Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"sumapit" poems
Nang ako'y masaktan nang walang dahilan,  Nandyan sa tabi ko, 'di mo 'ko iniwan Palagi mo akong tinutulungan at  Sinusuportahan mo ako sa lahat  Ang tunay na pag-ibig ay ganyan dapat  Parang aso't pusa kung tayo'y mag-away  Natapos natin ang ganyang mga bagay  Kasi sa totoo lang, ganyan ang buhay  Sa dami-daming pinag-awayan natin Nandoon parin ang pagmamahal natin  Ang buhay ko ay punong-puno ng gulo  Sobrang nakakasakit ng ulo Pero pagka nandito ko sa tabi ko  Nawawala ang buhay kong gumuguho  At parang umiilaw ang aking mundo  At dahil diyan, huwag mo 'kong iiwan  Kasi hindi lang ako ang masasaktan  Tayong dalawa rin ang magdudurusa  Kasi naman pagka ako ay lumuha  Suguradong-sigurado na babaha  Nawala ka at hindi ko alam bakit  Ang puso ko ay punong-puno ng galit  Nang ikaw ay umalis ng isang saglit  At nang dumating ka sa iyong pagbalik  Binigyan mo ako ng isang munting halik  Pero isang panaginip lamang ito  Nagising ako't sumapit ang ulo ko  Pag-ibig ko'y itinapon sa basurahan  At hinding-hindi ko na babalikan  Hindi na ako makikipagbiruan...  Dahil ayaw na ayaw ko nang masaktan
0
Sep 6, 2015
Sep 6, 2015 at 1:40 AM UTC
Isang Panaginip
Bayan ko, Bayan kung sinilangan Saan ka ngayon matatagpuan Kagandahan mo't perlas bakit lumagapak? Bayan ko, Bayan ko tinalikuran kanang lahat. Kalunos lunos na hagupit sa bayan ko'y sumapit Pagkat mga kababayan ko Sa salapi naaakit, tila wala nang malasakit sa Bayang nagigipit. Wala na ang mga tunay na bayani, mga mapagbalat kayo tila naghahari. Mga pangakong tila binaon sa kabaon. Saan naba tayo ngayon? Bayan kong tinatangi. Paanu ba magagapi kung ang mananakop ay kauri. Masdan mo silang mag hari Ang Bayan ko'y naging isang malaking munti..
0
Nov 2, 2013
Nov 2, 2013 at 8:39 AM UTC
Tamang Landas Baluktot parin Bukas
Tuwing balikan ko ang nangakaraang araw na nagugol noong kabataan. Wari'y nagbabalik ang diwang malumbay, na minsang dinanas niring abang buhay. Ang bawat nagdaang aking mga araw, doon sa luntiang ating paaralan gunita ay pawang dusa't kapanglawan, ang bumabalot niring balintataw. Subalit ang dusang nakapanghihina, pilit napapawi ng mumunting saya. Ang isang bituing kahali-halina'y naging hugot-lakas niring pusong aba. Hindi ko mawari noon yaring dibdib, tuwing binabaybay ang daang matinik. Anong ubod sayang naglaro sa isip, ang sinintang Musa ng aking pagibig. Simula nang ikaw ay aking mamasdan O! hangad kong tala sa sangkalangitan, hindi ko malirip at di na maparam tila nanggayumang lagi sa isipan. At magbuhat noo'y aking hinahangad; ang sangkalangita'y aking malilipad, upang mahahaplos ang talang pangarap at isang dahilan niring pagsisikap. Subalit ang hangad wari'y panaginip at tila'y malabo itong makakamit. Pagkat ako'y lupa't ikaw'y nasa langit, at kutad ang pakpak at walang pangsungkit. Ang tanging nagawa, sa layo'y pagmasdan. Puso'y inaaliw sa taglay **** kinang, at kung anong siglang sa akin nanahan, ang sanlibong dipa'y lakaring di pagal. Iyon ang gunita't aking kabataan, doon sa mahal kong ating paaralan. Kung pagsaulan ko'y pawang kapusukan, subalit tiyak kong sa puso ay bukal. Sumapit ang yugtong di ko na namasdan ang tanging bituing aking minamahal. Pagkat ay nalayo ako sa tahanan, upang susuungin ang bago kong daan. Ang pakiwari ko'y sa taong nagbago, paghanga'y aayon at ito'y maglaho. Tulad ng magapok ang buhay na bato, kung saan inukit ang puso't ngalan mo. Taon ay nagdaa't panaho'y lumipas, ngunit ang paghanga'y hindi kumukupas. Hindi ko maarok na lalong nagningas, nang muling magtagpo ang ating nilandas. Kaya ninais kong maipapahayag, ang mga