Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Ronna M Tacud May 24
Ngiti mo ay kay akit-akit,
Mga mata mo'y puno nang pighati.

Tila ito'y hibik ngunit walang kalatis.
Kaibigan, mayroon bang bumabagabag sa iyong paglingap?

Ipamarali mo at nang ika'y aking kalingain.
Datapwa't ako'y walang sinuman gayunman  ako'y may kahabagan.

Kahit pilit **** inaakupado ang kanyang pag-iisip subalit pakatandaan na ang puso'y di marunong lumimot sa nakaraan.

Ano ba ang dapat **** gawin upang ika'y mapansin? Hanggang kailan matatapos ang iyong kalumbayan? Hanggang kailan mo siya alpasan? Mauuwi na naman ba sa  balitaktakan?
Ronna M Tacud Feb 2021
Ang kahapon ay nagdaan, lungkot ko ay lumisan.
Tunog ng huni ang aking nagisnan.
Liwanag ng araw ang aking nakikita.
Sa dapit sulok ako ay nakatanaw.
Simoy nang hangin ang nalanghap, ngiti ang siyang nasilayan.

Oh, kay ganda ng umaga!
Sipsip ng kape ang aking natamasa.
Hindi magsasawang dumungaw sa maliit na bintana.
Buhok ay hinangin pero ito'y nagbibigay buhay.
Mata ko ay pumungay sa ganda ng tanawin.
Kay gandang pagmasdan ang mga ulap na animo'y dinadala ka sa kalawakan.

Kay sarap marinig ang huni ng mga ibon na para bang kinakalma ang iyong damdamin.
Binawi nito lahat ang kapintasan na aking pinagdadaanan.
Lumuha man noon, napalitan naman ngayon nang isang totoong ngiti.
Maari bang ganito nalang palagi at kalimutan ang pait na siyang aking nakamtan?
Euphrosyne Mar 2020
Madami na akong nabasang libro
Ngunit ikaw parin ang hinahanap kong kwento na nais balik balikan
Na hindi magsasawang basahin muli
Mga pahinang ikaw lamang nagbigay sa mga labi ko ng ngiti.

Bawat kabanata nitong libro bawat pagbasa ko ng mga pahina, pinapangiti mo ako muli,
Na para bang andiyan ka lang sa aking tabi.
Pinapa ulan mo ang aking mga mata tuwing....
binabasa ko ang kahapon.

doon ko lang natuklasan na kaya ko palang magmahal ng tapat sa mundong ibabaw na puro kalokohan lang ang inaatupag ko.

Hindi ka ba masaya? Na binabalik balikan ko ang  hindi makatotohanang kwento,
Na hanggang pahina at kabanata nalamang sila magiging totoo.

Masakit, pero kailangan natin tanggapin, ako, ako lang pala, ika'y lumisan na
Napunta ka na sa ibang pahina
Ako, ako andito pa
Iniwan mo sa alaala nating dalawa

Pwede ba magsabi ng totoo?
Kahit na sobrang gulo,
sasabihin ko sayo
Ikaw ang nag-iisang tahanan ng naliligaw kong pagkatao.

Etong mga pahina... nagiwan ng bakas sa puso kong bukas
Na inalay ko sayo gamit pa ang aking mga kamay na kitang kita ang bakas,
Bakas ng kahapon na sinaktan ako
Sinugatan ako ng taong minahal ko
Na pinalitan lamang ng saksak sa puso.

Itong mga pahina't kabanata
Na nagpapakita
Na mahal parin kita
Subalit nasa ibang libro ka na.

Alam kong tapos na
Wala nang tyansa
Kaya't ibabalik nalamang kita
Sa aking istante
Na madaling hanapin
Kapag nais ko muling basahin
Ang kahapon na sinulat natin.

Mga pahinang babalik balikan,
Mga kabanatang hindi makakalimutan,
Librong tayong dalawa na ako nalamang
Ang gagawa ng paraan para protektahan
Konting comeback lang sa tagalog. Spoken word poetry talaga siya pero nahihiya ako magsalita kaya hanggang dito lang hahaha.
aL Jan 2019
Nakaw lang ang tingin
Ngunit ang nakita ay higit
Kahit oras ay bitin
Paghangang nakuha sa saglit

Sa kanyang labing kanais nais
Ang kanyang namumutlang pisngi
Kanyang tangkad na hindi labis
Ang kanyang bihirang ngiti

Sa sandaling ikaw ay nasilayan
Mata ko ay ayaw kang pagbitiwan
Siguro nga ay hindi ka pangkaraniwan
Sa ngayo'y tanging magagawa, ika'y titigan
Steph Dionisio Sep 2015
Sa kulay-kape **** mga mata,
nakita niya ang kanyang halaga.
Ang iyong ngiti ang silbing niyang liwanag,
nagbigay sa diwa niya ng tatag.
Yakap mo'y kanyang tahanan,
siyang nagbibigay ng gaan.
Hindi man mabigkas ng bibig ang salita,
siya'y kuntento na sa iyong gawa.
Ika'y isang wikang walang tinig,
ngunit sa kanya'y isang magandang himig.

*-Steph Dionisio, September 09, 2015
Paraluman Sep 2015
Ríete de la noche,
Pagtawanan mo ang gabi,
Laugh at the night,
del día, de la luna,
ang araw, ang buwan,
at the day, at the moon,
ríete de las calles
torcidas de la isla,
pagtawanan mo ang liku-likong
landas sa isla,

laugh at the twisted
streets of the island,

ríete de este torpe
muchacho que te quiere,
pagtawanan mo ang torpeng
lalaking ito na nagmamahal sa iyo,

laugh at this clumsy
boy who loves you,

pero cuando yo abro
los ojos y los cierro,
ngunit kapag bubuksan at
isasara ko ang aking mga mata,

but when I open
my eyes and close them,

cuando mis pasos van,
kapag ako ay umalis,
when my steps go,
cuando vuelven mis pasos,
kapag ako ay muling bumalik,
when my steps return,
niégame el pan, el aire,
la luz, la primavera
ipagkait mo na sa akin ang tinapay, ang hangin, ang liwanag at ang tagsibol,
deny me bread, air,
light, spring,

pero tu risa nunca
porque me moriría.
wag lamang ang iyong mga ngiti
dahil ito ay aking ikasasawi.

**but never your laughter
for I would die.
I find this so romantic and beautiful.
(This is only a part of the poem.)

— The End —