Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Karapatang Ari 2016
WMSU MABUHAY ESU
DONWARD CAÑETE GOMEZ BUGHAW


Kung isa-isahin ang nangakaraan
Simula no'ng ika'y aking niligawan
Hanggang sa dumating ating hiwalayan,
Maikuk'wento ko ng walang alangan.

Unang kita palang, napaibig ako
Sa isang babae at Nimfang tulad mo;
Puso ko'y nahulog ng di napagtanto,
Siguro'y pakana ito ni Kupido.

Iyong itinanong, "Ikaw ba si Donward?"
Ako'y napatigil nang dahil sa gulat
Ako ay lumingo't ikaw ay hinarap,
Aking itinugon isang tango't kindat.

Nang ako'y lumabas na sa isang silid
Hindi ko mawari't ikaw ay nawaglit;
Ako ay nalumbay sa nasahing pilit
Ano't ang tadhana ay nagmamalupit.

Gusto ko pa namang ika'y makilala
Paanong nangyari't agad kang nawala,
Hindi tuloy kita natanong o sinta
Sa iyong pangalan na pang-engkantada.

Aking inusisa ang aking sarili:
"May pag-asa pa bang makita kang muli?
May tadhana kayang magtatagpo uli
Sa ating dalawa kahit na sandali?"

Hanggang isang araw, nang aking makita
Iyong kaibigang naglakad mag-isa
Agad kong tinanong kung ika'y nagsimba
Marahan n'yang sagot nasa tuluyan ka.

Pagkatapos niyon tinanong ko na s'ya
Sa iyong pangalan na may pagkad'yosa
Agaran niyang sagot, "Devina Mindaña,
Ang buong pangalan ng aking kasama.

Nagpatuloy kami sa pagkuk'wentuhan
Habang naglalakad sa tabi ng daan
Hanggang sa dumating ang aming usapan
Sa punto na ako ay kanyang mabuk'han.

Diretsahang tanong ay 'may gusto ka ba,
Sa kaibigan kong nanuot sa ganda?'
Sagot ko'y mistula isang tugong parsa,
Naging dahilan ko'y, 'Naku, wala! Wala!'

Imbis na makuha, siya ay natawa
At nang tanungin ko'y naging sagot niya:
"Subukan mo nalang ang ligawan siya
At baka maantig, batong puso niya.

Ni minsan ay hindi siya nagkaroon
ng isang siyota, pagkat umaambon
ang pangarap niyang gustong maisulong
ang makapagtapos at ang makaahon."

Pagkasabi niyon, ako ay nangusap:
"Diyata't parehas kami ng pangarap,
Kapwa puso namin ay nangangagliyab
Sa iisang nais na para sa bukas."

Nagpatuloy kami sa aming usapan
Hanggang sa tuluyang siya'y namaalam.
"Ako'y ikumusta sa 'yong kaibigan,"
Wika ko nang siya'y tumawid sa daan.

Nagpatuloy ako sa aking paglakad
Hanggang sa marating ang nagliliwanag
nating pamantasang nagtatahang huwad
ng dunong at puring nanahanang likas.

Nagdaan ang gabi't umaga na naman
Pagsulat ng tula'y aking sinimulan,
Yaong tulang handog sayo kamahalan
Nitong si Balagtas, Donward ang pangalan.

Ang iyong pangalan ang naiititik
Niyong aking plumang espadang matulis;
Ang tinta ay dugong may hinalong pawis
Nitong aking huli't wagas na pag-ibig.

Ngunit sa kabila, niyong aking katha
Aking nalimutan ang lahat ng bigla
Maging pangalan mo, sintang minumutya
Kung kaya't nagtanong uli ang makata.

"Siya ang babaeng aking naibigan,"
Pagkukuwento ko kay Jesang huwaran
Nang ika'y nakitang naglakad sa daan
Kasama ang dal'wa mo pang kaibigan.

At nang naguluha'y aking itinuro,
Pagkatapos niyo'y siyang aking sugo;
Si Jesang huwaran ay parang kabayo,
Ika'y sinalubong ng lakarang-takbo.

Agad kang tinanong sa iyong pangalan
Katulad ng aking naging kautusan.
Nang ika'y tawagin -- o kay saklap naman
Di mo man lang ako nagawang balingan.

Nang aking tanungin si Jesang huwaran,
Nang siya'y nagbalik sa pinanggalingan,
Kung ano ang iyong tunay na pangalan:
"Devina Mindaña," kanyang kasagutan.

Hindi lumalao't hindi nakayanan
Ng puso kong ito, ang manahimik lang;
Kaya't nagsimulang ikaw ay sabayan,
Kahit hindi pa man kilalang lubusan.

Ewan ko kung bakit ako'y tinarayan,
Gusto kong magtanong, pero di na lamang;
Sa sungit mo kasi'y baka lang talikdan
At bago aalis ay iyong duraan.

Subalit, lumipas ilang linggo't buwan
Tayo'y nagkasundo't nagkausap minsan;
Insidenteng iyo'y di ko malimutan,
Malamyos **** tinig, aking napakinggan.

Nang ako'y tanungin sa aking pangalan,
Sa telepono ko'y sagot ay Superman;
At nang mukhang galit, agad sinabihang,
"Huwag kang magalit, ika'y biniro lang."

Agad kong sinabi ang aking pangalan
Baka tuloy ako'y iyong mabulyawan:
"Si Donward po ito," sabi kong marahan,
Pagpapakilala sa 'king katauhan.

Patuloy ang takbo ng ating kuwento,
Ang lahat ng iyo'y aking naging sulo,
Sa papasukin kong isang labirinto;
Sa isang kastilyong nasa iyong puso.

Hanggang isang gabi, mayroong sayawan,
Napuno ng tao ang gitnang bulwagan;
Ang aking sarili'y hindi napigilan
Na ika'y hanapi't maisayaw man lang.

Ngunit ng matunto'y hindi nakaasta,
Ang aking nasahin ay naglahong bigla;
Imbis na lapita't dalhin ka sa gitna,
Ay hindi na lama't ako'y nababakla.

Aking aaminin ang kadahilanan,
Takot na talaga ang pusong iniwan
Na baka lang uli't ito ay masaktan
Tulad ng sa aking naging kasaysayan.

Kaya't hindi ako nagpadalos-dalos
At baka pa tuloy yaon ay mapaltos;
Ang mabulilyaso'y mahirap na unos
Nitong aking pusong may panimding lubos.

Akin pang naitanong sa isang pinsan mo
K'wento ng pag-ibig na tungkol sa iyo
At kung maaaring ikaw ay masuyo,
Naging tugon niya'y: 'Ewan ko! Ewan ko!'

"Huwag ikagalit kung ika'y tanungin,"
Sabi ng pinsan **** maalam tumingin
Di sa kanyang mata na nakakatingin,
(Kung hindi'y sa kanyang talas na loobin).

Aking naging tugon doon sa kausap,
Yaong binibining aking nakaharap:
"Hindi magagalit itong nakatapat
Hangga't ang puso ko'y hindi nagkasugat.

Pagkatapos niyo'y kanya ng sinabi
Ang ibig itanong na nangagsumagi
Sa kanyang isipang lubhang mapanuri,
Ang kanyang hinala ay ibinahagi.

"Ikaw ba'y may gusto sa kanya na lihim?
Huwag **** itago't ng hindi lusawin
Ang laman ng puso at iyong pagtingin
Ng iyong ugaling, pagkasinungaling!"

Pagkatapos niyo'y agad kong sinagot
Tanong niyang sadyang nakakapanubok
At ipinagtapat yaong aking loob
Ng walang alanga't maski pagkatakot.

"Ako nga'y may gusto sa kanya na lihim,
Subalit paanong siya'y maging akin
Gayung tingin pala'y akin ng sapitin,
Ang lumbay, ang hapdi't kabiguan man din?"

"Di ko masasagot ang 'yong katanungan,"
Naging tugon niyong butihin **** pinsan,
"Tanging payo ko lang ay pahalagahan,
Huwag pabayaa't siya ay igalang."

Aking isinunod nang kami'y matapos
Ay ang iyong ateng wari d'yosang Venus;
Agad kong sinabi habang napalunok
Yaong aking pakay at nang s'ya'y masubok.

Imbis na tugunin yaong aking pakay,
Ako'y di pinansin kung kaya't nangalay
Dalawa kong mata sa kanilaynilay
Ako'y nanghihina't puso'y nanlupaypay.

Aking iniisip sa tuwi-tuwina
Ay ang pangalan mo, mahal kong Devina;
At ang hinihiling sa bantay kong tala,
Hihinting pag-asang makapiling kita.

Kaya't hindi ako nakapagpipigil,
Iyong aking loob na nanghihilahil
Aking inihayag sayo aking giliw
Ng walang palaman at maski kasaliw.

Tandang tanda ko pa no'ng makasabay ka
Papuntang simbaha'y sinusuyo kita
Hanggang sa pagpasok ako'y sumasama
Kahit hindi alam ang gagawin sinta.

Bago nagsimula ang misa mahal ko,
Ang aking larawa'y iniabot sayo;
May sulat sa likod, sana'y nabasa mo,
Yaong pangungusap ay mula sa puso.

Di kita nakitang ako ay nilingon,
Sapagkat atens'yo'y naroong natuon
Sa isang lalaking pumasok na roon,
At sayo'y tumabi hanggang sa humapon.

At nang nagsimula'y umalis na ako,
Pagkat ako itong walang sinasanto;
Baka tuloy ako magsasang-demonyo
Sa aking nakitang katuwaan ninyo.

