Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Sampung taon na ang nagdaan
nang huli kong natikman
ang sarap ng mga putaheng
hinahanda niya sa hapag-kainan

Sampung taon na ang nagdaan
nang huli kong nasilayan
ang ngiti niyang nakapapawi
ng pagod at kalungkutan


Sampung taon na ang nagdaan
nang huli kong narinig
ang mga salitang mahal kita
mula sa ina kong tangan

Sampung taon na ang nagdaan
nang huli kong naramdaman
ang higpit ng kanyang yakap
at haplos na kinagigiliwan

Sampung taon...
kay tagal na panahong nagdaan
wala na muling natikman, nasilayan, narinig at naramdaman,
pagmamahal ng isang ina na kinasasabikan.

Happy Mother's Day Mama. Mahal na mahal kita.
Karapatang Ari 2016
WMSU MABUHAY ESU
DONWARD CAÑETE GOMEZ BUGHAW


Kung isa-isahin ang nangakaraan
Simula no'ng ika'y aking niligawan
Hanggang sa dumating ating hiwalayan,
Maikuk'wento ko ng walang alangan.

Unang kita palang, napaibig ako
Sa isang babae at Nimfang tulad mo;
Puso ko'y nahulog ng di napagtanto,
Siguro'y pakana ito ni Kupido.

Iyong itinanong, "Ikaw ba si Donward?"
Ako'y napatigil nang dahil sa gulat
Ako ay lumingo't ikaw ay hinarap,
Aking itinugon isang tango't kindat.

Nang ako'y lumabas na sa isang silid
Hindi ko mawari't ikaw ay nawaglit;
Ako ay nalumbay sa nasahing pilit
Ano't ang tadhana ay nagmamalupit.

Gusto ko pa namang ika'y makilala
Paanong nangyari't agad kang nawala,
Hindi tuloy kita natanong o sinta
Sa iyong pangalan na pang-engkantada.

Aking inusisa ang aking sarili:
"May pag-asa pa bang makita kang muli?
May tadhana kayang magtatagpo uli
Sa ating dalawa kahit na sandali?"

Hanggang isang araw, nang aking makita
Iyong kaibigang naglakad mag-isa
Agad kong tinanong kung ika'y nagsimba
Marahan n'yang sagot nasa tuluyan ka.

Pagkatapos niyon tinanong ko na s'ya
Sa iyong pangalan na may pagkad'yosa
Agaran niyang sagot, "Devina Mindaña,
Ang buong pangalan ng aking kasama.

Nagpatuloy kami sa pagkuk'wentuhan
Habang naglalakad sa tabi ng daan
Hanggang sa dumating ang aming usapan
Sa punto na ako ay kanyang mabuk'han.

Diretsahang tanong ay 'may gusto ka ba,
Sa kaibigan kong nanuot sa ganda?'
Sagot ko'y mistula isang tugong parsa,
Naging dahilan ko'y, 'Naku, wala! Wala!'

Imbis na makuha, siya ay natawa
At nang tanungin ko'y naging sagot niya:
"Subukan mo nalang ang ligawan siya
At baka maantig, batong puso niya.

Ni minsan ay hindi siya nagkaroon
ng isang siyota, pagkat umaambon
ang pangarap niyang gustong maisulong
ang makapagtapos at ang makaahon."

Pagkasabi niyon, ako ay nangusap:
"Diyata't parehas kami ng pangarap,
Kapwa puso namin ay nangangagliyab
Sa iisang nais na para sa bukas."

Nagpatuloy kami sa aming usapan
Hanggang sa tuluyang siya'y namaalam.
"Ako'y ikumusta sa 'yong kaibigan,"
Wika ko nang siya'y tumawid sa daan.

Nagpatuloy ako sa aking paglakad
Hanggang sa marating ang nagliliwanag
nating pamantasang nagtatahang huwad
ng dunong at puring nanahanang likas.

Nagdaan ang gabi't umaga na naman
Pagsulat ng tula'y aking sinimulan,
Yaong tulang handog sayo kamahalan
Nitong si Balagtas, Donward ang pangalan.

Ang iyong pangalan ang naiititik
Niyong aking plumang espadang matulis;
Ang tinta ay dugong may hinalong pawis
Nitong aking huli't wagas na pag-ibig.

Ngunit sa kabila, niyong aking katha
Aking nalimutan ang lahat ng bigla
Maging pangalan mo, sintang minumutya
Kung kaya't nagtanong uli ang makata.

"Siya ang babaeng aking naibigan,"
Pagkukuwento ko kay Jesang huwaran
Nang ika'y nakitang naglakad sa daan
Kasama ang dal'wa mo pang kaibigan.

At nang naguluha'y aking itinuro,
Pagkatapos niyo'y siyang aking sugo;
Si Jesang huwaran ay parang kabayo,
Ika'y sinalubong ng lakarang-takbo.

Agad kang tinanong sa iyong pangalan
Katulad ng aking naging kautusan.
Nang ika'y tawagin -- o kay saklap naman
Di mo man lang ako nagawang balingan.

Nang aking tanungin si Jesang huwaran,
Nang siya'y nagbalik sa pinanggalingan,
Kung ano ang iyong tunay na pangalan:
"Devina Mindaña," kanyang kasagutan.

Hindi lumalao't hindi nakayanan
Ng puso kong ito, ang manahimik lang;
Kaya't nagsimulang ikaw ay sabayan,
Kahit hindi pa man kilalang lubusan.

Ewan ko kung bakit ako'y tinarayan,
Gusto kong magtanong, pero di na lamang;
Sa sungit mo kasi'y baka lang talikdan
At bago aalis ay iyong duraan.

Subalit, lumipas ilang linggo't buwan
Tayo'y nagkasundo't nagkausap minsan;
Insidenteng iyo'y di ko malimutan,
Malamyos **** tinig, aking napakinggan.

Nang ako'y tanungin sa aking pangalan,
Sa telepono ko'y sagot ay Superman;
At nang mukhang galit, agad sinabihang,
"Huwag kang magalit, ika'y biniro lang."

Agad kong sinabi ang aking pangalan
Baka tuloy ako'y iyong mabulyawan:
"Si Donward po ito," sabi kong marahan,
Pagpapakilala sa 'king katauhan.

Patuloy ang takbo ng ating kuwento,
Ang lahat ng iyo'y aking naging sulo,
Sa papasukin kong isang labirinto;
Sa isang kastilyong nasa iyong puso.

Hanggang isang gabi, mayroong sayawan,
Napuno ng tao ang gitnang bulwagan;
Ang aking sarili'y hindi napigilan
Na ika'y hanapi't maisayaw man lang.

Ngunit ng matunto'y hindi nakaasta,
Ang aking nasahin ay naglahong bigla;
Imbis na lapita't dalhin ka sa gitna,
Ay hindi na lama't ako'y nababakla.

Aking aaminin ang kadahilanan,
Takot na talaga ang pusong iniwan
Na baka lang uli't ito ay masaktan
Tulad ng sa aking naging kasaysayan.

Kaya't hindi ako nagpadalos-dalos
At baka pa tuloy yaon ay mapaltos;
Ang mabulilyaso'y mahirap na unos
Nitong aking pusong may panimding lubos.

Akin pang naitanong sa isang pinsan mo
K'wento ng pag-ibig na tungkol sa iyo
At kung maaaring ikaw ay masuyo,
Naging tugon niya'y: 'Ewan ko! Ewan ko!'

"Huwag ikagalit kung ika'y tanungin,"
Sabi ng pinsan **** maalam tumingin
Di sa kanyang mata na nakakatingin,
(Kung hindi'y sa kanyang talas na loobin).

Aking naging tugon doon sa kausap,
Yaong binibining aking nakaharap:
"Hindi magagalit itong nakatapat
Hangga't ang puso ko'y hindi nagkasugat.

Pagkatapos niyo'y kanya ng sinabi
Ang ibig itanong na nangagsumagi
Sa kanyang isipang lubhang mapanuri,
Ang kanyang hinala ay ibinahagi.

"Ikaw ba'y may gusto sa kanya na lihim?
Huwag **** itago't ng hindi lusawin
Ang laman ng puso at iyong pagtingin
Ng iyong ugaling, pagkasinungaling!"

Pagkatapos niyo'y agad kong sinagot
Tanong niyang sadyang nakakapanubok
At ipinagtapat yaong aking loob
Ng walang alanga't maski pagkatakot.

"Ako nga'y may gusto sa kanya na lihim,
Subalit paanong siya'y maging akin
Gayung tingin pala'y akin ng sapitin,
Ang lumbay, ang hapdi't kabiguan man din?"

"Di ko masasagot ang 'yong katanungan,"
Naging tugon niyong butihin **** pinsan,
"Tanging payo ko lang ay pahalagahan,
Huwag pabayaa't siya ay igalang."

Aking isinunod nang kami'y matapos
Ay ang iyong ateng wari d'yosang Venus;
Agad kong sinabi habang napalunok
Yaong aking pakay at nang s'ya'y masubok.

Imbis na tugunin yaong aking pakay,
Ako'y di pinansin kung kaya't nangalay
Dalawa kong mata sa kanilaynilay
Ako'y nanghihina't puso'y nanlupaypay.

Aking iniisip sa tuwi-tuwina
Ay ang pangalan mo, mahal kong Devina;
At ang hinihiling sa bantay kong tala,
Hihinting pag-asang makapiling kita.

Kaya't hindi ako nakapagpipigil,
Iyong aking loob na nanghihilahil
Aking inihayag sayo aking giliw
Ng walang palaman at maski kasaliw.

Tandang tanda ko pa no'ng makasabay ka
Papuntang simbaha'y sinusuyo kita
Hanggang sa pagpasok ako'y sumasama
Kahit hindi alam ang gagawin sinta.

Bago nagsimula ang misa mahal ko,
Ang aking larawa'y iniabot sayo;
May sulat sa likod, sana'y nabasa mo,
Yaong pangungusap ay mula sa puso.

Di kita nakitang ako ay nilingon,
Sapagkat atens'yo'y naroong natuon
Sa isang lalaking pumasok na roon,
At sayo'y tumabi hanggang sa humapon.

At nang nagsimula'y umalis na ako,
Pagkat ako itong walang sinasanto;
Baka tuloy ako magsasang-demonyo
Sa aking nakitang katuwaan ninyo.

Hindi ko malaman kung bakit sumakit,
Nanibugho ako, ano't iyo'y salik?;
Ano nga ba ito't tila naninikip?
Lintik na pag-ibig, puso ko'y napunit!

Napaisip ako habang naglalakad
Hanggang sa isip ko'y nagkakaliwanag;
'Manibugho sayo'y hindi nararapat,'
Napatungo ako sa sariling habag.

Ilang saglit pa at akin ng pinahid
Luhang sumalimbay sa pisnging makinis
At saka nangusap ng pagkamasakit:
"Wag kang mag-alala't di ko ipipilit."

"Itong pag-ibig kong nagniningas apoy,
Nasisiguro kong hindi magluluoy;
Ngunit, kung hindi mo bayaang tumuloy,
Mas mabuti pa ang puso ko'y itaboy!"

Nang ako'y magbalik doon sa simbahan,
Sa dami ng tao'y di kita nasilayan;
Ngunit, nang tanawin sa kinauup'an,
Naroong Devina't kinaiinisan.

Nanatili ako't hindi na umalis,
Di tulad kaninang lumabas sa inis;
Ako'y umupo na at nakikisiksik,
Kahit patapos na ang misang di ibig.

Hindi ko nga ibig, pagmimisang iyon
At maging pagsamba't gano'ng pagtitipon;
Pagtayo't pagluhod di ko tinutugon,
Pagkat ako itong walang panginoon.

Araw ay lumipas mula ng masuyo,
Ika'y sinubuka't nang hindi malugo
Itong aking pusong namalaging bigo
Sa loob ng dibdib, namugang tibo.

Iyong naging tugon ay nakakapaso,
Masakit isipi't maging ipupuso;
Yaong tumatama'y animoy palaso,
Narok sa dibdib, sugat aking tamo!

Sa kabila niyo'y di pa rin sumuko,
Tanging ikaw pa rin ang pinipintuho;
Kaya't wag isiping ito'y isang laro,
Pag-ibig kong ito'y hindi isang biro.

