Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Katryna Jul 2018
May mga lugar tayo na mahirap sa atin ang balikan
Minsan malayo,
Minsan maulan,
Madalas walang oras.
Pero kailangan natin puntahan.

                 Ilan lang yan sa mga rason na mas gusto ko nalang isipin
                 Para madaling magdahilan.
                 Pero kapag puso ang tumawag,
                 Kalinga ang nangailangan
                 Pag unawa ang nais maging hantungan.

Iniisip ko,
Ano ba ang dahilan bakit mahirap balikan.
Binabalik ako sa katotohanang,
Wala na.

                                     Wala na ang tao sakin na madalas maghanap.
                                          Madalas mangamusta.
                                              Madalas­ magsabing magpataba ka.
      
                 Ang kahit kelan hindi ako tinuring na iba,
                 Kahit kailangan na.

                                          Marahil ito nga.

Dinadala ako sa ibang direksyon,
Sa ibang tahanan,
Sa tahananang walang ibang tao.
Sa tahanang hindi ko na maririnig ang tinig mo.
Hindi ko na mahahawakan ang malambot at mapagkalinga **** braso.
Wala na ang biro, tawa at masigla **** tinig na nagpapaingay ng paligid.

                                        Marahil ito nga,

Bumubungad sakin ang isang kahon ng alala
Na sa pag ihip na lang ng hangin ko maradarama.
At sa ganda na lang ng paglubog ng araw ko na lang makikita.

Ang mga tinago kong munting ala-ala
In loving memory of Mr. Wally Nocon, I know you know how much I miss you. Sana :) Nakakarating naman ung mga message ko diba?, sipag nga po ng messenger ko eh :)
Glen Castillo Aug 2018
May mga salitang sa papel na lang kayang manatili
Dahil hindi na ito kayang bigkasin pa ng mga labi.

                    Natapos na ang palabas na ang tauhan ay ikaw at ako
                    Tayong mga bida noon, sa mundong hindi nila nakikita

Gusto kong isipin na nalaos lang tayo,pero hindi pala
Dahil ang dating tayo,ngayon ay ikaw na lang at ako

                     Bakit ganito? wala naman akong naaalala na drama
                     ang sinulat kong kwento
                     Pero bakit sa malungkot natapos ang lahat?

Minsan ay gusto ko na lang gawing gabi ang bawat umaga
Sa gayon ay hindi nila mapansin na may hinagpis akong dinadala
Sa gayon ay hindi nila makita na lumuluha ang aking mga mata

                      Pagkat sa dilim, doon ko lahat itinago ang sakit at dusa
                      Na ni sa panaginip ay hindi ko inasahang dadating pa

Oo kakayanin kong maging gabi ang bawat umaga
Mahirap,
Pero pwede ba?

                       Sa kahuli-hulihang sandali ay maturuan mo ako sana
                       Na gawing gabi ang lahat ng umaga
                       Na kasing dali lang kung paano mo nakayanan
                       Na maging malungkot ang dating tayo na masaya.




                                          © 2018 Glen Castillo
                                           All Rights Reserved.
Minsan ay dadalawin ka ng mga alaala sa nakaraan
Upang magpa-alala sa'yo kung bakit ka nasa kasalukuyan.......
Gwen Pimentel Aug 2014
Nakakapagod gumising sa umaga.
Maliligo, magbibihis, magpapakain ng aso
Pagkatapos ay papasok sa eskwelahan

Nakakapagod pumasok sa eskwelahan.
Paulit ulit ang ginagawa
Nakatunganga sa pisara buong araw
Pinoproblema na ang takdang aralin na gagawin mamaya.

Nakakapagod gumawa ng takdang aralin.
Lalo na pag nagsabay sabay ang mga ****
Nagkahalohalo na ang mga presentasyon
Hindi alam ang gagawin

Nakakapagod ang buhay ko
Alam ko bata pa lang ako, at ang mga problema ko
ay tila maliit lamang sa mata ng nakatatanda
Pero para sa akin, ito ay mahirap

Halos wala ng oras para sa sarili
Galing sa eskwela, darating sa bahay ng gabi
Maglilinis ng bahay, pagkatapos any gagawa ng takdang aralin
Matutulog, ng pagod na pagod na pagod.

