Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
ZT Nov 2015
Hanggang kailan kaya merong "tayo"
Di ko maalis ang takot sa isip ko
Na isang araw ang "tayo" ay maging "ako"

Takot na ako'y iyong iwan
Baka puso mo ako'y kalimutan
Kasi nangyari na yan minsan

Nananatili pa rin ang pangamba
Na muli magkaroon ka ng iba
Sa nararamdaman kong ito
Di mo naman ako masisisi diba?

Kasi minsan mo na akong ipinagpalit
Pag-ibig na naging mapait
At nagdulot ng labis na sakit

Kaya hanggang ngayon takot pa rin ako
Na matapos ang ating tayo
At mapalitan ng isang kayo
Nagmahal ka ngunit nasaktan ka
ngunit humingi siya nga tawad sabi isa pa
Nagmahal ka ulit pero naging masakit na
dahil tila siya ay isang malaking paasa
Starztruck Sep 2015
Sa bawat paghinga ko, iniisip kita.
Hindi ko maalis ang lungkot saking mata.
Tuwing naalala ko ang mga araw na magkasama tayo.
Masayang alaala na hindi ko mapagtanto.


Ano ba ang kulang?
Hindi ako siya.
Pero higit ako sa kanya.
Bakit hindi mo makita?


Nasasaktan ako dahil mahal kita.
Pero mas masakit na mahal mo parin siya.
Ang lungkot ng buhay ko.
Kahit kelan kaibigan mo lang ako.
seluring Aug 2017
nais kong simulan ang aking tula sa isang katanungan,
"bakit mo ako iniwan?"
dahil ba sa ugali kong hindi maintindihan?
dahil ba sa itsura kong hindi kagandahan?

bakit mo ako binitiwan?
bakit mas pinili mo ang lumisan?
bakit mga pangako mo'y iyong kinalimutan?
bakit ka lumihis ng daan?

mahal, sana'y sagutin mo't huwag kang magalit,
kung marami akong tanong sayo na bakit,
hindi ko parin kasi talaga matanggap yung sakit,
sagutin mo naman, baka sakaling tumamis ang mapait.

hindi kita matanggal sa puso't isip ko,
at dahil sa takot ko na baka maulit ang pag-alis mo,
ipinagkatiwala ko ang puso ko sa ibang tao,
kaysa ang maniwala muli sa mga salita mo.

sa bawat paggalaw ng kamay ng orasan,
sa bawat pag-ihip ng hanging amihan,
sa bawat pagsilip ni haring araw,
tila puso ko'y nanatiling naliligaw.

paulit-ulit sa aking isipan,
tama ba ang aking napagdesisyunan?
kasiyahan sa iba ay dapat bang subukan?
nagbakasali na hindi ko ito pagsisihan.

sumubok ako, nagtiwala sa mga salitang naghatid ng panandalian ligaya,
nagpadala ako sa mga pangakong "ikaw lang at wala ng iba",
pero nagkamali ako, pare-pareho lang pala kayo,
sa una lang kayo pursigido.

mahal, nais kong alalahanin mo,
lingid sa kaalaman mo na makakalimutin ako,
pero inaamin ko, ni minsan hindi ka nawala sa isip ko,
oo mali 'to, pero masisisi mo ba ako?

bakit ramdam ko parin ang sakit ng iyong paglisan?
bakit hindi kita kayang bitiwan?
bakit sa bawat oras ng aking kalungkutan,
ikaw, ikaw ang nagsisilbing dahilan ng aking kasiyahan?

ang unan ko'y basang basa na ng luha,
mata ko'y tuluyan ng namaga,
alam ko na wala na akong dapat kapitan,
kung kaya't sanay matutunan ko ng ika'y bitiwan.

mahal, wala akong karapatan para sabihin na ako'y iyong balikan,
dahil minsan na kitang pinagtabuyan,
kaya hinihiling ko na sana sa iyong muling paglisan,
kasabay nun ay ang unti unti kong pagtahan.

patawad sapagkat hindi na tama ang aking nadarama,
patawad sapagkat alam kong tayo'y tapos na,
patawad sa mga salitang hindi na maibabalik pa,
patawad, patawad sa pagpili ko noon na lisanin ka at wag ng lumingon pa.

labis ang naramdaman kong lungkot,
labis din ang poot dahil hindi kita malimot-limot,
subalit sa mga panahong naghihilom na ang kirot,
saka ka naman muling susulpot.

lubos akong nagalak,
puso ko'y nabusog sa iyong salitang mabubulaklak,
nawala ang patalim sa puso ko na nakasaksak,
nang ikaw sakin ay kumambak.

subalit hanggang kailan kaya mayroong "tayo"?
hindi ko maalis ang takot sa puso at isip ko,
hindi ko maalis ang nadarama kong silakbo,
na ang dapat na "tayo" ay mapalitan muli ng isang "kayo"

hanggang kailan mo ako muling mamahalin?
hanggang kailan mo ako muling yayakapin?
hanggang kailan mo muling ipaparamdam ang apoy ng pag-ibig?
o papatayin na lamang ito muli ng malamig na tubig?

natatakot ako sa mga bagay na hindi inaasahan,
na baka magbago ang iyong isipan,
natatakot ako sa mga pwedeng maging dahilan,
dahilan ng iyong posibleng paglisan.

