Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"lagusan" poems
Ang iyong mga mata’y lagusan ng liwayway Sa kulimlim na bagtasin ng aba kong buhay At ang iyong labi na sintingkad ng rosas Ay ang tanghali ko sa mga gabing ayaw mag wakas Ang durado **** buhok ay ang gintuang palay Sa kaparangan ng puso kong hindi mapalagay Ang ngiti mo ay binhi ng halaman sa kalangitan Na sumisibol unti-unti sa mundo kong ‘di  na nadidiligan Sa piling mo sana ang pinapangarap kong daigdig Ituturing kong alapaap ang mahimlay ka sa aking bisig Ngunit tulad din ng mga kwentong itinago ng kasaysayan Maaaring ikaw at ako, Ay kwentong ako na lang ang makaka-alam Mapaglarong tadhana ay dito ako inilagay Sa digmaang hindi ko kayang magtagumpay Sa tunggaliang ang kalaban ko’y ako Sa pag-ibig na hindi ko maipag tapat sa'yo *Palihim kitang sinusuyo Kaya’t palihim din akong nabibigo Patago akong lumalaban Kaya’t patago din akong nasasaktan* Kung iadya man ng panahon na dito ka maligaw Sa tulang habang panahon na ang laman ay laging ikaw Ito pa rin ang mga sandaling ako'y alipin mo Ito pa rin ang mga sandaling hawak mo ang aking mundo © 2018 Glen Castillo All Rights Reserved.
0
Jul 29, 2018
Jul 29, 2018 at 2:12 PM UTC
Zet
O, ang daang aking tinahak ay unti-unting kumikitid, Ang daluyan ng hangin sa paghinga ay sumisikip. Ang paningin ay nahati sa dalawang lagusan, Isang madilim na madali, isang mahirap na naliliwanagan. Ano ang pipiliin? Ano ang susundin? Ang bulong ng isip? O ang tibok ng damdamin? Ang landas na inakalang magdadala sa tagumpay, Lulan ng isang bangkang inaalon sa karimlan. Tinahak ang karagatan ng apoy na nagliliyab, Nagsaya, nagpakasasa, nagsilbing ulap sa kawalan. Ang daang binalewala ay bumubulong ng salita, "Bumalik ka, pumarito ka, tutulungan kita". Pilit na sumisiksik sa masikip na lagayan, Ang katotohanang wala kang paroroonan. Ikaw na ninais ang siyang iginapos, Ng aking katauhan sa pusong naghihikahos. Sa pagdama ng kasiyahang ikaw lamang ang magbibigay, Aking tinalikuran pag-asang hinihintay. Ang lahat ay tinalikuran, itinapon sa kawalan, Upang makapiling ka sa matatamasang kaligayahan. Subalit matapos ang gabi ng panaginip, Ako ay nagising ang kasuota'y lagunit. Ang lalamunan ay wasak, ang mata ay mapula, Sa aking paglabas, kinatatakutan nila. Sa aking paglalakad sa mundong umiikot, Mga mata'y nagsasabi na ako ay nakalimot. Nang mapadpad ako sa kuwadradong silid, Ay nanlaki, nagulat, sa sarili nakatitig. "Sino ka?" "Sino siya?"Aking pagsusumigaw, Nilisan ng katinuan, ang kaluluwa'y inagaw. Nagpatiluhod at doon ay nagnilay, Ako'y patay na, sinayang ang aking buhay. Isang katauhan ang nababalot sa liwanag, Nagsasabing " Bumalik ka, pumarito ka, tutulungan kita". Ang nakaabang ang kamay ako ay hinihintay, Bago pa man mahawakan ay isang dilim ang bumalot, Sa likod ng aking isipan, sa harap ko ay may inabot. Supot na naglalaman ng buhanging Kristal, Kristal na nagpapasaya at wawasak ng ligaya. Kukunin ba kita at titikmang muli? Itatapon ba kita at sa liwanag kakapit? Ano ang gagawin ng isipang sabog, Sa sayang dulot sa pagkain ng durog?
0
Oct 26, 2018
Oct 26, 2018 at 8:57 AM UTC
Kristal

Continue reading...
