Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Eugene Feb 2018
I.

Naalala mo pa ba ang mga sandaling tayo ay magkasama?
Sa isang pampasaherong bus ay nakasakay tayong dalawa.
Magkatabing nakaupo sa pang-dalawahang upuang malapit sa bintana,
At magkahawak ang mga kamay na nakangiti sa isa't isa.

II.
Mahigpit ang pagkakapulot ng ating mga kamay nang mga oras iyon,
Kulang na lang ay posasan tayo upang hindi paghiwalayin.
Ako naman ay ngiting-ngiti at sulyap nang sulyap sa iyo habang nakatanaw ka sa labas,
Hindi alintana ang mga matang nagmamasid sa napakalambing **** mga bakas.



III.
Hindi ko maipaliwanag ang damdamin ko sa bawat alaalang ikaw at ako ay naging tayo.
Nang minsang dalawang oras tayong naghintay sa EDSA dulot ng trapiko,
Malinaw na malinaw pa sa puso at isipan ko ang mga katagang isiniwalat mo;
"Okay lang na ma-traffic tayo. Ang mahalaga magkasama tayo."


IV.
Ipinagpatuloy mo ang mga tinuran **** nagpataba sa aking puso;
"Ang mahigpit **** hawak sa mga kamay ko ang gamot sa bawat inis na nadarama ko sa tuwing mabagal ang daloy ng trapiko."
Nginitian mo ako at masuyong hinalikan sa ang aking pisngi na ikinagulat ko;
at sabay bulong sa tainga ng mga salitang "Mahal Kita kahit hindi na umusad ang sinasakyan nating ito."

V.
Ngunit ngayon ay wala ka na at iniwan mo na ako.
Kinuha ka na sa akin ng Panginoon at hindi na magkasama tayo.
Pero hindi ko pinagsisihan ang mga alaalang tayo ang bumuo,
Mananatili ka magpakailanman, mahal.. dito sa aking puso.
Euphrosyne Mar 2020
Sabay nating binili ang pula
Na doon siya namang nagmula
Ng pagkulay ng aking puso't mundo
Noong sinabi nilang couple shirt tayo

Dama ko namang
Sinama mo lang
Kaibigan natin
Para di siya iwan.

Dama ko namang
May nararamdaman
Ang inosenteng puso mo
Na ako namang tinanggap ito

Lubos akong natuwa
Sa kadahilanang inalay mo
Ang puso mo
Sa isang nilalang na katulad ko

Kaya sa araw na pula
Papangitiin ka hanggang mamula mula
Mga pisngi **** kay ganda
Sa tuwing ngingiti ka

Ano ka ba
Bakit mo ito ginagawa sakin
Akoy lalong nahuhulog
Sa tuwing nakikita kang nakangiti

Kaya sa araw na pula
Papangitiin kita lalo
Hanggang pisngi mo'y mamula mula
Kahit hindi ko na sabihin sayo ako'y lalong nabibihag mo.

Kaya puso ko'y kulay pula
Dahil sayo binigyan **** kulay
Ang puso kong dating patay na
Kaya namang nasulat ang tulang pula
Dahil namula narin ang puso kong dati namang hindi kulay pula.
Dahil sayo nagka kulay ang aking mundo. Salamat sayo mahal kong Diane.
Katryna May 2020
ika limang taon mula nung nakahalukay ang facebook ng isang litratong may tatlong taong nakangiti.
ikaw
ako
at ang isa pa.

ang sarap balikan,
ang sarap ramdamin,
ang sarap na din limutin.

o baka limot ko na ang
nagdaang ala-ala
o baka limot ko na eksaktong pangyayari
at ngayon,
ang tangi ko na lang nararamdaman ay ang kailangan kong ngumiti
dahil may camerang nakatapat sa aking mukha.

at kung bakit andun ka, katabi at pareho tayong nakangiti,

ay un dahil may camera sa atin na nag aabang upang gawin ang tama at yun ay ang ngumiti.

hindi ko na maalala,
ang eksaktong estado nating dalawa
nung panahong iyon
pero base sa caption ay last day na ng isa nating katrabaho.