kasi minsan mo na akong isinantabi,
minsan mo na kong trinato na parang walang silbi,
minsan mo ng binasa ng luha ang aking pisngi,
at minsan mo na rin pinunit ang puso ko sa iyong mga sinabi.

natatakot ako mahal ko,
nais kong magtiwala muli sa mga salita mo,
paumanhin, subalit natatakot ako,
natatakot akong iwan mo ulit ako.

sana'y sa ating karanasan sa nakaraan,
manatili ka sa aking tabi at huwag lumisan,
sapagkat ikaw ang aking kalakasan,
subalit ikaw rin ang aking kahinaan.

ikaw, ang pumapawi sa aking uhaw,
ikaw, ang nagbigay direksyon sa puso kong ligaw,
ikaw, ang dahilan kung bakit ang puso mula sa bintana ng kaluluwa'y dumungaw,
ikaw, ang nagbibigay sigla sa akin araw-araw.

hinihiling ko na sana sa oras na magbago ang ihip ng panahon,
magbago ang direksyon ng mga alon,
tumaliwas ang lahat ng bagay sa dapat nilang posisyon at direksyon,
mag-iba man ang huni ng mga ibon,

sa oras na ikaw ay aking muling tanungin,
isa laman ang isasagot mo sa akin,
"huwag kang matakot at mangamba,
mahal na mahal kita"
ig: seluriing
twt: seluring
fb: seluring
follow meeeeee!
J Feb 2018
Kaibigan, halika at makinig,
Sa storyang dapat **** marinig,
Sana ako’y paniwalaan,
Dahil hindi ito kathang-isip lamang.

Habang ako’y nag-iisa,
Habang hindi mo ako kasama,
Dumidilim ang mundo,
Sa pagdilim nito kasama pati buhay ko.

Sa tuwing nakatingin sa mga tala,
May mga boses na laging nang-aabala,
Gusto ko silang tumahimik,
Maalis ang mga aninong umaaligid.

Tama na.... tama na... ayoko na,
Patahimikin mo na sila.
Tama na.... Nakikiusap ako,
Tulungan, tulungan mo ako.

Sa gabi man o umaga,
Lungkot na hindi mawari ang nadarama,
Noong araw na ako ay nawala, (sa aking pagkawala)
Kasabay nito ang katahimikan nila.

Sa pagtatapos ng aking kwento,
Sana maunawaan mo,
Na hindi ito kasabay ng panahon na lilipas din,
Ito ay importante at dapat intindihin.

Sa pag kupas ng mga larawan,
Sa bawat kumpas ng alon sa dalampasigan,
Kaibigan, ako’y lumisan sa mundo hindi dahil ginusto ko,
Pero para sa ikatatahimik ko.

Saklolo.
Stop the stigma of Mental Illness. Mental disorders are not adjectives.
poetnamasakit Oct 2015
Simula sa unang pagupo ng puwet ko sa tagayan
Nakita ko sa mga mata mo ang saya ng isang misteryosong lalaki
Mga mata **** nakatitig sakin
Habang sinasabi mo sakin na “baka may magalit na iba?”
Ang sabi ko’y “wala”
Tinuloy mo ang usapan sa salitang “okay ka lang ba?”
Ang sabi ko’y “oo, basta kasama kita.”

Natataranta ako tuwing ika’y mananahimik pagkatapos **** magsalita
Nangangamba ako na baka may nasabi akong kakaiba na hindi ko natantsa
Nagpaliwanag kang “hindi ganto lang talaga ko”
Naisip ko na baka kasi lasing ka na
Ang sabi mo nama’y “hindi, kaya ko pa.”

Ako din.. Kaya ko pa.
Kaya ko pa….
Alam mo ang hindi ko kaya?
Yang mga mata **** nakatitig sa mga mata ko
Na parang ayaw mo kong mawala sa tabi mo
Yung mga kamay mo na naglalaro sa balikat ko
Yung mga haplos mo na tila sinasabing “ikaw ang gusto ko”

Hanggang sa ikinagulat ko na nagmula mismo sa bibig  mo
“Gusto kita.”
Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko
Napatingin nalang ako sa malayo habang sinasabi sa isip kong
“Tangina! Tangina! Tangina!”
Napamura nalang ako kasi ngayon ko nalang ulit naramdaman 'to
Natutuwa ako pero natatakot ako na baka kasi ngayon lang 'to
Na baka lasing ka lang kaya yan ang nasasabi mo
Natatakot akong masaktan muli kaya kasunod non ay pagpigil nalang sa hininga ko at sinabi ko sayong “okay ka lang ba?”
Ang sabi mo’y “oo, kaya ko pa.”

Ayoko nang ituloy ang kuwento ko tungkol sayo
Wala din nga akong balak sanang sabihin to sa mga kaibigan ko
Kaya nga eto, sinusulat ko nalang ang mga pangyayari gamit ang mga piling letra para lang sayo
Sa dulo ng kuwentong ito, ipapahayag ko na iniwan mo nalang ako
Hindi sa paraang ikakasama mo..
Kundi sa paraang ikinalulungkot ko kasi hindi na nasundan ang pagkikita nating dal'wa
Ayoko  ng umasa..
Pagod na kong umasa..
Napagod nalang akong umasa..

