Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
poetnamasakit Oct 2015
Simula sa unang pagupo ng puwet ko sa tagayan
Nakita ko sa mga mata mo ang saya ng isang misteryosong lalaki
Mga mata **** nakatitig sakin
Habang sinasabi mo sakin na “baka may magalit na iba?”
Ang sabi ko’y “wala”
Tinuloy mo ang usapan sa salitang “okay ka lang ba?”
Ang sabi ko’y “oo, basta kasama kita.”

Natataranta ako tuwing ika’y mananahimik pagkatapos **** magsalita
Nangangamba ako na baka may nasabi akong kakaiba na hindi ko natantsa
Nagpaliwanag kang “hindi ganto lang talaga ko”
Naisip ko na baka kasi lasing ka na
Ang sabi mo nama’y “hindi, kaya ko pa.”

Ako din.. Kaya ko pa.
Kaya ko pa….
Alam mo ang hindi ko kaya?
Yang mga mata **** nakatitig sa mga mata ko
Na parang ayaw mo kong mawala sa tabi mo
Yung mga kamay mo na naglalaro sa balikat ko
Yung mga haplos mo na tila sinasabing “ikaw ang gusto ko”

Hanggang sa ikinagulat ko na nagmula mismo sa bibig  mo
“Gusto kita.”
Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko
Napatingin nalang ako sa malayo habang sinasabi sa isip kong
“Tangina! Tangina! Tangina!”
Napamura nalang ako kasi ngayon ko nalang ulit naramdaman 'to
Natutuwa ako pero natatakot ako na baka kasi ngayon lang 'to
Na baka lasing ka lang kaya yan ang nasasabi mo
Natatakot akong masaktan muli kaya kasunod non ay pagpigil nalang sa hininga ko at sinabi ko sayong “okay ka lang ba?”
Ang sabi mo’y “oo, kaya ko pa.”

Ayoko nang ituloy ang kuwento ko tungkol sayo
Wala din nga akong balak sanang sabihin to sa mga kaibigan ko
Kaya nga eto, sinusulat ko nalang ang mga pangyayari gamit ang mga piling letra para lang sayo
Sa dulo ng kuwentong ito, ipapahayag ko na iniwan mo nalang ako
Hindi sa paraang ikakasama mo..
Kundi sa paraang ikinalulungkot ko kasi hindi na nasundan ang pagkikita nating dal'wa
Ayoko  ng umasa..
Pagod na kong umasa..
Napagod nalang akong umasa..

Nasaktan na ko noon kaya inaalalayan ko lang ang sarili ko
Ayokong magpadalos dalos kasi alam kong nasasaktan padin ang nobya mo noon sa paghihiwalay niyo
At ako eto ngayon.. Sa sarili kong bersyon, ako yung nobya, na tila parehas ang nararamdaman namin ng nobya mo
Parehas kaming nanghihingi ng atensyon sa mga mahal namin

Ayokong agawin ka sakanya, kasi sabi mo nga sakin mahal ka pa niya
Hindi kita kukunin sakanya
Dahil alam ko ang pakiramdam ng kinukuha nalang basta-basta

Para matapos lang tong salaysay ko
Magiiwan ako ng mga salita na para sayo
Mga salitang sana maintindihan mo at wag **** tignan bilang mababaw
Gusto ko lang malaman mo 'to
Dahil pagod na kong itago lahat ng to dito sa puso ko

“Siguro masyadong mabilis ang mga pangyayari
Dumating ka nalang bigla na tila binagyo mo ang isip ko
Mga salitang binitawan mo na hindi maalis sa isipan ko
Para kong tanga na mabilis masawi
Nakakahiya..
Pero totoo to
“Gusto rin kita”
Hindi dahil sa alak o lakas lang ng loob
Hindi dahil malungkot ka at gusto kitang pasayahin

Yung mga titig mo
Yung mga titig mo

Yung mga mata **** nakatitig sa mata ko
Yung mga haplos **** namimiss ko
Yung mga salitang lumabas sa bibig mo

Yung ikaw

Yung ako

Pero…
Yung akala kong may “tayo”

Bigla ka nalang naglaho..
Bakit?
Anong problema?

Kulang pa ba yung alak na laman ng tiyan mo para sabihin mo saking…… “ikaw talaga ang gusto ko.””
Kurt De Castro Jan 2016
“Thank you, Sir Max! Have a seat po muna.”

Pangiti ‘yang sinabi ng barista sa kahera pagkatapos kong abutin ang bayad. Sa totoo lang, hindi talaga Max ang pangalan ko. Sadyang pinipili ko lang talagang ibahin ang pangalan ko tuwing hinihingi ito ng mga barista.

Patuloy pa rin ang pagbagsak ng ulan sa labas at ng paghalik ng bawat patak ng ulan sa magaspang na aspalto nang maupo ako sa paboritong sulok ng aking paboritong *coffee shop
.

Bagaman nangingibabaw pa rin ang mahalimuyak na  amoy ng kape sa paligid at dinig pa rin ang mahinhing pagkumpas ng kamay ng orasang nakapako sa ibabaw ng kahera, ay tila kakaiba ang pakiramadam sa loob ng maginaw na silid.

Mas kaunti sa nakasanyan ang bilang ng mga taong narito ngayon. Sa katunayan, tatatlo lang kami: ako, isang matandang abala sa pagbabasa ng diyaryo, at isang estudyante nag-aaral maging abogado na tila nakatulog habang nagbabasa ng isang makapal na librong tinalaban ng samu’t saring kulay ng highlighter.

Patuloy ang paglibot at paggapang ng mga mata ko sa kabuuan ng coffee shop upang maghanap ng iba pang dahilan ng pagkakaiba nang biglang kumalansing ang batingaw na nagpapahiwatig ng pagbukas ng pinto.

Kasabay ng pagbukas na ito ay ang pagpasok ng naglalakad at nakabibighaning imahe ng bukang liwayway. Magulo ang kaniyang buhok dahil sa lakas ng hangin at bihis siya ng ginaw at ng patak ng tubig-ulan. Bakas sa mukha niya na problemadong problemado siya, siguro may nakilumutan, o dahil hindi siya nakapagdala ng payong masisilungan. Ngunit sa pagkunot ng noo at pagtiklop ng kilay niya at sa asar na asar niyang pagkamot sa ulo buhat ng inis, ay lalo lang siyang naging kaakit-akit.

Agaran siyang umupo at tumahan sa silya’t lamesang pinakamalapit sa malaking salaming dumudungaw palabas ng kalsadang kinaroroonan ng coffee shop. Bagaman nakatalikod siya sa akin, bakas sa aninag ng salaming kaharap niya ang imahe ng babaeng tila hindi pa dinadapuan ng sinag ng araw.

Kitang-kita sa salamin ang maalindog niyang kutis na ‘sing puti ng gatas at ang kinang ng kanyang tila diyamanteng mga mata. Agaran din siyang naglabas ng kulay-rosas na diyaket na walang ginawa kung ‘di pag-igihan pa lalo ang balat niyang tila hinango mula sa porselana.

Ika-nga, love at first sight. Nag simula akong manginig dahil sa ‘di inaasahang pagtibok at pagkutob ng dibdib. Hindi pa nakatutulong ang tila-niyebeng lamig ng silid. Sumunod ang titig ko nang tumayo siya at naglakad patungo sa kahera upang bumili ng kanyang iinumin

Pero sa loob ng ilang segundo, muli na namang napako ang tingin ko sa makapigil-hiningang tanawing umaaninaw sa mahalumigmig na salamin nang muli siyang maupo sa tronong nararapat para sa isang reynang kagaya niya.

Kulang na lang ay ang koronahan siya.

At sa kaniyang pag-upo ay naglabas siya ng halos gutay-gutay nang kopya ng Sense and Sensibility ni Jane Austen. At habang nakayuko siyang nagbabasa ay napansin ko ang ayos at pagkatali ng kanyang buhok na kanina lamang ay napakagulo.

At sa saglit na iyon, ay inakala kong nananaginip na ako, nang bigla kong narinig ang pangalan kong tinatawag.

Grande iced white chocolate mocha with extra espresso shot for Max!

Agad akong tumayo upang kunin ang inuming kanina ko pang hinihintay. Ngunit habang naglalakad ako ay napansin kong nakatayo at naglalakad din siya patungo sa counter.

