Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Karapatang Ari 2016
WMSU MABUHAY ESU
DONWARD CAÑETE GOMEZ BUGHAW


Kung isa-isahin ang nangakaraan
Simula no'ng ika'y aking niligawan
Hanggang sa dumating ating hiwalayan,
Maikuk'wento ko ng walang alangan.

Unang kita palang, napaibig ako
Sa isang babae at Nimfang tulad mo;
Puso ko'y nahulog ng di napagtanto,
Siguro'y pakana ito ni Kupido.

Iyong itinanong, "Ikaw ba si Donward?"
Ako'y napatigil nang dahil sa gulat
Ako ay lumingo't ikaw ay hinarap,
Aking itinugon isang tango't kindat.

Nang ako'y lumabas na sa isang silid
Hindi ko mawari't ikaw ay nawaglit;
Ako ay nalumbay sa nasahing pilit
Ano't ang tadhana ay nagmamalupit.

Gusto ko pa namang ika'y makilala
Paanong nangyari't agad kang nawala,
Hindi tuloy kita natanong o sinta
Sa iyong pangalan na pang-engkantada.

Aking inusisa ang aking sarili:
"May pag-asa pa bang makita kang muli?
May tadhana kayang magtatagpo uli
Sa ating dalawa kahit na sandali?"

Hanggang isang araw, nang aking makita
Iyong kaibigang naglakad mag-isa
Agad kong tinanong kung ika'y nagsimba
Marahan n'yang sagot nasa tuluyan ka.

Pagkatapos niyon tinanong ko na s'ya
Sa iyong pangalan na may pagkad'yosa
Agaran niyang sagot, "Devina Mindaña,
Ang buong pangalan ng aking kasama.

Nagpatuloy kami sa pagkuk'wentuhan
Habang naglalakad sa tabi ng daan
Hanggang sa dumating ang aming usapan
Sa punto na ako ay kanyang mabuk'han.

Diretsahang tanong ay 'may gusto ka ba,
Sa kaibigan kong nanuot sa ganda?'
Sagot ko'y mistula isang tugong parsa,
Naging dahilan ko'y, 'Naku, wala! Wala!'

Imbis na makuha, siya ay natawa
At nang tanungin ko'y naging sagot niya:
"Subukan mo nalang ang ligawan siya
At baka maantig, batong puso niya.

Ni minsan ay hindi siya nagkaroon
ng isang siyota, pagkat umaambon
ang pangarap niyang gustong maisulong
ang makapagtapos at ang makaahon."

Pagkasabi niyon, ako ay nangusap:
"Diyata't parehas kami ng pangarap,
Kapwa puso namin ay nangangagliyab
Sa iisang nais na para sa bukas."

Nagpatuloy kami sa aming usapan
Hanggang sa tuluyang siya'y namaalam.
"Ako'y ikumusta sa 'yong kaibigan,"
Wika ko nang siya'y tumawid sa daan.

Nagpatuloy ako sa aking paglakad
Hanggang sa marating ang nagliliwanag
nating pamantasang nagtatahang huwad
ng dunong at puring nanahanang likas.

Nagdaan ang gabi't umaga na naman
Pagsulat ng tula'y aking sinimulan,
Yaong tulang handog sayo kamahalan
Nitong si Balagtas, Donward ang pangalan.

Ang iyong pangalan ang naiititik
Niyong aking plumang espadang matulis;
Ang tinta ay dugong may hinalong pawis
Nitong aking huli't wagas na pag-ibig.

Ngunit sa kabila, niyong aking katha
Aking nalimutan ang lahat ng bigla
Maging pangalan mo, sintang minumutya
Kung kaya't nagtanong uli ang makata.

"Siya ang babaeng aking naibigan,"
Pagkukuwento ko kay Jesang huwaran
Nang ika'y nakitang naglakad sa daan
Kasama ang dal'wa mo pang kaibigan.

At nang naguluha'y aking itinuro,
Pagkatapos niyo'y siyang aking sugo;
Si Jesang huwaran ay parang kabayo,
Ika'y sinalubong ng lakarang-takbo.

Agad kang tinanong sa iyong pangalan
Katulad ng aking naging kautusan.
Nang ika'y tawagin -- o kay saklap naman
Di mo man lang ako nagawang balingan.

Nang aking tanungin si Jesang huwaran,
Nang siya'y nagbalik sa pinanggalingan,
Kung ano ang iyong tunay na pangalan:
"Devina Mindaña," kanyang kasagutan.

Hindi lumalao't hindi nakayanan
Ng puso kong ito, ang manahimik lang;
Kaya't nagsimulang ikaw ay sabayan,
Kahit hindi pa man kilalang lubusan.

Ewan ko kung bakit ako'y tinarayan,
Gusto kong magtanong, pero di na lamang;
Sa sungit mo kasi'y baka lang talikdan
At bago aalis ay iyong duraan.

Subalit, lumipas ilang linggo't buwan
Tayo'y nagkasundo't nagkausap minsan;
Insidenteng iyo'y di ko malimutan,
Malamyos **** tinig, aking napakinggan.

Nang ako'y tanungin sa aking pangalan,
Sa telepono ko'y sagot ay Superman;
At nang mukhang galit, agad sinabihang,
"Huwag kang magalit, ika'y biniro lang."

Agad kong sinabi ang aking pangalan
Baka tuloy ako'y iyong mabulyawan:
"Si Donward po ito," sabi kong marahan,
Pagpapakilala sa 'king katauhan.

Patuloy ang takbo ng ating kuwento,
Ang lahat ng iyo'y aking naging sulo,
Sa papasukin kong isang labirinto;
Sa isang kastilyong nasa iyong puso.

Hanggang isang gabi, mayroong sayawan,
Napuno ng tao ang gitnang bulwagan;
Ang aking sarili'y hindi napigilan
Na ika'y hanapi't maisayaw man lang.

Ngunit ng matunto'y hindi nakaasta,
Ang aking nasahin ay naglahong bigla;
Imbis na lapita't dalhin ka sa gitna,
Ay hindi na lama't ako'y nababakla.

Aking aaminin ang kadahilanan,
Takot na talaga ang pusong iniwan
Na baka lang uli't ito ay masaktan
Tulad ng sa aking naging kasaysayan.

Kaya't hindi ako nagpadalos-dalos
At baka pa tuloy yaon ay mapaltos;
Ang mabulilyaso'y mahirap na unos
Nitong aking pusong may panimding lubos.

Akin pang naitanong sa isang pinsan mo
K'wento ng pag-ibig na tungkol sa iyo
At kung maaaring ikaw ay masuyo,
Naging tugon niya'y: 'Ewan ko! Ewan ko!'

"Huwag ikagalit kung ika'y tanungin,"
Sabi ng pinsan **** maalam tumingin
Di sa kanyang mata na nakakatingin,
(Kung hindi'y sa kanyang talas na loobin).

Aking naging tugon doon sa kausap,
Yaong binibining aking nakaharap:
"Hindi magagalit itong nakatapat
Hangga't ang puso ko'y hindi nagkasugat.

Pagkatapos niyo'y kanya ng sinabi
Ang ibig itanong na nangagsumagi
Sa kanyang isipang lubhang mapanuri,
Ang kanyang hinala ay ibinahagi.

"Ikaw ba'y may gusto sa kanya na lihim?
Huwag **** itago't ng hindi lusawin
Ang laman ng puso at iyong pagtingin
Ng iyong ugaling, pagkasinungaling!"

Pagkatapos niyo'y agad kong sinagot
Tanong niyang sadyang nakakapanubok
At ipinagtapat yaong aking loob
Ng walang alanga't maski pagkatakot.

"Ako nga'y may gusto sa kanya na lihim,
Subalit paanong siya'y maging akin
Gayung tingin pala'y akin ng sapitin,
Ang lumbay, ang hapdi't kabiguan man din?"

"Di ko masasagot ang 'yong katanungan,"
Naging tugon niyong butihin **** pinsan,
"Tanging payo ko lang ay pahalagahan,
Huwag pabayaa't siya ay igalang."

Aking isinunod nang kami'y matapos
Ay ang iyong ateng wari d'yosang Venus;
Agad kong sinabi habang napalunok
Yaong aking pakay at nang s'ya'y masubok.

Imbis na tugunin yaong aking pakay,
Ako'y di pinansin kung kaya't nangalay
Dalawa kong mata sa kanilaynilay
Ako'y nanghihina't puso'y nanlupaypay.

Aking iniisip sa tuwi-tuwina
Ay ang pangalan mo, mahal kong Devina;
At ang hinihiling sa bantay kong tala,
Hihinting pag-asang makapiling kita.

Kaya't hindi ako nakapagpipigil,
Iyong aking loob na nanghihilahil
Aking inihayag sayo aking giliw
Ng walang palaman at maski kasaliw.