Nasaktan na ko noon kaya inaalalayan ko lang ang sarili ko
Ayokong magpadalos dalos kasi alam kong nasasaktan padin ang nobya mo noon sa paghihiwalay niyo
At ako eto ngayon.. Sa sarili kong bersyon, ako yung nobya, na tila parehas ang nararamdaman namin ng nobya mo
Parehas kaming nanghihingi ng atensyon sa mga mahal namin

Ayokong agawin ka sakanya, kasi sabi mo nga sakin mahal ka pa niya
Hindi kita kukunin sakanya
Dahil alam ko ang pakiramdam ng kinukuha nalang basta-basta

Para matapos lang tong salaysay ko
Magiiwan ako ng mga salita na para sayo
Mga salitang sana maintindihan mo at wag **** tignan bilang mababaw
Gusto ko lang malaman mo 'to
Dahil pagod na kong itago lahat ng to dito sa puso ko

“Siguro masyadong mabilis ang mga pangyayari
Dumating ka nalang bigla na tila binagyo mo ang isip ko
Mga salitang binitawan mo na hindi maalis sa isipan ko
Para kong tanga na mabilis masawi
Nakakahiya..
Pero totoo to
“Gusto rin kita”
Hindi dahil sa alak o lakas lang ng loob
Hindi dahil malungkot ka at gusto kitang pasayahin

Yung mga titig mo
Yung mga titig mo

Yung mga mata **** nakatitig sa mata ko
Yung mga haplos **** namimiss ko
Yung mga salitang lumabas sa bibig mo

Yung ikaw

Yung ako

Pero…
Yung akala kong may “tayo”

Bigla ka nalang naglaho..
Bakit?
Anong problema?

Kulang pa ba yung alak na laman ng tiyan mo para sabihin mo saking…… “ikaw talaga ang gusto ko.””
Sirsison Feb 2017
Unang pagkikita natin sa ating pinasukan
Parang hangin lamang na dumaan
Tuloy tuloy pa rin sa paglalakad
Na parang may importanteng lakad.

Ako ay parang isang sirang mata
Na walang kakayahang makakita
Nang isang rosas na putuloy na bumubuka
Dahil sa taglay nitong glamorosa.

Subalit sa mga sumunod na araw at tayo’y nagkakilala
Para kang isang ilaw na hindi maalis sa aking mga mata
Na kahit saan magtungo ang aking mga mata
Ikaw pa rin ang nakikita.

Ako’y nagagalak
Sa tuwing tayo ay humahalakhak
Na parang ang puso’y pumapalakpak
Ang paglisan ay hindi ko minsang binalak.

Sa sandaling tayo’y magkausap
Pakiramdam ko ako’y nasa ulap
Na kung maaaring hindi na kumurap
Upang ang pag-uusap ay lalong sumarap.

Subalit ang oras ay napakabilis malagot
Kaya’t ako’y nakaramdam ng matinding takot
Na mangyari ang isang bangungot
Na baka sa susunod hindi ka na sumagot.

Nagpatuloy ang mga araw na dumaan
Ika’y patuloy kong pinagmamasdan
Na habang ako’y  umiisip ng daan
Upang ika’y malapitan.

Nagdaan ang araw at buwan
Habang ika’y aking pasekretong pinagmamasdan
Ako’y lubusang naguguluhan
Kung bakit laging ganyan.

Di nagtagal ako’y may naramdaman
Na pakiwari ko’y dahil ika’y nasilayan
At nakilalang lubusan
Na pilit kong inaalis sa aking isipan.

Subalit ako’y nabigo
Sa aking pagtatago
Nang nararamdamang nabuo
Sa palagiang pagtatagpo.

Isang araw ako’y humantong sa isang pagtatapat
Na isang daang pinag-isipan kung ito’y nararapat
Kahit na natatakot na ako sayo’y di pa sapat
Pero ito’y aking nilabanan dahil ang layunin ko sayo’y maging tapat.

Sa  aking pagtatapat lubha akong nalungkot
At natakot;
Na baka ako’y masangkot
Sa isang pangyayaring masalimuot.

Nang ika’y makilala mahal na kita
Ngunit ng tumagal-tagal, may mahal ka pa lang iba
Ako’y nasaktan at nalungkot sa nalaman
Hanggang kaibigan na lang pala ang ating turingan.

Ilang araw ang nakalipas ako’y di mo na pinapansin
Mga matatamis na ngiti na dulot natin
Unti unti nang nagiging asin
Na sa alat di na maatim.

Iniisip na lang na ika’y natatakot akong mahalin
Na baka saan pa tayo dalhin
Na sana’y aking dasal ay dinggin
Na ako’y iyong mahalin.

Nagdaan ang mga araw
Ako’y nahumaling makinig ng malulungkot na kanta
Na nagpapabalik ng masasaya nating alaala
Na sa isang iglap lamang nawala na--na parang bula.

Ito ang nagdulot sa akin ng pighati
Dahil simula pa noon ikaw na ang tanglaw sa aking mga gabi
Ikaw ang liwanag sa araw kong hinahabi
Na ikaw lamang ang makakapagbalik ng kulay sa pusong nagbigti.

Paano kung sabihin ko sa’yong ayoko na?
Hindi ko na kaya kung patatagalin pa
Sapagkat ga’no man kalalim akong nahulog
Natatapos din ang himig ng awit at tugtog.

Paano kung sabihin ko sa’yong napapanahon na
Na ako’y lalayo na
Dahil kahit gusto ko mang kumapit pa sa’yo
Pareho tayong mahihirapan kung ‘di lalayo.