Hanggang sa dumating gabing aking asam,
Sa lilim ng mangga, bago ang sayawan
Ay iyong inamin ang nararamdaman,
Ating tagpong iyo'y di malilimutan.

Ipinagtapat mo na ika'y may gusto,
Ngunit di matugon itong aking puso,
Sapagkat ikaw ay mayroon ng nobyo
Di mo kayang iwa't ayaw **** manloko.

Aking naging tugon sa iyong sinabi,
Ay handang maghintay at mamamalagi
Hanggang sa panahong ikaw ay mahuli,
Makita't malamang di na nakatali.

Sa mukha'y nakita, matamis na ngiti
Niyong Mona Lisang, pinta ni Da Vinci;
Ako'y natigilan ilan pang sandali,
Nang aking matanaw, gandang natatangi.

Bago pa nag-umpisa'y pumasok na tayo,
Sa hinaraya kong dakilang palasyo,
At sa lilingkuran tayo ay naupo,
Niyong maliwanag, loob ng himnasyo.

At nang magsimulang musika'y tumugtog,
Ika'y namaalam at para dumulog
doon sa bulwaga't makikitatsulok,
ng sayaw sa indak dulot ng indayog.

Bago pa marating ang gitnang bulwagan,
Ako'y sumunod na't di ka nilubayan
Hangga't di pumayag sa 'king kagustuhan
Na maisayaw ka at makasaliwan.

Lumipas ang gabi't umaga'y sumapit,
Ang araw at linggo'y tila naging saglit;
Ako'y nagtataka't biglang napaisip,
Ano at ang oras ay mukhang bumilis.

Hanggang isang gabi nang aking tanungin,
Sa iyo, o, mahal kung bibigyang pansin;
Hanggang kailan mo pagdudurusahin;
May pag-asa pa bang nadama'y diringgin?

Iyong naging sagot sa katanungan ko:
"Di na magdurusa't ngayo'y maging tayo."
Ang rurok ng saya ay aking natamo,
Lalo pa't sinabing mahal mo rin ako.

Sa kadahilanang gustong masiguro,
Aking naitanong kung iyo'y totoo;
Baka mo lang kasi ako'y binibiro,
At kung maniwala'y sugatan ang puso.

Iyong ibinalik, ating gunitain,
Doon sa manggahan 'sang gabing madilim;
Ipinagtapat mo ang iyong damdamin,
Ngunit, di nagawang puso ko'y tugunin.

Pagkat mayroon kang sintang iniibig,
Iisang lalaking namugad sa dibdib;
Di mo maloloko't iyong inihasik
Sa paso ng puso't bukirin ng isip.

Pagkatapos niyo'y sinabi sa akin,
Na ating pag-ibig, manatiling lihim;
Aking naging tugo'y 'sang tangong lampahin
Pagkat aking isip, gulong-gulo man din.

"Sigurado ka ba sa'yong naging pasya?"
Ang muli kong tanong, bago naniwala
Sayo aking mahal na isang diwata,
Yaong aking ibig at pinapantasya.

Iyong naging tugon sa aking sinabi:
"Kung ayaw mo'y huwag, di ko masisisi;
Ano pa't puso mo'y sadyang madiskarte,
Baka may iba ng pinipintakasi."

Agad kong sinabi sa iyo mahal ko:
"Ano at kay daling ikaw ay magtampo,
Nagtanong lang nama't ako'y naniguro
Baka mo lang kasi, ako'y nilalaro.

Lumipas ang gabi't umaga'y sumapit,
Unang araw natin ay lubhang mapait,
Pagkat di nakayang ako ay lumapit,
Sayo aking sinta't ewan ko kung bakit.

Ilang sandali pa't hindi nakatiis,
Sa pagkakaupo'y tumayo't lumihis
ng landas patungo kay Musa kong ibig,
pagkat aking puso'y lubhang naligalig.

Muli kang tinanong kung pasya'y totoo,
Di na mababawi't di na mababago;
Iyong naging tugon sa katanungan ko,
Pisngi ko'y hinaplos, sabay sabing 'oo.'

Kay sarap marinig, salita **** iyon,
Iisa ang punto at maging ang layon;
Para bang lagaslas ng tubig sa balon,
Ibig kong pakinggan sa buong maghapon.

Matapos ang pasko'y siyang araw natin,
Na kung gunitai'y araw na inamin,
tinugon ang puso at binigyang pansin,
at saka sinabing, ako'y mahal mo rin.

Aking gabing iyo'y narurok ang saya,
Ngiti niyong buwa'y nakakahalina;
Ibig kong isulat ay isang pantasya,
At ikaw Devina, yaong engkantada.

Araw'y nangaglipas, daho'y nangalaglag,
Ano at ang oras tila naging iglap;
Siyang araw natin ay muling lumapag,
Ano at ang panaho'y tila naging lundag.

Iyong regalo mo'y hindi malimutan,
At maging pagbating ibig kong pakinggan,
Sa bawat umagang araw'y sumisilang
At kung maaari'y mapawalang-hanggan.

Ngunit nang magdaan ilang araw't linggo,
Naging malungkuti't di na palakibo;
Puso ko'y mistula isang boteng tibo,
Nabiyak sa dusa nang itatuwa mo.

Sa tuwi-tuwina'y napaisip ako,
Talaga nga kayang tapat ang puso mo?;
Ulo ko'y sasabog, bulkang Pinatubo,
Bakit ba't isip ko'y nagkakaganito?

Ilang araw kitang hindi tinawagan,
Pagkat labis akong nagdusa't nagdamdam;
Malakas kong loob ay di nilubayan
Ng kapighatia't maging kalungkutan.

Tayo nga'y mayroong isang kasunduan,
Di maikaila't sinasang-ayunan
Ngunit, ang itat'wa'y di makatarungan,
Alalahanin **** ako'y nasasaktan.

Ako'y wag itulad sa makinang robot
Na di nakaramdam maski anong kirot;
Ako ay may pusong nakakatilaok,
Pumipintig baga'y putak ng 'sang manok.

Kaya't nang sadyain sa tinutuluyan,
Ika'y kinausap at pinagsabihang:
"Sakaling darating ating hiwalayan,
Huwag magpaloko sa kalalakihan.

At saka-sakaling sayo'y may  manligaw,
Isipin mo muna't wag agad pumataw;
Pasya'y siguruhin bago mo ibitaw,
Ang iyong salita, nang di ka maligaw."

Unang halik nati'y hindi malimutan,
At kahit na yao'y isang nakaw lamang,
Pangyayaring iyo'y di makaligtaan,
Naging saksi natin ay ang Taguisian.

Tila ba talulot ng isang bulaklak
Labi **** sa akin na nangangagtapat;
Animo'y pabango yaong halimuyak,
Ng iyong hiningang sa halik nangganyak.

Ika-labinlima, araw ng Pebrero,
Hindi malimutan ating naging tagpo;
Sa iyong tuluya'y nagkasama tayo,
Doon sa Kwek Kwekan, nagdiwang ang puso.

Ako'y isang taong lubhang maramdamin,
Ang hapdi at kirot siyang tinitiim;
Puso ko'y tila ba 'sang pagong patpatin,
Sa loob ng dibdib sakit ang kapiling.

Kaya't nang makitang may kasamang iba,
Marahang lumason sa puso ko sinta
Ay ang panibugho't sakit na nadama;
At para maglaho, alak ay tinungga.

Sa ika-tatlumpu, na araw ng Marso,
Akin pang naalala pagbisita sayo,
Sa inyong tahana't mapayapang baryo,
Nagmano pa ako sa ama't ina mo.

Ibig kong ang lahat ay di na magtapos,
Masasayang araw nating lumalagos
Sa isip, sa puso't maging sa malamyos,
Na kantahi't tulang aking inihandog.

Ngunit, nang lumipas ang ika-limang araw
mula nang makita't sa inyo'y madalaw
ay isang mensahe ang lubhang gumunaw
sa aking damdami't marahang tumunaw.

Animo'y balaraw yaong tumatama,
Nang ang mensahe mo ay aking nabasa;
Gusto kong umiyak, gusto kong magwala,
Ngunit, anong saysay gayung wala na nga?

Kung isaulan ko itong aking luha,
Masasayang lama't walang mapapala;
Kaya't kahit ibig, ako ay tumawa,
Wag lamang masadlak yaong pagdurusa.

Kung ang kalayaa'y siyang ibig sinta,
At ang saktan ako'y ikaliligaya
Aba'y payag ako't ikaw na bahala,
Basta lang ang akin ika'y liligaya.

Kay sakit isiping tayo ay hindi na,
Ngunit, kung ito man ang itinadhana,
Aba'y pag-ibig ko't pag-ibig mo sinta,
Di makakahadlang sa ibig sumila.

Mahal ko paalam sa ating pag-ibig,
Mahal ko paalam, kahit na masakit;
Mga alaala'y huwag ng ibalik,
Burahin ng lahat sa puso at isip.


~WAKAS~
Ang tulang ito ay handog ko para kay Devina Mindaña.
Ace Jhan de Vera May 2016
Maligayang bati,
Sa aking pagsilang,
Walang bakas ng gunita,
Walang alaala ng nasabing araw.

Nagdaan ang mga taon,
Namulat sa katotohanan,
Na hindi marunong magpatawad ang mundo,
At hindi ito titigil na para lang sayo.

Nagdaan ang mga taon,
Ilang kaarawan ang lumipas,
Andiyan ang pancit,
At ang keyk na nakahanda,
Sa hapag kainan para pagsaluhan,
Mga ngiting di mabakas,
Nagpapasalamat sa biyaya.

Ngunit ito ang unang taon,
Kung saan maghahanda ako,
Hindi para sa iba,
Kundi para sa sarili ko.
At aanyayahan ko kayo,
Nawa'y sana'y makadalo,
Habang unti unti kong inilalapag,
Sa ating hapag, upang ating pagsaluhan.

Maghahanda ako,
Ihahanda ko ang sarili ko,
Na ang puso ko'y tatayuan ko ng pader,
Na papalibot dito,
Dahil pagod na kong masaktan,
At nahahapo na ang aking katawan.

Maghahanda ako,
Na ibaon ang bawat alaala.
Ang tamis nang bawat halik,
Ang kuryenteng dumadaloy sa aking katawan,
Mga labing bumubuhay nang aking kamalayan.

Ihahanda ko din,
Ang aking sarili,
Na unti unti nang humakbang,
Papalayo sa nakasanayan,
Kung ano ang aking kinamulatan,
Sa loob nang mga taong pinagsamahan.

Mga umagang iyong mukha ang bumubungad,
Sa aking mga mata,
Habang ika'y pinagmamasdan,
Sa taimtim **** paghihimlay,
Habang ako'y nagninilay nilay,
Eto na ba ang pagibig na hinihintay?

Kaya mahal sa aking kaarawan,
Kasabay ng pagihip ko nang kandila,
Magpapaalam na ako sayo,
Paalam na sa mga gabing kayakap kita,
Sa mga sandaling magkakapit bisig tayo sa ilalim nang mga bitwin,
Na kung saan langit ang saksi sa ating pagmamahalan,
Sa mundong tayo lang ang nagkakaintindihan.

Pipikit ako,
At uulit ulitin ko ang mga salitang;
"Handa na ako"
At hihiling ng lakas ng loob,
At tibay ng sikmura,
Bibilang ako ng tatlo,
Isa,
dalawa,
Tatlo,
At sa aking pagdilat,
Hihipan ko ang kandila,
At magpapaalam na sayo.
Euphoria Jan 2017
Hindi ikaw ang aking mundo.
Ikaw ay parte lamang ng aking kwento.

Hindi ikaw ang kalawakan.
Ikaw, tayo, kahit pagkakaibigan ay may hangganan.

Hindi ikaw ang buwan
Na nagbibigay liwanag sa aking karimlan

Hindi ako isang puno
Na aasa, mananatili, at maghihintay na mapansin mo.

Ang mga sugat na dulot ng ating mga sala
Ay hindi maghihilom basta- basta

...

Kaya ako na  ang hihinto, lalayo,
Ang magsasara ng pinto.
Ako na ang susunog ng tulay,
Ang puputol ng nag-uugnay.

Ako na ang bibitaw
Sa pagkakaibigang nasira ng pagmamahal na nag-uumapaw,
Ng bugso ng damdamin,
Ng tukso at mga tinagong saloobin.

Hindi naman maayos
Ang hindi sinusubukang i-ayos.