Tandang tanda ko pa no'ng makasabay ka
Papuntang simbaha'y sinusuyo kita
Hanggang sa pagpasok ako'y sumasama
Kahit hindi alam ang gagawin sinta.

Bago nagsimula ang misa mahal ko,
Ang aking larawa'y iniabot sayo;
May sulat sa likod, sana'y nabasa mo,
Yaong pangungusap ay mula sa puso.

Di kita nakitang ako ay nilingon,
Sapagkat atens'yo'y naroong natuon
Sa isang lalaking pumasok na roon,
At sayo'y tumabi hanggang sa humapon.

At nang nagsimula'y umalis na ako,
Pagkat ako itong walang sinasanto;
Baka tuloy ako magsasang-demonyo
Sa aking nakitang katuwaan ninyo.

Hindi ko malaman kung bakit sumakit,
Nanibugho ako, ano't iyo'y salik?;
Ano nga ba ito't tila naninikip?
Lintik na pag-ibig, puso ko'y napunit!

Napaisip ako habang naglalakad
Hanggang sa isip ko'y nagkakaliwanag;
'Manibugho sayo'y hindi nararapat,'
Napatungo ako sa sariling habag.

Ilang saglit pa at akin ng pinahid
Luhang sumalimbay sa pisnging makinis
At saka nangusap ng pagkamasakit:
"Wag kang mag-alala't di ko ipipilit."

"Itong pag-ibig kong nagniningas apoy,
Nasisiguro kong hindi magluluoy;
Ngunit, kung hindi mo bayaang tumuloy,
Mas mabuti pa ang puso ko'y itaboy!"

Nang ako'y magbalik doon sa simbahan,
Sa dami ng tao'y di kita nasilayan;
Ngunit, nang tanawin sa kinauup'an,
Naroong Devina't kinaiinisan.

Nanatili ako't hindi na umalis,
Di tulad kaninang lumabas sa inis;
Ako'y umupo na at nakikisiksik,
Kahit patapos na ang misang di ibig.

Hindi ko nga ibig, pagmimisang iyon
At maging pagsamba't gano'ng pagtitipon;
Pagtayo't pagluhod di ko tinutugon,
Pagkat ako itong walang panginoon.

Araw ay lumipas mula ng masuyo,
Ika'y sinubuka't nang hindi malugo
Itong aking pusong namalaging bigo
Sa loob ng dibdib, namugang tibo.

Iyong naging tugon ay nakakapaso,
Masakit isipi't maging ipupuso;
Yaong tumatama'y animoy palaso,
Narok sa dibdib, sugat aking tamo!

Sa kabila niyo'y di pa rin sumuko,
Tanging ikaw pa rin ang pinipintuho;
Kaya't wag isiping ito'y isang laro,
Pag-ibig kong ito'y hindi isang biro.

Hanggang sa dumating gabing aking asam,
Sa lilim ng mangga, bago ang sayawan
Ay iyong inamin ang nararamdaman,
Ating tagpong iyo'y di malilimutan.

Ipinagtapat mo na ika'y may gusto,
Ngunit di matugon itong aking puso,
Sapagkat ikaw ay mayroon ng nobyo
Di mo kayang iwa't ayaw **** manloko.

Aking naging tugon sa iyong sinabi,
Ay handang maghintay at mamamalagi
Hanggang sa panahong ikaw ay mahuli,
Makita't malamang di na nakatali.

Sa mukha'y nakita, matamis na ngiti
Niyong Mona Lisang, pinta ni Da Vinci;
Ako'y natigilan ilan pang sandali,
Nang aking matanaw, gandang natatangi.

Bago pa nag-umpisa'y pumasok na tayo,
Sa hinaraya kong dakilang palasyo,
At sa lilingkuran tayo ay naupo,
Niyong maliwanag, loob ng himnasyo.

At nang magsimulang musika'y tumugtog,
Ika'y namaalam at para dumulog
doon sa bulwaga't makikitatsulok,
ng sayaw sa indak dulot ng indayog.

Bago pa marating ang gitnang bulwagan,
Ako'y sumunod na't di ka nilubayan
Hangga't di pumayag sa 'king kagustuhan
Na maisayaw ka at makasaliwan.

Lumipas ang gabi't umaga'y sumapit,
Ang araw at linggo'y tila naging saglit;
Ako'y nagtataka't biglang napaisip,
Ano at ang oras ay mukhang bumilis.

Hanggang isang gabi nang aking tanungin,
Sa iyo, o, mahal kung bibigyang pansin;
Hanggang kailan mo pagdudurusahin;
May pag-asa pa bang nadama'y diringgin?

Iyong naging sagot sa katanungan ko:
"Di na magdurusa't ngayo'y maging tayo."
Ang rurok ng saya ay aking natamo,
Lalo pa't sinabing mahal mo rin ako.

Sa kadahilanang gustong masiguro,
Aking naitanong kung iyo'y totoo;
Baka mo lang kasi ako'y binibiro,
At kung maniwala'y sugatan ang puso.

Iyong ibinalik, ating gunitain,
Doon sa manggahan 'sang gabing madilim;
Ipinagtapat mo ang iyong damdamin,
Ngunit, di nagawang puso ko'y tugunin.

Pagkat mayroon kang sintang iniibig,
Iisang lalaking namugad sa dibdib;
Di mo maloloko't iyong inihasik
Sa paso ng puso't bukirin ng isip.

Pagkatapos niyo'y sinabi sa akin,
Na ating pag-ibig, manatiling lihim;
Aking naging tugo'y 'sang tangong lampahin
Pagkat aking isip, gulong-gulo man din.

"Sigurado ka ba sa'yong naging pasya?"
Ang muli kong tanong, bago naniwala
Sayo aking mahal na isang diwata,
Yaong aking ibig at pinapantasya.

Iyong naging tugon sa aking sinabi:
"Kung ayaw mo'y huwag, di ko masisisi;
Ano pa't puso mo'y sadyang madiskarte,
Baka may iba ng pinipintakasi."

Agad kong sinabi sa iyo mahal ko:
"Ano at kay daling ikaw ay magtampo,
Nagtanong lang nama't ako'y naniguro
Baka mo lang kasi, ako'y nilalaro.

Lumipas ang gabi't umaga'y sumapit,
Unang araw natin ay lubhang mapait,
Pagkat di nakayang ako ay lumapit,
Sayo aking sinta't ewan ko kung bakit.

Ilang sandali pa't hindi nakatiis,
Sa pagkakaupo'y tumayo't lumihis
ng landas patungo kay Musa kong ibig,
pagkat aking puso'y lubhang naligalig.

Muli kang tinanong kung pasya'y totoo,
Di na mababawi't di na mababago;
Iyong naging tugon sa katanungan ko,
Pisngi ko'y hinaplos, sabay sabing 'oo.'

Kay sarap marinig, salita **** iyon,
Iisa ang punto at maging ang layon;
Para bang lagaslas ng tubig sa balon,
Ibig kong pakinggan sa buong maghapon.

Matapos ang pasko'y siyang araw natin,
Na kung gunitai'y araw na inamin,
tinugon ang puso at binigyang pansin,
at saka sinabing, ako'y mahal mo rin.

Aking gabing iyo'y narurok ang saya,
Ngiti niyong buwa'y nakakahalina;
Ibig kong isulat ay isang pantasya,
At ikaw Devina, yaong engkantada.

Araw'y nangaglipas, daho'y nangalaglag,
Ano at ang oras tila naging iglap;
Siyang araw natin ay muling lumapag,
Ano at ang panaho'y tila naging lundag.

Iyong regalo mo'y hindi malimutan,
At maging pagbating ibig kong pakinggan,
Sa bawat umagang araw'y sumisilang
At kung maaari'y mapawalang-hanggan.

Ngunit nang magdaan ilang araw't linggo,
Naging malungkuti't di na palakibo;
Puso ko'y mistula isang boteng tibo,
Nabiyak sa dusa nang itatuwa mo.

Sa tuwi-tuwina'y napaisip ako,
Talaga nga kayang tapat ang puso mo?;
Ulo ko'y sasabog, bulkang Pinatubo,
Bakit ba't isip ko'y nagkakaganito?

Ilang araw kitang hindi tinawagan,
Pagkat labis akong nagdusa't nagdamdam;
Malakas kong loob ay di nilubayan
Ng kapighatia't maging kalungkutan.

Tayo nga'y mayroong isang kasunduan,
Di maikaila't sinasang-ayunan
Ngunit, ang itat'wa'y di makatarungan,
Alalahanin **** ako'y nasasaktan.

Ako'y wag itulad sa makinang robot
Na di nakaramdam maski anong kirot;
Ako ay may pusong nakakatilaok,
Pumipintig baga'y putak ng 'sang manok.