Sa gitna ng kaguluhan Nakita ko si Hesus
Tumigil ako, lumuhod, at nanalangin
Pagkatapos ay tila nawala ang hirap ko
Para bang lahat ng dinadala ko ay inangat mula sa akin
Sabi ko "Hesus, ikaw talaga ang number one sa buhay ko!"
At napagtanto na kailanman, hinding hindi ko kakapaguran Ang Diyos.
English translation to follow. In line with Buwan ng Wika of the Philippines. Mahal ko ang aking wika.
John AD Nov 2017
Gaano ba kadaling ipagwalang-bahala ang isang bagay?
Iniisip mo parin ba ang kasiyahan,
O hindi mo na namamalayan , ang iyong kapalaran?

Marahil ngayo'y hindi mo pa naiisip ,na
Kinabukasan ngingiti ka parin ba o,
Palihim ka nalang sisilip.

Tignan mo ang kapwa mo kayod-kalabaw buong buhay
Habang ikaw nakaupo ka lang nakaharap sa modernong teknolohiya,
Sinusubuan ng pera at habang buhay ka na yatang magiging buhay maharlika, Ano?

Magmamasid ka nalang ba sa nangyayari?
O iisipin mo nalang ang ginawa mo nung nakaraan,
Malagim na nakaraan na dinadala mo sa kasalukuyan

Hindi puro kasiyahan ang takbo ng buhay ng tao
Kailangan din ng kahirapan,kalungkutan para makamit ang inaasam-asam,
Huwag kang tumunganga kumilos ka , Ano?

Hahanap ka ba ng paraan o ngingitian mo na lamang?
O iaasa mo nalang sa ibang tao , o sa pagod **** mga magulang,
Na nakaupo ka nalang hindi kumikilos naghihintay ng pera ni Juan?
Georgette Baya Sep 2015
Love na love talaga kita eh, and it would mean so much lalo na
pag binanggit ko pa na mahal na mahal na talaga kita. NAPAKA STRANGE.

He is shy, kind, innocent, pleasant, different, even for a guy
He is fragile, sweet and mostly meaningful, mostly to my life.

Kahit alam kong wala kami dun sa stage na,
"in relationship" i'd bother myself to care.
Kasi he is meaningful, mahalaga siya saakin, yung tipong kaya ko syang alagaan at aalagaan no matter what. I would make time for him just to see him, smile, laugh or even giggle a bit, because his  happiness makes the most out of him and it makes me happy too.
Kung kakayanin kong kwentuhan siya gabi gabi hanggang sa makatulog sya gagawin ko (kaso ang tagal nya mag reply kaya ako yung nakakatulog :3)

Sabi nila sakin,

"grabe na yan ahh. baka nakakalimutan **** babae ka pa din ah?"

Sabi ko,

"oo alam ko, at alam ko yung ginagawa ko."

"yun naman pala eh, ano yan?"

"ang alin?"

"yang tipong support support na yan?"

"wala namang masama dyan, atleast napapakita ko padin sakanya na mahalaga siya sakin, kahit di nya nararamdaman"

"ayooooooon, manhid"

di na ko sumagot, sumasama din kasi yung loob ko pag naririnig kong sinasabihan sya na manhid eh, kahit totoo, parang sakin bumabalik kasi ako yung nagbibigay ng effort pero parang di nya na fe-feel. Pero mahal ko padin siya, walang makakapag bago dun.

Yung mga simpleng tweet nya na, napapalundag ako sa kilig at tuwa.
Yung mga kindat nya na (kahit hindi siya marunong) nakakamatay.
Yung mga biglang ngiti nya na, nasusulyapan ko bawat tingin.
Yung mga mata nyang mapupungay na lagi akong dinadala sa langit (hindi naman siya chinito, feeling lang hahaha)
Yung kilay at buhok nyang lagi kong hinahaplos (naka keratin daw eh hahaha)
Yung boses nyang sintonado, pero pag kinakanta nya yung "When You Say Nothing At All" pati ung "Life of the Party" lumalabas yung pagka inner Michael Buble nya.
Yung moves nya na mala 90's, na pag sumasayaw sya sa harap ko napapatakip nalang ako kasi, mas lalo akong nafafall.
Yung kuko nyang laging bagong gupit.
Yung amoy nya na parang amoy baby, tapos minsan panlalaking panlalaki (seryoso nakaka ******)

At maraming maraming marami pa.
He's my kind of perfect.
Sabi nga nila, pag mahal mo ang isang tao, lahat ng imperfections nya sa sarili o sa buhay pa yan, his flaws, handang handa kang tanggapin yun ng buong buo, walang labis, walang kulang.