damdaming sa puso'y nailimbag. Limang ikot-araw ang mga nagwakas, magpahanggang ngayo'y laging umaalab. Ikaw ang bituing aking hinahangad, isa sa nagtanglaw niring aking landas. Ang Musa sa puso't tanging nililiyag, ang umakay niring diwa na sumulat. At ngayon ay aking naipapabatid, dito sa talatang nagsalasalabid. Mula sa paghanga't tungo sa pagibig, ang hindi maihayag niring dilang umid. Papalarin kaya itong abang lingkod, at mula sa langit ikaw'y pumanaog? Diringgin mo kaya yaring tinitibok ng pusong noon pa'y sa'yo umiirog? At kung yaring akda'y sa'yo walang lasap, ipaguumanhin ang pusong sumulat. Ninanais ko lang na maipahayag, ang aking pagtangi sa'yo at paglingap. At kung kasadlakan nito'y pagkabigo, sa aking paglapit, ikaw ay lalayo. Tanging hinihiling, sa iyong pagtakbo, nawa'y di burahin ang mga yapak mo. ©Raffy Love Canoy |March 2020|
0
May 10, 2020
May 10, 2020 at 7:53 AM UTC
Gunita ng Paghanga

Continue reading...
73
Sadyang ikaw nga'y isang bituin Na sa langit ay nagbibigay ningning.. Umaasa ako na ika'y maabot at maging akin. Umaasa na ako'y iyo din mahalin.. Sadyang ikaw nga'y isang bituin Na sa gabi'y nagbibigay buhay.. Ako'y umaasa na ika'y makamtan. Nang sa gayon ang aking buhay ay gawin **** makulay.. Pero sana naman pag ika'y napasaakin Wag ka ng kumawala at ako'y iyong lilisanin. Na pagnatapos ang gabi't sumapit ang umaga Ika'y mawawala at mawawalay sa akin..
0
Jan 7, 2017
Jan 7, 2017 at 9:43 AM UTC
BITUIN
Kasabay ng ulan, bumubuhos ang ganda Buwan at araw ang ating saksi Ikaw ang dulo, gitna at panimula Sa maamong mukha at maaliwalas na umaga Walang katulad boses **** humuhuni sa tuwa Bakas man ang pagod sa mga mata Nangingibabaw ang ganda at kapayapaan Sa mga dahon na sumasayaw; Sumasabay din ang bawat galaw Nais kapang makilala Gaya ng kalikasan Unti-unting matutuklasan Pag-ibig na gustong maasam Dagat na walang katapusan Sa init man o lamig Ikaw lang ang sasamahan Walang hirap basta’t magkakasama Anumang daan nais kong malagpasan Sa’yo ang direkyson, saan man patungo Gusto kong manatili Sulitin ang lahat Bago ang araw ay sumapit Gaya ng kalikasan Nandoon ang nais makita Magsasama hanggang langit Kay gandang pagmasdan Mga puno’t halaman Hindi ko alam kung hanggang kalian Wala sanang unos o kalamidad Gaya mo ay kalikasan Nais protektahan Nais alagaan
0
May 23, 2018
May 23, 2018 at 8:50 AM UTC
Ikaw at ang kalikasan
Nakahigang pilit na nagmamasid Sa madilim na apat na sulok ng silid Ang sakit ay hindi pa rin lingid Kahit na tiyak ang luhang nangingilid Binabalot ng malamig na kalungkutan Ang puso'ng di alam kung nahihirapan Humahanap ng kumot sa isipan Mainit na yakap sana'y masumpungan Heto na nga at nalulunod na ako At hininga'y kinakapos sa isipan ko Pakiusap sana'y panaginip na lang ito Sapagkat sa paglangoy pagod na ako Isipan ay lubos akong pinahihirapan Tila laging mayroong digmaan Sa silid ng nakabibinging katahimikan Ang isip ay matinding naglalaban Sumapit na ang umaga Ako'y wagi sa pakikibaka Sa kalabang sariling likha Ng isipang puno ng katha
0
Feb 17, 2019
Feb 17, 2019 at 6:17 AM UTC
Silid
Sumapit na ang hating gabi, Unti unting sinasakop ng pagbubukang liwayway. Gandang iyong taglay, Sa aking diwa'y nananalaytay. Ang saglit na pamamaalam sa takip silim bukas ay mababanaag nang muli ang ligaya ng pusong minsang nagdilim. Ang kaaya aya nyang ngiti, Higit pa sa ganda ng bulaklak. Sa magdamag kong pag susulat ng matalinhagang salita ikaw ang aking nakikita. Pansamantala, sa agaw ng dilim at liwanag. Ako ay mamaaalam. Itinitiwala na lamang muna sa mga bituin na ikaw ay matanglawan. ... Sa araw ng bukas ay masisilayang muli ang ligaya ng aking buhay.
