Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Kate Burton Dec 2016
Ang hirap simulan
Hindi ko alam paano uumpisahan,
Sisimulan ko sa hindi pag pansin,
Sisimulan ko nalang sa pag kukunwari

Kaya ko
Kaya kong mawala ka sa isip ko
Kaya kong mabura ka sa buhay ko na parang walang nangyari
Kunwari kaya ko

Masaya ako na kaibigan kita
Na kaibigan lang kita
Masaya ako na kasama kita
Kahit alam kong may mahal ka ng iba

Sisimulan ko sa hindi pag pansin
Sisimulan ko nalang sa pag kukunwari
Kunwari di ko napapansin ang pangungulila mo sakanya
Kunwari hindi ako nasasaktan

Kunwari hindi ko nalang nakita,
Kunwari wala tayong pagkaka intindihan,
Kunwari hindi mo sinabing gusto mo ako,
At kunwari, hindi ako nasasaktan

Eto na ako at kinakaya ko
Lahat ng sakit at pait na natatamasan
Mawawala rin sa aking damdamin at isipan
Wag mo akong kaawaan

Dahil hindi ka naawa sa akin nung ipinakita mo sa lahat kung gaano kayo kasaya
Hindi mo inisip ang mararamdaman ko sa katarantaduhan **** ginawa
Wala kang pakielam nung nalasing ako at ikaw ang hinanap ko at kulang nalang isuka ko ang pagmamahal mo noong gabing iyon

Hindi mo ako minahal
Paulit ulit ko yang sinasabi sa sarili
At tila paulit ulit din akong sinasaksak
Ngunit kada bigkas ko ng mga katagang iyon, ay unti unting namanhid ang puso

Sisimulan ko sa pag kukunwari
Kunwari hindi ko nalang nakita
Kunwari hindi ako nasasaktan
Pero tangina hindi ko alam hanggang kailan
Aira G Manalo Feb 2017
Paano kunwari kung ayaw ko na
Na isiping paano kung ayaw mo na
Paano kunwari kung gusto mo na
Na limutin ang lahat ng gusto ko pa

Paano kunwari kung hindi na ako
Ako na noo'y laman ng panaginip mo
Paano kunwari kung hindi na ikaw
Ang iibig sa akin sa habambuhay

Paano kunwari kung tatapusin mo na
Ang minsa'y pangakong tayong dalawa
Paano kunwari kung gusto ko pa
Ang pag-ibig na ngayo'y ayaw mo na
bakit kailangan sa harap ng iba Kunwari nakangiti ka?
kahit ang totoo sa loob loob mo hindi naman talaga.
bakit kailangan sa paningin ng iba  ipakita **** Kunwari matatag ka?
kahit na ang nararamdaman mo ay nanghihina ka.
bakit kailangan sa kaalaman ng iba Kunwari malakas ka?
kahit ang totoo mabubuwal ka na.
bakit kailangan sa harap ng iba mag kunwari masaya ka?
kahit ang totoo durog na durog kana.

Dahil ba mas ok ng malaman nila na ok ka,kaysa ipaliwanag pa yung totoong nilalaman ng puso mo?
O Mas maigi na siguro ang mag Kunwari kaysa ipakitang Mahina ka.
kasi hindi lahat ng pinapakita sayo na Pag-aalala ay totoo.
not all people that showing you a care is real.sometimes they just ask to get some information  to make you down.
Marge Redelicia Mar 2015
isang musmos na lahi
isang munting nasyon
parang itinanim na buto
itinakdang
sumibol at lumago
sa paglaon ng panahon

nag-aabang, naghihintay
puno nang sabik
pero kay tagal dumating
tayo ay nainip
tadhana nating tagumpay
kailan kaya makakamit
kasi

apat na raang taon
hanggang ngayon
lulong pa rin sa putik
nangangapa, nadadapa sa dilim
mga butong nanginginig sa lamig

mga isla
pitong libong isang daan at pito
ito
ang ating lupang sinilagan,
tahanan ng ating lahi
pero nga bahay ba ito o burol?

mga pangarap na
masilayan ang mga sinag ng araw at
mahagkan ang malayang langit
mananatili lang bang panaginip dito
sa bayang natutulog
o kaya namang natutulog lang kunwari

tanggapin mo na lang na
humikbi, humagulgol,
ibuhos mo man ang iyong luha
walang darating
kumayod ka man at magdamag magsikap
diligan mo man ang lupa ng pawis
wala
pa ring mangyayari

kasi
dugo
dugo lamang na dumaloy
mula sa mga palad ni Hesukristo
kung ang Kanyang pag-ibig ay
babaha sa lupa
ng parang delubyo
ito ang nag-iisang paraan
ang nag-iisang sagot:

