Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"itatago" poems
Ang pag-ibig Hindi parang load Hindi yan nauubos Wala sa tindahan Hindi inuutang. Ang pag-ibig Hindi parang gasoline station Na daraanan mo lang Na paparkingan mo Pero iiwan mo Pag nakuha na ang gusto. Ang pag-ibig Hindi parang kalsada Na malawak pero tatapak-tapakan Na aayusin at mas mapapansin lang Pagka may lubak na. Ang pag-ibig Hindi parang payong Na gagamitin mo lang Para sa pansariling proteksyon At itatago pag hindi mo na kailangan. Ang pag-ibig hindi yan sasakyan Na daraan sayo at hindi mo mapapansin Na bubusinaan ka At wala kang tamang pandinig. Ang pag-ibig Minsan makukumpara mo Sa kung anu-anong pumupukaw ng atensyon mo Minsan kasalungat Ng kung anong nakikita mo. Hindi mo na lang mapapansin Nandyan na pala, Eh kaso lang, ang layo ng tingin mo Naghahanap ka pa, Eh nasa harap mo na pala.
0
Jul 12, 2014
Jul 12, 2014 at 4:17 AM UTC
Ang Pag-ibig sa Barangay San Pedro
ilang buwan na ang lumipas, ngunit damdamin ko sayo'y di pa kumukupas. ikaw pa rin pala talaga ang gusto ng puso kong tanga. kahit ano pang sukat ng sakit na sa buhay ko ay sasapit, ito ay aking titiisin; kahit hindi mo pa mapansin. alam kong hindi ko na ito mababago, kaya ang damdamin ko nalang ay aking itatago; kung sa iyo parin ay nahuhumaling, tungkol diyan ay hindi na ako magsisinungaling. kahit na ako'y iyong pinaasa at sayo'y walang natamasa, ㅡ kagustuhan ko sa iyo ay kailanma'y hindi magbabago.
0
Jul 7, 2018
Jul 7, 2018 at 11:24 AM UTC
ikaw pa rin.
ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG? ito ba ay tungkol sa naglalakihang mga mata kapag nakakakita ng magandang dalaga na naglalakad sa kalsada isipin na nating.. maikli ang kanyang palda maputi ang hita malaki ang dibdib teka tama na nakaklibog na diba!? o kaya naman ang pagmamahal ay parang yung ating nararamdaman kapag ang ating mga balat ay nakakapagtindig balahibo dahil sa hindi maintindihang halimuyak ng galak o ito ba ay yung mga pagbabago ng kulay sa ating mga pishi kapag tayo ay kinikilig ng lubusan dahil nga ang sweet sweet niya kulang nalang magkadiyabetes ang puta ganun ba ang pag-ibig? ganun ba ang pagmamahal? ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG? ito ba yung kapag dalawa lamang kayo nakahiga sa mga damuhan o kaya nakaupo tumitingin sa kalangitan habang nilalanghap ang simoy ng hangin sa taas ng gusali o kaya bubungan na niloloko ang sarili kapag tinuro mo ang iyong daliri sa mga bituwin at sinasabi na ang bituwin na yan ang parang hugis puso kahit hindi naman talaga para masabi kolang na meron tayong pag-ibig para masabi kolang na tinadhana talaga tayo para sa isat-isa kahit hindi naman talaga ganun ba ang pag-ibig? ganun ba ang pagmamahal? ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG? ito ba ay yung may nakilala kang tao na wala kang ideya kung sino na ang inyong bigalang tagpuan ay hindi niyo naman pinaghandaan o kaya naman ang makilala nating ang tunay nating pagkatao na tayo ay hindi basta tao tayo ay merong kadiliman na hindi purong kabutihan na kailangan man tayo ay tao napapagod din natututong sumuko at bumitaw sa kapit ng "kaya ko pa" dahil kailanman walang anesthesia na dumadaloy sa ating katawan para hindi tayo masaktan ganun ba ang pag-ibig? ang pagbitaw ba ay pagmamahal? ang pagsuko ba ay pagmamahal? ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG? ito ba ay yung paguubos natin ng oras kahit na alam natin na ito ay walang kwenta pero wala nakong pakialam dahil nga kasama kita na ang saya saya natin dalawa nagtatawan kahit sumakit pa ang tiyan hinuhusgahan ang mundo sinasabihan ng mga tinatago niyong sikreto wala kanang pakialam kase nga kasama mo ako na sana hindi na matapos to tayong dalawa ikaw ako at ang ating magagandang mermorya ay itatago ko at aalagaan dito sa puso ko ganun ba ang pag-ibig? ang paglaan ba ng oras ay pagmamahal? ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG? ito ba ay yung galak kapag nakikita kita o kaya yung kapag kasama kita kapag ako'y ubos na pagod sa katotohang na ang mundo ay hindi basta basta andiyan ka palage nakaaalalay handang ibigay ang balikat masandalan lang ng mabigat na isipan ganun ba ang pag-ibig? ganun ba ang pagmamahal? ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG? ito ba yung pakiramdam kapag tayo'y nagpapaulan na para bang gusto na nating sumuko sumuko dahil tayo ay pagod na sumuko dahil ang mga sinabi kong halimbawa ng pagmamahal ay malayo sa katotohanan ng buhay nating dalawa iniisip kung ano pa ang ibabato sa atin ng buhay sige ibigay mo ang lahat hindi ako basta basta natutumba hinihiling na sana magkasama tayo sa huli sana wala nang huli sana wala tayong dulo dahil ayoko, na ito ay magwakas pa o kaya hindi na natin ito inintindi dahil ang gulo na ng isipan nandun parin ako nagpapaulan hinahayan na mabasa ang sarili walang pakialam kung magkasakit pa kinabukasan basta ako ay basang basa na niyayakap ang ngayon tinalikuran ang masamang kahapon anung alam natin sa pag-ibig? meron ba tayong alam tungkol sa pagmamahal? anung alam natin? ang unti ang onti lang ng alam natin sa pagmamahal napakaonti na nagbibigay sa atin ng galak ng sige gusto ko pa ng ibigay mo na lahat wag kanang magtira dahil gusto ko maranasan ang pag-ibig bigyan moko ng pagibig bigyan moko ng pagmamahal mahal, anung alam natin sa pag-ibig?