Sa totoo lang, marami akong ayaw sa sarili ko,
Kaya’t malalim na takot ang nararamdaman ko
Kahit na sabihin ng iba noon na gusto nila ako
Dagli kong iisiping, “Sino niloloko mo?” .

Subalit puso ko’y ikaw ang pinili
Na kay tagal kong itinago sa aking sarili
Sa isang iglap at sandali
Ako’y napapili kung ikakasaya mo ba o ikasasaya ng aking sarili.

Labis man akong nasisiyahan pag ika'y nakikita
Labis man akong natutuwa na ika'y nakikita kong masaya
Kahit nasasaktan,
basta masaya ka Okay na!

Dahil ang pag-ibig ay walang hinihintay na kapalit
Pag ibig na handa siyang palayain
Pag ibig na nasayang at napuno ng kalungkutan  
Pag ibig na nauwi sa masakit na paalam.

Dahil sa’yo natutunan kong maging matatag
Natutunan ko ang tunay na pagmamahal
Pag ibig na minsan, nagsisimula sa katapusan
Na sanay pagmamahal ay mapalitan.

Kaya’t ngayon dahil sa ako’y lubusang nasaktan
Akin munang kakalimutan ang magmahal
Dahil sa luha kong mahal
Kinalimutan kong magmahal dahil baka ikaw at ako’y di magtagal.
Naka-tadhana bang masaktan o naka-tadhanang makahanap ng taong gagamot sa pusong nasaktan?
Taltoy Sep 2018
Di ko alam bakit,
Di alam ba't masakit,
Ano ba talaga,
Bat ako __? Puta

Ang babaw, ang tanga,
Gusto ko nang kalimutan,
Bumabalik-balik sa ala-ala,
__ di maalis sa isipan.

Sarili ko, ako'y galit sayo,
Ang bobo mo, yun ang totoo,
Ang kitid ng pag-iisip mo,
Magpakatino ka naman gago.

_, _, at _,
Bat ayaw **** umalis sa'king isipan,
_, hanggang kelan tayo magtutuos,
Kelan mo ba ako lulubayan.

Di ko mapigilang aminin ka,
_, totoo ka,
Alam kong di dapat,
Srili ko wag ka namang maging maalat.

Bat ngayon ka pa dumalaw, __ ka,
Ayaw ko nang maisip ka pa,
Sana ako'y lubayan mo na,
Sarili ko, wag kang mag-akusa, gago gumising ka.
Angel Tomas Sep 2015
Matagal na kitang kilala,
Matagal na kitang nakikita
Minsan nakatayo't paligoy-ligoy
Minsan nakaupo't para bang susuko.

Parati kitang naririnig,
Balita ko'y sikat ka
Minsan sa kababaihan,
Minsan sa iyong kababalaghan

Siguro hindi ko maintindihan
Bakit may kislap sa kanilang mata
At ngiting di maalis sa kanilang labi
Tuwing andyan ka

Kasi nga matagal na kitang kilala
Ilang buwan, taon na nga ba kita
Parating nakikitang nagmumuni-muni
Sa iyong sariling pangarap, alaala

Pero bakit hindi ata kita kilala?
Ako yata'y mali
Sa mga hinalang pasubali
At siguro'y nagbabakasakali

Bakit nga ba sila natutuwa sa'yo?
Bakit ka nga ba sikat sa kanila?
Bakit ganito ako ngayon?
At bakit ako nagsusulat ng isang tula,
Tungkol sa'yo?
Mga tanong sa isipan ko tuwing dumadaan ka dito.
George Andres Jul 2016
Maria, ang Ibarra na 'yong inirog
At pag-ibig na nalimot
Ay muling umahon sa ilalim ng ilog
At ako'y ginising sa aking pagtulog

Ang iyong kwento'y tila nauulit
Ikaw Maria Clara, siyang naging kapalit
At ako si Ibarrang nasasaktan nang labis
Dahil kay Linares na di maalis

Ikaw ang Modernong Maria Clara
Masiyahin, mabuti at mganda
At ako si Crisostomong Ibarra
Walang pinagkaiba
Hanggang sa kasalukuya'y di ka makuha

Ikinasal sa bayan at mga pangarap
Patawad ngayo'y di kita maharap
Ika'y isang malayong pangarap
Na sa mga kurso'y di ko mahagilap

Anupa't ika'y nakangiti ngayon
Ngunit huwag gayahin ginawa ni Clarang noon
Maging masaya ka sa sa piling ni Linares na iyong ****
Habang ako'y magdurusa sa loob ng marami pang taon

Saglit at sa loob'y nagkakasiyahan
Tugon nila'y marahan sa aking nararamdaman
Musikang ngayo'y kakampi
Dusa sa di makuhang pulang mga labi

Kung darating man ang panahong "Ikaw"
Hiling ko'y maging masaya at di mapanglaw
Mukha mo sa puso ko'y di manakit at manghataw

Sa di pagtingin sa king mata
Wari ko'y alam mo na
Ang aking tunay na nadarama
Mahal kita Maria Clara,
Paalam na
2015 Noli Me Tangere
Anong saya ang nadarama
Kapag kasama kita ako'y napapanganga
Halos hindi ka maalis sa isip ko
Iba talaga pag na pana ni kupido.