dugo
dugo lamang na ibinuhos
ang tanging
makakatubos
makakaahon
makakaligtas
sa atin
Performed this as spoken word in Creative Faith's Doxa.
CC Aug 2017
Ang husay ng iyong gawa na idadamot ng aking mga kamay
Hindi ito pusong o sumpong pero ako’y naniniwala na hanga ako
Paano na mas matalas ang iyong lapis kumpara sa akin?
Wala na bang masasabi?
Ang pangarap nakatago sa likod ng alapaap
Ang lilim ay parang dating kaibigan na nagkimkim ng aking mga kamay
Pero kailangan maghiwalay, dahil sa mga masasamang damo
Maganda ang itsura, may dating. Masaya manira ng tama
Mag-asim ang gatas ng ating mga anak
Hawak-hawak mo ang aking mga kamay
Itaga ko para mabigay sa iyo ang nagbibigay buhay sa utak ko
Kunwari hindi lumipad sa malayo ang aking mga pilik-mata
Kunwari lumipas ang minuto kesa sa panahon
Malupit ang oras sa kwento ng bata
Masakit tignan na malayo ang mga pinagasa
Sungkitin mo ang mga iniisip ko
Matigas ang ulo
Ihukay ang masasamang damo
Parang maliit na bulaklak lang
Sayangin ang buhay na hindi nagbibigay buhay
Rena Lyn Bala-oy Jan 2019
Hindi masakit
Kahit sumusikip ang dibdib
At mahirap nang huminga.
Hindi malungkot
Kahit ang luha ay 'di mapigilan
At naglalaho ang kulay ng mundo.
Masaya ako
Kahit hindi na makangiti
Na abot sa aking mga mata.
Kunwari.
//kunwari// -- pretend
ESP Feb 2016
May problema talagang dala
kunwari panaginip
Halika sulat tayo

Nagtago man sa ulan
Ang ngiti ay kanta
at sayaw sa hikbi
ng ngayon
Yesha Jul 2021
panahong kay init at samot-saring pangyayari
ilalabas ang kwaderno't magsusulat ng hirayang bahaghari
iba't ibang mukha, ngingiti't tatawa kunwari

sa galaw, pananalita, at sa pagsulat ng kamay
pagkaguho, pagkawasak, at araw-araw na pagsasablay
sa mga bagay-bagay na 'di maiakbay
salungat sa sinyales na aking hinihintay

biglaang pagkalito, gan'to na ba ang takbo ng mundo?
kamay na animo'y tinanggal
paang singbikat ng bakal
hininga'y laging nasasakal
makakawala pa ba sa kasulukuyang estado?

nais nang kumalas, sa hindi nakikitang rehas
walang depinisyon, wala ring direksyon
hikbing palihim, kalungkutan sa takipsilim
naliligaw, nababaliw, sa indak na hindi inaral ngunit nakabisa pa rin
Mga Tulang Sinulat sa Dilim
J De Belen Mar 2021
Pa-Yakap naman  kahit isang saglit lang
Kahit 'di ma-higpit
Kahit 'di kasing init ng aking bisig
Yakap na alam kong sapilitan lang
Yakap na kahit kunwari lang naman
At yakap na kahit na-pipilitan ka lang naman
Yakap na tanging sangkap sa damdamin kong hirap
Yakap na sa piling mo ako'y magiging sapat.

Isipin mo nalang na yakap mo ito sa isang kaibigan
Isang pag-kakaibigan na ma-uuwi lang pala sa pag-papaalam
Pag-kakaibigan na nauwi sa pag-iibigan
Ngunit ito ay bawal
Dahil madaming hadlang
Madaming may ayaw
Kaya tanging hiling ko nalang
Ay pa-yakap naman
Kahit saglit lang.

Pa-yakap bago ka  lumisan
Pa-yakap  bago mo ako iwan ng tuluyan.
At pipilitin kong tanggapin ito ng sapilitan.
At su-subukan kong 'di ma-padpad sa kawalan
Dahil malugod ko itong tatanggapin  hanggang ang aking katawan ay kumalma sa iyong pag-kawala.
Na batid kong aabutin pa ito ng buwan at taon
'O baka abutin pa ng mahaba-habang panahon.
'Di ko alam kung kailan.
'Di ko alam kung magkikita pa ba tayo muli mahal?

At kung dumating man yung araw na puwede na,
Na puwede ka na?
Na puwede na tayong dalawa
Ay sumang-ayon na ang mundo
Sa pag-iibigan natin na minsan ay naging laman ng salitang "wag muna"
At kung dumating man yung panahong 'di natin inaasahan.