pero bakit nung biglang bumungad ito sa aking social media,

lungkot ang nadama?
ang tagal na nating magsama,

may sarili ka ng buhay kasama sya.
at ako kasama pa din kita,

sa aking memorya
masaya man o malungkot,
nanghihinayang man o lumuluha.

at pangako,
na balang araw
pagkatapos ng lahat ito.

makakangiti ulit tayo,
magkasalubungan man tayong may kanya-kanyang kasama
o baka ako wala,

asahan **** ngingiti ulit ako tulad ng nangyari at nakita ko sa ating litrato.
#memories #alaala
William Tubera Sep 2017
Kumalabit
dugo'y dumilig
kasama ang nangilid
na patak ng luha
at sa kabila
ay sa usok ng bakal
nakangiti

Mga Gintong
ihinagis sa mga buwaya at babuyan
Ngunit mga baboy at buwaya’y walang pakialam
Wala na ngang pagkaalam
Basta kain lang, lamon lang.

Umuusok sa dami ng nakisakay
Mga pekeng tagapalakpak
nakakabasag na halakhak
Mga nakakakita, nabubulag
sa tila Pyesta ng de-kalabit
Iyak di marinig
sa mga manhid
na nakamasid

Tago, takip, tagpi
itinuring na tama ang mga mali
Teka, karapatan mo’y imamali
panandali?
at ang mga baho ng kamalia’y pilit ikukubli?
Binalot ng tama kunwari

at sana huwag ka nang magtaka
Huwag n’yo kaming gawing tanga!

Sa ngayo'y mananahimik sandali
Hindi ba’t parang gulong lang ‘yan?
kaya matutong maghintay
sandali, madali . . .
Eloisa Oct 2019
Hawak-kamay, sabay na tinahak ang makinang na dalampasigan
Patuloy sa paghakbang at paghila sa animo'y hindi dumarampi sa buhanging mga talampakan
Mga palad na magkayakap, mga daliring magkaniig
Dalawang pares ng matang nakangiti na ayaw bumitiw sa pagtitig
Kasabay ng umaawit at mabining pagaspas ng alon
Sumakay sa bangka patungo sa paraiso'y masayang sumagwan
Subalit sa masayang paglalakbay ay may humulagpos na unos
Paligid ay nilamon ng dilim, dumaan sa langit ang kislap ng talim
Bangkang sabay na sinasagwan, tumaob at tinangay ng agos
Sa gitna ng laot, sabay ding nilamon ng dagat at sa ilalim bumulusok
Patuloy ang delubyong pilit na pinaghihiwalay ang magkahugpong na kamay
Pilit pa ring lumangoy at magkasamang sumampa sa bangkang gutay-gutay
Niyakap nang mahigpit ang kilalang bisig kahit nakapikit
Hindi man mapigil ang higanteng alon at malakas na buhos ng ulan
Nangangatal, nangangalay man ay hindi huminto sa pagsagwan
Muntik mang malunod sa sigalot na mainam na nakaungos
Kumalma ang dagat, natawid ng gabi ang umaga sa gitna ng digma at unos
Mula sa dalampasigan, sa laot at sa dulo ng mga puso
Mamamayani ang pag-ibig sa malawak at mapanghamong mundo
~ I hope to translate this piece to English.
Marg Balvaloza May 2018
Sariling puso at isipan ay minulat na sa katotohanan
Sapagkat dumating na ang araw na aking kinatatakutan
Siya ay nagpasya na nang tuluyan para ako ay kanyang iwan
Magpapalayang nakangiti kahit puso’y lunod sa  k a l u n g k u t a n

© LMLB
04.20.18
Eugene Oct 2018
Nagsisimula nang humakbang ang aking mga paa,
Ilang sandali na lamang ay masasaksihan ko na,
Na mararamdaman ko na ang pakiramdam na tayong dalawa ay magiging isa,
At habambuhay na itatatak sa puso na tayong dalawa ay magkasama.

Sa suot kong kulay puting kasuotan ako ay nakangiti,
Habang dahan-dahang naglalakad patungo sa iyong tabi.
Hindi ko mapigilang mga luha ay umagos mula sa aking pisngi,
Ito na nga ang pinakakahihintay kong pinakamasayang sandali.