Love is accepting, who they are and what they are.
Diba sabi mo di ka marunong mag luto? Ako din eh, siguro sa tamang panahon, we would invent kinds of dinner or even breakfast and lunch, that your dad and my mom used to do. Kahit di tayo sigurado sa anong lasa nung pagkain na magagawa natin, as long as we got it each other, we can make it better.

Di ko alam kung bat umabot ako dito eh, alam mo bang onting onti nalang, ako na talaga manliligaw sayo? Ang bagal mo kasi eh. Hahaha joke lang, syempre hanggang panaginip ko nalang yon.

Nung coronation night, pinuntahan kita sa dressing room nyo,
I was really stunned, as you walked out that room. Destiny nga ba talaga? I was REALLY shocked, kasi merong SLOW MOTION, i have never felt that feeling before, NEVER!
Tapos yung sinabi ni Sir Yu, may kwinento sya sakin tungkol sa napagusapan nyo tungkol sakin. Long story-short, naglululundag ako sa kilig at tuwa na, who would have thought na masasabi mo pala yung mga ganung salita na yun.
Tapos si B1, haha natatawa nga ko kasi kinikilig daw siya satin, aabangan nya daw yung next chapter natin, ang tanong meron nga ba?

Jon Ray Ico Ramos! Oo ikaw! Malakas loob ko banggitin pangalan mo dito, kasi wala kang account dito at di mo alam na may ganito ako, ibig sabihin di mo to mababasa and as far as i know walang taga SCCV ang may ganito, well. HAHAHAHA!
Mahaaaaal na mahaaaal kita. Minsan sa sobrang saya ko pag kausap kita napapatype nalang ako ng "I love you" muntik na nga akong makasend nyan sayo eh, buti nalang talaga hindi hahaha :3 wala na kong masabi kasi inaantok na talaga ako as innn.

Basta sana pagka gising mo, mabasa mo to (pero syempre di mo to mababasa) para malaman mo na, ikaw ang huli kong iniisip bago ako matulog.

Good mor-night!
---------------
Good morning, Jon Ray!


P.S: sinadya ko talagang ipost to ng 5:55 AM kasi favorite number mo ang 5 so, ayan :)
Kyle Sep 2019
Pagod... Pagod na ako

Sa bawat Segundo na lumilipas
Sa patuloy na pagtakbo ng oras
Sa pagsilay ko sa mga dahong dahan dahang nanlalagas
Isang salita ang ninanais kong sayo’y sana’y mailabas

Natatandaan mo pa ba? Kung paano tayo nagsimula
Kung papaano ko hindi napigilan na ang puso’y sayo’y tumibok na lang bigla
Naging tungkulin ko na ang mahalin ka
Simula ng sambitin mo sa akin ang mga katagang mahal kita

Ang mga ngiting umaabot sa ating mga mata
Ang mabubulaklak na salitang nagpapakilig sakin sa tuwina
Ang mga yakap na nagdudulot ng ginhawa
Tila yata isang ala-ala na lamang na unti-unting nawawala

Pagod na ako…
Pagod na pagod na ako
Gustong gusto kong sumuko
Gusto kong burahin ka sa buhay ko
Gustong gusto kong ibalik ang panahon na hindi pa kita nakikilala
Pero anong magagawa ko?
Baliw tong pusong to.

Handa akong ipagpalit lahat bumalik lang ang dati
Ang mga panahong ang halik at yakap mo ang gamot sa aking sakit
Ang ngiti at tawa mo ang nagpapagaan sa bigat na nararamdaman
Ang presensya mo lang sapat na upang maging dahilan

Pero ngayon paulit-ulit na sumasampal sa akin ang katotohanan
Pagod na ako kaya kailangan ko ng tigilan

Ikaw parin ang mahal ko
Ikaw at ikaw parin ang nasa isip ko
Pero gustong sabihin sayo na hindi sapat…
Hindi sapat ang meron tayo para tanggapin ko ang lahat

Napagod ako noon pero pinilit kong lumaban
Napagod tayo sa kung anong meron satin, pero isinalba ng ating pagmamahalan
Pinilit kalimutan lahat ng sakit
Ginawa ang lahat para hindi mawala ang ating kapit

Pero lahat ng nararamdaman ko sumabog na tila isang bomba
Sakit, hirap, bigat sa kalooban, lungkot, panghihinayang at pagod
Pagod na kahit ilang beses **** hilingin na magpahinga
Hinding hindi na kayang burahin na parang isang permanenteng tinta

Pero hindi ko na talaga kaya ang aking dinadala
Hindi ko na kayang pigilin ang pagbuhos ng aking mga luha
Hindi ko na kayang humakbang pa at umabante
Hindi ko na kayang hawakan ang iyong mga kamay at bumalik sa dati

Nauubos na ang natitirang lakas
Mga sugat sa puso ko ngayo’y nababakas
Mahal ko pero masakit na....
Gusto ko pa pero nakakasawa na....

