Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"makipaglaro" poems
Dis oras na ng gabi ngunit ikaw pa din Ang bukod tanging laman ng aking isipan Patawad na kung puro siya na lang lagi ang alam Ng aking mga kwento. Hindi ko kasi mapigilan mag buhos ng aking hinaing Dahil alam mo hanggang ngayon kasi tandang-tanda ko pa din Ang araw at oras kung kailan mo ako iniwan. Anong gagawin ko sa mga salitang iniwan mo Isa nga lang ba akong pangalan sa buhay mo? Ano ba ang naging parte ko sa'yo? Iba’t ibang tanong ang bumabagabag sa akin Pero kung alam ko lang na sa ganito tayo hahantong; Matagal ko nang pinatay ang natitirang posibilidad Sa akin isipan na may mundo para lang sa ating dalawa. Alam mo ba gabi gabi kong binabalikan ang Matatamis nating alaala pero pilit ko din Pinapaalala sa aking sarili na ‘’Itigil mo na ‘to’’ ''Tama na 'to'' Gumising kana sa totoong estado ng buhay mo. Maawa ka naman sa sarili mo. Ikaw ang naging punot dulot nang gabi gabi kong Pag-pupuyat hindi mo ma-itatanong pero walang araw Na lumipas na hindi ako nagiging tambay sa'yong mga Social media accounts. Nagmamasid sa bawat post at update mo at tinatanong Sa aking sarili ''Bakit nga ba ang manhid mo?'' Dahil hanggang ngayon May kumakatok pa din sa puso ko umaasa na Pwede pa. Pwede pang ipiglaban. Kahit matagal man ang abutin natin. Ako'y handang maghintay. Kahit mag muka na tayong gurang. Okay lang. Handa akong tiisin. Pero alam mo ba nakakapagod din palang Makipaglaro sa taong ayaw magpaawat Handa na akong sumuko kahit noon pa naman Alam kong malabo na maging tayo; Malabo mapasa-akin ang puso mo. Ayoko ng makipagsiksikan sa Evacuation Center Pilit ka magbubuwis ng buhay mo para sa taong ‘yon Panahon na para lisanin ang delubyo na ito Hindi na ako dapat mag tagal baka Pati ang aking sarili ay iwanan din ako.
0
Nov 4, 2015
Nov 4, 2015 at 3:55 PM UTC
''Delubyo''

Continue reading...
46
Narasanan mo na bang mabasa ng ulan? Makipag laban sa ulan? Yung lahat ginawa mo na wag ka lang mabasa? Sumilong ka na, nagpayong ka na, may kapote ka pa. Pero wala basa parin. Paano pag ganto? Itapon ang hawak **** payong Lumabas sa iyong silong Tanggalin ang yong pandong. Ikay umabante Damhin ang bawat patak ng ulan Ipikit ang mata Habang nakatingala Hayaan ang tubig na galing sa langit na basain ang yong mukha At pumikit bumalik sa nakaraan Masasayang alala. Na kasama mo ang ulan Gaya nuong bata ka. "Mama payagan mo sana Hayaan akong makipaglaro sa kanya" Laking tuwa pag napayagan ka. Tatakbo takbo Hindi alintana kung baka mapano Huhubarin ang Tsinelas at gagawing barko Hindi bat napaka saya mo. Kaya pag dilat mo May tanong lang ako Maiinis ka pa ba o Hayaan **** basain ka ng ulan? Wag mo sanang labanan. Ngumiti ka na lang At bumalik lang sa nakaraan.