0
Jul 22, 2017
Jul 22, 2017 at 1:23 PM UTC
tula ni VJ: "anung alam natin sa pag-ibig"

Continue reading...
121
Oo. Totoo. Hindi mo na kailangan ipagsigawang mahal mo ako, na aakyat pa sa rurok ng bundok para isigaw ang pangalan ko, at ipahayag ang nilalaman ng damdaming nagsisidhi, sapat na sa akin ang ibulong mo ang mga salitang ‘yan na nais kong marinig mula sa mapang-akit **** mga labi. Hindi mo kailangang ibase ang nararamdaman mo sa sinasabi ng ibang tao, dahil hindi natin kailangan ng kanilang opinyon para umibig nang wagas o hanggang sa dulo ng mundo, hindi sila ang dumidekta sa kung sino man ang ititibok nitong puso, hindi natin kailangan ng kanilang opinyon. Hindi. Hindi mo kailangan ipagsigawang mahal mo ako na sa lahat ng date na ating mapuntahan ay kailangang pag-usapan ng mga kaibigan mo, o libo-libong litrato ang ipo-post mo, dahil ayaw ko lang mawala ang pagiging pribado ng ating relasyon, sapat na sa akin ang itago mo ang mga litratong ‘yan, at titigan pauli-ulit kapag miss na natin ang isat-isa. Hindi mo kailangang ma-insecure sa iba, hindi ko sila papatulan, hindi ko sila papansinin, hindi kita niligawan nang mahigit isang taon para saktan lang, wala akong **** sa kanila, ikaw ang mahal ko, oo, mahal kita, at tanggap ko kung sino ka, kung anong mayro’n at wala sa’yo, dahil mahal kita. Mahal na mahal, hindi mo kailangang ma-insecure. Hindi. Lahat ng bagay, ay aking gagawin, dahil hindi lang magtatapos ang aking “mahal kita” sa bawat letra ng mga salitang namumutawi sa aking bibig, hindi ito isang antigong alahas na susuotin lamang sa mga piling okasyon, pagkatapos ay itatago sa kahon, at kakainin ng alikabok sa lilipas na mga taon, mamahalin kita kahit sa ano mang panahon: tirik man ang araw sa pagtawa o kulimlim man ang gabi sa pag-iyak. Mahal kita. Mahal na mahal, at hindi lang magtatapos ang aking “mahal kita” sa mahal lang kita, kukunin ko ang mga agiw sa ‘yong mga lumang gunita, pilit kong wasakin ang mga pader na nakaharang sa ating dalawa. Hindi mo kailangan ipagsigawang mahal mo ako, sapat na sa akin ang pagsanay sa sarili sa ‘yong presensya at pagkandili, sapat na sa akin ang pag-intindi mo sa mga kamaliang pilit **** binabayo, mga pagkukulang na pilit **** pinupunan, at sa mga araw na kahit luha ang nalalasap ay patuloy ka pa ring nakahawak sa aking mga kamay at hindi mo ito binitawan. Hindi mo kailangan ipagsigawang mahal mo ako, pumasok ka sa pinakakasulok ng aking utak, nang mabatid mo ang mga nakasulat, nakalimbag sa bawat pahina ng aking isip: ililibot kita, sa aking nakaraan, sa aking ngayon at sa aking bukas, ilalahad ang pag-aasam na makatakas sa mga kabiguang natanaw. Sisirin natin ang pinakailalim ng aking puso, dito matatagpuan ang pag-ibig na kailanman hindi mabubura, hindi maglalaho, para sa nag-iisang ikaw. Hindi mo kailangan ipagsigawang mahal mo ako, hindi na kailangan, dahil alam ko, d’yan sa puso mo, nakaukit rin ang pangalan ko, at ang pag-iibigan nating dalawa, hindi mo na kailangan ipagsigawan pa dahil alam kong mahal mo rin ako. Mahal mo ako. Mahal na mahal.
