaw, Eriko isayaw mo lahat ng sinabi niyang “mahal kita” na pakiramdam mo’y totoo nung mga panahong umaalis kayo ng isang araw kada-linggo kasi dinadayo ka pa niya sa Maynila sayaw, Eriko iindak mo at isigaw mo sa mikropono ang pabulong niya pa noong unang sinabi, “ako na lang, iingatan naman kita” sa maulan na gabi na ‘yun noong iniiyakan mo pa ang mga pangyayari na kinagigitnaan mo isayaw mo, Eriko itawa mo lang ang sinayaw niya sa sala mo noong gabi na ‘yun mashed-potato lang kuno ‘di ba? halakhak, napamahal ka sa mukha niyang parang pinigang tuwalya noon hindi naman siya guwapo gaya ng lagi niyang sinasabi umaray ka, Eriko nasipa ka ng katabi mo, pero naalala mo lamang ang mga oras na nagsisipa ka ng bato sa Makati habang naglalakad kayo, at kinukwento niya ang pamumuhay niya noon sa malayong lugar, pawis na pawis kayo pero ngiti niyo’y abot langit talon, Eriko palakpak ilang buwan na rin ang lumipas noong huli kayo nagkausap binati mo siya ng maligayang kaarawan, kahit ang araw mo nun ay malayong-malayo sa maligaya, kapos sa saya, kapayapaa’y nahahanap mo lamang pag nandiyan ang barkada kalma, inom ng tubig, Eriko, kawayan ang bote ng alak, pero huwag kang lalaklak hinga, ipanalangin mo na lang na siya’y maging masaya, dahil alam mo naman na iyon ang tama.
0
Mar 29, 2021
Mar 29, 2021 at 9:24 AM UTC
Sayaw, Eriko (Tagalog)
“Hayaan mo na lang ako matulog.” Eto ang realidad, Ng mundo, Dahan-dahang pumapalibot sa atin, Ano bang mali sa’kin? Sobrang layo pa ng hinaharap, At hindi ko maisip kung ano ba dapat ko maging. Ano ba dapat **** gawin? Marami nang nangyare, At ano pa ba ang pwedeng maganap? Magkukulong sa sulok, At magmumukmok, Naka-ilang hithit-buga na ng yosi, Baka sakaling makalimot. Naka-ilang bote na ng alak, Pampakalma sa pusong kumakabog. Hindi mo mapigil ang pag-tulo ng luha, Isa-isang nawawalan ng kislap ang mga tala sa iyong mata. Nawalan na ng liwanag ang buwan, At ang araw ay hindi na sikat, Naghalo ang amoy ng dagat at ulan, Sumingaw mula sa mainit na lupa parang naagnas na katawan. Lalabanan ba ang apoy? O hahayaan lamunin ka at matupok? Lalangoy ba kasabay ng mga alon? O handa ka nang malunod at mabulok sa kailaliman? Hanggang sa hindi na ma-iahon. Marami ang nagtatanong, “Mahalaga pa ba ang nakaraan?” Kung ang hinaharap ay nagtatago sa likod ng kasalukyang puno ng kirot at hirap, Hinagpis at galit, Poot at pagkamuhi, At sakit na walang lunas. Mahalag ba ang nakaraan? Maraming pagkakataon na ako ay lumipad, Mula sa kalangitan, malaya ang diwang may pakpak, Naglalangoy sa ulap ng kawalan. Tanaw ko ang sanlibutan, nag-aaway, Nag-papatayan, para sa ano? Lupa? Pera? Para sa diyos na makapangyarihan? Ngunit ang mahabaging diyos ay wala namang pakialam. Wala naman dapat patunayan, Wala naman dapat paglabanan. Rinig mo ba ang ingay mula sa kabilang baryo, Parang mga asong ulol, nagkumpulan at tumatahol. Ako ay naglakad, Saksi ang dalawang paa sa harapang pang-gagahasa ng mga higanteng buwaya; walang umalsa. Natatakot sila. Dahil sa mata ng nakararami, Karahasan ang tama, At hindi ang karapatan ng bawat isa. Marami ng problema ang daigdig, Dadagdag ka pa ba? Iiwasan mo na ba o babalikan mo pa? Pilit lumalayo, Patuloy ang pagtakbo, Ngunit hindi pa rin maabot ang dulo. Hindi malaman kung saan patungo. Dalhin mo ako sa lugar, Kung saan mapayapa ang buhay, At mayroong pag-ibig na tunay. Dahil matagal nang may sindi ang nitsa, Hihipan ko na ba? O