Halos sabay kaming nakarating sa harap ng nalilitong barista. Hinihintay kong abutin sa akin ng barista ang aking inumin ngunit nabigla ako nang mapalihis ang tingin niya sa akin at nalipat sa babaeng katabi ko at sinabing:

Here’s your drink, Max. Enjoy!

Sa hindi inaasahang pangyayari, biglang sumambulat palabas ng bibig ko ang mga salitang ito:

Max din ang pangalan mo?

Hindi ko ginustong tanungin siya at hindi ko ginustong marinig ang sagot niya. Mas gugustuhin ko sana kung bigla na lang hihinto ang lahat ng bagay at tao sa mundo maliban sa akin, upang ako ay makatakas at tumakbo palabas.  Kuntento na ako sa lagay ko kanina, nakaupo at nagmamasid sa malayo habang pinpanood ang isang pangrap na ‘di ko makakamit. Ngunit sandalian akong napatigil at napaisip:

Naging Joshua sana ako ngayon. ‘Di kaya Mike? O kaya Gabriel?

Gayun na lang ang malaking kong pasasalamat sa kung anumang uri ng tadhana ang gumabay sa akin ngayon. Kung hindi dahil sa hindi ko pangalan, ay hindi ko sana makikilala itong rebulto ng kariktang kasalukuyang nasa harap ko.

Nanumbalik ang eksenang kinahaharap ko nang mahinhin, marahan, at patawang siyang sumagot:

Oo. Maxene actually. Max for short.

At sa loob ng mga salitang iyon, ay dahan-dahan akong nahulog. Nahulog sa tinig ng kanyang boses, sa magkabilang dulong pagtiklop ng sulok ng labi niya, sa pagkunot ng noo at kilay niyang perpekto.

Sa loob din ng mga salitang iyon ay namuo ang simula ng paboritong kong kuwento ng pag-ibig.

Pagkatapos ng aming pambihirang pagkikita, ay nagpakilala kami sa isa’t isa. Nagpakilala  ako sa pamamagitan ng totoo kong pangalan at ipinaliwanag ko kung paano ko pinapalitan ang pangalan ko tuwing may kaharap akong barista. Matapos ay niyaya niya akong umupo kasama niya, sa tabi ng mahalumigmig na salaming dumudungaw sa kaparangang nasa labas. Ang parehong salamin kung saan kanina lamang ay pinagmumunihan ko ang kaniyang kagandahan.

Habang naglalakad patungo sa kaniyang puwesto, hindi ko mapigilang isipin na para bang hinhila ako paloob sa mundo ng paborito kong pelikula. Kung saan bahagi ako ng kuwento kung saan siya ang bida. Pakiramdam ko rin na para akong namumuhay sa kalagitnaan ng liriko ng paborito kong kanta, sa bawat pagkumpas sa gitara, at bawat pagtambol ng drum set ng paborito kong banda o sa mga pagitan ng mga siwang ng mga salita sa bawat pahina ng paborito kong libro.

Isa, dalawa, tatlo, apat.

Apat na oras kaming nakipagkuwentahan sa isa’t isa. Apat na oras na akong nakatitig sa bilog ng kanyang mga mata. Mga matang walang pinagkaiba sa paghiga sa damuhang nasa ilalim ng kalawakan habang nakatitig sa dilim ng kalangitan, habang pinapanood ang pagsayaw at pagkislap ng milyun-milyong mga bituin. Sa katunayan, halos inabot na kami ng pagsasara ng coffee shop. Sa loob ng apat na oras ay nakilala ko ang isang babaeng tiyak na mamahalin ko.

Hinggil sa kaalaman ko, sabay pala kaming nagtapos sa parehong kilalang pamantasang matatagpuan sa kahabaan ng Katipunan. BS Biology ang naging kurso niya. Higit pa, ikalawang taon na niya pala ng pag-aaral niya ng medisina. Pangarap niya raw ang maging doktor. Iyon na rin ang naging  dahilan niya upang magpaalam. May pasok pa kasi raw siya bukas at may kailangang pag-aaralan.

At iyon na nga, nagpaalam kami sa isa’t isa at humingi ako ng paumanhin dahil sa abalang naidulot ko.

Hanggang sa susunod na apat na oras at apat na tasa ng kapeng nanlamig na?

Pahabol at pangiti niyang sinabi habang nasa kalagitnaan ng pintuan at ng mundong panlabas.

Hanggang sa susunod!

---
Nath Rye Jan 2016
Isang pinto ang nasa aking harapan.

Pintong gawa sa kahoy. Limang tao ang lapad ng pinto, at dalawan' tao ang taas nito. Dahan-dahan 'kong hinawakan ang nakausling parte.

Hinila ko. Ang bigat.

Isang engrandeng *ballroom
ang itinatago ng pintong aking pinasok. Ang una talagang mapapansin ay ang magarang wallpaper na yumayakap sa pader. Sa pinakaharap, may hagdanan na tila hari't reyna lang ang maaring gumamit. Sa bawat dulo ng hagdanan, may mga nakapatong na gintong mga dekorasyon- mga anghel at mga hayop na makikita lamang sa panaginip. Pero, mapapatingala ka talaga sa larawan ng Diyos at mga anghel na sumasakop sa buong kaitaasan ng ballroom.

Ang amoy naman, amoy ng mamahaling pagkain.
May mga lamesa at mga plato para sa mga nais kumain

Ang unang yapak ko sa loob ay sinalubong ng mga tingin mula sa mga tao sa loob. Lahat sila'y magkamukha...

magkakambal kaya?

Nilapitan ako ng waiter. May dala-dalang alak.
"Ser, gusto niyo po ba ng-"
"Bakit magkamukha kayong lahat dito?"
Lumabas lang ang mga salita sa aking bibig. Di na ako nakapaghintay.

"Ah... ser, kung gusto niyo po ang kasagutan sa tanong niyo, sigurado akong may makakapagpaliwanag sayo nang mas maayos."

At sabay siyang umalis.

Inikot ko ang ballroom. Kinausap ko ang mga tao. May mga sumasayaw, may mga kumakanta, at mayroon pang mini magic show. May mga nakabarong, iba nama'y naka tuxedo.

Naging masaya ang mga usapan, hanggang itinanong ko ang tanong ukol sa kanilang pagiging magkamukha. Pinapasa-pasa lang nila ang tanong sa mga ibang nasa ballroom. Ika nga, "hindi nila mapapaliwanag nang mabuti."

Ano naman ang napakakumplikadong paliwanag na ito?

Lahat ba, naitanong ko na?

Nanlaki ang aking mga mata. May nakita akong nag-iisa sa dulo ng kwarto. Mukhang matalino. Nilapitan ko.

"Sarap ng pagkain."

Binigyan niya 'ko ng tingin ng pagkagulat.

Makalipas ang ilang segundo, nagsalita na rin siya.

"Ganyan ka ba talaga nagsisimula ng isang conversation?"

"Di eh. Pero masarap naman talaga. Kinailangan ko lang ilabas ang matinding damdamin ko para sa handa."

Tawanan. Pero desperado na 'ko. Gusto ko nang malaman kung bakit.

"Bakit magkamukha kayong lahat dito?"

"Ah.... ikaw ay tulog ngayon. Nananaginip ka lang. Ang bawat tao rito'y indibidwal na parte ng iyong sarili. Ang iba't-iba **** personalidad, nag anyong-tao."

"Ha?"
Ginagago ako nito, ah.

"Subukan '**** kurutin ang 'yong sarili. Di siya masakit, di ba?"

Tiningnan ko ang braso ko. Kinurot ko, yung masakit talaga.

Wala akong naramdaman.

"Gets? Ako ang parteng nais tumulong sa iba, sa kapwa-tao."

".... Maniniwala muna ako sayo, ngayon. Pero, ibig sabihin ba'y ang lahat ng personalidad ko'y pantay-pantay?"

"Hindi. Ang mga taong nasa itaas ng hagdan, sila ang pinakamalalaking parte ng 'yong sarili. Kaya sila ang mga pinakamakapangyarihan dito sa ballroom."

"At pwede akong umakyat doon?"
Gusto kong umakyat.

"Handa ka bang tanggapin ang iyong sarili? Pa'no kung puro mamamatay-tao pala ang mga nasa itaas? O magnanakaw? O sinungaling?"

"Edi ok, tanggap ko naman na di ako perpekto."

Pero sa isipan ko, natakot ako. Nakakatakot makita ang mga masasamang parte ng sarili mo, na naging sarili niyang tao.