0
Jul 3, 2016
Jul 3, 2016 at 11:18 AM UTC
Hindi Mo Na Kailangan Ipagsigawang Mahal Mo Ako

93
Sana, bata na lang tayong lahat… Walang alam kundi ang gumising, maglaro, tumawa, matulog at kumain Yung tipong wala kang alam na problema kundi paano ka makakapaglaro bukas kasama ng mga matatalik **** kaibigan.  Paano ka tatakas sa nanay mo dahil gusto kang patulugin pero ang isinisigaw mo ay “maglalaro ako!!!” Sana , bukas ay bakasyon na… Late magigising tapos kakain lang, manonood ng paboritong palabas, liligo, gagala tapos pagkauwi ay manonood ulit mamaya ay matutulog na.  Habang nakahiga ay nagtetext sa importanteng tao sa buhay mo kaya naman ay kakwentuhan mo ang kapatid mo, magulang mo o ang  asawa mo. Sana, pasko na lang bukas… Lahat ‘tila ba walang problema kundi “paano ang mga inaanak ko?, paano ang mga regalo?  at sana mapasaya ko sila…”  Tiyak lahat ay Masaya dahil napakahirap magalit sa araw na ito.  Ito ang araw na napakadaming taong nagbabati o nagkakaayos mula sa pangit na nakaraan dahil sa bisa ng Pasko. Sana bukas ay may darating kang regalo- pera man o gamit o di kaya’y isang kasiyahan … Siguradong ngayon pa lang ay excited ka ng magbukas o tumanggap nun dahil wala namang taong di Masaya kapag nakatanggap ng regalo.  Itatago mo ito at pakakaingatan lalo na’t ang nagbigay ay napakahalagang tao sa buhay mo. Sana ikakasal na ako bukas… Lahat tayo ay may pangarap na magkaroon ng sariling pamilya kung hindi man lahat ay madami.  Siguradong kung naiisip mo ito, walang laman ang isip mo kundi masasayang sandali.   Kung ikaw man ay naikasal na, maaalala **** minsan ay naglakad ka papuntang altar habang inaantay ka ng mahal mo o ikaw yung naghihintay sa harap ng altar kasabay ng mga nagtatakbuhang daga sa dibdib mo. Napakaraming masasayang bagay ang naiisip natin ngunit di ito kadaling ibinibigay.  Dapat, paghirapan natin ito…
0
Jun 7, 2017
Jun 7, 2017 at 2:27 AM UTC
SANA

12
Heto't nag-iisa, Malungkot at walang kasama, Hinahanap ang ligaya, Nabulag ng lungkot, saya'y di na makita. Sapagkat hinahanap yung makakaagapay, Sa mga panahong lumbay ang kaaway, Kaya nga kay lungkot ng bakasyon ko, Takot na ako'y limutin mo. Ako sayo'y nangungulila, Ang aking nag-iisang tala, Ang hinahangad na makita, Sa gabing kay dakila. Sayo, di gustong mawalay, Ang laman ng damdamin kong tunay, Ayaw kong ako'y mapang-iwanan, Mapang-iwanan at makalimutan. Ako'y takot sa katotohanan, Na sa buhay, walang pang walang hanggan, Na ang lahat ay may katapusan, Na ang lahat ay pwede kang iwan. Walang magagawa, yung ang totoo, Kaya damdaming ito'y itatago ko, Kaya ang tiwala ko'y ibubuhos ko sa'yo, Tiwalang ako'y maaalala mo, kaibigan ko.
0
May 29, 2017
May 29, 2017 at 12:23 PM UTC
Pangungulila
Masyado na akong nahihiya na sabihin sa'yo ang nararamdaman ko. Kaya itatago ko na lang ito sa likod ng mga mahihinhin na ngiti at mga kabadong pangangamusta. Natatakot ako na kung tanungin man kita "Anong tingin mo sakin?" ang sagot mo ay "Hindi ikaw ang nais kong makita."
0
Jul 10, 2015
Jul 10, 2015 at 5:22 AM UTC
Pagtingin
hindi mo alam kung gaano kahirap ang pinagdaanan nya bago sya magdesisyon. hindi mo alam kung anong impact sa kanya ng desisyong ginawa nya. hindi porket sya ang nang iwan hindi na sya nasaktan. may mga bagay na hindi masabi ng direkta kaya itatago na lang sa salitang "ayoko na" pero ang totoo may malalim na dahilan kung bakit ka nya binitiwan. may malalim na dahilan bakit ka nya iniwan. hindi natin pwedeng husgahan ang isang tao base sa pinakita o pinapakita nya. Hindi lahat ng nang iwan walang pinaglalaban. hindi lahat ng nang iwan sarili lang nila ang dahilan. sa totoo lang mas masakit dun sa side ng taong nang iwan sayo na may malalim na dahilan kesa sayong binigla ng di mo inaasahan. alam mo kung bakit? kasi sya buong buhay nyang dadalhin yung sakit kasi nag Letgo sya kahit ayaw nya. oo andun na sa "kung mahal mo ipaglalaban mo" quit that **** concept. hindi all the time pag mahal mo ipaglalaban mo. hindi sapat yung mahal ka nya para manatili sya. maraming bagay ang hindi mo alam pero mas pinili nya talagang hindi ipaalam. Kase ayaw nya na ikaw ay mas masaktan pa. hindi mo alam kung gaano kasakit sa kanya yung iwan ka ng ganon ganon lang. pero mas masakit kung mananatili sya sayo kung ikasasama mo naman. hindi lahat ng nang iiwan sumuko na. hindi lahat ng nang iwan napagod na. Hindi lahat ng nang iwan wala ng pakealam. Hindi lahat ng nang iwan hindi nasaktan. at hindi lahat ng nang iwan hindi kana mahal kasi may mga bagay na mas mabuting bitawan na lang kesa panghawakan parin kahit alam natin na mag eend-up din ng parehas kayong masasaktan.