hahayaan na lang mamatay ng kusa parang paubos na kandila. Dahil eto ang realidad, Ng mundo, Dahan-dahang pumapalibot sa atin, Ano bang mali sa’kin? Sobrang layo pa ng hinaharap, At pagod na’ko magising, Gusto ko na lamang umidlip at managinip, Patungo sa paraisong ang ihip ng hangin ay malumanay, At ang kulay ng paligid ay pagmamahal na dalisay. “Hayaan mo na lang akong matulog. Kung sa aking pag-gising ay meron paring sakit, hayaan mo na lang akong matulog, dahil pagod na’ko magising.” Hayaan mo na lang akong matulog. Baka sakaling hindi ko na maramdaman ang sakit. Hayaan mo na lang akong matulog. Kahit ilang oras lang, iiwan ko ang mundong mapanakit. Hayaan mo na lang ako. Dahil gaya ng sabi mo, “Sa sobrang hilig mo sa sleep, pwede ng ipalit ang pangalan mo sa salitang *ogip.” Kaya hayaan mo na lang akong matulog, Dahil pagod na’ko magising. At ayoko nang magising.
0
Apr 25, 2018
Apr 25, 2018 at 11:05 PM UTC
Pagod Na’ko Magising

84
Tanggap kita Sisimulan ko ba ito sa umpisa ?? o sismulan ko ba ito sa huli mag sisimula ako kung pano ko tinanggap ang mali Kung paano ko handang itama ang mga Pagkakamali mag sisimula ako kung pano ko inayos ang sakit lungkot at galit Eto na ang umpisa alam ko na ang bawat sandali ay may mali alam ko na sa bawat salitang nilalabas ng bibig ay isang kasinungalingan Hanggang sa isang beses inamin mo sakin Na ayaw mo na at may mahal ka ng iba masakit isipin na sa layo ng ating tinahak ay susuko kana pala lagi na lang sumasagi sa isip bakit iniwan moko sa mundong ginawa natin bakit binitawan moko sa gitna lungkot at saya ngayon alam ko na ang sagot sa tanong na gumugulo sa isip Iniwan moko kasi may mahal kana nagdaan ang araw na luha na lamang ang aking kapiling bote na lang ng alak ang nagpapawala ng sakit dumating din ang araw na bumabalik ka dahil nasaktan ka nya nakita kitang umiiyak sabi mo sakin na ang sakit sakit na Di malaman ang gagawin kung yayakapin ba kita o hahayaan di ko alam kung ano mararamdaman kung ako ba ay masasaktan o matutuwa isa na lamang ang aking ginawa niyakap kita at pinunasan ko ang iyong luha na sa sobrang dami ay basang basa ang damit Tinanggap kita ng buo sa damdamin tinanggap kita ng walang pag aalinlangan kasi eto padin ako mahal padin kita alam kong mahal mo pa sya pero nandto ako kasi di kita kayang lumuluha nasasaktan at nahihirapan kahit ilang beses mokong pagtabuyan nandto padin ako di na muling lalayo sa piling mo tatapusin ko ang pyesa na to tanggap ko ang pagkakamali mo tatapusin ko ito sa tatlong salita Mahal napatawad na kita
0
Nov 1, 2016
Nov 1, 2016 at 4:27 AM UTC
Tanggap kita

37
Gabi. Nang una kitang makita. Ikaw yung matingkad at nagniningning sa madilim na parte. Sa may kubo. Nakaupo. Ikaw, alak, at sigarilyo. Lumapit ako. Dahan-dahan, para malaman kung alin at ano. Kung bakit nga ba sa dinami-dami ng tao, Bakit sa’yo ako dumiretso. Gabi. Ikaw ang unang nag-salita. Ngumiti lang ako, habang nakatitig sa’yo. Tila may kabog sa dibdib. Hindi maipaliwanag ng bibig. Tinanong mo ako kung naniniwala ba ako sa diyos. Sagot ko ay hindi. “So, atheist ka?” Tanong mo na may halong pag-dududa. Sinagot kita. Sabi ko, oo. “Tayo na ba?” Ngumiti ka at tumawa. “Sige.” Biro-biruan lang. Walang palitan ng “mahal kita.” Nag-palitan lang tayo ng numero. Sabay sabi “nandito lang kung sakaling kailangan mo ako.” Lumipas ang ilang araw. Hindi na tayo nagkita. Minsan, nag-uusap sa telepono Madalas, hindi