Sa bawat Segundo na lumilipas
Sa patuloy na pagtakbo ng oras
Sa pagsilay ko sa mga dahong dahan dahang nanlalagas
Isang salita ang ninanais kong sayo’y sana’y mailabas

Mahal Ko…
Patawad… pero dito na natatapos ang ating storya
Pinangarap man nating maging hanggang kamatayan pero ngayo’y natapos na
Dalawang salitang noo’y kilig ang dulot
Ngayo’y isang matilos na patalim na saking puso’y gumabot

Pinapalaya na kita…
Pasensya at napagod ako sinta
kingjay Dec 2018
Iligaw ang tukso ni Lusiper
sa diwa na siyang naghari
Magmuni-muni sa ibaba ng mundo
Sampung beses pagtimbangin ang mga gawi

Lampas sa katotohanan ang layon
Anyo ng mundo ay di magkatugma sa panaginip
Ikumpay sa apoy hanggang sa lumaki
Tiwala sa sarili, magtiwalag man sana'y di lumayo

Sa labas ng sanlibutan ay nagmasid
May mga dagim na nagtabon sa buwan
Nang nasilayan ang diklap sa alangaang
na sumambulat sa noo ay sumingaw ang depresyon

Mapagkunwaring uwak na dumausdos sa ere
Simpleng kilos niya'y nakakaaliw
Humapon sa troso para magpahinga
Sa kanyang aparisyon makikita ang
unos na dinadala ang dahilan ng pagdarapa

Naglaon na kuwento ay nagparinig ng alingawngaw
noong unang pag-usbong ay umani ng kahihiyan
Naging balat-sibuyas na tubo
humihikbi nang patago
inggo Jan 2016
Hindi ito madali
Dahil ikaw ay nakatali
Sa iyong nakaraan
Di alam ang pupuntahan

Subukan **** ngumiti
Kahit paunti-unti
Kahit pangisi ngisi
Masasanay muli ang labi

Sisikat na ang araw
Hindi na palaging madilim
Gagaan ang mga dinadala
Rurupok na ang alaalang matalim

Mga sugat ay maghihilom
Luha'y hindi na maiinom
Mukha mo ay muling magkakakulay
Handa ka na muling ipagpatuloy ang buhay
para sa babaeng kilala ko na nasasaktan pa sa mga nangyari.
shia Jan 2019
puti ng umaga
ningning sa mga mata
may dagat na dinadala.
dilaw na paningin
buwan nakabantay sa'tin
kalaro natin ang dilim.
bughaw ating langit
paglisan mo ang batid
sabay ang wakas at pikit.

w.c
primary colors.
i leave this piece
open for interpretations.
Hiwaga Nov 2020
Sa bawat salitang binibigkas ng labi mo,
Para bang dinadala ako sa ibang mundo.
Sa mundo na kung saan kalmado ang puso
at pansamantalang pwedeng lumayo.
Sa mundo na espesyal ako kahit papa'no.

Alam kong hindi pa malalim ang nararamdaman mo, sinta.
Maski ako man ay hindi pa handa.
Ngunit hayaan **** ako’y magpasalamat sa saya
At kalinga na iyong dala.


Nung minsan, tinawag mo akong mahiwaga.
Pero hindi mo alam na ikaw ang mas makinang na tala.
Gusto kong hawakan ang mga kamay mo sa mga oras na natatakot ka sa ideyang baka mapagod ako sa'yo, gusto kong hawakan ang mga ito upang iparamdam sa'yo na mapagod man ako, mahal, magpapahinga lang ako pero babalik at babalik ako sa'yo.