Sana ay puwede pa
Sana ay kaya ko pa
Sana ay kaya ko pang maghintay ng matagal
Sana ay kaya ko pang mag-abang sa lugar kung saan tayo unang nag-kakilanlan.
Sa lugar kung saan tayo unang sumaya
Kahit puno na tayo ng problema
At sa lugar kung saan dati
Sa atin ay may na-mamagitan pa.

Pero ito'y magiging ala-ala nalang
Dahil ako na ay iyong iiwan
At sana lang,
At tanging hiling ko lang
Sana
Kaya ko pa na ika'y ipaglaban
Kung sakali man na ikaw at ako ay mag-tagpo sa iisang mundo.
aL Jan 2019
Ngiting 'di pawawari kung para ba akin
Titig ng mga mata ay kunwari ay tinitipid
Siguro'y Diyos ay nakikinig na sa mga dalangin
Malapit na ang pagdating ng kasiyahang hinahatid

Napakalapit ng landas natatahakin
Ngunit napakahirap rin gawin
Ang premyo ay ang malaman ang sagot
Kapalit ay ang paglakad sa isang sigalot
1.26am
Shy smile
Nakakapagod mag kunwari
Na parang kala mo lahat walang mali
Ayoko kasing malaman nila
Na minsan ako ri'y nababalisa
Kasi sa pananaw ko
Ito ang estado ng sarili ko
Na kung saan maraming may oportunidad saking manloko
Pero ewan ko
Yung mga taong inaasahan kong makakaintindi
Ni isang beses sa tingin ko'y wala namang ****
Ang mga salitang hinihintay ko
Ni isa walang nakapagsabi
Kelan mo ba matututunan yung salitang "Ok ka lang? Maayos ka pa ba?"
Kelan kaya yan maiuukit ng iyong mga labi?
Woop woop ... tagalog poem...
Bb Maria Klara Jan 2021
Ikaw ay isang pambihirang hika
na hindi mailarawan sa anumang wika;
Ang pagnais sayo ay tulad ng ubo,
Sa pagsikip ng dibdib ikaw ay tumubo.

Ang pagtanging naganap ay bukod tangi at
mainit, tila isang pagsibol ng lagnat.
Pangalan mo ay pahirap sa aking lalamunan
daig pa likidong apoy sa matinding inuman.

Tila ako'y nawalan ng panlasa,
sapagkat napaibig sa irog ng masa.
Na-abisuhan man lamang sa idudulot na sakit
ng hamak at panandaliang pagkaakit.

Walang manggagamot ang nakakilala sa kaso
nitong nakakawalang-hiyang trangkaso.
Walang mabuting dinulot sa katawan:
sinumpaang pangangailangan lamang ng laman.

Nawa'y ang pagkalalin ay hindi nakahahawa
sapagkat sa ngayo'y mag-isang tumatawa
dahil sa pagtangkilik lamang ng mga alaala.
(Isa sa mga sintomas na talagang lumala.)

Sa kabila ng pagkilala na ito'y sakit lamang sa ulo;
ipinatili hanggang sa luha ay tumutulo.
Itinuloy ang pananabik sa tuwina,
kunwari ang gawain ay ligtas na bitamina.

Ang ibubunga ay malalaman lamang sa wakas
kung sasapat pa ba ang natitirang lakas
upang sugpuin ang delikadong damdamin
at ang sariling katinuan ay panatiliin.

Sa kabila nga ba ng mga dinanas,
may matatagpuan bang ganap na lunas?
Upang lahat ng aspeto'y manatiling malusog
at sa karapat-dapat na lamang ang loob ay mahulog?

Masakit na uri ng pangangalaga,
ang payapang makakamit ay mahalaga.
Wala lamang ito sa sapat na distansya;
kailangan rin ang pagpaparaya.
2019 was the year of the heartbreak that I thought was going to **** me. 2020 was the year of the virus I thought was going to **** me. 2021 cannot POSSIBLY be worse; this is me synthesizing both killer life experiences thanks
Sydney Nov 2020
Kapag hawak niya ang mga kamay ko, ikaw ang iniisip ko

Kapag sinasabi niyang mahal niya ako, ikaw ang naaalala ko

Kapag tinitignan niya ako, mukha mo ang nakikita

Kapag tumatawa siya, tawa mo ang aking naririnig

Ginusto niya 'to, pero tanga ako

Kasi hinayaan ko siyang masaktan

Oo, napapasaya niya ako. Pero ikaw pa rin talaga! Pinapaasa ko siya kada araw na lumilipas

Sinungaling ako, sinungaling din siya. Sinungaling ako kasi sinasabihan ko siya ng mahal ko siya, kahit ang totoo ay ikaw pa rin

Sinungaling siya kasi kunwari ayos lang siya, kunwari hindi siya nasasaktan

Hindi ako karapat dapat sa kanya, pero hindi ko alam kung paano tapusin

Ayokong tapusin kasi mahal ko na 'ata siya
William Tubera Sep 2017
Kumalabit
dugo'y dumilig
kasama ang nangilid
na patak ng luha
at sa kabila
ay sa usok ng bakal
nakangiti

Mga Gintong
ihinagis sa mga buwaya at babuyan
Ngunit mga baboy at buwaya’y walang pakialam
Wala na ngang pagkaalam
Basta kain lang, lamon lang.

