Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
eyna Mar 2018
Pulang mga tinta ang gamit,
Pamamaalam ay nalalapit,
Handa ka na ba?
Isa,
Dalawa,
Pumikit ka!

Ang takot ay inalis!
Napalitan ito ng inis,
Inakap ang sarili,
Pilit nag-iisip ng mabuti.

Itutuloy ko ba?
O wag na?
Ano ba?!
Tama pa nga ba?

Bumilang muli ng isa hanggang tatlo,
Siguro nga ay tama na 'to,
Hawakan muli ang lubid,
Tama na ang pait!

Muling ginamit ang pulang tinta,
Tama na ang aking paghihirap, sinta,
Hanggang dito na lamang,
‘Wag nang hanapin pa ang mga letrang kulang,
Ito ang kwento ng aking paglisan,
Dito ko na ibaba ang aking mga pasan.
Paalam.
Ginawa ko itong tulang 'to noong mga panahon na nakararanas ako ng matinding kalungkutan at gustong-gusto ko ng wakasan ang aking paghihirap pero sa kabila nito, nakita ko ang kagandahan ng mundo, ng buhay. Masaya ang mabuhay, sobra. Kaya't bangon na!
Lianne Guevarra Apr 2020
Mahal, napakasarap sa pakiramdam ko noon ang isipin na tayong dalawa ay aabot sa panibagong taon.
Ngunit hindi pa pala ito sigurado.
Dahil sa pagwawakas ng taong 'yon,
Ay siyang pagtatapos na rin pala ng ating relasyon.
Mahal, hindi ko inakala.
Hindi ko inakalang magagawa mo kong iwan.
Hindi ko inakalang magagawa mo kong saktan.
Hindi ko inakalang ang huling araw ng taon, ay huling araw na rin ng pagsasama natin sa isang relasyon.

Mahal, bakit mo ako iniwan?
Bakit mo ako inayawan?
Mahal ika'y aking inasahan,
Sa mga pangakong iyong binitawan.
Ikaw ang dahilan ng aking kaligayahan.
Ikaw ang dahilan ng aking paglaban.
At sa di ko inaasahan,
Ikaw rin pala ang siyang dahilan ng aking kalungkutan.
Ano ba ang dahilan ng pagsuko mo sa ating pinagsamahan?
Dahil ba meron ka ng bagong kaligayan,
O bagong kasintahan?

Umabot ang ilang buwan at nagkukulitan parin tayo.
Binibigyan mo ko ng motibo na ika'y babalik.
Teka, binibigyan mo nga ba ako?
O ako lang talaga ang nagbibigay ng kulay sa bawat kilos na ginagawa mo?
Mahal, babalik ka pa bang talaga?
o hindi mo lang talaga ako maiwan dahil may kailangan ka pa?

Mahal, sabihin mo na ako na ang nagmamakaawa.
Dahil ayoko nang masaktan at umasa pa.
Ayoko nang umiyak muli sa parehong dahilan.
Parehong dahilan ng iyong paglisan.
Paglisan na kahit ilang buwan na ang lumipas, ay hindi ko magawang limutan.

Mahal, paano na ang mga plano natin?
Paano na ang mga pangarap natin?
Paano na ang mga pangako natin?
Paano na ang mga memorya natin.

Mga memoryang nagsisilbing matinding kalaban para sa akin,
Dahil hindi ko ito magawang lisanin.
Sapagkat ang mga ito na lamang ang natira,
Memorya nung mga panahong ikaw pa ay akin.

Naalala ko bigla,
Kung saan tayo unang nagkita,
Kung saan tayo unang nagkakilala,
Kung saan tayo unang nagsama,
Kung paano tayo nagsimula,
Kung paano tayo nagmahalan na tila ba wala ng hangganan.

Pero sa hindi ko inaasahan,
Ikaw rin pala ay lilisan,
Ang mga pangako rin pala ay mabibitawan,
Masakit man sabihin ang huljng katagang ito,
Ngunit, paalam na mahal ko.
patricia Mar 2020
Sa pagitan ng mga panahong hawak mo ang aking kamay at inialay mo ang iyong bisig upang maging tahanan ko, minahal kita.

Nang ilapat mo ang pangalan ko sa lirico ng isang awitin at ginawa itong atin, minahal kita.

Noong tinupad mo ang pangakong samahan akong panoorin ang paborito kong palabas sa sine, minahal kita.

Noong binago mo ang kulay ng pag-ibig at gawin itong bughaw, minahal kita.

Nang maging laman ako ng mga isinulat **** awitin, minahal kita.

At maging hanggang sa mga oras na tapos ka nang umibig, minahal pa rin kita.

-

Sa pagitan ng awang ng aking mga daliri, ramdam ko pa rin ang init ng kamay mo.

Tumitigil pa rin ako sa tuwing sumusulpot sa radyo ang awiting minarkahan na ng pagmamahal mo.

Nasa dulong bulsa ng pitaka ko ang tiketa ng bawat palabas na pinanood natin nang magkasama

At kahit pagkatapos ng lahat ng tula at kantang naging supling ng parehong pagmamahal at pighating dulot mo, bughaw pa rin ang kulay na idinikit ko sa pag-ibig.

Marahil hindi tagumpay ang sumalubong sa atin nang lumubog ang araw at mag-isa kong hinarap ang umaga, sapat na siguro ang mga naisulat na tula’t awitin upang maging pananda ng hindi natin pagsuko

At nais kong paniwalaan na sa pagitan ng mga linya at lirikong ito, minsang nanahan ang pag-ibig.

Buong pagkatao kong tinatanggap na ang pagmamahal ko na minsang naging rason mo ng pananatili ang mismong nagtulak sa’yong bumitaw.