Sa mata ng iba
Pag-ibig ko'y katangahan
Sagot ko naman basta't ikaw
Ang kasama ko hanggang kamatayan

Sayo ko na kita  ang tunay
Na kahulugan ng pag-ibig
Siguro ng noong unang panahon
Tayo ay nag mamahalan na inulit lang ngayon.

Salamat sa lahat ng pag-mamahal mo
Nawa'y mag tagal tayo hanggang kabilang mundo
Sa huling hininga ko ako'y may tanging hiling
Makita ang mukha **** abot langit ang ningning.
TO MY SPECIAL SOMEONE
From A Heart Oct 2015
Ngunit hindi ko maalis sa aking isip
ang katotohanan na ika'y umiiyak ng obra maestra,
At ako'y napupuwing lamang.

Gusto kita.

Ngunit paulit-ulit na pinapaalala sa akin ng utak ko
na ikaw ang malayang kalawakan,
At ako'y karagatan na may hangganan.

Gusto kita.

Ngunit tayo'y magkaiba ng mundo.
Tanawin mo ang mga planeta ng imahinasyon mo,
At akin naman ang bulalakaw dito sa lupa.

Gusto kita.

Ngunit patawad.
Natatakot ang aking puso na walang paraan
para magsama ang Hilaga't Timog.
Wretched Jul 2015
Hindi mo ko minahal.**

Hindi mo ko minahal.
Ginawa mo lang akong basahan,
isang tela na pupunitin
para lang matakpan at maalis
ang dumi mo para mag mukhang malinis
ka sa iba

Hindi mo ko minahal.
Nagsilbi lamang akong isang laruan
isang manikang matagal ng nakatago
sa iyong aparador
na gagalawin mo lang para ika'y malibang.

Hindi mo ko minahal.
Pinaasa mo lamang ako
na ako'y hindi mo iiwan
para lang ika'y hindi mawalan
ng masasandalan dahil alam ****
ako'y nariyan lamang.

Ilang beses kitang binuhay
tuwing nararamdaman ****
sarili mo'y ikaw ay pinapatay.
Ako ang kasama mo
ng mga panahong wala ka ng maiyakan
Tatlong taon akong nagpakatanga.
Hindi mo ko minahal.
Pero tangina
minahal kita.

Ngunit iyon ay matagal na panahon na.
Camille Avila Mar 2016
Lulubog ang araw
Maaalala kang muli
Alaala natin'y babalik
Na para bang kahapon lang lahat ng nangyari.

Habang nakatitig sa langit,
Sa buwan at bituin
Ika'y andito sa puso't isipan
hindi na maalis

Sa bawat oras na lumilipas
Lungkot saya ang nararamdaman
Ngingiti, Luluha
Dahil sa alaala nang nakaraan

At sa paglitaw ng Araw
Panandalian kang makakalimutan
Ngunit sa muling paglubog nito
Andito ka ulit, sa puso't isipan.
Jor May 2016
I.
Nakilala ka dahil sa isang kaibigan,
Di nagtagal, tayo'y nagkamabutihan.
Walang araw na hindi nagkakausap,
Tuwing nagmemensahe ka ako'y parang nasa ulap.

II.
Nakilala pa natin ang isa't-isa.
Tandang-tanda ko pa nung una tayong magkita,
Hindi ko maalis sayo aking mga mata,
Pero ramdam ko ika'y sakin ay ilang pa.

III.
Unang larawan na tayo'y magkasama,
Proud na proud ko pang ipinakita sa tropa.
Ako na ata ang pinaka-masaya nung araw na 'yun,
Dinarasal na sana parati nalang ganun.

III.
Nagpatuloy ang ating palitan ng matatamis na salita,
Pero kada-araw na lumilipas na araw, tila ika'y nanlalamig ata.
Hinayaan ko, kahit na hulog na hulog na ako sa'yo.
Sabi ko sa sarili ko: "Wala kang karapatan mag-tampo dahil di naman kayo."

IV.
Nagsawa na ako sa ganoong estado kaya't nagtanong ako ulit:
"Ano ba ang meron tayo? Kasi mahal kita, eh ako ba?"
Hindi ka umimik, nagpumilit kang ibahin ang usapan.
Tinanong ko ulit ang aking sarili kung; "Itutuloy ko pa ba ang laban?"

V.
"Hindi kita kayang mahalin gaya ng pagmamahal mo sa akin."
Ang ganda ng umaga ito, tapos ganito ang bungad mo?
"Bakit ano ang dahilan, gusto kong maliwanagan?" Tanong ko.
"Gusto na niya makipagbalikan. Patawarin mo ako."

VI.
Halos gumuho ang mundo ko sa nabasa ko.
Para akong natutulog ng mahimbing, tapos binuhusan ng yelo.
Alam ko namang hahantong sa ganito,
Buti na lamang handa ako, pero di ko akalain bakit sa araw pa na 'to?

VII.
Masyado akong nagpadala sa mga ngiti mo,
Hinahanap-hanap ko pa presensya mo,
Hulog na hulog na ako, kasi akala ko kaya mo ako.
May kalakihan ako, pero sana nagsabi kang hindi mo ako kayang masalo.

