Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pumapatak" poems
Nakakakilig, matatamis ang iyong mga ngiti Nakakatunaw ang kinang sayong mga labi Kakaiba ka sa pakiramdam, napakaganda mo sa loob Napakaganda tignan ng mala alon mo na buhok Sabi nila'y, ang mga taong may liwanag ay meron ding lalim Ano nga bang nasa likod ng 'yong magagandang tanawin Nais ko'y lumapit, ngunit papano ako bubwelo Tunay ngang ang langit ay binabantayan ni san pedro Ako'y manlalawig, at tumatawag si Laguna Mukha atang mahirap na'kong pigilan animo'y pumapatak na luha Nananaginip binibigyan ka ng kwentas ba o singsing Bagamat ikaw ay isang bituin, sayo'y wala akong hinihiling Sapat na saking nakatingala, kahit tingin sa sarili ay kawawa Sapat na saking malaman ang presensya ng isang tala Ang nais ko lang naman ay magpamalas ng paghanga At sana, sana ay paglapitin din tayo ng tadhana
0
Oct 30, 2018
Oct 30, 2018 at 10:13 PM UTC
Ngiti,
gabing hindi mapakali, gustong humagolgol, ngunit walang luhang pumapatak, sikip ng dibdib ay hindi maintindihan, ilang kilometro na ang takbo ng isip, ngunit ikaw lamang ang iniisip, Papalayain na ba ang sarili? o hahayaan nalang na magkusang mawala, dahil nagmimistulang bangkay na at hindi na maramdaman ang muling umibig. ang makita kang masaya na, ay akin ding kasiyahan, mga katanungan ko'y hangang tanong nalang. sinusubukang ngumiti tumawa ngunit, aking lamang pinaglalaruan ang aking sarili, dahil sa halip tuwa at saya ang aking maramdaman ay parang normal lang. PAPALAYAIN NA AKING SARILI, sa nakaraan nating ako lang ang nakakalam, na parang ako lang ang nakakaalala. ito na nakakaramdam na pala ako ulit. SAKIT pala ang aking nararamdaman, na ako'y napag iwanan na, na ako nalang ang nabubuhay sating nakaraan. TAKOT, na ako'y tuluyan mo na palang nakalimutan, TUWA na ikaw ay masayang masaya na, ngunit sana ang mga tanong gustong itanong saiyo, matuldukan na, pangamba ko lang ay hindi nanaman ito sagutin. pangamba ko din ay baka hindi mo na ako ituring na kahit parang kapatid lang, yon ay aking tanging hiling. ngayon ay siguro panahon na para, Palayain na aking SARILI, ngayon luha na ngay bumuhos sa umagang gansa ng sikat ng araw, at ngayon sa huling pagkakataon ipapadama sayo, K. ikaw lang, mahal kita, minahal kita, at kung baliktarin man ang mundo at kung saan pwede na ang TAYO, K. mamahalain parin kita. mahirap man sakin ngunit siguro ngay ito rin ang iyong inaantay ang, Palayain na aking SARILI.
0
May 11, 2019
May 11, 2019 at 11:50 PM UTC
Papalayain na aking SARILI

Continue reading...
22
AKO’Y  ISANG  KAIBIGAN Kumakatok sa iyong puso Pinto nito’y iyong buksan At ako’y hayaang makapasok AKO’Y  ISANG  KAIBIGAN Tapat at Mapagkakatiwalaan Masasandalan sa ano mang oras Karamay sa bawat pagsubok AKO’Y  ISANG  KAIBIGAN Lumalapit sa isang katulad mo Nagsasabing “wag kang matakot” Ako’y laging nakabantay sayo AKO’Y  ISANG  KAIBIGAN Di nanghuhusga, Di Namimili, Di nang-iiwan, Di nakakalimut, Pagkat ika’y mahalaga sa akin AKO’Y  ISANG  KAIBIGAN handang ibigay ang lahat Pati buhay ko’y ibibigay Makasama ka lamang sa walang hanggan AKO’Y  ISANG  KAIBIGAN Higit pa kanino man Halika’t ako’y kilalanin Tiyak di mo pagsisisihan AKO’Y  ISANG  KAIBIGAN Nagmamahal ng tapat, Pagmamahal na mas malalim pa sa Dagat, mas mataas pa sa kalangitan Mas malawak pa sa mundong iyong kinagigisnan AKO’Y  ISANG  KAIBIGAN Luhang pumapatak aking pupunasan lahat ng iyong hinanakit aking gagamutin heto ang aking mga bisig at ikay yayakapin, yayakapin ng kay higpit. AKO’Y  ISANG  KAIBIGAN Nagsasabing, Taha na…   Ako’y narito lamang Hinding Hindi ka iiwanan
0
Mar 17, 2016
Mar 17, 2016 at 1:14 AM UTC
Genuine Companion
sana nandito ka para nayayakap  kita, sana nandito ka para mahagkan ka, sana kahit kaunting oras lang  makasama ka, mapakita ko lang kung gaano ka kahalaga. sana noon pa kita nakilala, sana naunahan ko sya, di ka sana nasaktan at lumuha, sa pagtataksil at mali nyang nagawa. sana nabuo ako ng mas maaga, baka sakaling nakilala kita, hindi man kita masyadong mapasaya, pero gagawin ko ang lahat para ika'y mapaligaya. sana hindi nalang naging komplikado, baka sakaling maipag mamalaki mo ko, baka masabi mo na ako talaga ang mahal mo, walang biro at hindi nag tatago. sana hindi nalang kita nakilala, para hindi na tayo nahihirapang dalawa, pero salamat parin at dumating ka, dahil