Hindi ko malaman kung bakit sumakit,
Nanibugho ako, ano't iyo'y salik?;
Ano nga ba ito't tila naninikip?
Lintik na pag-ibig, puso ko'y napunit!

Napaisip ako habang naglalakad
Hanggang sa isip ko'y nagkakaliwanag;
'Manibugho sayo'y hindi nararapat,'
Napatungo ako sa sariling habag.

Ilang saglit pa at akin ng pinahid
Luhang sumalimbay sa pisnging makinis
At saka nangusap ng pagkamasakit:
"Wag kang mag-alala't di ko ipipilit."

"Itong pag-ibig kong nagniningas apoy,
Nasisiguro kong hindi magluluoy;
Ngunit, kung hindi mo bayaang tumuloy,
Mas mabuti pa ang puso ko'y itaboy!"

Nang ako'y magbalik doon sa simbahan,
Sa dami ng tao'y di kita nasilayan;
Ngunit, nang tanawin sa kinauup'an,
Naroong Devina't kinaiinisan.

Nanatili ako't hindi na umalis,
Di tulad kaninang lumabas sa inis;
Ako'y umupo na at nakikisiksik,
Kahit patapos na ang misang di ibig.

Hindi ko nga ibig, pagmimisang iyon
At maging pagsamba't gano'ng pagtitipon;
Pagtayo't pagluhod di ko tinutugon,
Pagkat ako itong walang panginoon.

Araw ay lumipas mula ng masuyo,
Ika'y sinubuka't nang hindi malugo
Itong aking pusong namalaging bigo
Sa loob ng dibdib, namugang tibo.

Iyong naging tugon ay nakakapaso,
Masakit isipi't maging ipupuso;
Yaong tumatama'y animoy palaso,
Narok sa dibdib, sugat aking tamo!

Sa kabila niyo'y di pa rin sumuko,
Tanging ikaw pa rin ang pinipintuho;
Kaya't wag isiping ito'y isang laro,
Pag-ibig kong ito'y hindi isang biro.

Hanggang sa dumating gabing aking asam,
Sa lilim ng mangga, bago ang sayawan
Ay iyong inamin ang nararamdaman,
Ating tagpong iyo'y di malilimutan.

Ipinagtapat mo na ika'y may gusto,
Ngunit di matugon itong aking puso,
Sapagkat ikaw ay mayroon ng nobyo
Di mo kayang iwa't ayaw **** manloko.

Aking naging tugon sa iyong sinabi,
Ay handang maghintay at mamamalagi
Hanggang sa panahong ikaw ay mahuli,
Makita't malamang di na nakatali.

Sa mukha'y nakita, matamis na ngiti
Niyong Mona Lisang, pinta ni Da Vinci;
Ako'y natigilan ilan pang sandali,
Nang aking matanaw, gandang natatangi.

Bago pa nag-umpisa'y pumasok na tayo,
Sa hinaraya kong dakilang palasyo,
At sa lilingkuran tayo ay naupo,
Niyong maliwanag, loob ng himnasyo.

At nang magsimulang musika'y tumugtog,
Ika'y namaalam at para dumulog
doon sa bulwaga't makikitatsulok,
ng sayaw sa indak dulot ng indayog.

Bago pa marating ang gitnang bulwagan,
Ako'y sumunod na't di ka nilubayan
Hangga't di pumayag sa 'king kagustuhan
Na maisayaw ka at makasaliwan.

Lumipas ang gabi't umaga'y sumapit,
Ang araw at linggo'y tila naging saglit;
Ako'y nagtataka't biglang napaisip,
Ano at ang oras ay mukhang bumilis.

Hanggang isang gabi nang aking tanungin,
Sa iyo, o, mahal kung bibigyang pansin;
Hanggang kailan mo pagdudurusahin;
May pag-asa pa bang nadama'y diringgin?

Iyong naging sagot sa katanungan ko:
"Di na magdurusa't ngayo'y maging tayo."
Ang rurok ng saya ay aking natamo,
Lalo pa't sinabing mahal mo rin ako.

Sa kadahilanang gustong masiguro,
Aking naitanong kung iyo'y totoo;
Baka mo lang kasi ako'y binibiro,
At kung maniwala'y sugatan ang puso.

Iyong ibinalik, ating gunitain,
Doon sa manggahan 'sang gabing madilim;
Ipinagtapat mo ang iyong damdamin,
Ngunit, di nagawang puso ko'y tugunin.

Pagkat mayroon kang sintang iniibig,
Iisang lalaking namugad sa dibdib;
Di mo maloloko't iyong inihasik
Sa paso ng puso't bukirin ng isip.

Pagkatapos niyo'y sinabi sa akin,
Na ating pag-ibig, manatiling lihim;
Aking naging tugo'y 'sang tangong lampahin
Pagkat aking isip, gulong-gulo man din.

"Sigurado ka ba sa'yong naging pasya?"
Ang muli kong tanong, bago naniwala
Sayo aking mahal na isang diwata,
Yaong aking ibig at pinapantasya.

Iyong naging tugon sa aking sinabi:
"Kung ayaw mo'y huwag, di ko masisisi;
Ano pa't puso mo'y sadyang madiskarte,
Baka may iba ng pinipintakasi."

Agad kong sinabi sa iyo mahal ko:
"Ano at kay daling ikaw ay magtampo,
Nagtanong lang nama't ako'y naniguro
Baka mo lang kasi, ako'y nilalaro.

Lumipas ang gabi't umaga'y sumapit,
Unang araw natin ay lubhang mapait,
Pagkat di nakayang ako ay lumapit,
Sayo aking sinta't ewan ko kung bakit.

Ilang sandali pa't hindi nakatiis,
Sa pagkakaupo'y tumayo't lumihis
ng landas patungo kay Musa kong ibig,
pagkat aking puso'y lubhang naligalig.

Muli kang tinanong kung pasya'y totoo,
Di na mababawi't di na mababago;
Iyong naging tugon sa katanungan ko,
Pisngi ko'y hinaplos, sabay sabing 'oo.'

Kay sarap marinig, salita **** iyon,
Iisa ang punto at maging ang layon;
Para bang lagaslas ng tubig sa balon,
Ibig kong pakinggan sa buong maghapon.

Matapos ang pasko'y siyang araw natin,
Na kung gunitai'y araw na inamin,
tinugon ang puso at binigyang pansin,
at saka sinabing, ako'y mahal mo rin.

Aking gabing iyo'y narurok ang saya,
Ngiti niyong buwa'y nakakahalina;
Ibig kong isulat ay isang pantasya,
At ikaw Devina, yaong engkantada.

Araw'y nangaglipas, daho'y nangalaglag,
Ano at ang oras tila naging iglap;
Siyang araw natin ay muling lumapag,
Ano at ang panaho'y tila naging lundag.

Iyong regalo mo'y hindi malimutan,
At maging pagbating ibig kong pakinggan,
Sa bawat umagang araw'y sumisilang
At kung maaari'y mapawalang-hanggan.

Ngunit nang magdaan ilang araw't linggo,
Naging malungkuti't di na palakibo;
Puso ko'y mistula isang boteng tibo,
Nabiyak sa dusa nang itatuwa mo.

Sa tuwi-tuwina'y napaisip ako,
Talaga nga kayang tapat ang puso mo?;
Ulo ko'y sasabog, bulkang Pinatubo,
Bakit ba't isip ko'y nagkakaganito?

Ilang araw kitang hindi tinawagan,
Pagkat labis akong nagdusa't nagdamdam;
Malakas kong loob ay di nilubayan
Ng kapighatia't maging kalungkutan.

Tayo nga'y mayroong isang kasunduan,
Di maikaila't sinasang-ayunan
Ngunit, ang itat'wa'y di makatarungan,
Alalahanin **** ako'y nasasaktan.

Ako'y wag itulad sa makinang robot
Na di nakaramdam maski anong kirot;
Ako ay may pusong nakakatilaok,
Pumipintig baga'y putak ng 'sang manok.

Kaya't nang sadyain sa tinutuluyan,
Ika'y kinausap at pinagsabihang:
"Sakaling darating ating hiwalayan,
Huwag magpaloko sa kalalakihan.

At saka-sakaling sayo'y may  manligaw,
Isipin mo muna't wag agad pumataw;
Pasya'y siguruhin bago mo ibitaw,
Ang iyong salita, nang di ka maligaw."

Unang halik nati'y hindi malimutan,
At kahit na yao'y isang nakaw lamang,
Pangyayaring iyo'y di makaligtaan,
Naging saksi natin ay ang Taguisian.

Tila ba talulot ng isang bulaklak
Labi **** sa akin na nangangagtapat;
Animo'y pabango yaong halimuyak,
Ng iyong hiningang sa halik nangganyak.

Ika-labinlima, araw ng Pebrero,
Hindi malimutan ating naging tagpo;
Sa iyong tuluya'y nagkasama tayo,
Doon sa Kwek Kwekan, nagdiwang ang puso.

Ako'y isang taong lubhang maramdamin,
Ang hapdi at kirot siyang tinitiim;
Puso ko'y tila ba 'sang pagong patpatin,
Sa loob ng dibdib sakit ang kapiling.

Kaya't nang makitang may kasamang iba,
Marahang lumason sa puso ko sinta
Ay ang panibugho't sakit na nadama;
At para maglaho, alak ay tinungga.