Marahan mo sanang isara ang pinto sa’yong paglisan.

sa tangis at ligaya,
-P
Wagas ang paglilingkod
Sa bayan niyang sinisinta.
Nagsilbing pananggalang
Ng mga sugatang paa.

Walang pag-iimbot
Na hatid ang bawat galaw.
Katapatan niya'y 'di matinag
Sa baluwarte niyang saklaw.

Siya ay anak-dalita
Kaya may puso sa maralita.
Hinirang dahil may bilang
At hindi lang puro salita.

Maaga man ang paglisan
Habambuhay magmamarka
Bansag na "Reyna ng Tsinelas"
Na kanyang naipinta.
Para sa pagkilala at pagalala kay Kagawad Manet Gonzales Buensuceso

#tsinelasqueen
MR Jun 2019
Aking nauunawaan,
sapagkat ikaw ay nasasaktan,
nasasaktan ng mga masasayang araw na di na natin nakamtan.
Pasensya ka na,
alam kong pagod ka na at wala nang pag-asang saki’y bumalik ka pa,
pero sana,
sana maging masaya ka sa piling ng iba,
kahit di na ako at ikaw ang nag sasabi ng “mahal kita” sa isat’ isa...
Christien Ramos May 2020
Kumusta?
Hangad kong nasa mabuting kalagayan ka.
Ilang linggo ko nang hindi nasisilayan ang mga ngiti mo;
na kahit bihira,
nakahahawa.
Matagal-tagal na rin noong huli kong narinig
ang ‘yong mga halakhak;
na kahit mahina,
dama ko ang ligaya.
Maging ang katahimikan mo’y
hindi ko pa rin limot
Hindi nakasasawa ang hindi mo pagpansin sa akin.
Huwag ka mag-alala,
hindi ko minamasama ang mga pagsasawalang-kibo.
Sariwa pa rin ang mga pagkakataong lumagpas ka sa harapan ko
Sa katunayan, gabi-gabi kong ipinagdarasal na darating din ang araw na lilingunin mo ako.
At ngayon ngang ‘di tayo nagkikita’t nag-uusap
Yayakapin ko ito bilang paghahanda.

Hindi ba’t pamilyar ka naman sa mga taong sinusungkit ang mga bituin at buwan?
Pagkatapos ay iaalok sa kanilang mga kasintahan
Na para bang mga prutas na hinintay nilang mamunga sa kanilang mga bakuran.
May kakilala ka nga yatang tumawid daw sa maraming ilog at umakyat ng pagkakatayog na mga kabundukan
Sinaluhan sa hapunan ang mga diwata’t
Pumaslang ng mga halimaw kinabukasan;
upang siya’y puntahan.
Marahil ay narinig mo nang may minsang pumasan ng daigdig para sa kaniyang nobya
Ngunit sa huli’y hindi naisakatuparan.
Umasa ang nobya.
Umiyak ang nobya.
Ang nobya marahil ang pumasan sa halip na siya
May isa nga sigurong nagmalaki na bubuo raw ng pira-pirasong ikaw
Na tila kontrolado niya ang mga piyesa ng buhay mo.
Pamilyar, hindi ba?
Ngunit,


hindi ganito.
Hindi ganito ang aking paano.

Oo. Naiintindihan kong ang ilan sa mga ito ay idyoma o eksaherasyon lamang
Pero nangangamba ako na baka pagod ka na;
Na baka nabibingi na ang iyong mga tainga
Sa paulit-ulit na pangangako;
Na kahit ang talulot ng mga mabubulaklak na salitang ‘to ay
tuyo na.
kahihintay sa tapat at sa tunay.

Ayokong magpaganggap.
Pagod na rin akong magkunwa-kunwariang kaya ko ang lahat.
Dahil sinta, hindi.

Hindi ko masusungkit ang mga bituin at buwan
pero handa akong samahan kang panuorin sila.
Hindi ko kayang sa isang araw ay tumawid sa maraming ilog at umakyat ng kabundukan
pero ituturing kong mahalaga ang bawat oras na kasama ka
Aking pagtatrabahuhang makarating sa araw na palagi kitang kasama sa hapunan
at sabay nating papaslangin ang mga pangamba sa umaga.
Hindi ang daigdig; ngunit
Pakakawalan ko ang mga pasan-pasan kong takot;
Kawalan ng tiwala sa sarili;
Ang inggit.
Hindi ito pagbabanta, sinta.
Pero ipanganganak ang mga araw
Na aasa ka;
Na iiyak ka.
Subalit, wala itong kakambal na paglisan.

Uulitin ko.

Ayokong magpaganggap.
Pagod na rin akong magkunwa-kunwariang kaya ko ang lahat.
Dahil sinta,
Hindi

kita iiwan.

Ganito ko marahil sasabihin sa'yong gusto kita
Pakapakinggan mo sana.
---
I miss you, mei ;(
Yhinyhin Tan Aug 2022
Ah ngayon mas nauunawaan ko na kapag sinasabi nila na, "Sana umalis ka na lang ng dahan-dahan, hindi ang mabilis hindi rin iyong biglaan."

Dahan-dahan na para bang ipaparamdam mo muna sa kaniya na nanlalamig ka na.

Unti-unti na kulang na lang sabihin mo sa kaniya na wala ka ng gana.

Sa malumanay at hindi sa dahas **** papataying ang pag-ibig niya para sayo hanggang sa kaniyang mapagtanto, "Ayoko na, pagod na ako!"

Iyon na rin ang pagkakataon mo para lumayo at lumisan sa kaniyang kanlungan.

O 'di ba nagtagumpay ka sa pag-alis mo ng dahan-dahan.

Sa isip mo, hindi na siya gaano naman masasaktan.

Dahil unti-unti **** inubos ang pag-ibig niya na sa'yo'y inilaan.