tinuruan mo kong wag magpakatanga sakanya. sana pinigilan ko nalang nararamdaman ko sayo, para hindi ako luluha kapag iniwan mo, sana hindi kita pinakinggan noong nagkagulo, edi sana ngayon malaya na tayo. sana kung may mag babalik ng nakaraan, mas pipiliin kong manahimik nalang, hindi magsasalita ng tunay na nararamdaman, para sa huli wala ng nasasaktan. alam kong minahal mo ko ng sobra, pero hindi mo ba naisip  na mas mahal kita, mas pipiliin kong maging masaya sila, kaysa sa kaligayahan nating dalawa. pero sa tuwing bibitawan na kita, hindi mo alam kung gaano kasakit na mawalay ka, kahit pigilan kong huwag pumatak ang mga luha, wala akong magawa dahil kusa silang nagwawala. sa rami ng pag subok na nalagpasan, alam kong hindi pa iyon ang katapusan, marami pang darating at dapat pag handaan, ngunit di ko alam kung kaya ko pang labanan. hindi ko alam kung naubos na ba ang luha ko sa kaiiyak, dahil sa tuwing may problema ni isang butil walang pumapatak, sanay na siguro ako sa relasyong ito, panay iyak, away at gulo. mahal kita kaya pilit kong kinakalimutan mga pangyayari, kahit magulo,  alam kong sa puso mo ako'y bawing bawi, hindi kita iiwan ano man ang mangyari, kung iiwan man kita asahan **** ako ay uuwi. pagpasensyahan mo na kung abnormal ako minsan, ganto talaga ako pero masarap mag mahal, minsan ka ng iniwan ngunit di ka kakalimutan, bihira ka lang makahanap ng katulad ko na mapag mahal. alam kong masasakit ang lahat ng Sanang nasabi ko, isip ang may gusto ngunit puso'y binabago, sana tama ang puso kong manatili sayo, sayo mahal ko , puso ko' y sinakop mo. #love #chances
0
Sep 29, 2016
Sep 29, 2016 at 4:49 AM UTC
SANA

58
Hindi, Hindi ko alam kung bakit ako nakatayo sa harap ng madla Hindi ko alam kung bakit ako gumawa ng tula Pero sige magsisinungaling pa ako, magsinungaling pa ako hangga't mapaniwala ko ang lahat maski ang sarili ko Magsisinungaling pa ako hangga't maputol na ang dila ko sa kasalanang ginagawa nito Itatangi ko sa lahat na sumali ako dito upang mailabas lahat ng hinanakit ko Itatangi ko sa lahat na napudpud ang lapis ko habang binubuo ang tulang ito Itatangi ko sa lahat na ilang papel ang nasayang ko sapagkat nabasa lamang ito ng luhang dahilan ng pagngiti mo At magsisinungaling at magsisinungaling pa ako hangga't makita na ng lahat ang salitang 'SISI' sa ginagawa kong pagsisinungaling Hindi ko sinasabing nagsisisi ako dahil minahal kita sinasabi ko lamang nagsisisi akong naniwala ako sa malakas na ulan Hindi ko sinasabing nagsisisi ako dahil nakilala kita sinasabi ko lamang nagsisisi ako dahil nagpatangay ako sa malakas na hanging habagat Hindi ko sinasabing nagsisisi ako sa paglapit mo sinasabi ko lamang nagsisisi akong lumingon ako sa bintana Ngunit mahal kahit kailan hindi ko itatanging nagsisisi akong Umasa ako sa akala ko'y Ulang magtatagal ayun pala'y dumaan lamang Masakit sa pakiramdam maalala ang paghila mo sa aking kamay sabay sabing "halika at magtampisaw tayo" Habang bumubuhos ang malakas na ulan suot pa natin ang uniporme nating dalawa Naririnig ko ang halakhak mo Habang masayang tumatalon dinadama ang mumunting butil ng ulan Samantalang ako'y nakatingin sa kamay nating magkahugpo at sa hindi inaasahang pagkakataon nabanggit sa harapan mo ang katagang nakakubli sa aking puso "Mahal Kita" ngunit ngiti lamang ang sinukli mo "Mahal Kita" ngunit yakap lamang ang ginanti mo "Mahal kita" ngunit ang sinabi mo lamang ay "halika umuwi na tayo" Lumipas ang mga araw at narinig ko nanaman ang halakhak mo Nilusong ko ang malakas na ulan upang mahawakan mo ulit ang kamay ko Habang masaya kang lumulundag sinasalo ang butil ng ulan na siyang pumapatak sa mukha mo Ngunit mahal nadurog ako ng makita kita sa ulan, Nadurog ako sapagkat kamay ng iba ang hawak mo ngunit hindi katulad ng saatin nakatitig ka sa mata niya habang dinadama ang ulan "Mahal kita" nginitian mo siya "Mahal kita" inakap mo siya "Mahal kita" ngunit sinabi **** "Mahal din kita" Tumigil ang ulan ngunit hindi ang pagdurugo ko Nilisan ko ang lugar kung saan nabasa ako Umuwi ako sa bahay inaapoy ng lagnat at tinanong ni Nanay "bakit hindi nasuspinde?" Tinitigan ko siya ng diretso sa mata sabay sabing "Daang ulan lang naman daw po" Oo tama!, daan lamang malakas ngunit hindi magtatagal malakas ngunit nakakapinsala Daan lamang pala Sana hindi na lang ako nagpahila Sana hindi na lang ako umasa At sana pala'y nagdala ako ng payong nang sa gayon ay hindi na ako namomroblema kung paano maiiwasan ang patak nitong malakas na ulan