0
May 22, 2016
May 22, 2016 at 5:18 AM UTC
Bukas ay Masisilayang Muli ang Ligaya ng Aking Buhay
051022 At sumapit na nga araw ng paghuhusga Kung saan hindi na pulso ng taumbayan Ang ating sisiyasatin Kundi ang puso ng bawat Pilipinong Sumasambit ng “Mahal ko ang Pilipinas.” Sabi ng iilan, “Mahirap raw mahalin ang Pilipinas” Iniisip ko nga paminsan, Sapat na nga ba ang pagiging makabayan? Sapat ba? Ang panunumpa ng bawat Juan sa watawat Na ayaw sana nating dungisan Ngunit tayu-tayo rin ang nagwawasto Sa paningin nating madayang pagpili Ng lipunang ating ilang beses nang sinumpaan. Kung hindi ako naniniwala sa Poong Maykapal, Ay baka hindi ko rin maititikom ang talas ng aking dila At walang himpil ding tatalak na walang pinipiling katauhan Buhat sa makamandag na bugso ng aking damdamin. At marahil ay sasabihin ko na lamang Na ito ay isang paraan ng pagtindig para sa saking Bansa Na may demokratikong pamamalakad. Ngunit sa kabilang banda’y Binabaling ko na lamang ang paghuhusga Sa tunay ngang nasa tronong Hindi na kailangang luklukin pa. At naniniwala pa rin akong Ang pag-asa ay hindi natin maaaring itaya Sa sarili nating mga palad Na kalauna’y mapupuno rin ng mga kalyo’t Babalik din lamang sa alikabok. Ano pa nga ba ang ating ipinaglalaban? Sino nga ba ang tunay nating kalaban? At para kanino nga ba tayo naninindigan? Baka sa kasisigaw nati’y Hindi lamang boses ang mawala sa atin, Maaring nakawin din ang ating mga lakas at oras Na sana’y ibinabaling natin Sa pagpapalaganap ng natatanging katotohanang Buhay ang ating Panginoong Hesus At ang magandang balita’y Nakadikit sa kanyang Ngalan. Sinasabi kasi nating naghihinagpis ang ating mga kababayan Kaya tayo na lamang ang magsisilbing mga boses para sa kanila. Minsan nga'y nananatili na tayong hangal Pagkat sa sariling dunong, doon lamang tayo nakaangkla. Ngunit hanggang kailan ba matatapos Ang sinasabi nating pakikibaka para sa mga nasa laylayan? At ano nga ba ang dulo ng bawat hiningang napapagal na? Sana hindi tayo tumigil sa paraang alam lamang natin, Sana mahanap natin ang ating mga sariling Nananatiling may pananampalataya Sa Diyos na Syang may lalang sa sanlibutan. Sana wag na tayong mag-alinlangan pang lumukso Sa kung saan nga ba tayo pinasusuong ng Maykapal At sana mahanap natin ang halaga natin Sa presensya Nyang kayang pumuno ng bawat kakulangan. At dito na rin ako pansamantalang magtatapos — Pilipinas, gumising nang may pag-asa Pagkat hindi natutulog ang ating Diyos! Pilipinas, mahal kita at mas mamahalin pa At patuloy kitang ipaglalaban Hindi gamit ang mga armas Na syang panukso't patibong ng mundo, Titindig ako sa kadahilanang hindi lamang ako isang Pilipino — Titindig ako para kay Hesus na aking pinaniniwalaan! Salamat Ama, Sa'yo pa rin ang aming Bayan.