"Edi umakyat ka. Panaginip mo 'to. 'Di akin."

"Sige, salamat pare."

"Geh."

Inakala ko na ang huli niyang sasabihin ay may relasyon sa pag-iingat, o pagkukumbinsi na 'wag na 'kong umakyat. Pero dahil sa isang "geh" na sagot niya, nahalata 'kong wala na akong makukuhang impormasyon kung di ako aakyat.

Nasa harap na ako ng hagdanan. Kung nakatayo ka pala rito, parang nakatitig ang mga gintong dekorasyon sa 'yo.

Isa-isa kong inakyat ang mga hagdan, at sa taas, may nakita akong apat na tao.
  
Yung tatlo, nakikinig at tumatawa sa biro ng isa.

"Hi...?"
Wala naman akong ibang masabi, e.

Bigla silang tumahimik at napatingin sa 'kin.
Alam na siguro nila kung sino ako, dahil nilapitan nila ako at nakipag-kamay.

"Alam mo na ba ang lugar na ito? May nagsabi na ba sa 'yo?"

"Oo. Sabi sa 'kin ng isa na kayo raw ang mga pinakamalaking parte ng aking personalidad."

"AHHH! Mali siya! Nasa impiyerno ka na ngayon. Masama ka kasi eh."

Napatingin lang ako sa kanya.

"Joke lang, 'wag naman masyadong seryoso. Edi madali na lang pala! Sige, pakilala tayo!"
Ngumiti naman ang apat.

Nauna yung tatlo.

"Ako ang parte **** responsable. Alam mo ang mga responsibilidad mo, at maaga mo tinatapos."

Wow. Responsable pala ako.

Ang pangalawa.
"Ako naman ang parte **** madasalin. Malakas ang tiwala mo sa Diyos, kaya mahilig ka magdasal."
Grabe, banal pala ako?

Ang pangatlo.
"Ako naman ang parte **** mahilig sa sports. Mapa-boxing man o swimming, o basketball. Lagi kang handa."
Parang yung bodybuilder ko lang na klasmeyt ah. Napatawa ako.

At ang pang-apat, at ang lider:
"Ako ang parte ng sarili mo na nais makatulong sa ibang tao. Handa kang magpatawa kung kailangan, pero kaya mo naman ring magseryoso. 'Di ka nang-iiwan. Tunay kang kaibigan."

Pero yung tao kanina yung nais makatulong sa ibang tao.... baka ito yung sinungaling. Bahala na.


"Kayo ang pinakamalaki? Natutuwa naman ako."
Nagtawanan lahat.

"Pero may isa pa. Ang pinakamalaki talaga sa lahat."

"Saan?"
Saan nga ba talaga?

"Dito. Halika. Bago ka magising. Para makilala mo."

Pumunta yung pang-apat sa isang dulo ng kwarto. May pinindot siya. May maliit na butas na nagpakita sa pader. Madilim. Nahirapan akong pumasok. 'Di na sumunod ang apat.

Sa gitna ng kwarto, may isang tao. Isa. Nag-iisa, kasama ng mga libro at papel.

"Ikaw ang pinakamalaking parte?"

Tumingin lang siya sa 'kin.

"Ikaw ba talaga? Ano naman sinisimbolo mo?"

"Ako ang katahimikan. Ang katahimikan sa iyong loob. Matatag ang puso mo, at kahit marami kang kinakatakutan, hindi ito nagiging hadlang sa 'yo. Ako ang nagbibigay buhay at enerhiya sa lahat ng mga personalidad mo."

*At ako'y napatahimik. Katahimikan pala ang pinakamalaking parte.
It's 3:44 am woooooooo I started at 3. ps this is in tagalog/filipino. thank you
AKIKO Dec 2018
Sa ilalim ng buwan nakatitig sa kawalan
Kasabay ng huni ng kuliglig sa kapaligiran
Iniisip ang pangarap at kapalaran
At ang bansang maparoroonan

Bakas ng yapak saan paroroon?
Maihahatid kaya sa tamang Panahon
Sa bawat dampi ng along Mahinahon
May bakas kayang maiiwan paglisan ng alon?
Bigla ko lang naramdam ang kalungkutan at ang mga letrang ito'y biglang nabitawan
Ysa Pa Aug 2015
Habang ang oras ay dumadaan
Ako'y nag-iipon ng tapang sa katawan
Upang mailabas ang nadarama
At sa isang iglap, may himala
Tila naghelera ang mga tala
Na sa aking paghinga
Ang aking bibig ay bumuka
Sa wakas, nasabi ko na
Habang nakatitig sa iyong mga mata
Ang aking matagal na kinimkim
Ang aking kaisa-isang lihim
Ang matagal ko nang nais wikain
Ay narinig mo na mula sa akin
Ngunit bakit ganyan ang reaksyon mo
Natawa ka, na parang ako'y nagbibiro
At narinig ko mula sa iyong mga labi
Mga salitang hindi ko mawari
Para bang nawalan ng pag-asa
Dahil nung sinabi ko na mahal kita
Hinawakan mo ang aking kamay
At ang sagot mo lamang ay
Huli na, dati minahal kita
Pero ngayon, hindi na
Tapos bigla kang ngumiti
Sabi mo'y ako'y nalilito lamang, nagkakamali
Niyakap mo ako at binulungan
Hindi mo ako paaasahin, gaya ng ginawa ko sayo noong nakaraan
Jasper Jul 2019
Kahit na ano pang isipin ng lahat tungkol sa ating dalawa
Pangako ko sayo na hinding-hindi na magbabago pa
Ang natural na pag-ibig na nakatanim dito, oo dito
Pag-ibig na nagbibigay lakas sakin at sa buong pagkatao ko

Natatandaan mo ba? Lahat nang pagsuyo na aking ginawa
Lahat nang binigay sayo'y ginusto ko at ninais ng kusa
Hindi man ako tulad ng iba na may maipagmamalaki talaga
Pinilit ko pa ding maki-ayon at kayanin para makasama ka

Kung ano man ang nais na hilingin
Handa akong ito'y tanggapin
Kahit na magpakatanga sa lahat,
Ng pagkakatao'y aking gagawin

Kasi mahal kita, oo totoo na mahal kita
Totoong lahat ng ito para sayo, noon pa
Handa naman akong maghintay sa isang tabi
Hanggang sa dumating ang araw na handa kana binibini

Ikaw ang tanging lakas
Sandalang walang wagas
Para bang ako'y tinamaan ni kupido
Ang puso ko ay lagi ng ganado

Isipin man na ako ay nambobola
Isipin man lahat ng 'to sa umpisa
Isipin man na agad mabalewala
Isipin man na maloko sa salita

Hindi ko gagawin ang panloloko
Na ginawa sayo't pang-uuto
Mananatili lang akong nakagabay sayo
Handang pasanin pati lahat ng problema mo

Laging nakatitig sa maganda **** mga mata
Lahat ng pagod ay agad na nawawala
May mga bagay na madalas kuntento na
Pag nakikita ang iyong ngiti, na nakatutuwa

Patawad kung madalas ako'y madikit sayo
Patawad kung masyado akong makulit sayo
Pasensya na kung ganito ang nararamdaman ko
Masyadong halata, masyadong mainip kung magmahal ako

Salamat kahit wala kang ginagawa,
Dahil presensiya mo lang sa aki'y sapat na
Salamat sa pagtanggap at hindi pagtaboy sa akin
Salamat sa maliligayang sandali na palagi kong gugunitain

Nagdadalawang isip ka pa ba?
Seryoso ako, mahal na mahal kita
Hindi naman ako nagmamadali, alam kong nariyan ka
Mahal kita, at iyon ang isinasaad ng aking tula.
Christos Rigakos Apr 2012
ngiti mo sumunog sa puso ko
mata mo alipimin kaluluwa ko
kapag ikay nakatitig sakin
napapaso ako sayong mga tinging magpakailanman

(C)2012, Christos Rigakos
JuliaLazareto Jun 2017
Hindi kita gusto sa una nating pagkikita,
Ngunit, muli tayong pinagtagpo, at ito'y umusbong na.
"Ayoko, ayoko nito."
"Mahirap, mahirap ito."
Mga salitang nabanggit ko,
habang ako'y nakatitig sayo.