0
Aug 21, 2017
Aug 21, 2017 at 10:47 PM UTC
Daang Ulan

37
Nakikita niyo akung naka ngiti Mga ngiting to kay dami nang ikinubli Mga damdaming di na masabi Siguro habang buhay na ito mananatili Naririnig niyo ang malakas kong tawa Sa likod nito ay may malaking problema Na sa tuwing ako'y mag isa Hindi tawa kundi patak nang mga luha Ngiti, kahit labis nang nasasaktan Ngiti kahit wala nang matatakbuhan Ito lang ang naiisip kong paraan Upang di mapansin ang aking pinagdaraanan Ngiti, kahit luha mo'y pumapatak na Ngiti, kahit di mo na kaya Huwag mo nang ipakita sa kanila Ang iyong pusong sugatan na Ngiti para sa kanya Ngiti upang lahat ay maging masaya Kahit damdamin ay kumikirot na Di bale na, napasaya mo naman siya Ang mga ngiti ay marami nang naitago Isa na ang mga damdaming di na mag lalaho Ang nararamdaman ko sayo'y di pa nagbabago Mahal parin kita nang buong buo
0
Aug 12, 2018
Aug 12, 2018 at 12:48 PM UTC
Ngiti
Nakikita niyo akung naka ngiti Mga ngiting to kay dami nang ikinubli Mga damdaming di na masabi Siguro habang buhay na itong mananatili Naririnig niyo ang malakas kong tawa Sa likod nito ay may malaking problema Na sa tuwing ako'y mag isa Hindi tawa kundi patak nang mga luha Ngiti, kahit labis nang nasasaktan Ngiti kahit wala nang matatakbuhan Ito lang ang naiisip kong paraan Upang di mapansin ang aking pinagdaraanan Ngiti, kahit luha mo'y pumapatak na Ngiti, kahit di mo na kaya Huwag mo nang ipakita sa kanila Ang iyong pusong sugatan na Ngiti para sayo aking Sinta Ngiti upang lahat ay maging masaya Kahit damdamin ay kumikirot na Di bale na, napasaya naman kita Ang mga ngiti ay marami nang naitago Isa na ang mga damdaming di na mag lalaho Ang nararamdaman ko sayo'y di pa nagbabago Mahal parin kita nang buong buo Vanessa Alba   Pinilit mang sukuan at kalimutan ka Ngunit di ko magawa-gawa aking sinta Para bang ako'y nakakulong sa silda Sa pag ibig ko sayo'y hindi makawala Hanggang ngayo'y ngiti ang aking Sandata Pilit nilalabanan ang kirot na nadarama Umaasa na ikay muling makasama Ipagpatuloy ang Pangarap na binuo nating dalawa ❤ Ngiti hanggang sa mapawi ang aking Pighati Ikaw lang magpapabalik ng Tamis na Ngiti sa aking mg Labi. #NgitiKahitMayPighati
0
Mar 8, 2021
Mar 8, 2021 at 5:02 PM UTC
Pighati
Parang ulan na pumapatak, Mga luha sa iyong mata'y tagaktak, Gusto ko man itong punasan, Dahil ikaw ay sinaktan, Sa taong pinili mo, Akala mo'y hindi ka iiwan. Minsan ikaw'y lumapit sa akin, Tinanong kung anong tingin, Sa babae sa malayo nakaupo, Na tila diwata sa iyong puso. Pinilit ko ngumiti, Tinago ng pilit, Mga luha nagbabantang mahulog, Dahil ang puso ko'y nadurog. Umaasa isang araw ako'y masilayan, Kahit kaunti sulyap lang ako'y maliligahayan, Ngunit tila totoo nga, Ang sinabi ng matatanda, "Kung para sa'yo iha, ito'y kusang lalapit." Kaya ngyon akin mahal, Ikaw'y aking iiwan, Pupunta sa kawalan, Kung saan ang puso ko'y doon daan, Para mahanap ang tunay na ligaya, Sa piling ng iba.
0
Jun 10, 2015
Jun 10, 2015 at 8:39 PM UTC
Sinta
Tulad ng isang hangin na hindi makita Nakabalot sa walang hanggang pangarap. Ang bawat sandaling hindi mahagilap Nag-aabang, nagkukumahog na aking malasap. Lamyos ng iyong tingin. Nakasusulasok sa aking damdamin. Hindi masilayan. Isa kang sinag na hindi mahawakan. Hindi ko maintindihan, saan nga ba nagmula. Ang damdaming hindi naman maaring isakatuparan. Tanging iniisip ay ang ikaw ay makitang muli. Paano ba ipasasang-tabi ang bangungot ng huling sandali. Ito ang aking diwa, ito ang aking panaghoy. Isang tulang walang pamagat. Dulot ang Isang walang hanggang sugat. Paano ba itutula, Isang tulang walang Pamagat? Sa simula ng pagsanaysay. pilit na nilalakbay. Saan nga ba mahahagilap. Ang isang Tulang Walang Pamagat. Tulad ng Isang Sinag, Hindi lubos Ilapat. Ang Bawat salitang lumalabas, tulad ng Ulan, pumapatak. Sa kalaliman ng Gabi. Pawis ay Tumatagaktak. Dumating na nga ba ang Tamang Oras. Na sa iyo ay Ilabas. Ito ang Aking Panaghoy Isang Tulang Walang Pamagat. Dulot ang Isang Walang Hanggang Sugat. Paano ba Itutula. Isang Tulang Walang Pamagat Balang Araw maitutula rin. Ang aking nararamdaman. Lubos na pagsinta at pagmamahal. Habang Hindi Pa Makakaya. Ito muna ang isang Tulang Walang Pamagat.