Kaya naman sana mas maging  masaya ka na
dahil ngayon pinalaya ka na niya ng tuluyan.

Salita | Ate Yhin
08162022924am
051922

Sa loob ng ilang taong paghabi ng mga tula’y
Nagsilbi pala itong aking pahingahan.
At sa pagpili kong isantabi nang pansamantala
Ang pag-ibig ko sa pluma’t papel
Ay unti-unti rin palang gumuho
Ang mga pader na naging proteksyon ko
Laban sa mga kumunoy ng aking damdamin.

Sabi ng iilan,
Gusto nila ng kalayaan —
Ngunit naiiba ata ang aking kagustuhan.
Pagkat mas ninanais ko pang
Punuan nang matataas na pader ang sarili kong bakuran.

Siguro nga, tama sila
Na takot akong buksan ang aking pintuan.
Siguro nga, ayokong sinu-sino lamang
Ang daraan sa aking paningin.
At baka sila mismo ang magtirik ng kandila
Para sa paghimlay ng aking mga pangarap
Na nais ko pang makamit at maibahagi.

Naisip ko biglang —
Wala naman palang masama
Sa pagtakip natin sa ating mga sarili.
Pagkat kung ang sinasabi nilang pagtago
Ay palatandaan ng kaduwagan at pagiging makasarili'y
Baka araw-araw na rin tayong nagugulantang
Sa mga nakahanay na mga kalansay at mga bangkay
Sa ating mga pintuang pinangangalagaan.

Ang bawat nilalang
Ay may sari-sariling paraan
Sa pag-abot ng kani-kanilang pangarap.
At ang bawat katauhan di’y
May iba’t ibang paksang ipinaglalaban
At patuloy na pinaninindigan.

Kung ang mga pader nati’y
Hahayaan na lamang nating matibag nang basta-basta’y
Tila ba tinalikuran na rin natin ang ating mga sarili.
Pagkat ito’y hayagang kataksilan
Sa ating mga mga sinusungkit pa lamang
Na pangarap na mga bituin.

At kung minsang mapadpad na tayo
Sa pampang ng ating paglisan,
Ay tayo na rin sana ang kusang maging taya
At patuloy na lumaban at manindigan.
Para rin ito sa atin,
Para sa sariling kaligtasan
Laban sa walang pasintabing pagkukutya
Ng mga dayuhan sa ating mga balintataw.

Sana'y kusang-loob tayong magsisipagbalikan
Kung saan natin naiwan at naisantabi
Ang apoy ng ating pag-irog sa ating mga adhikain.
At kung pluma’t papel muli ang magsisilbing armas
Para sa muli nating pagkabuhay,
Ay patuloy rin tayong makikiindak
Sa bawat letra’t magpapatangay sa mga ideolohiyang
Kusang nagtitilamsikan buhat sa ating mga pagkatao.

At hindi tayo magpapadaig at magpapatalo
Sa mga ekstrangherong walang ibang ninais
Kundi yurakan ang ating pagtingin sa ating mga sarili’t
Sila mismo ang gagapos sa ating mga kamay
Upang hindi na muling  makapagpahinga
Sa piling ng ating mga pluma’t papel.
Maria Leslie Apr 3
I saw you there but when I come closer is the empty chair without you.
I remember everything about you
I saw you but those dreams it’s makes me alright.

How I wished that you will be here on my side now where I can't be lonely anymore
so that these emptiness I fill
always are fade away and replaced the real happiness in my life.

I still found you on my dreams that you are still in my heart,
I can see the distance between you and me that's why I'm still alone
that you are the only one I've been waiting for so long.

If you force me to remove you,
I keep inside my heart dying
if I see myself empty without you
You were only one for me.

Can't you see I can't find someone else to forget you if those loves has keeps me bleeding inside of me
It’s only reminds me of you.

If I find myself alone without someone else
No one makes me smile everyday and given meaning of my life

maybe it's all emptying to find something greater life than I thought with you.

I can't forget my feelings for you back then
I know you're there but I can't reach
I know you want me but you didn't come
I know I'm waiting for you but you didn't come back
I know you love me but you love someone else
I know that we will be back together again but it’s going run away

No matter how many years have passed between us
and how many times we've been hurt with shed tears
The distance between us is leaving me and you're gone

You came into my life like a wind that I can't avoid and stop.

Like a fire that I can't stop the amount of heat burning in my body and chest.

And a ray of sunshine, A hope that I can't let go and follow you.

I can't stop myself and my feelings from loving you because I want you
and I choose you to be with me forever
but It's like a storm that destroyed everything, you've been swept away from me.
You've also disappeared from me like a bubble
I didn't know you were gone.

It’s was so yesterday that we’ve been together
But it’s now years later away from you

Finally, when I opened my eyes,
when I looked back,
I was left alone,
all of us were gone.

I don’t even hear the voice again,
but nothing else is missing one
I only heard is farewell and goodbyes to an empty nest.

I was left in the ground but I was alone with myself
God left me alone
so that I could see something greater than the one who used to hurt my heart

Where is it?
Why it’s empty?
There is always emptiness.


******


"𝕎𝕒𝕝𝕒 ℕ𝕒"

Nakita kita doon
pero paglapit ko ay ang bakanteng upuan na wala ka.
Naaalala ko ang lahat tungkol sa iyo
Pero ang lahat ay naging panaginip nalang na nagpapasaya sa akin

Sana nandito ka sa tabi ko ngayon
kung saan hindi na ako mag iisa
upang ang mga kawalan na ito ay pinupunan mo

Lagi nalang nawawala at napapalitan ang tunay na kaligayahan sa buhay ko
pero ikaw hindi ko kaya

Natatagpuan pa rin kita sa aking mga pangarap na ikaw ay narito sa puso ko,

Nakikita ko parin ang distansya sa pagitan mo
Kaya nga mag-isa pa rin ako
Dahil ikaw lang ang matagal ko ng hinihintay.