Hahalikan kita sa mga oras na nalulungkot ka pagkaraan ay ngingitian kita upang masiguro ko na magiging ayos lang ang lahat dahil hindi ka nag-iisa. Kasama mo ako sa bawat saya, sa bawat lungkot, sa bawat hinagpis, sa bawat araw, sa bawat oras, mahal, tutulungan kita sa bawat problemang maaari **** pagdaanan.

Hayaan **** yakapin kita sa mga oras na para bang hindi mo na kayang hawakan sa mga palad mo ang mga problemang dinadala mo. Hayaan **** yakapin kita, gusto kong nasa mga bisig kita habang tinutulungan kitang dalhin sila. Mahal, lagi **** isaisip na hindi ako bibitaw gaano man kabigat ang mga dalahin na maaari **** ibigay sa akin.

Hahaplusin ko ang mukha mo at sasabihin sa'yo kung gaano ka kaimportante sa buhay ko. Problema lang sila, magkapareha tayo na nangakong kahit na anong unos, kalamidad, delubyo ang magdaan, hindi tayo susuko. Mahal ko, kayang-kaya nating pagdaanan ang lahat ng ito.
Tahimik na kalangitan
Buo ang mga ulap
Maaliwas, o kay sarap pagmasdan
Maliwanag, walang dilim na maaninag

Mga ibong humuhuni malaya't maligaya
Linilibot ang kalangitan punong puno ng kalayaan, sinasariwa ang preskong hangin'g bigay ng kalikasan.

Sanay inyo ring marinig ang mga huni ng mga ibong nawalan ng tirahan,
Sa pagputol nyo sa kanilang pinapangalagaang tahanan.
Na sa bawat pagbuka ng bibig ay ramdam ang bigat na kanilang dinadala't, dinaranas
Sana'y pagbigyan kahit minsan lamang
Ang hiling ng bawat nilalang.

Ang buhay ng tao ay tulad din ng mga ibon sa kapaligiran, malayang pumili,malayang maglakbay, malayang piliin ang gustong tahakin sa kani-kanilang buhay. ngunit may ibang ipinagkaitan labag man sa kanilang kalooban tuloy padin ang laban tungo sa magandang kinabusan.

Sana'y imulat nyo ang inyong mga mata
Pakingan ang mga hinaing ng mga taong pi'lit makamtan ang magandang umaga. Ngunit may narinig ka ba? Hindi ba't wala?! Hirap man, pagod, at walang makain. Pero ito ba ang basihan? upang sila'y pagkaitan ng pag-asa.

Tulad din ng mga ibon sa malawak ng karagatan, gaano man ito kalawak, gaano man sila katagal maghanap,
Magtyaga't, maghintay, magtiwala ka lang dahil ang bukas ay hindi natatapos ngayon, kundi magsisimula pa lang ulit bukas.

Humayo ka't ipagaspas ang iyong pak-pak, lumipad ka't abotin ang iyong mga pangarap. Lipad munting ibon huwag kang huminto't ibangon muli, ang minsan mo ng nasirang tahanan

Tulad din ng isang ibon, maging malaya ka't maging masaya.
fatima Dec 2019
naglalakad sa gitna ng kadiliman
at nakapikit sa paghakbang ng walang kasiguraduhan
ang sigaw ng paghihirap ay tinik sa lalamunan
ang pighati ay dinadala sa paglalakbay

ilang patalim na ang aking tinahak
makuha lamang ang ninanais ng kaluluwa
ngunit bakit kahit ilang patalim ang lunukin
kailanma'y hindi makakamtan ang ninanais

binalot ng pait at galit sa paghihirap
may pag-asa pa nga bang matatanaw
sa isang paglalakbay na puno ng sakit
isang sakit na unti-unting lumulumpo sa aking kaluluwa

mababatid pa nga ba ang kinabukasan
sa paglalakbay na puno ng hinagpis
at pag-inda ng mabibigat na dalahin
sa isang pikit-matang paghihirap.
akda ni: Babelot

Maraming bagay na ang nangyari simula ng gabing yun.
Yung gabing di ko malilimutan, nagsimula sa simpleng usapan.
Nagkapalitan ng koro-koro,nagkaroon ng tawanan.
Hanggang di natin namalayan na inabot na tayo ng umagahan.

Ngayon ito na naman sila unti-unting bumabalik sa aking ala-ala.
Yung araw na una kang nakilala, yung unang larong ikaw ay nakasama
Ang unang tawag sa teleponong ating ginawa.
Ang unang tulang sayo ay nagpasaya.

