Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Mar 2017
Bibigyan kita ng tula.
Hindi panghuhula...
kundi tula.
Hindi magiging napakahaba.
Hindi ka naman palabasa
para iyong mabasa
ang mga bagay-bagay
na sumasangay
kung ano ba talaga
ang tunay na halaga
ng tulang isusulat ko
para sa utak mo
na tuliro.
Sa mga nabasa kong libro
wala na sigurong mas magulo
kaysa sa iyo na kapag hindi mo
na nakuha ang iyong gusto
ay bigla-bigla ka nalang babato
ng mga salitang magpapaginhawa
sa iyo.
Pero tandaan mo
bago ka pa magbigay ng mga salita mo
ay marami na akong alam na salita
sa diksyonaryo na
sadyang binabasa
ko kasi umay ako sa mga salita
ng mga tao na paulit-ulit
at sadyang parikit nang parikit.
Hindi mo narin na
kailangang pagsabihang kumain na
sapagkat ako ay may isip
at hindi nagpapaihip
sa mga bagay na
dapat na ginagawa
ng taong may tamang isip.
Nako. Sentido kumon mo ay naihip.
Wala akong inaasahan na
pag-uusap na magaganap
dahil matagal ko nang tanggap
na tinuring na akong mapagpanggap
dahil lang sa desisyon
na ninanais ko lamang ng aksyon
dahil ayun ang magiging paraan
kung paano gagaan
ang mga bagay na
ninanais **** balikan.
Hindi na ako makapagbigay ng ****
na lubos na kasing laki ng dati
sapagkat hindi mo naman talaga
kayang isantabi ang iyong mga saya.
Tila nakakahiya naman
sa mga salita **** dapat na malaman
ko ba talaga kasi
mga payo ko ay dumaan lang sa labi.
Payo ko ay narinig at dumaan
pero lumabas lang sa isang lagusan.
Ako ay iyong narinig
gamit ang tainga **** mahilig
sa mga tunog na panbasag-pinggan
kaya ako ay hindi napakinggan.
Hindi rin naintindihan.
Naging gusto kita kahit
hindi naman kinakailangan.
Para sa utak **** tuliro.
Uulitin ko ulit para sa iyo.
Hindi na kita gusto
ayan ang kailangan na malaman mo.
Ibaon mo sa isip mo
katulad ng pagbaon mo
sa galit at sakit na ipinaglalaban mo
na nakakatulong sa iyo
na mapaginhawa ang pakiramdam mo
na sinasabi mo ngang hindi ko
man naisaalang-alang kasi
hinahakot ko lang ang mga kati
ng mga nakalipas na hapdi at kirot.
Ang pwede ko lang pala maramdaman
ay ang sarili kong kurot.
Pinapaligaya mo ako
pero hindi kita kailangan.
Hindi kita kailangan para
ibahagi sa mundo
kung gaano ako katalino.
Hindi kita kailangan para
ipakita ang mga halakhalak ko
sa maraming tao.
Hindi kita kailangan para
malaman ko na may
nakakaintindi sa akin.
Pasensya na
pero hindi kita kailangan.
Kung nirespeto mo lang ang naging desisyon ko na makakabuti naman din sa iyo, hindi parin magbabago ang pagtingin ko sa iyo.
Dwayne Jordan Luis
Written by
Dwayne Jordan Luis  Quezon City, Philippines
(Quezon City, Philippines)   
2.8k
 
Please log in to view and add comments on poems