Kung pipilitin mo akong alisin ka,
Kung patuloy ang paglisan ng kisap mata
Mamatay sa loob ko ang aking puso

kung mawawala ka
makikita ko ang aking sarili na walang laman
Dahil ikaw lamang ang nag iisa para sa akin

Hindi mo lang alam na hindi ako makakahanap ng iba na makakalimot sa iyo
At kung ang pag-ibig ay nanatili sa akin na nagdurugo
sa loob nito nagpapaalala sa akin tungkol sa iyo.

Kung ang aking sarili ay nag-iisa araw araw
At walang taong nagpapangiti sa akin
ikaw lang kasi ang nagbibigay kahulugan ng aking buhay,

marahil walang laman ang lahat sakin
upang makahanap ng bago sa buhay
kaysa sa ninanais ko na makasama ka.

Hindi ko makalimutan ang feelings ko sayo noon

Alam ko nanjan ka Lang pero wala ka sa tabi ko
Alam ko na gusto mo ako pero hindi ka dumating
Alam ko na hinihintay kita pero hindi ka bumalik
Alam ko na mahal mo ako pero may mahal ka na palang iba
alam ko na magkakabalikan pa tayo pero wala ng makitang pag asa at makakapitan

kahit ilang taon pa ang nagdaan sa atin
Ilang beses man nasaktan at lumuha
ang pagitan ng nakalipas ay nawawala ka na pala

Dumating ka sa buhay ko na parang hangin na hindi ko kayang iwasan at pigilin.
Parang apoy na hindi ko mapigilan ang dami ng liyab ng init sa katawan at dibdib.
At isang liwanag ng araw at pag asa na hindi ko kayang bitawan at sundan ka.

Hindi ko mapigilan ang sarili at damdamin na mahalin ka
dahil gusto kita at pinili kita na makasama habang buhay pero
Parang bagyo na nasira ang lahat tinangay ka na sakin palayo.

Parang kahapon lang kita kasama
Pero tila ang ngayon na sandali ay mga taon na wala ka sa piling ko

Nawala ka na rin sakin na parang bula hindi ko alam na wala ka na pala.
Sa huli pag dilat ko
pag lingon ko naiwan nako mag isang wala na ang lahat sa atin.

Hindi ko man lang narinig ang awit ng paglisan ngunit wala akong narinig kahit paalam ay naiwan na walang laman na pugad.

Siguro ang pagkawala na ito ay ang paghahanap ng iba.
Baka nilagay ako sa blangkong espasyong ito para maghanap ng iba
Pagpalain ng Diyos ang walang laman na lugar para sa isang bagay na mahusay.

Naiwan ako sa kawalan pero kasama ko lang ang sarili
Iniwanan ako ng Diyos mag isa para makita ko pa ang hihigit sa dati na sumusugat sa puso

Nasaan na ba?
Bakit may kawalan?
Mayroon parating walang laman.
Written: 7.19.2024
Louise Mar 2024
Bawat huling yakap mo'y katumbas ng sampal,
mga huling halik ng labi mo'y tila latigo ang lapat

'Di alintana ang tawanan nila't pangungutya;

Walang higit na sasakit pa
kaysa pagtalikod mo't palayong paglakad.

Bawat hakbang mo'y nadarama ang pagbigat nitong puso,
mga yapak **** dahilan ng makailang dapa at pagkahulog.

'Di na pinapakinggan mga sigaw nila't
'di mapunasan kanilang mga dura;

Walang higit na nakakahiya pa
kaysa pagtanggi mo sa akin sa harap nila.

Bawat kasinungalingan mo'y
pako sa aking kamay,
mga kasakiman mo'y
pako sa paa naman.

'Di na alintana ang hapdi at uhaw,
'di na hihintayin pa aking huling hininga.

Walang higit na kamatayan
kaysa paglayo mo't paglisan.
Si tuviera la oportunidad de decirte mis últimas palabras, serían: "Haría esto contigo una y otra vez"

Pero si tuviera la bendición de ser el aire que respiras, sería una isla con muchos árboles.

"Semana Santa Sadgirl Series": no. 11
Michael Joseph Nov 2018
Hapon tayo unang nagkita at pareho tayong nag-iisa
dinadamdam mo ang lamig ng kahapon, ang paglisan
minamasdan ko sa layo ng araw ang iyong halina

Mahirap mag-intay sa ilap ng mga sulyap,
tanglaw sa tuwing naghahanap-kayakap
sa mapangakit na halina ng mga ngiti sa labing
malabong magdikit kahit sa pangarap

Sana’y sapat na ang mga awit
ng mga tulang binigkas sa hangin,
nagbabakasakaling maipadama ang lalim
at tugma ng pag-ibig na nilihim

Sa gabi, mag-isa na naman at dama ang lamig
yakap ang unan, hawak ang kumot
nag-iilusyong kasama ka

Sana’y maulit muli ang sumpa
sana’y walang takot sa halina
‘pagkat sanay na tayo sa lamig ng gabi
alam na natin ang ingay o init
at takot na tayong mabighani

Sa umaga, mag-isa na naman at dama ang init
masaya na sa halik ng kape sa labi
nag-iilusyong kasama ka.

Hapon tayo unang nagkita at pareho tayong nag-iisa
dinamdam mo ang lamig ng kahapong kaysakit
ninamnam ko ang tamis ng kalayaan sa pasakit

sana’y tanghali nalang tayo nagkapiling
sana’y di pa sanay o manhid sa pag-ibig.