0
May 11, 2022
May 11, 2022 at 12:27 AM UTC
Pilipinas, Mahal Pa Rin Kita

68
081721 Pikit-mata kong inaaninag ang liwanag Na dumarampi sa aking mga pilik-mata Habang bahagyang nagbabadya ang pagsirit At pag-agos nang marahan Ng pawis na pilit kong ikinukubli Sa bawat pagtiklop ng hapon. Walang oras o segundong hayag Sa kung papaanong paraan ba aahon ang Araw Na tila ba kaytagal kong hinintay na bumangong muli. Ni hindi ko magawang lumapit Sa mga sinag nitong hayagang yumayakap sa akin Na para bang nais Nitong hingahang muli Ang buo kong pagkatao. Hinahagkan ang bawat pagbugso ng aking pulso Buhat sa kawalang ulirat sa katotohanang Minsang kumatok at pinagbuksan. Nagbigkis ang lahat ng mga mandirigmang Walang ibang hiling Kundi sumapit ang takdang araw Na ilang beses binuhol-buhol sa kalendaryo Gaya ng pag-aabang sa muling pagsindi’t pag-ulan Ng mga bulalakaw sa langit At may iba’t ibang kapaliwanagan. Nagliwanag naman ang kurtinang nagbibigkis Sa hagdanang patungo sa kaluwalhatian At sa pastulang aking minsang sinuklian Ng Kanyang mga balak At pinagtaniman ng mga binhing nagbunga na ngayon At akin nang inaani nang may galak. Dumudungaw sa lente ng aking mga mata Ang aking pagkataong binihasan ng liwanag. At tunay ngang ang mga luha'y papawiin At wala nang ibang maibibigkas pa kundi Papuri't pagsamba sa tunay na nagmamay-ari Ng kaluwalhatiang habambuhay na aakap Sa panibagong mundong nagtapos na ang kadiliman. "Bubuksan Ko ang kalangitan, Maging ang buong kalawakan, Masilayan mo lamang ang laan Ko para sa'yo. Tamasahin mo ang kabuuan ng Aking presensya At ang pag-ibig Kong alay na inihanda ko para sa'yo. Ang piging sa Aking pagsasalo'y hayag sa buong sansinukob At ang lahat ay nais Kong makapiling sa Aking pagbabalik. Ang hamon ng buhay ay siya ring susubok sa'yong katapatan Kaya't wag kang matakot na waksian ang mga kamaliang Iyong kinasanayan at ika'y magpasakop sa Aking kaluwalhatin. Ang lahat ng Iyong mga narinig at nakita'y magliliwanag Sa pagsapit ng itinakdang oras.. At sa iyong paghihintay ay patuloy kang lumakad Sa landas kong laan para sa'yo. Patuloy **** ipalaganap na ang Aking kaharian Ay bukas para sa lahat, At ang dugong dumanak Buhat sa Aking bukod-tanging Anak na si Hesus Ay siyang nakasuklob sa'yo sa iyong laban. Tanggapin mo ang regalo Kong Banal na Ispiritong Syang gagabay sa'yong mga pasya't Magbibigay kaliwanagan sa mga bagay Na tanging pang-langit lamang. Ikaw, kayong mga tinawag Ko'y sama-samang humayo, Ipalaganap n'yo ang liwanag sa madilim na sansinukob.. At sa Aking paghuhusga'y gagawaran Ko Ang lahat ng aking mga anak Na hanggang sa huli'y nanatili, nagpasakop At kumilos ayon sa Aking mga Salita't mga utos. Ang pag-ibig Ko'y sa iyo.."