Simula noong araw na iyon,
nagtanong- tanong na ako, tungkol sayo.
Gusto kong malaman ang pangalan mo,
Gusto kong malaman ang mga hilig mo,
Gusto ko lang makaalam ng kahit ano, tungkol sayo.

Nabalitaan kong sikat ka raw,
Talaga ba? Marami raw nagkakagusto sayo?
Edi mas bumaba ang tsansa ko, upang mahalin mo?
Masakit mang isipin, pero ito ang totoo,
Masakit mang isipin, pero hindi ako ang mahal mo.

Nagdaan ang ilang araw,
Natuklasan ko,
Paasaa ka, pafall ka,
Pero mahal parin kita.
Oo crush lang kita,
Pero gustong gusto kita, higit pa sa kanila.

Isang araw nabalitaan ko,
Balitang dumurog sa puso ko.
May ka-M.U ka raw,
may nililigawan ka raw,
at ako namang si t*nga,
Hindi naniwala sa kanila
Mas pinili ko pang umasa,
Sa taong wala naman akong pagasa.

Pero nung makita ko,
Nung makita nang dalawang mata ko, yung paghaharutan niyo,
Napaisip ako, "Bakit ganito kayo?"
Nasobrahan ba yung pagka- bulag ko para sayo?
Nasobrahan na ba yung pagmamahal ko para sayo?
Upang ako'y masaktan nang ganito?

Pinilit kong ihinto ang pagmamahal ko sayo,
Ngunit mas lalo lang kitang ginugusto.
Hindi ko alam kung paano ako makakaalis sa sitwasyong ito,
Ang alam ko lang, sobrang nasaktan ako.

Ang sakit na iyon ang nagturo sa akin,
kung paano kumalas,
Kumalas sa relasyong ako lang ang lumandas.
"Ayoko na, ang sakit sakit na."
Ngayon, pinapakawalan na kita.
Susuportahan kita kung saan ka sasaya,
At yun ay sa piling niya.

Bumitaw ako, ngunit hindi ibig- sabihin non,
ayoko na sayo,
Gusto kita, tandaan mo yan,
Ngunit hindi ko yata kayang lumban,
Sa pagmamahalang, ako lang ang nakakaalam.

Lumipas ang ilang buwan,
Sinabi mo mahal mo ako,
Sabi mo, ako lang ang yong gusto,
Ano 'to lokohan?
Pagkatapos mo akong iwan, ngayon ako'y babalikan?
Oo mahal kita.
Mahal kita noon,
Pero binaliwala mo iyon.

Bakit ngayon pa?
Bakit ngayon pang ako'y sumuko na?
Bakit ngayon pang ako'y nasaktan na?
Bakit ngayon pang ako'y masaya na... SA PILING NG IBA?
O, ang daang aking tinahak ay unti-unting kumikitid,
Ang daluyan ng hangin sa paghinga ay sumisikip.
Ang paningin ay nahati sa dalawang lagusan,
Isang madilim na madali, isang mahirap na naliliwanagan.
Ano ang pipiliin? Ano ang susundin?
Ang bulong ng isip? O ang tibok ng damdamin?
  
Ang landas na inakalang magdadala sa tagumpay,
Lulan ng isang bangkang inaalon sa karimlan.
Tinahak ang karagatan ng apoy na nagliliyab,
Nagsaya, nagpakasasa, nagsilbing ulap sa kawalan.
Ang daang binalewala ay bumubulong ng salita,
"Bumalik ka, pumarito ka, tutulungan kita".
Pilit na sumisiksik sa masikip na lagayan,
Ang katotohanang wala kang paroroonan.
  
Ikaw na ninais ang siyang iginapos,
Ng aking katauhan sa pusong naghihikahos.
Sa pagdama ng kasiyahang ikaw lamang ang magbibigay,
Aking tinalikuran pag-asang hinihintay.
Ang lahat ay tinalikuran, itinapon sa kawalan,
Upang makapiling ka sa matatamasang kaligayahan.
Subalit matapos ang gabi ng panaginip,
Ako ay nagising ang kasuota'y lagunit.
Ang lalamunan ay wasak, ang mata ay mapula,
Sa aking paglabas, kinatatakutan nila.  
  
Sa aking paglalakad sa mundong umiikot,
Mga mata'y nagsasabi na ako ay nakalimot.
Nang mapadpad ako sa kuwadradong silid,
Ay nanlaki, nagulat, sa sarili nakatitig.
"Sino ka?" "Sino siya?"Aking pagsusumigaw,
Nilisan ng katinuan, ang kaluluwa'y inagaw.
Nagpatiluhod at doon ay nagnilay,
Ako'y patay na, sinayang ang aking buhay.
  
Isang katauhan ang nababalot sa liwanag,
Nagsasabing " Bumalik ka, pumarito ka, tutulungan kita".
Ang nakaabang ang kamay ako ay hinihintay,
Bago pa man mahawakan ay isang dilim ang bumalot,
Sa likod ng aking isipan, sa harap ko ay may inabot.
Supot na naglalaman ng buhanging Kristal,
Kristal na nagpapasaya at wawasak ng ligaya.
  
Kukunin ba kita at titikmang muli?
Itatapon ba kita at sa liwanag kakapit?
Ano ang gagawin ng isipang sabog,
Sa sayang dulot sa pagkain ng durog?
Nymeriari Nov 2016
Isang mensahe na ipinapahatid ni "Ariii Potter" sa kanyang alaga na si "Hedwig" the Snowy Owl.


Sa naghihimultong pagmamahal ko sayo.

Mahal.. oo, mahal nga ang tawag ko sayo
Nagbunga kasi ang pagkagusto ko sayo,
Nagbunga ng isang pagmaMahal

Yung feeling na "gusto kita"
Naging "mahal na kita" real quick

Inakala ko talaga sa diagon alley ka lang gumagala
Eh bat ka na sorted dito sa puso ko

Bakit nga ba..

Patawad sa mga katagang sinabi ko, ay mali. hindi ko lang pala sinabi.
Ipinagsigawan ko pa. Ang corny no?

Pero...

Pagbigyan mo sana ako na ihatid ang mga salitang gustong ipabatid ng puso ko

Idadaan ko lang muna sa isang tula.
--
Umpisa.
Sa kung paano mo ako nginitian
At tinanong kung "potterhead kaba?"

Hindi ko alam kung ginamitan mo ako ng "petrificus totalus"
Dahil sa tuwing tinatawag mo akong ng"Ariii" na fre-freeze ang aking hypothalamus

Na halos masabog-sabog na tong pagmamahal na ihahantulad ko sa isang bulkan
Hindi ko man lang namalayan na umabot ito ng isang buwan

Pati na ang nakatagong pag-ibig dito sa aking damdamin
Ay sadyang naging malalim

Na kahit gumamit man ako ng salitang "alohomora"
Para mabuksan ang pintuan ng puso **** nakasara

Kahit maging seeker man ako sa quidditch
At ikaw ang magiging "snitch"
Hindi parin kita maka-catch
Sapagkat ang tayong dalawa ay imposibleng maging match

O makipaglaban man ako sa Wizard's Chess
Para makamtan ang iyong sorcerer's heart
Ay hindi parin sapat
Alam mo kung bakit?
Dahil hindi ako karapat-dapat
At ang karapat-dapat
Ay ang ika'y pakawalan
Dahil alam ko naman sa kahuli-hulihan
Ako parin ang masasaktan

Kaya salamat,
Salamat sa pansamantalang kilig
Sa tuwing ika'y nakatitig.
untoldstory Mar 2017
Pangako.
Sing lalim ng dagat ang pagiisip ng sandali
Sa mga susunod na tinginan,
Ngiti,
Mo ang umaaya,maghintay,suungin ang mga alon ng pagsubok,
Kasabay ng ibat ibang mandirigmang sumubok makuha ang perlas ng iyong karagatan,
Natututo akong makidigma,kahit nagmamanhid na ang mga braso,lumaban,ako dahil mahal kita.

Maghihintay ako

Kahit ilang araw o buwan ang lumipas,wala ka sa tabi akoy narito palagi, ang makita kang masaya,
Ang ngiti, sa yong mga labi ay sapat na upang akoy maghintay.
Ang mga bulak **** kamay na nagaayang lumapit, saakin habang nakatitig ako sa bawat pagpikit, ng iyong mga mata na nagsasabing kumapit.

Nagsisimula palang ang paglalakbay,
Pagpasok, sa ibat ibang hamon mo,
Pagsuko,takot?
Hindi yan ang sagot sa tanong na inaantay,sa tanong na matagal ko ng hinihintay,ang sagot.