Parang kailan lang nang una kitang masilayan,
Dito sa dalampasigan ay mag-isa kang nag-aabang habang ang mga mata ay nasa karagatan.
Naka-upo sa buhanginan at pinagmamasdan ang kalangitan,
Malalim ang iniisip at hindi ko maarok ang kailalaliman.

Nang ika'y lapitan, sa mga mata mo'y pansin ko ang kalungkutan,
Ako ay natigilan pagka't hindi ko alam kong nararapat bang tuklasin ang iyong pagkakakilanlan,
O hahayaan na lamang kitang pagmasdan o basta na lamang kitang iwanan.
Ngunit nang ika'y magsalita, nangyari ang kabaligtaran at doon nagsimula ang ating mahahabang kuwentuhan.

Sinong mag-aakalang sa isang tulad ko ikaw ay pakakasal?
Konserbatibo at mahiyain na ang tanging alam ay mula sa kabihasnan?
Hindi katulad **** Inglesero, palabiro, at hindi mabilang ang kapintasan?
Pero kinalaunan, lumabas din ang natatago **** kabaitan at kasipagan.

Ilang hakbang na lamang ang lapit ko sa iyo,
Pero humahagulgol ka na, inuunahan mo na naman ako!
Magkagayunpaman, mahal ko ang isang tulad mo,
Dahil sa iyo, nabuo ang isang tulad **** ikaw at ako!
Bryant Arinos Jan 2018
Susunduin kita, baka maghintay ka nang kaunti
Darating ako, baka pawisan pa at naiihi
Wala pa akong kotse kaya sa jeep tayo sasakay
Pero sa buong byahe natin, ‘di ko bibitawan ang iyong kamay.

Kakain tayo kahit saan sa may Maginhawa
Tapos magbibiruan habang malakas na tumatawa
Sobrang bundat tayong pareho uuwi
At may mga tinga man, pareho tayong nakangiti.

Ihahatid kita kahit saan ka pa nakatira
Kahit inaantok na ako, baka nga tulugan pa kita
Pero hindi ko gagawin yun hanggat hindi pa kumakalso
Sa manipis ko ngang balikat ang napakaganda **** ulo.

Hindi perpekto ang mga panahong kasama mo ako
Hindi kumpleto ang ako na kakilala mo
Ikaw kasi sana ang pupuno sa aking mga kakulangan
Kaso kinompleto ka na niya. At hindi mo na ako kailangan.
Achlys Nyx Jul 2020
Hibang na nga ba ako?
Siguro nga,
Hindi ko na maikakaila
halata sa mga matang nakangiti
sa kurba ng labing tila 'di nangangawit
sa bilis at lakas ng tibok ng puso
ng isang taong umiibig.
Kabisado ko na ang gano'ng pakiramdam,
sa  mga gantong pagsulat ko ng liham
at pangalan mo ang tumatakbo sa'king isipan.
bakit kailangan sa harap ng iba Kunwari nakangiti ka?
kahit ang totoo sa loob loob mo hindi naman talaga.
bakit kailangan sa paningin ng iba  ipakita **** Kunwari matatag ka?
kahit na ang nararamdaman mo ay nanghihina ka.
bakit kailangan sa kaalaman ng iba Kunwari malakas ka?
kahit ang totoo mabubuwal ka na.
bakit kailangan sa harap ng iba mag kunwari masaya ka?
kahit ang totoo durog na durog kana.

