Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kunwari" poems
isang musmos na lahi isang munting nasyon parang itinanim na buto itinakdang sumibol at lumago sa paglaon ng panahon nag-aabang, naghihintay puno nang sabik pero kay tagal dumating tayo ay nainip tadhana nating tagumpay kailan kaya makakamit kasi apat na raang taon hanggang ngayon lulong pa rin sa putik nangangapa, nadadapa sa dilim mga butong nanginginig sa lamig mga isla pitong libong isang daan at pito ito ang ating lupang sinilagan, tahanan ng ating lahi pero nga bahay ba ito o burol? mga pangarap na masilayan ang mga sinag ng araw at mahagkan ang malayang langit mananatili lang bang panaginip dito sa bayang natutulog o kaya namang natutulog lang kunwari tanggapin mo na lang na humikbi, humagulgol, ibuhos mo man ang iyong luha walang darating kumayod ka man at magdamag magsikap diligan mo man ang lupa ng pawis wala pa ring mangyayari kasi dugo dugo lamang na dumaloy mula sa mga palad ni Hesukristo kung ang Kanyang pag-ibig ay babaha sa lupa ng parang delubyo ito ang nag-iisang paraan ang nag-iisang sagot: dugo dugo lamang na ibinuhos ang tanging makakatubos makakaahon makakaligtas sa atin
0
Mar 22, 2015
Mar 22, 2015 at 7:46 AM UTC
dugo lamang
Ang hirap simulan Hindi ko alam paano uumpisahan, Sisimulan ko sa hindi pag pansin, Sisimulan ko nalang sa pag kukunwari Kaya ko Kaya kong mawala ka sa isip ko Kaya kong mabura ka sa buhay ko na parang walang nangyari Kunwari kaya ko Masaya ako na kaibigan kita Na kaibigan lang kita Masaya ako na kasama kita Kahit alam kong may mahal ka ng iba Sisimulan ko sa hindi pag pansin Sisimulan ko nalang sa pag kukunwari Kunwari di ko napapansin ang pangungulila mo sakanya Kunwari hindi ako nasasaktan Kunwari hindi ko nalang nakita, Kunwari wala tayong pagkaka intindihan, Kunwari hindi mo sinabing gusto mo ako, At kunwari, hindi ako nasasaktan Eto na ako at kinakaya ko Lahat ng sakit at pait na natatamasan Mawawala rin sa aking damdamin at isipan Wag mo akong kaawaan Dahil hindi ka naawa sa akin nung ipinakita mo sa lahat kung gaano kayo kasaya Hindi mo inisip ang mararamdaman ko sa katarantaduhan **** ginawa Wala kang pakielam nung nalasing ako at ikaw ang hinanap ko at kulang nalang isuka ko ang pagmamahal mo noong gabing iyon Hindi mo ako minahal Paulit ulit ko yang sinasabi sa sarili At tila paulit ulit din akong sinasaksak Ngunit kada bigkas ko ng mga katagang iyon, ay unti unting namanhid ang puso Sisimulan ko sa pag kukunwari Kunwari hindi ko nalang nakita Kunwari hindi ako nasasaktan Pero tangina hindi ko alam hanggang kailan
0
Dec 27, 2016
Dec 27, 2016 at 7:23 AM UTC
Kunwari
May problema talagang dala kunwari panaginip Halika sulat tayo Nagtago man sa ulan Ang ngiti ay kanta at sayaw sa hikbi ng ngayon
0
Feb 23, 2016
Feb 23, 2016 at 2:10 AM UTC
Bagahe
panahong kay init at samot-saring pangyayari ilalabas ang kwaderno't magsusulat ng hirayang bahaghari iba't ibang mukha, ngingiti't tatawa kunwari sa galaw, pananalita, at sa pagsulat ng kamay pagkaguho, pagkawasak, at araw-araw na pagsasablay sa mga bagay-bagay na 'di maiakbay salungat sa sinyales na aking hinihintay biglaang pagkalito, gan'to na ba ang takbo ng mundo? kamay na animo'y tinanggal paang singbikat ng bakal hininga'y laging nasasakal makakawala pa ba sa kasulukuyang estado? nais nang kumalas, sa hindi nakikitang rehas walang depinisyon, wala ring direksyon hikbing palihim, kalungkutan sa takipsilim naliligaw, nababaliw, sa indak na hindi inaral ngunit nakabisa pa rin
0
Jul 11, 2021