Kaya't nang sadyain sa tinutuluyan,
Ika'y kinausap at pinagsabihang:
"Sakaling darating ating hiwalayan,
Huwag magpaloko sa kalalakihan.

At saka-sakaling sayo'y may  manligaw,
Isipin mo muna't wag agad pumataw;
Pasya'y siguruhin bago mo ibitaw,
Ang iyong salita, nang di ka maligaw."

Unang halik nati'y hindi malimutan,
At kahit na yao'y isang nakaw lamang,
Pangyayaring iyo'y di makaligtaan,
Naging saksi natin ay ang Taguisian.

Tila ba talulot ng isang bulaklak
Labi **** sa akin na nangangagtapat;
Animo'y pabango yaong halimuyak,
Ng iyong hiningang sa halik nangganyak.

Ika-labinlima, araw ng Pebrero,
Hindi malimutan ating naging tagpo;
Sa iyong tuluya'y nagkasama tayo,
Doon sa Kwek Kwekan, nagdiwang ang puso.

Ako'y isang taong lubhang maramdamin,
Ang hapdi at kirot siyang tinitiim;
Puso ko'y tila ba 'sang pagong patpatin,
Sa loob ng dibdib sakit ang kapiling.

Kaya't nang makitang may kasamang iba,
Marahang lumason sa puso ko sinta
Ay ang panibugho't sakit na nadama;
At para maglaho, alak ay tinungga.

Sa ika-tatlumpu, na araw ng Marso,
Akin pang naalala pagbisita sayo,
Sa inyong tahana't mapayapang baryo,
Nagmano pa ako sa ama't ina mo.

Ibig kong ang lahat ay di na magtapos,
Masasayang araw nating lumalagos
Sa isip, sa puso't maging sa malamyos,
Na kantahi't tulang aking inihandog.

Ngunit, nang lumipas ang ika-limang araw
mula nang makita't sa inyo'y madalaw
ay isang mensahe ang lubhang gumunaw
sa aking damdami't marahang tumunaw.

Animo'y balaraw yaong tumatama,
Nang ang mensahe mo ay aking nabasa;
Gusto kong umiyak, gusto kong magwala,
Ngunit, anong saysay gayung wala na nga?

Kung isaulan ko itong aking luha,
Masasayang lama't walang mapapala;
Kaya't kahit ibig, ako ay tumawa,
Wag lamang masadlak yaong pagdurusa.

Kung ang kalayaa'y siyang ibig sinta,
At ang saktan ako'y ikaliligaya
Aba'y payag ako't ikaw na bahala,
Basta lang ang akin ika'y liligaya.

Kay sakit isiping tayo ay hindi na,
Ngunit, kung ito man ang itinadhana,
Aba'y pag-ibig ko't pag-ibig mo sinta,
Di makakahadlang sa ibig sumila.

Mahal ko paalam sa ating pag-ibig,
Mahal ko paalam, kahit na masakit;
Mga alaala'y huwag ng ibalik,
Burahin ng lahat sa puso at isip.


~WAKAS~
Ang tulang ito ay handog ko para kay Devina Mindaña.
AL Marasigan Jul 2016
1:40 am,
Ganitong oras mo ‘ko sinagot
Ganitong oras mo pinaramdam sa’kin na mahal mo rin ako
Ganitong oras ko narinig ang mga katagang mahal kita mula sa’yong mapupulang labi
Kaya naman, sa ganitong oras ko din isisiwalat kung gaano kita kamahal
Matagal ko na ‘tong pinaghandaan
Di ko nga tansya kung ilang letra, ilang salita o ilang talata ang nasulat ko
Di ko na tansya kung ilang araw ko ‘tong kinabisado para lamang maging perpekto sa harapan mo
Di ko tansya kung ga’no nga ba kita kamahal, nung tinanong mo ‘ko
Pero ngayon, ito na.
Ala-una kwarenta ng umaga, ginising ako ng isang panaginip
Panaginip na nagbigay init sa puso kong natutulog.
Ito din yung oras kung
kailan ako’y natataranta kasi nga may pasok na naman.
Ito rin yung araw
kung kalian kita unang nakita.
Di ko alam kung tadhana nga ba, na napaniginipan kita bago kita nakilala
Tandang-tanda ko pa…
Yung mga ngiting binigay mo sa’kin nung ika’y nasa panaginip ko pa lamang
Tandang-tanda ko pa…
Yung mga ngiti mo
Nung tinanong mo ‘ko kung
kailangan ko ba ng tulong
sa mga akdang-araling binigay sa’tin ng ating mga ****
Tandang-tanda ko pa….
Na hirap akong makatulog
kasi nga
di ako makapaniwala na ang babaeng napanigipan ko’y
Magiging kaklase ko
Kaya naman
Sinet ko na ang alarm sa 1:40 am simula nung araw na yun
Araw-araw
Para lamang itext ka ng goodmorning at gulat naman ako
Kasi nga, nagrereply ka pa sa ganoong oras
Destiny at meant for each other nga naging mantra’t mentality ko noon.
Di ko nga alam kung ako ba’y nasa loob pa ng isang panaginip
O ito ba’y kathang-isip na lamang
Masaya ako!
Hindi, Mali
Sumaya ako simula noon
Kaya naman ginagawa ko ang lahat ng gusto mo at pinipilit gustuhin ang mga ito
Para lamang matugunan ko ‘tong pag-iisip ko na
TAYO NGA’Y PARA SA ISA’T-ISA
Nakakatawa kasi nga dumating yung araw na para nalang akong tangang
Di ginagamit ang kokote dahil nagpakabulag na sa tinatawag nilang pag-ibig.
Tangang, pinabayaan ang sarili para lamang mapasaya ka
Tangang, pinaubaya ang lahat sa mga salitang *“Mahal kita”

Tangang, akala na ang lahat ng bagay na ginagawa mo at ginagawa ko ay
Si tadhana ang may pakana*
Ngunit di pala, ito pala’y purong katangahan na lamang
Ang akala kong nagpupuyat ka rin para lamang makareply sa text ko pagsapit ng 1:40 am
Ay di pala talaga para sa’kin
Ang akala kong panaginip na nagbigay init sa pusong malamig na natutulog
Ay panaginip pala na sinunog ang natunaw ko nang puso dahil sa malaanghel **** boses
Ang akala kong pananginip na nagbigay kulay sa buhay kong matagal nang matamlay
Ay panaginip pala na sa sobrang kulay ay nagbigay kadiliman na lamang
Ang akala kong perpektong panaginip
Ay panaginip palang maraming butas at naging isang masakit na bangungot na lamang
Mahal, sa ganitong oras mo ‘ko sinagot
Sa ganitong oras mo binigkas ang mga salitang matagal ko nang inaasam-asam
At sa ganitong oras mo din binigkas ang katagang
“Tapos na tayo”
1:40 am
Nagising ako sa isang panaginip
Panaginip na purong kadiliman na lamang
Panaginip kung saan ang kasiyaha’y naging purong kalungkutan na lang
Mahal, sa ganitong oras ko isisiwalat ang lahat
Kaya maghanda ka na,
Kasi di ko tansya kung ilang salita, ilang talata o ilang araw ko tong pinaghandaan
Para lamang maging perpekto sa harapan mo
Di ko tansya kung gaano nga ba mo ko minahal
O kung minahal mo ba talaga ako
Pero ngayon, ito na….
1:40 am
Malapit nang masira ang aking tainga dahil sa pagtunog ng orasan.
Ginising na ako ng katotohanang wala nang ‘TAYO’
Kaya naman ako’y
Bumangon, tumayo’t binago na ang alarmang inilagay,
Gising na ako, gising na gising.
Masaya, masayang-masaya!!
Kahit wala ng ‘TAYO’

Time Check: 1:41 am
Spoken Word Piece.
Copyrights Reserved.
                                                         -Alenz Marasigan
Tandang-tanda ko pa kung paano tayo nagsimula
Tandang-tanda ko pa kung paano tayo nagkakakila
Sa una’y wala tayong pakialam sa isa’t-isa
Pero dumating din tayo sa puntong magkausap sa telepono mula gabi hanggang umaga

Tandang-tanda ko pa kung paano mo ako pinakilig ng iyong mga salita
Kung paano mo ako pinakilig sa bawat tingin mo sa aking mga mata
Akala ko sa libro at pelikula lang nangyayari ang ganoong mga eksena
Ngunit mali pala, pati sa totoong buhay nadadama pala

Tanda mo pa ba kung paano natin gamitin ang oras
Ang oras na tila limitado ay kailan man ‘di natin hindi inabuso
Kahit pa may pagsusulit sa klase kinabukasan
Pinipili natin na magusap at maglakad hanggang tayo ay pagsabihan

Tanda mo pa ba kung paano mo ako niyakap habang ako’y humahalaklak
Kung paano mo rin ako niyakap noong ako naman ay umiiyak
Tanda mo pa ba kung paano mo sabihin na mahal mo ako
‘Di pa ‘ko naniwala dahil aminado ka na ikaw ay sadyang mapagbiro

Tanda mo pa ba kung paano natin iniwan muna saglit ang barkada
Para lang sabay tayong bumili ng fishball o monay doon sa may kanto ng kalsada
Kay tagal nating naglalakad para lang dayain at mapahaba ang oras ng pagsasama
Pagbalik nama’y iilang piraso lamang ng fishball at monay ang dala

Tanda mo pa ba noong tayo’y magkasama sa gabi at naglalakad
Kamay mo ay nakakapit sa aking baywang sa pag-aalalang baka ako’y mawala
Kahit pa maglakad sa umaga, kamay mo ay nasa aking likod
Kahit saan mo man ilagay, tila lagi **** sinasabi ay “Lakad ka lang, andito ako.”