Dahil ba mas ok ng malaman nila na ok ka,kaysa ipaliwanag pa yung totoong nilalaman ng puso mo?
O Mas maigi na siguro ang mag Kunwari kaysa ipakitang Mahina ka.
kasi hindi lahat ng pinapakita sayo na Pag-aalala ay totoo.
not all people that showing you a care is real.sometimes they just ask to get some information  to make you down.
Nichole Sep 2017
Unti unti kahit pinilit
Puso Kong dito na lang ba sasabit
Eto ka nakangiti at masaya
Pero ako sobrang pigil na
Hawak ko Rosas para saiyo
Inipon ko Simula agosto
Mahirap lang kasi ako
At gusto ko masabi na tong nararamdaman ko
Isa,dalawa,tatlo,
Tumingin ka sakin mula paa hanggang ulo
Nanginginig nanaman ako
Pilit kong inabot Rosas na hawak ko
Habang nakayuko ang ulo
"Para San to?" Tanong mo
"Mahal Kita" sa wakas naamin ko
Tatlong hakbang palayo
"May boyfriend na ko"
4 na salitang nagpaguho sa mundo
Nabitawan ang rosas na hawak ko
At unti unting tumulo luhang pinigilan ko
sad ?
Hoy ikaw, ayoko umasa pero ba't ganun?
Ako lang ba o pinapahaba mo talaga convo natin?
Tuwing nagchachat tayo hindi ko namamalayan nakangiti na pala ako.
Huwag mo ako pahirapan.

Oo na, crush pa rin kita pero mas lamang pa rin si ano eh.
Alam ko iba gusto mo, kilala ko yun eh.
Wala naman nagkakagusto sakin.
Kahit masakit, tanggap ko.
Mas masakit pa rin magkagusto sa hindi ka gusto.
Friends tayo, alam ko.

Parehas kayo ni ano, friends ko lang.
Ayos lang, tanggap ko.
Ganun naman talaga haha pero kasi..
Sana Kahit isa man lang sa inyo, maging akin naman.
Quit playing games with my heart-BSB
Wynter Feb 2019
Naloko na
Nakangiti habang pinapanuod ka
Kabisado bawat anggulo
Nahumaling sa bawat ngiti mo
Naloko na
Sa mata **** nakakahalina
Alam kong hindi kita kayang abutin
Ang lohikang ay kay hirap sundin
Naloko na
Kokote'y hindi na ata gumagana
Sa distansyang kailangan liparin
Imposibleng ako'y mamahalin
Naloko na
Sa aking puso ikaw ang reyna
Nagniningning sa suot **** korona
Naloko na
Unrequited love
Randall Dec 2020
Kumusta ako, kumusta ka,
Anong naaalala mo sa ating dalawa?
Kumusta ako, kumusta ka,
May tanong ka bang mahalaga?

Kumusta ako kumusta ka,
Anong naaalala mo pag tayo'y magkasama?
Kumusta ako, kumusta ka,
Nakita mo na ba akong nakangiti at masaya?

Kumusta ako, kumusta ka,
Anong kwento ng buhay ko na ba ang alam mo?
Kumusta ako, kumusta ka,
Aling kwento ng buhay ko ang nasasabik ka?
Kumusta ako, kumusta ka,
Aling kwento ng buhay ko ang nasasaktan ka?
Kumusta ako, kumusta ka,
Anong kwento ng buhay ko ang natawa ka?

Kumusta ako, kumusta,
Nag kausap na ba tayo nang may alak sa harapan?
Kumusta ako kumusta ka,
Narinig mo na ba ang sigaw ng pusong walang masandalan?

Kumusta ako, hindi ko rin alam,
Pinipilit ang damdamin na maging manhid,
Inaasam na may mata ring sisilip,
Sa taong may madilim na hangganan.
-
Ri Jun 2019
balang araw
sisikat ang araw
at masasabi ****
naglagpasan mo
ang hindi mo
inakalang matatapos

balang araw
maghihilom ang
iyong mga sugat
kahit man may
maiiwang bakas
ng mapait na kahapon

balang araw
may magpupunas
ng iyong mga luha
gamit ng panyong
ibinigay sa'yo
kung sakaling
gusto ulit ng iyong
pusong sumigaw

balang araw
mararanasan mo
kung gaano kasaya
ang magmahal
ng buo at tapat
at masasabi ****
hindi ka na
malas sa larangan
ng pag-ibig

at balang araw
makikita mo
ang iyong sariling
nakangiti habang
naalala ang dapithapong
iyong tinalikuran at
dinaanan
MarieDee Dec 2019
Ikaw'y matalik kong kaibigan
Bawat kilos mo'y aking nalalaman
Kahit na ito'y tungkol sa kanya
Asahan **** narito ako't sumusuporta