Tadhana
Michael Joseph Aguilar Tapit
6/19/2016
Jun Lit Sep 2017
Makulimlim ang kalangitan
habang pilit kong inaaninag
kung ikaw ay nasaan
Mga palad natin kapatid
kung hindi man nagkadaupan
Tukoy kong iisa
ang ating pinagmulan

Mapula, kulay-dugo,
ang agaw-buhay na liwanag
sa likod ng mga ulap
Alam kong lumubog na
ang araw sa kanluran

Hinihintay ng katuwang sa buhay
ngunit ang sagot mo sa mga panaghoy
ay hindi marinig ng naulilang pandinig.
Hinahanap ng mga magulang
ang anak na inaasahang
sa takdang panahon
sa kanila’y maghahatid sa himlayan.

Mabato, matarik, ang piniling lakbayin
Liku-likong landas tungo sa mithiin
ng Sambayanang hindi palaring
pamunuan ng mga bayaning magigiting
sa halip na mga kawatan at mga salarin

Mabato, matarik, ang piniling lakbayin
Ngunit hindi ka natakot na ito’y tahakin
Hindi ka umurong at di mo pinansin
ang mga pasakit, ang mga pasanin.

Dakila ka, kapatid
At ang ‘yong paglisan, may hatid mang lungkot
na ang punglong malupit, takbo mo’y tinapos,
hininga mo’y nalagot
At sa huling bugso,
tatabunan ng lupang kalayaan ang dulot
mula doo’y sisibol, sanlibong punlang aabot
hanggang sa dulo, hanggang sa tugatog
Aalalahanin ka sa araw ng tagumpay at pagtutuos
Para sa Sambayanan, bawat puso’y sasabog!
082021

Naranasan mo na bang sumigaw
Nang walang nakaririnig?
O kaya lumuha nang walang sumasalo?
Sa bawat patak ng bumubugso **** damdamin.

Naranasan mo na bang kumatok
Nang walang nagbubukas?
O kaya tumawag nang walang sumasagot?

Ang tempo **** sinusumpong ng tampo’y
Umaanod sayo papalayo
Sa nararapat mo sanang hantungan.
Nakalimutan mo na rin atang
Hindi sarili mo ang iyong kalaban
Kaya’t hindi ka na rin mapigilang
Manlumo sa karagatan ng iyong mga pasanin.

Patuloy ang iyong pagsisi sa sarili
Bunsod sa mga responsibilidad
Na sana’y napanagutan mo
Ngunit iyong iniwanan
At pilit na tinakasan.

Ngunit sa paulit-ulit mo ring
Pagsagwan palayo’y
Patuloy ka ring hinihila pabalik
Kung saan ka nararapat
Para magsimula kang muli.

Ang iyong walang pagpapaalam
Sa plinano **** paalam
Ay naging hayag na paglisan
Sa nakaraan ****
Walang ibang mas mahalaga pa
Kundi ang pagtuntong mo
Sa ngayong noo’y ayaw **** pagtayuan.

Ang bawat gumuhong gusali ng iyong nakaraa’y
Kusang mag-aalis ok sayong
Pagtagpi-tagpiin mo sila nang nakapikit.
At kahit pa —
Kahit pa sinasabi **** nalimot mo na
Kung saan mo hindi sinasadya
O kusang naiwan
Ang mga piyesa ng iyong sarili ng tula
Ay kusa mo rin itong maaalala
Na para bang ang lahat ay bago’t
Hindi ka na mahihiya pang
Bumalik at magsimulang muli.

Lulan ng mga lumang pahina
Ang pag-asang may tiyak na kahulugan.
Tiyak ang iyong hahantungan
At walang katotohanan
Ang sinasabing “paano?”
Kung hindi mo naman nanaising
Tumapak sa hagdan
At kusang umakyat
Gamit ang sarili **** mga paa.
083021

Lumilipas ang mga araw
Na tayo’y waring mga plumang
Nauubusan ng tinta.
At habang tumatagas
Ang huling patak sa ating mga timba’y
Ayaw pa rin nating magmadaling gumayak
At magpatangay sa mga sinag ng araw.

Sa unang mga paglisan ay nauubos pa ang ating mga luha
Ngunit sa mga sumusunod na kabanata’y
Tayo’y minamanhid ng tadhana.
Kasabay ng pag-usbong ng mga buhok na luma'y
Kumukupas ang mga larawang
Dati'y araw-araw na pinupunasan.

Ang bawat batiang noo'y nakatagas ang ngiti'y
Magiging pasalubong na may ibang palamuti.
Kaya naman ang hamon sa nalalabing panahon,
Ay ating sabayan ang agos
Habang ang lahat ay nakadilat pa.
Pag-ibig na laan at bihis sa ati'y
Maging kumikinang na diyamanteng
Sasalamin at aakap sa iba.
Napagod sa mga panandaliang pagbalik
Sa agarang paglisan na akala mo'y sabik
Napagod sa mga pagpansin na puro kalokohan
Sa mga salitang walang kasiguraduhan
Maaari bang kumawala
Ang pusong napagod na
Sa bawat sakit, kalungkutan at pait
Pagod na sa pag-alala sa nakaraan
Utang na loob
Ipatikim mo naman ang salitang “pagtahan”
Malalim na ang gabi
Habang sumisimangot ang alaala.
Ngunit magka ganoon ma’y
Kaya itong patahimikin
Ng pabulong na paghikbi
Ng ulang isinalin sa garapon.

Ang alat ng karagata’y
Syang sumalo sa mga binhing magagaspang.
At nagmistulang mga pamaypay ang mga alitaptap
Sa kanilang pagsalubong
Sa pira-pirasong bangkang nilamon ng dagat.

Ang kumot na walang hangganan
Ay nagsilbing maskara
Upang pansamantalang hilumin
Ang tinaboy at isinuka ng naglalagablab
Na hindi nakasusunog.