Kaya tama na nga siguro
Ito na ang dulo ng kayang tanggapin ng puso ko.

Paalam na sa mga tanong na kailanma'y hindi na masasagot,
Sa puso kong puno ng takot
Sa paglisan at pagbitaw
Hanggang sa ikaw na mismo ang umayaw.

Paalam na sa mga pangakong napako,
Sa mga katagang "walang magbabago",
Sa mga salitang binitawan
Ngunit hindi mo napanindigan.

Paalam na sa titulong "matalik na magkaibigan."

Paalam na sa lumabong pagkakaibigan,
Sa mga hinanakit at hindi pagkakaintindihan.

Paalam na sa sakit at pait
Na dala ng pag-ibig na hindi maaaring ipilit.

Paalam na sa labing-apat na taon.
Masasakit na alaala'y aking ibabaon.
Iiwan ka na sa nakaraan.
Papalayain ang sarili sa gapos ng nagdaan.

Sa pagiging estranghero nagsimula,
Estranghero rin akong lilisan.*
Ito na ang huli kong paalam.

-41-
This is the last poem I'll write for you for we will never have our goodbye. We were connected in a level unknown to us. We understood without words. Thanks for the memories.
Marge Redelicia Jun 2015
ang pangalan niya ay jesus.
oo, ang pangalan mismo ng kaibigan ko ay jesus.
seryoso ako.

si jesus
ay siyang dalaga,
morena, kulot ang buhok.
ang lalim ng mga dimples at
may mga pisngi na kay sarap kurotin.

parang musika ang himig ng kanyang tawa
at hindi kumpleto ang kanyang mga bati
kung walang kasamang yakap na kay higpit.
hindi ko gets kung bakit
hindi siya kumakain ng tinapay ng walang asukal.
at nakakatawa lang kung paano
lagi siyang may baon na sachet ng bear brand
na pinapapak niya kapag siya ay naiinip.

si jesus
ay isang iskolar,
magna *** laude standing,
bise presidente ng kanilang organisasyon.
balak mag law school pero may tumanggap na
nakumpanya sa kanya sa bgc.
meron din siyang mayamang boyfriend na
hinhatid siya pauwi sa taytay, rizal gabi-gabi.

huwebes ng nakaraang linggo,
bandang alas dyis:
si jesus
ay natagpuan sa labas ng kanilang bahay
walang malay
nakahandusay sa kalye.
sinugod sa ospital para kalagayan ay masuri.
ano kaya ang nangyari kay kawawang jesus?
heat stroke, stress, fatigue, high blood, food poisoning?
kulang lang ba sa tulog o pagkain?
walang natagpuang hindi pangkaraniwan kay jesus.
normal lang daw ang kanyang kalagayan
maliban lang sa paghinga niya na
tila humihikbi pero walang luha.
ilang oras din ang nagdaan bago si jesus
ay tuluyang nagising.
ang sabi ng doktor tungkol sa kanya:
depresyon, malubhang pagkalungkot
ang tunay at nag-iisang sanhi.

dahil kay jesus,
napagtanto ko na
hindi porket nakangiti,
masaya.
hindi porket bakas ang ligaya sa kanyang labi,
wala nang lungkot at lumbay na namamayani sa kanyang mga mata.
hindi porket ang lakas humalakhak kapag nandyan ka,
hindi na siya humihikbi, humahagulgol kapag wala siyang kasama.
hindi porket parang musika ang kanyang tawa,
hindi na siya umiiiyak nang umiiyak nang paulit-ulit-ulit na parang sirang plaka.
kasi
hindi porket masigla,
hindi na napapagod.
hindi porket matapang at palaban,
hindi na nasasaktan.
hindi porket laging nagbibigay, nag-aalay,
wala nang mga sariling pangangailangan.
hindi porket matalino,
ay may alam.

dahil kay Jesus,
ako'y namulat
na ang dami palang mga walang hiyang tao sa paligid ko
na nagsusuot ng mga maskarang pantago
sa kanilang mga kahinaan, takot, at sakit.
sa kabila pala ng kanilang mga yaman, tagumpay, talino, at
kung ano-ano pa mang sukatan ng galing
kung saan kinukumpara natin ng ating sarili
may isa palang
nabubulok, naagnas
na kaluluwa.

dahil kay jesus,
ako'y nalulungkot.
mata ko ay naluluha,
puso ko ay kumikirot
na may mga tao palang katulad niyang
naglalakbay nang di alam kung saan pupunta.
nangangarap na huwag na lang magising sa umaga.
nakuntento na lang sa wala.

dahil kay jesus,
ako'y naiilang
na ang nagaganap sa aking harapan
sa loob ng paaralan, bahay, o opisina
ay hindi tama.
maling-mali na
ang mga tao sa aking paligid ay nakakulong
sa selda ng anino at lamig.
hindi ito ang kanilang nararapat na tadhana.
hindi ka ba naiinis?

dahil kay jesus,
may apoy na nagpapaalab sa aking galit
nagtutulak sa akin na tumakbo
hangga't hindi natatama ang mali.

at lahat 'yan ay
sapagkat alam ko sa aking isip at puso na
dahil kay Hesus
lahat ng kahinaan at takot ay hindi na kailangan ikubli.
ilalapag na lang sa harap Niya
ang anumang alinlangan o mabigat na karamdaman.
wala nang pagpapanggap.
buong tapang na ipagmamalaki na
ito ay ako.
kasi ano man ang mangyari at kung sino man ako maging
ang tunay na dilag, dangal, at tagumpay
ay tanging
sa Kanya nakasalalay.

dahil kay Hesus
may ligaya at kapayapaan na hindi kaya matalos ng isip.
banayad ang layag
anumang dumaan na bagyo.
matatag nakakatindig
kahit yumanig pa ang lupa at magunaw man ang buong mundo.
dito sa dagat na kay lawak at lalim
hindi lalangoy,
kundi maglalakad, tatakbo,
lilipad pa nga sa ibabaw ng mga alon.

kay Hesus
may liwanag na pinapanatiling dilat
ang aking mga mata.
ano mang karumaldumal na karahasan ang masilayan,
hindi ako napapagod o nawawalan ng pag-asa.
hindi makukuntento at matatahimik.
hindi tatablan ng antok.
araw-gabi,
ako ay gising.

dalangin ko na sana puso mo rin ay hindi magmamanhid
na kailanman hindi mo masisikmura at matatanggap
ang kanilang sakit.
tulad ng dalagang si jesus
gusto nila ng pampahid para maibsan ang hapdi.
pero ang mayroon tayo
ay ang lunas, ang gamot,
ang sagot mismo.
tagos sa balat, sa puso diretso.
ang gamot ay ang dugo
na dumaloy sa mga palad Niya.
ang pangalan Niya ay Hesus.
*Hesu Kristo.
a spoken word.
Tapos na ang giyera
Tapos na ang labanan at hindi matigil na sakitan
Tapos na ang nakakatakot na digmaan sa labas ng mga tahanan
Tapos na.

Pipiliin ko nang maging masaya
Hahanap ako ng madadaluyan kung saan mabibigyan
Ako ng kalakasan
Maghahanap ako ng kapayapaan

Kapayapaan na yayakap saakin
Sa mga takot na dinanas ko
Sa mga bangungot na nagkakaron parin ako tuwing gabi
Sa mga multo na paulit-ulit na dumadalaw saakin

Kapayapaan na pupunas
Sa mga luha na di na natutuyo
Sa mga pawis na matagal nang gustong mawala
Sa mga dugo't na minsan nang nanggaling sa sarili ko

Magkakaron ako ng kapayapaan

Ngunit bakit hanggang ngayon
Na tapos na ang giyera
Ay hindi ko parin mahanap ang kalayaan na iyon?

Bakit patuloy na kumukurot ang ala-ala
Na minsan nang nagdaan at sumabit at nanatili
Hanggang sa mawala?

Bakit kahit na pilit kong kinakalimutan
Ay bumabalik parin ang sakit
Na dinanas ko habang nasa piling mo?

Ngunit ang dating nakaraan
Ay tila gumugulo ulit saakin paulit-ulit
Bumabalik at tila nagiging kasalukuyan

Bumabalik yung nakaraan na
Nagmahalan tayo at piniling di maniwala sa katapusan
Naging matigas ang ulo't sumunod
Sa mga pusong pagal

Nasaksihan ng araw at buwan na
Ang pagiging seryoso ng bawat puso't isip
Natagpuan ang kasiguraduhan sa mundong walang katiyakan

Ngunit sa isang pikit ko
Ay nagulat ako nang magkaron ng "Siya"

Simulan natin sa "Siya"

Simula nung araw na iyon
Ang salitang "siya" ay naging panakot saakin
At tila naging digmaan sa isipan ko
Tila naging parusa sa puso ko

Ang dating "tayo"
Ay unti-unting naglaho
At nagbago
At naging "kayo"

Doon nagsimula ang digmaan
Nasakop mo ang puso kong ngayon lamang umibig
At binomba ito

Pinosas mo ito at ikinulong
Ibinilanggo sa lugar na hindi ko rin alam
Binugbog at pinarusahan para sa kasalanang hindi naman ginawa

Nagmamakaawang pakawalan

Sumulat ito ng kanta
Umawit gamit ang natitirang pintig
Sumulat gamit ang natitirang dugo

Isinigaw niya ang awitin niya ng paulit-ulit
Ngunit walang nakakarinig sakanya

Naghihingalo para sa natitirang lakas
Umawit ulit siya muli

Hanggang sa marinig siya ng Maykapal

Ang alibughang puso ay natagpuan na sa wakas

Ngayon ay dumating na ang kasalukuyan
Kasalukuyan kung saan ang dating nasasaktan ay gumagaling na

Kasalukuyan kung saan tapos na ang giyera
Possible na ang kapayapaan

Hawak ko ang sedula ng pananakop mo sa puso ko
Handa na akong kumalimot
Handa na akong tumalikod
Sa nakaraan na hindi na kasalukuyan

Magtatapos ako sa "Ikaw"

Mag-isa ka na
This piece is meant to be spoken
twenty-six Oct 2018
unti unting nawawalan ng gana
pero heto ako, tuluyan pa ring umaasa
sa bawat umaga nating dalawa
hindi ko mapigilan na kumapit nalang sa bawat "sana"

kung bakit nagkaganito
hindi ko alam
ang sabi mo, mahal mo ako
pero bakit parang iniwan mo na ako?

hanggang kailan kaya ako maghihintay
kasi sabi mo'y ika'y babalik
pero sa bawat araw na nagdaan
parang nawawalan na ng halaga ang "walang hanggan"
Sirsison Feb 2017
Unang pagkikita natin sa ating pinasukan
Parang hangin lamang na dumaan
Tuloy tuloy pa rin sa paglalakad
Na parang may importanteng lakad.

Ako ay parang isang sirang mata
Na walang kakayahang makakita
Nang isang rosas na putuloy na bumubuka
Dahil sa taglay nitong glamorosa.

Subalit sa mga sumunod na araw at tayo’y nagkakilala
Para kang isang ilaw na hindi maalis sa aking mga mata
Na kahit saan magtungo ang aking mga mata
Ikaw pa rin ang nakikita.

Ako’y nagagalak
Sa tuwing tayo ay humahalakhak
Na parang ang puso’y pumapalakpak
Ang paglisan ay hindi ko minsang binalak.

Sa sandaling tayo’y magkausap
Pakiramdam ko ako’y nasa ulap
Na kung maaaring hindi na kumurap
Upang ang pag-uusap ay lalong sumarap.

Subalit ang oras ay napakabilis malagot
Kaya’t ako’y nakaramdam ng matinding takot
Na mangyari ang isang bangungot
Na baka sa susunod hindi ka na sumagot.

Nagpatuloy ang mga araw na dumaan
Ika’y patuloy kong pinagmamasdan
Na habang ako’y  umiisip ng daan
Upang ika’y malapitan.

Nagdaan ang araw at buwan
Habang ika’y aking pasekretong pinagmamasdan
Ako’y lubusang naguguluhan
Kung bakit laging ganyan.

Di nagtagal ako’y may naramdaman
Na pakiwari ko’y dahil ika’y nasilayan
At nakilalang lubusan
Na pilit kong inaalis sa aking isipan.

Subalit ako’y nabigo
Sa aking pagtatago
Nang nararamdamang nabuo
Sa palagiang pagtatagpo.