48
Lupa't langit ay nakahanay Tila'y magkarugtong parang itong buhay Hindi tala sa ibabaw ang magpapailaw sa gabi o ang araw sa ibayo at silangan Dagat ng dugo, ang luha'y umaagos ang alon at ang simoy nito ay ang siphayo Lahat ng ito ay mukha ng buhay na nakalutang Ang buhangin ay hindi sa bulag Sa mga mata ito ay puwing Mga alikabok at abo ng pangarap na durog at pira-piraso Iikot ang mundo sa kandilang nakasindi Kung pagmasdan parang alitaptap Kahulugan nito'y munti sinag niyang katiting Sa tag -araw ay uulan ng mga butil na panalangin Marami gayunpaman hindi kasangguni sa panahong yaon Babagyo't babaha rin ang mga daanan at tulay Hinagpis ni Inang, hagupit ng kalikasan ay katuwang Lunurin ang pagmamahal, ang sidhi niya'y damhin Dadalhin sa sementeryo at ang lagusan nito ay walang himig Awitin sa ilalim ng kabaong nakahimlay na walang tinig
0
Dec 2, 2018
Dec 2, 2018 at 5:40 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim
Kung may bayad lang ang bawat pag-silay sa'yo Malaki na siguro ang aking pagkakautang Pag-ibig ko'y parang bangkay sa karagatan Hindi maitatago pagkat kusang lumulutang Nahulog na ang loob ko sa'yo Wala ng matatakasan na lagusan Humihingi ng pag-ibig mo Wag sana akong mapagdamutan
0
Sep 14, 2019
Sep 14, 2019 at 4:25 PM UTC
Pag-ibig
Bibigyan kita ng tula. Hindi panghuhula... kundi tula. Hindi magiging napakahaba. Hindi ka naman palabasa para iyong mabasa ang mga bagay-bagay na sumasangay kung ano ba talaga ang tunay na halaga ng tulang isusulat ko para sa utak mo na tuliro. Sa mga nabasa kong libro wala na sigurong mas magulo kaysa sa iyo na kapag hindi mo na nakuha ang iyong gusto ay bigla-bigla ka nalang babato ng mga salitang magpapaginhawa sa iyo. Pero tandaan mo bago ka pa magbigay ng mga salita mo ay marami na akong alam na salita sa diksyonaryo na sadyang binabasa ko kasi umay ako sa mga salita ng mga tao na paulit-ulit at sadyang parikit nang parikit. Hindi mo narin na kailangang pagsabihang kumain na sapagkat ako ay may isip at hindi nagpapaihip sa mga bagay na dapat na ginagawa ng taong may tamang isip. Nako. Sentido kumon mo ay naihip. Wala akong inaasahan na pag-uusap na magaganap dahil matagal ko nang tanggap na tinuring na akong mapagpanggap dahil lang sa desisyon na ninanais ko lamang ng aksyon dahil ayun ang magiging paraan kung paano gagaan ang mga bagay na ninanais **** balikan. Hindi na ako makapagbigay ng **** na lubos na kasing laki ng dati sapagkat hindi mo naman talaga kayang isantabi ang iyong mga saya. Tila nakakahiya naman sa mga salita **** dapat na malaman ko ba talaga kasi mga payo ko ay dumaan lang sa labi. Payo ko ay narinig at dumaan pero lumabas lang sa isang lagusan. Ako ay iyong narinig gamit ang tainga **** mahilig sa mga tunog na panbasag-pinggan kaya ako ay hindi napakinggan. Hindi rin naintindihan. Naging gusto kita kahit hindi naman kinakailangan. Para sa utak **** tuliro. Uulitin ko ulit para sa iyo. Hindi na kita gusto ayan ang kailangan na malaman mo. Ibaon mo sa isip mo katulad ng pagbaon mo sa galit at sakit na ipinaglalaban mo na nakakatulong sa iyo na mapaginhawa ang pakiramdam mo na sinasabi mo ngang hindi ko man naisaalang-alang kasi hinahakot ko lang ang mga kati ng mga nakalipas na hapdi at kirot. Ang pwede ko lang pala maramdaman ay ang sarili kong kurot. Pinapaligaya mo ako pero hindi kita kailangan. Hindi kita kailangan para ibahagi sa mundo kung gaano ako katalino. Hindi kita kailangan para ipakita ang mga halakhalak ko sa maraming tao. Hindi kita kailangan para malaman ko na may nakakaintindi sa akin. Pasensya na pero hindi kita kailangan.