Mangangako ako sayo pero mangako karin saken

Pangakong hindi ako mananakit ,pero mangako kang hindi mo ako ipagpapalit.

Pangako kong ang pagpili mo saken ay hindi mo pagsisisihan, atipangako **** hindi mo ko isasama sayong pagpipilian.

Pangako kong hindi lahat ng oras mo ay aking kukunin,pero ipangako **** mag lalaan ka ng attention para saken.

Pangako kong walang iba kungdi ikaw,at ipangako **** di ka bibitaw.

Pangakong magiging importante ka para saken,pero ipangako **** hindi mo ako paaasahin.

Na ang pangako ko ay hindi basta pangako,na ang pangako ko ay handang maglakbay, na maging alalay na laging nakasunod,
Sa ikatakda na ikay maging handa,
Maghihintay ako,pangako.
Camille Avila Mar 2016
Lulubog ang araw
Maaalala kang muli
Alaala natin'y babalik
Na para bang kahapon lang lahat ng nangyari.

Habang nakatitig sa langit,
Sa buwan at bituin
Ika'y andito sa puso't isipan
hindi na maalis

Sa bawat oras na lumilipas
Lungkot saya ang nararamdaman
Ngingiti, Luluha
Dahil sa alaala nang nakaraan

At sa paglitaw ng Araw
Panandalian kang makakalimutan
Ngunit sa muling paglubog nito
Andito ka ulit, sa puso't isipan.
alvin guanlao Oct 2010
Gumising ng maaga para sa pagsusulit
sinumpa ang pagpupuyat at hindi na uulit
sa tabi ng kalye ako'y nagaabang ng jeep na masasakyan
isang istudyante lang po, bicutan bababa kaya sais lang yan

sa pagbagtas ng hari ng kalsada sa daan
papalapit sa simbahan at huminto ng marahan
isang babaeng grasa  sa jeep ay sumampa
sa sobrang payat daig pa ang isang batang lampa

mata'y nanlilisik at nagsusumiksik sa gilid
sa utak ay may pitik ng takot at kwentong nakakaantig
dumi sa katawan hindi mawari kung sinong nagpahid
o babaeng grasa sa akin ngayon siya'y nakatitig

hindi natuwa ang piloto ng sasakyan
minura ang babae sabay dampot ng kawayan
sa tanranta ng babae, di alam ang kalalagyan
isang mabilis na habulan!, isang matinding awayan!

sinambit ng maruming labi ang bawal na salita
mapanghamon ang babaeng grasa, tila nagbanta
walang laban sa piloto parang gulay na lanta
may pagmura sa pagbaba, sabay banat ng isang kanta

ang istorya sa jeep para sa akin ay tapos na
kalbaryo ng babaeng grasa patuloy na naguumpisa
wala sa katinuan, di nawawalan ng gana
pagtahak sa magulong buhay siya ay nagiisa

babaeng grasa
may babaeng grasa sa bawat isa sa atin
cleo Oct 2015
Akoy naglalakad sa pulang tela,
May naka palibot na bulakalak,
Sa gilid ay may kandila,
May mga upuan  na kulay pula,
May mga batanng naglalakad na sa akiy nangunguna,

Isang batang lalaki ang aking nakita,
May dalang singsing ang aking hinala,
Akoy maraming kasama at silay nakaayos na,
May lalaking nakabarong na tila may hinihintay pa.

Teka ako ata'y nahuli na sa byahe nila "bakit ako nalang magisa?",
Akoy namangha silay nakatitig na,
Mga mata'y   nanghihila ,
Kayat paa ko'y humakbang na.

Tila nakaramdam ako na di makahinga,
Ako'y nakaputi at may mahabang tela,
May hawak na bulaklak,
May nakatabon sa mukha.

Ayan na ako'y malapit na sa altar na aking pinipilit makuha,
Natigil ang mundo ko ng may magsalita "You may now kiss the bride" daw ang aking hinala.
Akoy nagulat pagkat ako'y may kaharap,
Papalapit ang mga labi na sa aki'y nangungusap,

Ngunit may biglang tumawag "Cleo, ika'y gumising na't mag almusal,
Buti nalang at ako'y nagising at natigil ang KASAL.
#kasal(wedding)#panaginip (dream)
Kurt De Castro Dec 2015
alas dos na ng umaga
noong niyaya mo akong sumayaw sa gitna ng Maginhawa
kakagaling lang natin sa gig ng paborito nating banda
ilang beses akong tumanggi dahil alam kong ‘di ako marunong
pero wala akong nagawa nang hinila mo ang aking kamay
at nang dalhin mo ako sa kalagitnaan ng kalsada

kinabahan ako dahil baka may mga sasakyang parating
ngunit noong nagtagpo ang mga puwang ng ating kamay
at nang mapahawak sa iyong baywang
lahat ng makamundong pakiramdam ay naglaho

bumalik sa akin ang alaala ng junior prom, walong taon na ang nakaraan
nakaukit nang malalim sa aking alaala ang gabing iyon
dahan dahang umiindak at nakikisabay
sa galaw ng mga nakapaligid sa atin
at sa mahinhin na kumpas ng tugtugin ng banda
habang nakatitig sa kisap ng iyong mga mata
at nakasalang tayo sa pagsayaw ng samu’t saring kulay ng ilaw
sinabi kong mahal na kita
ngumiti ka, natawa, at kinikilig na sumagot:
“mahal din kita”

saka babalik ang anino nating dalawa habang nasa gitna ng kalsada
ikaw, ako, at ang naninilaw na liwanag mula sa iilang poste ng ilaw
hindi kayang bigyan ng hutisya ng mga salita
ang ganda mo noong gabing iyon
suot mo ang paborito **** kamisa at ang kupas **** pantalon
may kumot ng pawis ang iyong noo, magulo ang buhok, at magaan ang ulo dahil nakainom

ang labi **** mapula
ang kutis **** marmol
ang maamo **** tawa
at ang mga mata **** matingkad
lahat ng iyon sa ilalim ng mga tala
habang sumasayaw sa gitna ng kalsada
walang tugtog, walang inaalintana

naaalala mo pa ba noong nagpasya tayong magpakasal?
matagal na kasi nating alam na may sakit ka
at alam nating ‘di tayo mag tatagal
pero noong gabing iyong mo lang sinabi na isang buwan ka na lang pala

ang ngiti mo’y tumiwarik at napawi
gaya ng mga plano ko sana para sa ating dalawa
nahulog ang lahat pati ang mga talang kaninang lang ay nanonood sa atin
habang dahan dahang tayong sumayaw
dahan dahan ding gumuho ang mundo ko

ang mga nalalabi **** araw ay sa isa’t isa inaksaya
walang segundong hindi ka kasama
pinanood muli ang mga paborito nating pelikula
habang nakaratay sa kama
pinagusapan natin ang ating nakaraan at ang sanang kinabukasan  

hindi ako nahirapang tanggapin na mawawala ka na
sa halip, naging kalbaryo sa akin ang panoorin kang manghina
naging matamlay ka at nawalan ng sigla
dahan dahang nawala ang lakas ng iyong katawan
dahan dahang nawala ang pula ng iyong labi
at dahan dahang nawala ang tingkad ng iyong mga mata

pero sa kabila ng lahat, ngayon ka pinakamaganda
habang tahimik na nakahiga at nakahimlay nang payapa
dahan dahang pumapatak ang luha
sa salamin ng kabaong namamagitan sa ating dalawa
kailan kaya tayo muling magkikita?

tatanggi ako kasi alam kong ‘di ako marunong
pero, kailan kaya kita muling maisasayaw?
CulinViesca May 2017
Hindi ko inasahan
Na ako'y mahuhulog sayo,
Na dati wala akong pake sayo
Na dati hindi kita gusto.

Kumbaga ako ang umaga at ikaw ang gabi
Na kahit kailan hindi pwedeng mapag isa,
pero nagkamali ako.

Pinilit kong hindi mahulog sayo
sa takot na hindi mo pagsalo,
Pinigilan ko ang nararmadaman ko
na akala ko'y may ibang nagmamahal sayo,
Na akala ko'y may iba kang gusto.

Pero ikaw na mismo nagbigay ng motibo
nung araw na inamin mo ang nararamdaman mo.

Nung inamin mo na ako'y mahal mo
bumilis tibok ng puso ko
nung sinabi mo,
ang salitang iyon.