Tanda mo pa ba noon kapag may miting ng sabado sa eskuwela
Lagi tayong pumapasok ng mas maaga, isang oras bago ang natatakda
Ngunit hindi sa eskuwela ang ***** kundi sa parke nang makapaglaro saglit
Tapos pagbalik sa eskuwela ay tayo na lang pala ang wala sa silid, dahil nahuli pa rin.

Tanda mo pa ba noong tayong dalawa ang nag-representa
Tayong dal’wa ang lumahok para sa titulo at karangalan ng eskwela
At nang manalo’y lahat nagalak at sinabi na
Tayo muli ang lalalok para sa susunod na laban sa makalawa

Nakilala tayo sa ating galing, pati na rin sa kilig na ating inihatid.
Kaya naman pag sa kompetisyon, tayo ay naghigpit.
Ang dating magkasama sa lahat at magkakampi,
Ngayo’y biglang naging magkatunggali.

Tayo ngayon ay kinumpara sa ibang magkasintahan
Bakit raw sila pagdating sa grado sa eskwela ay okey naman?
Bakit raw sila ay parang walang pakialam sa kung anong kalalabasan
Ngunit tayo ay tila naguunahan

Kanya-kanyang labanan, kanya-kanyang istratehiya
Kanya-kanyang napalanuhan, kanya-kanyang talunan
Nagsarili at ‘di na namansin pa
Para bagang dalawang taong ‘di magkakilala

Nabalot ng yabang ang ating mga isip
Ngunit ang puso nati’y nanatiling tahimik
Hindi umimik kahit isang saglit
Kaya naman isip lang ang namalagi’t naghari

Tanda mo pa ba kung paano tayo noon?
Tanda mo pa ba kung ano ang meron?
O nakalimutan mo na kung ano ang mga sinabi mo sa akin noong okey pa?
Dahil ‘di ka sumagot noong sinabi kong, “patawad” at inamin ko ring mahal kita.

Unang beses kong sinabi sa iyo ang mga salitang iyon.
Unang beses sa buong pagsasama natin ng isang taon.
Ngunit nang binanggit ko hindi ka man lang tumungo
Kundi pinabayaan **** katahimikan ang mag-ingay para sa’yo.

Natatandaan mo na ba pagkatapos ang lahat ng aking pagpapa-alala?
Natatandaan mo na ba kung paano sumibol at nawala
Ang pagsasamang puno ng pangako at pag-asa
Natatandaan mo na ba?

Kung sakali man na talagang nalimutan mo na,
Pasensya sa ingay kong ito kasi ako hindi pa.
Hindi ko malimutan sapagkat sariwa pa.
Sariwa pa lahat ang pangyayari kahapon na dahilan kung ba’t may luha ngayon sa’king mata

Kung talagang nalimutan mo na,
Lahat ng ginawa natin, malungkot man o masaya,
Utang na loob, pwede ba ako’y turuan mo sana
Kung paano limutin ang lahat ng alaala.

Kahit na hindi na matago ang sugat na nameklat na,
Peklat na kahit Sebo de Macho ay hindi kaya,
Basta mabura lang alaalang nagdulot ng sugat na peklat na
Okey na sa akin iyon, okey na.

Okey na, oo. Kasi ‘di naman talaga peklat ang dahilan
Ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ako ay lumuluha
Eh ano naman kung may peklat ako di ba?
Wala pa rin naman kasing papantay sa sakit na nadarama

Sakit na muntik na akong malagutan ng hininga
‘Di ako nagbibiro sapagkat sa bawat pag-iyak at pag-singhot ko
Naninikip ang aking dibdib, nagdidilim ang aking paningin
Hindi ako makahinga

Tanda mo pa ba, noong tayo’y muling nag-usap
Tila ba gusto ko muling magpakilala
Akala ko kasi isang pag-uusap para muling makapagsimula
Yun pala, usapang pangwakas na.

At doon na huminto lahat ng masasakit na mga alaala.
Ngunit hindi huminto ang paghihinagpis ko bawa’t gabi, kada umaga.
Kaya naman hinihingi ko ang tulong mo kung ‘di mo na naaalala
Dahil kailangan kong malimutan ang lahat ng tanda ko pa.
m X c Oct 2019
madaming tanong ngunit hindi maibigkas
maibigkas ng bibig dahil natatakot
na baka bukas wala ka na.
nananahimik ngunit may sinisigaw sa isip
Bakit? lagi nalang ba?
kailan mo pakakawalan?
hanggang kailan?
naka ngiti ngunit mag ingat ka
sigurado ka ba?
sigurado ka bang masaya ka?
bakit? ayaw mo ipakita na minsan
mahina ka
natatakot, natatakot ka na BAKA
walang makikinig sayo,
bakit nga ba? bakit?
dahil ba sa tingin mo nagdadrama ka lang.
Ngiting hindi mahahalata ang mga tandang patanong
ay tumatakbo sa isipan
mga maskara nakaipon sa pinto nag aabang
na pag ika'y lalabas at ito'y isusuot
hanggang kailan mo panghahawakang malakas ka
ngunit pag mag isa ka'y mahina ka na
hagulgol na parang bata ngunit patago
dahil ayaw magpahele
paano nga ba?
paano nga ba matitigil ang pagtakbo
ng mga tandang patanong sa isip na minsan
gusto ng isigaw
isa lang ang alam ko
mga tandang patanong
natatakot lang ipaalam
okay na, tama na,
hahayaan nalang
kimkimin ang mga tandang patanong.
mxc-2k17
Ayin Azores Aug 2018
Ilang taon akong nabulag sa paniniwalang kailangan mo munang makaranas ng sakit bago mo makamit ang tunay na ligaya.
Na ang bawat luha ay may katumbas na galak, na ang bawat gabi ng pighati ay may pangako ng isang masayang umaga.

Ilang taon akong nakipagsapalaran sa pagibig na mapagpanggap. Kaliwa't kanang kabitan, walang katapusang kasinungalingan.
Pagibig na sa harap ng madla ay puno ng kilig at lambing. Ngunit sa ilalim ng mga yakap at mga halik ay ang mga pasa at sugat na dulot ng masasakit na salitang sing talim ng bagong hasang lanseta.

Ilang taon akong nasanay sa kalungkutan, walang kadaladala. Sugod ng sugod sa labang alam ko namang sa bandang dulo ay ako ang uuwing talunan. Pilit akong kumapit sa mga maling tao. O tamang tao sa maling pagkakataon. O sa akala ko'y tamang tao pero hindi naman ako gusto. Sakit no?

Ilang taon akong sumugal sa mga relasyong walang kasiguraduhan, sa pagibig na "pwede na", kahit alam ko sa sarili kong walang patutunguhan. Minsan nga kahit wala nang kakabit na emosyon basta lang may pantawid sa tawag ng laman pinapatos ko ng walang pagaalinlangan.

Ilang taon akong pansamantalang nakisilong sa iba’t ibang tahanan. Na sa una’y buong puso ang pagtanggap ngunit sa bandang dulo ay walang habas din akong pinagtabuyan palabas.

Ilang taon? Hindi ko na mabilang. Hindi ko na mabilang kung ilang taon akong nagtapang tapangan na suungin ang mga tila panibago na namang disgrasyang maaari kong kaharapin sa proseso ng paghahanap ng tunay na ligaya. Isang pagibig na may pangako ng walang hanggan.

Hanggang sa... napagod na ako. Sa wakas, napagod na ako. Napagod na akong kwestyunin ang kalawakan sa kung bakit palagi na lang akong pumapalya sa pagibig. Napagod na akong magtiwala. Natakot na akong magtiwala. Natakot na akong buksang muli ang puso ko sa susunod na estrangherong magsasabing “hindi kita sasaktan, peksman mamatay man”

At Unti unti kong napagtanto na sa ilan taon kong paghahanap ay ako, ako ang nawala.