VIII.
Ikaw ang bumuo sa mga araw ko,
Pero ikaw rin pala ang wawasak nito.
Lumaban ako--kasi akala ko kaya mo rin akong ipaglaban,
Pero mas piniling **** balikan yung taong minsan ka nang iniwan.
tula
BL Mar 2019
Matapos ang bawat kanta ng aming pwedeng kantahin
Dasal na alay para sa mga taong may ilaw na bilog sakanilang ulo

Hihinga ako ng malalim
Ngunit di maaalis ng aking paghinga ang kaba at takot sa aking dibdib

Tubig at bolpen lang laman ng aking bag
Sa pagdarasal
Alam kong hindi sapat ito para ako’y manatili sa aking kinalalagyan

At tulad ng aking dalangin
Naghihintay ang aking ina sa ibaba
Sa kanyang puso at mata
Dama ko ang kanyang pagmamakaawa


                                  “Bigyan niyo po kami ng awa”


                                              “Maawa po kayo”


Rosaryo, rosaryo, rosaryo, rosaryo, rosaryo
Rosaryo sa Huwebes
Rosaryo na aming kailangan sabihin sa wikang ingles


Siguro sa aking pagdarasal ng rosaryo ng malakas
Ay maawa sila saamin
Masakit man ang tuhod sa pagluhod
Hindi pa rin nito maalis ang takot at kaba sa aking puso


                     “Alam ko pong hindi sapat ang aming dala”


Ang Ikalimang Misteryo ng aking pagmamakaawa


                            “Pero sigurado po na ako’y may alam”


Naghihintay ang aking ina sa ibaba
Nananalangin na sana’y hindi niya ako isama sa kanyang pag-uwi

Matapos man ang mga Misteryo ng Rosaryo
Alam kong hindi pa tapos ang aking kalbaryo
Dahil ilang minuto na lang alam kong tatawagin na aking pangalan


                                               “Maawa po kayo”

                                                         ­    .
                                                             .
                                                             .
                                                             .
                                                             .
                                                             .


Hindi maaalis ng lamig ang pagpawis ng aking mga kamay ng buksan ko ang pinto
At sa ibaba, nakita ko agad ang aking ina

Itinaas ko ang aking kamay
Sabay ng kanyang pagngiti

Ako’y mananatili
Hindi na niya kailangang mag-alala
Magsisimula na ang aming pagsusulit
At kailangan kong pumasok na




© 2019 B.L.
All Rights Reserved.
kingjay Dec 2018
Ang tuyo na lupa sa kapatagan ay naghihikahos
Kahit diligan ito ay hindi mangabubusog
Sa tigang na kaanyuan

Puso'y parang pipi
Patulak ang mga lumalabas na salita
Silakbo ng pag-ibig ay huwag pigilin
Datapwa't bulagin ang mga mata
Si Dessa ay di na makita

Ibinuhat ang korona
Sa hari kung saan nakatungtong
At ang hiling habang buhay na magkapiling
Di palalampasin ang sandaling magkasama

Kahangalan ang sabi ng pari
Halikan ang paa di ang labi
Laging nabibiyak ang kasunduan
Pinermahang papel isampal at ihati
Ang hinihinging kapalaran sa isang panig ibig

Ang dating pakiramdam ay laging bumabalik
Sana'y tanggapin ang handog na na nanggaling sa kaibuturan ng pagsinta
Ngunit hindi maalis ang ligalig
whomst Apr 2017
May mga bagay na hindi maiiwasan
Kailan man ay kay hirap itong takbuhan
Sana'y maalis na itong nararamdaman ko sayo
Katulad ng paglisan mo sa buhay ko

Pilit kong inaalam kung bakit,
Ganito ka ba talaga mag mahal? Ang sakit sakit
Sabi mo ako lamang ang iyong iibigin
Kaya't ginawa ko ang lahat upang ika'y intindihin

Pagod na ako sa mga dahilan mo
Pilit **** sinasabi na lahat ng ito'y totoo
Ngunit hindi ako bulag, alam ko naman
Lahat ng kilos at salita mo'y puro kasinungalingan

Madaming rason kung bakit mahal kita
Pero mas nangingibabaw ang dahilan na ika'y palayain ko na
Dahil alam kong hindi ka masaya sa piling ko
Hindi ako tanga kaya't tapusin na lamang natin ito
lame huhu
Alyssah Cuachin May 2017
Rx.
Hahawakan pa ba ang iyong mga kamay
Kung sabi nila’y di tayo bagay
Hahalik pa ba sa iyong mga labi
Kung isusukli mo ay ang mapagpanggap **** ngiti
Sarili ko’y di na ipipilit
Kung iba naman ang iyong ginigiit

Pwede bang magtanong?
Kase ako’y nagsasawa na din

Nagmumukang-tanga, Nagmumukang gago
sa harap ng madaming tao
Bawat patak ng ulan, bawat agos ng tubig
Hanggang kelan kita’y mahahagkan muli
Kahit anong gawing kasalanan
Ika’y aking pagbibigyan
Huwag ka ng umalis
Please, huwag ka lang umalis

Sapagkat sa puso ko,
Kailan ma’y hindi ka maalis
Barb Ero
080116
Random Guy Oct 2019
ako
at ikaw
ay parang
araw
at buwan
di kailanman magtatagpo
ng madalas
ngunit sana
malaman ****
kahit ang araw at buwan
ay minsan ding nagtagpo
duyog
at habang buhay kong maaalala
ang minsang pagdampi
ng aking kamay sayo
ng ulo mo sa balikat ko
matakpan man
ng liwanag ang dilim
o ng dilim ang liwanag
hindi kailanman maalis sa aking alaala
ang duyog nating dalawa
Taltoy Feb 2018
Gago, di ko na alam,
Ako'y sadyang nawindang,
Di ko kayang bitiwan,
Ako'y nalulungkot ng tuluyan.