Sa ika-tatlumpu, na araw ng Marso,
Akin pang naalala pagbisita sayo,
Sa inyong tahana't mapayapang baryo,
Nagmano pa ako sa ama't ina mo.

Ibig kong ang lahat ay di na magtapos,
Masasayang araw nating lumalagos
Sa isip, sa puso't maging sa malamyos,
Na kantahi't tulang aking inihandog.

Ngunit, nang lumipas ang ika-limang araw
mula nang makita't sa inyo'y madalaw
ay isang mensahe ang lubhang gumunaw
sa aking damdami't marahang tumunaw.

Animo'y balaraw yaong tumatama,
Nang ang mensahe mo ay aking nabasa;
Gusto kong umiyak, gusto kong magwala,
Ngunit, anong saysay gayung wala na nga?

Kung isaulan ko itong aking luha,
Masasayang lama't walang mapapala;
Kaya't kahit ibig, ako ay tumawa,
Wag lamang masadlak yaong pagdurusa.

Kung ang kalayaa'y siyang ibig sinta,
At ang saktan ako'y ikaliligaya
Aba'y payag ako't ikaw na bahala,
Basta lang ang akin ika'y liligaya.

Kay sakit isiping tayo ay hindi na,
Ngunit, kung ito man ang itinadhana,
Aba'y pag-ibig ko't pag-ibig mo sinta,
Di makakahadlang sa ibig sumila.

Mahal ko paalam sa ating pag-ibig,
Mahal ko paalam, kahit na masakit;
Mga alaala'y huwag ng ibalik,
Burahin ng lahat sa puso at isip.


~WAKAS~
Ang tulang ito ay handog ko para kay Devina Mindaña.
Vincent Liberato Oct 2018
Ang tauhang ito ay kung lumisan sa mundo—mananatili na lamang ang mga salita, ngunit walang kahulugan ang buhay o hindi alam ang kahulugan ng buhay.

'Walang pag-iral ang tao sa lipunan hangga't 'di kailangan ng lipunan ang tao.' Ang bulong ng tauhan kasunod ang buntunghininga na nasa kawalan na. Tumigil lamang ang tauhan upang pagmasdan ang kumukurap-kurap na liwanag sa rurok ng poste. 'Kahit anong tatag at tibay nito, kung ang liwanag nito sa rurok ay pawala na—wala rin.' Ang bulong muli ng tauhan sa sarili.

Biglang bumuhos ang lakas ng ulan habang pinagmamasdan ng tauhan ang poste. Sa lakas ng lagatik ng ulan, ngumiti lamang ang tauhan. Ngumiti lamang sa kabila ng buhos ng ulan sabay tumawa. Sa mga sandaling iyon nasa kawalan ang tauhan—nasa kawalan ng ngiti—nasa kawalan ng ulan.

Umuwi lamang ng may ngiti ang tauhan sa kabila ng buhos ng ulan. Madilim at liblib ang kuwarto ng tauhan katulad na lamang ng damdamin at pag-iisip ng tauhan. Sa pagitan ng bintana't pinto. Kumuha ng lubid at upuan ang tauhan. Inilagay sa pagitan ng bintana't pinto ng liblib na kuwarto ang upuan. Tumungtong ang tauhan habang hawak ang lubid, itinali kung saan dapat itali. Itinali sa sarili—iginapos ang katapusan sa leeg—ipiniid ang mga mata. Tumalon na lamang ang tauhan sa upuan sa pagitan ng bintana't pintuan ng liblib na kuwarto. Pumanaw na lamang ang tauhan ng buhay, ngunit may taning.

Sa ganoong paraan, nalaman ng buong lipunan na kabilang sa lipunan ang tauhan. Nalaman muli ng lipunan ang pag-iral ng tauhan, ngunit nang pumanaw na ito. Kabilang na muli ang tauhan sa lipunan, ngunit kabilang sa mga pumanaw.
m X c May 2019
gabing hindi mapakali,
gustong humagolgol, ngunit walang luhang pumapatak,
sikip ng dibdib ay hindi maintindihan,
ilang kilometro na ang takbo ng isip,
ngunit ikaw lamang ang iniisip,
Papalayain na ba ang sarili?
o hahayaan nalang na magkusang mawala,
dahil nagmimistulang bangkay na at hindi na maramdaman ang muling umibig.
ang makita kang masaya na, ay akin ding kasiyahan,
mga katanungan ko'y hangang tanong nalang.
sinusubukang ngumiti tumawa ngunit, aking lamang pinaglalaruan ang aking sarili, dahil sa halip tuwa at saya ang aking maramdaman ay parang normal lang.
PAPALAYAIN NA AKING SARILI,
sa nakaraan nating ako lang ang nakakalam, na parang ako lang ang nakakaalala.
ito na nakakaramdam na pala ako ulit.
SAKIT pala ang aking nararamdaman, na ako'y napag iwanan na, na ako nalang ang nabubuhay sating nakaraan. TAKOT, na ako'y tuluyan mo na palang nakalimutan, TUWA na ikaw ay masayang masaya na, ngunit sana ang mga tanong gustong itanong saiyo, matuldukan na, pangamba ko lang ay hindi nanaman ito sagutin. pangamba ko din ay baka hindi mo na ako ituring na kahit parang kapatid lang, yon ay aking tanging hiling.
ngayon ay siguro panahon na para,
Palayain na aking SARILI,
ngayon luha na ngay bumuhos sa umagang gansa ng sikat ng araw,
at ngayon sa huling pagkakataon ipapadama sayo,
K. ikaw lang, mahal kita, minahal kita, at kung baliktarin man ang mundo at kung saan pwede na ang TAYO, K. mamahalain parin kita.
mahirap man sakin ngunit siguro ngay ito rin ang iyong inaantay ang,
Palayain na aking SARILI.
there's always someone who will never be YOURS, iloveyou more than anyone knows.
thanks, and i will always be your MACy.
Meynard Ilagan Jun 2017
Sana, bata na lang tayong lahat…

Walang alam kundi ang gumising, maglaro, tumawa, matulog at kumain
Yung tipong wala kang alam na problema kundi paano ka makakapaglaro bukas kasama ng mga matatalik **** kaibigan.  Paano ka tatakas sa nanay mo dahil gusto kang patulugin pero ang isinisigaw mo ay “maglalaro ako!!!”

Sana , bukas ay bakasyon na…

Late magigising tapos kakain lang, manonood ng paboritong palabas, liligo, gagala tapos pagkauwi ay manonood ulit mamaya ay matutulog na.  Habang nakahiga ay nagtetext sa importanteng tao sa buhay mo kaya naman ay kakwentuhan mo ang kapatid mo, magulang mo o ang  asawa mo.

Sana, pasko na lang bukas…

Lahat ‘tila ba walang problema kundi “paano ang mga inaanak ko?, paano ang mga regalo?  at sana mapasaya ko sila…”  Tiyak lahat ay Masaya dahil napakahirap magalit sa araw na ito.  Ito ang araw na napakadaming taong nagbabati o nagkakaayos mula sa pangit na nakaraan dahil sa bisa ng Pasko.

Sana bukas ay may darating kang regalo- pera man o gamit o di kaya’y isang kasiyahan …

Siguradong ngayon pa lang ay excited ka ng magbukas o tumanggap nun dahil wala namang taong di Masaya kapag nakatanggap ng regalo.  Itatago mo ito at pakakaingatan lalo na’t ang nagbigay ay napakahalagang tao sa buhay mo.

Sana ikakasal na ako bukas…

Lahat tayo ay may pangarap na magkaroon ng sariling pamilya kung hindi man lahat ay madami.  Siguradong kung naiisip mo ito, walang laman ang isip mo kundi masasayang sandali.   Kung ikaw man ay naikasal na, maaalala **** minsan ay naglakad ka papuntang altar habang inaantay ka ng mahal mo o ikaw yung naghihintay sa harap ng altar kasabay ng mga nagtatakbuhang daga sa dibdib mo.

Napakaraming masasayang bagay ang naiisip natin ngunit di ito kadaling ibinibigay.  Dapat, paghirapan natin ito…
-meynard
071812
Jeremiah Ramos Feb 2016
Tayo ay magkasalungat
Magkaiba, hindi tugma
At kahit baliktarin mo ang mundo
Tayo ay dalawang taong
Hindi maipagsasama,
Hindi maipapares, hindi din maitutugma
Pero mahal pa rin kita

Ikaw,
Ikaw, na nagmamahal ng iba
Ikaw, na mayroon mga mata
Na para bang sila ang dahilan kung bakit may mga tala
Ikaw, na mayroong bibig
Para ngumiti o sumimangot
Sa tamis at pait ng buhay
Ikaw, na mayroong kamay
Para mahawakan ang kamay ng taong mahal mo
Ikaw, na mayroong puso,
Na naghahanap ng kasabay sa pagtibok nito

Ako,
Ako, na nagmamahal sa'yo
Ako, na mayroon ding mga mata
Na nakakakita sa'yo kahit ang kwarto ay punong-puno ng libu-libong tao
Ako, na mayroon ding bibig
Para ngumiti, tumawa, humalakhak
Kahit wala ka sa tabi ko
Ako, na mayroon ding mga kamay
Na dapat hawak ang iyo
Ako, na mayroon ding puso
Na hindi pala tutugma ng tibok ng iyo
Kasi pabilis ito ng pabilis habang ikaw ay papalapit ng papalapit
Pero pakinggan mo sana sa ingay ng 'di tugmang tibok ng puso natin
May nagsasabing
Mahal kita, gusto kita, ako na lang, sana tayo
Pero nandiyan pala siya.