At nahanap mo ako.

Ikaw ang naging sagot sa bawat tandang panong na ibinato ko sa kalawakan sa loob ng maraming taon. Tinuldukan mo ang lumbay at ipinamukha sa akin na hindi ko kailangang masaktan para makamtan ang tunay na ligaya. Na kailanma'y hindi ako dapat lumuha dahil sa hinagpis. Hindi ka nangakong hindi mo ako sasaktan, ngunit ipinadama mo sa akin ang  ang masarap **** pagaalaga. Pagaalagang hindi kailangan malaman ng iba para mapatunayan na bukal sa loob ang hangarin. Binigyan mo ako ng dahilan para muling magtiwala.

... Ng lakas na sayo ay kumapit at ipadama sayo ang init at gigil ng pagibig na ni minsan ay hindi ko naipadama sa sinoman. Binigyan mo ako ng pagasa... ng dahilan para muling maging matapang.


At ngayon, sa unang pagkakataon.
Buong tapang kong ipagsisigawan sa buong mundo na palangga ta ka. Na handa na ako sa pagsisimula ng isang bagong paglalakbay kasama mo mahal ko. At oo, oo ang naging sagot ko.
Kara Subido Nov 2015
Dis oras na ng gabi ngunit ikaw pa din
Ang bukod tanging laman ng aking isipan
Patawad na kung puro siya na lang lagi ang alam
Ng aking mga kwento.
Hindi ko kasi mapigilan mag buhos ng aking hinaing
Dahil alam mo hanggang ngayon kasi tandang-tanda ko pa din
Ang araw at oras kung kailan mo ako iniwan.

Anong gagawin ko sa mga salitang iniwan mo
Isa nga lang ba akong pangalan sa buhay mo?
Ano ba ang naging parte ko sa'yo?
Iba’t ibang tanong ang bumabagabag sa akin
Pero kung alam ko lang na sa ganito tayo hahantong;
Matagal ko nang pinatay ang natitirang posibilidad
Sa akin isipan na may mundo para lang sa ating dalawa.

Alam mo ba gabi gabi kong binabalikan ang
Matatamis nating alaala pero pilit ko din
Pinapaalala sa aking sarili na
‘’Itigil mo na ‘to’’
''Tama na 'to''
Gumising kana sa totoong estado ng buhay mo.
Maawa ka naman sa sarili mo.
Ikaw ang naging punot dulot nang gabi gabi kong
Pag-pupuyat hindi mo ma-itatanong pero walang araw
Na lumipas na hindi ako nagiging tambay sa'yong mga
Social media accounts.
Nagmamasid sa bawat post at update mo at tinatanong
Sa aking sarili ''Bakit nga ba ang manhid mo?''

Dahil hanggang ngayon
May kumakatok pa din sa puso ko umaasa na
Pwede pa.
Pwede pang ipiglaban.
Kahit matagal man ang abutin natin.
Ako'y handang maghintay.
Kahit mag muka na tayong gurang.
Okay lang.
Handa akong tiisin.

Pero alam mo ba nakakapagod din palang
Makipaglaro sa taong ayaw magpaawat
Handa na akong sumuko kahit noon pa naman
Alam kong malabo na maging tayo;
Malabo mapasa-akin ang puso mo.

Ayoko ng makipagsiksikan sa Evacuation Center
Pilit ka magbubuwis ng buhay mo para sa taong ‘yon
Panahon na para lisanin ang delubyo na ito
Hindi na ako dapat mag tagal baka
Pati ang aking sarili ay iwanan din ako.
JOJO C PINCA Nov 2017
Tinatamad ako hindi ko magawang tipahin ang tiklado ng aking computer.
Inaantok ako malamang kinakapos ng oxygen ang utak ko kaya ganito.
Pero ang diwa ko’y gising at gustong sumulat ng tula hindi ito nakatulala.
Anong tula ang susulatin ko? Tungkol ba sa’yo at sa pagsinta nating tuyo?
O patungkol sa bayan kong minamahal na walang utang na loob sa malasakit ng iba?
Ang bayan o ang aking pag-ibig sa’yo alin sa dalawa? Ewan ko nalilito ako.
Pareho kayong mahalaga, pareho ko kayong mahal, pero alam ko na pareho din kayong mawawala. Bakit ko sasayangin ang aking mga salita? Bakit kailangan ko pang ialay ang bunga ng aking kaisipan kung sa bandang huli ito ay mawawalan lang ng saysay?

Hayaan **** mag-diskurso ako kahit sandali lang mahal ko.

Ilan tula na ba ng aking sinulat para sa bayan kong sawi at laging alipin ng mga walang turing at pakundangan, may nangyari ba? Wala naman diba? Walang saysay ang pagliyag ko sa bayang ito na laging lumuluhod at sumusunod sa mga dayuhan. Itong bayan na sa kabila ng kanyang paghihirap at dalita ay laging nangangamuhan at humahalik sa paa ng mga kapitalistang ganid. Ang bayan ng mga taong mahirap paniwalain sa totoo pero madaling bolahin ng mga pulitikong hunghang. Ito ba ang bayan na aking iibigin?

at ikaw naman mahal ko

Batid mo'ng iniibig kita alam mo yan pero para saan ang aking pagliyag sa’yo kung mawawala ka rin sa akin? Oo naman nasasabik ako lagi sa’yo, gusto kitang yakapin, halikan at makasiping sa buong magdamag hanggang sa bukang-liwayway. Pero hanggang kailan ako mananaginip ng gising at mananabik saiyong piling gayong alam ko na hindi ka naman talaga magiging akin sa habang panahon?

Marami ba akong tanong? Pasensya kana ganun talaga ang isang makata, nabubuhay s’ya gamit ang mga salita at tandang pananong.

Pero sige magsusulat ako ng isang tula para sa’yo at para sa bayan ko. Magsusulat ako kahit alam kong walang magbabasa nito. Magsusulat ako at aasa na parang hangal, aasa na may babasa at maniniwala sa aking mga salita. Ipapahid ko ang utak at damdamin ko sa papel na tulad sa isang nababaliw. Magsusulat ako dahil tungkulin ko ito, magsusulat ako dahil alipin ako nito, magsusulat ako dahil ito lang ang alam ko at higit sa lahat magsusulat ako dahil ito ang buhay ko.

Iaalay ko sa’yo mahal kong marupok at sa’yo bayan kong walang utang na loob ang aking tula kahit inaantok at tinatamad ako.
Hindi naman ganid ang administrasyon
Nagkataon lamang na may mga punto
Na walang humpay na nag-iiwan
Ng tandang pananong.

May mga eksenang hindi literal
Pero kapag bayan ang bumasa’y
Ni isang letra’y hindi man lamang nasimulan.

Hindi masisisi ang mga modernong bayani
Kung patuloy pa rin sila sa pakikibaka
Kahit nakamit na kamo ang kasarinlan;
Ang hustisya raw ay napagtagumpayan na
Bagkus, nilalatigo ng kapwa nasa ekonomiya.

Marahil hindi pa lubusang nararadyo
Hindi magkanda-ugaga
ang leksyon sa Senado
Eh kung uso pa ba ang tele-radyo,
Kaya bang tapakan ng saksi
ang demokrasyang makasarili?

Doon nag-rally ang iilang katauhan
Wala naman silang napala
Pagkat binagsakan ng pintuan
Ni hindi nakakilos kahit sila’y nasa kilusan
Saklob ng gobyerno’y
sila’y bisi sa nasasakupan.

Hindi mabilang ang dugong dumanak
Ang boses na sumigaw
Ang tonong paulit-ulit pero hindi naririnig
O baka naman ang may pandinig
Ay mas nais magwaglit.

May mga platapormang tila langit
Bagkus dilim naman ang hain
Sa maliwanag dapat na paligid.

Ibabato nila ang kinamkam sa madla
Pero dahil ang binato’y mukhang tinapay,
Walang pakuwari ang iba
Manhid nga ba ang tao
O talagang kurot-sabay-pikit lang?

Heto na naman tayo sa estante ng kaguluhan
Sana nga matapos na ang pahinang ito
Pero nasa simula pa lamang
Pagkat ang propesiya’y
Nararapat na mamalakad
Ihahain ng Higit na Hari
Nang maitaas Kanyang Ngalan.

Kung may mga bumabatikos
Sa gobyernong kinagisnan
Marami pa rin ang tatayo
Pagkat kaytayog ng kanilang dangal.

