Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Mar 2020
Kumusta aking kaibigan
Na siya kong napagsasabihan
Ng mga bagay na iniingatan
At itinatago sa karamihan

Ako'y may mensahe kaibigan
Ako'y mayroong naiibigan
Handa ka na bang malaman
Siya ay ang aking kaibigan

Tibok ng puso'y pinipigilan
Ng isip na nangangatuwiran
Damdamin ba'y ipagliliban
Sa takot na siya ay lumisan

Dapat pa nga bang malaman
Kung makasasakit ng kaibigan
Itatago na lang sa isipan
At manatili na lang na kaibigan

Alam ko'ng hindi makatuwiran
Sana'y wala ka pang naiibigan
Damdamin sayo lamang nakalaan
At sa isip ikaw ang pinagsisigawan

Ngunit handa ka'ng pakawalan
Kung sino man sayo'y nakalaan
At pangako hindi ako masasaktan
Kung liligaya ka naman

JGA
Ang Twist po neto yung kaibigan niyang binati yun yung gusto nya.  Haha
Pusang Tahimik
Written by
Pusang Tahimik  26/M/Quezon City, Philippines
(26/M/Quezon City, Philippines)   
  4.0k
 
Please log in to view and add comments on poems