Sa kanya'y napalapit nang husto
Aakalaing kayo na ng lahat ng tao
Bawat kilos niya'y sinasabayan at nagmamanman
Hanggang sa kanya'y may ibang nararamdaman

Ngunit habang tumatagal ay lalong pinasisidhi
Na ang pag-ibig niya'y iyong minimithi
Ngunit pagseselos ngayo'y nangingibabaw
Dahil sa kakaiba **** kilos at galaw

Kahit na siya'y tila may iba ng mahal
Eto ka pa rin, sa kanya'y patuloy na nagmamahal
Kahit na ito'y masakit sa iyo
Eto ka't nakangiti at tila nagbabalat-kayo
Ferllen Dungo Feb 2021
Ikaw ang isa sa pinaka makabuluhan kong sinasambit t'wing nananalangin.
Nawa'y dumating ang araw na makita kang nakangiti ng walang dinadaing na anumang hapdi.
Nawa'y mahanap mo ang lugar at panahon kung saan at kailan matatagpuan ang kaligayahan ng iyong puso.
Gusto kong manatili ka kung nasaan ka man ngayon, at ng hindi mo matanaw ang kalagayan at hindi mo marinig ang mga paghikbi tuwing gabi.
Baunin mo sa iyong paglipad at paglaya ang mga salitang ...


Minahal ka sa paraang alam ko.
kahit hindi na ko sigurado ngayon kung marunong pa ako no'n.
Hindi na ikaw ang gusto ko
Yan ang lagi kong paalala sa sarili ko
Sa twing nakatingin ako sa sayo.
Ayaw ko na ng mga mata mo.
Ayaw ko na ng mga ngiti mo.
Ayaw ko na ng lahat sayo.
kibit balikat nalang ako
At hindi papansinin ang nararamdaman ko.
Parang normal lang.
Gaya nung wala pang ikaw.
Kaya ko nung wala pang ikaw
Nagulo lang nman ako nung may ikaw.
Kasi nung may ikaw
Para akong baliw.
Baliw na laging nakangiti
Nakatingin sa langit
Iniisip ka palagi
Ayaw ko na non.
Kaya aaraw arawin ko na to.
wala ng atrasan to.
kakayanin ko
kase malakas ako.  
Kahit nakatingin ako sayo ngayon.
Ngayon.
Ngayon parang kinakain ko ang lahat ng pinagsasabi ko
Bakit ikaw parin ang gusto ko.
ultimo
Sa pagising sa umaga
pag papasok excited pa
kasi ikaw ang bungad sa mata ko.
tapos makukunteto sa sandali.
kuntento sa sandali?
HINDI
kuntento sa isang oras na pasulyap sulyap sayo
“pasulyap sulyap”
Ibig sabihin Segundo
Pero sa bawat segundo ng isang oras na ginugol ko
Ang gusto ko tumitig lang sayo  
Sa mga mata mo, sa ngiti mo
Kahit sa lahat ng kaabnormalan ng katawan at isip mo
Tanggap ko.
Kasi ikaw parin ang gusto ko
Ikaw ang gusto ko.
Sabi pa nila tumingin na raw ako sa iba
Kaya sinunod ko sila
Pero sa twing ikaw ay makikita ko
Para akong nasa madilim na kwarto
na tanging ilaw mo lang ang hindi sarado.
Sa mga sandaling yun
Walang ibang gamit
Kundi isang ilaw na naiiba sa lahat.

susubok na kong magsalita
pero lumalayo kana
tinawag ka ng kaibigan mo,
dahil ang oras ay nalalapit na.
   Patapos na ang sandali
at biglang may nagkamali
pagkakataon ko na muli
hakbang
tatahakin na ang daan palapit sayo
pero
tinawag kana muli
ng mga kaibigan mo.
habang humihiling ako
madagdagan lang kahit limang segundo.
Pero sa oras  na yun
ikaw ang unang lumabas ng silid
Wala ng sandali
hindi dininig ang hiling ko
Tapos na.
Ang huling isang oras ko sayo.
Bryant Arinos Jan 2018
Ako na lang

Pwede bang ako na lang?
Yung karamay **** mag-isip kung saan kakain?
Yung hinihiling mo nang mataimtim sa iyong mga pananalangin?