Yung mga oras na ikaw ay nakasama, ang isa sa pinakamasaya.
Binigyan ng kulay ang buhay na napuno na ng lumbay.
Simula ng makilala ka kayganda ng bawat umaga.
Kaysarap matulog at umasa na lahat magiging ayos na.

Kaya heto na naman ako bumubuo ng isang imahinasyon.
Gumagawa ng kwento na puno ng ilusyon.
Ipipikit ko na lang ang aking mga mata.
Hahayaan dalhin ako sa kadiliman sinta.

Kung saan ikaw at ako ay may nahuhulma.
Kaysarap ng lugar na ito pagkat ikaw ay kasama.
Nandito ka saking tabi, masayang nakahiga sa kama.
Habang ika'y katabi lubos na saya ang nadarama.

Oo dito sa mundo ko, magkahawak ang ating kamay.
Habang sinasabi mo na sakin ay magiging kaagapay.
Nagbibigay enerhiya sakin ang yung mga sinasabi.
Mga problemang kinakaharap ay naisasantabi.

Habang sa mga mata mo ay nakatitig, di maiwasan ang kilig.
Di ko makayang tumitig sa mata **** makapangyarihan.
Dinadala ako sa dimensyon ikaw lang ang tanging naririnig.
Hinihipnotismo ng bawat titig mo ang aking puso at isipan.

Ngunit,

Habang lumalim ang ating koneksyon, ako ay nagising.
Nanumbalik sa realidad, ako ay biglang nalungkot.
Napapaisip sa imahinasyon na lang ba ang lahat.
Sayang, panaginip lang pala.Kaydali ko namang nagising.

Sinta kung sa imahinasyon na lang kita.
Salamat pa din at nagkaroon ng mukha ang babaing sinisinta.
Ang babaing hiniling ko sa MAYKAPAL.
Ang babaing sakin ay nagbalik ng pagmamahal.

Hayaan mo lang akong mahalin kita kahit sobrang sakit.
Hayaan mo lang kahit walang epekto aking pangungulit.
Kung ikaw lang naman ang SAGOT, sa bakit kaysarap umibig.
Aasa ako kahit patuloy na puso ay madurog sa iyong pag-ibig.

Dahil kahit sa dami rami ng rason para sumuko na.
Kahit gaano pa kadami ang dahilan para kalimutan ka.
Puso ay di makayang pigilan na gustuhin ka.
Isipan ay laging bumabalik sa dako na kasama ka.

Alam ng Diyos kung gaano kita kamahal, at ayaw kong mawala ka.
Pero di ko makayang ipaglaban at patunayan yun, kaysakit amining ako'y talo na.
Sana dumating yung araw na pwede na ang pag-ibig nating dalawa.
Ako ay patuloy na aasa sa istorya nating magkakatotoo pa.
kingjay Jun 2020
Sa iyong mukha ako'y natutulala
Ganda mo ay nagniningning na tala
Namumulang labi' t  manipis na  pisngi
Mala - porselanang balat kayumanggi

Mata ay malalim, puno ng hinala
Sa 'kin, bakit ramdam ang pang uusisa
Namumugto minsan sa yaong sandali
Iniwanan nang walang pag-atubili

Ng sinta mo na inakalang simula
Ng iyong pag-iibigan nang makalaya
Sa baryo natin, tigib ng bisyo' t tili
Ng mga tao na di magkamayaw lagi

Mga kapitbahay natin ay nagmumura
Mga tungayaw lagi ang sinasambitla
Ngunit ikaw ay palihim nagsisisi
Sa  luha **** malinaw na nagkamali

Sinisimsim ang habag na dinadala
ng hangin sa iyong maamong itsura
Dilag ka na pinupuri ng marami
Bakit mapusyaw ang ngalirang mga labi

At ang una mo na pagkakakilala
Sa akin ay hindi ganoong kasama
Ngunit matampuhin ka at naninisi
Sa aking maliit na pagkakamali

Kaibigan ang turing  sa isa't isa
Bakit nagagalit pag kausap iba
Sa di pagkakaunwaa' y titili
Ganun ba talaga pag minsan nasawi?
K
K

Nagising sa ingay ng puso ko
Sinisigaw pangalan mo
Bakit bigla lang nagbago?
Ayaw na ba sa tulad ko?

Nakakulong sa kwartong to
Katahimikang lagpas mundo
Bakit nga ba lumabo?
Ano ang sa isip mo'y tumakbo?

