Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Paulit - ulit na sinasambit ang salitang mahal kita
Hindi ko na alam kung pareho pa ba ng nadarama
Dahil tila ika'y nanlalamig na
Maari ko bang itanong kung meron nang iba?

Handa naman akong palayain ka
Ayoko nang maramdamang di na ako ang mahalaga
Kaya naman kitang makitang masaya sa iba
Ngunit iyo na rin sanang palayain ang puso kong pagod na
Para sa mga taong handa nang lumaya
Habang pinagmamasdan mga tala sa kalangitan
Iniisip kung ako pa rin ba ang laman ng iyong puso't isipan
Ni hindi mo na ako magawang tingnan
Ikaw pa ba ang aking unang minahal?

Sana'y sabihin nalang ang tunay na nararamdaman
Kung ako pa ba ang iyong minamahal
Nang magawa ng palayain pusong nasasaktan
At pag nangyari iyon ay wala ka ng mababalikan
Para sa mga taong kinalimutan
At handa nang lumaya sa sakit ng kasalukuyan
eyna Mar 2018
Isang manunulat,
Isang panulat,
Humanda para sa gyera,
Ito ay labanan gamit ang mga letra.

Hindi papaawat,
Nakahandang sumisid sa dagat,
Walang pakialam sa kahahantungan,
Buhay ay ilalaan.

Lilikha na mga kataga,
Panigurado itong maiiwan sa puso ng madla,
Ano nga ba ang pakay?
Alisin sainyong mata ang tamlay!

Uubusin ang bawat salita,
Na posibleng tumugma,
Sa sakit,
Pait,
Galit,
Hinanakit,
Ng bawat taong sa rehas ay nakapiit.

Isang manunulat,
Isang panulat,
Humanda para sa paglaya,
Huwag hahayaang muling tumulo ang mga luha.
Ito ay para sa mga tao/manunulat na nais kumawala sa pagkakabihag mula sa kalungkutan.

— The End —