Jul 11, 2021 at 4:28 PM UTC
Untitled
Pa-Yakap naman kahit isang saglit lang Kahit 'di ma-higpit Kahit 'di kasing init ng aking bisig Yakap na alam kong sapilitan lang Yakap na kahit kunwari lang naman At yakap na kahit na-pipilitan ka lang naman Yakap na tanging sangkap sa damdamin kong hirap Yakap na sa piling mo ako'y magiging sapat. Isipin mo nalang na yakap mo ito sa isang kaibigan Isang pag-kakaibigan na ma-uuwi lang pala sa pag-papaalam Pag-kakaibigan na nauwi sa pag-iibigan Ngunit ito ay bawal Dahil madaming hadlang Madaming may ayaw Kaya tanging hiling ko nalang Ay pa-yakap naman Kahit saglit lang. Pa-yakap bago ka lumisan Pa-yakap bago mo ako iwan ng tuluyan. At pipilitin kong tanggapin ito ng sapilitan. At su-subukan kong 'di ma-padpad sa kawalan Dahil malugod ko itong tatanggapin hanggang ang aking katawan ay kumalma sa iyong pag-kawala. Na batid kong aabutin pa ito ng buwan at taon 'O baka abutin pa ng mahaba-habang panahon. 'Di ko alam kung kailan. 'Di ko alam kung magkikita pa ba tayo muli mahal? At kung dumating man yung araw na puwede na, Na puwede ka na? Na puwede na tayong dalawa Ay sumang-ayon na ang mundo Sa pag-iibigan natin na minsan ay naging laman ng salitang "wag muna" At kung dumating man yung panahong 'di natin inaasahan. Sana ay puwede pa Sana ay kaya ko pa Sana ay kaya ko pang maghintay ng matagal Sana ay kaya ko pang mag-abang sa lugar kung saan tayo unang nag-kakilanlan. Sa lugar kung saan tayo unang sumaya Kahit puno na tayo ng problema At sa lugar kung saan dati Sa atin ay may na-mamagitan pa. Pero ito'y magiging ala-ala nalang Dahil ako na ay iyong iiwan At sana lang, At tanging hiling ko lang Sana Kaya ko pa na ika'y ipaglaban Kung sakali man na ikaw at ako ay mag-tagpo sa iisang mundo.
0
Mar 10, 2021
Mar 10, 2021 at 7:53 AM UTC
" Huli(ng) Yakap
Pa-Yakap naman kahit isang saglit lang Kahit 'di ma-higpit Kahit 'di kasing init ng aking bisig Yakap na alam kong sapilitan lang Yakap na kahit kunwari lang naman At yakap na kahit na-pipilitan ka lang naman Yakap na tanging sangkap sa damdamin kong hirap Yakap na sa piling mo ako'y magiging sapat. Isipin mo nalang na yakap mo ito sa isang kaibigan Isang pag-kakaibigan na ma-uuwi lang pala sa pag-papaalam Pag-kakaibigan na nauwi sa pag-iibigan Ngunit ito ay bawal Dahil madaming hadlang Madaming may ayaw Kaya tanging hiling ko nalang Ay pa-yakap naman Kahit saglit lang. Pa-yakap bago ka lumisan Pa-yakap bago mo ako iwan ng tuluyan. At pipilitin kong tanggapin ito ng sapilitan. At su-subukan kong 'di ma-padpad sa kawalan Dahil malugod ko itong tatanggapin hanggang ang aking katawan ay kumalma sa iyong pag-kawala. Na batid kong aabutin pa ito ng buwan at taon 'O baka abutin pa ng mahaba-habang panahon. 'Di ko alam kung kailan. 'Di ko alam kung magkikita pa ba tayo muli mahal? At kung dumating man yung araw na puwede na, Na puwede ka na? Na puwede na tayong dalawa Ay sumang-ayon na ang mundo Sa pag-iibigan natin na minsan ay naging laman ng salitang "wag muna" At kung dumating man yung panahong 'di natin inaasahan. Sana ay puwede pa Sana ay kaya ko pa Sana ay kaya ko pang maghintay ng matagal Sana ay kaya ko pang mag-abang sa lugar kung saan tayo unang nag-kakilanlan. Sa lugar kung saan tayo unang sumaya Kahit puno na tayo ng problema At sa lugar kung saan dati Sa atin ay may na-mamagitan pa. Pero ito'y magiging ala-ala nalang Dahil ako na ay iyong iiwan At sana lang, At tanging hiling ko lang Sana Kaya ko pa na ika'y ipaglaban Kung sakali man na ikaw at ako ay mag-tagpo sa iisang mundo.