kumikibo. Minsan, magpaparamdam. Madalas, parang wala lang. Minsan, nariyan lang. Madalas, wala lang. Gabi. Nang tayo’y muling magkita. Sa harap ng bahay. Sa may kalsada. Nag-usap ang ating mga mata. Ikaw, alak, at sigarilyo. Tanda ko pa non, magpapasko yun. Laseng na ako. Madaling araw na, tara sa dagat, ligo tayo. Mga alas tres na yun. Tapos nag-inom ulit tayo dun. Sa likod ng pick-up truck. Sa bote na ng Jim Beam deretso ang inom. Walang chaser. Kasi wala namang habulan. Hindi naman tayo naghahabulan. Gabi. Pang-ilang ulit na ba? Akala ko biro lang, Akala ko lang pala. Yung joke time, tila nagiging seryoso na. Natatakot ako baka bigla na lang ‘tong mawala. Pero sa t’wing magkasama na, Lahat ng problema’y nalilimutan bigla. Kita ko ang ngiti sa mga mata mo. Madilim man ang paligid, Maliwanag naman sa piling mo. Gabi. Hindi ko alam kung saan magsisimula, Kung ano ba ang dapat sabihin, Yung tama lang at hindi makakasakit ng damdamin, Pero bago natin tuldukan, Bakit hindi muna natin simulan sa kama, Kung ang ending ba natin ay parang sa pelikula, Yung masaya o tulad din ng iba, yung hindi pinagpala. Pero maaga pa ang gabi, Hayaan **** mahalin kita ng lubos kahit sandali, Pati ang mga galos at sugat mo, Yayapusin ko hanggang sa maghilom at mawala ang sakit, Dahil kung may pusong mabibigo, 
 Gusto ko yung hindi sa’yo. Kay hayaan na lang muna siguro natin na gan’to, Pag-sapit naman ng gabi, Ikaw pa rin ang uuwian ko.
0
Sep 10, 2017
Sep 10, 2017 at 1:50 AM UTC
Gabi

78
Panginoon mo ang Panganorin. Bertud Ka ng hubad na diwata. Likhang-isip, halukipkip Ng wika, pedestal ng Luha, ikaw itong kalahatan Ng kasalatan ng unawa't Awa ng hangal na madla. Samut-saring anyo't samyo Ng opyong bumabawi ng Bait at hinanakit sa buhay Ngunit masugid na patrong Naghahasik ng biyaya Sa anyo ng bote pakete lata spaghetti langaw lumot bangaw ipis lotion ****** burak darak barya kariton prosti sutana artista politiko pulis tsismis                        atbp.
0
Nov 3, 2013
Nov 3, 2013 at 3:23 PM UTC
Poleteismo
#051416 Nauuhaw ako Bitak-bitak ang lalamunan Sabay lunok, iba ang indak ng tag-init. Humiling ako Sa bulsang gula-gulanit Sa retasong sando Sabay hanap sa munting kaluping Singit sa maingay na sapatos. Siyang nakikipagtagisan ng laway Sa putik na binubuhusan ng langit. Muli, nauuhaw ako Pero sana'y mapawi ito Ng mahika't eksperimento Ng itim na likidong kumukulo sa lamig. Taglamig, taglamig na takipsilim; Yakap ko ang kapoteng maitim ang tagiliran. May karatula sa kanto, Kaya't napasugod ako sa pagkasabik. Tangan ko pagbalik ang litro. Magaspang ang mga kamay Kaya't makapit ang bote sa mga daliri. May karatula sa ikalawang kanto, Tatlong kulay, pero hindi matukoy Gabi'y makasarili, walang nais na kahati. Ulap ay hinawi, kabiyak ang buwan at bituin. Isang bloke ng yelo, Yelong pinira-piraso Binasag sa sementong kwadrado Pahaba't may mga bumbilyang mamatay din. Isang ihip lang ng hangin, lagas ang liwanag. Isang basong walang laman, Walang bahid ng pagsabon Buhat sa mga nakasalansang na pagkatao, Iba't iba ang pwesto, May kanya-kanyang tambayan. Tuluyan silang naging tambay na lamang. Nauuhaw ako pero hindi ito napawi, Mga kalapating pumapagaspas sa himpapawid, Senyas pala ng paglisan. Musikang hele patungong langit, Pagtulog ko'y pahimbing nang pahimbing. Nauuhaw ako, nauuhaw na naman ako Pero pauwi na ako sa Tahanan, Doon na makaiinom, magpapahinga na ako. Paalam.