Umuusok sa dami ng nakisakay
Mga pekeng tagapalakpak
nakakabasag na halakhak
Mga nakakakita, nabubulag
sa tila Pyesta ng de-kalabit
Iyak di marinig
sa mga manhid
na nakamasid

Tago, takip, tagpi
itinuring na tama ang mga mali
Teka, karapatan mo’y imamali
panandali?
at ang mga baho ng kamalia’y pilit ikukubli?
Binalot ng tama kunwari

at sana huwag ka nang magtaka
Huwag n’yo kaming gawing tanga!

Sa ngayo'y mananahimik sandali
Hindi ba’t parang gulong lang ‘yan?
kaya matutong maghintay
sandali, madali . . .
Pluma Feb 2018
Pumarito sa aking tabi kung saan ang mga salita ay hindi laging kakailanganin,
Batid ang 'yong mga hinaing at hinagpis ngunit hindi na kailangang sabihin.

Dito na lang kung saan sasapat ang pagdausdos ng ating mga palad, higit na ang pagsulyap sa mga mata **** iba ang tinatangan,
Dito kung saan hindi kailangang magpaliwanag -- kahit hindi naiintindihan ay mamahalin ka sa paraang nararapat bagama't lingid sa'yo.

Pumarito na lamang kung saan ang bawat paghinga'y tulang ikinukubli ang hapdi, kirot, at sakit,
Mga agam-agam at handusay ng lumbay.

Sino nagsabing hindi ka maaaring ibigin mula sa kalayuan? Kalokohan.

At kung sa wakas ay matunton mo ang daan patungo rito,
Sana'y manatili ka.

Manatili tulad ng pananatili ko sa walang kasiguraduhan,
Manatili na parang aking mga mata sa tuwing nakatitig sa'yo na tulala sa kawalan, sa kanya,
Manatili ka sana,
Manatili kahit panandalian.

Kung sasapit ang unos at nanaisin **** lumisan, ang dagliang pagbitiw ay hindi maipapangako ngunit hindi kita pipigilan,
Sapat sa akin ang pinagtagpi-tagping kapos at maikling panahon, ang mga nakaw na sandali ng kahapon, ang pakikipaglaro sa tadhana na kunwari, ikaw na talaga.

Sapat sa akin ang pumarito,
Sa pagdausdos ng mga palad mo sa mga palad ko,
Kung saan ang mga salita ay hindi na kakailanganin,
Dito sa walang akin.
Nikole L Jun 2019
Isang libong luha
Hindi na matapos-tapos
Ngiti sa mga labi'y inanod

Luha na dumidilig sa unan
Tuwing gabi'y bumubuhos,
Na parang walang tigil na ulan

Ngingiti pag-sapit ng umaga
Walang bahid ng lungkot,
Suot ay panibagong maskara

Kunwari'y hindi nasasaktan,
Sa mga bibig na mapanlait
Tinakasan na ng imik

Isang libong luha
Patuloy sa pag-agos
Hindi na yata matatapos

Isang libong beses luluha
Dalawang libong beses papahiran ang luha
Tatlong libong beses hahanap ng dahilan para sumaya
Prince Allival Mar 2021
Sana buhay pa rin ‘yung konsepto ng pagiging superhero nu’ng mga bata pa tayo.

‘Yung mga panahong masaya nating ginagaya si Superman o si Wonder Woman. Kunwari may kapangyarihan tayo at hangad nating makapagligtas ng mga tao. ‘Yung kaya nating buhatin ang mabibigat na bagay o ‘di kaya’y lumipad lagpas sa mga ulap.

Sana hindi ‘yun nawala.

Sana naniniwala pa rin tayo sa mahika, o sa himala, o sa mga pantasya na bumuo sa’ting pagkabata. Na kahit nadaragdagan ang mga taon sa buhay natin, hindi natin malimutan na tayo’y mga bayani sa’ting mga sarili —

Na nakakapagligtas pa rin tayo ng ibang tao sa pagiging mabuti, na kinakaya nating buhatin ang mabibigat na pagsubok at pighati, na kaya nating liparin ang mga pangarap nating mas mataas pa sa mga ulap.

Sana kahit kabisado na natin ang totoong mukha ng mundo, may bahagi pa rin ng pagiging bata sa’ting puso — mamangha pa rin tayo sa mga bagay, at kasabikan pa rin natin itong buhay.

— The End —