Continue reading...
47
Nakakapagod mag kunwari Na parang kala mo lahat walang mali Ayoko kasing malaman nila Na minsan ako ri'y nababalisa Kasi sa pananaw ko Ito ang estado ng sarili ko Na kung saan maraming may oportunidad saking manloko Pero ewan ko Yung mga taong inaasahan kong makakaintindi Ni isang beses sa tingin ko'y wala namang **** Ang mga salitang hinihintay ko Ni isa walang nakapagsabi Kelan mo ba matututunan yung salitang "Ok ka lang? Maayos ka pa ba?" Kelan kaya yan maiuukit ng iyong mga labi?
0
Dec 16, 2015
Dec 16, 2015 at 5:08 PM UTC
sabihin mo sakin KELAN?
Ngiting 'di pawawari kung para ba akin Titig ng mga mata ay kunwari ay tinitipid Siguro'y Diyos ay nakikinig na sa mga dalangin Malapit na ang pagdating ng kasiyahang hinahatid Napakalapit ng landas natatahakin Ngunit napakahirap rin gawin Ang premyo ay ang malaman ang sagot Kapalit ay ang paglakad sa isang sigalot
0
Jan 19, 2019
Jan 19, 2019 at 12:26 PM UTC
Hindi Alam
Ikaw ay isang pambihirang hika na hindi mailarawan sa anumang wika; Ang pagnais sayo ay tulad ng ubo, Sa pagsikip ng dibdib ikaw ay tumubo. Ang pagtanging naganap ay bukod tangi at mainit, tila isang pagsibol ng lagnat. Pangalan mo ay pahirap sa aking lalamunan daig pa likidong apoy sa matinding inuman. Tila ako'y nawalan ng panlasa, sapagkat napaibig sa irog ng masa. Na-abisuhan man lamang sa idudulot na sakit ng hamak at panandaliang pagkaakit. Walang manggagamot ang nakakilala sa kaso nitong nakakawalang-hiyang trangkaso. Walang mabuting dinulot sa katawan: sinumpaang pangangailangan lamang ng laman. Nawa'y ang pagkalalin ay hindi nakahahawa sapagkat sa ngayo'y mag-isang tumatawa dahil sa pagtangkilik lamang ng mga alaala. (Isa sa mga sintomas na talagang lumala.) Sa kabila ng pagkilala na ito'y sakit lamang sa ulo; ipinatili hanggang sa luha ay tumutulo. Itinuloy ang pananabik sa tuwina, kunwari ang gawain ay ligtas na bitamina. Ang ibubunga ay malalaman lamang sa wakas kung sasapat pa ba ang natitirang lakas upang sugpuin ang delikadong damdamin at ang sariling katinuan ay panatiliin. Sa kabila nga ba ng mga dinanas, may matatagpuan bang ganap na lunas? Upang lahat ng aspeto'y manatiling malusog at sa karapat-dapat na lamang ang loob ay mahulog? Masakit na uri ng pangangalaga, ang payapang makakamit ay mahalaga. Wala lamang ito sa sapat na distansya; kailangan rin ang pagpaparaya.
0
Jan 23, 2021
Jan 23, 2021 at 12:38 PM UTC
Karamdaman
Ang husay ng iyong gawa na idadamot ng aking mga kamay Hindi ito pusong o sumpong pero ako’y naniniwala na hanga ako Paano na mas matalas ang iyong lapis kumpara sa akin? Wala na bang masasabi? Ang pangarap nakatago sa likod ng alapaap Ang lilim ay parang dating kaibigan na nagkimkim ng aking mga kamay Pero kailangan maghiwalay, dahil sa mga masasamang damo Maganda ang itsura, may dating. Masaya manira ng tama Mag-asim ang gatas ng ating mga anak Hawak-hawak mo ang aking mga kamay Itaga ko para mabigay sa iyo ang nagbibigay buhay sa utak ko Kunwari hindi lumipad sa malayo ang aking mga pilik-mata Kunwari lumipas ang minuto kesa sa panahon Malupit ang oras sa kwento ng bata Masakit tignan na malayo ang mga pinagasa Sungkitin mo ang mga iniisip ko Matigas ang ulo Ihukay ang masasamang damo Parang maliit na bulaklak lang Sayangin ang buhay na hindi nagbibigay buhay
0
Aug 22, 2017
Aug 22, 2017 at 2:01 PM UTC
Sumpong ng Matuwid
Kumalabit dugo'y dumilig kasama ang nangilid na patak ng luha at sa kabila ay sa usok ng bakal nakangiti Mga Gintong ihinagis sa mga buwaya at babuyan Ngunit mga baboy at buwaya’y walang pakialam Wala na ngang pagkaalam Basta kain lang, lamon lang. Umuusok sa dami ng nakisakay Mga pekeng tagapalakpak nakakabasag na halakhak Mga nakakakita, nabubulag sa tila Pyesta ng de-kalabit Iyak di marinig sa mga manhid na nakamasid Tago, takip, tagpi itinuring na tama ang mga mali Teka, karapatan mo’y imamali panandali? at ang mga baho ng kamalia’y pilit ikukubli? Binalot ng tama kunwari at sana huwag ka nang magtaka Huwag n’yo kaming gawing tanga! Sa ngayo'y mananahimik sandali Hindi ba’t parang gulong lang ‘yan? kaya matutong maghintay sandali, madali . . .