Isang araw ako’y humantong sa isang pagtatapat
Na isang daang pinag-isipan kung ito’y nararapat
Kahit na natatakot na ako sayo’y di pa sapat
Pero ito’y aking nilabanan dahil ang layunin ko sayo’y maging tapat.

Sa  aking pagtatapat lubha akong nalungkot
At natakot;
Na baka ako’y masangkot
Sa isang pangyayaring masalimuot.

Nang ika’y makilala mahal na kita
Ngunit ng tumagal-tagal, may mahal ka pa lang iba
Ako’y nasaktan at nalungkot sa nalaman
Hanggang kaibigan na lang pala ang ating turingan.

Ilang araw ang nakalipas ako’y di mo na pinapansin
Mga matatamis na ngiti na dulot natin
Unti unti nang nagiging asin
Na sa alat di na maatim.

Iniisip na lang na ika’y natatakot akong mahalin
Na baka saan pa tayo dalhin
Na sana’y aking dasal ay dinggin
Na ako’y iyong mahalin.

Nagdaan ang mga araw
Ako’y nahumaling makinig ng malulungkot na kanta
Na nagpapabalik ng masasaya nating alaala
Na sa isang iglap lamang nawala na--na parang bula.

Ito ang nagdulot sa akin ng pighati
Dahil simula pa noon ikaw na ang tanglaw sa aking mga gabi
Ikaw ang liwanag sa araw kong hinahabi
Na ikaw lamang ang makakapagbalik ng kulay sa pusong nagbigti.

Paano kung sabihin ko sa’yong ayoko na?
Hindi ko na kaya kung patatagalin pa
Sapagkat ga’no man kalalim akong nahulog
Natatapos din ang himig ng awit at tugtog.

Paano kung sabihin ko sa’yong napapanahon na
Na ako’y lalayo na
Dahil kahit gusto ko mang kumapit pa sa’yo
Pareho tayong mahihirapan kung ‘di lalayo.

Sa totoo lang, marami akong ayaw sa sarili ko,
Kaya’t malalim na takot ang nararamdaman ko
Kahit na sabihin ng iba noon na gusto nila ako
Dagli kong iisiping, “Sino niloloko mo?” .

Subalit puso ko’y ikaw ang pinili
Na kay tagal kong itinago sa aking sarili
Sa isang iglap at sandali
Ako’y napapili kung ikakasaya mo ba o ikasasaya ng aking sarili.

Labis man akong nasisiyahan pag ika'y nakikita
Labis man akong natutuwa na ika'y nakikita kong masaya
Kahit nasasaktan,
basta masaya ka Okay na!

Dahil ang pag-ibig ay walang hinihintay na kapalit
Pag ibig na handa siyang palayain
Pag ibig na nasayang at napuno ng kalungkutan  
Pag ibig na nauwi sa masakit na paalam.

Dahil sa’yo natutunan kong maging matatag
Natutunan ko ang tunay na pagmamahal
Pag ibig na minsan, nagsisimula sa katapusan
Na sanay pagmamahal ay mapalitan.

Kaya’t ngayon dahil sa ako’y lubusang nasaktan
Akin munang kakalimutan ang magmahal
Dahil sa luha kong mahal
Kinalimutan kong magmahal dahil baka ikaw at ako’y di magtagal.
Naka-tadhana bang masaktan o naka-tadhanang makahanap ng taong gagamot sa pusong nasaktan?
astrid Feb 2019
6th of december, 2018.

“Pinagtagpo ngunit hindi itinadhana.” Madalas kong naririnig ‘yan, palagay ko’y ikaw rin. Pero kung iisipin, napakarami nating mga taong natatagpuan na nakatakda ring umalis. Ang ilan ay babalik, ang ilan ay maglalaho na lang. Hindi ko alam kung saan ka riyan nabibilang. Walang pakiramdaman, walang pakialamanan, walang pakundangang naghahanap ng mga bagay para pilit kang makalimutan. Gigising ako nang nakangiti, masaya, at ang nasa isip ay
“kakalimutan na kita,” ngunit kahit kailan ay hindi ‘yan nagkatotoo. Ang pag-asang makaahon sa ‘yo ay palabo nang palabo. Sa bawat gabing nagdaan, napapatanong ako kung saan na naman ako nagkamali. Saan na naman ako nagkulang? Saan na naman ako kinapos? O baka naman sumobra? Paikot-ikot ang mga mata sa lugar kung saan tayo huling nagkita. Saan mo ako iniwan? Pareho tayo ng pinupuntahan, pero hindi ko na alam kung paano pa babalik. Hindi kita mahagilap; ang tanging palatandaan ko para makabalik ay hindi ko na mahagilap. Dahil naglaho ka sa isang iglap. Hindi ko na alam kung paano pa babalik. Dahil hindi pa kita nakikita.

Ilang eskinita lang naman ang pagitan nating dalawa. Nariyan ang mga tricycle para mahatid akong muli sa bahay ko. Nariyan ang mga dyip na pupwede kong masakyan para lang mapalayo sa ‘yo. Tayo’y palaging nasa ilalim ng parehong langit, aalis at uuwi sa iisang lugar ngunit hindi man lang kita makamit. Pareho ng sinasakyan, pareho ng mga dinadaanan. Iisa lang naman ang mga pinupuntahan natin, ngunit ang araw-araw kong biyahe ay naging ikaw na ang destinasyon. Nagbabakasakali lang naman akong baka matupad mo ang aking imahinasyong hindi ko na batid pa ang limitasyon. Sa bawat pag-alis ko ay nananalanging magkita tayo sa lalong madaling panahon.

Ngunit hindi ko pa rin alam kung paano babalik. Alam ko ang ruta, alam ko ang sasakyan. Ngunit ako mismo ang nagpupumigil. Dahil hindi mo ako tinutulak palayo. Hindi pa man tayo nagkikita, mas gugustuhin ko nang hilain mo ako paalis sa kung saan mo ako iniwan. O baka ang presensya mo lang ang hiling kong masilayan, para tuluyan na akong makalakad paalis sa piling mo. Hindi ko naman mapapantayan ang babaeng nagdala sa ‘yo sa tahanan mo— ni hindi ko nga alam kung paano umuwi sa dapat kong uwian. At sa bawat biyaheng sinusulong ko, hindi ko man lang naisip na baka mali ang daan na tinatahak ko. Iba pala ang langit na pinagmamasdan mo sa umaga, kahit ang mga bituing nais **** titigan sa gabi. Iba pala ang sinasakyan **** dyip sa bawat pag-uwi. Iba pala ang eskinitang napapadparan mo. Iba pala ang langit na sinisigawan mo ng pangalan niyang kaakibat na ng apilyedo mo. Iba pala ang inuuwian mo.

Pasensya na, tanga ang kasama mo. Mali, hindi mo pala ako “kasama” dahil kahit kailan ay hindi ka naman sumama. Hinayaan ko ang sariling maligaw sa mga mata mo. Hinayaan kong mawala ang isip sa mga salita **** nadadala ako sa ibang dimensyon ng mundo. Hinayaan kong magwala ang pusong binuhay mo— na bibitawan mo lang din pala, dahil masyado itong magulo. Ngayon lang ako nakalabas at hindi na muli pang magtatago, ngunit niligaw mo ako. Pasensya na, gagapangin ko pa ang sarili ko palayo sa ‘yo.

Hindi ko maintindihan kung paanong ako’y napadpad sa ‘yo kung hindi ko pa nasisilayan ang mga mata **** mapanlinlang, na kung saan ay nagpahatak pa rin ako— delikado, at muntik pa akong mabaldado. Huwag na sanang pahintulutan ng mundo na pagtagpuin pa tayo, dahil kung sakali ay baka hindi na ako umalis. At baka samahan pa kita kahit saan ka man papunta, kahit sa piling niya pa. At lalong hindi tayo isang halimbawa ng “Pinagtagpo ngunit hindi itinadhana”. Inaantay ko pa lang ang matagpuan kita, upang makaalis na ako.
m.r.
CRESTINE CUERPO Aug 2017
Boom!  Pagsabog!
Na sa aking dibdib ay kumabog!
Ang isip at kaluluwa ko'y nabubulabog!
Ito nga ba'y himig ng kapayapaan o himig ng digmaan?

Isa akong musmos na batang---- naninirahan sa isang bayan,
Dito ako lumaki at nagkaroon ng pangalan,
Bayang Marawi ang lupang aking sinilangan,
Isang bayang tanyag sa kaunlaran,
Ngunit ngayo'y nagiging usap-usapan sa t.v, radyo at maging sa pahayagan.

Hindi ko malilimutan ang gabing nagdaan,
Gabi!--- ng ika-23 ng Mayo ang nagpinta sa aking pusong sugatan,
Isa ako sa mga nawalan ng magulang,
at saksi sa karahasan na walang katapusan,
Hudyat ng pagguho ng pag-asang aking pinanghahawakan.

at habang aking pinagmamasdan,
Isa-isang nabubulagta at dugu-an,
Ang aking mga kamag-anak at kaibigan,
at sila'y.....wala na----- wala ng malay at nakahandusay.

Wala akong magawa kundi ang tumakbo ng tumakbo,
kumarepas ako ng takbo.....ng isang napakabilis na takbo.... nanginginig sa takot...pagod na pagod...  humihingal....
Iyak ng iyak at nagsusumamo
at habang ako'y papalayo ng papalayo--------
Naisip ko:
      "Saan ako patutungo?"
       "Sa mga pangyayaring ito sino          
         ang namumuno?"
         Sila ba'y mga Muslim o
         Kristiyano?"
        Ngunit maging sino man sila----
        Sila'y hindi santo na may pusong
        bato,
        Dahil sila'y pumapatay ng kahit
        na sino,
        at ito'y hindi makatarungan at
        makatao.

       Ang sakit....Oo ang saklap...ang
       bayan na naghahatid ng
       kaunlaran,
       Ngayon ay nabubura at nag-iiwan
       ng isang malagim na ala-ala,
      Nagsisilbing aral sa tuwina at          
      nagpa-paalala,
      Na kinakailangan ng isang may      
      malinis na adhikain at tapat sa
       tungkulin ang namamahala.

    Ano nga ba ang hatid ng kaguluhang ito?
Kaginhawaan o Kahirapan?
Kabuhayan o Kamatayan?

Ang katotohanang ito'y--------
Isang malagim na karimlan!
Pagluha para sa aming mga kabataan,
Crestine Cuerpo
at pagmamaka-awa para sa darating naming kinabukasan,

Oo.....masakit ang mawalan,
Ngunit kailangan kong maging matapang,
Dahil ako'y isang Pilipinong handang lumaban,
Kaya't sigaw ko Pagbabago! Katarungan!

Sa mga kinauukulan:
   Nasaan? Nasaan? ang inyong pagmamalasakit sa kapwa at sa bayan?
Kung sa isip at puso niyo'y  para lamang sa pera at kapangyarihan?


Kapatid... Kapuso.... Kabarkada....  at Kapamilya.......
Gumising ka ang lahat ay may-----hangganan.
Ken Alorro Sep 2015
Sa isang gabi, tinapos ko ang lahat
Tinapos ko ang mga luhang nanlalamig
Luhang ikaw mismo ang nagdulot
Mga luhang ni minsa'y di inakalang manggagaling
sa pagmumukhang ito

Sa isang gabi, tinapos ko ang lahat
Tinapos ko ang sakit na ikaw mismo ang nagdulot
Mahal, 'wag nang itanggi
Ikaw ang nagdulot nito.

Sa anim na bote ng alak, tinapos ko ang bawat sandaling kapiling ka
Sa mga sinehan na pinuntahan, sa mga kamang inilapag ang mga katawan, sa mga piling lugar o sa kahit saang sulok na ninais.

Sa anim na bote ng alak, tinapos kita.

Ang unang bote ng alak ay para sa iyong panlalamig
Totoo, nanlamig ka
Mas malamig pa sa boteng hawak-hawak
Sa bawat gabing kapiling ka, ang mga bisig mo lamang ang nagsisilbing unan
Oo mahal, nasa bisig mo ako, pero ang lamig na.