0
Aug 27, 2018
Aug 27, 2018 at 2:19 PM UTC
HINDI PORKET SYA ANG NANG IWAN HINDI NA SYA NASAKTAN

37
Naulit na naman ang paalam (poetman_24) Ayaw ko mang sabihang hugot sa tulang ito ngunit pagkatao ko'y laging ganito, namutawi na naman ang paalam sa aking puso bakit pag-ibig kayhirap **** matamo? Muli na namang nagtitipon ang ulap sa taas nagbabadya nang pagpatak na walang wakas, wala akong magawa-gawa't hindi rin makatakas napiit na naman ako sa lungkot nang ulit ulit na landas. Bakit naman ganyan ang pagsubok mga tinta'y naghihimutok, ano ba ako sa pintig nang pagtibok ako ba'y sawi sa bawat paglunok? Hindi pala sapat ang likha kong tula kaya lulukutin ko na lamang ang talata, mauuwi na naman ang aking bigong diwa sa 'di matatawarang luha. Pag-aalay ko pala'y naiipon sa buhangin nasasayang lamang ang taglay na damdamin, nais kong isuko ang pagkatha sa hangin sana masagot pa ang aking panalangin. Makatang walang taglay na panulat mga tinta'y mantsa sa'king balat, nasasawi ako nang hindi ko alam isa ba akong tampalasan? Kung masasaktan ka sa aking piling layuan mo na lamang ako giliw, itanim mo na sa akin ang pasakit tatanggapin ko kahit anong pait. Isilid mo na lamang ang sandaling ala-ala at alalahanin na ikaw ay may halaga, kalimutan mo na lamang ako sinta kung 'yan ang palagay **** tama. Babalik na muna ako sa sa karimlan itatago sa dilim ang katotohanan na ako ay luhaan, ililibing ko na lamang sa diwang hagap na ako ay sawi at talunang makatang hindi katanggap-tanggap.
0
Oct 3, 2017
Oct 3, 2017 at 1:13 AM UTC
Naulit na naman ang paalam
Oo. Totoo. Hindi mo na kailangan ipagsigawang mahal mo ako,na aakyat pa sa rurok ng bundok para isigaw ang pangalan ko,at ipahayag ang nilalaman ng damdaming nagsisidhi, sapat na sa akin ang ibulong mo ang mga salitang ‘yan na nais kong marinig mula sa mapang-akit **** mga labi. Hindi mo kailangang ibase ang nararamdaman mo sa sinasabi ng ibang tao,dahil hindi natin kailangan ng kanilang opinyon para umibig nang wagas o hanggang sa dulo ng mundo, hindi sila ang dumidekta sa kung sino man ang ititibok nitong puso, hindi natin kailangan ng kanilang opinyon.Hindi. Hindi mo kailangan ipagsigawang mahal mo ako na sa lahat ng date na ating mapuntahan ay kailangang pag-usapan ng mga kaibigan mo, o libo-libong litrato ang ipo-post mo, dahil ayaw ko lang mawalanang pagiging pribado ng ating relasyon,sapat na sa akin nang itago mo ang mga litratong ‘yan,at titigan pauli-ulit kapag miss na natin ang isat-isa. Hindi mo kailangang ma-insecure sa iba, hindi ko sila papatulan,hindi ko sila papansinin, hindi kita minahal nang mahabang panahon para saktan lang, wala akong pake sa kanila, ikaw ang mahal ko, oo, mahal kita, at tanggap ko kung sino ka, kung anong mayro’n at wala sa’yo,dahil mahal kita.Mahal na mahal, hindi mo kailangang ma-insecure.Hindi. Lahat ng bagay, ay aking gagawin, dahil hindi lang magtatapos ang aking “mahal kita” sa bawat letra ng mga salitang namumutawi sa aking bibig,hindi ito isang antigong alahas na susuotin lamang sa mga piling okasyon,pagkatapos ay itatago sa kahon, at kakainin ng alikabok sa lilipas na mga taon, mamahalin kita kahit sa ano mang panahon: tirik man ang araw sa pagtawa o kulimlim man ang gabi sa pag-iyak.Mahal kita.Mahal na mahal, at hindi lang magtatapos ang aking “mahal kita” sa mahal lang kita,kukunin ko ang mga agiw sa iyong mga lumang gunita,pilit kong wasakin ang mga pader na nakaharang sa ating dalawa. Hindi mo kailangan ipagsigawang mahal mo ako, sapat na sa akin ang pagsanay sa sarili sa ‘yong presensya at pagkandili,sapat na sa akin ang pag-intindi mo sa mga kamaliang pilit binabayo,mga pagkukulang na pilit pinupunan, at sa mga araw na kahit luha ang nalalasap ay patuloy ka pa ring nakahawak sa aking mga kamay at hindi mo ito binitawan. Hindi mo kailangan ipagsigawang mahal mo ako, pumasok ka sa pinakakasulok ng aking utak, nang mabatid mo ang mga nakasulat, nakalimbag sa bawat pahina ng aking isip: ililibot kita, sa aking nakaraan,sa aking ngayon at sa aking bukas, ilalahad ang pag-aasam na makatakas sa mga kabiguang natanaw. Sisirin natin ang pinakailalim ng aking puso, dito matatagpuan ang pag-ibig na kailanman hindi mabubura, hindi maglalaho, para sa nag-iisang ikaw. Hindi mo kailangan ipagsigawang mahal mo ako, hindi na kailangan, dahil alam ko, d’yan sa puso mo,nakaukit rin ang pangalan ko,at ang pag-iibigan nating dalawa, hindi mo na kailangan ipagsigawan pa dahil alam kong mahal mo rin ako.Mahal mo ako. Mahal na mahal.Sana Nga'y mahal mo pa ako! Mahal mo talaga ako.