Siya, na minamahal mo
Siya, na parang buwan kasama ang mga tala
Siya, na laging hawak ang kamay mo
Siya, ang dahilan kung bakit hindi ko kayang sabihin lahat ng 'to sa harap mo.

Tayo,
Tayo ay parang tubig at langis,
Liwanag at dilim, langit at lupa
Mapait at matamis, madumi at malinis
Maingay at tahimik, itim at puti
Tayo ang perpektong kahulugan ng salitang 'salungat'

Sana,
Sana magising ako sa katotohanan na mali ang konsepto ng pag-ibig na nalaman ko
Na ang pag-ibig pala hindi lagi inaantay,
At hindi din lagi naghahanap ng kapalit
Sana nagkakilala tayong may lihim na nararamdaman sa isa't-isa
Sana kayanin **** magmahal ng higit pa sa kaibigan
Sana hindi na lang kayo nagkakilala
Sana ikaw ang pangalan na nawawalan ng saysay pag paulit ulit ko itong sinasabi
Sana hindi na lang ako lagi kumakapit sa sana.

Pangako,
Pinangako ko sa sarili ko
Na pagkatapos ng tulang 'to
Titigil na akong isipin ka
Titigil na akong alalahanin ang ngiti mo, ang paggalaw ng iyong bibig tuwing sasabihin mo ang pangalan ko
Titigilan na kita sulatan ng tula
Titigil na akong mahalin ka
At ang huling sana na aasahan kong matupad
Na sana tandaan mo,
Minahal kita, Ginusto kita,
Kahit siya na lang
At sana masaya ka.
Para kay A.
Cepheus Feb 2019
Ang swerte mo
Inggit ako sa'yo
Parang na sa'yo na ang buong mundo
Pero hindi dahil sa pera o sa yate mo

Kasi na sa'yo siya

Pansin mo ba ang kinang sa kanyang mata?
Tuwing siya ay ngumingiti
Kung pa'no pumoporma ang mukha n'ya 'pag tumatawa?
O ang lambot ng kanyang buhok 'pag ito'y kanyang hinahawi?

Kung pa'no s'ya maglakad, tumayo o umupo?
'Pag seryoso na s'ya sa trabaho?
Ang ekspresyon n'ya 'pag sya'y nagki-kwento?
Pati paraan ng kanyang pag-ubo?

Eh yung kapag medyo tinamaan na s'ya ng alak?
Na parang ang sampung bote'y 'di pa sapat
Kulang pa nga ang pulutan
'Pag tutumba na s'ya'y mapapatakbo ka para alalayan

Ang ganda n'ya 'diba?

Kung tutuusin nga 'di na n'ya kailangan ng kolorete pa
Yung itsurang pagod n'ya kakaiba
Para ka na lang mapapatulala
Habang nakanganga

Lalo na 'pag naiinis na s'ya sa'yo
'Pag napipikon na s'ya kakaasar mo
Pero nakakatuwa kahit puno ka na ng palo
Kahit pa s'ya lagi ang dapat panalo

'Pag naglalambing s'ya
Kahit gusto mo pa magalit, wala
Mapapangiti ka na lang at hala
Galit mo'y naglaho na

Yung mata din n'yang namamaga
Kasi kakaiyak lang n'ya
O kakagising lang kasi
Iba pa rin eh

Kasi nakikita n'ya yung akala mo walang makakakita
'Pag nagtatampo ka na pero ayaw mo ipahalata
Yung gula-gulanit **** kalupi pinalitan pa n'ya
May iniwan pang sulat nung nawala ka

Nung nagkasakit ka, s'ya'ng nag-alaga
Alam n'ya kung pa'no ka pangitiin hanggang sa ika'y tumawa
Para nga'ng pati mga iniisip mo, alam na n'ya
Pati siguro yung katotohanang nahuhulog ka na

'Diba ang swerte mo?

'Yun lang kasi pwede kong iuwi
Para sa aking sarili
Kasi nga sa'yo s'ya
Do'n wala akong magagawa

'Di ko nakikita kung pa'no n'ya isiping mahal ka n'ya
Na ayaw ka n'yang mawala
Na ikaw na yung naiisip n'ya na habangbuhay makasama
Yung kinabukasan n'yong kayong dalawa

Kaya swerte ka Kuya Wil
Na sa'yo kasi ang 'di mapapasa'kin
Kaya ingatan mo s'ya't mahalin
Dahil kung hindi, baka sya'y aking dagitin
George Andres Jun 2016
Hindi matigas lahat ng bato
Hindi lalago ang halamang nakatago
Pero kung bubunutin din naman
Anong silbi ng pagkakakilanlan?

Itaas ang kamay kung ginawa mo ito:
Ituro sa kapatid na bakla ang tito mo,
Kung gayon, ito ay duwag at gago,
Tingnan bilang presong kulong sa kandado

At kung sapatos ni kuya, suot ng ate mo,
Walang alam ni isa, pero sa ina sinabi mo
Nasaksihan ang paglisan ng nagturong pumorma
Narinig ang galit ng ama, sigaw ay "imoral ka!"

Putang ina, lahat iyon ay narinig mo
Hindi na kaya ng sentido mo
Mali ito, mali ito ang pilit ng lipunan sayo
Iwaksi mo, iwaksi mo, at tatanggapin ka nito

Sa oras na lumabas ka, wala ka nang pangalan
At araw-araw sa buhay mo, tila umuulan
Ng husga, ng ismid, ng dura sa sahig
Tawag sainyo ng kasintahan ay bawal na pag-ibig


Tomboy, bakla, bayot, tibo
Araw na binigyan ka ng ngalan tila naglaho
Binato ng panghahamak na gusto mo nang lumisan
Kaysa tanggapin ang galit na pinagmulan ay di alam

'Mahalin mo ang 'yong kapwa'
Banggit at turo ng May Likha
Pero bakit may galit ata
Nagpahayag nito't nagsalita?

Hindi ba itinuturing na kapwa sila?
Na kasama **** lumaki, magdalaga?
Kalaro ng chinese garter baga,
Kahit alam **** lalaki naman talaga siya

Ang saya na dulot niya di mo naalala
Nang minsan sa kanto'y sutsutan siya
Sapatos lang daw at k'onting barya
Tiningnan ka niya, ikaw ay tumawa

Saan ba ang lugar sa mundo para sa kanya?
Mahirap bang sabihin, katagang, 'tanggap kita?'
Tingin mo ba'y karamdaman kanyang nadarama?
Oh bakit nakangiti ka? Nahawa ka ba?

Kaya ba't ka umiiwas nang nalaman mo na?
Bilang kaibigan, oo nabigla ka nga
Pero 'wag mo naman sanang isiping
Naisip niya minsang ika'y makasiping

Alisin na natin ang malawakang pag-iisip
Na pandirihan ang kakaiba, pero subukan **** sumilip,
Lalawak ang saradong takip
Sana isang araw ang hangin, magbago ang ihip

Maging magkasama, pantay-pantay sa ibabaw ng isang ulap
Nawa'y mga anak nati'y maranasan, ekwalidad sa hinaharap
Matapos na ang inis at galit
Pagmamahal ang pumalit
62816
meliza Mar 2017
kamusta, mahal? malungkot ka na naman.
alam kong nahihirapan ka ngayon, at mas nasasaktan ako dahil alam kong wala akong magagawa para lang mapasaya ka sa kahit anong paraan.
mahal na mahal kita.
pero ang bersyon na minahal ko, ang ikaw na minahal ko, ay ang ikaw na ginawa niya - ang ikaw na nagmahal sa kanya, ang ikaw na sinaktan niya. ang mga bagay na kinagugustuhan mo ngayon ay mga bagay na kinagustuhan rin niya.
at mahal, ang tanging hiling ko lang ay makilala ka kung sino ka bago siya. kung ano nga ba talaga ang nagpapasaya sa 'yo na hindi naman siya ang gumawa. kung paano ka ngumiti at tumawa ng hindi dahil sa kanya. dahil mahal, mahal na mahal mo siya kahit sinaktan ka niya, kaya't binago mo ng lubos ang sarili mo para mahalin ka.
pero nandito ako para mahalin ka kung sino ka, at hindi kung sino ang ginawa niya.
isa lang akong babaeng may papel at panulat. isang babaeng umaasang ang mga salita kong ito balang araw ay magiging sapat.
para lang maging masaya ka.
marahil ay malabong mangyari na maging masaya ka pa kahit na wala siya. marahil ay hindi na maibabalik ang ikaw bago mo siya makilala.
gusto lang kitang makitang tunay na masaya.
kahit hindi na ako ang maging rason pa.
kahit hindi ako ang dahilan ng mga tawa **** malakas. kahit hindi na ako ang makakita ng ngiti mo na walang lungkot na bumabakas.
kahit alam kong kung wala ka, mahirap harapin ang bukas.
nakatakda siguro talagang hindi ako ang taong magmamahal sa 'yo at mamahalin mo sa buhay. nakatakda sigurong hindi ko mahahawakan ang iyong kamay. kahit sabihin mo ngayong mahal mo rin ako, alam kong hindi iyon tunay. ngunit mahal, ayos lang. basta lang makita kitang masaya.
dahil mahal na mahal kita.
I know that there's others that deserve you / but my darling, I am still in love with you
Wretched Aug 2015
Sa sobrang mapagbiro **** tao
Tumawa ka lang
Nang umamin akong nahulog na ko sayo.
Ginawa **** isa sa mga bagay na tinatawanan mo
Ang pag-ibig na hinahandog ko.
Sinabayan mo pa ng halakhak
At may kasama pang pagluha
Habang puso ko'y binibiyak
Sa itsura ng iyong pagkaaliw
Sa mga binitawan kong salita.
Hinayaan lang kita.
Ang sabi ko
Kahit ginawa mo lang biro
Ang pag-amin ko
Ang mahalaga napangiti naman kita.
Dumalas ang pagsasama natin.
Hindi na ko nagpapatawa
Pero sabi mo kusa kitang napapangiti.
Nakwento mo sakin na
Noong umamin ako
Hindi mo lang alam kung ano
Ang isasagot mo kaya tumawa ka lang.
Ako naman tong napagod na
Sa kakatawa,
Sa mga "pabiro" kong pagsuyo sayo.
Kaya sa wakas,
Ng Dumating ang araw na sinabi ****
Mahal mo na din ako,
Hindi ko alam kung bakit
Pero
Natawa na lang din ako.
Jor Jan 2015
Sa araw na’to haharanahin kita
Kahit ‘di ako marunong kumanta.
At ako’y madalas laitin ng iba.
Ayos lang sa akin, basta ikaw ang kasama.