Hindi naman dapat
Tumingin lamang sa kawalan
Pagkat may pag-asa pa
Itong *ginintuan nating bayan.
Bryant Arinos Aug 2017
Tandang-tanda ko pa

Makakalimutin ako pero tanda ko pa rin ang mga dumaang araw
Mga panahong ang bawat salita mo bumubuo ng akin araw,
Bawat katinig sa aking balat humahaplos,
Bawat patinig sa balahibo ko dumadausdos.

Hinding hindi ko malilimutan, tunog ng boses **** kay lambing
Nang sinabi mo sa’kin na ako’y gusto mo rin.
Makakalimutin ako pero natatandaan ko lahat ng sinabi mo,
Nung panahong ginantihan mo ko ng salitang “ikaw lang rin ang mahal ko"

Hinding hindi ko malilimutan kung papaano tayo magtinginan
Kung paano tayo naghahati sa mga pagkaing nakahain sa ating harapan.
Kung kelan tayo sabay humahalakhak at parang lunod sa kapit ng alak
At kung papaano tayo magtinginan sa tuwing tayo’y magkaharapan.

Hinding hindi ko malilimutan ang mga panahong kamay nati’y naglapat
Nag salit-salit bawat daliri, nagsasabing habang buhay tayong magiging tapat.
Yung higpit ng bawat kapit sa balikat na tila ayaw malayo
At siyempre ang panahon na una tayong nagtagpo.

Hirap talaga akong makaalala ng mga bagay na nangyayari,
Kilala mo naman ako, likas na makakalimutin.
Kaya nga di ko lubos maisip na kahit hirap akong makaalala.
Hinding Hindi ko pa rin malimutan, ang mga luma nating ala-ala.
Chin bruce Mar 2015
Sobrang pighati ang bumabalot sa hinahon ng bawat hininga
Umiiyak ng tuldok sa bawat letra
Napwepwersa ang tandang padamdam sa bawat salita
Negatibo ang laging nakikita
Nasaan ang pangarap sa bawat sanaysay?
Nasaan ang katotohanan sa tunay na buhay?
Nalinlang tayo
Galit at lait ng mundo
Sumusukob sa buong pagkatao
Di ko na makita kung nasaan na tayo
Kadiliman ang kinasusukalam
Ngayon ating pinaglalaruan
Liwanag ngayon ang pinagtataguan
Tila tayo ay napagiwanan
Nasaan na ba tayo?
Meron pa bang tayo?
Jor May 2016
I.
Nakilala ka dahil sa isang kaibigan,
Di nagtagal, tayo'y nagkamabutihan.
Walang araw na hindi nagkakausap,
Tuwing nagmemensahe ka ako'y parang nasa ulap.

II.
Nakilala pa natin ang isa't-isa.
Tandang-tanda ko pa nung una tayong magkita,
Hindi ko maalis sayo aking mga mata,
Pero ramdam ko ika'y sakin ay ilang pa.

III.
Unang larawan na tayo'y magkasama,
Proud na proud ko pang ipinakita sa tropa.
Ako na ata ang pinaka-masaya nung araw na 'yun,
Dinarasal na sana parati nalang ganun.

III.
Nagpatuloy ang ating palitan ng matatamis na salita,
Pero kada-araw na lumilipas na araw, tila ika'y nanlalamig ata.
Hinayaan ko, kahit na hulog na hulog na ako sa'yo.
Sabi ko sa sarili ko: "Wala kang karapatan mag-tampo dahil di naman kayo."

IV.
Nagsawa na ako sa ganoong estado kaya't nagtanong ako ulit:
"Ano ba ang meron tayo? Kasi mahal kita, eh ako ba?"
Hindi ka umimik, nagpumilit kang ibahin ang usapan.
Tinanong ko ulit ang aking sarili kung; "Itutuloy ko pa ba ang laban?"

V.
"Hindi kita kayang mahalin gaya ng pagmamahal mo sa akin."
Ang ganda ng umaga ito, tapos ganito ang bungad mo?
"Bakit ano ang dahilan, gusto kong maliwanagan?" Tanong ko.
"Gusto na niya makipagbalikan. Patawarin mo ako."

VI.
Halos gumuho ang mundo ko sa nabasa ko.
Para akong natutulog ng mahimbing, tapos binuhusan ng yelo.
Alam ko namang hahantong sa ganito,
Buti na lamang handa ako, pero di ko akalain bakit sa araw pa na 'to?

VII.
Masyado akong nagpadala sa mga ngiti mo,
Hinahanap-hanap ko pa presensya mo,
Hulog na hulog na ako, kasi akala ko kaya mo ako.
May kalakihan ako, pero sana nagsabi kang hindi mo ako kayang masalo.

VIII.
Ikaw ang bumuo sa mga araw ko,
Pero ikaw rin pala ang wawasak nito.
Lumaban ako--kasi akala ko kaya mo rin akong ipaglaban,
Pero mas piniling **** balikan yung taong minsan ka nang iniwan.
tula
1.
Noong unang panahon, sa nayon ng Nalbuan
Nakatira ang mag-asawang sina Don Juan at Namongan
At nang bago manganak ang babae
Nagtungo sa mga kaaway ang lalaki
(Once upon a time, in the shire of Nalbuan
There lived a couple named Don Juan and Namongan
And before the maternal labor of the female
To the enemies went the male)

2.
Si Don Juan ay natalo ng mga Igorot
Walang atubiling ulo niya ay pinugot
(By the Igorots Don Juan was defeated
Without hesitation they cut off his head)

3.
‘Di nagtagal, si Namongan ay nanganak
Kakaiba ang kanyang lalaking anak
(Soon, Namongan gave birth to a child
Her son was so odd)

4.
Malaki ang pangangatawan niya kaysa ibang bata
Para siyang isang ganap na binata
(To any child his body is bigger
He is like a mature teenager)

5.
Siya ay nakakapagsalita narin
At sinabi sa lahat na Lam-ang siya kung tawagin
(He could speak even
And said to all Lam-ang is his name given)

6.
Siya rin ang pumili ng kanyang mga ninong
Kung nasaan ang ama kanyang tinanong
(His godparents he elected
His father’s whereabouts he interrogated)

7.
Nang siya ay nasa gulang na siyam na buwan
Ganap na lalaki na kung siya’y masdan
(When he became nine months old
A grown-up man is he to behold)

8.
Nang hindi pa bumabalik ang ama nito
Siya’y nagpasya na sundan ito
(When his father yet returned has not
He then decided to follow that)

9.
Naglakbay siya nang dali-dali
At naabutan ang mga Igorot na nagpupunyagi
(He travelled fastly
And saw the Igorots having revelry)

10.
Sila ay nagsasayawan
Palibot sa pugot na ulo ni Don Juan
(They were dancing
Don Juan’s severed head they’re surrounding)

11.
Galit nag alit si Lam-ang
Lahat na kaaway kanyang pinaslang
(Lam-ang was so very mad
He killed all enemies he had)

12.
Maliban sa isa na kanya munang pinahirapan
Bago ito tuluyang pakawalan na sugatan
(Except for one whom he tortured
Before releasing that injured)

13.
Sa kanyang pagbabalik sa Nalbuan
Siya muna’y naligo sa Ilog Amburayan
(Upon his return to Nalbuan
He first took a bath at River Amburayan)

14.
Dahil sa kapal ng libag at sama ng amoy niya
Doon ay nagkandamatay ang mga isda
(Because of his thick dirt and foul odor
All fished died in that river)

15.
‘Di naglaon, siya’y may babaeng napusuan
Ito’y anak ng pinakamayaman sa Kalanutian
(Later, he fell in love with a woman
He is the daughter of the richest man in Kalanutian)

16.
Ines Kannoyan ang ngalan ng dilag
Kayrami ang lalaking sa kanya’y nangaglaglag
(Ines Kannoyan is the name of the maiden
To her so many men have fallen)

17.
Isa na rito si Sumarang
Kanyang hinamon si Lam-ang
(One of them was Sumarang
He dared to challenge Lam-ang)

18.
Silang dalawa ay naglaban
Nanalo ang binata ng Nalbuan
(The two of them fought on
The bachelor of Nalbuan won)

19.
Nadatnan ni Lam-ang kaydaming manliligaw
Kaya gumawa siya ng paraan upang pumangibabaw
(Lam-ang saw so many suitors
So he made a way to surpass them all)

20.
Pinatilaok niya ang manok at isang bahay ang nagiba
Pinatahol niya ang aso at ang bahay ay naayos na
(He made his rooster crow and a house was destroyed
Then he made his dog growl and that house was restored)

21.
Kayrami ding ginto ang tangan ng binata
Kaya kapagkuwan ay ikinasal ang dalawa
(So much gold the man had carried
So soon the two were married)

22.
Dumating ang panahon na si Lam-ang ay inatasang
Manghuli ng isda na kung tawagin ay rarang
(Time came that Lam-ang was summoned
To catch a fish rarang that’s called)

23.
Subalit habang siya’y nasa kailalaiman ng karagatan
Si Lam-ang ay kinain ng pating na berkakan
(Yet while he was down deep the ocean
Lam-ang was eaten by a shark berkakan)

24.
Si Marcos na maninisid sila’y tinulungan
Pagkuha sa bangkay ni Lam-ang kanyang kinayanan
(A diver named Marcos came to their aid
The corpse of Lam-ang he recovered)

25.
At sa kapangyarihan ng aso at tandang niya
Muling nabuhay ang magiting na bida!
(And by the power of his dog and rooster
Again came to life our brave main character!)