0
Mar 8, 2021
Mar 8, 2021 at 5:25 PM UTC
HINDI NA DAPAT IPAGSIGAWAN PA

43
#030317 Oo, totoo -- Hindi mo na kailangang ipagsigawang mahal mo ako, Na aakyat pa sa tuktok ng bundok Para isigaw ang pangalan ko, At doo'y ihayag ang nilalaman Ng damdaming nagsisidhi, Sapat na sa akin ang ibulong mo ang mga salitang ‘yan. Mahal kita -- Sabi nila, lahat ng panimula ay may pangwakas Pero hindi ko mahagilap sa anumang libro Kung may katapusan nga ba ang mga salitang yan. Sa bawat letrang namumutawi sa aking bibig, Hindi ko alam kung matatapos ba Ang pagkatha ng puso ng sarili nitong lenggwahe ng "mahal kita" Pagkat hindi ito isang antigong alahas Na susuotin lamang sa mga piling okasyon, Pagkatapos ay itatago sa kahon, At kakainin ng alikabok sa lilipas na mga taon. Sabi sa kanta, "Walang sagot sa tanong kung bakit ka mahalaga" Pero ang sabi ko nama'y Tirik man ang araw sa pagtawa O kulimlim man ang gabi sa pag-iyak, Hindi ako mauubusan ng dahilan Para mas mahalin ka pa. Mahal, kaya ka pala mahalaga At kaya pala mahalaga -- Ngayon, ngayo'y alam mo na. Kukunin ko ang mga agiw Sayong mga lumang gunita, Pilit kong wawasakin ang mga pader Na hindi akmang pumagitna sa'ting dal'wa. Sa paulit-ulit **** pagsambit, Noo'y natakot akong maglaho ang halaga nito Natakot akong bawiin ng bukas ang bawat sinasambit mo Pero ngayon, mas pinili ko nang masanay -- Masanay sa bawat pagbigkas mo Kahit pa sabi ko noo'y ayoko Kahit pa gusto kong itanggi Kahit pa gusto kong limutin. Pero oo, sapat na sakin ang tiwala mo Sapat na sakin ang pag-intindi mo Minsa'y di ko maintindihan sa telepono, Minsa'y di ko malinaw sa pandinig ko Pero alam ng puso ko: Narinig ko. Sa mga kamaliang pilit nating binabayo, Mga pagkukulang na pilit nating pinupunan, At sa mga araw na kahit luha ang nalalasap, Doon ko nakitang kaya pala -- Kaya pala nating magpatuloy Sa paghawak sa kamay ng bawat isa At kahit pa malayo sa isa't isa'y Ikaw at ikaw pa rin ang pagsinta. Minsan di'y nagtanong ako, Ba't hindi ka na lang naunang masilayan ang mundo? Bakit kailangang hintayin pa kita? Bakit kailangang masaktan muna bago matugunan ang pagmamahal? Ba't nga ba minamahal kita? Mapupuno ako ng bakit Pero itatapon ko ang mga ito, Ayoko nang malunod sa pangambang Paggising ko'y baka muli ka na namang maglaho O baka malimot ng isa sa atin Ang iniingatang "mahal kita" Tatalon ako sa walang kasiguraduhan Tatalon ako -- Oo, alam kong nahuhulog ako Nahuhulog sa walang katapusang "Mahal kita." Hindi ko gamay ang misteryo nito Hindi ko mabatid ang mga nakasulat, Mga nakalimbag sa bawat pahina ng aking isip: Pero ililibot kita, Sa aking nakaraan, Sa aking ngayon At sa aking bukas -- Pagkat hindi tayo nabigo Ayokong biguin ka. Kailanman hindi mabubura, Hindi maglalaho Para sa nag-iisang ikaw. Sana magkusa ang araw sa pagbangon, At bukas makalawa'y maririnig ko na Ang hinihintay kong "Mahal kita."
0
Mar 2, 2017
Mar 2, 2017 at 9:46 PM UTC
Walang Tuldok ang "Mahal Kita"

86
Bilanggo, nagiipon ng problema Naubos sakin ang iyo sanang antukin na maghapon Sa lait ng tadhana mukha'y hindi na maipipinta Kung puwede lamang ito ay itatago nalang sa baon. Laging talo, lagi nalang kasing kalaban ang isipan Ang mga bagay na gusto ay hindi parin nalalaman Sa buhay, napakahirap ang walang pangarap Sa buhay, mahirap ang walang makausap. Pati siguro multo ay papatusin Pambawas lang ng iisipin, Para lang may makasama Di na takot, nasanay na ata sa kaba. Sa unti-unting kong tanong sa puso at sarili, Na saan nga bang pasya ako nagkamali?