Makita lang kita tumawa
Buo na ang aking umaga.
Magkakantahan tayo
Kahit pareho tayong sintunado.

Ang mahalaga ay sumaya tayo
Kahit na madalas, sablay sa tono.
Magtatawanan at maghahagikgikan
'Yan ang ating kaligayahan.

Sa paglubog ng araw, parehong naluha.
Dahil tapos na naman ang araw
At ako naman sayo’y mangugulila.
Ika’y lilisan na, Magtutungo sa Amerika.

Nagyakapan ng mahigpit,
At binigay ko ang aking gitara.
Dahil ito lang ang magpapa-alala
Sa ating masasayang alaala.
JK Cabresos Nov 2012
Para lang nagbabalat ng sibuyas
ang istorya ng pag-ibig.

Sa simula...

Ng nasa mga kamay mo pa lang ito'y
may gana ka pang tumawa,

Hanggang sa inilagay mo na
sa isang sangkalan...
('chopping board' na nga lang, para mas maintindihan)

At nang binalatan mo'y
bigla ka na lang umiyak
at tumulo ang iyong mga luha
(sa sahig, alangan naman sa balkonahe!)

Pagkatapos nama'y nakatawa na ulit,
ngunit hindi pa rin nadala't
kumuha pa ng ibang sibuyas para balatan.
(sira-ulo lang te?)

Pero wala tayong magagawa dun,
hindi sa eksaherada masyado
ako kung makapagsalita,
eh ganun yun eh!
(ganun talaga!)

Kaya tanggapin ****
kapag sinubukan mo nang umibig,
alam mo nang sa huli'y
masasaktan at masasaktan ka rin...
('wag kang mag-aalala marami naman kayo!)

Ayyy! hindi 'yan!

Sa gitna pa pala 'yan,
dahil ang nasa huli'y
liligaya ka ng walang kasintulad ng dati.
(para bang nasa alapaap daw?)

Dahil ang magmahal ng isang gago...

Ayyy! Este tao,
ay maraming pagsubok,
tulad ng pagbabalat ng sibuyas...

Masusugatan ka talaga
kapag hindi ka marunong
magdahan-dahan at mag-ingat.
Mel-VS-the-World Sep 2017
Gabi.

Nang una kitang makita.
Ikaw yung matingkad at nagniningning sa madilim na parte.
Sa may kubo.
Nakaupo.
Ikaw, alak, at sigarilyo.

Lumapit ako.
Dahan-dahan, para malaman kung alin at ano.
Kung bakit nga ba sa dinami-dami ng tao,
Bakit sa’yo ako dumiretso.

Gabi.

Ikaw ang unang nag-salita.
Ngumiti lang ako, habang nakatitig sa’yo.
Tila may kabog sa dibdib.
Hindi maipaliwanag ng bibig.

Tinanong mo ako kung naniniwala ba ako sa diyos.
Sagot ko ay hindi.

“So, atheist ka?”
Tanong mo na may halong pag-dududa.
Sinagot kita. Sabi ko, oo.

“Tayo na ba?”
Ngumiti ka at tumawa.

“Sige.”
Biro-biruan lang.
Walang palitan ng “mahal kita.”
Nag-palitan lang tayo ng numero.
Sabay sabi “nandito lang kung sakaling kailangan mo ako.”

Lumipas ang ilang araw.
Hindi na tayo nagkita.
Minsan, nag-uusap sa telepono
Madalas, hindi kumikibo.

Minsan, magpaparamdam.
Madalas, parang wala lang.

Minsan, nariyan lang.
Madalas, wala lang.

Gabi.

Nang tayo’y muling magkita.
Sa harap ng bahay.
Sa may kalsada.
Nag-usap ang ating mga mata.
Ikaw, alak, at sigarilyo.

Tanda ko pa non, magpapasko yun. Laseng na ako.
Madaling araw na, tara sa dagat, ligo tayo.
Mga alas tres na yun.

Tapos nag-inom ulit tayo dun.
Sa likod ng pick-up truck.
Sa bote na ng Jim Beam deretso ang inom.
Walang chaser.
Kasi wala namang habulan.
Hindi naman tayo naghahabulan.

Gabi.

Pang-ilang ulit na ba?
Akala ko biro lang,
Akala ko lang pala.

Yung joke time, tila nagiging seryoso na.
Natatakot ako baka bigla na lang ‘tong mawala.

Pero sa t’wing magkasama na,
Lahat ng problema’y nalilimutan bigla.
Kita ko ang ngiti sa mga mata mo.
Madilim man ang paligid,
Maliwanag naman sa piling mo.

Gabi.

Hindi ko alam kung saan magsisimula,
Kung ano ba ang dapat sabihin,
Yung tama lang at hindi makakasakit ng damdamin,

Pero bago natin tuldukan,
Bakit hindi muna natin simulan sa kama,
Kung ang ending ba natin ay parang sa pelikula,
Yung masaya o tulad din ng iba, yung hindi pinagpala.

Pero maaga pa ang gabi,
Hayaan **** mahalin kita ng lubos kahit sandali,
Pati ang mga galos at sugat mo,
Yayapusin ko hanggang sa maghilom at mawala ang sakit,
Dahil kung may pusong mabibigo, 

Gusto ko yung hindi sa’yo.

Kay hayaan na lang muna siguro natin na gan’to,
Pag-sapit naman ng gabi,
Ikaw pa rin ang uuwian ko.
Shan Coralde Dec 2015
Ako
Hindi ito isang tunay na kwento, hindi ito galing sa iba, ngunit sa akin lamang, isa itong imahinasyon na naisip ko, isang sitwasyon na inasam ko, isang mundo na magkasama tayo, ngunit kahit anong gawin ko, sa huli ay napaghiwalay tayo, wala akong maisip na pagtatapos na kung saan masaya tayong nagsasama, kung kahit ang simula nating dalawa ay hindi manlamang nag-umpisa.

Ako ay isa sa mga bilyong bilyong binatang umiibig, naghahanap, nag aasam, at nangagarap sa isang maliit na chansang sa akin ay may magmahal. Matagal man itong darating ako'y handang maghintay, basta't sa aking pag antay ika'y darating. Ayoko umasa, ayoko masaktan, ayokong umiyak, humagulgol na parang tanga sa loob ng kwarto ko. pero susugal ako kahit gusto kong sumaya, ngumiti, tumawa, at nais kang makasama. dahil nangako ka sa akin na tayo'y magsasama, maaring hindi ito mangyari dahil hindi tayo tinadhana, pero pipiliin ko ang masaktan bukas basta makakasama kita ngayon, siguro sa mata ninyo tatanga ako, pero kahit sino mang matalino, sa oras na inalay ng pag-ibig ang kamay niya, tayo ay isang mangmang na hindi na natuto sa paulit-ulit na naranasan natin at ng iba.

Kung kaya't makikiusap ako, sa diyos na may kapal, sa mundong umaastang kupal, na sa pag alis mo ika'y huwag nang tumalikod, upang sa buhay natin ang sakit ay ating malimot, kung kaya't nakikiusap ako, sa susunod na may dumating, ako'y iyong ibigin at ika'y aking mamahalin, Huwag mo akong iwan at ika'y aking sasamahan. Kung ito ay magagawa mo pangako ko sa'yo, lahat ito ay gagawin ko.
Second tagalog poem yo
lovestargirl May 2015
TAGUAN:
Sa ilalim ng nakakapasong init ng araw,
Tumatakbo tayong magkahawak ang kamay,
Nagbibilang hanggang isang daan,
papalayo sa tayang kalaro.

Sabi niya’y tagu-taguan,
at tayo nama’y nagbilang.
Ng isa, ng dalawa, hanggang tatlo.
At hangggang doo’y nanatili sa likod ng puno.

Ngumiti ka, at ako din. Tumawa ka, at ako din.
Saka napuno ng tawanan ang buong mundo ko.
Napuno ng ikaw at ako ang buong maghapon.
Hanggang sa bumaba na ang araw.

Rinig ko na ang tawag ni inay,
At naramdaman ang pagbitaw sa kapit ko.
Hindi mo man pansin ito,
pero para itong isang malagim na pagtatagpo.