Pasensya na, sa kabilisan ko
Pasensya na, pero ito'y totoo

Bigla ka na lang hindi nagparamdam
Kaluluwa ko ay nagdaramdam
Sabik sa mata **** walang hanggan
Dinadala mo ko sa kung saan

Andyan ka pa ba???
Andyan ka pa ba???
Andyan ka pa ba???

Andyan ka pa ba?

K
katrina paula May 2015
Sabi ko nga ba isa kang trahedya
dinadala mo ako sa masayang papalungkot na alaala
Na unti-unting pumapatay saking pagkatao
Hindi isang tula, kundi isang buntunghininga
Ronna M Tacud Jun 2021
Sa may dulo, ako'y nakatingin sa malawak na tanawin.
Tinatamasa ang malamig na hangin,
na animo'y dinadala ka sa ibang parte ng mundo.
Na kung saan ika'y nakakabit sa malaningning na mga bituin.
Hndi alam kung ano at sino ka,
pero darating ang panahon na ika'y dadalhin nang tadhana sa aking mga bisig.
Hindi man ngayon,
pero handa akong hintayin ang tamang oras.
Tamang oras na kung saan bawat puso'y sasaya
at walang hanggang pagmamahal.
Naniniwala akong darating din sa atin ang tadhana.
At sana, sa pagkikita natin ay handa nang lumaban,magtiwala,
at magmahal nang tunay.
Hihintayin kita!
Pusang Tahimik Oct 2021
Ako'y tila papel na madaling tangayin
Dinadala sa kung saan ang ihip ng hangin
Ako'y tila pangarap na nais abutin
Sapagkat mula sa lupa ako'y titingalain

Ako'y nandidilim sa ibabaw ng lupa
At pinipigil ko ang pag patak ng aking luha
Ang aking ngitngit ay kulog na nakabibigla
At kidlat ang lumalabas sa tuwing magsasalita

Dumating ang panahong hindi ko na kaya
Ang bigat ng hirap ay sukdulan na
At ang aking luha ay pumapatak na
Ang lahat ay ibubuhos ko na!

Sa bigat ng paghihirap na pinapasan ko
Ay dilim na tila tinakluban ang pag-asa mo
At kapag naibuhos at umaliwalas na ako
Ang araw ay sisilip na tila pag-asa mo

Riyan sa malayo ako na lamang ay masdan
Sapagkat ako'y di mahahawakan kahit sa malapitan
Ngunit pumarito ka't ipararamdam ko ang kaginhawaan
Dito sa alapaap ng walang hanggang kalayaan

- JGA
Meruem Feb 2019
Ilang taon na rin ang nakalipas,
Mula noong una kong masilayan;
Ang kislap ng iyong mga mata,
Nangingibabaw sa mga ilaw sa daan.

Naaalala ko pa lahat -
Puno ng kaligayahan, kapayapaan.

At ngayon, ikaw at ako.
Tila hindi na magkatagpo.
Sana hindi matangay ng pagbugso,
Itong dinadala ng aking puso.
February 25, 2019 - 03:46

Maligayang kaarawan, bunso. Sayo ko muna ibubuhos oras at atensyon ko. Promise ni kuya may cake ka mamaya.
Ronna M Tacud Feb 2021
Ang kahapon ay nagdaan, lungkot ko ay lumisan.
Tunog ng huni ang aking nagisnan.
Liwanag ng araw ang aking nakikita.
Sa dapit sulok ako ay nakatanaw.
Simoy nang hangin ang nalanghap, ngiti ang siyang nasilayan.

Oh, kay ganda ng umaga!
Sipsip ng kape ang aking natamasa.
Hindi magsasawang dumungaw sa maliit na bintana.
Buhok ay hinangin pero ito'y nagbibigay buhay.
Mata ko ay pumungay sa ganda ng tanawin.
Kay gandang pagmasdan ang mga ulap na animo'y dinadala ka sa kalawakan.

