Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Ayin Azores Aug 2018
Ilang taon akong nabulag sa paniniwalang kailangan mo munang makaranas ng sakit bago mo makamit ang tunay na ligaya.
Na ang bawat luha ay may katumbas na galak, na ang bawat gabi ng pighati ay may pangako ng isang masayang umaga.

Ilang taon akong nakipagsapalaran sa pagibig na mapagpanggap. Kaliwa't kanang kabitan, walang katapusang kasinungalingan.
Pagibig na sa harap ng madla ay puno ng kilig at lambing. Ngunit sa ilalim ng mga yakap at mga halik ay ang mga pasa at sugat na dulot ng masasakit na salitang sing talim ng bagong hasang lanseta.

Ilang taon akong nasanay sa kalungkutan, walang kadaladala. Sugod ng sugod sa labang alam ko namang sa bandang dulo ay ako ang uuwing talunan. Pilit akong kumapit sa mga maling tao. O tamang tao sa maling pagkakataon. O sa akala ko'y tamang tao pero hindi naman ako gusto. Sakit no?

Ilang taon akong sumugal sa mga relasyong walang kasiguraduhan, sa pagibig na "pwede na", kahit alam ko sa sarili kong walang patutunguhan. Minsan nga kahit wala nang kakabit na emosyon basta lang may pantawid sa tawag ng laman pinapatos ko ng walang pagaalinlangan.

Ilang taon akong pansamantalang nakisilong sa iba’t ibang tahanan. Na sa una’y buong puso ang pagtanggap ngunit sa bandang dulo ay walang habas din akong pinagtabuyan palabas.

Ilang taon? Hindi ko na mabilang. Hindi ko na mabilang kung ilang taon akong nagtapang tapangan na suungin ang mga tila panibago na namang disgrasyang maaari kong kaharapin sa proseso ng paghahanap ng tunay na ligaya. Isang pagibig na may pangako ng walang hanggan.

Hanggang sa... napagod na ako. Sa wakas, napagod na ako. Napagod na akong kwestyunin ang kalawakan sa kung bakit palagi na lang akong pumapalya sa pagibig. Napagod na akong magtiwala. Natakot na akong magtiwala. Natakot na akong buksang muli ang puso ko sa susunod na estrangherong magsasabing “hindi kita sasaktan, peksman mamatay man”

At Unti unti kong napagtanto na sa ilan taon kong paghahanap ay ako, ako ang nawala.

At nahanap mo ako.

Ikaw ang naging sagot sa bawat tandang panong na ibinato ko sa kalawakan sa loob ng maraming taon. Tinuldukan mo ang lumbay at ipinamukha sa akin na hindi ko kailangang masaktan para makamtan ang tunay na ligaya. Na kailanma'y hindi ako dapat lumuha dahil sa hinagpis. Hindi ka nangakong hindi mo ako sasaktan, ngunit ipinadama mo sa akin ang  ang masarap **** pagaalaga. Pagaalagang hindi kailangan malaman ng iba para mapatunayan na bukal sa loob ang hangarin. Binigyan mo ako ng dahilan para muling magtiwala.

... Ng lakas na sayo ay kumapit at ipadama sayo ang init at gigil ng pagibig na ni minsan ay hindi ko naipadama sa sinoman. Binigyan mo ako ng pagasa... ng dahilan para muling maging matapang.


At ngayon, sa unang pagkakataon.
Buong tapang kong ipagsisigawan sa buong mundo na palangga ta ka. Na handa na ako sa pagsisimula ng isang bagong paglalakbay kasama mo mahal ko. At oo, oo ang naging sagot ko.
Marge Redelicia Jun 2015
ang pangalan niya ay jesus.
oo, ang pangalan mismo ng kaibigan ko ay jesus.
seryoso ako.

si jesus
ay siyang dalaga,
morena, kulot ang buhok.
ang lalim ng mga dimples at
may mga pisngi na kay sarap kurotin.

parang musika ang himig ng kanyang tawa
at hindi kumpleto ang kanyang mga bati
kung walang kasamang yakap na kay higpit.
hindi ko gets kung bakit
hindi siya kumakain ng tinapay ng walang asukal.
at nakakatawa lang kung paano
lagi siyang may baon na sachet ng bear brand
na pinapapak niya kapag siya ay naiinip.

si jesus
ay isang iskolar,
magna *** laude standing,
bise presidente ng kanilang organisasyon.
balak mag law school pero may tumanggap na
nakumpanya sa kanya sa bgc.
meron din siyang mayamang boyfriend na
hinhatid siya pauwi sa taytay, rizal gabi-gabi.

huwebes ng nakaraang linggo,
bandang alas dyis:
si jesus
ay natagpuan sa labas ng kanilang bahay
walang malay
nakahandusay sa kalye.
sinugod sa ospital para kalagayan ay masuri.
ano kaya ang nangyari kay kawawang jesus?
heat stroke, stress, fatigue, high blood, food poisoning?
kulang lang ba sa tulog o pagkain?
walang natagpuang hindi pangkaraniwan kay jesus.
normal lang daw ang kanyang kalagayan
maliban lang sa paghinga niya na
tila humihikbi pero walang luha.
ilang oras din ang nagdaan bago si jesus
ay tuluyang nagising.
ang sabi ng doktor tungkol sa kanya:
depresyon, malubhang pagkalungkot
ang tunay at nag-iisang sanhi.

dahil kay jesus,
napagtanto ko na
hindi porket nakangiti,
masaya.
hindi porket bakas ang ligaya sa kanyang labi,
wala nang lungkot at lumbay na namamayani sa kanyang mga mata.
hindi porket ang lakas humalakhak kapag nandyan ka,
hindi na siya humihikbi, humahagulgol kapag wala siyang kasama.
hindi porket parang musika ang kanyang tawa,
hindi na siya umiiiyak nang umiiyak nang paulit-ulit-ulit na parang sirang plaka.
kasi
hindi porket masigla,
hindi na napapagod.
hindi porket matapang at palaban,
hindi na nasasaktan.
hindi porket laging nagbibigay, nag-aalay,
wala nang mga sariling pangangailangan.
hindi porket matalino,
ay may alam.

dahil kay Jesus,
ako'y namulat
na ang dami palang mga walang hiyang tao sa paligid ko
na nagsusuot ng mga maskarang pantago
sa kanilang mga kahinaan, takot, at sakit.
sa kabila pala ng kanilang mga yaman, tagumpay, talino, at
kung ano-ano pa mang sukatan ng galing
kung saan kinukumpara natin ng ating sarili
may isa palang
nabubulok, naagnas
na kaluluwa.

dahil kay jesus,
ako'y nalulungkot.
mata ko ay naluluha,
puso ko ay kumikirot
na may mga tao palang katulad niyang
naglalakbay nang di alam kung saan pupunta.
nangangarap na huwag na lang magising sa umaga.
nakuntento na lang sa wala.

dahil kay jesus,
ako'y naiilang
na ang nagaganap sa aking harapan
sa loob ng paaralan, bahay, o opisina
ay hindi tama.
maling-mali na
ang mga tao sa aking paligid ay nakakulong
sa selda ng anino at lamig.
hindi ito ang kanilang nararapat na tadhana.
hindi ka ba naiinis?

dahil kay jesus,
may apoy na nagpapaalab sa aking galit
nagtutulak sa akin na tumakbo
hangga't hindi natatama ang mali.

at lahat 'yan ay
sapagkat alam ko sa aking isip at puso na
dahil kay Hesus
lahat ng kahinaan at takot ay hindi na kailangan ikubli.
ilalapag na lang sa harap Niya
ang anumang alinlangan o mabigat na karamdaman.
wala nang pagpapanggap.
buong tapang na ipagmamalaki na
ito ay ako.
kasi ano man ang mangyari at kung sino man ako maging
ang tunay na dilag, dangal, at tagumpay
ay tanging
sa Kanya nakasalalay.

dahil kay Hesus
may ligaya at kapayapaan na hindi kaya matalos ng isip.
banayad ang layag
anumang dumaan na bagyo.
matatag nakakatindig
kahit yumanig pa ang lupa at magunaw man ang buong mundo.
dito sa dagat na kay lawak at lalim
hindi lalangoy,
kundi maglalakad, tatakbo,
lilipad pa nga sa ibabaw ng mga alon.