At ang apoy na taglay nito’y
Sya ring naging panghilamos
Ng pininta ng kidlat at kalangitan
Na syang sumuklob sa kanyang pamumuno.

Walang numerong mailimbag
Buhat sa sapilitang pagnanakaw
At pataksil na paglisan
Ng mga abong naging multo.

At doon naging pamatid-uhaw
Ang mga halik na ipinagtagpi-tagpi
Ng mga luhang maalat at walang direksyon.

Tila ito na ang pagmartsa
Ng kani-kanilang mga multo
Patungo sa libingang walang mga pangalan.
Silang mga walang mukha
At tanging abong ipinag-isa sa karagatan.
Katryna May 2018
Kahapon lang nag usap ang ating mga puso na parang dalawang taong nagmamahalan
Ngunit bakit ngayon ay tila isang palaisipan nalang ang iyong paglisan?

Ano ba ang hindi ko nagawa?
Hindi ba ako makapag antay sa muli **** pagbalik o tila wala na talagang babalik?

Masaya naman ako sa kung iyon ang iyong nais
Pakiusap,

Sa iyong muling pagtalikod

Huwag na muling lumingon
Huwag na muling magparamdam

Ni kumaway upang mag paalam

dahil ang puso,
walang ibang batid,
at sayo lamang nanabik.
waiting game is my game for almost a years now. can someone send me hug. Please let me feel Im worthy, Im enough, I am worth fighting for
demn Oct 2020
Katawang sa gapos ay nais kumawala,
Sa kasing talas ng patalim na mga salita,
Mga matang nagmumugto sa hapdi na nadarama,
Iyak na hindi maisigaw sapagkat takot ang nauuna.

Nais sumigaw, nais lumaban,
Nais ilahad ang sakit na nararamdaman,
Ngunit sariling laman at dugo ang kalaban,
Kaya bang mag wagi kung ganito ang kinalalagyan?

Gustong sumigaw, gustong kumawala,
Gustong umiyak, gustong magpakaawa,
Gustong sumabog,  gustong magmura,
Gustong ilahad ang sakit na nadarama.

Balang araw sana'y makalaya,
Araw ng paglisan aking nais matamasa.
Hindi natin minsan napapansin, kung tayo na nga ba ang may probelma?
Katryna Jun 2020
pinaglapit
pinaglayo
pinaglapit ulit ngunit muling pinaglayo
nawili ang tadhanang makipaglaro
sa pusong hindi takot sumubok.

ang mga matang nagkatamaan,
muling nagkatitigan
bibig na sadyang napangiti
nanabik na muli kang madampian.

ngunit hindi,
tama na ang minsang nagkasakitan,
nakasakit at nakasagasa ng ilan.
tama na ang mga pantasya
na baka tayo talaga ang para sa isat-isa
na baka tayo nga ang tinadhana.

saiyong paglakad sa dambana
at sa iyong panunumpa,
sabi ko sa sarili,
tama na.

sa sobrang sanay ka nang masaktan,
wala nang luhang umaagos sa iyong pisngi.
sa sobrang sanay ka nang magparaya,
hindi mo na alam kung paano ang sumaya.

sa sobrang sanay kana sa pabugso bugso nyang dating at paglisan,
hindi mo na alam kung paano ang maiwan.

kaya tama na,
mapagod kana,

at huwag nang umasa
sa mga kathang isip na nilalatag nya,
kasama nya,
ang lahat ng ito ay lilipas at mawawala,
ng parang bula.
Love bring so many things even pain. 💔
Taltoy Aug 2021
Isang mababaw na bokabularyo,
Mga simpleng kahulugan,
Bawat araw,  umiikot sa isang siklo,
Ano nga ba ang hangganan.

Alin nga ba ang totoong pagkatao,
Ano nga ba ang mga hinaing at gusto,
Ano ba ang mga inspirasyon,
Ano ba ang aking layon.

Malalim na bangin,
Binabalot ng dilim,
Ako ba ay naliligaw,
O paglisan ay ayaw.  

Habang tumatagal,
Nawawalan ng saysay,
Nawawalan ng pananaw,
Nawawalan ng kahulugan.

Tingin ko ako'y mababaw,
Mula sa malayong tingin,
Baka nga totoong mababaw,
Subalit sa sarili'y nagsisinungaling.
kingjay Sep 2019
Isisigaw nang pasukdol ang pangalan-hirang
Lalaya na kasabay ng paglisan
Dadalhin ang mga kinikimkim
Mahapding man parating bukambibig
Sumisingaw nang matamis

Kahapong ligaya ngayon lumiligalig
Nalimbag ang pangyayaring ayaw mawaglit
Sana masaya sa piling ng iba
Kahit naririto na inaalala pa

May saliw ang bawat salita nang ginugunita ang yaong nakalipas na
Tukso ba na para kabigin
Bakit parang bitag na inihain
Sana'y habso ang pagkakabigkis

Sa paghayo tungo sa paraiso
Iiwan nang may pagkabahala  
Sana sa eklipse na magaganap
Mag iiba ang daan bukas
At di muna aalis pa

Hihintayin sa pintuan ng wakas
Kung saan ang mga bagay bagay ay may kanya kanyang lunas
Kung nararamdaman ay di na maibsan
Tatanggapin nang pagkagiliw
Kahit ililibing nang di naagnas
aL Jan 2019
Balik nanaman sa pangkaraniwang buhay
Ang paglisan ay nahaluan ng kaunting lumbay
Tutungo na uli sa sari-sariling paglakabay
Ngunit sa pinagmulan parin hihingi ng gabay