Ang pangalawang bote ng alak ay para sa'yong di pagpaparamdam
Nagdaan ang mga araw na nasanay akong wala ka
Nasanay akong mag isa sa bawat gabing ako'y may pangangailangan
Nasanay akong bigyan ng init ang sarili gamit ang mga kamay
Sinanay ko ang sarili
Pero higit sa lahat, sinanay mo ako

Ang pangatlong bote ng alak ay para sa iyong pagsisinungaling
Alam kong nagsinungaling ka na wala kang iba
Pag uwi mo sa akin, iba ang amoy, iba ang itsura
Kasi naman diba? Iba na ang nag-alaga
"I love you" sabi mo, pero sinungaling ka
Sinungaling

Ang pang-apat na bote ng alak ay para sa hindi mo pag-uwi sa akin
Mahal, ako ang iyong tahanan
Pero pinili mo ang lansangan

Ang pang-lima na bote ng alak ay para sa hindi mo pag alala
Pinili **** limutin ang ating mga sarili
Pinili **** maging bulag upang di ako makitang nasasaktan
Puta ka? Sana naging bulag ka na lang talaga

Ang pang-anim at panghuling bote ng alak ay para sa hindi mo pag-laban
Ipinaglaban kita
Ipinaglaban kita sa mga taong pilit tayong paghiwalayin
Ipinaglaban kita sa mga kaibigan ko
Ipinaglaban kita sa buong mundo
Pero please naman, ipaglaban mo rin ang sarili mo
Gawin mo para sa'yo


Sa anim na bote ng alak
Tinapos ko ang lahat at naitanong ang sarili
Sino nga ba ang nagpapasya kung minahal kita o hindi?
Ikaw ba? Sila?
Hindi ikaw! Hindi sila! Kundi ako!
Hindi sila ang magpapasya kung inibig kitang tunay
Dahil sa huli
Ako ang nagmahal, hindi sila
Ako ang nasaktan, hindi sila

Sa anim na bote ng alak
Tatapusin na kita at patuloy pa kitang tatapusin hanggang sa hindi maghilom ang sugat sa puso na pinili **** iwaksi.
Maxwell Jul 2015
Ngayong nagdaan na ang isang linggong malamig at maulan,
Nagpakita na ang araw, mainit at maliwanag.
Alam kong dapat masaya ako pero
Paano ako sasaya kung ikaw lang lagi ang naaalala ko?

Naiinis ako sa araw, pinapaalala niya ang mga nagdaang linggo,
Mga linggong magkausap tayo tungkol sa kahit ano.
Mga linggong nakakapagod pero napapawi mo.
Mga linggong wala akong maisagot sa papel ko
Pero bigla ka nalang papasok sa isip ko,
Kasama ng mga sagot na hinahanap ko.

Ngunit ngayon, naiisip ko, ano nga ba ang pinagkaiba?
Kahit noong tag-ulan, naaalala pa rin kita.
Naaalala ko kung paano kita sinasabihang mag-iingat ka
At kung paano kita pinaiyak dahil sa isang sala.
Naaalala ko rin kung paano mo ako iniwan
At kung paano kita hinayaan.

Kaya ngayong wala ka na, wala akong magawa
Kundi mainis sa lahat ng bagay na nagpapaalala
Hindi sa'yo, kundi sa aking mga nagawa
Para umalis ka at iwanan mo akong mag-isa.
Masakit mawalan ng kaibigan.
Jennifer Hesido Aug 2016
Iniwan, pinabayaan at di na muling nasilayan
Nasaktan at umuwing luhaan
Gaano ba kasakit ang masaktan
Pati ako ay nahahawaan

Kasama kita kanina pero bakit ngayon wala ka na
Kay bilis ng panahon na nagdaan
Hindi namamalayan ang pusong sugatan
Dahil sa dulot ng iyong paglisan

Sana pinahalagahan ang mga sandali
Mga panahon na ikaw pa ang kapiling
Ayan tuloy akoy ng hihinayang
Dahil pinabayaan na ikay mawalay

Kung magkaroon man ulet ng pagkakataon
Iingatan ko ang bawat minuto
Upang hindi na ulet masayang ang mga ito
At pahahalagahan ang presensya mo
Matagal - tagal na rin noong ako'y iyong iniwan
Ngunit hanggang ngayon ay umaasa pa ring mababalikan
Sino nga ba ang unang nakalimot?
Pagmamahalan ba nati'y napalitan na ng poot?

Tahanan kong nagsilbing kanlungan
Pagkahapo sayo'y naging pahingahan
Maraming salamat sa taong nagdaan
Lalaya ng muli sa gapos ng nakaraan
"I know now how heartbreaking it is. And I end up making a poem for him."
G A Lopez Apr 2020
Noong ako'y nasa elementarya,
Ang pag-ibig para sa akin ay mahiwaga.
Hindi ko maintindihan
Kung ano nga ba ang kahulugan.

Marahil hindi ko pa nararanasan
Ang umibig at ibigin ng lubusan
Ngunit mayroong dalawang tao
Ang sa akin ay nagturo; narito ang kwento.

Maganda at payapa
Ganiyan ilarawan ng dalaga
Ang kaniyang mundo noong wala pa ang binata
Hindi lubos akalaing sa isang iglap ay mawawala.

Wala pa sa isipan ng dalaga
Ang pag-aasawa
Hanggang sa dumating ang binata
Nagsimula ng mangarap na sila'y maging isa

Hindi niya alam ang kaniyang motibo
Kung ito ba'y pagpapanggap o totoo
Basta't ang alam niya siya ay masaya
Kung panaginip man ay ayaw na nitong magising pa.

Ang babae ay nalinlang
Sa mukha ng isang lalakeng nilalang
Kaniya siyang binusog ng mabulaklak na salita
Ang lalake ay labis na natutuwa

Nagtagumpay ang plano
Sa likod ng kaniyang mukhang maamo
Dala nito'y tukso
Ang babae ay nabulag sa kaniyang panlabas na anyo.

Kaniyang ibinigay ang lahat
Pati ang mga bagay na hindi dapat
Hindi inisip ang bukas
Ngayo'y nagsisisi sa naging wakas

Sa tagal ng kanilang pinagsamahan
Mauuwi rin pala ito sa hiwalayan
Nagdaan ang mga araw
Ang lalake ay hindi na muling tumanaw.

Umalis na ng tuluyan
Mag-isa na lamang siyang nagduduyan.
Ang nasa kaniyang isipan,
Ay ang bata sa kaniyang sinapupunan.

Ang babae sa tula ay ang aking matapang na ina
Ang lalake sa tula ay ang aking duwag na ama
Si babae na takot masaktan ngunit piniling lumaban
Si lalake na duwag ngunit nagtatapang tapangan.

Ako ang naging bunga
Ng kanilang pagsasama
Sa katunayan
Ako ay bunga ng kasalanan.
I WAS RAISED IN A FAMILY WHERE WOMEN MADE IT HAPPEN WITHOUT MAN.
Pakibasa po ang kasunod ng aking tula'ng ito na pinamagatang "Tunay Na Pag-ibig"
Support natin ang isa't isa HAHAHAHA
Crissel Famorcan Apr 2017
May isang bagay na nais kong sabihin
May mga salita akong nais na bawiin,
Di ko alam kung dapat ko pa bang banggitin
Pero kahit saglit, ako sana'y iyong dinggin
Naaalala mo pa ba nitong araw na nagdaan?
Isang tula mula sa akin ang iyong napakinggan
Huling Mensahe kuno kaya ako nagpaalam
Ipinangako na pipilitin kong maparam
Na pipilitin kong mawala
Itong damdamin na di ko alam kung paano ba nagsimula
At mas lalong di ko alam kung paano mawawala!
Ano ano pa ba ang mga dapat na gawin?
Bakit ba kay hirap nitong tanggalin?
Inunfriend ka sa fb, dinelete message mo
Di ka pinapansin,umiiwas na ko ng todo
Lahat na yata ng paraan ginawa ko
Pero di ka pa rin talaga natiis ng puso ko
Kanina lang kausap ulit kita
Napapangiti tuloy ako ng para bang tanga
Nagsasalita na ako dito mag isa
Mga tao sa paligid ko para bang nagtataka
Mga kasama ko bigla na lang napapanganga
Eh ano bang **** nila?
Minsan na nga lang maging masaya,
Papakialaman pa ba?
Minsan na nga lang magkaroon ng sigla
Itong mundo kong puno ng lungkot, ng takot,ng pangamba, ng kawalang pag asa,
Kaya salamat talaga at nariyan ka
Picture mo pa lang ang laki na ng epekto,
Para akong sira ang ulo, malaki ang depekto
Sa isip na walang ibang laman kundi ikaw
At puso na walang ibang sinisigaw
Kundi ang pangalan ng nag iisang ikaw
At magdaan man ang maraming taon
O lumipas ang mahabang panahon,
Ikaw lang at walang iba
Sasabihin ko lang naman talaga
Gusto kita.
mac azanes Feb 2016
Ayun,dalawang buwan na din pala ang lumipas. Pero parang taon na ang ating pinagsamahan.
Yung mga usapan na minsan pareho din natin di inasahan pero yun din ang hantungan kaya masaya din na napagpaplanuhan.
Mga pangarap na sa balang araw ay bibigyan natin ng katuparan.
Kaya sa ngayon ang sakripisyo nang pagkakahiwalay ay abay nating nilalabanan.
Ilang milya man ang ating agwat at Sierra Madre man ay nasa gitna ng ating daan hinding hindi naman natin nakakalimutan ang isat isa sa araw araw na nagdaan. Ang mundo ko ngayon ay napapalibutan ng palayan at mga simpleng mamayan ikaw naman ay nakikipagpatentero sa ka Maynilaan.
Pero alam natin na darating araw na sabay nating pagsasaluhan ang agahan na aking pinagsikapan.
Aaminin ko na may oras na gusto kitang kapiling upang hagkan lalo na kapag sa trabaho moy nahihirapan pero ganito talaga ang buhay aking mahal sadyang kelangan natin magtiis lumaban at magtulungan.
At Sa pagsapit ng araw na tayo ay iisa na at si sinag at tala ay naglalaro na sana kasama natin sila at alala ng kanilang pagkabata.  
Dalawang buwan ay lumipas na at alam ko na mas mamahalin pa kita sa bawat araw buwan at taon na darating pa.
Kahit pa ayaw mo kumain ng ampalaya at okra ihihiwalay ko pag ang ulam ay pakbet akin ang lahat ng tira.
Nilawis ng dilim ang mayorya ng mga ilaw sa kalangitan
Ang kapanglawan ng mga ulap na nagdaan ay nakakapangilabot
Kumikinang ang maliliit na butas sa telang itim na tumatalukbong sa himpapawid
At sa bawat minutong nagdadaan may tila bang may naglalaro sa balabal ng karimlan
Tila may kutsilyong pumupunit sa alapaap para makasilip ang liwanag
Ngunit muling isasara ang tastas na nagawa sa segundong ito'y nagsimulang bumuka

May mga bulalakaw na nagpakita.

Tayong limang nakahilata sa kamang kayumanggi na sinapinan ng damo
Agad-agad tumingala sa pag-asang tayo'y makakahiling sa mga nauupos na bato
Ang saglit na gumuhit ang bulalakaw ay nag-umapaw tayo sa tuwa
Halata ang paniniwala sa pamahiing matutupad ang pangarap kapag humiling ka
Sa isa't kalahating segundo na iyon na nagising ang ating mga diwa
Ang mga daliri ay nakaturo sa nagdaang hulagway na hindi na maibabalik

Sabay-sabay tayong pumikit.

At sa pagbukas ng mga bintana patungo sa ating mga kaluluwa
Ang isa sa atin ay nagreklamo; "Hindi ko nakita!"
At sa kanyang pagsamo sa uniberso na magbigay pa ng pagkakataong humiling
Paghalakhak at malarong panunukso ang nakuha niya mula sa atin
Habang ang mapangilabot na simoy ng hangin ay humaplos sa ating mga katawan
At ang katatawanan ay napalitan ng isang tanong walang kasiguraduhan:

"Kailan kaya ulit mangyayari 'to?"

Na tayo ay magkakasama sa isang pagkakataong
Walang inaalalang pagsalansang ng mundong hindi tayo
Na ang tanging balabal na bumabalot sa ating mga puso ay ang yakap natin sa isa't-isa
Na ang kalinawan ng ating mga isip ay nagiging malaya
Magpakita lagpas pa sa pagkislap sa gilid ng balintataw ng mata
Na kung saan, tayong matatalik na magkaibigan,

Tayo ay masaya.