0
May 14, 2016
May 14, 2016 at 10:31 PM UTC
Coke Story
Kahel na pala ang langit. Ang init, ayon, namumutawi. Sa tabi ko'y radyong tumutugtog, Sumasabay sa huni ng bentilador Habang ang ulo'y sumasakit Mga kanta'y puro tunog sawi, Sa litrato mo, ako pari'y nahuhulog Sa bawat laklak, sa bote ng matador.
0
Mar 24, 2017
Mar 24, 2017 at 3:19 AM UTC
Kahel
"KALIMUTAN MO NA ANG NAKARAAN MO! LALO  MO LAMANG SINASAKTAN ANG SARILI MO-- ANG PUSO MO!" sigaw nang sigaw ang utak sa mga katagang iyon sa kaniyang puso. "May pag-asa pa! Umaasa pa rin ako. Aasa pa rin ako kahit matagal. Paki-usap, bigyan mo ako ng pagkakataon. Nararamdaman kong darating sila," litong-lito naman ang puso at pilit na nagmamakaawa sa utak na bigyan pa siya ng pagkakataon. "Hindi ka ba nakakaintindi? Iniwanan ka na nila. Hindi ka na nila mahal. Wala ka ng puwang sa mga puso nila. Hanggang kailan ka dapat umasa ha?" galit na galit na ang utak sa puso nang mga sandaling iyon. Nag-aalab na at kaunti na lamang ay magiging makasalanan na siya. "AKALA MO LANG IYON! HINDI IKAW ANG NAKAKARAMDAM KUNG HINDI AKO! AKO ANG MAS NAHIHIRAPAN!" "AKALA MO LANG IYON! AKO RIN NAHIHIRAPAN NA AT DUMUDUGO NA ANG UTAK KO SA IYO! HINDI KA  BA TITIGIL?" "HINDI!" "P'WES! Gagawin ko na ang nararapat upang manahimik ka!" At hindi na napigilan ng utak ang kaniyang paninibugho. Inutusan niya ang mga paa na magtungko sa kusina. Ipinakuha niya sa kamay ang isang kulay puting bote na may nakasulat na muriatic acid. Kusang bumukas ang bunganga at ipinainom ng kamay ang lahat ng laman sa bote hanggang sa dumaloy na ito sa buong katawan. Habol-habol ang paghinga, pinilit pa ring lumaban ng puso upang mabuhay ngunit, huli na. Huli na dahil nangisay na ang katawan, naging kulay ube na rin ito at tuluyang namaalam pareho ang utak at ang puso nang mga oras na iyon.
0
Feb 11, 2018
Feb 11, 2018 at 4:24 PM UTC
Labanan ng Puso at Utak (a flash fiction)
Habang nag-iisa At walang kamalay-malay Ako'y nadampot ng mga Naghahanap ng karamay Nayaya ng promotor At hindi na makatatakas Hinamon ng mga tomador At nagkasukatan na ng angas Marami nang bote ang walang laman Nakabasag na rin ng mga baso Paubos na ang mga pulutan Amoy na rin ang halimuyak ng chiko May di matapos-tapos na asaran May mga pikon ngunit puno parin ng tawa May mga tulog na at may nagkukulitan Mayroon din namang nagkukwento ng paluha Walang humpay rin ang kantahan Punong-puno ang lamesa ng kwnetuhan Rinig hanggang langit ang halakhakan Tuloy-tuloy lang ang kasiyahan Masayang salo-salo Matibay na pagsasamahan At ang highlight dito Ay ang hangover kinabukasan Sana'y king bilis mawala Gaya ng hangover kinabukasan Ang aking mga alaala At ang sakit ng iyong paglisan
0
Dec 21, 2016
Dec 21, 2016 at 6:43 AM UTC
Hangover
Jo hamare aankhon me bade bade sapne sazote hain, Jo hamare sanskaro me pyar ke bij bote hain, Jo  humare sapno ke liye din-raat ek kar dete hain, Aise Hamare Maa-baap hote hain, Jo hamari khushi ke liye khud rote hain, Hamari acchi nind ke liye wo nahi sote hain, Naa karo kabhi bhi Maa-Baap ka apmaan, Kyuki ye bhagwaan ka roop hote hain, Mata-Pita me shaktiya anek hote hain, Dur rahkar bhi ek-dusre se sda ek hote hain, Putra kuptra ** jaatey hai pr, Maa-Baap hamesha nek hote hain, Maa-Baap ke andar ishwariye shakti vidyaman hain, Enke andar samst shristi ka gyan hai, Hum tou kuchh bhi nahi the es naye jahan me, Enhi se hamara naam enhi se hamara pahchaan hain....