Di ko talaga alam bakit?
Bakit? Bakit? Bakit nga ba?
Bakit nga ba di ako maalis sa aking isipan aking sinta?
Bakit nga ba tila luluha ako nung nakita kita.

Alam kong utak ko'y kumitid,
Iniwan ang katalinuhan pati prinsipyo,
Alam ko sa sarili kong ito'y aking mali,
Subalit di ko kayang bitiwan, sadyang mahapdi.

Sa kauna-unahang pagkakataon,
Ako'y parang di maka-ahon,
Sa lalim ng kalungkutan,
Sa lalim ng aking isipan.

Di ko na alam anong susunod,
Ano pa nga ba ang susunod na kaganapan,
Ng kwentong malato pa sa katapusan,
Ano ba ang susunod na tunggalian?
Ang kitid na ng utak ko. Diyos ko, saklolo. Ano na bang nangyayari sa aking mundo?
It'smeAlona May 2018
Mahal, miss na kita
Marinig ko lamang ang iyong tinig
Kaba sa aking dibdib ay di maalis
Ngunit sa madalas nating mag-kausap
Kaba'y napalitan ng saya at kilig

Hindi alintana ang takbo ng oras
Basta't masaya tayong nag-uusap
Malamyos **** mga tinig
Na tila nakakapang-akit sa pandinig

Ang mga tawa **** nakakahawa
At ngiti sa iyong mga labi, na kay sarap hagkan
Sa bawat salitang iyong binibitawan
Na parang kay sarap pakinggan
Animo isang ibong umaawit sa kakahuyan

Madalas na pambubully ang iyong nakatutuwaan
Ngunit ako na ma'y nasisiyahan
Kapag ikaw nama'y ginantihan
Madalas ika'y napipikon
Kaya't ninanais pang ika'y asarin
Hanggang sa tuluyan ka nang magtampo

Kaya ika'y aking susuyuin upang ang tampo'y
maalis at tayo'y muling magbabati
Na animo mga batang paslit
Ngayon ika'y tila nagbago na
Buhat nang ika'y saktan nya

Mga ngiti at tawa mo'y unti-unting nawawala
Bagkus napalitan ito ng lungkot at sakit na dulot niya
Mahal, hayaan **** ika'y aking aliwin
Upang ang kalungkutan mo'y mawaglit

Mga ngiti sa iyong labi ay muling bumalik
At mga tawa **** nakaka-miss
Mahal, kung sana'y ako na lang at 'di siya
Hindi ka kailan ma'y luluha
Ako na lang sana at hindi siya.
Taltoy Jan 2018
Isang araw na napakaganda,
Malamig na klima pagmulat ng mga mata,
Pagpatak ng ulan na tila musika,
Mistulang himig na kay tamis sa tenga.

Ano pa ba ang kukumpleto?
Sa umagang matatawag kong "perpekto",
Ano pa ba ang pupuna?
Kung wala namang pagkukulang na nakita.

Isang dilag na may kasuotang itim,
Ang nasagi sa aking paningin,
Kagandahang hindi ko mawari,
Ang sa utak ko nanatili.

Hindi maalis sa aking isipan,
Ang katauhan sa likod ng kasuotan,
Kulay na itim at iyong kagandahan,
Timplang sakto, tapos ang usapan.

Ako'y nagulantang nang nakasalubong ka,
Nabigla sa aking nakita,
Nakalimutan paano magsalita,
Pag-iisip ay di na maitama,

Ang talang matagal ko nang tinitingala,
Ngayon ay kumikinang, di ko na makita,
Talang nais kong maabot,
Pina-igting na damdamin ang naging dulot.
Random Guy Oct 2019
ganon siguro talaga
maaring may malimutan kang mga pangyayari
ngunit hindi ang maliliit na detalye

kulay ng bimpo
amoy ng pabango
kung paanong ang kamay mo'y pumulupot sa kamay ko
tulo ng luha mo
takot sa mata mo
mga ngiting minahal ko
boses mo
at matatamis na mga yakap mo

na bumubuo ng isang malaking pangyayari sa buhay ko
ngayon
na kada pikit
may sakit
bawat sambit ng pangalan mo
ay may kakabit na pagkasawi

dahil ang mga maliliit na detalyeng ito
ay nakatago sa isipan
naka ukit sa puso
dumadaloy sa dugo
at hindi kailanman maalis
kahit pa gaano ka liit ang mga detalye
Pwede ba, na sa bawat pag-gising
At bawat pagtibok ng puso habang pumapasok
Ang sinag ng araw sa aking bintana
Ay makakalimutan ka na?

Dala na ang kamao **** tila nakabalot
Sa aking pinunong dibdib
Na niyurakan at kumikirot dahil sa iyong
Mahigpit na hawak sa akin, pwede ba?

Sana nama'y makaligtaan na ang tono, huni, at nilalahad
Ng mga kantang noo'y sinasabayan pa ng ating
Mga tawa, padyak, hiyaw, galaw
Balang araw, sana nga.