0
Mar 2, 2017
Mar 2, 2017 at 10:10 AM UTC
Pero Hindi Kita Kailangan

91
#06092021 Ang damdamin ng poot at lambing Ay mga mekanismong humahalo sa saya Ng pusong gustong kumawala Sa diktador na sumara ng lagusan patungo sa liwanag. Hindi maipinta ang mga sandaling naging hayag Sa kung papaanong paraan ba hinabi ang sarili Sa banig ng karamdamang tumupok sa pangarap -- Sa pangarap na masilayan ang araw At madampian ng liwanag ang buo nyang pagkatao. Sa mga nanlilisik na matang mapanghusga, Tila ba ang pagkutya ay naging agahan sa malamig na umaga, At ang kapeng mainit ay binuhusan ng malamig na tubig Sa gabing walang pasabi kung lumisan na ba ang araw O nanatili itong nakatirik sa tanghaling tapat ngunit mapag-usig. Ang bawat pagtulog nang patagilid At paulit-ulit na pagbangon ay sadyang nakakasawa. Samantalang sa kanyang pagpihit sa debateryang may impormasyon, Ay naghalo ang sining ng iba't ibang kwentong Sana nga'y kanyang hayag na natatamasa. Ang mga butil buhat sa sisidlan ng kanyang liwanag Ay tila ba wala nang lalagyan pang sasalo Sa mga binasag na oras ng mapanghinang delubyo. Tila ba nagbibilang na lamang sya Ng mga yapak na walang mukha, At mga katok na nanatiling multo sa apat na sulok ng kanyang paghinga. Maging ang bawat larawan ay nagsilbing alaala na lamang Na hindi na mauulit pa kung bumukas man ang liwanag At mag-alok ito ng pagsakay Sa hamong hindi nya na maaabutan pa. Tila ba nahuli na ang pintig ng bawat kalabit sa kanyang damdamin, Tila ba ang nakikinig ay nawalan na rin ng boses sa paligid. At ang kahon na kanyang tirahan Ay pansamantalang naging palamuting Binudburan ng mga nagsasayawang bulaklak At naglalagasang mga dahong walang nagwawalis.
0
Jun 8, 2021
Jun 8, 2021 at 10:36 PM UTC
TIWALAg (Departure)

36
Magandang gabi kamahalan Dito sa aking kinatatayuan sa baba ng labindalawang palapag ng hagdanan, Ikaw ang pinaka paborito kong pagmasdan, Saan man ang iyong pinagmulan, ikaw man ay lulan ng barkong hindi pangkaraniwan, hindi ko ikakaila na ikaw ang pinakamakinang sa lahat ng bituin sa kalangitan. Ikaw ang eba at ako ang adan ng makabagong kapaligiran Hayaan **** tuksuhin tayo ng berdeng kalikasan, Akitin ng mga huni ng ibon tungo sa sarili nating kaharian. Handa akong panagutan ang ating pag iibigan, hahamakin ang lahat maibigay lang ang iyong inaasam gagawin kong mundo ang dapat tao lang, baliin natin ang daan lumiko man tayo pakanan marating lang ang kabundukan patungo sa ating tutuluyan, Ikaw ang magsisilbing kanlungan, sa nakaraang minsang pinagdalamhatian. Ikaw ang magsisilbing lagusan, sa mga pintuang tinalikuran at pinaglaruan. Ikaw ang magsisilbing unan sa gabi ng kabilugan ng buwan. gagawin kong bintana ang iyong mga mata, tatahakin ang dilim, hinagpis, pagkapiit, itatakas kita.. itatakas kita sa mundong hindi lang ikaw ang bida, sasagipin kita sa paglubog ng barkong papaalis na, hahanapin kita, sisirin ko man ang kumunoy, languyin man ang lalim ng panaghoy.. hahanapin kita,... hanggang sa tayong dalawa nalang ang matira, sa mundong hindi ako mabubuhay kasama ka.
0
Oct 30, 2017
Oct 30, 2017 at 4:17 AM UTC
Prinsesa
Pagmasdan mo ako. Damhin mo ang magaspang kong palad na bagamat ay nangulubot ay syang humahalik sa putikang sakahang pinaghihirapan. Titigan mo ang mga mata kong hapung-hapo sa pagtanggap sa bagsak-presyong palay na katumbas ng presyo ng isang tsitsirya. Ngunit, pakikinggan mo ba sila sa sasabihin nilang wag kaming papamarisan? Sa bawat hakbang ko papalayo sa lupang sakahan ay sya namang hakbang ko papalapit sa mataas na antas ng pakikibaka. Kakalabanin ang pasistang gobyernong pilit yumuyurak sa katulad naming mga dukha. – Isa ako sa may pinakamaliliit na tinig sa lipunan. Isa ako sa hindi maintindihan ng nakararami na isa sa mga nagtatanim ngunit ngayon ay walang makain. Patawarin mo ako sa paglisan ko’t pagsama sa mga pagpupulong at sa pakikidigma para sa natatanging kilusan. Dahil ako ang bumabagtas sa estrangherong lugar na kung tawagin ay Maynila. Ako ngayon ang mukha ng mga magbubukid, ng mga inapi at ng mga pinagkaitan ng karapatan sa ilalim ng berdugong administrasyon ng bayan kong hindi na nakalaya. Ako ang estrangherong kumilala sa bawat sulok at lagusan ng Mendiola na piping-saksi sa mga panaghoy naming kailanma’y hindi pakikinggan ng nakatataas. Ako at ng aking mga kasama, ang bagong dugong isasalin sa sistemang ninanais naming patakbuhin. Patawarin mo ako sa pagpili kong matangay sa agos ng mabilisang kamatayan tungo sa pulang kulay ng rebolusyon. Ngunit, kailanman ay hindi nyo maiintindihan, na hindi naging mali na ipaglaban ko ang aking bayan.