Pwede bang ako na lang sana ang sasama sa’yo kung saan ka man pupunta?

Pwede bang yakap ko na lang yung sisilungan mo kapag sobrang pagod ka na?

Ako na lang mahalin mo.

Pwede bang ako nalang sana yung mahal mo?
Yung kasama **** nakangiti sa libu-libong mga litrato?

Pwede bang buhayin na lang natin yung mga pangako nating pinaplano?

Pwede bang ako na lang ulit ang magpapasaya sa’yo kapag pinepeste ka na ng tadhana?

Pwede bang kamay ko na lang ulit ang hahaplos sa mukha mo at papahid sa’yong mga pagluha?

Pero hindi na nga siguro pwede lahat ng iyon.
Kasi may kayo na.

At ako nalang.

Ako nalang ulit.
Maria Leslie Apr 5
You straighten my weakness inside.
You color the empty heart.

Your face is my hopes that I can start working again.
Your eyes is my dreams that I started to plan again.

My smiling rose
My spring, my joy, my sun
My river of wine, my heaven
My life, my being, my world
My sun of beauties
My friend, my secret, my jewel
My musk, my amber, my treasure, my love, my shining moon

You don't know how you changed my sad and dark heart into the world of happy and gave life and light.

You opened my heart and I let you in
You don't know how joy I am to see your eyes and your face
You don't know how you brightened my darkness

You woke up my sleeping heart
because of you I don't want to wake up again
if I lose you too I want to go back to sleep

You entered my dark and sick heart
in my feelings it seems like you are a sun
that is blazing with light
and I feel good to feel the warmth of your love
But if you are gone
it seems like everything has disappeared
like a storm
everything is destroyed
by the whip of feelings that
If love is too much it can separate us

Too much love is almost sacrifice my life.
I loved you so much that I would die loving you so much.

It would be better for me to die than to lose you
But to sacrifice my tears and sadness without you than to hurt you so much
Caused I can't be with you.

I love you but I choose to live.

How long will I wait
When will I see your eyes and smiles again
When will I see your light again

The light you brought to my life I will never see in anyone else because it is only from you
that I inherited this light in my mind and heart.

It’s happy today because your light is there
but tomorrow you'll leave me again
I'll cry again in the dark
I don't want to cry anymore
I'm tired of being sad
How can I be happy without you
You are the light and my sun.


******


"𝔸𝕟𝕘 𝔸𝕜𝕚𝕟𝕘 𝔸𝕣𝕒𝕨"

Itinutuwid mo ang aking kahinaan sa loob.
Kinulayan mo ang walang laman na puso.

Ang iyong mukha ang aking pag-asa na muli kong inspirasyon
Natagpuan ko sa iyong mga mata ang aking mga pangarap na muli kong sinimulan na mag Plano.

Ikaw ang nakangiti kong rosas
Ang Aking tagsibol,
aking kagalakan,
Ang aking araw
Ang Aking ilog ng alak,
aking langit
Ang aking buhay,
ang aking pagkamulat,
ang aking mundo
Ang aking araw ng mga kagandahan,
Ikaw ang kaibigan ko
Ang sikreto ko,
Ang hiyas ko
Ang mukha ng kinang ko
Ang kayamanan ko,
Ang mahal ko,
Ang bituin ng buwan sa lahat ng dilim

Hindi mo alam kung pano mo pinaligaya ang puso ko at binigyan ng buhay at liwanag ang malungkot at madilim kong mundo.