0
Jul 18, 2017
Jul 18, 2017 at 10:00 PM UTC
Ulan
Aking inaninag Itong bughaw na kalangitan Hindi nga ba Parang kailan lamang Nang ako’y kanyang tinalikuran? Napako ang pangako Na ako’y pangangalagaan Luha niya’y umabot Di lamang sa’king talampakan Nalasap ko ito Mapait at ngayo’y nag-ibang anyo Ngayong timplang kape Mula sa mga mata nitong Tila ba kaytayog. Tinangay kami ng malakas na alon Kami’y nagpatangay na lamang Wala akong alam Kundi and makipaglaro Ng tagu-taguan Nakadilat at mulat na mulat sa katotohanan Sakay kami ng pridyeder, Ako at aking ulirang mga kapatid Puno ng pighati’t pangamba Sa uulitin, Ito na lamang ang magagawa ko. Sabi nila, tutulungan nila kami Sabi ng ilan, wala na raw pag-asa Kanino nga ba kami magtitiwala? Kung mismong kalam nga ng sikmura’y Di na mainda? Wala na akong mailuluha pa Pagod na ako sa pagsagwan sa kawalan Wala na ngang pag-asa Wala man lang naiwan sa amin Sana kasama nalang kami Sa mga buhay na nalantang Parang bula Tulad nila Itay at Inay Di sana’y masaya kami Sa kalangitan. Pumikit ako, Habang mahimbing ang paghikbi Ng aking mga kapatid Sana nga may buhay pa. Sinagip nyo kami, Noong una, nagalit pa ako Ayoko sana Kaso wala na rin kaming magawa Sasama na kami Kasama kami sa pagbangon Oo, ngayon ako na’y magtitiwala At ipapasa-Diyos na ang lahat Siya na ang bahala. (11/17/13 @xirlleelang)
0
May 27, 2014
May 27, 2014 at 10:15 PM UTC
Pridyider
I. Ang ganda ng panahon Naalala ko pa noon, Tumatakas ako sa pagtulog Para lang makipaglaro tuwing hapon. II. Habang ginugunita ang nakalipas Napatingin ako sa mga batang sa labas. Habang sila'y naglalaro, May mga patak na sa kanilang ulo'y tumutulo. III. Inangat ko ang aking ulo, At pansin kong dumidilim ang mundo. Tila may paparating na malakas na ulan, Pero bakit naman ito'y biglaan? IV. Hindi magkanda-ugaga ang mga ale, Sa pagkuha ng mga sinampay sa kable. Kinukwestyon din nila ang kalangitan, Bakit daw biglaan ang buhos ng ulan? V. Minuto lang nakalipas. Haring araw ay muling nagpakita. Nakakapikon ang sinag nitong dala, Akala mo'y walang taong naperwisyo. VI. At bigla kong napagtanto Para rin pala siyang biglaang ulan, Dumating ka nalang bigla, Kahit hindi naman kita kailangan. VII. Buti sana kung maganda ang dulot mo, Sa nanahimik kong mundo. Akala mo ba'y masaya ako sa'yo? Pero ang totoo isa ka lamang hamak na perwisyo!
0
Jul 19, 2016
Jul 19, 2016 at 5:01 AM UTC
Ang Perwisyong Dulot ng Ulan
Bigla ka na lamang sumulpot na parang kabute. Kasama ang mga simpleng ngiti mo na nakakahalina. Isang imahinasyon na unti-unting nalikha ng di namamalayan. Mula sa mga teorya at ideya na pwedeng mabuo tungkol sayo. Doon palang alam ko ng gusto makipaglaro sa akin ng tadhana. Nagtataka bakit sa bawat pag gising ko sa umaga, Kahit sa palagay kong nakaka-isang hakbang na ako palayo sayo, Sa tuwing makakasalubong kita at madidinig ko ang tinig mo, Tatlong hakbang pabalik nanaman ang tatahakin ko. Di ata napapagod ang tadhana, pwes ako hinihingal na. Langya, napakalabo nga naman diba? Maging tayo, ikaw at ako, diin ng iba. Hindi ko alam kung tama pa ba o tama na. Ayokong malaman, ayokong makawala. Makikipaglaro na lang ako hanggang manalo na ko sa tadhana.
0
Jul 5, 2016
Jul 5, 2016 at 8:39 PM UTC
Tadhana
sa mata ng ordinaryong nilalang: sa kalangitan madalas kayong naghahabulan nagtataguan, ng mga liwanag at ng mga nararamdaman. sa malawak na daigdaig, kayo ang nagbibigay liwanag; kayo ang hinahanap, kayo ang kailangan. ang mga bituin                                                                           ay kumikislap     patay sindi,                   'di makapirmi ang mga bituin ay   madami, 'di nag-iisa,                                                                      kun'di nagkalat na 'isa',                                                                           'di isang buo                                                                                   kun'di isang                                                                                           sansinukob ng: naghalong emosyon, 'di mapiling pagkakakilanlan, daan daang kasinungalingan makapagtago lamang; sa liwanag niya,                                                                                                                       dahil mas importante siya dahil siya ang iyong tinitingala, isang malaking bolang mainit, nag-aalab, nakakabulag. isa kang masokista, pinili mo ang mapanakit niyang init. isa kang arsonista, pinili **** makipaglaro sa apoy. 'di ka naman nag-iisa ngunit martyr ako, at ikaw ang pinili ko. siya si sol, ikaw si luna, ako ang mga bituin, kayo ang naghahabulan, ako ang kumikislap/ kumukutikutitap/ kumukurap, ako ang nagbubugulan.                                                                                                                                   bituing matagal nang patay
0
May 12, 2021
May 12, 2021 at 1:03 PM UTC
siya si sol, ikaw si luna, at ako ang mga bituin tila 'di na nabigyang pansin
sa mata ng ordinaryong nilalang: sa kalangitan madalas kayong naghahabulan nagtataguan, ng mga liwanag at ng mga nararamdaman. sa malawak na daigdaig, kayo ang nagbibigay liwanag; kayo ang hinahanap, kayo ang kailangan. ang mga bituin                                                                           ay kumikislap     patay sindi,                   'di makapirmi ang mga bituin ay   madami, 'di nag-iisa,                                                                      kun'di nagkalat na 'isa',                                                                           'di isang buo                                                                                   kun'di isang                                                                                           sansinukob ng: naghalong emosyon, 'di mapiling pagkakakilanlan, daan daang kasinungalingan makapagtago lamang; sa liwanag niya,                                                                                                                       dahil mas importante siya dahil siya ang iyong tinitingala, isang malaking bolang mainit, nag-aalab, nakakabulag. isa kang masokista, pinili mo ang mapanakit niyang init. isa kang arsonista, pinili **** makipaglaro sa apoy. 'di ka naman nag-iisa ngunit martyr ako, at ikaw ang pinili ko. siya si sol, ikaw si luna, ako ang mga bituin, kayo ang naghahabulan, ako ang kumikislap/ kumukutikutitap/ kumukurap, ako ang nagbubugulan.                                                                                                                                   bituing matagal nang patay
Continue reading...