0
Jan 6, 2020
Jan 6, 2020 at 10:15 PM UTC
Palimos ng Bigas

18
Nandito ako sa kabilang panig Nagaantay na muling marinig ang mga tinig  na nawala Sa ibabaw ng aking mundo at ng luha Sa kabilang panig nagbibilang ng mga araw sadyang kay tagal muling pagkikita, nag-aabang Muling pagsasama, nahihibang Paano ba hahanapin ang kahapon Naibaon sa sadlak ng alimuom Dumidikit sa kailaliman ng ilong Ang alaalang hindi maitapon Parang labadang hindi tinuyo ng sinag ng araw, nakulob Sa loob ng damdamin nagkukumahog Naghihikahos, nabuburyong Minsan pang ibalik, alaala lagusan ng saya ata kaba Kelan ka kaya makikita.
0
Sep 18, 2015
Sep 18, 2015 at 3:17 AM UTC
Wait
Wala na ang dati ang natira ay pighati mundo ay nahati at naglaho ang buwan Anino ay lumisan humalo sa kadiliman ulan ay tumahan ngunit ‘di ang bagyo Kulog, kidlat, alimpuyo tangay ay laman at dugo mga baling buto lagusan sa hangin Naroon ang dating ngayo'y isang pangitain bilanggo ng salamin magdadalamhati Dahil wala na ang dati Gabi sa panghabang-panahon Aasa sa mga bulong Lalakad, tatalon...
0
Nov 5, 2017
Nov 5, 2017 at 7:35 AM UTC
Wala Na Ang Dati
Kapag natuyo na ang ilog , Hintayin mo ang mga ulap ... Pasasaan ba 't mumunti **** daigdig Tatahan ang hinagap sa paghagilap ! Patingala ka man na masdan ako O kahit pa tanawin mo ako ng payuko Magmumula lagi sa kaliwa Aking simula patungo sa kabila , ikotin mo man ang iyong tingin pakanan Manunumbalik ako tulad ng isang orasan At sabik muli ako sa iyong masid sa lagusan, at tanging gabay lang ay hangin na may bahagdan... sa umagang may lamig kapagdaka ' y init At kapag ang ibaba nga ay nag-aalumpihit Ang kaitaasan ay napapasailalim Wari ay kabiyak ng kabibing walang lihim Bukas-palad mo akong minamalas at sinasalamin Habang tikom-bibig kitang tinatalastas at pinaparinggan Nang walang ibang ibig sabihin... Hanggang pawang totoo lamang ating anihin ! Kaya naman paulit - ulit ko itong binabalikan Dahil sa araw-araw mo akong Mahahagkan Gamit nga ang Lente ng iyong minamahal na sining.. Kapit lamang sa tuwina ako sa iyong paglalambing !!! Sapagkat ikaw nga ang magiliw kong siyentipiko Na may hawak ng tubong pansuri ng aking laboratoryo ! Pasasaan ba 't mumunti **** daigdig , Tatahan ang hinagap sa paghagilap ! Kapag natuyo na ang ilog , Hintayin mo ang mga ulap !!!
0
Dec 31, 2022
Dec 31, 2022 at 2:29 PM UTC
" L a m i n a "
Alpas sa gabing lumukob Dulo’t dulo’y itim pulos Salamat anuman yung d’yos Kalul’wa kong di pasakop Sa pagkakataong malma Di sumuko ni lumuha Binugbog man ng tadhana Ulong dug’ua’y tunghay-laya Lampas ditong hagpis-luha Tanging lilim lang ang banta Datnan man dantaong sumpa N’ia ‘nong takot, ako’y wala Makipot man ang lagusan Bale-wala’ng parusahan Ang palad ko’y aking tangan Ako’y ako ang Kapitan.
0
Mar 17, 2021
Mar 17, 2021 at 2:38 AM UTC
Di Malupig (Invictus)