0
Sep 22, 2015
Sep 22, 2015 at 12:17 AM UTC
Walang Pamagat
“You must live in the present, launch yourself on every wave, and find your eternity in each moment. Fools stand on their island of opportunities and look toward another land. There is no other land; there is no other life but this.” ― Henry David Thoreau Nalulungkot ako dahil nasayang ang buhay mo. Huli na ang lahat nasa dapit hapon kana, palubog na ang araw mo, wala na itong umagang darating pa. Nalulungkot ako dahil nagpadaig ka, tinalo ka ng lungkot at kinain ka ng sistema. Pati tuloy ang sining (photography) na iyong minahal ay tinalikuran mo. Nalulungkot ako dahil alam kong kahit nagkaganyan ka ay marunong kang magmahal, na kahit kelan hindi mo ako sinaktan, na lagi kang nand’yan kapag kailangan kita. Bakit kaba kasi nagkaganyan? Nalulungkot ako dahil sinayang mo ang panahon para lang alagaan ang galit na nakatanim d’yan sa dibdib mo. Niyakap mo na parang unan ang kalungkutan, sana ay itinakwil mo ito. Nalulungkot ako dahil naging rebelde ka hindi lang sa iyong sarili kundi pati dun sa mga taong nagmamahal at nagmamalasakit sa’yo. Sinaktan mo sila na handang umagapay sayo. Nalulungkot ako dahil lumikha ka ng sarili **** bangin, isang malalim na hukay kung saan ikaw ngayon ay nakabaon. Nalulungkot ako dahil hindi pinakinggan ng diyos ang mga dasal ko para iligtas ka, ang mapagmahal at mahabagin na diyos ay walang awang pinabayaan ka. Nasayang lang ang aking mga pagsamo sa kanya. Paano ka n’ya aagawin sa apoy ng Impeyerno kung dito pa lang sa lupa ay pinabayaan kana? Nalulungkot ako dahil kapos ang aking pang-unawa at pagmamahal. Nalulungkot ako dahil wala akong nagawa para suklian ang mga kabutihan mo sakin. Nalulungkot ako at pumapatak ang luha ko habang sinusulat ko ang tulang ito. Nalulungkot ako dahil hindi na maibabalik ang nakaraan, dahil wala ng bukas na darating para sa’yo at sa ating dalawa. Nalulungkot ako dahil dahil pareho tayong nabigo. Oo, kapwa tayo talunan. Pareho tayong pinagtaksilan ng ating mga paniniwala at mga pangarap. Nalulungkot ako dahil patuloy kang naghihirap noon magpahanggang ngayon. Nalululungkot ako pero alam ko na ang lahat ay may katapusan, lahat ay magwawakas pati na ang mga paghihirap. Kaunting panahon na lang matatapos din ang lahat ng dusa at sakit mo. At pag dumating ang araw na ‘yon hindi kana nila kailanman masasaktan. May kakaibang katahimikan at hindi maipaliwanag na kapayapaan na makikita sa mukha ng isang bangkay.
0
Nov 21, 2017
Nov 21, 2017 at 3:56 AM UTC
NALULUNGKOT AKO

7
Gusto ko sanang hilingin sa mga bituin na ibalik ka sa akin isigaw sa buong kalangitan kung gaano ako nasasaktan Habang ibinubulong ng mga butil ng luhang pumapatak mula sa mga mata ko ang pait ng katotothanang patuloy pa rin akong umaasang tulad ko’y umaasa ka pa rin umaasang maibabalik pa natin ang dati. Gusto ko sanang maniwala sa mga mumunting tinig Ng mga kulisap, sinasabing “ayos lang yan, magiging ok din ang lahat.” Na sa bawat lipad ng mga alitaptap Dala ay liwanag na magbubukas sa kinabukasang Tayo pa rin hanggang sa hinaharap. Gusto ko sanang umasa At huwag mapagod sa mga panalanging Bukas pag gising ko’y ikaw na ang nasa tabi Na ang mga walang kasing tamis **** ngiti ang sasalubong Sa akin mula sa akala kong walang katapusang bangungot Ng sakit at pighati. Gusto ko sana Gusto ko Gustong gustong gusto ko Na sanang mawala lahat ng sakit Lahat ng poot Lahat ng pag aalinlangan Lahat lahat Pati na ang mga alalang Pilit nagsususmiksik Sa kaibuturan ko Mga alaalang naging mitya ng kahapon At naging hudyat ng ngayon Ang bagong ikaw at ako Na minsang naging tayo. Mga alalang naging dahilan… Gusto ko Gustong gustong gusto ko ng Kalimutan siya. Sorry. Pero hindi ko pa rin pala kaya.