Tumahimik ang paligid
na tanging tibok
ng puso ang aking naririnig.

Ang paglapat ng iyong labi
tila ba'y ang mundo
ay sanadaling tumigil.

Hindi ako makahinga na
para bang nawalan
ng hangin ang paligid.

Ang aking bibig parang napipi
dahil niisang salita hindi masabi,
Ang aking mata sayo'y nakatitig
Ramdam ko ang pamumula ng
aking pisngi na dahilan ng iyong pagngiti.

Na ngayon ikaw ang alon na
sumasalubong saaking mga paa,
ikaw ang araw sa aking umaga
ikaw ang buwan sa aking gabi,
ikaw dahilan ng pagngiti.

Ang takot napalitan ng pagasa
ang lungkot napalitan ng saya,
hindi inaasahan na ako'y mas mahulog na pala,
at sinabi din ang salitang MAHAL DIN KITA.
#CLN#DyLein
kingjay Dec 2018
Nang mahimasmasan bumulagta ulit
Ang sampal ng ipu-ipo ay kay lupit
Nilulupig ang ungas,walang patawad
ni mangmang hinahatak at saka ibabagsak

Ang diablo ay nasa parabola
nakatitig sa sentro ng pinangyarihan
mangyari na maligaw sa mga pahina
didiretso sa rurok ng bundok na mapanlinlang

Huling sigaw ng mga nilalang
matubos ang kanilang kasalanan
Iba'y kumakapit sa sungay
may buntot ng unggoy
at dila ng ahas

Talangguhit ng kahihinatnan sa katapusan ng siglo
Ang panambitan sa huling liriko
Di matapos-tapos na pag-iiling
Ang pagsimangot ay pansapin

Dahil sa panimdim, ang kwaderno'y pinuno
Makapal ang kaliskis ng sakob nito
Mga taludtod na nagpupumiglas
ang dinidikta ng saloobin
Sy Lilang Jul 2016
"Tao po?"* unang beses akong naglakas ng loob,
Pero walang kibo ang nahihimbig na bantay.
Kinakatok ko gamit ang barya ang kahoy na bintana,
May rehas na yari sa metal pero madali namang masira.

"Tao po?" pangalawang pagsuyo
Habang pinagmamasdan ang dekorete sa bawat sulok,
Pero tila ba walang pakikisama ang may-ari,
Kaya't naisipan ko na lamang ibulsa ang pambili.

Halos maka-dalawang hakbang na ako
Nang bigla kong narinig ang kakaiba nyang tono,
"Ano yun?" magaspang ang boses niya
Kaya't napalingon akong bigla't niyari ang sarili pabalik.

Kinapa ko ang bulsa at kinuha ang barya,
At tinuro ang nakabalot na pangarap.
Dali-dali ko itong binulsa habang panakaw ang tingin.
Hanggang napansin niyang nakatitig ako.

Apat na hakbang buhat sa bintana ng pagsusuyuan,
Tinawag niya ako, pero hindi ko sya pinansin.
Puno ng kaba ang puso ko,
At kakaiba ang daing ng pag-iisip ko
Buhat sa pagtawag niya sa akin,
Hindi ko rin makalimutan
Ang malamlam niyang mga matang
Parang may nais ipahiwatig.

Sa pag-uwi ko,
Napatingin ako sa sariling repleksyon
At doon ko napagtagpi-tagpi ang lahat,
*"Nakakahiya, may tagos pala ako."
Tungkol sana ito sa pag-ibig pero habang sinusulat ko na, iba ang naging timpla ng eksena. Medyo nakakatawa. Isang akda para sa mga kababaihang magigiting sa kabila ng kanilang kabuwanang dalaw.

Bayani ang bawat dilag pagkat bahagi ito ng ating pagkatao.
sugarhoneyseyy Sep 2017
nakahiga ka sa aking kandungan, maraming tao ang nandoon at nagsasalita ngunit nakapako lang aking paningin sa iyo nang bigla kang nagtanong...

"Ano ba ang nagustuhan mo sa akin?" nakatitig ka sakin at hinihintay mo ang sagot ko sa tanong mo pero wala akong balak sagutin ang tanong mo kasi miski ako di ko rin alam ang sagot...

Nagising na lang ako na gusto na kita, walang dahilan kung bakit kita nagustuhan

Siguro nga, tama ang sinasabi ng karamihan "magigising ka na lang na mahal mo na siya"
sorry, kung medyo magulo hehe
Mel-VS-the-World Sep 2017
Gabi.

Nang una kitang makita.
Ikaw yung matingkad at nagniningning sa madilim na parte.
Sa may kubo.
Nakaupo.
Ikaw, alak, at sigarilyo.

Lumapit ako.
Dahan-dahan, para malaman kung alin at ano.
Kung bakit nga ba sa dinami-dami ng tao,
Bakit sa’yo ako dumiretso.

Gabi.

Ikaw ang unang nag-salita.
Ngumiti lang ako, habang nakatitig sa’yo.
Tila may kabog sa dibdib.
Hindi maipaliwanag ng bibig.

Tinanong mo ako kung naniniwala ba ako sa diyos.
Sagot ko ay hindi.

“So, atheist ka?”
Tanong mo na may halong pag-dududa.
Sinagot kita. Sabi ko, oo.

“Tayo na ba?”
Ngumiti ka at tumawa.

“Sige.”
Biro-biruan lang.
Walang palitan ng “mahal kita.”
Nag-palitan lang tayo ng numero.
Sabay sabi “nandito lang kung sakaling kailangan mo ako.”

Lumipas ang ilang araw.
Hindi na tayo nagkita.
Minsan, nag-uusap sa telepono
Madalas, hindi kumikibo.

Minsan, magpaparamdam.
Madalas, parang wala lang.

Minsan, nariyan lang.
Madalas, wala lang.

Gabi.

Nang tayo’y muling magkita.
Sa harap ng bahay.
Sa may kalsada.
Nag-usap ang ating mga mata.
Ikaw, alak, at sigarilyo.

Tanda ko pa non, magpapasko yun. Laseng na ako.
Madaling araw na, tara sa dagat, ligo tayo.
Mga alas tres na yun.

Tapos nag-inom ulit tayo dun.
Sa likod ng pick-up truck.
Sa bote na ng Jim Beam deretso ang inom.
Walang chaser.
Kasi wala namang habulan.
Hindi naman tayo naghahabulan.

Gabi.

Pang-ilang ulit na ba?
Akala ko biro lang,
Akala ko lang pala.

Yung joke time, tila nagiging seryoso na.
Natatakot ako baka bigla na lang ‘tong mawala.

Pero sa t’wing magkasama na,
Lahat ng problema’y nalilimutan bigla.
Kita ko ang ngiti sa mga mata mo.
Madilim man ang paligid,
Maliwanag naman sa piling mo.

Gabi.

Hindi ko alam kung saan magsisimula,
Kung ano ba ang dapat sabihin,
Yung tama lang at hindi makakasakit ng damdamin,

Pero bago natin tuldukan,
Bakit hindi muna natin simulan sa kama,
Kung ang ending ba natin ay parang sa pelikula,
Yung masaya o tulad din ng iba, yung hindi pinagpala.

Pero maaga pa ang gabi,
Hayaan **** mahalin kita ng lubos kahit sandali,
Pati ang mga galos at sugat mo,
Yayapusin ko hanggang sa maghilom at mawala ang sakit,
Dahil kung may pusong mabibigo, 

Gusto ko yung hindi sa’yo.