Hindi mapaliwanag ang nararamdaman
Kahit mga nakaw na mga saglit lang ang napagsaluhan
Masakit parin iwan ang naging masayang minsan
Ang agos ng buhay ay di nga mapipigilan
Andy May 2020
Sa unang tingin, mabibighani
Iisiping napakaswerte
Tila kasingsaya ng mga tumaya
At nanalo sa lotto
Nakapipigil-hininga ang ganda
Imbis na pumikit upang manalangin
Na magkatotoo ang hiling
Pilit na dinilat ang mga mata
Sa pag-asang
Masulit ang bawat segundong
Nariyan pa
At maaaring masilayan
Tala ang tawag ng iba sa kanya
Tawag ko naman ay bulalakaw
Sa unang tingin pa lamang
Kinatatakutan na ang paglisan
Dahil ang mga bagay
Na nakapagbibigay ng ligaya
Madalas ay nawawala

Pilitin man ang dumilat
Hanggang hindi na kaya ng mga mata
Kinailangang pumikit
Ilang segundo lang, isang saglit
Pagmulat ng mga mata
Nawala ka na
Napunta sa lugar na hindi ko na mararating
Hindi na maabot
Pagmulat ng mga mata sa umaga
Bigla akong nagtaka
Mahal ko, saan ka nagpunta?
Kung di ba ako pumikit
Hindi ka rin mawawala?

Naririto lang ako, naghihintay
Kahit abutin ng dekada
O ilang taon
Umaasa pa rin ng pagkakataong
Masilayan ka muli
Kahit pa ika'y
Isang bulalakaw
Here's a Filipino poem inspired by a Pahintulot, a Haikyuu!! social media au that I read :) There are people we know will leave us eventually, but we still appreciate the short while that they've been with us, and hope that they come into our lives again, no matter how slim the probability.
myONE Aug 2017
Kung lalayo ka
at iiwan mo lang ako
Mananatili ka sa aking alaala
Na ikaw ang lang ang babaeng bumuhay ng aking katawang lupa
At nagbigay sigla sa malamlam kong pagsinta
Nagbigay ligaya sa matamlay kong buhay
At sa paglisan mo
Ikaw din ang magbibigay sa'kin
Ng kalungkutang hindi ko makakaya...

-myonlyONE
08/25/2017
0655
John Emil Jul 2018
Takot talaga akong simulan
Dahil ako ang dahilan ng katapusan
Mga ngiti at tawanan
Nauwi sa matang mugto ‘t luhaan

Malakas at matapang sa unang pagdaan
Ngunit sa huli tumitiklop at lumilisan
Kahit gaano kahigipit kang hawakan
Dumating an pagkakataon ika’y aking binitawan

Mahal na mahal?kahit kita iniwan
May dahilan kaya humantong sa hiwlayan
May tanong bakit kailangan **** maranasan
Ang malungkot kong paglisan

Tandaan ako ang dahilan
Lumapit at nagparamdam ng di mo makakalimutan
Sabi mo nga nagbigay saiyo ng kahulugan
Ngunit sa dulo ikaw  iniwanf luhaan
Bits May 2018
Kay tagal kong nag aantay
Bakit ang puso tila'y tumatamlay
Sa bawat pag patak ng oras ikaw ay inaantay.

Umaasa na ako ay maalala
Sa tuwing nalulungkot balinabalikan na lang ang mga matatamis na ala-ala
Hindi pa ba sapat ang mga sugat na dinadala

Saan ang sinasabi **** sandigan
Sa panahon na umuulan ng problema tila'y walang mapag silungan
Nasaan ang mga pangako mo na hindi ko naramdaman


Kailan kaya titigil masaktan ang puso na duguan
Kailan mag papahinga ang isip na puno ng katanungan
Sadyang manhid na ba ako dahil sa patuloy akong pinaglalaruan

Sinusubukan kong lumaban nang wala ka
Pero ang aking isipan ay nag sasabing tama na
Hindi pa ba sapat na magkunwaring masaya

Napaniwala ang mga tao sa paligid na ok lang sya.
Sa mga mapagkunwari **** ngiti, sila ay naniwala
Wala ba silang karapatan malaman ang katotohanan

Sa bawat pag bitaw mo ng mga salita
Ninanais ko ang iyong pag-unawa
Ang sakit na aking nadarama, tila'y binabaliwala
Ang marka na iniwan mo sa aking puso ay sariwang sariwa
Hindi ako manhid o pusong bato
Pinipilit ko lamang itago
Ang mga sakit na alam kong makakapag pabago sa isang tulad kong nabibigo.
Pinipilit makalimot
Sa mundong ito na ang buhay ay masalimuot
Sa pusong punong puno ng poot
Na ikaw mismo ang nag dulot
Hindi ko labis maintindihan
Sugat at pait ba nag dulot sa akin
Na puno ng galit.
Hindi ko rin labis maintindihan ang mga sinabi **** nararapat na dahilan.
Sa bigla **** paglisan
At ako'y nandito lamang naiwan sa kawalan.
angellica Feb 2020
mahal kita,
sigurado akong mahal kita..

kahit sa pagkakataong nakakalimutan **** kailangan din kita,
kahit sa mga panahong kaysa sa akin ay may pinili kang iba...

mahal kita,
sukdulan hanggang langit kumbaga,

kaya noong unang beses mo akong binalewala,
hindi ako nagtampo bagkus inintindi kita..

mahal kita,
kung may sobra pa sa sobra..

kaya't sa paglisan mo ngayon ako'y nagtataka,
tunay bang ako ang pinili nung pinili kita..

mahal kita,
mga salitang laging sambit sayo ng aking mga labi,

mahal kita,
mga salitang dahil sa labis na pagmamahal sayo'y nakalimutan kong sabihin sa aking sarili.
Jun Lit Jul 2021
Lasaping mabuti bawat lagok, paulit-ulit
Namnamin ang pampagising na pait
Habang ang likas na tamis, nilalasang pilit
Sa ‘yong lalamunang sabik, ang init guguhit.
Tulad ng bawat pagtatanghal, sa isip di mawaglit
Todo-bigay ang birit, tila laging huling hirit.

