Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Ronna M Tacud Feb 19
Ang kahapon ay nagdaan, lungkot ko ay lumisan.
Tunog ng huni ang aking nagisnan.
Liwanag ng araw ang aking nakikita.
Sa dapit sulok ako ay nakatanaw.
Simoy nang hangin ang nalanghap, ngiti ang siyang nasilayan.

Oh, kay ganda ng umaga!
Sipsip ng kape ang aking natamasa.
Hindi magsasawang dumungaw sa maliit na bintana.
Buhok ay hinangin pero ito'y nagbibigay buhay.
Mata ko ay pumungay sa ganda ng tanawin.
Kay gandang pagmasdan ang mga ulap na animo'y dinadala ka sa kalawakan.

Kay sarap marinig ang huni ng mga ibon na para bang kinakalma ang iyong damdamin.
Binawi nito lahat ang kapintasan na aking pinagdadaanan.
Lumuha man noon, napalitan naman ngayon nang isang totoong ngiti.
Maari bang ganito nalang palagi at kalimutan ang pait na siyang aking nakamtan?
agatha May 2020
at dito tayo magtatagpo
sa gitna ng pag agaw ng umaga at dilim
habang ika'y papaalis kasama ang mga bituin
ako'y lalayag para isabit sa kalangitan ang iyong araw.

magandang umaga,
magandang gabi.
Meruem Nov 2019
Panahon na rin siguro,
Para ako'y makasiguro.
Ipahinga muna ang puso,
Habang ako ay natututo.

At sa pagsapit ng umaga,
Isa lamang ang mahalaga;
Na sa pagmulat ng mga mata,
Purong ligaya na ang nadarama.
November 21, 2019 - 01:30

Tayo na at magpakalasing mamaya!!!!!!!

— The End —