39
Noon, ang tanging kinakatakutan ko lang ay ang hindi makatulog sa hapon Ang mahuli ng magulang na tumatakas para makalabas at makipaglaro Ang matakot sa mga kwentong multo na gumagala tuwing alas tres ng madaling araw Ang manuod ng horror na pelikula at matulog na bukas ang bombilya pagkatapos Ang dumilat at sumilip sa ilalim nang kama Noon, natatakot lang akong makakita ng pulang marka sa aking papel Ang hindi makasagot sa pagbigkas sa nakabusangot at nakakatakot kong titser Ang mahuling nakikipag daldalan sa katabi kong kaklase Ang hindi makauwi sa tamang oras na binigay ng magulang Natatakot ako sa mga maraming bagay Ngunit nagiba narin ang mga bagay na kinakatakutan ko sa mga taong lumipas Mas lumaki na sila at mas naging matapang Mas naging matulis ang mga pangil at humaba ang mga binyas, ang buhok, ang kuko Mas bumilis, mas lumiksi Mas mahirap nang labanan Hindi na pwedeng basta idaan sa pagtulog at pagtakas Hindi na basta basta napapatay ng liwanag na nanggagaling sa bukas na ilaw ang takot Hindi na rin nawawala ang takot sa pag balot sa buong katawan ang malambot na kumot Hindi na madadaan sa pagsiksik sa pader upang hindi mahila ang mga malamig na paa sa nagtatagong takot sa ilalim ng kama
0
Nov 20, 2020
Nov 20, 2020 at 10:08 AM UTC
101
Watch muh din yung larong 90s sa fb sis @Sahlee Sicio and for sure you may catch ..... Jakston--  ganyan yung libangan ko nung una kong matutunan yung unang *beses akong makaranas na mangapitbahay😁 magmula nun akuh ay natutong makipaglaro sa paruparo at tipaklong 😅🤣😂 banda roon sa may madamong bakuran na trinato kong palaroan kasi nga walang mga talahib, malayo sa panganib. And... By the time you reaches it in your searches ... share here , or somewhere out there .
0
Feb 10, 2024
Feb 10, 2024 at 2:04 PM UTC
" ipad kids "
pinaglapit pinaglayo pinaglapit ulit ngunit muling pinaglayo nawili ang tadhanang makipaglaro sa pusong hindi takot sumubok. ang mga matang nagkatamaan, muling nagkatitigan bibig na sadyang napangiti nanabik na muli kang madampian. ngunit hindi, tama na ang minsang nagkasakitan, nakasakit at nakasagasa ng ilan. tama na ang mga pantasya na baka tayo talaga ang para sa isat-isa na baka tayo nga ang tinadhana. saiyong paglakad sa dambana at sa iyong panunumpa, sabi ko sa sarili, tama na. sa sobrang sanay ka nang masaktan, wala nang luhang umaagos sa iyong pisngi. sa sobrang sanay ka nang magparaya, hindi mo na alam kung paano ang sumaya. sa sobrang sanay kana sa pabugso bugso nyang dating at paglisan, hindi mo na alam kung paano ang maiwan. kaya tama na, mapagod kana, at huwag nang umasa sa mga kathang isip na nilalatag nya, kasama nya, ang lahat ng ito ay lilipas at mawawala, ng parang bula.
0
Jun 29, 2020
Jun 29, 2020 at 10:09 PM UTC
Bagong yugto