Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Pinipilit baguhin ang sarili
Upang matanggap ng nakararami
Piniling magpaka perpekto
Ngunit tila di na kilala ang sarili ko

Ni hindi na makuhang maging masaya
Dahil pinipilit na punan ang inaasan ng iba
Puso'y nalulunod na sa luha
Hanggang kailan mawawalan ng laya?
Para sa mga taong gapos ng lipunan
Hindi alam kung tama pa ba?
Ang nararamdaman ko para sa kaniya
Pag-ibig na tila ipinagbabawal
Hahayaan ba ang pusong sumugal?

Puso'y sumasaya kapag kausap siya
Ngunit alam kong ako'y pansamantala
Habang di pa tugma ang nararamdaman ng dalawa
Ako muna ang pamalit sa kaibigan kong napakahalaga
Para sa mga taong pansamantalang binibigyan ng atensyon
Habang wala pa ang kaibigang dapat siya ang karelasyon
Hindi ko alam kung anong mali sakin
Bakit tils di ako kapansin - pansin
Ni walang gustong makipagrelasyon sa akin
Hindi ba ako karapat dapat na mahalin?

Hanggang ngayon ay naghihintay pa rin
Dahil alam kong lahat ng tao'y may kapareha din
Kung hindi man siya ngayon dumating
Aasang may magmamahal pa rin
Para sa mga taong naghihintay pa rin
Paulit - ulit na sinasambit ang salitang mahal kita
Hindi ko na alam kung pareho pa ba ng nadarama
Dahil tila ika'y nanlalamig na
Maari ko bang itanong kung meron nang iba?

Handa naman akong palayain ka
Ayoko nang maramdamang di na ako ang mahalaga
Kaya naman kitang makitang masaya sa iba
Ngunit iyo na rin sanang palayain ang puso kong pagod na
Para sa mga taong handa nang lumaya
The midnight was filled with peaceful minds
While I'm still awake staring at the dim light
Different thoughts coming on my mind
Different scenarios I imagine that night

My heart is like a crumpled paper
I remember the time that we're still together
And you also said that I need to get over
Because we are not the one who meant for each other
This poem is for the people who has an imaginative mind and still not ready to let go the past
Habang pinagmamasdan mga tala sa kalangitan
Iniisip kung ako pa rin ba ang laman ng iyong puso't isipan
Ni hindi mo na ako magawang tingnan
Ikaw pa ba ang aking unang minahal?

Sana'y sabihin nalang ang tunay na nararamdaman
Kung ako pa ba ang iyong minamahal
Nang magawa ng palayain pusong nasasaktan
At pag nangyari iyon ay wala ka ng mababalikan
Para sa mga taong kinalimutan
At handa nang lumaya sa sakit ng kasalukuyan
Mag aaral ng mabuti para sa kinabukasan
Hindi lang para sa sarili para na rin sa bayan Magandang trabaho at magandang pangalan
Aking pamilya, saki'y inaasahan

Ginawa lahat ngunit di kailanman sumapat
Mas inuuna ang pamilya dahil yon ang dapat
Ni hindi makuha ang suporta na nararapat
Pamilya nga ba talaga itong maitatawag?
Para sa mga taong inaasahan ng kanilang pamilya
Next page