0
May 5, 2016
May 5, 2016 at 11:28 AM UTC
gusto ko...sana
Sa bawat sandaling  pumapatak Isa lamang ang tiyak Mundo ay aking hawak Bulong ng isipang may pakpak Heto nanaman, heto nanaman Baliktad na yata ang aking orasan Puso't isip ay nagugulumihan Sa ilalim ng matirik na buwan Mga pangungusap ay di maawat Parang pangarap na pilit inaakyat Tumigil kana at ako'y napupuyat Isip ko na sa gabi laging nakamulat Ang nais niya ako ay diktahan Lasunin ang isip ng kasinungalingan Iwanang hubad at sugatan Patayin ng unti-unti at marahan Siya'y pilit na nakikipag-talo Ngunit hinding-hindi ako magpapatalo Sumikat na ang umaga't walang nanalo Ngunit tila mata ko yata ang talo JGA
0
Feb 15, 2019
Feb 15, 2019 at 12:53 PM UTC
Isang Gabi ng Pagtatalo
Maisusulat ko ang pinakamalulungkot na tula ngayong gabi. Maisusulat, halimbawa: “Ang gabi’y mabituin, at nanginginig, asul, ang mga tala sa dako pa roon.” Umiikot sa langit ang hangin ng gabi, umaawit. Maisusulat ko ang pinakamalulungkot na tula ngayong gabi. Siya’y inibig ko, at kung minsan ako’y inibig din niya. Sa mga gabing tulad nito, niyakap ko siyang mahigpit at hinagkan sa lilim ng walang-hanggang langit. Ako’y inibig niya, kung minsan siya’y inibig ko rin. Paanong hindi iibigin ang mga mata niyang malamlam? Maisusulat ko ang pinakamalulungkot na tula ngayong gabi. Isipin lang: Hindi ko siya kapiling. Nawala siya sa akin. Dinggin ang gabing malawak, mas malawak pagkat wala siya. At ang tula’y pumapatak sa diwa, parang hamog sa parang. Ano ngayon kung di siya mapangalagaan ng aking pag-ibig? Ang gabi’y mabituin, at siya’y hindi ko kapiling. Iyon lamang. Sa malayo, may umaawit. Sa malayo. Diwa ko’y hindi mapalagay sa kanyang pagkawala. Anyong lalapit ang paningin kong naghahanap sa kanya. Puso’y naghahanap sa kanya, at siya’y hindi kapiling. Ito ang dating gabing nagpaputi sa mga dating punongkahoy. Tayo, na nagmula sa panahong iyon, ay di na tulad ng dati. Hindi ko na siya iniibig, oo, pero inibig ko siyang lubos. Tinig ko’y humalik sa hangin para dumampi sa kanyang pandinig. Sa iba. Siya’y sa iba na. Tulad ng mga dati kong halik. Tinig, maningning na katawan. Mga matang walang-hanggan. Hindi ko na siya iniibig, oo, pero baka iniibig ko siya. Napakaikli ng pag-ibig, at napakabata ng paglimot. Pagkat sa mga gabing tulad nito’y yakap ko siyang mahigpit, diwa ko’y di mapalagay sa kanyang pagkawala. Ito marahil ang huling hapding ipadarama niya sa akin, at ito na marahil ang huling tulang iaalay ko sa kanya. “Tonight I Can Write The Saddest Lines” ni Pablo Neruda sinalin sa Filipino ni Jose Lacaba.
0
Dec 16, 2016
Dec 16, 2016 at 9:30 AM UTC
Kung 'di Man

43
*Ayaw kong magkwento, sa personal na buhay ko. Ayokong sabihin, bawat emosyon ko sa tao. Tao ako at hindi ano, hindi rin hayop o anino. Hindi bato ang puso, may laman at dugo. Nagagalit, umiiyak, luha'y pumapatak. Naninibugho, nasasaktan, nakakaramdam, nasusugatan. Nauuhaw, nagugutom, natutusok ng karayom. Sumisigaw,humihiyaw, minsan kinakantiyaw. Kaya... Kung personalan ang nais niyo, Bakit di mo tanungin sarili mo? Gusto mo bang pakialaman ko, Bawat hibla ng buhok mo? Ikaw ay ako, Ako ay ikaw. Tao tayo, Hindi bagay, Hindi hayop, May puso, may laman at dugo.*
0
Oct 15, 2015
Oct 15, 2015 at 5:30 PM UTC
Ako'y Tao, May Laman at Dugo
“Tumakbo ka na”, sabi ng aking mga paa habang ika’y unti-unting lumalaho sa dilim at habang ika’y hinahabol ko palayo sa’kin hinahabol ko ang pagasa; hinahabol ko ang aking hininga “Huminga ka muna”, sabi ng aking baga habang pumapatak ang mga malalamig na pawis nagbabakasakaling maabutan ang dama ng iyong yakap at makita ang makikintab **** mata “Pagod na ‘ko”, sabi ng aking puso “Hindi ka pa ba napapagod? Hindi mo ba naipapansin na malayo na siya sa iyo?”, dugtong ng puso at labis pigilan ang ikot ng mundo Patuloy ang lakbay at pilit ‘kong umabot sa piling mo ngunit kahit gaano kabilis ‘kong palakarin ang mga paa, ngunit kahit gaano man karaming ikot na ang naidaan ko at ilang patak ng pawis na ang tumulo, pilit pa ring binabaliktad ng mundo ang daan palayo sa iyo At kung patuloy akong inililigaw ng buwan patungo sa liwanag at kung patuloy akong inililigaw ng liwanag patungo sa kadiliman palayo sa gulo, bakit nagkaron ng dulo? At kung tinuturuan pa lang ako ng puso nang umibig ng tama, bakit ngayon pa? bakit ngayon pa kung kalian pagod na ang tadhana? kailan ba sisikat ang araw at sa huli ng storya, tayo ang masaya? Marami na ang nawala, mga sugat na ‘di tuluyang naghilom at mga tahi na nasira, mga damdamin na pinaraya at mga ngiting pinalaya Aakitin rin tayo ng ligaya darating rin ang panahon na tayo ang maligaya ng wala sa piling at sa puso ng isa’t-isa Pasensya ka na aking mahal ngunit hindi ko maitahan ang lumuluhang puso na napilitang pakawalan ang nakaraan – ang oras ang nakaharang – Pasensya ka na, hindi kita naabutan