Kay hayaan na lang muna siguro natin na gan’to,
Pag-sapit naman ng gabi,
Ikaw pa rin ang uuwian ko.
Ten Aug 2017
Hindi, Hindi ko alam kung bakit ako nakatayo sa harap ng madla
Hindi ko alam kung bakit ako gumawa ng tula  
Pero sige magsisinungaling  pa ako, magsinungaling pa ako hangga't mapaniwala ko ang lahat maski ang sarili ko
Magsisinungaling pa ako hangga't maputol na ang dila ko sa kasalanang ginagawa nito

Itatangi ko sa lahat na sumali ako dito upang mailabas lahat ng hinanakit ko
Itatangi ko sa lahat na napudpud ang lapis ko habang binubuo ang tulang ito
Itatangi ko sa lahat na ilang papel ang nasayang ko sapagkat nabasa lamang ito ng luhang dahilan ng pagngiti mo
At magsisinungaling at magsisinungaling pa ako hangga't makita na ng lahat ang salitang 'SISI' sa ginagawa kong pagsisinungaling

Hindi ko sinasabing nagsisisi ako dahil minahal kita sinasabi ko lamang nagsisisi akong naniwala ako sa malakas na ulan
Hindi ko sinasabing nagsisisi ako dahil nakilala kita sinasabi ko lamang nagsisisi ako dahil nagpatangay ako sa malakas na hanging habagat
Hindi ko sinasabing nagsisisi ako sa paglapit mo sinasabi ko lamang nagsisisi akong lumingon ako sa bintana
Ngunit mahal kahit kailan hindi ko itatanging nagsisisi akong Umasa ako sa akala ko'y Ulang magtatagal ayun pala'y dumaan lamang

Masakit sa pakiramdam maalala ang paghila mo sa aking kamay sabay sabing "halika at magtampisaw tayo" Habang bumubuhos ang malakas na ulan suot pa natin ang uniporme nating dalawa
Naririnig ko ang halakhak mo Habang masayang tumatalon dinadama ang mumunting butil ng ulan

Samantalang ako'y nakatingin sa kamay nating magkahugpo at sa hindi inaasahang pagkakataon nabanggit sa harapan mo ang katagang nakakubli sa aking puso
"Mahal Kita" ngunit ngiti lamang ang sinukli mo
"Mahal Kita" ngunit yakap lamang ang ginanti mo
"Mahal kita" ngunit ang sinabi mo lamang ay "halika umuwi na tayo"

Lumipas ang mga araw at narinig ko nanaman ang halakhak mo
Nilusong ko ang malakas na ulan upang mahawakan mo ulit ang kamay ko
Habang masaya kang lumulundag sinasalo ang butil ng ulan na siyang pumapatak sa mukha mo
Ngunit mahal nadurog ako ng makita kita sa ulan,

Nadurog ako sapagkat kamay ng iba ang hawak mo ngunit hindi katulad ng saatin nakatitig ka sa mata niya habang dinadama ang ulan
"Mahal kita" nginitian mo siya
"Mahal kita" inakap mo siya
"Mahal kita" ngunit sinabi **** "Mahal din kita"

Tumigil ang ulan ngunit hindi ang pagdurugo ko
Nilisan ko ang lugar kung saan nabasa ako
Umuwi ako sa bahay inaapoy ng lagnat at tinanong ni Nanay "bakit hindi nasuspinde?"

Tinitigan ko siya ng diretso sa mata sabay sabing
"Daang ulan lang naman daw po"
Oo tama!, daan lamang malakas ngunit hindi magtatagal
malakas ngunit nakakapinsala
Daan lamang pala

Sana hindi na lang ako nagpahila
Sana hindi na lang ako umasa
At sana pala'y nagdala ako ng payong nang sa gayon ay hindi na ako namomroblema kung paano maiiwasan ang patak nitong malakas na ulan
My first ever piece of Filipino Spoken Word Poetry
Anonymous Jan 2017
Apatnapu't limang minuto makalipas ang alas-dose. Umaga na naman -- umaga na naman pipikit ang mga mata kong kasingbigat na ng ulap na napuno ng tubig mula sa lupa at dagat. Mapungay at napapaluha dulot ng pasakit na hatid ng walang sawang sulatin, babasahin, at kung anu-ano pang mga dapat tapusin.

Mga labi kong medyo nakabuka na marahil akala nila'y tapos na ang lahat ng gawain kaya namamahinga. At muli silang sasara, kasingbilis ng motorsiklong humaharurot sa labasan na parang nakikipagkarera, kapag naiisip na malayo pa ako sa pagtuldok sa katapusan.

Tumatabingi na ang mundo. Ay, mali, ulo ko lang pala na napapahiga na sa aking kanang balikat tila may sariling isip at ginugusto nang humiga sa kama -- akala niya rin siguro'y matatapos na sa pagsusulat at pagbabasa ngunit sadyang nagkakamali siya.

Tak. Tak. Tak.
Tak. Tak. Tak.

Tunog na ginagawa ng aking mga daliri na kay bagal nang bumaba para pindutin ang mga letra sa aking kompyuter. Suko na raw sila at nasasabik na silang muling mayakap ang malalambot na unan na nag-aantay sa kanila.

Tak. Tak. Tak.
Tak. Tak. Tak.

Tunog na lang ng pagbagsak ng aking mga daliri sa bawat letra ng aking laptop ang pumapasok sa aking utak. Ilang minuto na nakatitig sa iisang pahina...

Sa iisang talata...
Sa iisang pangungusap...
Sa iisang letra...

Blag!
Kasi nga antok na ako.
Ang tunog ng katahimikan ay malalim
Sabay ng kumpas ng malamig na hangin
Kasama ka, tayo'y nakahiga sa buhangin
At nakatitig lamang sa mga tala sa dilim

Di ko napansin, ang aking damdamin
Parang tala na nahulog mula sa langit
Ako'y nalunod, sa agos ng iyong tingin
Sa lalim ng iyong kalikasang marikit

Nilamon ako ng mga bituin at langit
Katulad ng pagkalunod ko sa iyo
Di makahinga, pilit kumakapit
Ang nahihirapan kong puso

Sa mapait na katotohanang
Hindi ka magiging akin
Dahil ikaw ay isang bituin
At ako ay hamak na tao lamang
Isang tao na hanggang tingin lang
kingjay Jan 2019
Bago iusal ang pangangamusta,
Pusang itim ay biglang lumukso sa harapan
Anu-ano na lang ang mga sapantaha
pero patuloy pa rin sa pag-uusap
Kanyang problema'y nalaman
Takdang-aralin na sa kanya'y palaisipan

Nalutas at nabigyan ng kasagutan
Ngunit nagtaka, sa tuwing magkakabanggaan ang mga tingin ay laging napapangiti
Sa pag-unat ng kanyang labi ay nagiging kulay makopa
Kung alam na sana ang gagawin ay di na sana nagpabaya

Matagal nagkwentuhan
Ngunit nang sinabi na sa siyudad ipagpatuloy ang pag-aaral ng abogasya ay natuldukan ang pag-iipon ng lakas ng loob upang magtapat

Sumungaw pa rin sa bibig
kung ano ang ibig
Ngunit dinaan sa biro sa pagsabi na maghihintay pa rin
Mukha niya'y seryoso nang magsalita, na sana ang minamahal ay magpakatotoo sa kanya

Hindi na umimik sapagkat mayroon ng lalaking-ibig
Di pa umaalis ang mata niyang nakatitig
Niyapos nang mahigpit at nagwika na ipangako na maghihintay sa kanyang pagbabalik
Naipangako naman na hihintayin
Eugene May 2018
Tuwing sasapit ang araw na ito,
Umiiyak ang puso ko dahil sa iyo.
Nalulungkot, nangungulila sa isang tulad mo
na magpa-hanggang ngayon ay wala ka na sa tabi ko.

Lagi akong nakatitig sa kawalan
Bigla na lamang tutulo ang mga luha at luhaan,
Paano ko ba ito maiibsan
kung pati libingan mo ay hindi ko rin malapit-lapitan?

Nais ko lamang sabihin sa iyo
na kahit tahimik pa rin ang mundo sa puso ko,
walang ibang makakapantay sa pagmamahal na inalay mo
dahil bukod-tangi ka dito sa tumitibok kong puso.

Hindi ko alam kung saan dadalhin ng puso ko ang kalungkutang ito
Pero alam ko sa puso kong nananabik at mananabik pa rin ako.
Hintayin mo ang pagbisita ko dahil gagawa ako ng paraan upang sabihin sa iyo,
Na mahal na mahal kita, mahal na ina ko.
HAN Oct 2018
"Posible ba? Posible bang makalimutan ang iyong ngalan?
Kahit na hanggang ngayon ikaw pa rin ang naalala pag nakatitig sa buwan

Posible ba? Posible bang tumibok pa rin ang puso pag nakita ulit ang iyong larawan
kahit  ilang buwan kitang hindi nasisilayan?

Posible pa na mag karoon ng ngiti sa aking mga labi
at mga problema'y mapawi dahil nasilayan kitang muli.

Posible bang mahal mo pa rin ako?
Kahit nasaktan ko ang tulad mo?

Posible ba ang lahat ng ito?
O guni-guni ko na naman ito.