kay Hesus
may liwanag na pinapanatiling dilat
ang aking mga mata.
ano mang karumaldumal na karahasan ang masilayan,
hindi ako napapagod o nawawalan ng pag-asa.
hindi makukuntento at matatahimik.
hindi tatablan ng antok.
araw-gabi,
ako ay gising.

dalangin ko na sana puso mo rin ay hindi magmamanhid
na kailanman hindi mo masisikmura at matatanggap
ang kanilang sakit.
tulad ng dalagang si jesus
gusto nila ng pampahid para maibsan ang hapdi.
pero ang mayroon tayo
ay ang lunas, ang gamot,
ang sagot mismo.
tagos sa balat, sa puso diretso.
ang gamot ay ang dugo
na dumaloy sa mga palad Niya.
ang pangalan Niya ay Hesus.
*Hesu Kristo.
a spoken word.
Miru Mcfritz Jan 2019
isang mukhang naka kubli
itinatago ang totoong imahe
isang pagkukunwari kailanman
hindi maitatago ang katotohanan
sa maskara kasinungalingan


minsan masaya
minsan may pagsisisihan ka
minsan masasaktan
pero sa bandang huli
may matututunan ka

ito yung buhay na naranasan
ko sa likod ng maskara
na itinago ko sa paraan hindi ako
tinakasan ang buhay
na totoong nararanasan ko

gumawa ng sariling mundo
na hinango sa imahinasyon
paano pa ba makakatakas
sa aking buhay na binilanggo
ng pag papanggap na hindi ako

minahal nila na akala ay ako to
hinangaan nila akala totoo
marami naniwala na ang nasa
harap nila ay nabuhay
bilang malinis na tao

napag tanto ko na parehas
lamang ang tao napaniwala ko
at ako mismo ay nalinlang
lang din sa kainggitan ko
galing sa taong perpekto
na kinuhanan ko ng pagkatao.

na kahit ako mismo
ay nangarap na sana maging ganon man lang din ako
kahangaan ng iba at tanggapin bilang patas na tao sa mundo

minahal mo lang ba ako dahil
sa itsura ko?
nagustuhan dahil sinabi kong
mayaman at may kotse ako?
tinanggap kasi akala mo
nakahanap ka ng prince charming mo?

pasensya na nagising na rin
naman na ko sa katotohanan
kahit ako mismo ay napagod na
sa pagkukunwaring hindi
naman talaga ako.

kasi nangarap din ako na
tanggapin ako ng buo
di dahilsa istura nakaharap sayo
dahil gusto ko din ng may
taong mamahalin ako
kung sino at ano ba ako

ayoko na. pagod na ako.
dahil inaasahan ko rin naman
na kapag nalaman mo ang totoo
ay iiwan mo lang din naman ako

wala kahit sino mismo
ang makakaunawa sa taong
gumamit at napilitan
itago ang buhay sa isang maskara

dahil sa bandang huli
ako mismo parin naman
ang masasaktan dahil
umasa ako na matatanggap ang isang tulad ko sa lipunan
JOJO C PINCA Nov 2017
Tinatamad ako hindi ko magawang tipahin ang tiklado ng aking computer.
Inaantok ako malamang kinakapos ng oxygen ang utak ko kaya ganito.
Pero ang diwa ko’y gising at gustong sumulat ng tula hindi ito nakatulala.
Anong tula ang susulatin ko? Tungkol ba sa’yo at sa pagsinta nating tuyo?
O patungkol sa bayan kong minamahal na walang utang na loob sa malasakit ng iba?
Ang bayan o ang aking pag-ibig sa’yo alin sa dalawa? Ewan ko nalilito ako.
Pareho kayong mahalaga, pareho ko kayong mahal, pero alam ko na pareho din kayong mawawala. Bakit ko sasayangin ang aking mga salita? Bakit kailangan ko pang ialay ang bunga ng aking kaisipan kung sa bandang huli ito ay mawawalan lang ng saysay?

Hayaan **** mag-diskurso ako kahit sandali lang mahal ko.

Ilan tula na ba ng aking sinulat para sa bayan kong sawi at laging alipin ng mga walang turing at pakundangan, may nangyari ba? Wala naman diba? Walang saysay ang pagliyag ko sa bayang ito na laging lumuluhod at sumusunod sa mga dayuhan. Itong bayan na sa kabila ng kanyang paghihirap at dalita ay laging nangangamuhan at humahalik sa paa ng mga kapitalistang ganid. Ang bayan ng mga taong mahirap paniwalain sa totoo pero madaling bolahin ng mga pulitikong hunghang. Ito ba ang bayan na aking iibigin?

at ikaw naman mahal ko

Batid mo'ng iniibig kita alam mo yan pero para saan ang aking pagliyag sa’yo kung mawawala ka rin sa akin? Oo naman nasasabik ako lagi sa’yo, gusto kitang yakapin, halikan at makasiping sa buong magdamag hanggang sa bukang-liwayway. Pero hanggang kailan ako mananaginip ng gising at mananabik saiyong piling gayong alam ko na hindi ka naman talaga magiging akin sa habang panahon?

Marami ba akong tanong? Pasensya kana ganun talaga ang isang makata, nabubuhay s’ya gamit ang mga salita at tandang pananong.

Pero sige magsusulat ako ng isang tula para sa’yo at para sa bayan ko. Magsusulat ako kahit alam kong walang magbabasa nito. Magsusulat ako at aasa na parang hangal, aasa na may babasa at maniniwala sa aking mga salita. Ipapahid ko ang utak at damdamin ko sa papel na tulad sa isang nababaliw. Magsusulat ako dahil tungkulin ko ito, magsusulat ako dahil alipin ako nito, magsusulat ako dahil ito lang ang alam ko at higit sa lahat magsusulat ako dahil ito ang buhay ko.

Iaalay ko sa’yo mahal kong marupok at sa’yo bayan kong walang utang na loob ang aking tula kahit inaantok at tinatamad ako.
cleann98 Mar 2019
Hindi biro ang apat na taong ibinuhos sa iisang paaralan. Lalo na kung sa halos bawat pumapanaw na araw sa apatnapung buwan ay iisa lang ang itinatahanan ko't parang nakakulong pa sa iisang bahay sa tuktok ng iisang bundok.

Hindi birong sa haba pa lang ng apat na taon naging lipunan ko na ang Regional Science High School III. Tahanan. Mundo.

Hindi rin biro na sa pagbukhang liwayway sa akin ng ikalimang taon ay saka pa nagbago ang ikot ng mundo ko.

Sabi ng isang dating sikat na makatang si William Shakespeare noon na ang buong daigdig natin ay tila isang tanghalan at lahat ng lalaki't babae dito ay mistulang mga manananghal lamang. Sila'y umaalis at lumalahok ng walang pasinaya, madalas wala ring paalam...

Totoo nga, pabara-bara lang.

Bago ko pa man namalayan naging dayuhan agad ako sa sarili kong tahanan. Sa unang pagkakataon matapos ng apat na taon na umalis ang mga ilaw at tala na nakasanayan kong tingalain, pagmasdan, nakabibigla.

O baka matagal lang kasi talaga akong malapit sa gitna bago ko naranasang maitulak sa bandang dulo.

Sa tuwing itinatanong sa akin ng mga kaibigan ko sa Junior High School kung ano ang masasabi ko sa nakaraang dalawang taon ko sa RS bilang mag-aaral sa Senior High School; madalas sinasabi ko lang ay nakabibigla. Para akong namalinguyngóy sa wika na halos buong buhay ko nang sinasalita.

Lalong lalo na dahil palagi pang ipinaaalala sa akin ng mga taong nasa paligid ko na matagal na dapat akong umalis sa paaralan na ito. Ang pagpili ko sa STEM education o Science, Technology, Engineering, at Mathematics strand sa Akademikong trak ay isang pagkakamali at aminado ako dito. Kung tutuusin hindi talaga biro na ako ang tunay na 'alien' sa SHS ng RSHS.