0
Jan 8, 2019
Jan 8, 2019 at 9:38 AM UTC
Pagiisip ay Mahirap
Maraming salamat Sa mala alamat Na kwento ng ating pagmamahalan Na dati ay walang hangganan Nauwi sa hiwalayan Nauwi sa mahabang gabi ng iyakan Nasaktan tayo pareho Pero hindi ako sumuko Tatlong buwan nag-isip Ngunit ika'y nainip Hindi ko na nasagip Natangay na ng hangin na malakas ang ihip Maraming salamat Sa lahat lahat Sa kahinaan at kalakasan ko Tinulungan mo akong magbuhat Tinuruan mo akong tumayo Pinangako sayo ang hindi paglayo Binago ako ng ating pagmamahalan Mga pangarap nati'y nagkakaroon ng katuparan Ngunit pagmamahalan natin nagkaroon ng katapusan Hindi na din natin nagawan ng paraan Na ayusin at bigyan ng pagkakataon Nagkulang na ata sa oras at panahon Ikakahon ko na ang lahat ng ating alaala Itatago sa isang parte ng puso ko kung saan wala ka na
0
Oct 8, 2015
Oct 8, 2015 at 9:23 PM UTC
Salamat
Meron akong labing-isang daliri Ilang beses kong binilang noong bata pa ako, sinigurado kung labing-isa nga ba talaga at nagtataka, nagtatanong kung bakit may sobra pang isa. Meron akong labing-isang daliri May kanya-kanya silang mga kwento. Labing-isa, Hindi ko alam kung biyaya ba 'to o sumpa Hindi ko alam kung bakit ako naiiba Hindi ko alam kung paano ko ba 'to itatago sa mga tao Sabi nila, suwerte daw 'to, magiging mapalad daw ang buhay pag-ibig ko, yayaman daw ako. Sabi nila, okay lang daw maging iba Sampu, Nakilala ko ang pagaalinlangan at inggit, Umupo sila sa magkabilang balikat ko, Hindi na sila umalis simula noon, Hindi ko sila pinaalis. Halos buong buhay ko, nanatili ako sa katahimikan, Hindi ako magsasalita hangga't walang kakausap sa akin, Hindi ko itataas ang kamay ko sa klase kahit alam ko ang sagot. Maghihintay ako na tawagin ang pangalan ko, na may pumansin sa akin, Maghihintay na may pupuno ng katahimikan ko. Kung sisiyasatin mo ang utak ko, Mabibingi ka sa dami ng boses na hindi ko napalaya. Nakakulong, sa kani-kanilang mga selda, Kanilang susi ay nawala na, Umaasa na sila'y mahanap at magamit para masabi ang mga dapat nasabi Siyam, Tsaka ko lang nalaman ang halaga ng mga salita, Kung gaano sila katalim, Kung gaano sila katamis, Kung gaano sila kapait. Kung gaano sila nakakapagpabago ng isang tao. Walo, Wala pa ring tumatawag ng pangalan ko. Wala pang pumupuno ng katahimikan. Pito, Hindi ko na alam kung may tatawag pa ba, Kung may makakapuno pa ba, kung ilang salita pa ang makukulong hangga't sa buong katawan ko'y maging selda ng sigaw, pait, inggit, pagmamahal, rason, at galit. Anim, Sinubukan kong unang mag salita, Magkwento tungkol sa buhay ko, sa nararamdaman ko. Pero parang walang nakarinig. Hindi ko alam kung mahina ba boses ko o hindi lang nila ako napansin, o kung pinili ba nilang hindi ako pansinin o kaya wala lang talaga silang **** Simula noon, nakinig na lang ako. Kaya ikaw, oo ikaw na may storya Ikwento mo yung mga naaalala **** nangyari sa'yo noong bata ka pa Yung mga bangungot mo, yung pinakanakakahiyang, pinakamasaya at pinakamalungkot na mga sandali ng buhay mo, yung una **** naramdaman ang kiliti sa puso mo noong naintindihan mo kung ano ang pag-ibig, Ituring mo akong talaarawan mo, Pakawalan mo yung mga salitang tinago mo nang nagalit ka. Iiyak mo sa akin lahat ng luha na hindi mo nailuha nang iniwan ka. Itatago ko 'to sa pagsara mo, at papakinggan kita muli sa pagbukas. Papakinggan kita. Papakinggan kita. Sana pakinggan mo din ako Lima, Nananahimik at nakikinig pa din ako. Apat, Mananahimik na lang ako. Tatlo, Sa katahimikan ko, Nakalimutan ko na kung paano magkwento, Nakalimutan ko na kung paano umiyak Nakalimutan ko na din yata kung paano magsalita. Dalawa, ... Isa, Natuto ako sumulat ng tula, Nakahanap ng makukwentuhan, Naramdaman ang saya nang makatapos ng isang piyesang may parte ng mga salitang nakulong at nakalaya muli. Nagkaroon ako ng matatakbuhan sa katahimikan. Nagbabakasakali na maalala ko ulit kung paano umiyak, kung paano magkwento muli, na may makikinig na sana sa akin. Nagbabakasakaling maalala ko ulit kung paano magsalita. Meron akong labing-isang daliri, Hindi ko pa rin alam kung biyaya pa rin ba 'to o sumpa.