Posible bang malimutan ang iyong ngalan kung ikaw palagi ang nasa isipan.

Posible bang hindi na tumibok ang aking puso para sayo kung ikaw lang laging sinisigaw nito?

Posible bang hindi ako mapangiti pag nasisilayan ko ang iyong mga labi?

Posible bang mahal mo pa rin ako
kahit may kasama ka ng iba.

Posible bang malimutan mo na ang aking ngalan dahil sa kanya  na ang iyong natatandaan
at sya na rin ang iyong kasama upang titigan ang buwan.

Posible bang mahal mo pa rin ako kahit sya na ang sanhi ng ngiti sa iyong mga labi.

Posible ba? Posible bang mahal mo pa rin ako. Baka may konting puwang pa riyan na pinagkukublian ang aking ngalan.

Dahil yung sa akin. Ikaw ang parin ang buong nilalaman." -HAN
Pluma Feb 2018
Pumarito sa aking tabi kung saan ang mga salita ay hindi laging kakailanganin,
Batid ang 'yong mga hinaing at hinagpis ngunit hindi na kailangang sabihin.

Dito na lang kung saan sasapat ang pagdausdos ng ating mga palad, higit na ang pagsulyap sa mga mata **** iba ang tinatangan,
Dito kung saan hindi kailangang magpaliwanag -- kahit hindi naiintindihan ay mamahalin ka sa paraang nararapat bagama't lingid sa'yo.

Pumarito na lamang kung saan ang bawat paghinga'y tulang ikinukubli ang hapdi, kirot, at sakit,
Mga agam-agam at handusay ng lumbay.

Sino nagsabing hindi ka maaaring ibigin mula sa kalayuan? Kalokohan.

At kung sa wakas ay matunton mo ang daan patungo rito,
Sana'y manatili ka.

Manatili tulad ng pananatili ko sa walang kasiguraduhan,
Manatili na parang aking mga mata sa tuwing nakatitig sa'yo na tulala sa kawalan, sa kanya,
Manatili ka sana,
Manatili kahit panandalian.

Kung sasapit ang unos at nanaisin **** lumisan, ang dagliang pagbitiw ay hindi maipapangako ngunit hindi kita pipigilan,
Sapat sa akin ang pinagtagpi-tagping kapos at maikling panahon, ang mga nakaw na sandali ng kahapon, ang pakikipaglaro sa tadhana na kunwari, ikaw na talaga.

Sapat sa akin ang pumarito,
Sa pagdausdos ng mga palad mo sa mga palad ko,
Kung saan ang mga salita ay hindi na kakailanganin,
Dito sa walang akin.
kahel Feb 5
sa araw-araw na pagpapaalala ko sa kanya
hindi ko nakakalimutan sabihin ang mga linyang ‘to: “ikaw ang pahinga ko”

pahinga ko pagtapos ng mahabang araw makipagsapalaran sa buhay at para makahabol sa liga
pahinga ko habang naglalakbay mula timog hanggang hilaga
pahinga ko upang mapaalala na ang bawat pagkakataon na makasama siya ay mahalaga
pahinga ko dahil napapakalma niya puso’t isipan ko nang walang bahala

sa araw-araw na pagpapaalala ko sa kanya,
na siya ang pahinga ko,
ako pala yung unang kakapusin ng hininga,
boses ko’y di na madinig sa sobrang hina,
mag-isa tuwing gabi at ang tanging katabi ay pangamba,
habang nakatitig sa sapot sa kisame na gawa ng gagamba


ngayon,
napagtanto ko na sa mga panahong kinailangan ko siya para maging kalakasan ko,
siya din pala ang magiging dahilan ng kahinaan ko

sa araw-araw na pagpapaalala ko sa kanya,
na siya ang pahinga ko,
hindi ko namalayan na pa kunti-konti na akong hinihingal,
bumabagal,
na-uutal,
umaangal,
nawawalan ng tamang asal,
nakakalimutan ko na nga din ata mag-dasal.


nakakapagod din pala ‘no?
magpaalala palagi,
kahit na hindi ka maalala,
kaya pahinga muna ako,
kahit ngayon lang,
hihiga muna magpapahinga upang makahinga.
nakakapagod, mapagod.
Rhon Epino Apr 2018
Buwan ang nakatitig saakin
Yakap ang lamig ng hangin
Kandong ng puting buhangin
Tangay ng alon ang damdamin

Ramdam ang pag iisa
Gabing walang kasama
Dala ang mga alaala
At tanging mga alaala

Naghangad at nag asam
Umasang aakayin ng lumbay
Papawiin ng daluyong
Ang pusong napagod maghintay

Naglakbay ang mga mata
Naghanap ng makakasama
Ngunit isang pagkakamali pala
Ang libutin ang dilim na nag iisa

Mas lalong sumidhi ang inggit at pag aasam
Pagtingala'y tala ay ngumiti sa mga ulap
Paglingo'y lupa ang yakap ng dagat
Lumuha, sapagkat, halik ang dampi ng liwanag ng buwan sa dilim ng gabi
Sabay sa pagpatak ng ulan
Ang pagpatak ng luha
Sumigaw ng walang pag aalinlangan
Sabay sa paghampas ng mga alon sa dalampasigan

Tumayo't inihampas ang galit na kamao
Sabay sa pagbato
Ng mga tanong, kung ano at paano
Paanong lahat ay nagbago

Binuhay ng lamig ng ulan
Alaalang matagal nang humimlay
Alaalang akala'y patay
Ngunit nahimbing lang pala ng lumbay

Sumariwa ang mga alaala
Magmula ng unang magkita
Hanggang sa patapos na
Hanggang matapos na

Isang halik mula sa kinatatayuan mismo
Isang halik na nakapagpabago
Ng ayoko muna sa salitang oo
Isang halik kung paanong naging tayo

Isang halik na bumuhay sa buong pagkatao
Ay s'ya rin palang papatay sa kanyang mundo
Dahil ibang tao na ang pumawi
Sa tuyo nyang mga labi

Tumangis.
Inihakbang ang mga paa patugo sa nagngangalit na alon
Lulubog at di na muling aahon.

En el mar me encontrarás
Sa dagat mo ako matatagpuan.
masakit kapag sila na lang yung dating kayo
meliza Jan 7
m a h i l i g  a k o
sa mga bituin
sa malamig na hangin
sa matamis na awitin
kay sarap dinggin
       lalo kung para sa 'kin.

n g u n i t  m a s  h i l i g  k o
mga mata **** tila bituin
mga mapungay na tingin
tuwing nakatitig sa akin
(para 'kong tutumba sa hangin--)
       ikaw at ikaw pa rin.

t u l a d  n a  l a n g  n g  h i l i g  k o
sa mga bagay na hinihiling
mga bagay na 'di para sa 'kin ang alamin
bagay na nararapat lang sa dalangin
mga bagay na maaari lang hingin
       pero hindi kailanman angkinin.
trying to rekindle my passion for writing.
markteestry Jun 2018
Time check
Anung oras na ba?
Pakshet. Nakaupo ka nanaman ba?
O nakahiga na saiyong kama
Nakatitig sa kwadradong gawa ng teknolohiya
Nakaabang, Naghihintay sa pag sapit ng umaga
Sa panibagong simula
Panibagong bukas na ibibigay ni bathala.
Faye Feb 21
Sa mundong maraming tukso
Handa na ba ang puso mo para dito?
Mga kalokohan na nauwi sa tuksuhan
Tuksuhan na nagkagusto sayo ng tuluyan.

Pinipigilan ang damdamin
Na tila ba lumalalim
Inuukit sa langit
Mukha **** mapang akit.

Haplos at yakap na naramdaman
Sa isip ay hindi makalimutan
Pag-iwas sa iyo ako'y nahihirapan
Mahal, kaya ba natin ito kalimutan?

Matang mapungay sa akin nakatitig
Mapulang labi mo'y nakakatuksong humalik
Buhok na kasing bango ng mga rosas
Boses **** parang anghel ang katumbas.

Mga braso mo kaysarap hagkan
Kamay mo na kaysarap hawakan
Mahigpit na yakap na sayo lang naramdaman
Nararamdaman na sana wala ng katapusan.

Pero tama na, mahal. Tama na 'to. Tigil na tayo
Burahin ang mga alaala na nabuo pareho
Kalimutan ang nararamdan at pangako
Sa mundong mapanghusga at puno ng tukso.

— The End —