Kaya mahirap ang Calculus at Physics at Chemistry para sa akin. Hindi ko ipagkakaila. Mahirap ring makitungo sa mga tipon-tipon ng mga nagsisikap maging bihasa sa larangan ng medisina kung ang gusto ko lang naman ay maging bihasa sa pisara. Higit din sa minsan ay nakahihiya na rin ipaliwanag pa kung bakit hindi ako nagtataas ng kamay tuwing tinatanong kung sino ang nangangarap maging doktor sa kinabukasan. Uulitin ko, nakahihiya.

Nakababalinguyngóy patagal ng patagal, habang lalong nagiging dayuhan ako sa paaralan na ito... Umabot ako ng hanggang ikalabindalawang baitang bago mapansin na masyado nang malaki ang distansya ko sa mga bagong bituin na dapat nasa paligid ko pa rin.

Maging tapat lang din, nakahahanga talaga ang pagniningning nila. Ang mga kaklase ko, bihira ko lang pinupuri pero tunay ang hiwaga nila, kahit sa mata ko lang.

Oo, dati inisip ko rin na habulin ko ang mga sinag ng aking mga kamagaral, pero kung nasaan ako ngayon, siguro nga mas pipiliin ko na ang kinalalagyan ko.

Itinanong na rin sa akin dati ng isa kong kaibigan ito, may advantage ba talaga ang pagpili ko na magaral sa STEM ng RSHS?

Ngayon, sobrang dali ko lang masasabi na kahit wala ako sa gitna ng mga tala napagmasdan ko naman ang mas malaking kalawakan. Kaya sobra rin, may isang napakalaking nagawa sa akin ng SHS ng lipunan ko.

Sabi nga ng mga Astrologo, pinakamalinaw na mapagmamasdan ang kalangitan mula sa pinakamadilim na kapaligiran; at yun ang kinalalagyan ko ngayon. Gaya ng nasa larawan ng isang concert kung saan nasa dulo ako ng coliseum ay nakita ko ang pinakamagandang view na hinding hindi ko makikita kung nasa gitna lamang ako at malapit sa pinakamasinag na hiwaga na meron. Tanging sa gilid lang, kung saan halos wala na akong makita sa inaapakan ko, doon ko lang nakita kung gaano karikit ang dami ng mga ilaw na hindi ko pa naisip lingunin noon.

Saka ko lang napagalaman na mayroon pa palang ningning na malilingon ko sa larangan ng pagsulat ng lathalain. Paniguradong kung hindi ko sinubukan muli na lumaban sa presscon nitong taon hindi ko na ulit mararanasan ang journalism, muntik na akong hindi makalaban sa DSPC at lumaban sa RSPC. Muntik ko nang hindi makilala si Rizzaine at ang ibang mga naging kaibigan ko sa laban na ito. Siguro nga hindi ko rin makakahalubilo ang mga naging kasamahan ko sa the Eagle at ang Sanghaya kung hindi dito.

Hindi ko rin inasahan na mapapalapit ako sa kislap na tanging sa SDRRM at Red Cross Youth ko lamang mararanasan. Nakakapagpabagabag. Matagal na akong lider pero hindi kahit kailan pa man ay nasagi na sa isip ko na mangunguna ako sa isang napakalaking lipunan  na kasing gulo at kasing dehado ng katipunan na iyon. At higit pa rito ay sino ba naman ang magaakala na sasabihin kong naging isang malaki at masayang bahagi ng SHS ko ang ubod ng labong pangkat na ito.

Ang mga kaibigan ko pa. Mga parol sa madalim na sansinukob na hindi ko magawang talikuran at hindi ko rin kayang masyadong malayuan.

Mahirap silang isa-isahin pero silang mga bituin na natulak rin palayo sa gitna ng mundo namin, para silang Polaris, na naging pahayag ng daanan tatahakin ko sa karimlang katakot-takot lakaran. Alam ko na lalayo at lalayo pa sila habang patuloy na lumalaki at lumalaki ang kalawakan ko pero ang hiwaga ng ilaw nila, yun ang hiwaga na hindi mawawala sa mundo ko.

Mahirap maligaw sa tahanang kay tagal-tagal mo nang ginawang mundo. Mahirap madapa sa daanang ilang taon mo nang nilalakad. Nakababahala. Nakababaliw. Nakababalinguyngóy. Pero ang sukdulan lang ng karanasan ko ay gaya lang ng isang simpleng kasabihan 'we do not go there for the hike, we go there for the view.' at tunay nga, sobrang ganda ng tanawin sa gilid ng pagiging estudyante ng SHS.
Ilang buwan na pala
Simula nung nawala ka
Di rin nagtagal diba?
Kase naman, ako lang yung nagseryoso sa ating dalawa

May mga oras nga na naaalala kita
Pero minsan gusto ko na lang kalimutan ka
Ayoko na kasing mamroblema pa
Sa dinami-rami ba naman ng iniisip ko, dadagdag ka pa ba?

Alam kong ako ang sinisisi mo
Kung bakit humantong tayo sa ganito
Eh kase naman kung di ka lang sana
nag gago,
Edi sana sayo parin ako

Kaya't wala kang maisusumbat
Dahil una sa lahat, hindi ka naging tapat
Kung nakukulangan ka sa inakala
kong sapat,
Sana sinabi mo kaagad, hindi yung ipinagpalit mo ako sa isang babaeng flat

Oo ganito lang ako,
Mataba, panget, sige sabihin mo lahat ng kapintasan ko
Pero hindi ako bobo
Para magpaka martir sa isang kagaya mo

Pasensya na kung nasaktan kita sa mga nasabi ko
SORRY, pero gago mas nasaktan mo ako!
Hanggang ngayon nandito parin ang mga markang iniwan mo
Dito, nandito sa sugatan kong puso

Nag Flashback lahat ng ala-ala,
Nung nakita ulita kita kanina
Grabe masaya kana pala talaga
Kaya di na kita guguluhin pa

Mukhang may kasama ka nanamang bago
Ano yan bagong malalandi mo?
Naghaharutan pa sa daan itong dalawang to
Sakit nyo sa mata, sarap nyong isako!

Kaya sinasabi ko sainyo
Na hindi porke gwapo ay agad mo ng sasagutin ng OO
Dahil sa una lang yan seryoso
Sige ka, bandang huli ikaw rin ang talo
Ayon! SKL sainyo
Salamat sa pansamantalang kilig at saya
Eugene Aug 2017
ni Reagan A. Latumbo

Hindi man ako biniyayaan ng karangyaan,
O nakakain ng masasarap na pagkain sa hapag-kainan,
O nakabili at nakasuot ng magagarang kasuotan,
Kuntento naman ako sa lahat noong panahon ng aking kabataan.

Mahirap man ang buhay na aking pinagdaanan,
Milya man ang nilalakad ko noon marating lang ang paaralan,
Ipinagpatuloy ko pa rin ang pag-abot ng aking pangarap kahit na nasaktan,
Tiniis ko ang lahat dahil Siya ay nariyan.

Kahit na pandinig ko ay unti-unti na ngayong nawawala sa akin,
Nariyan pa rin si Ama at ako ay hindi Niya pinababayaan.
Kaya kahit ako man ay may kapansanan,
Naibabahagi ko pa rin ang aking talento at kaalaman.

Sa mundong aking pinapasukan,
Sa trabahong aking iniingatan,
Kahit bingi man ay marami pa rin akong natutulungan.
Mga baguhang empleyado ay aking tinuturuan.

May kapansanan ka man o wala,
Ang pagtulong ay hindi dinadaan sa usap-usapan.
Ito ay kusang ginagawa at pinaninindigan,
Maraming tao ang lubos na masisiyahan kung tulong mo ay hindi ipinagkakait sa kanilang harapan.