0
Aug 17, 2021
Aug 17, 2021 at 5:47 AM UTC
The Space Between Us

67
Tuwing sumasapit ang Setyembre, Ako ay kinikilig. Makikita ko na ang mga parol At mga christmas tree. Napakagandang masilayan. Bumabalik ang aking pagkabata. Ako ay natutuwa Makita at matanaw Ko lamang. Nang sumapit ang bisperas, Kinabahan na ako, Baka hindi na dumating Ang bukas. Umaga, kinabukasan. Dali-Dali akong pumunta Sa sinabit kong medyas. Wala ka na doon. Sa tingin ko, Ako ay tumanda na. At naintindihan Na hindi si Santa Klaus Ang naglalagay ng mga regalo. Kayo pala Inay at Itay.
0
Jun 7, 2020
Jun 7, 2020 at 8:59 AM UTC
Pasko
sa kaha baan ng aking    kasulatan    iilan lamang     ang may kaiklian      sa lapad ng kalawa      -kan,,,pananaw ko ay       may kakitiran.Sa bawat         ***sagot **** patanong,,sa***       ibabaw mo ay may kalali-         man,,,sa sandaling tutungo        ako sa paliparan bago sumapit          itong kinabukasan,,pinahintulutan           **** masilayan yaong liwanag sa***            kadiliman,,, kung ano ang ibig sabihin ko            dederetsahin ko na kayo sa aking mga nota.....
0
Dec 7, 2015
Dec 7, 2015 at 9:25 AM UTC
Laglag"-"Bala
Alaala mo sa Tag-araw Kay bilis lumipas ang mga araw na nagdaan at sumapit na naman ang buwan ng tag-araw. Buwan kung saan ipinangako kong hindi ka iiwan, Pero, alaala mo sa akin ay hindi ko mabitaw-bitawan. Kay sakit alalahaning ikaw ang unang nang-iwan, nang iyong malamang ako ay dukha lamang. Kay hapdi sa damdamin ang mga katagang iyong binitiwan, na magpa-hanggang ngayon ay nakamarka pa rin sa aking puso at isipan. Ipinaintindi ko sa iyo ang aking kinalakihan na ang buong akala ko ay iyong maiintindihan. Ipinakita ko sa iyo kung gaano ako kasaya kahit na maralita lamang, Subalit, pakitang tao lamang pala ang lahat ng ugali mo sa aking harapan. Tinanggap ko ang galit ng aking magulang pagkat hindi ka nila nagustuhan. Isinantabi ko ang pangarap ko at sinuportahan ka sa iyong kaligayahan. Pero bakit kay dali lamang sa iyong ako noon ay pakawalan? Sinayang mo ang limang taon na ikaw at ako ay nagmahalan. Ngayon... tag-araw na naman; at dito sa dalampasigan kung saan sumisikat ang araw sa silangan, Ay binitawan mo ang mga salitang 'ang mahalin ka ay isang pagkakamaling habambuhay kong pagsisisihan'. Ako'y iyong tinalikuran, ni hindi man lamang ako nakasagot o nakapagpaalam. Ibubulong ko na lamang sa hangin ang aking kasagutan na minahal kita nang buong-buo at tapat na walang pinagsisihan, Pero kinakailangan na kitang pakawalan sa aking puso at isipan. Ito na ang huling tag-araw na alalahanin pa kita sa dalampasigan dahil magsisimula na akong bumuo ng mga bagong alaalang wala ka na sa akin magpakailanman.
0
Oct 20, 2018
Oct 20, 2018 at 10:06 PM UTC
Untitled

25
Tatlong oras bago sumapit ang umaga, Panibagong araw, bagong panimula. Bigyang liwanag ang isang tulad niya, At siya namang ikabubuhay ko...
0
May 17, 2019
May 17, 2019 at 2:51 PM UTC
Anino.
Nadatnan kita sa isang tabi Umiiyak at walang pake Sa mga dumaraan na akala mo'y nanunuod ng sine Ang mga mata mo'y namamaga na sa sobrang paghikbi Ako'y naglakas ng loob na lumapit Inabutan ka ng pamunas, ngunit sa'king kamay ika'y kumapit Nagkausap at nagkakilala tayo hanggang sa hapon at sumapit Naglakad tayo papunta sainyo, hinatid kita kahit ako'y pagod na at nangangawit Naging sobrang lapit natin sa isa't isa Halos araw-araw tayo'y lumalabas magkasama At isang araw 'di ko namalayan at nahulog na pala ako sayo sinta Sinabi ko sayo't iyon rin pala ang iyong nadarama Araw-araw tayo ay masaya Pinaramdam sayo ang pag-ibig at sa puso ika'y nag-iisa Ngunit isang araw ay nagbago ka Tinanong kita kung anong problema Ang sabi mo'y nagbabalik siya Na siya pa rin at walang iba Binuo kita noong winasak ka niya At winasak mo ako nang bumalik siya.