Araw-araw mang nakikita ang Bundok Malarayat
Hindi nagsasawang sulyapan ang Silangan pagmulat
Bawat araw na tayo'y buhay, may dalang sigla’t galak.

Hwag nang ipitin ang kwadrong alas o otso
Di na magiging mahalaga kung sino nga ba’ng nanalo
Kapag ang mga kalaro sa pusoy ay wala na ni anino.

Hagkan si Habagat at yakapin si Amihan,
Daluyong ma’y ihatid, sa kabila’y walang ganyan
Di-pinansing hininga’y aapuhapin sa paglisan

Ang lupang hinamak, tinapak-tapakan
Ang lupa ring naghandog ng susing kabuhayan
Ang lupa ring hihimlayan sa huling hantungan.

Lasaping mabuti bawat lagok, paulit-ulit
Kapeng barako’y masarap habang mainit
Ngunit wala nang bisa sa huling pagpatak ng saglit

Lasaping mabuti bawat lagok, bango’y langhapin
Kapeng barako’y larawan ng pagbangon at paggising
Ng bawat araw, biyayang pasasalamata’t tatanggapin.
16th poem in my series "Kapeng Barako" - Kapeng Barako is brewed coffee in Lipa, Batangas, Philippines, often of the 'liberica" variety and roasted traditionally in large metal vats. The series includes poems that focus mostly  on my memories of Lipa, the place of my birth, childhood and teenage years. The current COVID-19 pandemic has made us realize which things are really essential, who really matter and how volatile human life is, and that every single day when we wake up still alive is a gift in itself.
070623

Tumatagos ang mga salitang
Bala ang panimula
Balang araw ay yuyukod sa katapusan
Katapusang hindi tuldok ang pagsasalaysay…

Pipiglasin ang mga kandadong walang susi,
Kandong ang kahapong nilimot at nilumot…
Babangon matapos ang paghikbi
Hikbing bangungot sa pagpatay-sindi…

Ikaw ang mananatiling saksi sa aking paglisan..
Walang paalam maging sa gunita ng bukas at kahapon.
Walang kulay na babahagian
Ng liwanag na taglay ko’t iniirog.

Ang iyong akap ang aking baluti
Habang ang sandata ko’y
Bumabara pa sa aking lalamunan.
Ngunit sa pagsiping ng mga tala
Sa kalangitang panatag ang panayam
Ay Walang kukurap maging sa isang idlap lamang.

Ang sigaw na sumisingaw hanggang sa kalawakan
Ay tila pa ilang dipa na lamang
Sa pagitan ng mga segundong
Nagkakandarapang magsipagtagisan…
At ang silakbo ng damdaming moog sa kaloob-looba’y
Bukas ay wala ring katapusan at panimula.
Taltoy Nov 2023
Isang silid na walang laman,
Madilim, puno ng katahimikan,
At ang lamig na mararamdaman,
Sa loob ng apat na sulok ng kawalan.

Alam kong wala itong pinagkaiba,
Sa "Ako" na iyong nakasama,
Sa "Ako" na iyong nadama,
Sa "Ako", na umihip sa ating mitsa.

Isang paalam,
At walang katapusang "patawad",
Dahil ako ang unang bumitaw,
Nang walang kamalay-malay.

Ako'y walang kamuwang-muwang,
Na ang init ng damdami'y nawala,
At iniwan kang nanginginig,
Sa pagbisita ng amihang malamig.

Binuo mo man ang aking palaisipan,
Pinunan mo man ang mundo kong kulang,
Binigyang sagot ang napakaraming patlang,
At sa iyong paglisan, di ka kayang pigilan.

Sa sinapit mo'y walang hustisya,
Nakita ko mismo, at nitong mga mata,
Na 'di na 'ko nararapat para sa iyo sinta,
Na 'di na tahanan ang pusong alab ay wala.
At sa pagtatapos ang ating nobela,
Ikaw pa rin ang naging laman nitong mga tula,
Ang "tayo" na naging tiyak sa kabila ng mga duda,
kayamanang iuukit sa alaala.
reyftamayo Aug 2020
sa likod ng mga ngiti
nakakubli ang lungkot
butil ng mga ala-ala
mga limot na kabanata
kaybilis
kaybagal
paglisan nitong mahal.
29 Sa paglisan ni Loria
Sa tahanan ng amo niya

30 Iba’t ibang trabaho
Pinasok ng babaeng ito

31 Subalit hindi naglaon
Sa palasyo naparoon

32 Dahil malapit na ang kasalan
Palasyo’y nagdagdag ng mga tauhan

33 Si Loria’y naatasan
Sa serbisyo ng lutuan

34 Tatlong buwan bago ikasal
Habang prinsipe’y nag-aalmusal

35 Kanilang namukhaan at nakilala
Ang dating nakatagpo na.

-06/17/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 131
43 Ang lihim na pagsinta
Pagligtas ang bunga

44 Sa araw ng ikatlong buwan
Pinaghandaan ang isang paglisan

45 Si Tuma ang naatasang magbantay
Kay Tarok na bihag na manlalakbay

46 At nang makatiyempo ang may pagtitinginan
Mula pagkatali lalaki’y kinalagan

47 At sila’y kumaripas sa pagtakbo
Sa mga Amazona palayo

48 Nang sa kanila’y may nakakita
Mahiwagang bubuli nilamon sila

49 At nang tuluyan nang nakalisan
Sa Gintong Lupa ang kinasadlakan.

-07/26/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 186

— The End —