Bingi ka man o bulag o kulang ka man ng kamay o paa,
May sakit ka man sa puso o namanang karamdaman o wala,
Kapag tulong ang hinihingi, 'wag kang mag-aatubiling ipagkait ito sa iba,
Dahil sa bandang huli, ang iyong kabutihan ay masusuklian Niya.
Engineer Mikay Jan 2016
Higit isang taon na rin ang nakalipas
Nang lisanin ang bansang Pilipinas
Upang subukan ang buhay
Sa lugar na kung tawagin ay Dubai

Naalala ang galak ng pagpunta dito  
Nang sa kalaunay puro na reklamo
Paano naman kasi ang mga Arabo
Minsan lang maligo sa isang linggo

Dagdag pa ng klima na sobrang init
Pawis mo'y abot hanggang singit  
At kung taglamig naman ay pumasok
Gusto mo na lng mamaluktot sa isang sulok  

Pagkain na amoy pa lang aayaw ka na  
Kahit gutom mawawalan ka rin ng gana
Babae nila'y nakasuot ng itim na bestida
Pati lalake rin ay nagsusuot ng palda  

Pero kahit ganun ang katulad nila
Gusto ko ang kanilang pananampalataya
Sa diyos na tinatawag nilang Allah
May oras talaga pag nagdarasal sila  

Akala ng marami buhay dito ay maganda
Di lng nila alam kami'y nangungulila
Sa pagmamahal na ipinabaon  
Ng mahal na makikita lng pagkatapos ng ilang taon

Tila ang bilis ng mga pangyayari
May mabuting resulta kaya sa bandang huli
Lahat ng sakit, pagod at pighati  
Mapagsilbihan lang ang mga ibang lahi

Kung lahat ng ito'y isang panaginip
Ayoko na talagang maidlip
Hay... buhay Dubai nga naman
Sana nga may patutunguhan...
KRRW Aug 2018
Hindi na natapos ang bagyo
At muling bubuhos ang ulan
Hindi na natapos ang araw
Hanggang masunog ang kalangitan.


Walang patid ang hangin
Lahat ng bagay ay kayang liparin
Rumaragasa ang tubig
Ngunit walang luhang kayang pawiin.


Hinahanap pa rin ang umaga
Kahit tanghali ay lipas na
Hinahanap pa rin ang liwanag
Humupa man ang sakuna.


Gumuguho pa rin ang lupa
Tinatabunan ang nakaraan
Gumuguho pa rin ang bundok
Gumuguho rin ang kapatagan
Gumuguho ang mga burol
Gumuguho ang mapupurol
Matalim man ay guguho rin
Pasusukuin ng suliranin.


Gumuguho ang lahat
Gumuguho sa bandang huli.


Hindi na natapos ang pagkawasak
Bumabagsak ang tulay na puno ng bitak.


Hindi na natapos ang paglisan.
Basa pa ang libingan,
May ihahatid muli sa himlayan.


Hindi na natapos ang unos
Delubyo sa gitna ng buhawi
Lindol sa gitna ng tagtuyot
Hinagpis sa gitna ng pagkamuhi.


Panaghoy sa dulo ng pagkasawi.


Dito na lang ako sa lilim
Kung saan nag-aagaw ang liwanag at dilim
Magkukubli sa isang sulok
Hanggang lamunin ng alikabok.


Hindi na natapos ang gabi
At tumigil ang orasan
Hindi pa tapos ang bagyo
Ay bumubuhos muli ang ulan.
Written
12 August 2018


Copyright
© Khayri R.R. Woulfe. All rights reserved.
unknown Aug 2017
ilang beses na akong naniwala,
naniwala sa mga mapanlinlang na salita,
naniwala sa mga mapagpanggap na gawa,
ngunit sa bandang huli'y trinato na parang wala.

ilang beses na rin akong pinangakuan,
pinangakuan na hindi ako sasaktan,
pinangakuan na ako'y aalagaan,
ngunit sa bandang huli ako pala'y iiwan.

kaya ako'y may gustong hilingin,
sana ito'y iyong dinggin,
sa bawat salitang aking babanggitin,
sana ito'y iyong tuparin.

dahil sayo ako'y susubok muli,
sana ika'y manatili sa aking tabi,
kung maaari sana'y 'wag akong isantabi,
'wag tratuhin na isang pagkakamali.

simple lamang ang hiling ko aking sinta,
mahalin mo ako ng tapat at walang pagdududa,
sa bawat salita ay sana maging totoo ka,
'pagkat mahal kita at sa akin ay mahalaga ka.
ig: seluriing
twt: seluring
fb: seluring
follow meeeeee!
Mira Alunsina Jan 2018
Tahimik at tila nawalan na ng ganang huminga ang mundo
Nakasarado ang mga labing to pero alam kong punong puno
ng mga sigaw
ng mga hagulgol
ng mga mura
na pinipilit na hindi makawala
Dahil alam ko na kahit ang boses ay maubos
hanggang sa tuluyan nang mapaos
Hindi mo pa rin pakikinggan
Dinadaan nalang ang mga sakit na naipon
sa pagsulat sa basang pahinang pinipilit mang pagtagpiin
ay tuluyan nang napupunit
Gawa ng mga luhang kumakawala sa mga matang bulag
Marahang pinapahid dahil sa namamagang pisngi
Katulad ng pag-iibigan natin
Sa pahinang ito
Tuluyan nang nawasak at paunti unti nang naglalaho
Nabura na ang tinta at naging malabo na
ang mga salitang Mahal na mahal kita
Ipipikit nalang ang mga mata para tumigil na
Kasabay ang paghaplos sa nanlalamig na espasyo
Sa bandang kaliwa ng ating kama
Dito dating nakahimlay ang isang nilalang na nagbigay halaga sa kalawakan
Ang nagparamdam ng tunay na kahulugan ng buhay at pagmamahal
Pinapaniwalang ang pag-iibigan ay tunay at magtatagal
Pero mahal
Bakit ang mga halik ay napalitan ng mga mura
Ang mga yakap ay napalitan ng mga sampal
At ang mga matamis na ngiti ay napalitan na ng matalim na mata
Nasaan na ang pinangakong walang hanggan?
Alam ko kung gaano kasakit ang mawalan
Alam ko kung paano mawasak ang mundo ng isang iniwan
Pero alam mo ba kung ano yung pinakamasakit?
Magkatabi tayo at magkadikit ang mga balikat
Walang matitirang espasyo sa gitna dahil sa liit ng higaan
Pero hindi ko maramdaman na nariyan ka
Mali..
Alam kong andiyan ka pero alam ko rin na ang pagmamahal mo ay naglaho na
Sabi nila masakit makita ang mahal **** may kasamang iba
o hanggang kaibigan lang ang tingin niya
o wala na siyang ibang nabanggit kundi ang isang taong ayaw sa kanya
Putang ina
Hindi nila alam na mas masakit ang nararamdaman ng isang tangang katulad ko
Na pinipilit pinapaniwala ang sariling mahal mo pa ako
Mas masakit yun
Mahal hindi mo ba nakikita ang mga mapuputlang labi na minsan mo nang nahagkan?
Hindi mo ba naririnig ang mga hikbi na pinipilit kong itago pero hinihila pa rin palabas ng pighati?
Hindi mo ba nararamdaman kung gaano kita kamahal, kung gaano ako kahangal?
Gusto ko lang naman pakinggan mo ako
Gusto kong malaman mo na ayoko na
Na kahit ayoko na ay ayoko pa
Ayoko pang bumitaw
Dahil natatakot akong maligaw
Sa paniniwalang ang iyong palad ang gabay sa mundo kong minsan nang naging bughaw
Ayoko pang mawalay sayo
Ayoko pang ako’y iwan mo
Tawagin mo na akong tanga, gaga, boba
Pero Mahal kita
Pero Ayoko na
Ayoko na sana
Sana pigilan mo ako sa pagtangka kong pagbitaw
Pigilan mo sa pagsulat muli sa mga basang pahina dahil huli na to
Halikan ang mga nakasaradong labi nang mapalitan ang mga mura ng mahal
Mahal kita
Oo na hanggang sa huli
Kahit matagal nang sinasabi ng mga mata, labi at puso ko
At nakasulat sa huling basang pahina na ito
Na Ayoko pa, mahal ayoko na.
XIII Jun 2015
Ang love story natin
Ay parang kwento ng theme songs ng JaDine
Di ka fan, di mo siguro maaappreciate
Pero kinakantahan tayo ni Nadine Lustre at James Reid

Ang daming tanong nung umpisa
Ang daming pagdududa
Game na ba? Ano na? Sure na ba?
Ang hiling ko, sige na

Para ngang isang pagsusulit
Bawal magbura, one seat apart, walang kopyahan,
Right minus wrong, kung di alam 'wag hulaan,
Kumpletuhin ang patlang, bawal ang tyambahan


Para ngang isang pagsusulit
Pinag-isipang mabuti

Hanggang sa sabi mo, "Oo na.". Yes!
Oh, wala ng bawian, mamatay man, period no erase!