Sa bawat pilit na pag-alpas natin mula sa bisig ng nakaambang
Mapanglaw na kinabukasan, tayo'y palaging magtatagpo dito
—Hindi ko sinasabing sa plazang ito kung saan ang usok ng sigarilyo ay lumulunod sa baga,
Kung saan ang mga punong nakahilera ay nakahubad at dayupay,
Kung saan lingid ang ating kagustuhan gawing tirahan ang tinalikdang plaza na ito—
Kung hindi, dito! Sa pagkakataong busilak ang tawanan at totoo ang ating pagkakaibigan

Sa huling pagkakataon tumingala tayo.

Lubusin natin ang pagkakataong kinakalmot ng mga anghel ang kalangitan
Magpakasasa tayo sa saglit na pinatotohanan natin ang pamahiin
Na kapag humiling ka sa bumabagsak na bituin ito'y magkakatotoo
Na inuulok natin ang isa't-isa ipikit ang mga mata sa bawat ilaw na gumuguhit
Sa himpapawid na madilim na mamaya ay babalik sa maulap na umaga
At sa nagbabadyang pagtatapos ng pag-ulan ng ilaw at muling pagbukas ng ating mga mata

Hanggang sa huling bulalakaw,

Kaibigan,

**humiling ka.
Read more of my works on: brixartanart.tumblr.com
George Andres Jan 2017
kailan ba nabuhay ang mga manunulat?

sa lahat pagkakataon, kumukuha lang sila ng materyal, ng inspirasyon, ng hangin sa baga ng apoy.

kung iniisip **** ibinigay na nila ang lahat sa'yo, pakaisipin mo ring marami silang nakuha mula sa'yo: ang alon ng buhok mo, ang tsokolate **** mata, pantay na mga ngipin, nakakaakit **** ngiti

ngunit higit sa lahat nang 'yon, ikaw pa rin ang talo, bakit?
dahil minahal ka nila upang iguhit nang tulad nang sa mga pintor: delikado, misteryoso at orihinal.

kahit pa ilang tauhan na ang nagdaan, makikita mo ang pagkakaiba ng oras, panahon at lugar; pagkapusyaw at pagkalamlam, katingkaran o putla ng kulay mo sa tuwing magkahawak kayo ng kamay.

ikaw ang talo, dahil kahit sinong gagawa ng sariling istorya, ikaw; na tinutukoy niya ay ang laging kontrabida. 'hanggat hindi natututong magsulat ang leon, palaging papupurihan ng mga istorya ang mandirigma.'
ikaw ang nang-iwan, unang nilapitan, unang bumitaw sa magpakailanman,
ang hindi lumingon

sa bawat pagtawag sa pangalan **** kirot na ngayon ang katumbas
para bang kalamansing piniga sa sugat na kailanma'y di naghilom at naglaho.
pero sa panahong bumakat na sa papiro ang mga letra, hindi na lamang siya ang luluha sa pagkawala mo, ni maiihi sa kwentong una kayong nagkatagpo

kailan ba nagkaroon ng pagkakataong inisip lamang ng manunulat ang ngayon at hindi ang bukas na isusulat niya ang mga nangyari nang araw na 'yon?

ang unang beses mo siyang halikan sa pisngi, ang panay na pagdantay mo sa kanyang balikat at pagkahawak sa kanyang braso?

kailan ba niya malilimutan at ilang beses pa niyang pauulit-ulitin ang gunita ng pagpatak ng mga luha mo sa harapan niya nang walang dahilan kundi dahil masaya kang kasama siya?

kailan ba nabuhay ang isang eskribo?

sa simula pa lamang ng panahon, kasiping niya gabi-gabi ay ang tinta ng pluma at papel sa harap ng init ng gasera at nagbabagang puso.

mamahalin ka niya gamit ang buhay na mga salita
papatayin ka niya hangga't di ka na makaahon sa lalim ng bangin kung saan inimbak ang pagtingin niya sa'yo
nabuhay siya nang dumating ka
nang mga panahong ang mga oras ng kabataan ay itinatapon na, ikaw ang naging gasolina
upang magliyab siya
oo ikaw na irog niya

nabuhay siya upang buhayin ka magpakailanman
PoemsFor....
1916
JuliaLazareto Jun 2017
Hindi kita gusto sa una nating pagkikita,
Ngunit, muli tayong pinagtagpo, at ito'y umusbong na.
"Ayoko, ayoko nito."
"Mahirap, mahirap ito."
Mga salitang nabanggit ko,
habang ako'y nakatitig sayo.

Simula noong araw na iyon,
nagtanong- tanong na ako, tungkol sayo.
Gusto kong malaman ang pangalan mo,
Gusto kong malaman ang mga hilig mo,
Gusto ko lang makaalam ng kahit ano, tungkol sayo.

Nabalitaan kong sikat ka raw,
Talaga ba? Marami raw nagkakagusto sayo?
Edi mas bumaba ang tsansa ko, upang mahalin mo?
Masakit mang isipin, pero ito ang totoo,
Masakit mang isipin, pero hindi ako ang mahal mo.

Nagdaan ang ilang araw,
Natuklasan ko,
Paasaa ka, pafall ka,
Pero mahal parin kita.
Oo crush lang kita,
Pero gustong gusto kita, higit pa sa kanila.

Isang araw nabalitaan ko,
Balitang dumurog sa puso ko.
May ka-M.U ka raw,
may nililigawan ka raw,
at ako namang si t*nga,
Hindi naniwala sa kanila
Mas pinili ko pang umasa,
Sa taong wala naman akong pagasa.

Pero nung makita ko,
Nung makita nang dalawang mata ko, yung paghaharutan niyo,
Napaisip ako, "Bakit ganito kayo?"
Nasobrahan ba yung pagka- bulag ko para sayo?
Nasobrahan na ba yung pagmamahal ko para sayo?
Upang ako'y masaktan nang ganito?

Pinilit kong ihinto ang pagmamahal ko sayo,
Ngunit mas lalo lang kitang ginugusto.
Hindi ko alam kung paano ako makakaalis sa sitwasyong ito,
Ang alam ko lang, sobrang nasaktan ako.

Ang sakit na iyon ang nagturo sa akin,
kung paano kumalas,
Kumalas sa relasyong ako lang ang lumandas.
"Ayoko na, ang sakit sakit na."
Ngayon, pinapakawalan na kita.
Susuportahan kita kung saan ka sasaya,
At yun ay sa piling niya.

Bumitaw ako, ngunit hindi ibig- sabihin non,
ayoko na sayo,
Gusto kita, tandaan mo yan,
Ngunit hindi ko yata kayang lumban,
Sa pagmamahalang, ako lang ang nakakaalam.

Lumipas ang ilang buwan,
Sinabi mo mahal mo ako,
Sabi mo, ako lang ang yong gusto,
Ano 'to lokohan?
Pagkatapos mo akong iwan, ngayon ako'y babalikan?
Oo mahal kita.
Mahal kita noon,
Pero binaliwala mo iyon.

Bakit ngayon pa?
Bakit ngayon pang ako'y sumuko na?
Bakit ngayon pang ako'y nasaktan na?
Bakit ngayon pang ako'y masaya na... SA PILING NG IBA?
jerely Jan 2016
Guni-guning nababalot ng hiwaga
sa aking utak ito'y pumipigil, gumugulo,
di maipaliwanag ang mga
nakaukit na ala-alang
Nang minsa'y ikaw ay inibig sa tuwing natatanaw ang langit na kay
tamis pa sa mga chokolateng
paborito ****
kainin tuwing ika'y nalulungkot.
Sa mga araw na nagdaan.
Sa maghapong nakaabang pa
sa pag-iintayan sa jeep
Oo parati namang naghihintay
ang puso ko sa'yo.
Di ba?

Sa traffic na nanamanhid na ang paa sa kakaabang kung kailan o saan ito patutungo
Kung may patutunguhan
pa ba na maging tayo?
O Isa na lamang ba itong
guni-guni sa aking isip.
Alam kong paasa ako. Oo paasa ako.
Asang-asa ako sa'yo na parang tanga.
Oo inaamin ko Tanga ako!
tanga ako!
tanga na kung tanga.
Pasan ko na naman lahat.
Di ba?

Nagdurugong,
Tagos. Tagos na tagos pa sa aking pusong biniyak ng mga samu't saring bakit na lang hindi naging tayo?
O mas madali pa bang patayin na lang
ang mga pusong minsa'y nasugatan na
sa hindi makatulog na gabi.
Sa mga namamagang mata sa kaiiyak
Sa kakaisip kung mahal mo ako o
kung minahal mo ba talaga ako?
O may iba na bang
nagmamay-ari ng iyong puso?

Guni-guni, ako'y litong-lito
dahil parati ****
ginugulo ang araw-araw ko
Halos mabaliw na nga ako
sa kakaisip sa'yo eh
Hindi nga ba't heto ako,
baliw na baliw sa'yo.
Di ba?
Na baka sakaling mag milagro
ang kapalaran
Na baka balang araw
baka balang araw ay
kaya mo rin akong mahalin
gaya ng pagmamahal ko
sa'yo higit pa sa buhay ko.
Higit pa sa mga luhang ibinigay ko
Higit pa sa mga salitang binitawan ko ngayon.

Oo guni-guni
parati ka namang nandyan di ba?
bumabalik. Lahat na lang. Paulit-ulit.


Oo guni-guni ang hirap hirap **** matanggal
Sawang-sawa na ako sa'yo.
Pero ang tanong.
Hindi ka ba napapagod?
sana'y tirhan mo rin ako kahit konti.
Ayoko na,
tama na.
this is actually a spoken-word poem
I was inspired by this Spoken-word artist name: Juan Miguel Severo!!!
hanep lang ang mga works niya!!! tagos sa puso! chos! :)

(p.s. if i have my spare time i'll try to translate this in English but for me its so good in tagalog/tula)

jerelii
12.21.15
Copyright
kingjay Jan 2019
Binagtas ang rumaragasang ilog
Tubig sa leeg ay lampas
Sa lusak pa rin sumayad ang talampakan
kahit nagsitaasan na parang alon
-makupad nang umahon

Naaninag sa tumok ng kugon ang kweba
Doon nagpasyang humimpil
Di muna bumalik ng tahanan
dahil ang sidhi ay di masupil,
ang sakit ay di matigil

Sa kapanlawan ay tumambad sa isip
ang pamana ng itay na parati sa lukbutan- isang papel
Nakasulat ang iba't ibang matalinhagang pangkukulam
di maka-Diyos, maaaring di maka-totohanan

Paano kung sisimulan sa katapusan
Masaliwa ang lahat na nagdaan
Kung makukuha ang pintuho ng paraluman
na siyang puno't dulo ng napapariwarang pag-iibigan
ay doon lamang magkaroon ng tiwasay

Bago ang kulam
Gustong isiwalat ang talambuhay
para lalo watasan
Sa bawat pahina'y mapa timbang-timbang
kung sino ang ihuhukom sa hangganan
JL Oct 2020
PAALAM
By: Lovely Joy / 26th October 2020

Paalam sa mga pangakong napako,
Mga pangakong naglakbay na sa malayo.
Sa mga katagang "walang magbabago,"
"At tayo hanggang dulo."
Sa mga salita **** binitawan
Ngunit hindi mo napanindigan.

Paalam sa mga nagdaang araw at buwan
Pero salamat pa rin sa mga masasayang alaala na naranasan.  
Paalam sa mga alaalang masasakit akin ng ibabaon
Iiwan na kita sa aking nakaraan
At palalayain ko na ang aking sarili sa nagdaan.
Yayakapin ko na ang hinaharap at ang aking  kasalukuyan.