0
Jan 9, 2018
Jan 9, 2018 at 2:28 AM UTC
Pabalik

Isa, dalawa, tatlo Pagbilang kong sampu, nakatago na kayo Apat, lima, anim, Magmadali, papatak na ang dilim Pito, walo, sa rimarim na ito sa’yo’y walang sasambot siyam, sampu pipindot na sila sa gatilyo Naaalala ko pa noong matiwasay pa ang lahat tahimik bukod sa sipol ng hangin na rinig na rinig walang ingay sa paligid puti ang sahig – linis hanggang gilid Naalala ko pa noon, walang pangambang tahi sa bawat isa sa t’wing pumapatak ang gabi Madilim ang lansangan, ngunit may liwanag ang daan Di mag-aalalang umuwi, ‘di magugulumihanan Naaalala ko pa nung una silang pumindot sa gatilyo Nayanig ang paligid, nagulo ang tahimik Tintado na ang sahig na dating puti ng dugo mula sa bago nilang kitil. Naalala ko pa noong nagpasabog sila ng bomba Nabingi ang lahat sa ingay na likha, mga tarantang mukha, mga takbong halos ikadapa mga matang labong labo na ng mga luha Naalala ko pa noong kinuha nila si itay lupa raw namin ay ayaw niyang ibigay pinuno ng latay, inuwing akay-akay - muntik na siyang mamatay - walang kamalay-malay na kami’y unti-unting pinapatay ni walang panahong makinig saming salaysay May dugo ang bigas na iginagatong ninyo May bakas ng dahas ang pagkaing hapag sa kainan ninyo Mga sigaw na busal ng kasadong gatilyo May namamatay na dito makinig naman kayo! Isa, dalawa, tatlo Pagbilang kong sampu, nakatago na kayo Apat, lima, anim, Magmadali, papatak na ang dilim Pito, walo, pipindot na sila sa gatilyo Siyam, sampu
0
Apr 8, 2017
Apr 8, 2017 at 12:31 PM UTC
Untitled
Tama na! Tama na ang mga pagtangis. Tama na ang mga pagdurusang nararamdaman ng aking puso. Tama na ang mga pasakit na pinapasan ko sa mahabang panahon. Tama na ang mga luhang palagi na lamang pumapatak sa tuwing naiisip kong wala akong kuwenta! Hanggang kailan ba ako dapat na aasa sa wala kung hindi naman akong kayang mahalin ng taong mahal ko dahil ako ay iba? Bakit ko ipagpipilitang isiksik ang sarili ko kung sa simula't sapul ay hindi nila ako maintindihan? Dalawang beses lang ako nagkamali at sa mga pagkakamaling iyon ay humingi ako ng kapatawaran pero bakit tila hindi ako pinakinggan? Nasaan ang kalayaan kong ako ay dapat na pakinggan sa mga isiniwalat kong pawang katotohanan lamang? Anong pruweba ba ang dapat kong ipakita upang mapagtanto nilang karapat-dapat din akong mahalin, at bigyan ng pagkakataong patunayan ang sarili kong hindi ako ang taong inakala nilang katulad ng taong kinamumuhian nila ng mahabang panahon? Pera lamang ba ang kailangang maging dahilan upang mapansin ang kahilingan kong matagal kong inasam na makamit ito? Tao pa ba ang tingin nila sa akin o bagay na kapag nakuha na ang gusto ay itatapon nalang nang walang pasubali at hindi na kayang balikan o kamustahin? Hindi ako nagmamalimos ng pag--ibig mula sa kanila! Ang gusto ko lamang ay tanggapin ako sa kung sino ako at kung ano ang nakaraan ko. Sana ay bigyan naman nila ako ng puwang sa kanilang puso pagkat ako ay sabik na sabik na sila ay mahagkan nang mahigpit. Kung buhay pa sana ang ilaw ng aming tahanan ay hindi niya pahihintulutang magkakaganito ako. Tama na! Tama na ang mga baluktot na katwiran! Tama na ang mga salitang iyong binibitawang Hindi sumasang-ayon sa nilalaman ng iyong puso at sa sinasabi ng iyong isipan. Ikaw na nagmamahal pa, magmamahal pa ba, Kung kaliwa't kanan ng ipinaparamdam sa iyo na hindi ka nararapat maging bahagi ng mga puso nila? Ikaw na nagmamahal pa, magpapatuloy ka pa rin ba kung tahasan ka nang itinataboy sa pintuan ng kani-kanilang damdamin at isipan? Saan ka nga ba nagkamali? Ang mahalin sila nang buong puso, tapat, at totoo? O ang umasa ka sa mga mabulaklakin nilang mga salita Na kasinungalingan lang pala ang lahat at hindi ikaw ang nais nilang makasama?