Matapos no'n, nagdagsaan ang mga pagsubok
Katulad din naman sa kahit kaninong relasyon
Pero dahil naniwalang sayo'y may forever
Pareho tayong hindi sumu-render


Pagkat sayo natagpuan ang ipinagkait sa akin
At sakin mo naramdaman and di mo akalain
Ipaglalaban ko
Ipaglalaban mo


Wala na tayong ****, basta bahala na
Alam lang kasi natin mahal natin ang isa't isa
At kahit pa sabihin na, tayo'y di itinadhana
Na na na na na na na na na na na bahala na


Pero katulad din ng ibang relasyon
Lumalamig, parang kapeng napaglipasan ng panahon
Tumitigas, parang pandesal na naiwan sa kahon
Tila di na alam kung san tayo paroroon

Piniling lumayo
Ngunit pilitin man ay bumabalik sayo
Di matatago kahit magpanggap
Ang iyong yakap, ikaw, ang hanap-hanap


Ikaw ang hanap-hanap
Dahil ang puso'y nangangarap
Na magsasamang muli
Na may happy ending bandang huli


Pero di pa tapos
Ang kwento natin hindi pa tapos
Sana'y hindi pa tapos
At sana'y di na matapos

Tatlong kanta pa lang naman
No Erase, Bahala Na at Hanap-hanap
Sana ay kumanta pa sila
Sana ay marami pa

At sana, kahit gaano man karami
Masayang kanta ang maiwan sa huli
Yung may forever, may happy ending
Kaya sige, mag-duet pa kayo *JaDine
Inspired by JaDine's songs, written while listening to them.
To all JaDine music fans! JaDine FTW!!!
All lyrics excerpts are © from JaDine songs: No Erase, Bahala na & Hanap-hanap.
JOJO C PINCA Nov 2017
“The essence of reality is contradiction”
- Hegel

Ang tao ay likas na malaya, nabubuhay na malaya at dapat na maging malaya. Walang karapatan ang sinoman na mang-alipin. Hindi tayo pag-aari ninoman at walang taong ‘pweding umangkin sa kapwa n’ya. Ito ang batas ng kalikasan at ng uniberso. Walang panginoon at busabos, walang dapat na nag-uutos, at wala dapat mga alilang tagasunod. Sana ang buhay ay puro na lang Rosas at walang posas.

Subalit nagdilim ang kasaysayan nang maghari ang kasakiman na pinukaw ng matinding paghahangad ng iilan sa kayamanan. Kailangan na makakuha ng maraming kalakal nang lumawak ang merkado. Pero teka sino ang gagawa nito? Edi kunin ang mga mahihina at gawin silang mga alipin, pilitin na magtrabaho sa ilalim nang hagupit ng latigo. Hawakan sa leeg o di kaya naman ay kitilin, sa ganitong paraan sila dapat na pasunurin.

Tanang pagmamalabis ay may wakas. Hindi lang si Spartacus ang nag-alsa kundi pati ang mga itim na alipin. Sumiklab ang himagsikan sa paghahangad ng mga alipin na kumawala sa kanikanilang mga tanikala.

Dumating ang panahon ng Piyudalismo, nagbagong anyo lang ang halimaw at muli n’yang inalipin ang mga kapos-palad at mahihirap. Nangibabaw ang Aristokrasya na parang maitim na ulap na lumalambong sa himpapawid kaya hindi makita ang sinag ng araw. Salamat na lang at bumagsak ang Bastille at nagtagumpay ang rebolusyong Pranses.

Mula sa mga guho ng lipunang piyudal ay lumitaw ang mga bagong panginoon, ang mga Burgis. Sila ang mapagsamanta at naghaharing-uri sa ating panahon. Mga kapitalista, elitista at mga burgesya komprador.

At tayo na nasa baba, tayo na ang puhunan para mabuhay ay dugo’t pawis, tayo na mga proletaryo ang s’yang makabagong alipin. Mga alipin ng burgesya na ating pinapanginoon, tayo na lumilikha ng yaman ng bansa ang s’yang laging pinagsasamantalahan at binubusabos. Tinatakot na gugutomin kapagka hindi nagpa-ubaya at sumunod sa utos.

Habang tumatagal ay tumitindi ang mga salungatan at kontradiksyon sa pagitan ng mayaman at ng mahirap. Bulkan ito na sasabog sa bandang huli.

Ang batas ng kasaysayan ang nagsabi na ang lahat ng uri ng pang-aapi ay magwawakas. Nag-alsa ang mga alipin, naghimagsik ang mga pesante hindi magtatagal gustuhin man natin o hindi titindig ang mga proletaryo at sama-sama nilang ibabagsak ang kapitalismo na itinataguyod ng mga burgesya komprador.
JOJO C PINCA Nov 2017
Paunawa sa babasa:

Hiniling ng isa kong kaibigan na relihiyoso na gawan ko daw s'ya ng tula tungkol sa ikalimang wika ni Kristo noong nagdaang Mahal na Araw kaya kahit Atheist ako ay ginawa ko ang Free Verse (Malayang Taludturan) na ito.



“Nauuhaw ako”

Malalim ang baon ng mga pako sa kanyang mga kamay at paa. Mahigpit din ang pagkakatali ng lubid sa kanyang mga braso. Napapalibutan siya ng mga kaaway, nagsusugal at nag-iinuman ang mga sundalong Romano habang nililibak siya ng mga Pariseo. Tiyak na wala s’yang kawala. Naghahalo ang dugo at pawis magkasabay itong umaagos palabas mula sa kanyang katawan; hindi na rin n’ya maalala kung ilan ng sampal, suntok, sipa at palo ang kanyang natanggap. Sa gitna ng kanyang paghihirap binigkas ni Hesus ang kanyang ikalimang wika:

“Nauuhaw ako”

Kagabi lang bago s’ya dakpin ng mga tampalasan ay nagmakaawa s’ya sa hardin ng Getsemane at taimtim na hiniling sa kanyang Ama na kung maaari sana ay huwag na n’yang danasin ang paghihirap na ito. Subalit hindi s’ya dininig nito.

“Nauuhaw ako”

Siya ba ang kailangan na magdusa, obligado ba s’ya na bayaran ang kasalanan ng iba? Bakit s’ya ang inutusan ng kanyang Ama para akuin ang sala ng sangkatauhan? Masyadong mabigat ang pasanin na ito para sa isang hamak na karpintero na gaya n’ya.

“Nauuhaw ako”

Ito ba ang kapalit ng pagiging masunurin at mabuting anak ang masadlak sa laksang dusa at malagim na paghihirap? Nasasabik na s’yang umupo sa tabi ng kanyang ama; hinahanaphanap n’ya na ang papuring awit ng mga Anghel sa langit.

“Nauuhaw ako”

Nilikha ba ang sanlibutan at ang mga tao upang sa bandang huli ay maging mapaghimagsik sila at walang galang sa kanilang lumalang? Bakit punong-puno ng kalupitan at karahasan ang mundo?

“Nauuhaw ako”

Hindi sapat ang tubig o ano mang inumin para mawala ang kanyang uhaw na nagmumula sa puso; ang pag-ibig ng sangkatauhan ang kanyang inaasam.
Jowlough May 2016
Dumaan saglit sa bilihan ng damit
Kahit sakto ang dala ay aking pinilit
Pagkat pawis ay malala dahil mainit
Sa pagkikitang ito lahat ay sulit.

Sa harap ng salamin maiging sinipat
Kung okay ang buhok at marapat
Konting talsik ng pabango sa kwelyo
Hindi muna ko maninigarilyo.