0
Jan 18, 2021
Jan 18, 2021 at 10:16 AM UTC
Binuo kita, winasak moko
Bago sana sumapit uli ang malamig kong umaga, Aking asam ay 'yong pagdalaw sa aking panaginip At hindi na humihiwalay ang iyong alaala, Makulong hanggang matauhan ang pagiisip Ang pagpawi nito sa aking nalilitong kamalayan, Mistulang haplos sa aking napapagod na katawan Bago pa ako uli lamunin ng sangkawalan Mamamahinga na may saya, ang lahat ng sakit ay naibsan Tanghali na, mulat ang araw at ang paligid ay makulay Walang ibang makita ang mga matang mapungay Huli na ang lahat para magtanto, Hindi rin naman ako nararapat para sa'yo.
0
Jan 19, 2019
Jan 19, 2019 at 12:18 PM UTC
Hiling Bago Pumasok sa Sangkawalan
Sa pagsapit ng dapit-hapon Binabati ng kalangitan Ang dumarating na buwan At paalis na araw Nabatid ng aking isip Patapos na ulit Ang sumapit na maghapon Nawa'y dapat na magpahinga Ngunit sa buhay ngayon Hindi na matanto kung Dapat ba, nararapat ba O may karapatan pa ba Makaramdam Magpahinga Makahinga Mag-isip Kahit ano pa man ang Nangyari, naganap, naramdaman Kailangan pa rin natin bigyan Ng oras ang ating mga sarili Sapagka't hindi ito isang Kagustuhan lamang Kundi ito ay isang kailangan Kailangan ng lahat
0
Mar 8, 2020
Mar 8, 2020 at 6:03 AM UTC
Sunset | Dapit-hapon
Nagtawag siya ng isang espiritista at mananalangin na magbuburda sa bawat hibla ng kamalayan na patuloy na binuburda ng sugat at sakit, habang patuloy na ginigising ang matagal na pagkakahikbi at pagkakatulog sa mga hungkag na mangangarap. Dali't daling sumulat ng dagli, sa bawat pagtagaktak ng mga luhang umaagos sa sigaw ng mga birhen at santo na siyang nananalangin sa ikalilinis ng tahanan laban sa mga naghuhudas na diyablo, na itinataya ang gabi para mag-anyong tao sa kahit sino. Bago sumapit ang gabi. Sa takipsilim, limang minuto, bago paparating ang isang duyog na magwawakas sa hindi maaaring wakasan, kagaya ng pagtalikod at pagpikit, na hindi maaaring maisara ng mga mata. Magpapakarahas sa pagsigaw at mananabla ng labing-anim na milyong mananampalataya, ang isang estadista na kung yumapak ay walang-puknat na magliliyab ang sahig, kung saan nakalibing ang hindi mabilang ng mga daliri, pagkaraan ng walang nagdaan sa pagkalimot sa kanila. Sa gilid-gilid ng eskinita, matatagpuan ang mga kawalang-malay na pugot na ulo na hiniling ng mga mananampalataya, sa isang dyini at ipinagkaloob sa kanila ito, ipinagkaloob, ngayon ay tumatanggi kung kailan naparirito ang hiling. Ngayon ay malilinis na ang pinakamaruming hindi nasasaksihan ng mga mata sa tahanan, pagkatapos ipanglagas ang kaluluwa. Sa huli, walang bumabalagkas ng daan, na sumasalamin, pagkatapos manalamin. Sa kabila ng napakaraming salamin.