0
Mar 27, 2018
Mar 27, 2018 at 5:21 AM UTC
Mata-Pita....
He ido bajo Helios, que me mira sangrante laborando en silencio mis jardines ausentes. Mi voz será la misma del sembrador que cante cuando bote a los surcos siembras de pulpa ardiente. Cierro, cierro los labios, pero en rosas, tremantes se desata mi voz, como el agua en la fuente. Que si no son pomposas, que si no son fragantes, son las primeras rosas -hermano caminante- de mi desconsolado jardín adolescente.
0
2.2k
Inicial
Mangangata ako sa madaling araw ng panggagalaiti, nang mga panahong mas malalim pa sa dagat, ang panghahaplos sa kaluluwa na kinulang sa pagpapahinga at sa wakas: makakapagpahinga. Ako, ang sisidlan ng kalatas na nagpaagos sa rumaragasang ilog pagkatapos ipasok sa isang bote, sa pag-asang makararating sa iyo ito. Ayaw ko nang bumalik ang kalatas na 'to, baka sa susunod na bumalik sa akin ito, ay naglalaman na ng bulgarang pagtugon ng pagkalas. Ayaw ko na. Manghihipo na lang ako sa gabi sa pamamagitan ng paggunita sa mga alaala para sundan ang anino na unti-unting nawawala sa kusina, sa kuwarto, sa kama, at sa hapag-kainan. Sandali, may idadagdag pa pala ako, hindi ko kakayaning tanggapin ang pagtanggap na namamalikmata lamang ako, habang naglalaho ang pangalan mo sa kuwaderno ko. Mawawala na lamang ang pagkamarahas ng prosa o tula ko. Isasantabi muna kita sa mga susunod na tula o prosa, painda-indayog ang paksa, pero binabalik-balikan ka sa masusing pagsusuri ng konteksto. Magiging humpak na lamang ang dating matunog na ikaw at ang dating laksa-laksang paglalarawan sa bawat pag-ikot at paggalaw mo, na maingat na sinusundan ng mga mata ko. Sa kabila ng pagpipigil sa pagkatapos ng isang nakakainsultong nakakapagod na araw ay magsisilakbo muli ang damdamin, at 'di magpapaawat ang pintig na parang bumabalik ang mga mata sa unang pag-angat ng mga titig. Mahal, mangangata na lamang ako hanggang umaga, habang nginangata ako ng panggagalaiti sa pagsapit ng umaga.
0
Feb 17, 2019
Feb 17, 2019 at 6:33 AM UTC
Nangangata
Ang hilig mo magbilang eh 'no? Kung ilang beses ako lumalabas Kung ilang bote ang tinutungga ko Kung ilang stick ng yosi ang nagamit ko Kung ilang tao kausap ko Kung ilang bagay ang naitulong ko Kung ilang salapi ang naiaambag ko Kung ilang araw kitang hindi pinapansin Kung ilang oras akong nawawala Kung ilang beses ako nagkakamali Binibilang mo talaga ang lahat eh 'no? 'Di ka ba nahihirapan? 'Di ka ba nagsasawa? Samantalang ako, binibilang ko lang 'yong mga panahong pinaramdam **** mahal mo ako, at sa totoo lang di ko na kailangang magbilang- Dahil alam kong minamahal mo ako simula pa noon hanggang ngayon. Ang ingay mo talaga eh 'no? Hayop ka, mahal kita.