Maaari bang itapon na ang papel na naglalaman
Ng mga nais ko sanang ipahayag sayo noon
Kasabay na ang mga kasinungalingang binulyaw mo sa akin gamit ang mga letrang padala mo
Ako'y pagod na.

Pagod nang magparamdam, makiramdam
Makaramdam ng purong pagdamdam
Na alam kong kailan ma'y hindi mo na mararamdaman
Tama na.

Kung maaaring mawalay na
Sa pagkapit sa mga matatamis na salitang
Ibinulong mo sa akin habang inaambunan tayo
Ng sinag ng buwan sa gabing kay liwanag.

Sana'y matuyo na ang mga nasayang na luha
Noong sinabi ko sayo na ika'y aking minamahal
Na kung saan binalik mo sa akin nang mas malutong, mas mabulaklak
Pero putangina, puro lang pala dada at walang kahulugan!

At noong dinagdagan mo pa ng mga pangakong
Pagmamahalan at pagsusuyuan sa ating unang pagkikita
Ay halos sumalangit ako sa tuwa at galak
Pero sa init at pait ng impyerno mo pala ako binagsak.

Gusto sana kitang tanungin
Kung naaalala mo pa ba lahat ng ating mga talumpati
Kung papaano natin nahanap ang ginhawa at katiwasayan
Sa mata ng isa't isa, oh aking minimithi.

Sinubukan kong uminom ng kung anu-anong likor
Na sa sobrang dami ay halos napuntahan ko na siguro
Lahat ng barikan na aking nalalaman
Para lang maialis ka sa isipang ikaw lang ang nilalaman.

Subalit, imbes na ika'y maglaho sa kuro
Ay mas naalala ka sa mga malulungkot na gabing
Nangangamoy alak at naglalasang halik mo
Tulad noong unang gabing hinagkan mo ang nag-iinit kong noo.

Ngayon, ika'y masaya na at kuntento
Sa piling ng taong sinabi mo sa akin na huwag alalahanin
Hindi mo lang alam kung paano ko pinilit ang aking sarili
Na tanggapin lahat ng iyong isinaksak at binaril sa puso kong siil

Tila tintang nakamansta sa puting palamuti
Na di maalis-alis kahit gaano ko man kuskusin
Ang memoryang nakalaan para sayo sa aking isipan at damdamin
Kay hirap nang hubarin at tanggalin

Siguro ako'y itinuring lamang na isang kagamitang
Pwedeng itapon matapos pagdiskitahan ng mapaglarong tadhana
Na noo'y pinaniwalaan at naging pamanhik ko
Sa sandaling itinahi na ang pangalan mo sa nagdurugo kong puso

Pero, sa huli, kinailangang limutin
At iparaya ang damdaming nakakulong parin
Hanggang ngayon sa yakap ng iyong bisig
At himbing ng mga talang tila patalim sa gitna ng dilim

Sana'y natuto na ang sariling pag-iisip
Na hinding-hindi magpalinlang sa mga matatamis na awit
Na pinuputak ng bibig na ang may ari ay
Walang espasyo sa kanyang isip at puso para sa akin.

Aking nawalay na sinta
Maaari bang ika'y pakawalan na?
Para sa atin—o baka sa aking kalayaan at kasiyahan nalang
Pwede ba, kakalimutan na kita?
Day 1 of #NaPoWriMo2020. As of now, I'm not yet following the prompts. But here's an entry nonetheless.
renielmayang Jun 2018
umagang umaga
ikaw sa akin ay nagbibigay kaba
mukhang ikaw yata ang babaeng
sa akin ay itinalaga
naririnig ko na ang bawat yapak ng iyong mga paa
at unti unting bumibilis ang aking paghinga
diko maigalaw ang aking mga kamay at paa
parang ako ay napaparalesa

nandyan na ang **** at nagsimula ng sa pagturo
pero diko parin maalis alis paningin ko sayo
ikaw na yata ang magiging subject ko

boung klase tayo ay magkatabi
hindi mo alam
palihim akong kinikilig at ngumingiti
pagkat minsan lang to mangyari
kung pede nga lang
e extend ang klase hanggang
hating gabi

oras na ng uwian
gusto ko sanang ikay sabayan
papunta sa inyong tahanan
kaso ikay dina abutan
kaya dali daling nagtanong
sa iyong mga kaibigan
kung saan ka dumaan
para ikay aking masundan

nang ikay naabutan
diko inaasahan
sa aking nadatnan
may nagmamay ari na pala ng iyong kagandahan

akoy biglang napatulala
napatingin sa mga tala
diko namalayan tumula na pala  
itong mga luha
kaya aking napagtanto
itatawa ko nalang ang lahat ng ito
at kakalimutan ang isang tulad mo ...
Kenn Dec 2019
24
Huling pag - susulat ngayong taon.
Hindi alam kung ano ang mararamdaman.

Simula Una hanggang ika Dalawampu’t apat na oras,
Ay hindi ka maalis sa aking landas.

Simula Ika una - hanggang ika huli ng pag - susulat,
Hindi man lang nabago ang aking damdamin.

Dalawampu’t apat na oras na tutuusin ay isang araw,
Na punong puno ng pagmamahal, at katotohanan.

24 / 24

Every 24 hours of my day
I
always
keep
thinking
about
you
Notes of K

Happy New Year. Mahal kita.

— The End —