0
May 29, 2016
May 29, 2016 at 2:42 AM UTC
Labing-Isa

84
Hindi man naisin Ikaw ay nasa isip pa rin Sinubukang limutin Damdamin para sayo ay di kayang tiisin Lahat ng lungkot na sa aking puso'y, iyong iniukit Nakasulat sa papel, sa dingding doon nakadikit Mga saloobing puno ng hinanakit Itatago at kikimkimin, isasabay na lamang sa aking pagpikit Sabi mo "hindi mo ako iiwan" Tugon ko "ikaw lang magpakailaman" Subalit ngayon ako'y nangungulila Hindi malaman kung bakit laging nakatulala Sinta, ano ba ang aking nagawa? Hindi ko sukat akalain, na ang pag ibig natin ay biglang mawawala Sa aking pag-iisa, susubukang isagawa Ang paglimot sa ating masasayang ala-ala icm
0
Sep 24, 2015
Sep 24, 2015 at 10:14 AM UTC
Malungkot na Pluma
Kapag Namulat ka sa katotohanan Kasalanan na ang Pumikit Babalik sa pinanggalingan Kalmado at hindi iimik Ititikom ang bibig at lulunukin ang mga salita Papalipasin ang kanina Ipipikit ang mga mata Dahil sa bagong umaga Magpapanggap na walang nag-iba Kaya Magbubulag-bulagan Sa pangyayari nakita Ngunit kinakalabit ng konsensya Kinakabahan sa nakita Binubulong na magsalita na At Kailangan may gawin na, Kailangan may aksyon na Hindi dahil sa natatakot Kundi dahil sa nakasanayang pagbalewala Hindi pagpansin sa biglang nakita Huhulaan magiging epekto Kapag ibinungad at inilantad sa mga tao Kaya mananatili nalang sarado Nakabaon Hindi iimik at itatago ang mga salita Kahit nagpupumilit iluwa
0
Aug 16, 2018
Aug 16, 2018 at 6:15 AM UTC
Nabulag sa Katotohanan
Nag-iisa ako habang pilit kinikubli ang pighati, Na sa'king puso'y mananatili. Ako'y nalulumbay ngunit pilit na ngumingiti, upang hindi nila makita ang lihim kong pagtangi. Aking itinago ang lihim kong pagtingin sa iyo, sapaggkat ayokong ako'y iwasan mo. Ako'y kuntento na lamang sa ganito, kumpleto na ang araw masilayan lang ang mga ngiti mo. Dumarating sa punto na gusto kong sayo'y magtapat. Pinapangarap na mga labi nati'y minsang maglapat, ngunit alam kong hindi ito dapat, sapagkat ayoko ang samahan nati'y biglang magkalamat. Itatago ko na lamang ang aking tunay na nararamdaman. Ayos lang sa'akin kahit ako pa'y mahirapan. Wag lang matapos ang ating pagkakaibigan. Mahal ko alam ko, ika'y hanggang panaginip na lang "At bago ko makalimutan Hindi mo parin ako maiintindihan Kahit ika'y akin ng sinabihan Ako ay nanaginip nanaman."
0
Apr 22, 2016
Apr 22, 2016 at 12:31 PM UTC
Panaginip
Kumusta aking kaibigan Na siya kong napagsasabihan Ng mga bagay na iniingatan At itinatago sa karamihan Ako'y may mensahe kaibigan Ako'y mayroong naiibigan Handa ka na bang malaman Siya ay ang aking kaibigan Tibok ng puso'y pinipigilan Ng isip na nangangatuwiran Damdamin ba'y ipagliliban Sa takot na siya ay lumisan Dapat pa nga bang malaman Kung makasasakit ng kaibigan Itatago na lang sa isipan At manatili na lang na kaibigan Alam ko'ng hindi makatuwiran Sana'y wala ka pang naiibigan Damdamin sayo lamang nakalaan At sa isip ikaw ang pinagsisigawan Ngunit handa ka'ng pakawalan Kung sino man sayo'y nakalaan At pangako hindi ako masasaktan Kung liligaya ka naman JGA
0
Mar 26, 2020
Mar 26, 2020 at 7:01 PM UTC
Kaibigan
Itinaga ko sa bato, Sinigaw ko sa harapan ng malalakas na alon Ang pangako hindi na ako iibig muli. Isa, dalawa, tatlo. Tatlo beses ako niloko. Tatlo beses ako iniwan. Para isang laro, Naka-bingo na ako. Dumaan ang mga araw, Lumipas ang buwan, Nagsimula ang bagong taon, Ngunit ang pangako sa nakaraan Aking dinala. Isa, dalawa, tatlo. Hindi na ako muling iibig pa. Pinagdamutan ko ang sarili ko Magmahal ng iba. Kaya ko magisa. Mga katagang lagi kong binubulong sa sarili ko. Papatak man ang mga luha ko, Pero hindi na muli madudurog ang puso ko. Isa, dalawa, tatlo. Nahipan ng hangin ang pangako ko. Isang araw nagising na lang ako, Inaantay ko ang mga mensahe mo. Ikaw ang una naiisip sa umaga, Kausap sa magdamag, Panaginip sa gabi. Sa mga araw na mapait, Ikaw ang nagpapangiti. Sa mga araw na magulo ang mundo ko, Ikaw ang nagliligtas nito. Isa, dalawa, tatlo. Ayaw ko mahulog sa iyo. Takot akong madurog ang puso kong Pinilit kong binuo. Ngunit paano, Kung ikaw lang ang nais sa piling ko. Kaya ngayon itong nararamdaman ko'y itatago muna sa iyo. Isa, dalawa, tatlo. Tatlo hakbang palayo sa iyo. Dalawa tayo sa istorya na ito. Isa lang ako na may paghanga sayo.