Sa pagiging estranghero tayo nagsimula noon
Kaya magpapaalam din ako na bilang estranghero ngayon.
At para sa iyong malawak na kaalaman,
Minahal kita, OO, at minsan naging parte ka ng aking mundo
At isa kang karakter na maisusulat sa kwento ng buhay ko
Yun nga lang, matatapos ang kuwento na di ka kasama hanggang dulo.
Sabi nga sa movie na "One More Chance"
"Bash, don't ever think it was a mistake that you chose to find yourself., that you chose to love yourself a little bit more. Alam ko nasaktan si Popoy, but you said sorry for that 'di ba? Besides, nakabuti naman ang breakup niyo, 'di ba? Bash, minsan it's better for two people to break up, so they can grow up. It takes grown-ups to make relationships work."
tanda mo pa ba ang araw
araw na tayo ay magkasama
At nag sisimula palang sa umpisa
Yun yung araw na sa akin ay nagpasaya

yun ung araw na binigyan moko ng isang halik
di ko makakalimutan sa aking paglaki
Tanda mo ba ung araw na pinunasan ko ang mga luha sa iyong mata
At sinabi mo sakin na ayaw mo na di kita iniwan dahil mahal kita

sinabi ko sayo nun na sa bawat araw na dadaan
Di ko na kakalimutan ang nagdaan at ipag papatuloy natin ang pagmamahalan
ang sakit man isipin alam ko na di kana babalik sa dati
Kung pano tayo nangako sa isat isa na walang babaguhin

Tinanong ko ang sarili san nga ba ako nagkamali
san ba ako o pano bako nag kulang sa bawat sandali
binalikan ko ang nakaraan
Ngunit nakita ko lamang ang mga aalaala na masasaya na kapiling ka

Akala ko maalala ko lamang ang mga pag aaway natin at di pag kakaunawaan sa ganitong sandali
Nagkamali pala ako
maalala ko lang mga panahon na saakin ka masaya

unti unti ako dinudurog ng mga alaala
Na ikaw ang kasama
pinipilit kong tanggalin ang mga nakaraan sa akin puso
Pero ang sakit pala

Isang araw mumulat ako na magaling nako
Na alam kong handa na ko
Gumawa ulit ng isang alaala
Napatwad kana

sa muli nating pag kikita
alam kong masaya kana at masaya na din ako sa iba
kung magkaroon ulit ng pagmamahalan
hindi ko na uulitin itama ang lahat

para sakin sapat na ang aking nagawa
na kalimutan ang mga sandaling kasama ka
dahil isa na lamang tong pahina ng libro na hindi na ulit pdeng itama pa
at higit sa lahat di pdeng gayahin ng iba
Tanggap kita
Sisimulan ko ba ito sa umpisa ?? o sismulan ko ba ito sa huli
mag sisimula ako kung pano ko tinanggap ang mali
Kung paano ko handang itama ang mga Pagkakamali
mag sisimula ako kung pano ko inayos ang sakit lungkot at galit
Eto na ang umpisa
alam ko na ang bawat sandali ay may mali
alam ko na sa bawat salitang nilalabas ng bibig ay isang kasinungalingan
Hanggang sa isang beses inamin mo sakin
Na ayaw mo na at may mahal ka ng iba
masakit isipin na sa layo ng ating tinahak
ay susuko kana pala
lagi na lang sumasagi sa isip
bakit iniwan moko sa mundong ginawa natin
bakit binitawan moko sa gitna lungkot at saya
ngayon alam ko na ang sagot sa tanong na gumugulo sa isip
Iniwan moko kasi may mahal kana

nagdaan ang araw na luha na lamang ang aking kapiling
bote na lang ng alak ang nagpapawala ng sakit
dumating din ang araw na bumabalik ka
dahil nasaktan ka nya
nakita kitang umiiyak
sabi mo sakin na ang sakit sakit na
Di malaman ang gagawin kung yayakapin ba kita o hahayaan
di ko alam kung ano mararamdaman kung ako ba ay masasaktan o matutuwa
isa na lamang ang aking ginawa niyakap kita
at pinunasan ko ang iyong luha na sa sobrang dami ay basang basa ang damit
Tinanggap kita ng buo sa damdamin
tinanggap kita ng walang pag aalinlangan
kasi eto padin ako mahal padin kita
alam kong mahal mo pa sya
pero nandto ako kasi di kita kayang lumuluha nasasaktan at nahihirapan
kahit ilang beses mokong pagtabuyan
nandto padin ako di na muling lalayo sa piling mo

tatapusin ko ang pyesa na to
tanggap ko ang pagkakamali mo
tatapusin ko ito sa tatlong salita Mahal napatawad na kita
leeannejjang Sep 2017
Ilan taon na din ang nakaraan
Noong huli tayong nagmahalan.

Mga batang sabik magmahalan
Kahit ayaw ng magulang.

Naaalala ko yung mga lihim natin
Paghawak kamay sa silid aralan.

Mga tinginan kasing tamis ng candy.
Sulat na punong puno ng pagmamahalan.

Ngunit kung gaano kabilis ang atin pagmamahalan,
Ganoon din kabilis ang katapusan.

Ilang taon na din ang nagdaan,
Naaalala mo pa ba ang ating nakaraan?

Sa ating muling pagkikita,
Ang mga puso'y sugatan.

Takot magmahal dahil sa sugat na
Iniwan ng iba.

Handa na ba tayong suungin ang
Pag-iibigan naudlot?

Handa na ba tayong ipaglaban ang pagmamahalan ito?

Andito lang ako maghihintay sa sagot mo.
Sorry for the hugot. ♡
President Snow Jun 2017
Babalik ka pa ba?

Ilang makukulimlim na araw na ang nagdaan
At ilang malalamig na gabi na ang lumipas
Ngunit narito pa rin ako
Nakaupo sa pinangakong tagpuan
Binibilang ang bawat oras na wala ka
Humihiling at bumubulong sa hangin na sa bawat paglingon ko ay katabi na kita
Hindi ko na mabilang kung ilang beses na nga bang lumuha ang nga ulap
Kasabay ng aking pagiyak
Dahil sa nararamdaman kong pighati at pangungulila sa iyo

Hinhintay mo rin ba ako tulad ng paghihintay ko sayo?
Nasaan ka na ba?

Babalik ka pa ba?
Hintay po hindi ****** HAHAHAHAHAHA
HAN Oct 2018
Kamusta kana?
Ilang taon na ang nagdaan nuong ika'y aking nakilala.
Mahigit kumulang na rin ang luhang lumabas sa aking mga mata
Nuong ako'y iniwan **** nag-iisa.

Nuon pag ika'y naaalala nagwawala dahil sa nadarama.
Ngayon ako'y napapangiti na lamang sa twina.
Akala ko dati ay di ko makakaya,
ngunit heto unting unting sumasaya kahit wala ka.

Mahirap sa umipsa,
Pero nakaya
Mahirap sa umpisa, oo
Parang nilibing at hinampas ng troso.
Ako'y litong lito
hindi alam kung bakit ganito
Kung bat nilisan mo...

"Sana pala pinigilan kita
para ngayon para ika'y kasama parin
at nasa tabi ko padin."
Yan ang aking hiling sa unang linggong
ika'y hindi kapiling.
Ako'y humihiling sa bituin na sana ika'y bumalik sa akin
Ngunit tila ba'y hangin ang sumagot at hindi ako pinansin.

Mahal wag mag-alala
kasi kaya ko na ang mag-isa at wala ka.
Mas malakas na ako
kaysa sa dating nakilala mo.
Hindi na ako umiiyak pagnag-iisa
Mas kaya ko na.

Alam mo minsan ang ang tanong sa sarili ko
"paano kaya ikaw parin ay nandito?"
"Magiging kompleto kaya ang araw ko?"
Pero ang sagot ng isip at puso
"Mas mabuting ika'y nilisan kaysa minahal sa kasinungalingan.
Naging malakas ka nang ikaw ay iniwan.
Naging makata ka paminsan minsan."
Kaya alam ko sa sarili na mas maayos na na ako'y iyong binabayaan
Pero mas masaya at buo parin ang aking puso kong hindi mo iniwan sa kadiliman.

Sana, iyong malaman na ika'y aking minahal ng lubusan,
"Huwag **** pabayaan ang iyong kalusugan"
Aking huling habilin bago ka lumisan.

Tinanong ko parin ang aking sarili minsan,
"Ako ba'y may pagkukulang? O sadyang ako lang ang nagmahal sa aming pag-iibigan?"
Maraming tanong ang tumatakbo sa aking isipan pag alaala ay naalala paminsan-minsan.
Ngunit lahat ng yon ay di mo masasagot at aking  na lamang dinagdag sa tulaan.

Lahat na ata'y aking nakwento sa tulang ito.
Ito, itong tula na ito ang tanging paraan upang malaman mo
Ang pagdurusang pinagdaanan ko
nang mawala ka sa piling ko.
Ang mga pangakong binitawan mo
para bang naglaho
Pero kahit masakit ang ginawa mo
Hindi kita masisisi sa pagkukulang nagawa ko
Hindi ko masisi ang tadhana kung hindi tayo para sa dulo.

Kahit na ganito, ikaw ang nagparamdaman ng pagmamahal
Kaya hindi ko kita malimut-limutan kahit tila ba'y ako ay sinasakal.
Sadyang ikaw lamang ay minahal
kahit na isang malaking sampal
na ako'y iyong iniwang luhaan at puso'y nagdurugo sa daan
na kahit pa'y ikaw ay may iba ng mahal
kahit pa na naubusan na ang luha at letra sa aking isipan.

At heto ako ipinagdiriwang ang ating kaarawan kung saan nagsimula ang ating pagmamahalan.
Sana'y iyong malaman,
na ako'y hindi nakakalimot sa ating tagpuan at mga kasiyahan.
Sana rin iyong malaman,
ang pangalan ng ating anghel ay Adrian.
050116

Nasisilaw ang puso
Sa tangan **** Liwanag
Nayayanig ang diwa't damdamin
Lagpas-Langit ang pasasalamat.

Puno ng hiwaga
Ang pag-ibig **** alay
Hindi matutumbasan
Ang kalinga **** grasya.

Buhay Mo'y isinuko sa Krus
Salita Mo'y bukam-bibig ng kaluluwa.

Ako'y sakupin Mo, ang buong pagkatao
Ako'y kalingain Mo ng kadakilaan Mo
Ako'y alalayan Mo, Yakap Mo ang sasalo
Ako'y baguhin Mo, palitan Mo ng bago.

Sa kahit anong pagkakamali,
Sa kahit anong pintig ng sandali
Ikaw ang Gabay na Siyang magwawagi!

Daplis ng ulan o bagyong nagkukunwari
Hahawiin **** lahat, buhos ang Sarili
Sabi Mo'y talikuran ko na ang dati.

Madilim ang landas, siyang hindi patas
Mantsyang nagdaan, sa bago'y kaltas
Walang tugon, mundong nagmamataas
Tanging Ikaw, daang Mataas.

Hindi madali ang pagbabago
Puso ba'y sa Kanya'y sambit ay "oo"
Si Hesus lamang, sagot sa delubyo
Kalma lang kaibigam wag paaapekto!
elea Feb 2016
Babalik ako sa kung saan tayo ay mga bata pa
Nag lalaro, tumatakbo, tumatawa
Walang iniisip na problema
At may mga ngiting walang katumbas
Na nakikita sating mukha.

Isang umaga ang hindi ko nalimutan
Yung araw na nalaman ko na ikaw ay may pag tingin pala,
Tumingin ako sayo
Napatingin sa mga ngiti mo
Na parang nakuha ang inaasam asam niyang regalo sa pasko
Habang ika'y ay bahagyang yumuko at umiiwas na makita ko
Mga mata natin ay nag tagpo
Diko alam aking sasabihin
Gusto ko itanong sayo kung bakit ako,
Ngunit walang salita ang lumalabas sa mga labi ko.

Ilang umaga ang nagdaan na palaging tumitingin sa langit at ngumingiti sa araw
Pumipikit at dinadama ito na parang na sisilaw sa angkin nitong ningning
Iniisip kung ikaw ay makikita.
Kaya't dali daling papasok sa eskwela
Tingin doon, tingin dito
"Nasan ka ba" ang tatlong salita na laging sinasambit tuwing hinahanap ka.

Tuwing tayo ay nag kakasalubong
Parang may kuryente na sa katawan ko'y tumatakbo.
Ngingiti tayo sa isa't isa
Na parang mga batang binigyan ng sorbetes
At natuwa sa kung gaano ito katamis.

Tatapusin ko na itong tula na aking ginawa
Ito nga pala ang isa sa magagandang bagay na nangyari saking pag kabata.
Limang taon na ang nakalipas .
May mga tao talaga sating pag kabata na minsan tayong pinasaya.
"Crush" isang salita pero mapapangiti ka ng abot tenga.
-pbwf-
Taltoy Feb 2018
Taong dalawang libo't labimpito,
Sa ika-14 ng Pebrero,
Ako sayo'y nagtapat,
Mga kinikimkim, isiniwalat.