0
Sep 7, 2017
Sep 7, 2017 at 9:46 PM UTC
MANAHIMIK SANDALI
Pumarito sa aking tabi kung saan ang mga salita ay hindi laging kakailanganin, Batid ang 'yong mga hinaing at hinagpis ngunit hindi na kailangang sabihin. Dito na lang kung saan sasapat ang pagdausdos ng ating mga palad, higit na ang pagsulyap sa mga mata **** iba ang tinatangan, Dito kung saan hindi kailangang magpaliwanag -- kahit hindi naiintindihan ay mamahalin ka sa paraang nararapat bagama't lingid sa'yo. Pumarito na lamang kung saan ang bawat paghinga'y tulang ikinukubli ang hapdi, kirot, at sakit, Mga agam-agam at handusay ng lumbay. Sino nagsabing hindi ka maaaring ibigin mula sa kalayuan? Kalokohan. At kung sa wakas ay matunton mo ang daan patungo rito, Sana'y manatili ka. Manatili tulad ng pananatili ko sa walang kasiguraduhan, Manatili na parang aking mga mata sa tuwing nakatitig sa'yo na tulala sa kawalan, sa kanya, Manatili ka sana, Manatili kahit panandalian. Kung sasapit ang unos at nanaisin **** lumisan, ang dagliang pagbitiw ay hindi maipapangako ngunit hindi kita pipigilan, Sapat sa akin ang pinagtagpi-tagping kapos at maikling panahon, ang mga nakaw na sandali ng kahapon, ang pakikipaglaro sa tadhana na kunwari, ikaw na talaga. Sapat sa akin ang pumarito, Sa pagdausdos ng mga palad mo sa mga palad ko, Kung saan ang mga salita ay hindi na kakailanganin, Dito sa walang akin.
0
Feb 15, 2018
Feb 15, 2018 at 10:39 PM UTC
Dito
Paano kunwari kung ayaw ko na Na isiping paano kung ayaw mo na Paano kunwari kung gusto mo na Na limutin ang lahat ng gusto ko pa Paano kunwari kung hindi na ako Ako na noo'y laman ng panaginip mo Paano kunwari kung hindi na ikaw Ang iibig sa akin sa habambuhay Paano kunwari kung tatapusin mo na Ang minsa'y pangakong tayong dalawa Paano kunwari kung gusto ko pa Ang pag-ibig na ngayo'y ayaw mo na
0
Feb 21, 2017
Feb 21, 2017 at 7:38 AM UTC
Paano Kunwari
bakit kailangan sa harap ng iba Kunwari nakangiti ka? kahit ang totoo sa loob loob mo hindi naman talaga. bakit kailangan sa paningin ng iba ipakita **** Kunwari matatag ka? kahit na ang nararamdaman mo ay nanghihina ka. bakit kailangan sa kaalaman ng iba Kunwari malakas ka? kahit ang totoo mabubuwal ka na. bakit kailangan sa harap ng iba mag kunwari masaya ka? kahit ang totoo durog na durog kana. Dahil ba mas ok ng malaman nila na ok ka,kaysa ipaliwanag pa yung totoong nilalaman ng puso mo? O Mas maigi na siguro ang mag Kunwari kaysa ipakitang Mahina ka. kasi hindi lahat ng pinapakita sayo na Pag-aalala ay totoo.