0
Feb 11, 2018
Feb 11, 2018 at 4:21 PM UTC
Tiwala at Pagmamahal (A reverese poetry)

29
nakakatuwang isipin na ako pa din ang 'yong sinisinta sa bawat oras na pumapatak ang 'yong naiisip sa bawat awit na mariringgan ang 'yong pampakalma sa tuwing lugmok na lugmok ka na nakakatuwa isipin na tayo pa din ang nais **** dala sa bawat tagumpay mo ang nais **** makamtan kahit tila maglalaho na ang lahat ang nais **** marinig sa bawat galaw at tibok ng 'yong puso nakakatuwa isipin na ikaw pa din ang kasama ko matapos ng masasamang nangyari ang kasama ko sa bawat halakhak at pag hubog ng ngiti sa aking labi ang kasama ko sa tuwing akong mag kakaroon ng panibagong biyaya nakakatuwa nga talaga...... alalahanin ang masasaya nating memorya humiling sa itaas na sana hanggang ngayo'y ganon parin nakakatuwang isipin na hanggang ngayon eto ako humihiling parin
0
Aug 1, 2016
Aug 1, 2016 at 4:55 AM UTC
nakakatuwa
Ano… “Ano ang pakay mo dito sa mundo?” Iyan ang unang tanong niya sa akin. Naniniwala ako na ako ay nandito upang mabuhay, Upang sa mundong ito ay magbigay ng sariling kulay. Ngunit hindi ko alam ang rason kung bakit Ako dito sa lupa ay ibinaba ng langit. Sino… “Sa iyong palagay, sino ka? Sino ka upang mabuhay nang kasama sila?” Hindi ko alam kung sino ako sa mundong aking kinabibilangan. Ang tanging alam ko lang ay ang aking pangalan. Ngunit ako ay may karapatan Na maging tao dito sa mundong aking ginagalawan. Bakit… “Bakit ka umiiyak? Tila mababaw ang iyong luha, sabi mo ay malakas ka.” Tama ka, siguro ako nga ay mahina. Huwag kang mag-alala, ang ulan ay titila. Itinatanong mo kung bakit mga luha ay pumapatak. Minsan, ang langit din naman ay umiiyak. Saan… “Saan ka tutungo? Kahit saan ka magpunta, ang lupa ay guguho.” Hindi ko alam ang mga tatahakin na daan. Nais ko lamang na makahanap ng tahanan, Tahanan na gigising sa aking puso’t isipan. Alam mo ba kung saan iyon matatagpuan? Kailan… “Kailan ka ba magigising? Dahil minsan, daig mo pa ang isang lasing.” Gising ako at mulat ang aking mga mata, Pagod na pagod na akong maging bulag pa. Pinapatulog tayo ng mundo sa pamamagitan ng mga kanta, Mga kantang may lason upang hindi na magising pa. Paano… “Paano mo gagawin ang lahat ng iyon, Kung pati ang iyong sarili ay hindi sumasang-ayon?” Gagawin ko dahil kaya ko; susunod sa mga aral, Gagawin ko dahil kaya ko; basta kasama ko ang Maykapal. At sa aking huling sasabihin, ako ay aamin: Ang aking kausap ay ang tao sa salamin.
0
Aug 1, 2018
Aug 1, 2018 at 10:47 AM UTC
ANG TAO SA SALAMIN

42
Kinain ng kadiliman ang buong daigdig Saksi ang mga kabundukan at karagatan Sa kung paanong natakpan ang araw na siya noong naghahari sa langit Nagkalat sa buong lupain ang pait Ang sakit Dahil ang gabi dulot lang lagi ay kasawian Ang gabi'y hindi isang kaibigan Ang gabi'y hindi titigil hanggang ang kaisa isang tala na hawak mo ay kumupas na nang tuluyan Nilamon ng kadiliman ang buo kong pagkatao At oo Sirang sira na ang taong sumulat ng binabasa mo Sumasabog ang ulo na tila pagputok ng bulkan Pumapatak ang luha na tila pagbuhos ng ulan Ngunit lahat ng ito ay nakatago Gaya ng kayamanan na nakadeposito sa bangko Na kayang kaya ilabas ngunit mas piniling ipunin ng husto Ipunin ang mga delubyo Delubyo na animo'y itinanim sa dibdib ng isang demonyo Nilamon ng kadiliman ang buo kong pagkatao At walang sinuman ang makakasaksi nito Dahil ang dilim ay inipon ko At ang buhay ay kikitilin Ang hininga ay lalagutin Ang sarili ay papatayin At lalong walang makakasaksi na sinuman Dahil walang pakialam sa aking gabi ang sambayanan Lahat ay nahihimbing sa kanilang kinaroroonan At sa wakas Nandito na ang wakas
0
Dec 28, 2017
Dec 28, 2017 at 8:57 AM UTC
Gabi