Ngayo’y paalam muna,
Hanggang sa muling pagtatago, at pagtatagpo
Ng ating sabik na mga puso sa larong tayo’y tinago.
Sa mundong ating binuo, na tayong bumubuo.
Clara Mar 2022
Simula sa araw na ito,
Hindi na kayo pwedeng tumawa, magalit at malungkot,
Hindi na kayo pwedeng makadama ng kahit ano mang emosyon,
Emosyong nagpapakita ng kahirapan, kahinaan, pagkatanda at pagkapagod,
Huwag kang magsasayang ng hininga sa mga letrang alam **** wala namang makakarinig,

At kapag nilabag mo ang isa sa aking mga utos,
Tumayo ka sa sulok,
Ipikit mo ang iyong mga mata,
At harapin mo ang dilim na sa iyo’y lumalamon,
Patungo sa apoy ng impyerno,

At kapag naramdaman mo ang init ng apoy na sayo’y sumusunog,
Pinapayagan na kitang sumigaw,
Sumigaw sa taas ng iyong mga baga,
Palabas ng apoy na nagbabaga,
Patungo sa mga tenga ng mga taong sabi mo’y iyong mga kaibigan at kakilala,

Ngunit huwag kang aasa na ika’y aming sasagipin,
Hindi ka naming aangatin,
At mas lalong hindi ka naming ililibing,
Sa mga lupaing,
Pati ang mga damo ay ayaw kang tanggapin,

At kung ayaw **** maging tulad ng taong iyan,
Bumuo ka ng bahay,
Gamit ang mga bagay na iyong natutunan,
Bumuo ng bahay,
Gamit ang mga bagay na naiwan ng mga mananampalataya,

Ang mga mananampalataya na nagpasabog ng mga bomba,
Upang ingud-ngod sa aming mga mukha,
Na kami’y mga anak ng mga makasalanan,
Pinanood naming maging abo ang aming mga ari- arian,
Sa isang pitik ng kasinungalingan,

Pinanood naming ang mga pinto, mga libro, mga litrato na masunog at madurog,
Nadurog sa sunog ang lahat ng aking minamahal, pinapangarap at hinahanap,
Inalis nila sa aming mga mukha ang kasiyahang panandalian lamang nadama,
Tinanggal nila sa aking katawan ang pangalang minsan na sa akin ay kumilala,

"Ako ay taong makasalanan,
sige,
eto na lang,
totoo naman,
kaya sapat na,"

At kung ayaw **** maging tulad ng taong iyan,
Magtrabaho ka ng mabuti,
At kapag naramdaman mo ang dugo na tumutulo mula sa iyong ulo hanggang paa,
Ipunin mo ito sa isang timba,
At ibuhos mo doon sa nayong nagbabaga

At kapag wala ka nang malanghap kundi ang usok at ang masangsang na amoy,
Hanapin mo ito sapagkat ito raw ang amoy ng mga patay na pangarap at sigaw ng mga bata,
Na sabi nila, ikaw raw ang may sala,

Ikaw ang may sala,
taong makasalanan,

Taong makasalanan,

“Mahal Kita,
Tutulungan Kita,
Pangako,
Patawad,

Paalam,”

Dagdag na utos sa paaralan:

Huwag kang maniniwala sa mga salitang inuulit- ulit pa,
Sa mga salita ng sumasamba sa kasinungalingan,
Dahil sa oras na mabuhay ang mga patay,
Hindi ikaw ang una nilang papapasukin sa pinto...


Ang pagpapalit ng administrasyon ng paaralan:

Iguhit ninyo ang inyong palad ang inyong mga hangad at pangarap,
Gamitin ang dugo na lalabas sa tenga at mga mata,
Gamiting pang pinta ang kada hibla ng iyong patay na buhok,
At kapag ubos na ang likido mo sa iyong buong katawan,

Ngumiti,
Tumingala,
Buksan ang pinto,
Kasabay ang pag sabi ng mga katagang:
“Ang makabagong paaralan ng mga nawawala’t hinahanap”
The poem was written when I was in ninth grade as a school requirement. I used to study in a Catholic School and I didn't like the way we were censored and choked to perfection. The head of the school got replaced as I was writing the poem. They packaged every change as remodeling for the better.. it wasn't.
Lauren Librada Sep 2015
Eto na naman ako
Nababalisa, hindi malaman kung hihiga o uupo
Buong araw na akong ganito
Hindi malaman kung nasiraan na ba ng ulo
Ibang klase talaga kapag tinamaan
Sino ba talaga ang may kagagawan?

Para akong sago
Habang ikaw naman ay gulaman
Dalawang bagay na magkaiba
Ngunit swak kapag pinagsama

Pero saglit, teka, taympers ako'y naguguluhan
Ano ba talagang meron saiyo babaeng nilalang?
Puso ko'y nabihag mo ng walang pakundangan
Alaala kapag kasamay ka ay hindi ko malimutan

Ang iyong ngiti ay walang kaparis
Mga tingin na sobrang tamis
Makasama ka lang ay parang nasa alapaap na
Tunay ngang hindi makakalimutang tumawa

Kung mabasa mo man ang tulang ito
Eto ang sasabihin ko saiyo:
Gagawin ang lahat para lungkot mo ay mapawi
Dahil ang tanging gusto ko lamang
Makita ang ngiti saiyong mga labi
Bat kaya wala akong magawa?

Sa iyo ba talaga’y balewala?

Bat kaya marami akong tanong?

Binigyan naman ako ng dunong…


Bakit kaya wala Sha?

Hindi Sha siguro masaya…

Kaya ang hirap magkunwari…

Na sa iyo’y hindi ako sawi…

At ang hirap tumawa…

Kung hindi naman masaya…

Sensya na sa abala…

Naglalabas lang ng problema…

Wag ka na sanang magalit pa…

Sensya na po talage sa abala…
Eugene Feb 2016
Pagmasdan mo ang paligid,
Andaming puso ang umaaligid,
Iba't ibang hugis sa himpapawid,
Sa lupa'y nagkalat saan mang gilid.


Kakaunti lang ang sariwa,
Kapiranggot lang ang kinaya,
Upang iniirog ay matuwa,
At hindi makalimutan ang tumawa.


Ngunit, bakit plastik ay nagkalat,
Hugis rosas man o pusong salat,
Ang makikita **** nilalamat,
Hindi kaya ang iba'y maalat?


Kung ang puso ay para sa Pebrero,
Bakit isang araw lang ginawa ito?
Hindi ba dapat  araw-arawin mo?
Ang mahalin ang lahat ng mahal mo.
mahal, kailan ka huling ngumiti?
ngiting tunay at hindi pinilit,
mahal, kailan ka huling tumawa?
tawang kay lakas at nakakahawa.

mahal, alam kong mabigat na naman
mabigat muli ang iyong nararamdaman,
sa araw-araw hinihiling **** sana'y gumaan
hindi mo alam kung gaano mo pa katagal makakayanan.

mahal, narito ako sasamahan kita,
'wag nang matakot pa, hindi ka na nag-iisa
ako'y magsisilbi **** pahinga,
ako ang s'yang magiging tahanan,
kaya mahal, tumahan na.
my first tagalog poem here, i hope you guys appreciate it <3
Louie Clamor Mar 2016
Bakit nga ba nangyayari ang mga bagay bagay?
Di ba may mga basehan,
Na kung saan laging may mga kailangan

Kailangan **** huminga
bago ka mabuhay
Kailangan **** mawala
bago ka mahanap
Kailangan **** pumasa
bago ka makapagtapos
Kailangan **** tumawa
bago ka maging masaya

Kailangan.
Ang dami **** kailangan.

Ako rin. Puro kailangan
Kailangan ng ganito
Kailangan ng ganyan

Kailangan ko ang iyong mga ngiti
Kailangan ko ang pag gapos ng iyong mga bisig
sa napakalamig na gabi
Kailangan ko ang iyong matamis na oo
na walang kailan ma'y pagsisisi
Kailangan ko ang iyong kaunting oras
Araw't gabi, sa bawat sandali

Paumanhin, kay dami kong kailangan
Simple nga lang ba?
Na ikaw ang sanhi
Ikaw na aking kailangan
Pero mahal, isa lang naman talaga
Isa lang ang hinihingi
Kailangan ko..
Kailangan ko ang ating pagmamahalan
Sana'y kailanganin mo rin.
Christien Ramos Jul 2020
Sinabi ko noon sa sarili ko na
kapag dumating ang gabing itutulak táyo ng hangin upang pagtagpuin --
kapag dumating ang araw na pagbanggaing muli ang ating mga damdamin,
silàng may kanya-kanyang hinanaing,

Huwag mo akong yayakapin.

Huwag mo akong hahalikan.
Huwag **** hahaplusin ang mga nanlalamig kong braso.
Huwag mo akong iiyakan.

Ayokong maalala ang kinabisa kong init mo.

