Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Sa may dulo, ako'y nakatingin sa malawak na tanawin.
Tinatamasa ang malamig na hangin,
na animo'y dinadala ka sa ibang parte ng mundo.
Na kung saan ika'y nakakabit sa malaningning na mga bituin.
Hndi alam kung ano at sino ka,
pero darating ang panahon na ika'y dadalhin nang tadhana sa aking mga bisig.
Hindi man ngayon,
pero handa akong hintayin ang tamang oras.
Tamang oras na kung saan bawat puso'y sasaya
at walang hanggang pagmamahal.
Naniniwala akong darating din sa atin ang tadhana.
At sana, sa pagkikita natin ay handa nang lumaban,magtiwala,
at magmahal nang tunay.
Hihintayin kita!
Elmo Cross Nov 2019
Sabi nila mahirap raw maghintay
Dahil konti lang ang oras natin sa buhay
Sabi nila hindi sulit ang maging tapat
Sino ba kasi ang sa'tin ay nararapat

Kahit ganun' man ay akin pa rin sinubukan
Tatlong taon nang nakikipagsapalaran
Paghihintay ang simbolo ng aking tunay na pag-ibig
Puso'y sayo lamang kahit may ibang gustong umibig

Wala na ibang pang iibigin
Desisyon ko ay di ko bibiguin
Wala na ibang nanaisin
Ang iyong puso lang ang aking papansinin

At kung di man ito ang kapalaran
Oh Diyos ko, bigyan mo ako ng kalakasan
Na tanggapin kung ano man ang kanyang sabihin
Kung ang pag-ibig ko ba ay kanyang sasaluhin, o hindi

Pinapangako ko sayo, na ikaw lang ang iibigin ko
Maghintay ay kayang kaya ko
Kaya kahit sabihin man nila mahirap maghintay
Ang puso ko ay sayo pa rin I-aalay
Maghihintay ako hanggang sa pwede na kitang ligawan.

— The End —