nalaman ko lamang ngayon na tayo ay di nababagay sa takbo ng realidad na ating kinabibilangan sabi nila kapag sila'y magkasama humihinto ang oras ngunit kapag ika'y kasama patuloy na umaandar ang mga kamay sa aking relo bibilangin ang bawat segundong pumapatak habang dinaramdam ang haplos ng iyong palad sa aking kamay at sa bawat minutong daraan ay mamasdan ang iyong mga puwang sa gitna ng iyong mga daliri at kung bakit tugma lamang kapag pinatong ko ang akin tila ginawa ang iyong mga daliri upang punan ang mga puwang sa aking sarili ngayo'y ako'y maglalakad hawak ang iyong kamay at mamumuhay sa taliwas na realidad at ikaw ang aking karamay
0
Aug 25, 2017
Aug 25, 2017 at 4:23 PM UTC
Taliwas
Ang kalayaang ipinagkait sa akin ng tadhana,   ang kalayaang gumala na naglaho parang bula.   Singlayo ng mga tala, hindi maabot,   nawala dahil sa isang pagkakamali—   isang pagkakamaling hindi sinasadya.   Ngunit ang pagkakamaling iyon,   nauwi sa paulit-ulit na pagkakasala,   hanggang naging bahagi ng bawat araw.   Dalawampung taon akong nabuhay   sa mundong walang tiwala   mula sa aking mga magulang.   Ilang beses kong binalikan   ang mga tanong,   nagbabakasakaling hanapin ang sagot.   O, kalungkutan, lubayan mo na ako!   Naririnig ko ang ulap, umiiyak,   pumapatak ang luha nito.   Ang kanilang tingin sa akin—   isang nilalang na walang halaga,   isang pagkakamali na kailanman   ay hindi mababawi.   Hawak ko ang katotohanan—   ang katotohanang natatakot akong tanggapin.   Balang araw, tatawagin akong salot sa lipunan.   Milyon-milyong mata, tenga, at bibig   ang naghusga sa akin,   tila alam ang bawat lihim ng aking pagkatao.   Sa pagitan ng pag-alis at pagbalik,   paaralan man o klinika ng espesyalista,   ang paghihintay ay tila isang habambuhay.   Limang taon kong idinalangin sa Diyos   na tupdin ang aking hiling,   at nangyari nga.   Ngunit kahit nakakulong ka na,   hindi ko magawang maging masaya.   Pagkakamali nating dalawa ito,   ngunit ikaw lamang ang pinarusahan.   Ikaw ang naging katahimikan   sa maingay kong mundo.   Ngunit nang muli kitang makita,   sa presinto, harap-harapan,   tila apoy ang bumalot sa kapaligiran.   Tanim na poot at galit   ang bumalot sa aking puso.   Sa pagtulog ko,   rinig ko ang tiktak ng relo.   Minsan, nilaro ako ng panaginip—   kasama raw kita.   Gising, natutulala ako,   nalulunod sa lalim ng iniisip.   Sa gitna ng pagbalik-tanaw,   nananatili ako sa kama,   hinihintay ang sagot   sa mga tanong ng aking isipan.   Sapagkat ang buhay,   tulad ng gulong—   minsan nasa itaas,   minsan nasa ibaba.
0
Sep 16, 2020
Sep 16, 2020 at 9:28 AM UTC
Selda ng Kahapon

Ang araw ay pumapatak na parang orasan Mga sandali'y hahantong sa ganap katapusan Halina't sulitin bakit hindi mo pa simulan? Dahil ako'y darating na kakatok sa iyong pintuan Teka sandali hanggang dito ka na lang Pasya ko sa lalaking tiyak na kulang-kulang Akala niya ay wala nang hahadlang Sa mga sandali ng kanyang pagsasayang Ako'y bisitang kumakatok ng hindi inaasahan Sana'y handa ka at walang pinagsisisihan Sapagkat ako' y bingi sa mga kahilingan At ang aking pasya ay siyang makapangyarihan Sa karit ko nagdaraan ang mabuti at hangal Ako'y di nabibili nang iyong mga pagpapagal Ngunit ang kalaban ko ay syang mararangal Sapagkat di ko maaari ang kanilang mga dangal JGA
0
Feb 20, 2019
Feb 20, 2019 at 6:17 PM UTC
Kamatayan
Heto na naman, Panahon ng tag-ulan, Sakit sa ulo't katawan, Damdamin at karamdaman. Basang puno't halaman, Basang kumot na pinunasan, Pumapatak na naman, Ang pag-ibig at tubig-ulan. Heto na naman, Sipon ko'y balik-balikan, Luha ko'y 'di mapigilan; Simula na ng buwan, Na masakit ang ulo't isipan, Masakit ang puso't lalamunan, Pagkat ako'y iyong iniwan, Sa gitna ng ulan.
0
Jul 12, 2018
Jul 12, 2018 at 12:51 PM UTC
Panahon na naman
Sa bawat luhang pumapatak Sya kaya'y nakailang halakhak Sa pagtitiwalang kanyang winasak Hindi mo na alam kung saan hahawak Tuwing gabi ay nag iisip ka Habang nasa kwarto at nakaupo sa kama Sisilip sa bintana at biglang papatak ang mga luha Nagtatanong sa langit kung kailan titigil ang sakit na nadarama
0
Jul 8, 2015
Jul 8, 2015 at 4:39 AM UTC
Lamat