Naniniwala ako na sapat na ang mga titig,
ang mga nangungusap na mata.
sapat na ang distansya,
ang espasyo sa pagitan nating dalawa.
sapat na ang iniyak natin noon.
sapat nang hindi táyo katukin ng mga ala-ala búkas.
sapat nang natuto táyo sa kahapon.
sapat nang kilala na natin ang lunas.
sapat nang napatawad kita't napatawad mo ako
at kung paanong napatawad natin ang ating mga sarili.
sapat nang káya mo nang matulog sa gabi
dahil sapat na ring káya ko nang gumising sa umaga.
sapat na ang mga naisulat na liham,
ang mga talatang humihingi ng kapatawaran.
sapat na ang mga musikang sabay nating inawit,
ang mga tonong hindi nagkakapanagpo.
sapat nang mga panyo na lámang ang nakasaksi ng mga hikbi ko sa gabi,
ng mga luhang nahihirapang matuyo,
ng mga pusong magkahiwalay na nagdurugo.
sapat na ang mga alak na nagmistulang kaibigan,
ang mga unan na yumuyupyop sa aking balat.
sapat na ang aking silid na itinuring kong simbahan
dahil sapat na ring paulit-ulit kong ipinagdarasal na maghilom na ang mga sugat.
sapat na ang magagandang gunita,
mga ala-alang ating ginawa.
sapat nang nagagawa mo na muling ngumiti
dahil sapat na ring nagagawa ko nang tumawa.
sapat nang naiintindihan ko na
at sapat nang hindi ka na magmakaawa.
sapat na ang mga regalong aking nagustuhan
dahil sapat na rin ang pagbitiw na hindi ko inayawan.
sapat na ang lakas ng loob na inipon ko dati
dahil sapat na rin ang tákot na naramdaman ko noong iyong sinabing,

"Hindi ka pa pala sapat."
Salamat.

Hindi mo ako masisisi kung minsan na akong naniwalang hindi ako ang nagkulang.

Pero ngayon.
Kapag dumating ang pagkakataon
na muling mag-krus ang ating mga nangungulilang landas,

Hahayaan kitang yakapin ako;
halikan ako;
Hahayaan kong haplusin mo ang nanlalamig kong mga braso at kahit sa huling pagkakataon,
Hahayaan din kitang umiyak

dahil ito na rin ang huling beses na kikilalanin ko ang init mo; at pagkatapos

kalilimutan ko na.

---
Eugene Aug 2017
Abalang-abala ka sa pagtitipa ng istoryang nais **** magawa. Hindi inalintana ang malamig na simoy ng hanging pumapasok mula sa bintana ng iyong silid.

Nasa kalagitnaan ka na ng iyong pagsusulat ng biglang namatay ang liwanag sa iyong silid. Napatigil ka at doon ay damang dama mo na ang lamig na nanunuot sa iyong balat.

Tinanggal mo ang iyong antipara at nagsimulang kumapa-kapa sa dingding upang matunton ang kinaroroonan iyong maliit na lampara.

Nagsimula ka nang magbilang mula sa sampu sa iyong isipan

Sampu.

Siyam.

Walo.

Pito.

Anim.

Lima.

Nasa panglima ka pa lamang nang may napansin kang liwanag na tumatagos sa iyong silid mula sa iyong bintana.

Apat.

Sinundan mo ang liwanag na iyon nang magbilang ka na ng...

Tatlo.

Dalawa.

Isa.

Sumigaw ka sa pagkagulat nang tumapat ka sa repleksiyon ng liwanag na iyon. Ang sigaw mo ay umabot sa buong silid mo hanggang sa inyong bahay. At doon ay narinig mo ang mga yabag na patakbo sa iyong silid.

Nang bumukas ang pintuan ng iyong kuwarto ay tumambad sa iyo ang liwanag. Tinanong ka ng iyong ina at kapatid.

"Akala naming kung ano na ang nangyari sa iyo e,"

"Repleksiyon mo lang pala ang nakita mo,"

"Natakot ka sa mukha mo?"

Pinigilan **** huwag tumawa nang mapalingon ka sa isang salaming kasing tangkad mo lamang at doon ay nakita mo ang iyong... Kawangis.
Pusang Tahimik Oct 2021
Lilisan na muna sandali
Iidlip lang ng maikli
Para sa bukas na papakli
Makayanan ko muli

Ayos lang ang aking lagay
Heto't sabay sa tangay
Sa mga nakabibinging ingay
Sa mundong patay na ang kulay

Umiiwas na mag alala
Nagpapanggap na abala
At kahit walang napapala
Gagawin upang makawala

Magaling na mandaraya
Sarili ang dinadaya
At sa tuwing tinutuya
Buhay ang tinataya

Tumawa ng malakas
Na waring wala ng bukas
Hala! piliting pumiglas
At sa sarili ay tumakas

Ang araw ay natapos na muli
Paalam muna sandali
At ang aking minimithi
Ang bukas ay di na papakli

-JGA
Di ko alam paano magsimula,
Di ko rin kasi alam kung paano "ito" nagsimula.
Kung paano mo ginising
ang puso kong himbing na himbing.
Kung paano mo ginawang makulay
ang boring kong buhay.

Saglit lang ang panahon na tayo'y nagkakilala
Pero sa panahon na yon pinaramdam mo sakin pa'no maging masaya,
Pinaramdam mo sakin kung pa'no tumawa
sa likod ng mga problema.
Binigyan mo ng kahulugan
ang buhay kong walang pakinabang.
Binigyan mo ako ng rason
para gumising at bumangon
sa umaga, at inaasam kong marinig
ang matamis **** tinig,
masilayan ang mga ngiting **** daig pa ang araw
sa pagbigay ng liwanag na sa akin at pumukaw.

Di ko na alam paano paano to tapusin,
Basta't ang alam koy ayaw ko muna to'ng tapusin.
Ang kwento ng isang Pag-Ibig
Minsan masaya at minsan malupit
Minsan masaya pag kasama mo  siya
Minsan malupit kasi mayron siyang iba,

Ang sinabi niya sa iyo, mahal ka niya
Yung kabila naman, mahal rin daw niya
Ikaw naman itong si super tanga,
Nalaman mo na nga,  nagbubulag-bulagan pa...

"Mahal kita" ibinulong niya sayo,
Kinilig ka naman, bati na agad kayo
Niloko ka niya, sabay iiyak iyak ka,
Sino itong bobong nagpapaniwala sa kanya...

Nakipagkita siya sayo,
Nagsorry, nagmakaawa at muling nangangako,
Pagtalikod mo tumawa bigla etong si demonyo,
Napaikot ka muli, yun pala walang nagbago...

Nabalitaan mo ang buong katotohanan,
Heto ka, umiiyak at muling nangangatwiran,
Kesyo mahal mo siya kaya di mo maiwan,
Kahit yung mga tao sa paligid mo nagtatawanan.

Kaya para sayo ito aking matalik na kaibigan,
Sana matauhan kana sa iyong kamartiran...
Yang sabi **** mahal mo, di siya kawalan,
May mas hihigit pa jan, yan ang dapat **** tandaan!

©2017 John Vincent Obiena. All rights reserved.
Written for my friends who always ask for my advise about their love problems same as always
Eugene Mar 2018
Mahigit dalawang taong nawala
at inuna ang kapakananng pamilya.
Sa halos dalawang taong pag-iisa,
akala ko ang hiling ko ay makukumpleto na.

Nawala ang ningning sa aking mga mata,
napalitan ng lungkot ang mukha kong dati ay kay sigla.
Nang mapagtanto kong ako ay mag-isa pa rin pala
na nilalabanan ang sariling mahalin ka nang tama!

Malalim ang sugat kung sisisirin ko,
ni hindi ko nga maarok ang pinagmulan nito.
Ngunit sa bawat hapding dulot ng mga ito,
ay may nangungulilang isang pusong sabik na bumangon sa harapan mo.

Ngiting walang bukas kung ako ay tumawa.
Siglang walang katapusan kung ako ay iyong makakasama.
Hindi ba at kailangan kong ibalik ang dating sarili ko ay masaya
at bigyang puwang din ang kasiyahang mayroon ako noong una.

Sana sa pagsisimula ng pagbaong kong ito,
maramdaman kong muli ang sayang nagmumula sa kaibuturan ng aking puso.
Kakaibang siglang hindi na kailanman maglalaho pa
at bigyang laya na ang isipan sa mga darating pang unos at delubyo sa buhay ko.
JD Jun 2018
➖ My status said "read me"

Sa dami nang magandang babaeng nakita ko,
mukha mo pa rin ang paborito ko.

Kahit saan ako tumingin,
hindi ko maiwasang hindi ka isipin.

Gusto kong nakawin ang buwan sa kalangitan,
tsaka ko isusulat ang iyong ngalan.

Kapag naisulat ko na ang iyong pangalan,
ibabalik ko na ulit ang buwan sa kalangitan.

Para sa tuwing titignan nila ang buwan,
at sinabing ito'y maganda? makikita nila
ang iyong pangalan.

Kaya para narin silang humahanga
sa iyong katauhan.

Gusto ko din nakawin ang bahaghari,
isusulat ko dun na ako'y iyong pagmamay ari.

Bakit bahaghari ang napili ko? yun ay dahil gusto ko makita ng tao,
na makulay ang mundo ko nung dumating ka buhay ko.

Pinili kita hindi dahil sa maganda ka,
Pinili kita dahil nakikita kong may potensyal ka.

Potensyal na gawin **** maganda,
ang buhay kong puno ng granada.

Sumaya ako nung nakita kitang masaya,
ganun naman talaga eh dahil ikaw biyaya.

Bihira akong makakita ng babaeng katulad mo,
tulad mo na hindi mareklamo.

Kaya karapat dapat kang mahalin at ibigin.
andito naman ako, hayaan mo lang  
akong gawin.

Gawing magaan at masaya ang buhay mo,
sa paraan na ako lang may alam at tiyak na magugustuhan mo.

Lahat nang babae ay mahalaga sa akin,
ngunit ikaw ay naiiba dahil importante ka sakin.

Kung gusto **** umiyak,
sasabayan kita sa pag iyak.

