Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Enzo Jan 2019
Ang hilig mo magbilang eh 'no?
Kung ilang beses ako lumalabas
Kung ilang bote ang tinutungga ko
Kung ilang stick ng yosi ang nagamit ko
Kung ilang tao kausap ko
Kung ilang bagay ang naitulong ko
Kung ilang salapi ang naiaambag ko
Kung ilang araw kitang hindi pinapansin
Kung ilang oras akong nawawala
Kung ilang beses ako nagkakamali

Binibilang mo talaga ang lahat eh 'no?
'Di ka ba nahihirapan? 'Di ka ba nagsasawa?

Samantalang ako, binibilang ko lang 'yong mga panahong pinaramdam **** mahal mo ako, at sa totoo lang di ko na kailangang magbilang-

Dahil alam kong minamahal mo ako simula pa noon hanggang ngayon.

Ang ingay mo talaga eh 'no?
Hayop ka, mahal kita.
Basta masungit, langit kung magmahal

— The End —