Ang sabi ko noon,
Hinahangaan kita,
Ang sabi ko noon,
“sayo ako'y nahalina”.

Ang sabi ko pa,
Mas mabuting iyong isawalangbahala,
Ngunit isang mali ang ‘king inakala,
Inakala kong ako'y madededma.

Sa isang taong nagdaan,
Ano kaya ang nagbago?
Sa isang taong nagdaan,
Sino ka na nga ba sa paningin ko?

(Mag-ingat at Iyo sanang ipagpaumanhin ang mga susunod na kataga ay rated SPH, sobrang patay huya. Ahahahah)

Sayo, may sasabihin akong sikreto,
Alam mo bang hulog na hulog na ako sa'yo?  (Haaaaaaayst)
Di ko na alam kung ang lahat nga ito'y paghanga,
Dahil ngayon, ika'y minahal ko na yata.


Alam kong tila maling sabihin ang katagang “mahal”,
Sapagkat walang nakatitiyak ng tunay na kasagutan,
Ngunit sa isipan ko, di ka na matanggal,
Ano pa ba ang kahahantungan?

Sa isang taong lumipas,
Di ako nagsisi,
Sa isang taong lumipas,
Nagpapasalamat ako sa mga nangyari.

Sa simple kong pagtatapat,
Nang damdamin koy aking isiniwalat,
Pinatay man ako nga kaba,
Ayos lang, bastat para sayo sinta.

Ang isang taon koy naging makulay,
Ang isang taon koy napuno ng katuturan,
Ang isang taon koy nabigyang buhay,
Sa muling pag pintig ng puso kong nasayo na nang di ko namamalayan.

Mapait man ang katotohanan,
Walang “tayo” sa kasalukuyan,
Subalit puso ko'y tumitibok parin para sa'yo,
Kaya kung papayagan mo, maaari ba kitang masuyo?
Pintig, pintig ng puso kong umiibig
G A Lopez May 2020
Ilang Huwebes at Linggo na ba ang nagdaan?
Ang aking mga bestida na nakalagay sa aparador ay laging pinagmamasdan.
Sa oras ng alas singko'y tumutunog na ang aking selpon
Magiinat at babangon.

Sinisikap kong laging makapunta sa kapilya
Doon sa tahanan Mo'y laging nadarama
Ang pag-ibig mo at pagyakap sa akin sa tuwina
Doon sa tahanan Mo'y naidudulog lahat ng aking nadaramang sakit at problema

Hindi na po kami makapaghintay Ama
Nais na po naming makabalik sa mahal **** Iglesia
Kung saan itinuturo sa amin ang iyong totoo at mahahalagang aral at salita
Ngunit alam kong darating ang araw, kami'y muling magsasama samang sa Iyo'y sasamba.

Nagkaroon man ng isang pandemya
Ngunit hindi nito napigil ang aking pananampalataya
Narito pa rin at masigla
Tunay na maawain at magpamahal Ka.

Kahit sa aming sambahayan ay iginagawad pa rin ang pagsamba
Sapagkat hangad naming Ika'y bigyan ng papuri at awitan ng kanta.
Ang laging panalangin ay 'wag sana kaming kalilimutan, o Mahal kong Ama
Kaming Iyong hinirang na sa Iyo'y lubos na nagtitiwala.

Nasasabik na ang puso't kaluluwa ko
Ang magpunta sa tahanan Mo
Sa madaling araw na pagsamba
Bumabangon ng maaga at mapapasabing,
"Oras na upang maghanda, hinihintay na ako ng Ama."
Taltoy Jul 2017
Ang lahat ay may umpisa,
Ang lahat ay may pinagmulan,
Kalungkutan man o ligaya,
Ang maaaring kahahantungan.

Sa bawat pagsubok na haharapin,
Tagumpay o kabiguan ang aabutin,
Ito'y pagsisikapan,
Kahit sakit man ay umulan.

Pero lahat ay gagawin,
Hanggang sa kayang abutin,
Hanggang sa huling patak ng dugo,
Ibubuhos hanggang sa huling yugto.

Tatanggapin ang kalalabasan,
Tatanggapin kahit ano man yan,
Kahit masaktan man,
Tatanggapin ng aking kalooban.

Dahil ito ang aking destinasyon,
Sa byahe ko kasama ka,
Sa panahong nakasama ka,
Ngayon, ang oras ko para bumaba.

Salamat aking sinta,
Salamat sa ligayang iyong dala,
Salamat, kahit ito'y panandalian,
Maraming salamat, aking kaibigan.

Ang kwentong di natin inakala,
Ay nasa huli na palang kabanata,
O kay rami kong natutunan,
Mula sa mga bagay na nagdaan.

Ito'y aking kayamanan,
Umabot man ang katandaan,
Itong karanasan,
Di matatanggal sa isipan.

Heto na ang huling pahina,
Huling pahina ng ating kabanata,
Ang kabanatang ito'y lalagyan ko ng bantas,
Isang tuldok: katapusan ng aking kalatas.

Ang kalatas ng aking paghanga.
Ito ang sa tingin ko'y huli na, para sa'yo aking sinta, bilang iyong tagahanga.
clarkent Aug 2017
Noon gumagawa ng tula
Tungkol sayo at saking pangungulila
Sabi ko, andito ako at hihintayin kita
Kahit pa masaktan basta sabi ko, mahal na mahal kita
Parepareho lang ang tema
Laging tungkol doon ang nalalathala
Yung paghihintay na muli'y mapasaakin ka
Sabi ko, sige na, pagbigyan mo na
Pagbigyan mo na na tayo ay maulit pa

Ngayon sabi ko,
Tama na muna siguro
Wala naman kasing nangyayari sa lahat ng sinasabi ng mga tula na 'to
Kahit sabihin mo pang mahal mo pa rin ako
Yung isip ko lalo lang gumugulo
Siya pa rin naman ang hawak mo
Tapos satin wala namang nagbabago
Di ako napapagod magmahal at maghintay sayo
Pero naisip ko, sa susunod na lang aasa sa "tayo"

Bukas, malay mo magkatagpo na naman
Dito, doon o saanman
Malay mo baka pwede nang muling simulan
Yung naputol na pagmamahalan
Kung kaya nang ipaglaban
Kung kaya nang panindigan
Kung kaya nang kalimutan
Yung masasakit na nagdaan
Kung nanaisin nang muling balikan
Saka na lang ulit natin pagbiyan

Mahal, gusto ko lang sabihin
Laman nitong puso't isip ay ikaw pa rin
Habambuhay nang nakatatak sa paningin
Ngunit akin munang palalayain
Sa malayo na lang kita hihintayin
Sa malayo na lang muna kita mamahalin
Hindi na muna kita pipilitin
Hayaan na lang muna natin
Kung saan tayo dalhin ng hangin
Dun na lang muna aasa, sa tayo ay muling pagtagpuin
Ayelle Garcia Jun 2015
Bigkis ng nakaraang napagtanto,
Kamalayang pawang kay gaan.
Pero sa malay ba ng musmos na santo
Kung panaginip ba or mapaglaro ang nagdaan.

Hindi ko lubos iisipin kung mag-isa ang hangin
Sa pagtulak ng mga batingaw,
Bagkus umusbong na ang talinghaga't tingin
Sa musmos na pumanaw na sa katotohanang pumukaw.
one of the rare times I write poems in the Filipino language, and it's hard to translate some of the words cause they're deep and the meaning changes. but props to the rare times I write in my native language.
ZT Nov 2017
Ikay'y iniwan
Sabi raw'y babalikan
Pero ilang taon ang nagdaan
Siya ba'y asaan?

Habang ika'y nauumay
Sa kanya'y kahihintay
Ikaw pala'y tuluyan nang itinapon
Kinalimutan pati ang inyung kahapon

Habang kasi siya'y nasa malayo
Nakahanap na pala ng bagong kalaguyo

Babalikan raw yon ang sabi niya
Kasi akala niya noon importante ka pa
Noong kasama mo pa siya
Akala kasi niya mahal ka pa niya

Pero nung umalis siya at malayo kana sa kanya
Doon nya napagtanto na mahal ka niya
Ay hindi na pala
Kaya kinalimutan at binasura ka na

At naghanap ng iba
At bumuo ng mga bagong ala-ala

Habang ika'y walang malay sa nangyari
At sa kanya'y naghihintay
Na bumalik sa iyong tabi

O, parang gago ka lang diba
Ang tawag jan ay tanga

Kasi ginago kana't niloko
Patuloy parin ang pagmamahal mo
Na try mo na ba maging tanga?
G Oct 2020
• • •
Bigo, yan ako labing-limang araw bago ka dumating
Pinaasa sa mga susunod na araw na hindi naman pala makakamit
Niloko sa hindi malamang kadahilanan kung bakit
Panay ang tanong sa isipan kung bakit ako pa ang napili
Na nananahimik at wala namang balak manakit

Sabi ko tama na't huwag nang umasa pang muli
Dahil sa henerasyon at ikot ng mundo ngayon,
Ang makatagpo ng taong kayang suklian ang pag-ibig na meron ako
Ay parang inaabot ang langit sa liit kong ito

Pero mahirap nga naman talagang pigilan [minsan] ang nararamdaman
Na kahit ilang araw pa lamang ang nagdaan
Umaga, tanghali, hapon, gabi habang naghahapunan
Ay laman ka na lagi nang aking isipan

Hep hep hep!
Sinabi nang saglit!
Masyado kang makulit
Hindi ka na bata na dapat pang paluin sa puwit!

Pero eto, seryoso na ulit. . .
Bakit ba kasi umaasa pa nang paulit-ulit?
Eh nasa harapan na nga yung sagot na wala ka naman ngang ****
Kahit sa totoo lang may konti nang sakit

Nakakatawa lang din minsan, ano?
Hindi ko lang sigurado kung yung tadhana lang o pati ako
Na alam namang mapaglaro
Pero sinasabayan yung agos kahit alam na hindi sigurado't [minsan] delikado

Risk taker nga ako, hindi ba?
Pero may kaduwagan sa aking kalooban at ayaw ko pang bumigay
Kasi hindi ko pa kayang mapalayo ka't baka magpaalam na nang tuluyan
Kaya dito na muna ako sa isang tabi,
Na muli nalang maghihintay sa iyong susunod na mensahe.
• • •
George Andres Nov 2017
Maaari na ba 'kong magsulat muli?
Wala nang pagkakaiba ang pula at puti
Sa dilim na bumabalot unti-unti
Lalamunin ng dagat ang buhanginan
at tatapyasin ng hangin magulo kong isipan
Maghihimutok ang buwan sa araw na nagdaan
na hindi ka sinuyo o kinausap man lang
Aaraw na sa mga susunod pang oras
Tutuyuin ang pag-agos ng ilog na marahas
Walang direksyon ang kamay kong nanginginig
Nagniniig, sumisikip, kumakapit sa malamig na ukit
ng paghaplos ng mga mata sa larawan mo
Nagtatalo, nagpupumiglas, ang hawlang banat at butas
Lilimutin ko ang kapayapaan ng iyong mga labi
na walang sinambit na salitang ihahabi
Ang oras na hinintay upang masabi
na darating din ang huli at takipsilim
Babalutin ka't kakanlungin sa aking lambing
Hindi ka na mag-iisa't lalasapin ang ligaya
Katulad **** nalulumbay mag-isa ako dito sa'king hukay
Hawakan mo naman ako sa aking pagkakahimlay
Sa bituin **** kumikislap ako'y natatangay
Nawawalan ng malay kumakaway sa ngiti
Nawawala ang pighati't lumalaya ang mga berso
Kumakawag sa lalim ng karagatang inilimlim
Ako sa hangin na para bang inakay na naghihintay
Naghihintay pa rin at nalulumbay kung wala ka
Para bang hindi nauubusan ng salita
Lumalamang ang hiya na kahit kailan Mayroon bang sapat upang mahalin ka't hangaan ang iyong bawat galaw
Bawat perpeksyong hindi alintana ang mali
Sa inpatuwasyon ng pagkabulag ko
Hindi nakita ang pagbagsak
ng luha ng tuhod ng balikat sa kaba
Sa isang iglap naglaho ka na akala ko ba
Ako ang nang-iwan sa ginaw kong aba
10117

— The End —