Binuksan mo ang puso ko
nagpapasok ako
Hindi mo alam kung gano ako kasaya ng makita ang mga mata mo
Ang image mo ang aking inspiration
Hindi mo alam kung pano mo niliwanagan ang aking kadiliman

Ginising mo ang natutulog kong puso
dahil sayo ayaw ko ng magising pa

kung mawawala ka rin pala sa akin gusto ko nalang bumalik ulit sa pag kakatulog

Pinasok mo ang madilim at may sakit kong puso
sa aking damdamin tila isa kang araw na nagliliyab sa liwanag
Ang sarap damhin ang init ng iyong pagmamahal
Ngunit kung mawawala ka
parang naglaho ang lahat
na tila ba naging isang bagyo ang lahat
nasira sa hagupit ng damdamin
na sobra kung magmahal na makakapag hiwalay sa atin

Sobra kung magmahal na halos ialay ang aking buhay.
Sobra kitang minahal na ikakamamatay ko ng labis na pag ibig ko sayo.

Mas mabuti pang mamatay kaysa mawala ka
nag sasakripisyo ako sa aking mga luha at lungkot na wala ka kaysa ang masaktan kita ng labis dahil hindi kita makasama.

Mahal kita pero pipiliin ko rin ang sarili.

Hanggang kailan ako maghihintay
Kailan ko ulit masisilayan ang iyong mga mata at mga ngiti
Kailan ko ba ulit makikita ang iyong liwanag
Ang liwanag na dala mo sa buhay ko hindi ko na makikita pa sa iba
dahil sayo lang ito namanang liwanag sa isip at puso ko.

Masaya nga ngayon dahil nanjan ang liwanag mo
pero bukas lilisanin mo na ulit ako
Paluluhain nanaman ako sa dilim
Ayaw ko ng umiyak
Napapagod na ako maging malungkot
Pano ba maging masaya na wala ka
Ikaw ang liwanag at ang aking araw.
Written: 9.11.2024
Jun Lit Mar 2021
Naampat na ang dugô,
patay na ang mga bayanì
Pipi’t ampaw nakatayo
ang katahimikang naghahari
Tulog ang diyos, Impô,
mga aswang nakangiti
Matatapos na ang “Aba po!”
lasing pa rin ang kudyapi

Kahit matapang ang kape
Di mahulasan ang kapre.

Ginayumang mamamayan
Tila bulag, tanga’t mangmang

Kapag may nagugulantang
Lalayas na rin, ‘kita’y iniiwan.

Ito
ang alamat
ng taumbayang niloloko
at patuloy na nagpapaloko;
ng bayang pinagsamantalahan,
ng bayang pinabayaan.
14th poem in my series "Kapeng Barako" - Kapeng Barako is brewed coffee in Lipa, Batangas, Philippines, often of the 'liberica" variety and roasted traditionally in large metal vats.
Faye Feb 2020
Nagsimula sa isang kwentuhan
Hanggang umabot sa biruan
Nakangiti, nakatawa na parang walang problema
Lumulutang sa ulap na may saya.

Minsan sa pag-uwi magkasabay
Nakaalalay at hawak hawak ang aking kamay
Ang iyong labi na ma pula-pula
Ang mga matang kumikinang sa akin ay nakatingin pa.

Dumating ang gabi ikaw ang iniisip
"Kamusta na siya?" yan ang nasa isip
Agad-agad kinuha ang telepono
Tinawagan na walang alinlangan ang maginoo.

Hindi namalayan umabot na ng umaga
Mga kwentuhang napakasarap sa tenga
Mga halakhakan at tawanan nating dalawa
Basta't kausap ka, walang lungkot na madarama.❤️
Ice Oct 2018
"Kumusta ka na? Naaalala mo pa ba ako?" Tanong niya.

Natawa ako ng bigla siyang nag tanong.
Sige sige, basahi mo ang bawat saknong.
Teka, sa'n ko ba sisimulan?
Doon ba sa iniwan mo ko ng walang dahilan?

"Sorry mahal. May ginawa lang akong importante. Nakalimutan ko na may gan'to ka palang inihanda." Humahangos **** sabi.

Nakaupo't nakangiti sa isang sulok.
Pilit na binabalewa ang dahilan **** bulok.
Hindi ka na naman nakarating sa ating piging.
Sarap **** ibitin sa baging.

Kumusta ako? Gagohan ba 'to?
Twelve Apr 2018
03
hindi ganon kadali
para ako ay iyong piliin
pero narito lang ako
bawat sandali
nagbabakasakali
na mapansin
muli
kahit wala na
simula
palang hindi na ako
ang gusto
**** makita.