0
Oct 7, 2019
Oct 7, 2019 at 10:26 AM UTC
Isa, dalawa, tatlo
Bukas Samahan mo ako Pagsapit ng takip-silim, Kung saan nag-aagawan ang liwanag at dilim At ang langit na bughaw ay magliliyab ng pula Tapos kukupas sa mga bituin. Samahan mo ako Sa tabi ng kalsada Kaharap ng mga naglalarong bata Sa ilalim ng mga nagbubulaklak na punong acacia At lasapin natin ang malamig na hangin Na humahaplos sa atin ng kay lambing. Halika, Balik tanawin nating ang nakaraan At mangarap ng mas malaki pa Para sa kinabukasan. Wala nang lihim na itatago, Walang kahinaan na ikakahiya. *Ikaw ay ngingiti. Ako ay tatawa.* Bukas.
0
Jan 29, 2014
Jan 29, 2014 at 10:38 PM UTC
Bukas.
Ito na ang huling araw na iisipin ki*Ta talikuran ang lahat ng alaa***La rawan natin ay itatago sa basura***Han da na ako na ikaw ay kalimutan*
0
Aug 12, 2015
Aug 12, 2015 at 11:25 AM UTC
Makinig ka kasi
Andito na naman ako Magsusulat na naman para matandaan Mga pangako na minsan mo binitawan Nagtatampo at nasasaktan Nasaan ka? Bakit hindi kita maramdaman? Natatandaan mo pa ba yung pangako mo? Pangako mo na mananatili ka sa tabi ko? Sinabi ko sayo na aalis na ako Na ayoko na at sumuko na tayo Pero nanatili parin sa piling ng pareho. Mahal, alam natin saan tayo lulugar pareho Kung hanggang saan lang ang meron "tayo" Pero ang pangako mo na hindi mo ako pababayaan nasaan? Naglaho na ba at tuluyang nakalimutan? Nakalimutan o hindi mo mapanindigan? Hindi mapakali't nanghihinayang Mga binitawang salita at nararamdaman Pilit binubura lahat ng ugnayan Ugnayan na nabuo sa pag-iibigan Hanggang umabot sa desisyon na wakasan. Mga pangako natin sa isa't isa Napako at nawala na Tila ba kay bilis lang uli mapag-isa Yung sakit na hindi ko maramdaman noon Ay unti unti ng yumayakap sa akin ngayon. Mahal, salamat sa masasayang araw natin Mga araw na nabuo ng masarap na salita sa atin Larawan mo na hindi makakalimutan Haplos at yakap mo na hindi mapantayan At sa mga pangako na iyong binitawan. Salamat sa masasayang kwento Na itatago ko hanggang dulo Salamat dahil naging parte ka ng buhay ko Masayang alaala ng babaunin ko Ito na ang dulo na kayang tanggapin ng puso ko.
0
Feb 21, 2020
Feb 21, 2020 at 4:26 AM UTC
PANGAKO
Dumating na nga at ako ang nagwagi Sa larong alam kong ako ang masasawi Kaya nama'y tuluyang ikukulong at itatali At tuluyang ako ang sa inyo'y maghahari Wala nang dapat pang pag-usapan Ako ang wagi sa tunggalian Itatago ko na kayo sa kailaliman Sa madilim at malungkot na kadiliman Yayakapin ang ginaw sa taglamig At papatayin ang apoy ng tubig Wala nang lambing mula sa bibig At papatayin ko na ang pag-ibig
0
Feb 9, 2023
Feb 9, 2023 at 10:29 AM UTC
Wagi
Tahimik na tubig na laging kinukutaw Waring pinupuno hanggang sa umapaw Ang kung dilim ay nangingibabaw Magtakang papatayin ko ang aking ilaw Lumulubog sa maalon na panahon Nasasawi sa bawat pagkakataon Wagi sa araw ay hindi lagi ganoon Sa pagsapit ng gabi luray kung magkataon Sa pisi ay sagabal ang tingin Sa kapayapaan sarili'y binibitin Sa taga na walang sawang aaliwin Naglalaro kaya hindi puputulin Saksi sa paglubog ang araw at buwan Sa mga matang lubos nang natuyuan Itatago ang musmos ng tuluyan At ilalabas ang isang makapangyarihan Ang malamig na walang inaasahan At hindi mag-iinit sa bawat kinabukasan Ang bawat sugat ay tinutuluyan Gaya ng tahimik na tubig sa dalampasigan JGA
0
Dec 27, 2021
Dec 27, 2021 at 9:49 PM UTC
Tubig
Paano ba simulan ang isang tula? O dapat ba ito'y hayaang ilapat ng tadhana. Tulad ng isang gabing mahiwagang May simula kahit di sinimulan, magkakawakas nang di winawakasan. Kung saan sana'y di na nagtitigan kasing lalim ng kalawakan Di na nagtawanan sa gitna ng Univ. Ave. Mumunting pigurang di umiilag sa sasakyan Ngunit patuloy ang pagbangga sa isa't isa. Kung saan sana'y di na hinawakan itong kamay Kung sa pagbitaw, mas matinding kapasuan. At sa mata ng buwan, sa baba ng tulay sa Philcoa Di na sana hinagkan na parang tayo'y sa isa't isa. Paano nga ba sinisimulan ang isang tula? Bakit ito'y mahirap kumpara sa pagwawakas? Maaaring madaliin pag nais na O basta na lang iwan sa kalagitnaan. Pero ang mga tula, ay mga marka. Itatago ko't babalik-balikan Parang noong gabing tayo'y naglalakad At andiyan ka pa.
0
Mar 4, 2017
Mar 4, 2017 at 2:36 AM UTC
Piling