Kay sarap marinig ang huni ng mga ibon na para bang kinakalma ang iyong damdamin.
Binawi nito lahat ang kapintasan na aking pinagdadaanan.
Lumuha man noon, napalitan naman ngayon nang isang totoong ngiti.
Maari bang ganito nalang palagi at kalimutan ang pait na siyang aking nakamtan?
reyftamayo Jul 2020
naglalaro ang maliliit na alon
sa batuhan
kasabay ay paulit-ulit na pagtalbog
sa kalagitnaan
tinatangay ng mapagbirong hangin
hanggang sa ulap
lumilikha ng kislap at palakpak
naroon lang
ang unos
ang kinatatakutang delubyo
sigwa
pinagsamang ingay at katahimikan
magkatipan
bawat isa ay nagkakaisa
paikot
pabulusok
ang mababangis na luha
kanyang dinadala
kasunod ay payapang umaga
Bits May 2018
Kay tagal kong nag aantay
Bakit ang puso tila'y tumatamlay
Sa bawat pag patak ng oras ikaw ay inaantay.

Umaasa na ako ay maalala
Sa tuwing nalulungkot balinabalikan na lang ang mga matatamis na ala-ala
Hindi pa ba sapat ang mga sugat na dinadala

Saan ang sinasabi **** sandigan
Sa panahon na umuulan ng problema tila'y walang mapag silungan
Nasaan ang mga pangako mo na hindi ko naramdaman


Kailan kaya titigil masaktan ang puso na duguan
Kailan mag papahinga ang isip na puno ng katanungan
Sadyang manhid na ba ako dahil sa patuloy akong pinaglalaruan

Sinusubukan kong lumaban nang wala ka
Pero ang aking isipan ay nag sasabing tama na
Hindi pa ba sapat na magkunwaring masaya

Napaniwala ang mga tao sa paligid na ok lang sya.
Sa mga mapagkunwari **** ngiti, sila ay naniwala
Wala ba silang karapatan malaman ang katotohanan

Sa bawat pag bitaw mo ng mga salita
Ninanais ko ang iyong pag-unawa
Ang sakit na aking nadarama, tila'y binabaliwala
Ang marka na iniwan mo sa aking puso ay sariwang sariwa
Hindi ako manhid o pusong bato
Pinipilit ko lamang itago
Ang mga sakit na alam kong makakapag pabago sa isang tulad kong nabibigo.
Pinipilit makalimot
Sa mundong ito na ang buhay ay masalimuot
Sa pusong punong puno ng poot
Na ikaw mismo ang nag dulot
Hindi ko labis maintindihan
Sugat at pait ba nag dulot sa akin
Na puno ng galit.
Hindi ko rin labis maintindihan ang mga sinabi **** nararapat na dahilan.
Sa bigla **** paglisan
At ako'y nandito lamang naiwan sa kawalan.
Sheena Garao May 2020
Ang katahimikan nitong gabi
Na tila'y dinadala ako sa panahong ayaw ko sanang matapos
Ang mga halakhak na nagsisilbing musika na gumagabay sa bawat hakbang nitong aming mga paa
Ang mga ngiting nakapinta sa mga mukhang kay tagal na ding hindi nakita
Sayang may dalang takot na wari'y pinapahatid nitong mga mata
Na sa bawat pagsilip sa mga masasayang kaganapan ay sya namang pag kumpas nitong maliliit na kamay ng orasan
Sa bawat segundo kapalit ay bawat alaalang pilit na kumakawala
Matay nakapikit at araw ay pilit na sumisilip
Nagbabadya ng panibagong umaga na pilit kang ginigising mula sa iyong pagkakahimbing
faranight Mar 2020
hindi nagsusinungaling ang iyong mga mata. kapag tinititigan ko ito ay tila dinadala ako nito sa iba't ibang dimensyon kung saan nakikita ko ang tunay **** emosyon. kinikilig, masaya, naggugutom, pagod, nagtatampo, malungkot, hindi na masaya at may iba na.
Enero 22h
Inakyat ko ang bulubundukin
ng Kordilyera
kung saan
mataas at matayog
ang mga puno

bawat hakbang ko sa paisahe
ay mabigat
pagkat malumanay,
sa sindak sa panganib
ng paghulog
at pagpalya

walang polusyon dito ng mga sasakyan
ni init ng mga nagtataasang gusali

sa lupaing ito
hinarap ko ang mga anito
ng aking mga
pangangamba

ako'y lumuhod,
nag-alay ng dasal
para sa aking mga hinarap
at haharapin pa

kasabay sa indayog ng tinik
na tumatarak sa aking dibdib,
sa tibok ng aking puso
ang pagkalas ng aking mga dinadala

ako'y muling umakyat
sa bulubundukin ng Kordilerya

at bumaba akong
mas mataas
at mas matayog
sa mga puno

— The End —