Upang ako'y perpekto sa pagdating
Lahat ay maayos sa iyong paningin,
hinahanap hanap ang 'yong awitin
Ng boses **** maliit ako'y bitin.

Nagmamadali at baka mahuli
Ayokong maghintay ka aking binibini
Kahit hasel sa lahat basta dumating
Sinira ang ipon para may pang sine.

Kamusta ka na? Kumain ka na ba?
Unti unting pinaplano ang sasabihin.
Sa paglalakad ako'y napapaisip
Ano ang uunahin, saan papupuntahin

Sa di kalayuan aking nakita
Maamo at maaliwalas **** mukha
Sabay nagising sa katotohanan
Sa noo ko ay biglang pinawisan.

Nang biglang nauntog sa totoo
Na ito ay panaginip lamang
Hawak ang lakas ng loob
Napalunok at parang..

Nabilaukan sa pagkakita
Sa kamay **** may humawak
Sa di bandang kalayuan
Pumatak ang luha ng uwak

At sabay bati ng kamusta
Habang hagkan ka at yapos
Ako ay kinakain ng sistema
Ng matinding pagseselos

At binalewala ang pagpapakilala
Sa kasama mo'y ikaw'y hinayaan
Sigaw ng puso'y nagaklas
Batid na "Dapat ako ang nandiyan".
Crissel Famorcan Dec 2017
Tagu - taguan, maliwanag ang buwan
Pagbilang Kong Tatlo, wala na akong nararamdaman!
Isa—
ito na Ang huling patak ng aking mga luha
At pangako di na ako muli pang magpapakita
Pagkat mahal, ika'y akin nang pinapalaya
Alam ko naman kasing napaglaruan lang tayo ng tadhana,
Minsan kasi, naglaro si kupido ng kanyang pana
At sumakto Ang araw na yun sa una nating pagkikita
Tinamaan ako,tinamaan ka rin yata?—
Mahal Ang alam ko lang kasi noon, mahal natin Ang isa't isa
At makulay Ang mundo!
Mundong binuo nating dalawa.
Bihira man Ang relasyong katulad ng sa atin,
Pero gagawin ko ang lahat wag ka lang mawala sa akin
Marami mang problema Ang ating pinagdaanan,
At sa kuwento natin marami man tayong nakalaban—
Parang senaryo sa pelikula,
maraming naki-eksena
Pero love story natin 'to at tayo Ang mga bida
Kaya't sa bandang huli,kamay mo pa rin Ang aking hawak
Masaya pa tayo't sabay na humahalakhak
Hanggang sa...
Dalawa—
Dumating siya sa buhay mo
At sa isang iglap,naitsapuwera ako!
Nalunod man ang puso sa selos
Ngunit pilit ko iyong iginapos
Pagkat relasyon nati'y gusto Ko pang maayos
At wag 'tong maputol, wag 'tong matapos.
Pero nakakapagod maghabol sa taong mabilis tumakbo,
Nagmimistula lang akong isang mumunting aso
Naghihintay kung kailan mapapansin
Naghihitay kung Kailan mamahalin
Kaya napilitan akong isuko ka,
Napilitan akong bitiwan ka
Kase una sa lahat—alam Kong sa kanya ka sasaya
Siya na Ang makakapagbigay sa iyo ng ligaya
Ng kilig,Ng mga ngiti at tawa—
Mga Bagay na bihira ko nang mamasdan
At Alam Kong sa kanya mo nalang mararamdaman
Kaya Tatlo—
Paalam.
Salitang di ko sana gustong bitiwan
Pero sadyang kinakailangan
Hindi ko man gusto na ika'y iwanan
Ngunit marahil,ito na Ang ating hangganan.
Pagod na ako mahal sana'y maintindihan
Dahil kung ipipilit ko pa'y pareho lang tayong masasaktan
Mahal kita tandaan mo yan.
Kaya Dito ko na tatapusin Ang ating kuwento,aking sinta
Ang libro ng pag-ibig nati'y akin nang isasara
Masakit man Ang ating naging pagtatapos
Siguradong sa puso ng magbabasa,ito ay tatagos
Tapos na akong magbilang ng numero
At gaya ng ipinangako ko—
Pagsapit ko ng Tatlo,
Ibibigay na kita sa kanya ng buo
Paalam.
derek Feb 2016
Hindi mo siguro alam, pero matagal na akong nagagandahan sa iyo.
Hindi mo siguro alam, pero noong nagko-code ako,
lagi akong umaasa na ikaw ang titingin sa gawa ko.

Hindi ko gusto pumorma.
Gusto ko lang ipakita na tama ang aking gawa
kasi iniisip ko na kapag wala akong mali
matutuwa at magpapaunlak ka ng pagkatamis **** ngiti (yihee).

Kaso hindi ko alam kung bakit,
pero lagi ka na lang may nakikitang putik.
Kahit ilang lampaso ng tingin ang ginawa ko sa code ko
bago ko ipasa sa iyo,
may maisusulat ka pa rin na mali!

Anong klaseng mata ba ang mayroon ka?
Gusto ko magpakitang-gilas pero lagi mo akong natatabla.
“Labag sa standards ang code mo”,
“magdagdag ka pa ng test scenario”
kulang na lang yata ay sabihin mo sa akin
“sino ba ang nagturo sa iyo?”

May mga pagkakataon na gusto ko nang umuwi.
Pinapackage ko na ang mga code dahil ang lalim na ng gabi.
Kaso may makikita ka sa testing, “hmm, parang may mali”
Babagsak na lang ang balikat ko, sabay sabi, “ano?! uli?!”

Siyempre, may magagawa pa ba ako
kapag binanatan mo na ako ng ganito:
“pasensya na, pero abswelto sana tayo
“kung hindi ko lang sana napansin ang maling ito”.

WOW. EH, ‘DI. OKAY.

Pero hindi ko magawang magalit sa iyo.
Kasi alam ko gusto mo lang ay halos perpekto.
Ginagawa mo lang ang trabaho mo.
Pero utang na loob, pwede bang bukas na natin tapusin ito?

Ngayon, magsasampung taon na ako.
Matagal ka nang lumisan, pero ako pa rin ay nandito.
Naiintindihan ko na kung bakit sa trabaho nating ito,
kailangan matalim ang mga mata mo.

Dahil sa bandang huli..
Ang batik sa isang dahon,
ay batik sa buong puno.
I apologise if not everyone is going to relate that much to this poem. I am in the IT industry and peer review is part of our development process. I've had a small crush with this colleague of mine who used to work ALOT and has a strong sense of ownership of her work. I tried to impress her from time to time, but she has raised the bar so high that achieving this goal was next to impossible. I eventually gave up.

I would also like to think that at some point we still have developers in our organisation who had developed an infatuation towards their code reviewers, and I dedicate this poem to former, my fallen brethren, who failed to impress the latter.
Pauline Celerio Nov 2016
Alaala ng alapaap
Ang naglahong mga pangarap
Sa dapithapon na umaga
ng kawalan ng pag-asa.

Alaala ng alapaap
Ang bawat pangungusap
Na sa dugo ay inukit
At buhay ang kapalit.

Alaala ng alapaap
Ang mga bugso ng damdamin
Ang mga pusong lumalaban
Para sa iisang adhikain.

Ngunit sa bandang huli
Sa paglipas ng panahong mahaba
Tanging ang alapaap
Ang tunay na umaalala.
A poem in my mother tongue. In memory of all those who were unjustly killed during the Philippine Martial Law. #MarcosNOTahero
kingjay Dec 2018
Tulad ng duling, di kayang magbilang
Wala na makadugtong sa pangarap
Nanlimos sa kanto
sadyang naulila
Sa bayang sinisinta nawawala

Talagang kumakapit ang mga nagawang kamalian
Sa muling pagdilat ng mata ay di mapalagay
Lahat ng bisala ng mga bagay ay nahahanap ng wari
Sa isang kisapmata, laging nauulit

Sining ng pagbabalatkayo
Magpakalabis ng konting katuwaan
Tinakpan ng panlabas na ekspresyon
Naanod sa kasayahan

At nalungkot ang nagsidatingan sa piging
Ang nagtago ng tunay na damdamin
Sa bandang huli, bumaybay ng mga hinaing

Sapat na masilayan ang paghati ng abot-tanaw
sa lagablab ng araw na unti-unting naparam
at sa karagatan na nag-iwan ng pamana
kahel Nov 2016
Ano nga ba ang layunin ng oras?
Mas matimbang ba ito sa mga makikinang na alahas?
O mas mapula pa sa pag usbong ng mga sariwang rosas
Ito ba talaga ay nagbibigay lakas?