Pero handang harapin
ang pagsubok
na parating
makita lang
nakangiti sa bawat
umagang darating.
Everon Young Jul 2019
Ako'y nakatawa
Pero ito'y totoo ba?

Ako'y nakangiti
Pero sa loob nagpipighati

Ako'y nagsisikap na kayo'y
Mapatawa pero sa sarili ko
Hindi mapadama

Ako'y nalulunod na sa
Aking problema hindi
Na makahiya sa bigat
Ng aking nadarama

Ako'y lumuluha sa
Pag-asang ito'y maibsan

Ako'y wala ng makita
Dahil ang aking araw
Parang gabie na.
reyftamayo Aug 2020
kasama ni Lisa si Jojo
sa loob din ng kahon
kapiling ang libong mukha roon
magkaakbay at yakap ang isa't-isa
walang problema
kundi ang mga panahon na iniwan nila
pero wala ng pag-asa
dahil tila unti-unti nang nasusunog
itong larawan nila
kasama ang bulok na bahay at alabok
kasama itong mga uling at usok
ngunit parang walang problema
nakangiti pa rin sila.
Sana lahat may Ina, Oo totoo iyon
Sana buhay ka para makita mo aking emosyon
Sa totoo lang ang hirap mawalan ng ina
Mabigat sa pakiramdam, mahapdi sa mata
Malungkot sa isipan at sa Puso ko pa
Pakiramdam ko'y nag-iba kahit lalaki pa
Diba? Oo, alam mo iyan sa sarili niyo
Kahit ako alam ko dahil naranasan ko
Edad pitong taon ako 'nung mawala ka
Sa aking feeling, sa aking kamay
Sa aking tabi hanggang sa dalawa kong mata
Ang bata ko pa para ako'y mawalay

Isip ko 'di pa malawak sa mga ibang bagay
Kaya lagi tayo nagtatanong sa ating nanay
Alam ko lang noon kaya sa sahig ka nakahiga
Ikaw ay natutulog at nagpapahinga
Ngunit ang totoo ay hindi na humihinga
'Di na nakangiti at 'di na nakabukas mga mata
Bakit ganon nalang ang aking nasaksihan?
Bigla nalang nagpaalam na 'di tinawag aking pangalan
Nakatayo ako sa harap mo habang mukha'y pinagmamasdan
Huling panahon na masisilayan kita ng personalan
Aking tanong ay bakit, Bakit kailangan mangyari ito?
Ako'y sa lupa, ikaw sa langit, Magkikita pa ba tayo?

Katawan mo'y wala na sa ibabaw ng Mundo
Ngunit mukha mo'y 'di mabubura sa isipan ko
Kahit 'di mo nasubaybayan nang personal aking paglaki
Ngayong binata na pinili ko pa rin maging mabuti
Masamang bisyo sa paligid sinubukan ko iyong iba
Mariajuana, sigarilyo pero kinontrol ko sarili ko, 'Ma
Alam ko sarili ang mga iyon ay mali at masama
Alam kong ayaw mo ang Buhay ko'y mapariwara
Kaya iniwasan ko mga masamang bisyo nang lubusan
Ayaw kong magsisisi sa huli dahil 'di mo ako ginabayan
Ayaw kong mag-alala ka dahil sa masamang kalagayan
Ayaw kong lumuha ka diyan dahil 'di ko iyan mapupunasan

Para naman sakin iyon, diba?
Kasi nabubuhay pa ako kahit wala ka na
Pipiliin ko maging mabuti at maging matatag
Para ang puso't isip mo maging panatag
Habang lumalawak na ang aking isipan
Unti-unti kong nakilala aking pagkatao at kasarian
Kung sabihin ko sayo, ako'y isang bisexual,
Tanggap mo ba ako at ako'y iyo pa rin mahal?
Sana magpakita ka sa amin nang personal
Miss ko na ang yakap mo at pagmamahal
Ang katulad **** angel higit pa sa maykapal
Miss na miss na miss kita nang kaytagal

— The End —