0
Sep 15, 2020
Sep 15, 2020 at 4:59 AM UTC
Kunwari
Kapag hawak niya ang mga kamay ko, ikaw ang iniisip ko Kapag sinasabi niyang mahal niya ako, ikaw ang naaalala ko Kapag tinitignan niya ako, mukha mo ang nakikita Kapag tumatawa siya, tawa mo ang aking naririnig Ginusto niya 'to, pero tanga ako Kasi hinayaan ko siyang masaktan Oo, napapasaya niya ako. Pero ikaw pa rin talaga! Pinapaasa ko siya kada araw na lumilipas Sinungaling ako, sinungaling din siya. Sinungaling ako kasi sinasabihan ko siya ng mahal ko siya, kahit ang totoo ay ikaw pa rin Sinungaling siya kasi kunwari ayos lang siya, kunwari hindi siya nasasaktan Hindi ako karapat dapat sa kanya, pero hindi ko alam kung paano tapusin Ayokong tapusin kasi mahal ko na 'ata siya
0
Nov 21, 2020
Nov 21, 2020 at 8:18 AM UTC
Labo
Sana buhay pa rin ‘yung konsepto ng pagiging superhero nu’ng mga bata pa tayo. ‘Yung mga panahong masaya nating ginagaya si Superman o si Wonder Woman. Kunwari may kapangyarihan tayo at hangad nating makapagligtas ng mga tao. ‘Yung kaya nating buhatin ang mabibigat na bagay o ‘di kaya’y lumipad lagpas sa mga ulap. Sana hindi ‘yun nawala. Sana naniniwala pa rin tayo sa mahika, o sa himala, o sa mga pantasya na bumuo sa’ting pagkabata. Na kahit nadaragdagan ang mga taon sa buhay natin, hindi natin malimutan na tayo’y mga bayani sa’ting mga sarili — Na nakakapagligtas pa rin tayo ng ibang tao sa pagiging mabuti, na kinakaya nating buhatin ang mabibigat na pagsubok at pighati, na kaya nating liparin ang mga pangarap nating mas mataas pa sa mga ulap. Sana kahit kabisado na natin ang totoong mukha ng mundo, may bahagi pa rin ng pagiging bata sa’ting puso — mamangha pa rin tayo sa mga bagay, at kasabikan pa rin natin itong buhay.
0
Mar 10, 2021
Mar 10, 2021 at 1:47 PM UTC
SUPERMAN/WONDER WOMAN
Hindi masakit Kahit sumusikip ang dibdib At mahirap nang huminga. Hindi malungkot Kahit ang luha ay 'di mapigilan At naglalaho ang kulay ng mundo. Masaya ako Kahit hindi na makangiti Na abot sa aking mga mata. Kunwari.
0
Jan 4, 2019
Jan 4, 2019 at 6:55 PM UTC
Kunwari
Ilang dekada na ba ang lumipas mula nang huling namúti ng mga labong sa kawayanan sa dulo ng kapirasong lupang minana sa kanunuan ng angkan? May bakas pa sa daanan ang dug-out na tinabunan na ng mga naputol na sanga at mga winalis na dahon, naputol na sanga at bubot na bunga ng mga chico, caimito at mangga, na palaging inaakyat ng mga kuya at nang-iinggit pa kunwari tuwina at pagkababa’y mamimigay rin pala - dug-out na tagapagligtas, taguan noong panahong tila baga’y kani-kanina lamang, sa mga mababangis na kempeitai, sa malupit na pandaigdigang giyera. Halos nalipol ang angkang bansag ay bisero, umangat sa buhay dulot ng mga alagang kabayo pagkatapos ng Liberation naging kaminero mga kabayo’y kinatay ng mga bakero na sila ring nambayoneta ng maraming tao pagsaksak patulák sa balong igiban ng baryo pati mga musmos at mga inang nagpapasuso kulóng sa kamalig, sinunog nang buhay, at naabó. Tila nakalimutan na ang madilim na nakaraan at walang napulot na aral sa kasaysayan ngunit natakpan man ng ningning ng mga ilaw-neon at malawak na highway ang dating batalan at tuklong Ang lansa ng dugong namuo sa balon sa sinturisan, palaging nagpapaala-ala ng damdaming kinukuyom. At ngayon, wala nang mananakop na Hapon. pero may pumapasok na bagong panginoon - Handa nang himurin ang puwit ng mga Tsinong maton.
0
Aug 30, 2020
Aug 30, 2020 at 7:28 AM UTC
Kapeng Barako XI