-08/10/2013
(Dumarao)
*for Epic Day 2013
My Poem No. 221
Naaalala ko pa noong musmos pa tayo palagi tayong nagtatampisaw sa ulan,
naglalaro ng tagu-taguan at ng paborito kong bahay-bahayan kung saan palaging sambit ng iyong maliit na bibig na ikaw yung nanay at ako naman yung tatay.
Nakakatuwa kase sa tuwing hindi ako sumasangayon, umiiyak ka at sinasabing, "ayaw mo ba akong maging asawa?".
At eto naman akong tatawanan ka at sasabihin, "tahan na, mukha kang tanga, pumapangit ka."
Tandang tanda ko pa kung paanong binuo natin ang mga alaala,
kung paano ka ngumiti ng abot hanggang tenga kapag tayo ay magkasama,
naaalala ko pa, tandang tanda ko pa kung ano ang itsura ng inosente **** mukha...
to be continued
Bryant Arinos Aug 2017
Sa totoo lang, kayayari ko lang nitong tulang ito kanina
Dahil fresh na fresh pa ang lahat.
Fresh pa rin ang sugat.

Ewan ko, basta lang ang alam ko malinaw lahat sa akin ang bawat letrang pinili ko sa tulang ito.

Dahil ito ang nararamdaman ko
Dahil nga kasi ito talaga ang naaalala ko
At dahil nga kasi ito talaga ang totoo.

"Yung Feeling na Kayo, Pero hindi"

Siguro nga Feeling lang ito, siguro nga yung "Feeling" na to ay simbolo ng pagiging assuming ko.

Kasi hanggang ngayon
Iniisip ko pa rin kung bakit
Walang "Tayo"

Pero sige babalikan ko ang lahat ng nangyari sa nakaraan
Hayaan **** balikan ko ang mga nangyari at ipaalala sayo ang lahat
Lahat ng mga matatamis at mapapakla na alaala

Sana maalala mo kung paano ako umasa ng mayroong tayo.

Naalala ko pa nung una kitang nakita. Yung una kitang nakilala.
Nung nagtanungan tayo ng ating mga pangalan
Yung panahong inaalam kung saan ang ating tinitirhan.
Oo tandang tanda ko pa, yung mga panahong una kang nagpaalam na uuwi ka na.

Unang beses kang nagpaalam.

Pagkatapos nun, natatandaan ko pa noong muli tayong nagkita.
Nagkamustahan pa nga tayong dalawa.
Nag-apir pa tayong dalawa.
Para na tayong close nun.

Nagtagal ang mga araw, lumipas ang mga linggo.
Nagkakilala tayo ng lubusan.
Nalaman ko lahat ng mga paborito  mo.
Nalaman ko lahat ng mga ginagawa mo
Nalaman ko lahat ng mga sikreto mo.
Ang hindi ko lang nalaman ay kung totoo ba ang nararamdaman mo.

Dahil pagkatapos ng ilang buwan pinadama mo sa akin na sa tuwing nagkikita tayong dalawa
Walang mintis ang pagyakap mo sa akin.
Walang mintis ang bawat pagngiti mo sa akin
Walang mintis ang lahat ng ipinadama mo sa akin.

Kaya Feeling ko, totoo na iyong lahat.

Muli ko pang naalala lahat ng pinagsamahan nating dalawa
At naaalala ko pa yung mga panahong nahihiya pa tayong tumingin sa isa't-isa

Pero ba't mas naaalala ko yung unti-unting paglihis palayo ng iyong mga mata?

Naaalala ko rin ang bawat haplos mo sa kamay ko, naalala ko yung pagsalit-salit ng daliri natin sa ilalim ng araw.

Pero ba't mas naaalala ko ang mga panahon ng iyong pagbitaw.

At tandang tanda ko pa nung yumakap ka sa akin at ang pagyakap ko sayo.

Ngunit ang naaalala ko ay ang pagkawala mo sa mga bisig ko.

Mula noon.

Ilang beses kong tinanong ang sarili ko kung totoo ba
Ang mga salitang binitawan mo
Noong sinabi mo na ako rin ay mahal mo.

Masakit.

Masakit na sinabihan mo akong mahal mo ko pero di mo kayang iparadam sa akin iyan ng totoo.


Kaya ngayon.
Kung babalik ka man.
At ipapadama sa akin ang nakaraan.

****-usap.

Wag na.

Dahil malapit nang maubos ang betadine na gamot sa sugat na iniwan mo.

Sa madaling salita

Malapit nang maubos ang lahat ng meron ako,

kaya kung babalik ka man ****-usap muli wag na.
mahal, ayoko nang masaktan sa parehong paraan.
solEmn oaSis May 2017
buhay natin ay ano nga ba?
kung walang lagyo ang musika
kagaya ng isang A capella
ang bawat simula
ay may kataposan
ngunit sa bawat kataposan
ay may panibagong simulain
isang prinsipyo na di kayang tuldokan
isang nakaraan na di mapaparam
sapagkat ito ay binantasan ng tandang pandamdam!
kaya naman halina kayo SAGLIT
samahan ako sa pasakalye ng aking DALIT
dahil tulad ninyo...di ko rin nais na wakasan
itong himno ng aking kaluluwa na di ko mapigilan
mailapat sa papel ng aking hapag sulatan
at marubdob na papangyarihin ang taos-pusong koalisyon
ng aking Pag-asa, Pananampalataya at Debosyon
sa pamamagitan ng aking Isang Libo't isang Awit
na pinapag-sanib ng samot-saring kudlit at kuwit
hanggang sa aking maabot ang liwanag sa dilim
at kayo ay aking handogan bago ang takip-silim
What ever happens.... I will continue
what i have been started and
what i haven't yet!
What i am trying to say is...
" some have some while some have no
that's why for those who have most-
this one is also for all of you! "
because for me your Poetry is my Music!
kahel Jan 2017
Ganyan lang ginagawa ko sa tuwing ika'y dadaan sa aking harapan
Para ang galabog sa aking dibdib ay mabilis na mapagtakpan
Dahil ito lang ang alam kong posibleng paraan
Upang ang tibok ng aking puso ay mapadahan-dahan
Na tanging sayo lamang ilalaan

Ganyan lang iniisip ko sa tuwing wala ng maisagot sa exam
Tipong pati pag gamit ng tandang padamdam ay hindi ko na din alam
Kung sa pangungusap ba dapat ilagay o sa sariling nararamdaman
Bakit bigla ka na lang nagpaalam ng walang paalam
Kaya patuloy ang aking walang katapusang pag-aagam-agam

Ganyan lang inaarte ko sa tuwing hinihintay ang napakatagal na order sa kainan
Di sapat ang halaga ng lasa pero lulunukin na lang ng walang angal dahil di pa nagtatanghalian
Para naman kahit papaano ay magkalaman ang aking tiyan bukod sa mga paru-paro na iyong dahilan
Bakit ko nga ba binabalik-balikan ang mga inihain **** iba't ibang ilusyon at kasinungalingan
Na hanggang ngayon ay naniniwala pa rin, at patuloy na maniniwala na ikaw at ako ay walang hangganan

Ganyan lang ang sinabi ko sa sarili ko ng makita kang may kasamang iba
Nalunod ka lang pala kaya ginawa mo akong salbabida
Pero bakit di ko mabago ang daloy ng kwento na ikaw pa rin ang aking pinakamagandang bida
Hindi ko makakalimutan ang huling gabi na tayo ay pinagsama ng tadhana
Nasa ilalim ng mga maliliwanag na tala at sinusulit ang huling sulyap sa iyong mga mata