0
Feb 17, 2019
Feb 17, 2019 at 6:34 AM UTC
Untitled
Ang pag-ibig ko Ay katulad ng dagat Tahimik ngunit malalim Pero huwag kang matakot Dahil may kalayaan ang mga alon At may kapayapaan ang pag-agos ng panahon Sumapit man ang dilim Hayaang dumampi sa mga labi Ang halik ng mga tala At hayaang yakapin ka ng mahigpit Sa ilalim ng liwanag ng buwan Humimlay ka sa mga pangako ng buhangin Masdan mo ang nagkukulay na kalangitan Sabay sa pagkumpas ng mga kamay ng oras Ang himig ng tibok ng mga puso Nagniningning na mga mata Tandaan mo na sa pagsapit ng umaga Sa palagiang pagsikat ng araw Nandoon at mananatili ka, ikaw, Aking tula.
0
Jun 10, 2019
Jun 10, 2019 at 3:22 PM UTC
Ang Tula
Lahat tayo’y lubak na daan ang tinatahak, Pagtupad ng pangarap sa buhay ang binabalak. Maraming sakripisyo ang kailangan, Upang maging maayos ang kinabukasan. Karamihan sa atin ay sa Diyos kumakapit, Dalanging bagong umaga’y sumapit, Mabawasan ang mga nararamdamang sakit, Kaya liwanag ng pag-asa ang nais makamit. Pagdarasal ng mataimtim, Ang sandata sa daang madilim. Upang ang liwanag ay ika’y sikatan, Maging gabay sa landas na walang kasiguraduhan. Sa Diyos ay nagpapasalamat, Para sa gabay na walang humpay. Hiling na magkaroon ng lakas, Sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay.
0
Sep 2, 2020
Sep 2, 2020 at 12:53 AM UTC
Liwanag
Ang hikahos na mula sa iyong tinig Na pilit nilulunod ng iyong isipang pawang taksil Sa ikasasaya ng damdaming may kinukubling pag-asa Ang siya ring hikahos na sisigaw nang malakas, Sapat lamang upang mulatin ang diwang umidlip sa katotohanang Ikaw ay karapat-dapat masilayan ng liwanag, Maglakbay at sumapit sa nakukubli, Magtangka sa walang katiyakan, At ngumiti sa ibabaw ng kabiguan.
0
Mar 28, 2019
Mar 28, 2019 at 4:52 PM UTC
Hikahos
Kaninang umaga Habang hithit ko Ang nagbabagang yosi Ay naalala ko Ang lumipas na tag-araw. Kalagitnaan ng Abril 2017 Maalinsangan ang umaga Nang ako’y magising Matapos ang isang gabing walang pagkahimbing. Sa sala at maging sa lamesa Namagitan ang isang Mahabang katahimikan Walang usapan, Walang kibuan Isang nakakainis na pakiramdaman. Nung sumapit na ang tanghali Mas mainit pa sa nakasalang na kawali Ang init ng nakakapugnaw na putang-inang araw. Pero kakaiba ang tag-araw na ito Sa gitna ng matinding init Akoy giniginaw May Malaria? Wala s’yempre Pero ako’y giniginaw. Giniginaw ako sa tindi ng panlalamig mo sa akin. Kaninang umaga habang nagyoyosi Sa pagitan ng usok at buntong-hininga Naalala ko ang lumipas na tag-araw.
0
Nov 3, 2017
Nov 3, 2017 at 4:56 AM UTC
Untitled
012025 Paanong ang mga bulalakaw Ay kusang nagpapaubaya? Mahuhulog sa lalim ng gabi Dawit ang liwanag nitong taglay. Sumapit ang ika-dalawampu ng unang buwan At pumipisan pa rin ang mga mata Sa lilim ng Kanyang kagandahan. Ang yaman ng pag-ibig ay bukas sa lahat, Sa palad Niya’y kakapit pa rin Maging ang may tangan ng mga sandata. Sa wakas at hindi na muling mauubusan pa Ng hininga ang gabing walang himpil sa paghikbi. Hindi na muling pipikit at hahawi sa dilim Na nagbabakasakaling masaklawan nito Ang Ilaw na papawi sa kanyang pagkabulag. Ilalantad na ang sarili Na para bang ito na ang huling paghinga. Hindi na iaantala ang panahon, Ngayo’y oras ay hindi na kalaban pa — Ngayon ang tugon nya‘y “oo” Pagkat ang bukas ay wala nang pahina.
0
Jan 20, 2025
Jan 20, 2025 at 10:03 AM UTC
Tugon