Hindi sapat ang pagluha upang makabawas
Para saluhin ang mga masasakit na hampas
At sa mga sugat na walang lunas
Na nag iiwan ng mga malulungkot na bakas

Kung saan lumaban at nakipagsapalaran ka naman ng patas
Ngunit pakiramdam mo sa bandang huli ay ikaw pa din ang olats
Dahil ba biglang bumida ang mga mapalinlang na ahas?
Na pumupulupot sa leeg na parang isang kwintas

At pumipigil sa mga kasinungalingang pwedeng ibigkas
At inaakalang wala ng pag-asa upang makaligtas
Kulang pa ba ang kinaing bigas?
Harapin ang mga ito ng walang kaba at di pag iwas

O kaya naman gawing posas para masiguradong walang takas
Sa mga bagay na iniingatan magkaroon ng maliliit na gasgas
Hirap tuloy matukoy kung ito ba ay pagkakataong maging swerte o malas
Pwedeng maghintay, wag ka nga lang masobrahan at baka di mamalayan na lumampas

Ang bawat segundo ay hindi tulad ng pera na basta lang winawaldas
Hinay-hinay lang dahil hindi na maibabalik ang bawat minuto na lumipas
Ang maganda dito ay wala itong sinusunod na anumang batas
Dahil ang oras ay isang pinakamumunting regalo na walang hinihinging katumbas
Na pwedeng i-alay sayo ng isang taong nagmamahal ng wagas
Bakit nga ba tayo sumusugal?
Sa mga bagay na wala namang kasiguraduhan.
Sa mga bagay na di natin hawak ang kalalabasan.

Bakit nga ba tayo sumusugal?
Sa mga bagay na gusto nating makamtan,
Pero sa bandang huli ay pwede tayong masaktan.

Bakit nga ba tayo sumusugal?
Kahit alam na nating wala nang pag-asa
Ay pinipilit pa rin nating umasa pa.

Bakit nga ba tayo sumusugal?
Kailangan pa bang idilat tong mga mata,
Para lang mamulat sa katotohanan?

Bakit nga ba tayo sumusugal?
Kahit alam natin na tayoy pwedeng mabigo,
At masaktan ang buo nating pagkatao?
Kasi mas iniisip natin ang posibilidad
Na tayoy maging maligaya,
Yung ramdam mo ang tagumpay,
Yung abot mo na ang pangarap mo sa buhay.

Kung di ka susugal,
Kailan pa?
Kung di ka susugal,
Talo ka na.
RLF RN Nov 2015
Ilang taon na ang nakalipas
ng huli kong masilayan
ang haplos ng pag-asa.
Ang paghangad na makapiling ka,
na siyang nabaon lamang
sa alikabok ng kahapon.

Halintulad sa isang bangungot,
ang sakit at pait na kanyang dinulot.
Kahit anung pagsusumidhing magising
ang gawin, hindi matanggal-tanggal
ang sakit at bakas ng pag-asang
paulit-ulit na binigo.

Sa mataimtim na panalangin,
sinubukan kong idaan.
Huwag lamang bumitiw
sa pangakong dala ng pag-asa.
Sa bandang huli, subalit
akin ring napagtanto,
mga naturing na panalangin,
para bang mga salita,
na isinambit lamang sa alapaap,
hindi dinidinig ng nasa Itaas.

Kaya't ako'y sumusuko na.
Tama na. Sukdulan na
ang pighati ng aking puso
na umaapaw sa kirot,
na nagdurugo dahil
sa ipinagkait na pag-asa.

Parang isang pilas na papel,
na sinulatan at minarkahan
para lamang lukutin, itapon, at
nagmistulang balewala --
walang isinulat at hindi sinulatan.
1 Siboloria – ang lupaing ito ay ipinangalan
Sa dalawang magkasintahan

2 Si Sibo ay lalaking makisig
Si Loria ang babaeng iniibig

3 Si Sibo ay anak ng hari’t reyna
Si Loria ay supling ng aliping dukha

4 Una silang nagkakilala
Habang prinsipe’y nagmamasid sa mga magsasaka

5 Natapilok ang binata
Sa bandang pwesto ng dalaga

6 Pumaibabaw ang lalaki
Sa natumbahang binibini

7 Parehong napahiya’t namula
Nang mapatitig sa isa’t isa.

-06/15/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 127
John AD Nov 2017
Espiritu ng Alak , Salamat sa mga pansamantalang galak,
Pinawi mo ang problema sa gabing maaliwalas,
Gusto ko nang iwanan ang mundo subalit salamat sa matindi **** "Tukso"

Lumakas ang loob , at gusto pang ipagpatuloy ang mahina kong pulso,
Ang mahina kong loob , na takot na muling masilayan ang kulay ng mundo,
Dahil tapos na , tapos na ang mga Araw at Gabi naglaho na ang kulay sa mundo ko.

Mga matitirang araw na kailangang ibahagi ko sa mga taong nagkulay noon ng mundo ko,
At sa bandang huli darating din ang araw na maiisip nyo ko,
Maiisip kung ano ang tama at mali,Mga bagay na gumugulo sa isipan nating mga tao .Teka,

Bakit pa ako naririto , kung papanaw din naman sa dulo,
Kumbaga nabuhay lang ako para makita nyo ang Ngiti ko hanggang sa pagpanaw ko.
Jeg elsker deg
Ako lang naman yaong hamak na kapuluan
Sa kontinenteng Asya bandang timog-silangan
Na minsan mo nang dinayo at pinagkanlungan.

España, me todavia en tu memoria?

‘Di ba’t hindi ako ang marapat na sadyain?
Ika’y nagkamali sa dinaungang lupain!
Subalit bakit ka pa nagpumilit sa akin?

España, me todavia en tu memoria?

Ano bang nasilayan at ako’y binihag mo?
Ikaw pa ang naghandog sa akin ng ngalan ko
Bininyagan na maging Romano Katoliko.

España, me todavia en tu memoria?

Langis ng Kristiyanismo ako ay binuhusan
‘Di nga lang lubos dumaloy hanggang talampakan
Na kay Allah ay tali na noon pa man.

España, me todavia en tu memoria?

Tatlong daan, tatlumpu’t taong alipin
Dugo’t laman ko’y pinagpumilitang bigkisin
Sa kultura’t kamalayang dayuhan sa akin.

España, me todavia en tu memoria?

Ano bang taglay mo’t nagtiis din sa’yo?
Mga dantao’y inabot bago napagtanto
Pag-alpas na marapat mula paniniil mo!

España, me todavia en tu memoria?

Ginang ng karagatan kung ikaw ay turingan
Ako’y isa lang pala sa’yong anak-anakan
Na sa kapangyarihan mo’y nakipagkumpulan.

España, me todavia en tu memoria?

Ngayon ay isandaan at sampung taon narin
Ang nakalipas nang ako ay iyong lisanin
Pero siguradong ikaw ay nandito parin.

España, me todavia en tu memoria?

Bayani kong si Rizal sa’yo ay nagtungo
Upang ipabatid ang aking panlulumo
Wika mo’y inaral ngunit balewala sa’yo.

España, me todavia en tu memoria?

Ngayon ako naman kung nais maunawaan
Ang tulang ito na sa’yo ang patukuyan
Ang wika kong ito naman ang ‘yong pag-aralan.

España, me todavia en tu memoria?
España, ako ba’y nasa iyo pang gunita?

-08/01/2008
(Miagao)
*for PI 100 under Sir Sansait
My Poem No. 31
Ayoko na lamang bilangin ang mga oras
Na nasisinagan pa tayo ng araw,
Maghahabulan at magtatampisaw na parang mga basang sisiw
Sa hubad na kalsadang naunang pagalitan ng langit.