Ngunit baka hindi kita masabayan tumawa,
dahil nung dumating ka sa buhay ko, palihim na akong tumatawa.

Nung may makita akong bulaklak
na kulay kahel,
ikaw agad naisip kong bigyan
dahil mukha kang anghel.

pasensya na mahal ko dahil  
nahihirapan ka na sa mundong to,
hayaan mo mahal ko dahil
lagi lang akong nandito.

Sa pamamagitan nang mga salitang ito,
pinapakita kong pagmamahal ko sayo'y totoo.

Pumangit ka man o tumaba,
para saken ikaw parin ay naiiba.

Hindi ko sasabihing
"handa akong mamatay para sayo''

Dahil mas gusto kong banggitin ang
"mabubuhay ako hanggat kaya ko para sayo"

Nasabi ko iyon dahil madali lang mamatay,
ngunit mahirap manatiling mabuhay.

Kaya mabubuhay ako para sayo
hanggat kaya ko.
Sa magulong mundong ito,
po-protektahan kita pangako.

kaya sana wag ka nang malungkot,
dahil ang puso ko'y kumikirot,
Pag nakikita kang nakasimangot
XIII Nov 2019
Ang swerte mo
Inggit ako sa'yo
Parang na sa'yo na ang buong mundo
Pero hindi dahil sa pera o sa yate mo

Kasi na sa'yo siya

Pansin mo ba ang kinang sa kanyang mata?
Tuwing siya ay ngumingiti
Kung pa'no pumoporma ang mukha n'ya 'pag tumatawa?
O ang lambot ng kanyang buhok 'pag ito'y kanyang hinahawi?

Kung pa'no s'ya maglakad, tumayo o umupo?
'Pag seryoso na s'ya sa trabaho?
Ang ekspresyon n'ya 'pag sya'y nagki-kwento?
Pati paraan ng kanyang pag-ubo?

Eh yung kapag medyo tinamaan na s'ya ng alak?
Na parang ang sampung bote'y 'di pa sapat
Kulang pa nga ang pulutan
'Pag tutumba na s'ya'y mapapatakbo ka para alalayan

Ang ganda n'ya 'diba?

Kung tutuusin nga 'di na n'ya kailangan ng kolorete pa
Yung itsurang pagod n'ya kakaiba
Para ka na lang mapapatulala
Habang nakanganga

Lalo na 'pag naiinis na s'ya sa'yo
'Pag napipikon na s'ya kakaasar mo
Pero nakakatuwa kahit puno ka na ng palo
Kahit pa s'ya lagi ang dapat panalo

'Pag naglalambing s'ya
Kahit gusto mo pa magalit, wala
Mapapangiti ka na lang at hala
Galit mo'y naglaho na

Yung mata din n'yang namamaga
Kasi kakaiyak lang n'ya
O kakagising lang kasi
Iba pa rin eh

Kasi nakikita n'ya yung akala mo walang makakakita
'Pag nagtatampo ka na pero ayaw mo ipahalata
Yung gula-gulanit **** kalupi pinalitan pa n'ya
May iniwan pang sulat nung nawala ka

Nung nagkasakit ka, s'ya'ng nag-alaga
Alam n'ya kung pa'no ka pangitiin hanggang sa ika'y tumawa
Para nga'ng pati mga iniisip mo, alam na n'ya
Pati siguro yung katotohanang nahuhulog ka na

'Diba ang swerte mo?

'Yun lang kasi pwede kong iuwi
Para sa aking sarili
Kasi nga sa'yo s'ya
Do'n wala akong magagawa

'Di ko nakikita kung pa'no n'ya isiping mahal ka n'ya
Na ayaw ka n'yang mawala
Na ikaw na yung naiisip n'ya na habangbuhay makasama
Yung kinabukasan n'yong kayong dalawa

Kaya swerte ka Kuya Wil
Na sa'yo kasi ang 'di mapapasa'kin
Kaya ingatan mo s'ya't mahalin
Dahil kung hindi, baka sya'y aking dagitin
© Cepheus February 26, 2019
isha Jul 2019
Pakiusap, ngumiti ka.
Yung tipong abot hanggang tenga.
Yung tipong di na makikita ang mga mata.

Pakiusap, tumawa ka.
Yung para bang nakikinig ako sa musika.
Yung ihehele ako hanggang sa makatulog na.

Pakiusap, maging masaya ka.
Yung hindi na nakabase sa kanila.
Yung hindi na nakatali sa kamay ng iba.

Pero higit sa lahat.

Pakiusap, magmahal ka.
Yung para bang wala ng bahid ng sugat at pasa,
Yung para bang handa ka ng sumabak sa gyera.

Yun lang tanging dasal, sinta.
Kaya’t pakiusap, magmahal ka.
Kahit na ibang tao pa.
para sa taong natatakot magmahal.
Raindrops Jul 2017
Hindi lang ikaw ang nalulungkot
Hindi lang ikaw ang nag-iisip ng tungkol sa kamatayan
Hindi lang ikaw ang nasasaktan
Hindi lang ikaw ang nagaalinlangan sa kanya
Hindi lang ikaw ang may maraming tanong at hindi makita ang sagot
Hindi lang ikaw ang nahihirapan
Hindi lang ikaw ang nakakaisip na sumuko na lang
Hindi lang ikaw...
Siguro nakikita mo lang akong masaya, nakakaya ko paring tumawa
Nakakaya kong mag-bitaw ng mga magagandang salita na parang wala akong pinagdadaanan
Na kaya ko paring maging positibo at magpatuloy lamang

Ang katwiran mo'y wala pa kasi ako sa sitwasyon mo ngayon kaya hindi ko naiintindihan
Kaya binabalewala mo lang ang sinasabi ko, binabalewala mo lang ang nararamdaman ko,
Akala mo'y luha lang at walang laman ang bawat pag-agos ng aking luha
Ngunit sadyang hindi ko lang kayang bigkasin ang mga salita
Rome Nov 2020
Noong panahong ika'y nasa aking mga akap,
mga panahong binubulungan mo pa ako ng mga pangarap mo sa buhay,
noong gabing iyon ang hindi ko makakalimutan.

Hinawakan mo ang aking kamay at tayo'y nagtitigan,
ngumisi ka na para bang nahihirapan ngumiti o tumawa.

Nag-paalam ka,
eto na ang huling pagkakataon,
ang huling tayo.

Pero malay mo,
sa susunod na tayo'y magkita muli,

ikaw at ako pa rin,
sa tamang panahon.
Christien Ramos Jun 2021
Mahilig ka sa mga bulaklak
lalo na 'yong may mga matitingkad na kulay.
Hilig mo sila
dahil kaya ka nilang pakinggan.
Walang bahid ng panghuhusga.
Naiintindihan nila ang mga kuwento
na bihira **** ibahagi sa iba.
Ilang beses na nilang nasilayan
ang mga pag-ibig,
ang mga sakít,
ang kung paano ka mag-ipon ng tapang,
ang kung paano ka maduwag.

Matalik mo siláng mga kaibigan.

Mahilig ka sa mga bulaklak
at parati kang umaasa na dadalhan ka niya ng mga ito.
Hindi ka nabigo.
Hindi ka nabibigo.
Gaya ng mga paborito **** rosas, tulips, at mariposa,
nagagawa niyang ika'y intindihin.
Makailang ulit niya na ring nakita kang
umiyak,
tumawa,
matakot,
at magmahal.
Gaya ng mga paborito **** santan, sampaguita't gumamela,
pamilyar na siya sa iyong mga damdamin.

Sa madaling salita,
mahilig ka sa mga bulaklak.
Pero hindi yaong mga gáling sa akin.
Kurtlopez Aug 2023
Dumadaan lang sa akin lahat. Lahat sila ay mga manlalakbay na hindi nagtatagal at umaalis din para muling tahakin ang daan patungo sa kanya-kanya nilang pinapangarap na destinasyon.

Nasanay na rin akong umupo sa tabi nila; makinig sa kanilang mga istorya, tumawa nang tumawa dahil posibleng hindi na ito maulit pa, gumamot ng mga sugat, at kasabay ng mga ito ay ihanda ang sarili sa salitang "paalam".

Nasanay na ako—pero nakakapagod din pala.

Nakakapagod palang maglaan ng oras sa isang taong alam **** anumang segundo ay maaaring magpaalam na.

Nakakapagod palang makinig sa mga kuwento niya habang hinahanap ang lugar mo sa kanyang kasaysayan, habang napapaisip kung babanggitin ka rin kaya niya pagkatapos ninyong maghiwalay ng landas.

Nakakapagod palang buksan ang buhay mo para sa isang tao kung sa simula pa lamang ay batid **** bubuksan mo rin ulit ang pinto, sasamahan siya palabas, ihahatid sa sa tarangkahan, at tatanawin hanggang mawala sa iyong paningin.

Iniisip ko palagi kung bakit hindi sila nagtatagal. Bakit palagi akong iniiwan? Bakit paulit-ulit lamang ang itinatakbo ng bawat kuwento? Iba't ibang tao, iisa lamang ang nagiging dulo. Sa katagalan ay nasanay na ako sa pagtatapos, iyong tipong nagsisimula pa lamang ay tinatanggap ko na ang pagwawakas nito.

Dahil dumadaan lang sa akin lahat. Lahat sila ay mga manlalakbay na hindi nagtatagal at umaalis din para muling tahakin ang daan patungo sa kanya-kanya nilang pinapangarap na destinasyon.

Kailan kaya ako magiging destinasyon?

— The End —