Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Marg Balvaloza May 2019
Sa higpit ng iyong mga pagkapit,
nais ko sanang magtanong ng “bakit?”
ngunit labi ay di makapagsalita, na tila ba ang dila ay naipit at napilipit.
Ayaw ko pa sanang tuluyang mapalapit,  
dahil baka sa huli, ito'y magdulot ng sakit;
ngunit kung sakaling mga damdamin ay di na mapigilang
magkalapit,
samahan nati’y ayaw ko sanang magdulot ng pait,
at mabigat na pasakit.


© LMLB
It was that day when I can strongly feel your hands holding mine. From your sweetest words and intimate eye contact, I can't help but to feel that sparks between us.
Nevertheless, I wouldn't mind these feelings for you if we'll just end up having that bitter and sour feelings for each other.
-
Let's just keep it this way. This is the only way I know to keep you closer next to me.
4.01am. // 05.01.18
japheth Jun 2018
nanghihikayat
nanaman
ang mga ulap
na sabayan ko siya
sa kanyang pagluha;

dahil
sa lakas
ng patak ng ulan
kaya niyang balutin
ang aking pagiyak
sa pighati
na aking nararanasan.
this one’s written in my language, Tagalog
for those who want to understand it,
here’s a rough translation:

the clouds beckon me
to join his sorrow;

because
the loud sound
of the rain,
can mute
my cries
because of the pain
i’m experiencing.
mahal
masanay ka na
sa mga bati sa umaga,
sa kamusta,
sa nakauwi ka na ba,

sa mga tula,
sa mga tamang tugma,
at huwag kang mag-alala

hindi lang 'to sa umpisa
dahil hangga't nandiyan ka
hindi ako mauubusan ng mga salita.
梅香 Jun 2018
hindi ko makakalimutan
kung paano mo hinawakan,
ang aking mga kamay
noong ako'y nalulumbay.

binawasan mo ang aking pagdadalamhati,
at ibinalik mo ang ngiti saaking mga labi;
kasiyahan ko'y ikaw ang pinagmulan,
presensiya mo'y lagi kong inaabangan.

ngayon ako'y iyong iniwan,
at puso ko'y tunay na nasugatan.
sino bang mag-aakala
na ang dating dahilan ng aking saya,
ngayon ay sanhi na ng aking mga pasa.
paalam saating maliligayang araw.
leeannejjang Jun 2018
Tulala sa labas ng bintana.
Matindi ang trapiko sa Manila.
Busina dito, busina jan
Habang bumubuhos ang matinding ulan.

Madami tumatakbo sa isipan ko.
Mga bakit at mga paano.
Bakit natapos tayo agad?
Bakit hindi mo ako pinili?
Bakit ako lagi naiiwan?
Bakit tayo naging ganito?

Madami beses mo na din sinabi sa akin ang sagot.
Paulit ulit ito sa utak ko.
Sa mga sagot mo umugat ang mga paano.

Paano kung hindi tayo naghiwalay?
Paano kung ako pinili mo?
Paano kung ako ang nangiwan?
Paano ko hahanapin ang sarili ko?
Paano kita papatawarin?

Bumubuhos ang ulan.
Hindi ko namalayan pumapatak na din pala ang mga luha ko.
Pitong buwan na simula ng naghiwalay tayo

Pero bakit para kahapon mo lang ako sinakatan?
leeannejjang Jun 2018
Isang araw magigising ka na lang,
Ayaw mo na umiyak.
Ayaw mo na malungkot.
Ayaw mo na masaktan.
Ayaw mo na sa kanya.

Ilang araw ka ba umiyak sa loob
Nga kwarto kayakap ang mga unan
**** basang basa na mga luha?
Isa, dalawa, tatlo.

Pinilit mo ngumiti araw araw.
Tapikin ang iyong balikat
At sabihin "Ayos lang yan. Lilipas din yan".

Ilang gabi mo inisip ang mga paano at bakit na hindi nasagot ng tao akala mo'y hindi ka papaluhain?
Isa, dalawa, tatlo.

Lumipas ang panahon.
Lumubog ang araw, nagpakita ang buwan.
Sumikat muli ang araw.
Nagising ka.

Ayaw mo na.
Ayaw mo na sa mga pangako'ng napako.
Ayaw mo na sa matatamis na salitanv puro sugat ang dinulot.
Ayaw mo na sa kanya.

Isang araw nagising ka,
Hindi mo na tinapik ang iyo balikat.
Sa halip, gumising ka na puno ng pagasa.

Ngunit, bakit tila may kirot pa din sa iyo mga mata?
Nagising ka na ba talaga?
O nasanay ka lang sa sakit na iyo nadarama?
Sumasabay sa buhos ng ulan abg emosyon.
Bato sa balat,

Hayaan **** lumapat ang ‘yong kahinaan sa mahinahong baldosa

Payagang lamig ay yumanig sa bawat panig ng iyong katawan

Mula sa kalamlaman ng iyong talampakan hanggang umabot sa–

Pagitan ng iyong mga hita, paakyat sa kalamnan, patungo sa dibdib

Hanggang maramdaman nginig na dala ng iyong pag-iisa.