Yan lang ang alam kong pwedeng gawin sa mga ganitong sitwasyon, ang maging cool.
Na hindi kailangan sa bawat eksena na mangyayari, ay may gawin na aksyon
Hinayaan panoorin ang kagandahan ng pag-guho ng ating mga mundo
Dahil hindi na maaaring sagipin ang pag-asa, magmukmok man o humagulgol mag-hapon
Lalo na't sa panahong kulang ako, naging kulang tayo; sayo.
Elly Apr 2020
hindi ko rin alam kung kailan ko ba ito matutuldukan
dahil sa totoo lang natatakot ako na baka ito maging tutuldok-tutuldok
o baka madagdagan pa ng napakaraming tandang pananong
at akalain ko na tapos na ang lahat ngunit masusundan pa pala ng kuwit
o ng panibago pa ulit na tudlok-kuwit
aaminin ko na hanggang ngayon naman umaasa pa rin ako
na baka sakaling magamit mo rin saakin ang panipi
sa tuwing may ikukwento ka, na baka tungkol na saating dalawa
na kahit man lang sa pamamagitan ng panaklong
maranasan ko ang mayakap mo kahit papaano sa storya mo
na maidugtong man lang ng gitling ang pangalan mo sa pangalan ko
o kahit siguro malagyan lang ng kudlit ang pangalan ko
na para bang inaangkin mo ako
na dumating sa punto na magamit mo ang tandang padamdam
pero alam kong hanggang dito nalang dapat
na kahit kailan hindi ito magkaroroon ng tutuldok
upang maipaliwanag kung bakit hindi
o kahit sagot kung paano ito matatapos
na hindi ito ganoon kadali tulad ng pag-ubos ko sa mga bantas
sa pag-ubos ko sa nararamdaman kong ito
upang matapos ang piyesa na ito
tulad ng pagtapos ko sa naiisip kong 'to.
Sarrah Vilar Oct 2017
Nasa'n ka na? Babalik ka pa ba?
Sa mga araw na itinigil natin 'yung oras para ipaalala sa isa't isa
Na dito—sa sandaling 'to tayo masaya
Dito nagmistulang alapaap 'yung mga nararamdaman natin
Sobrang taas nating lumipad
Hindi natin napaghandaan 'yung ating paglagapak
Sa mga araw na malulugmok tayo
Sa sakit
Sa poot
At ako
Sa pag-asang maibabalik pa 'yung mga araw na lilipad tayong muli
Ngunit
Hindi
Tandang-tanda ko 'yung araw na ipinilit kong pabilisin 'yung oras
Hanggang sa marating ko 'yung araw na matatanggap kong hindi ka na babalik
Ngunit
Hindi
Hindi ko pa ata kaya
Hindi ko pa ata kayang dumilat isang araw nang hindi ka kasama
Kaya kahit 'yung sakit papatulan ko na
Naririnig ko pa rin naman 'yung pagtibok ng puso mo
Ngunit papahina na nang papahina
Dahil palayo ka na nang palayo
Gusto ko naman marinig ngayon 'yung tunog ng pagbabalik mo
Para lang maipaliwanag mo sa 'kin kung kailan unang nalagas 'yung mga pakpak natin
O kung aling hangin 'yung nagtulak sa'yo pababa
Dahil hindi ko maintindihan
Hindi ko maintindihan na kahit ilang beses ko nang itiniwarik 'yung mundo nating dalawa
Hindi ko pa rin mahanap 'yung dahilan kung bakit tayo biglang kumawala sa isa't isa
Hindi ko rin naman masabing iniwan mo ako sa ere
Dahil wala na naman ako sa itaas
Na'ndito na ako sa ilalim ng mga alaala nating hinayaan na lang natin sa isang tabi
Nang hindi sinusubukan na dagdagang muli
Na'ndito ako nagpapadagan sa mundo
Habang patuloy lang nang patuloy sa pag-ikot 'to
Na'ndito ako sumasabay sa agos ng sarili kong luha
Na'ndito ako hinihila 'yung sarili ko pababa
Pahingi naman ako ng isa pang pakiramdam
Hindi 'yung puro na lang lungkot
Puro na lang pait
Pahingi ako ng galit
Sige, kahit inis o kahit yamot
Na kung bakit ako lang 'yung naiwang nagmumukmok
Higit sa lahat
Pahingi pa rin ako ng pag-asa
Nasa'n ka na? Babalik ka pa ba?
Jun Lit Dec 2020
Umaalingawngaw pa rin ang mga putok
tila tatlong tilaok ng tandang sa madilim na sulok
Ilang supot ng pilak kaya ang kapalit
May pagbati pa ang mga Hudas, tila pataksil na halik.

Magdamag na at maghapong pumapatak
ang mga butil ng dalamhati mula sa mga ulap
kasabay ng daloy ng aming
walang katapusang pag-usal
ng “Bakit?          Bakit?
                 Bakit?          Bakit?          Bakit?”
at impit na buhos ng mga luha
mula sa mga dinurog na puso.

Kahit si Mariang Makiling ay nakatalukbong
ng malungkot, makapal na ulap –
mistulang tinabunan ang mga pangarap
wala ni pipíng kasagutang maapuhap.

Wala, wala, wala . . .
Wala akong mahagilap na sagot
Tumitibay lamang ang aming paniwala
ang bayan ay patuloy ang pagkapariwara
ang daluyong ay nasa laot, lumulubog ang bangka

Katarungan ay mailap
Hinipan man ang kandila
Naroon pa rin ang iyong liwanag
Madilim man ngayong gabi
Gagabay ka sa aming paglalayag

Kami na rin ang lumikha ng sagot
At iisa lang ang aming alam
Pagmamahal mo sa ating bayan
kailan man ay hindi malilimutan
Lagi at lagi kang pasasalamatan
At ang lahat ng iyong marami
at magagandang sinimulan
Ipagpapatuloy para sa kinabukasan.
The town grieves. - dedicated to the memory of Mayor Caesar P. Perez, fatally shot on the night of 03 December 2020
Jun Lit Dec 2019
Hayaan n’yong lumuha ang aking puso.
Malungkot na tanawin ang ganitong tagpo:
          Hinihiwa mo ang balat ng iyong kinabukasan
          at duguan na ang angking kasalukuyan
          gayong hindi pa nga naghihilom man lang
          ang mga sugat ng mapait nating nakaraan.

Subalit masahol ka pa sa putang bayaran
na katawan ang puhunan, kapalit ng panghapunan
at pagkain sa kinabukasan.
Ikaw - dalawa, tatlo, limang daan,
kapalit di lang ng iyong karangalan.
Idinamay mo pa ang kapakanan ng bayan.

Hindi na maaasahan ang dati’y sagradong balota.
Karaniwang papel na lamang ito na may mga nakalista
At tila tiyan **** nag-alboroto ang diniktahang makina,
na kung ano’ng isinubo, siya ring isusuka.
Pagkatapos kukulapulan ang daliri ng panandang tinta.
Nang humiga ka sa tae, nagmamalaki ka pa:
          Sapagkat ang makinang tila kumpisalan,
          may kapirasong tari ng makabagong sabungan
          na kahit na alin pang mga tandang ang maglaban,
          tukoy na ng kristo ang panalo sa pustahan.

Tapos na ang kwento’t hindi na totoo
ang sinabi ng bayaning ang Pilipino
ay karapat-dapat sa buhay na nasasakripisyo.
Hindi na. Hindi sa salinlahing ito.
Sa darating pang mga kabataan, siguro,
sa kanila, magbabaka-sakali ako.
One hundred forty years ago Dr. Jose Rizal wrote that "youth is the hope of the Filipino nation." This year (2019), the Philippines celebrates the 123rd anniversary of his martyrdom. Whereas I agree with him on vesting his hope on the youth, I have doubts on the truth of such hope in the present generation of Filipinos. Here's a rough translation:
Not In This Generation

Let my heart weep
This is such a sad scene:
You're slashing the skin of your tomorrow
and the present that you claim is bloodied
and yet the wounds of painful yesterday
has not even started to heal

But you're worse than a *******
who lets her body for rent, to pay for dinner
and food for the next day.
You - two, three, five hundred bucks
in exchange for your honor and dignity
and the welfare of your nation as well, unfortunately.

The once-sacred ballot is not one savior we can rely upon
It has turned into an ordinary paper with roster of names listed on
And just like your troubled tummy goes the vote-counting machine
what you made it swallow, it will gag it whole just the same
After the indelible ink stains your finger and nail
You're lying down on ****, and yet you can brag of your shame
For that machine that's like a confessional
has a little piece of scythe of fighting ***** these modern times
whichever roosters fight on the line
the referee in the arena already knows the winners to proclaim.

The story's done and it has ceased to be true
as one hero said that the Filipino
is worth dying for
Not anymore. Not in this generation. No.
Among the young ones, maybe, my bets I'll throw,
on them, I'll try again, I'll have a go.
Jessa Asha May 2018
Tandang tanda ko pa, ang mga alaala kung saan una tayong nagkita,
mga panahong una tayong nagkakilala, nagkausap at
nagpalitan nang mga ngiti, ng mga kumikislap na mga mata.

— The End —