Naaalala ko pa noong elementarya'y
Sabay tayong papasok sa eskwela
Matapos humigop ng mainit na sopas ni Nanay.
At minsan nga'y nakalilimutan nyang hanguin ito nang maaga
Kaya matapos nating kumain ay sabay rin tayong magtatawanan
At maglalaro ng "tag-tagan" patungo sa kanto sa sakayan.

Hindi ba't pumupunta pa nga tayo sa may bandang iskwater,
Makapaglaro lang ng pitsaw sa dati nating mga kaklase?
Nagagalit kasi si Nanay kapag sa bahay natin sila niyayaya
At magkakalat ang putik sa ating sahig
Kasi pati si Bantay ay nakisali sa paghuhukay.

Ilang beses din tayong naligo sa dagat
Kahit na ang sabi ni Tatay ay manginas muna tayo
Habang siya ay nasa laot pa.
Pero uuwi tayong mga basa at walang pang-ulam na pasalubong
Kaya muli tayong mapagagalitan
Kasi ang titigas daw ng mga ulo natin.

Hindi ba nahuli ako sa eskwela noon na nangongopya sa'yo?
Tapos sinabi mo sa titser na ikaw ang nangongopya at 'di ako?
Hindi ko kasi makalimutan yun
Kasi pag-uwi natin sa bahay, ako pa yung nagtampo sayo
Nung ikaw yung unang pumili sa doughnut na dala ni Tatay.

At nung gabing iyon, hindi ako tumabi sa'yong matulog
Ang sabi ko pa ay ayaw na kitang makita muli
Kasi naghalo-halo na yung nasa utak ko.
Pero alam mo ba, na sa mga oras na yun
Hindi ko talaga inaasahang seseryosohin mo yun.

Kaya noong maggising na lamang ako'y
Nagulat akong wala sila Nanay at Tatay
At si Aling Rosing pa ang nagsabi sa'kin
Kung ano ang mga nangyari
At kung saan ako pupunta.

Sinabi ko na ngang ayoko na magbilang ng mga oras,
Pero heto pa rin ako...
At taon-taon akong nangungulila at nagsisisi.

Siguro nga kung hindi ako natulog agad
Ay baka may naggawa pa ako.
Siguro nga kung hindi ko sinabi ang mga iyon,
Ay hindi mo ring magagawang umalis.

At siguro nga kung hindi ako nagtampo'y
Wala naman talaga tayong pag-aawayan.
Hindi ka rin hahanapin nila Nanay sa gitna ng gabi
At hindi sila masasagasaan ng tren para iligtas ka lang.

Siguro nga, pero huli na ang lahat eh
Wala na kayong lahat at iniwan n'yo na 'kong mag-isa.
Sana sa huli kong pagbisita'y mawala na rin ang lahat ng bigat,
Mawala na ang pagkamuhi ko sa sarili ko,
Kasi pagod na ako...
Pagod na pagod na ako.
Christine Calisa Apr 2019
Hindi paba Sapat ?

Sabi nila kung sakaling magmamahal ka ibigay mo lahat.
Para sa bandang huli wala kang pagsisihan...

Naniwala ako..
yun yung pinaniwalaan ko!..

Sabi ko din, Oo nga nman, para atleast at the end alam ko sa sarili ko na hindi ako nagkulang.

Pero tama ba ? Bakit ang sakit ?
Bakit parang mali ko pa na minahal kita ng buong-buo.
Bakit ang sakit kasi dumating parin yung panahon na kailangan mo magloko ?
Sobrang sakit kasi ako pa na walang ginawa kundi mahalin ka ng totoo ?

Hindi ba sapat ?
Hindi paba sapat ?
Lahat ng ginawa ko para sayo, para saatin..
Hindi paba sapat ?
Bakit naghanap ka ng iba gayung nandito ako ?
May kulang ba ?
Sabihin mo sakin, ano ?

May pag-asa pabang mapunan kung sakaling may pagkukulang ako ?
Sana sinabi mo sakin, bago ka lumingon sa iba at makahanap ng bago.
Pano ba maging sapat para sayo ?
Para sa mga taong ginawa na ang lahat pero di parin sapat.
Jay Co Jul 2018
Sa milya-milyang aking nilakbay, upang aking, ikaw'y mahanap, nan-dito ka lang pala sa tabi ko. Kung saan-saan pa ako naghanap.
57 Sa bisperas ng kasalan muling nagkita
Sa kanilang tagpuan sina Birio at Alyna

58 Napagpasyahan nilang maagang umuwi
Bandang tanghali at ‘di na gabi

59 Subalit nang sila’y pauwi na
May pagsubok pa pala

60 Paligid nila’y umapoy
Mga nakapalibot na punungkahoy

61 Paano na sila makababalik  ngayon
Sa kani-kanilang mga nayon

62 Mistula silang nakakulong
Sa isang naglalagablab na patibong

63 Sila’y tumaghoy ng saklolo
Sa lahat ng sulok at dako.

-07/19/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 178
John Emil Sep 2017
Umiiyak sa  bandang huli
Nang masagot ang tanging tanong
Natinago ng ilang taon
Mga nararamdamang itinabi

Akala ko magiging okey pagsinabi
At ipinagtapat na walang pagaalinlangan
Ang nararamdaman ng puso't isipan
Ngunit akoy nagkamali

Dahil kamiy ipinagtagpo ng mali
Sa panahong may ibang nagmamay-ari
At nakatali sa mga na unang pangako
Nabinitawan sa inakalang mahalaga na tao

Kayat itoy nasagot ng masasakit na patak
At  naiwan ang pusong wasak
Dahil ipinilit na ipinagtapat
Ang nararamdaman na higit pa sa sapat na di dapat
JOJO C PINCA Nov 2017
alalahanin mo na ikaw ay mortal.
isang araw hahabulin mo ang 'yong hininga,
pero sa tulin nito hindi mo s'ya aabutan.
magdidilim ang iyong paligid
magsasarado ang iyong mga mata
at hindi kana kailanman gagalaw.
alalahanin mo na ikaw ay mortal.
mabubura ang lahat ng iyong ala-ala,
mabuti man o masama lahat mawawala.
kahit ang panaghoy ng naglalamay
na saiyo'y nagmamahal hindi mo na
madidinig lahat maglalaho.
alalahanin mo na ikaw ay mortal.
maganda man o panget ang iyong
mukha't katawan sa bandang huli
kakainin lang ito ng mga bulate.
alalahanin mo na ikaw ay mortal.
kahit nasa taas ka ay h'wag magmataas
pagkat sa huling hantungan sa lupa'ng
tapakan ka rin mababaon.
alalahanin mo na ikaw ay mortal.
isang singaw sa ibabaw ng lupa,
isang bulalakaw sa kalawakan
isang bula na nakalutang sa sabaw
at isang kisapmata sa libong pangitain.
50 Dahil sa masidhing panibugho
Ng pumangalawang natalo

51 Kung anu-anong balak na mabagsik
Ang sa isip isiniksik

52 Buong loob isasakatuparan
Ang kalapastanganan

53 Isang gabing marilim
Baon ay patalim

54 Nagtungo sa prinsipeng nagpapahangin
Sa may bandang baybayin

55 Kanila itong nilapitan
Tinutok patalim sa lalamunan

56 Ibinangka at ibinalot sa lambat
Siniklot at inihulog sa dagat.

-06/25/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 149
Chris Mortel Apr 2018
Siya, na mahal na mahal ka,
Siya, na laging nandyan t'wing
kailangan mo siya..
Siya, na lagi kang pinapatawa t'wing malungkot ka.
Siya, na mabilis mag reply sayo sa chat at text pag boring ka.
Siya, na gusto ka ! Pero ikaw, ang gusto mo ay iba.
Hanggang ganito na lang ba? Hanggang kelan ka magiging manhid sa ipinapakita at ipinaparamdam niya? Hanggang sa bandang huli maisip **** mahal mo rin pala siya.  Samantalang siya napagod na at minamahal na ng iba.
Naranasan mo na bang mag mahal ng isang tao na iba din ang mahal at gusto? Hanggang kelan ka aasa? Para sayo ito.

— The End —