Ipagpaliban mo muna ang mundo

Ilaw sa paningin,

Hayaan **** angkinin ka ng daang-daang mukhang nasasalamin sa bawat tisa

Tignan ang iyong mga nakikita, ikaw ngayon ay nakakahon sa bato–

At mga multo na iisa lang ang mga mukha’t hinaing

Payagang ika’y ariin ng kanilang mga nanlilisik na titig,

Huminga ng malalim at iyong sabihing

Ginusto mo ang linggatong na ‘to

Mata sa dutsa,

Tumingala hanggang kadahilanan ay magunita

Ang iyong katwiran kung bakit pinili mo ang kapangahasan

Hamakin ang sarili’t magnilay-nilay sa nagbabadyang kasalanan

‘Di hamak naman na mas ikakasaya mo ang pait–

Ng paglalapastangan sa sarili nang ilang makamundong saglit

Pagbigayang mabasa ang sarili



Silakbo sa kawalan,

Ipikit ang mga mata’t pakiramdaman ang daloy ng tubig sa’yong balat

Ipaanod sa agos ang haplos ng pighati’t pagtitimpi

Sa mahigpit na bisig ng isang mapanghusgang mundo

Tikman ang hagod ng malamig na pelus sa iyong mga labi

Sumidhi sana ang pagdanak ng init ng pagnanasa sa bawat bena

Mahalin mo ang iyong pagkatao

Makipagtalik sa sarili,

Ibigin **** maibigan ang pagiging makamundo’t makasalanan

Ibaling ang pansin sa pagpapalabas ng himutok

Muling sabihin na hindi makasarili ang pagnanasa sa sarili’t

Ulit-ulitin ang pagbaluktot ng diwa’t isipan hanggang ito’y tumatak,

Hanggang sa mabulalas mo ang iyong mga suliranin

At matapos ang lahat ng iyon hindi mo maiiwasan–



Pagkamuhi sa sarili.
astrid Jun 2018
salamat,
sa pagpiling laruin ang aking mga daliri
na tila hindi alintana ang pasmang taglay
na kung lumuwag man ang kapit ko,
ay mas hihigpit ang hawak mo
kung dumulas man ang palad ko,
ay hahatakin mo ako pabalik
patungo sa piling mo
upang hindi tayo maligaw
sa ating mga sariling halik.

salamat,
dahil ilang beses kong pinasalamatan ang kalahatan
pati ang tila pagyakap ng mga unan
sa iyong bawat pagtahan
ang mga salitang kaakibat ng kalungkutan at kasiyahan
at pagmamahalan,
na kung susuriin ay pilit na lumalaban
kahit paulit-ulit kitang pinapahirapan.

salamat,
sa araw-araw **** pagbati ng "magandang umaga"
kahit ikaw ang sanhi ng pag-aalinlangan
kung tama bang magpahatak sa iyong kanlungan.
ilang beses ko bang pagdududahan
ang boses **** tila kandungan
hindi ko man hiningi
ay hinandog ng kalangitan
sa likod ng mga telepono'y nagngingitian
ngunit pipiliin kong ang akin ay hindi mo masilayan
dahil puno ito ng kalungkutan.

salamat,
sa mga pangakong matulin ang pagkakasabi
na bago pa man bigkasin
ay batid ang mariing katotohanan
na paulit-ulit lang itong maglalaro sa isipan.
kahit ilang beses kong pagbawalan ang mundo
na bitiwan mo ang kamay ko
ay nasasakal na ang mga daliri
at humihina ang aking pulso.

salamat,
dahil ang relasyong ito ay tila hindi matatakasan
ang pangungusap na nabubuo'y nagtatapos sa kuwit
at ang mga katanungan ay sinagot ng pilit.
ang bawat "mahal kita" ay naging nakaririndi
nagbabalitaktakan kung kanino ang mas dinig
pilit man lakasan ang aking tinig
ang panawagan kong umalis ay hindi mababatid.

salamat,
kahit paulit-ulit kitang pakawalan sa aking puso
ay mahigpit ang iyong kapit
na sa sobrang higpit ay tila paulit-ulit ding nagdurugo
pati ang isip kong tila gumuguho
dahil hindi ka lumalayo.
patuloy man ang aking pag-ayos
at nagtamo pa ng maraming galos;
ay patuloy din ang iyong pagsira
dahil pareho tayong lumuluha.
j.s.
cherry blossom Jun 2018
naaalala ko ang lamig ng tubig sa mga balikat natin
mga oras na tumigil ka sandali,
at sumuko
tinanong mo ako tungkol sa mga panaginip ko kagabi
sinusuklian mo ako palagi ng ngiti
mga oras na tayong dalawa lang ang may alam
4/30/18
Next page