0
Jan 18, 2019
Jan 18, 2019 at 11:40 AM UTC
Binibining Nagbibilang
ang sarap uminom habang malamig ang panahon habang nakikinig sa mga huni ng mga ibon bumili ako ng isang bote ng alfonso lumipas ang ilang oras tinamaan na ako heto nanaman tayo naalala ko nanaman yung dating tayo ikaw nanaman pumapasok sa aking utak sarap na sarap ako sa paglaklak naubos ko na hanggang sa huling patak hindi pa din gumagaling yung puso kong wasak napaisip ako ano ba talaga meron sa alak nabaliktad na ata at alak na ang may balak pangalan mo na ang nababasa ko sa tatak walang tawad na iyak at walang humpay na mga sapak napapaisip kung hanggang alaala na lamang ba at umaasa na ikaw ay babalik pa at magigising ka at parang kinakausap ka ng alak na itigil na wag ka na umasa dahil kapag iyong binaliktad ang salitang alak kala mo totoo kala mo mapapasayo kala mo hanggang dulo wag ka maniwala sa maling akala -r.g.
0
Jul 29, 2017
Jul 29, 2017 at 11:23 AM UTC
ALAK O KALA?
tila mapurol na ang gamit na patalim na sa bawat pagbakas ay lalong dumidiin baka sa susunod, sasapat na ang lalim para makalimutan ang bagay na madilim may dala-dalang bagahe na balak lunurin sa iilang bote ng matapang na inumin umaasang tulad nito sana ay ako rin (maging matapang, o malunod din?) magpaplano sa isip ng sariling libing idadaan na lang sa yosi at paglalasing hanggang atay at baga ko'y maging itim para terno sa damit ng mga dadating isa pang sigarilyo ang ilalagay sa bibig pilit lalanghapin ang nikotina sa dibdib hanggang di na matukoy ang dahilan ng sakit hanggang makalimutan ang lahat ng pait.
0
Jun 30, 2018
Jun 30, 2018 at 11:22 AM UTC
bisyo.
Tu y tu solo en este mundo Tu y me conoces tan desnuda y me conoces no tan bien como me gustaría que sabíamos nosotros solos Te veré de nuevo pronto siento esto Sientes esto, lo sabemos esto es saber en la sangre bajo la luna, cerca del rio donde soñé con encontrarte hace tantos años mi amor ¿remarás este bote a través del río? Algún día tendremos que dejar de lado estos sueños. Pero nunca the dejaré ir sin mostrarte todo mi amor todo mi amor hueso profundo a mi palma todo tu amor donde la x marca el lugar Tiempo es un círculo que se come a sí mismo no sabe nada más que hambre y anhelo Los días nos pasan como antes somos mejores que eso ahora quiero coronar mis años con algo que se siente mucho mucho como tú ai ai ai ai ai mucho como tú mis años vienen cayendo sobre mí años tocan y se van tienen mucho que decir tantos sueños que nunca fueron puestos en palabras te quedas te quedas te quedas written by  Medusa
0
Oct 20, 2018
Oct 20, 2018 at 4:00 AM UTC
Cerca Del Rio
Masisisi mo ba ko? Na bote nanaman ang kaagapay ngayong gabi Na sa bawat pag-lunok ay naaalala ang tamis ng iyong mga labi Masisisi mo ba ko? Na hanggang ngayon di ko pa din maipaliwanag Kung bakit naligaw tayo sa dapat nating puntahan Masisisi mo ba ko? Na sa bawat tawag na matatanggap Tawa **** nakakairita pa din ang inaasam madinig Masisisi mo ba ko? Na sa dami-dami ng mga kwentong nabasa at narinig Ikaw lang ang kapani-paniwala at uulit-ulitin Masisisi mo ba ko? Na ikaw pa din ang pinapangarap ko Kahit gising na gising na sa katotohanan Masisisi mo ba ko? Na ikaw pa din ang paboritong rason Sa tuwing pagtitripan ako ng mga alaala Nauubusan na ko ng palusot Masisisi mo ba ko? Masisisi mo ba ko na sinisisi kita Kung bakit tayo nagkasalisi ng landas Oo sinisisi kita: sa mga nangyari; Sa takot, Sa kirot, Sa lungkot, Sa bangungot, Kaya 'to, para sayo ang huling ikot. Sinisisi kita, dahil mahal pa din kita.
0
May 9, 2017
May 9, 2017 at 1:48 PM UTC
Masisisi mo ba ko?