Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Jun Lit Jan 2018
Nag-aanyaya
ang kinagisnang duyan,
sa puso'y kumakatok:
halika, kita'y ipagsasalok
kapeng barako, ika'y lumag’ok
kung kulang ang 'sang tasa'y
mayroon namang mangkok -
Sa Lumang Lipa, ang pakilasa’y
pakiramdam at hindi tam’is
kagaya ng pagsasamahan
o pait na dulot ng kasawian.

Inaapuhap sa aparador na pinagtaguan
ang malukong na tagayan
ng nagkaribok na kabataan;
mula sa sulok ng balintataw,
nilililok, aking natatanaw
ang mga imahen, hindi mga anghel,
nagbabalibol ang kaibigan
kong tagapagtanggol,
habang sa kabilang koponan
nanlilibak ang kalaban -
ako ang bolang pinagpasa-pasahan
binugbog ng mga kahon ng lipunan
kahit alin doon, walang pinagkasyahan

mga kahong nagtatakda ng katangian:
     ang tao ay dapat ganito,
     ang kilos ay dapat ganoon
     ang suot ay dapat ganyan
          ang maganda ay ganito ang kulay
          ang makisig ay ganoon ang taglay
          ang tindig ay hindi malambot na gulay:
“kahon, kahon, kahon,
magkasya sa kahon
kapag nagkataon
lagot ka sa ****”

wari’y multong takot lumingon
ang nagtulug-tulugang kahapon
sa ngayo’y gising na kampon -
pinalaya ng kupas na maong

Sisinsay na laang ako doon
at sa huntahan ay tutugon
kung saan nahapon
ang labuyong
hindi kailanman inilaban sa sabong

panalo ka pa rin at karamay,
kapeng gawa sa gal’pong
     barako sa isip
     matam’is sa puso
     at sa lalamunan ko
     ikaw ang kasuyo.
To be translated as "Brewed Coffee V (My Memories of Dear Old Lipa)"
090316 #AlphabetsOfLove #SpokenWords

Nag-aral ako't rumolyo ang panahon
Nagbilang ng taon, nabihag ng pag-ibig Niyang pabaon.
Naghalungkat ako ng mga mumunti Niyang Katha
Sa tarangkahang puno
Ng higit pa sa dalubhasang mga Salita.
At heto --
Heto ang Bukas na Liham
Ng pag-ibig ng isang tunay na Mandirigma.
Para sa lahat ng nanghihina't nasawi ng tadhana,
Para sa lahat ng humuhugot
Sa sandamakmak na nagdidilimang mga eskima
Heto, heto nga pala ang ABAKADA ng Pag-ibig.

----

A-alalayan Kita't baka mahulog ka't masaktan pa ng iba. Baka magpasalo ka na naman sa mga bolerong nanunungkit ng pag-ibig -- silang susungkit ng mga bituin para sayo, silang haharana sayo ng kilig, silang magsasabing maghihintay sayo kahit pa sa magkabilang mundo -- silang magdudulot lamang ng matinding pait sa puso mo pag hindi ka pa handa, pag hindi ka pa nahilom at pag hindi pa panahon. Oo, silang muling gugusot ng pagkatao mo.

B-abalikan Kita, hindi dahil Ako ang nang-iwan. Pakiramdam mo kasi'y wala ka nang halaga; yung tipong iniwan ka na ng lahat sa ere't kaunti na lamang ay pabagsak ka na -- yung wala ka nang matakbuhan pa, yung paikut-ikot na lang, yung takbo ka na lang nang takbo -- hanggang sa mapagod ka na lang. Mapapagod at kusa kang hihinto -- yung bibitiw ka na, yung aayaw ka na, yung titigil ka na, yung wala ka nang pakialam. Kaya't --

K-akalingain Kita, di gaya ng pag-ibig na minsang nagpaluha sayo. Nang nasisilayan Kitang magdamagang umiiyak. At kasabay ng bawat teleseryeng pinapanood mo ay luluha ka't hahagulgol ka sa isang sulok. Paulit-ulit sa bawat alaala, parang lirikong sinasabayan mo sa bawat hugot na pasan-pasan mo. Na lahat na lang, tila ba'y konektado sa kanya. Na wala ka nang mapanghawakan pa. Iiyak ka na naman ba? Pero --

D-aramayan pa rin Kita, hindi lang sa mga pagkakataong sawi ka; pero pati sa mga oras na gusto mo siyang balikan. Doon ay papagitna Ako at pipigilin Kita. Gusto kong makita yung totoong ikaw, yung dapat sanang ikaw -- yung ikaw na kahit wala siya'y buo ka pa rin. Yung hindi mo malilimutang mahal -- mahalaga ka para sa Akin.

E-h nasasaktan ka na. Ganyan ba ang pag-ibig na gusto mo? Na siya na ang nagiging mundo mo? Na halos wala ka nang kibo sa roletang dapat sana'y para sayo? Ganyan ba, ganyan ba ang totoong nagmamahal? Na hahayaan **** malugmok ka't madungisan ang sarili ng paulit-ulit at miserable **** nakaraan? Na hindi ka na kikilos, na parang wala ka nang balak bumangon at salubungin ang araw. Na parang hahayaan mo na lamang manlamig ang kapeng itinimpla sayo ng mga higit pang nagmamahal sayo. Pero --

G-agamutin Kita. Lahat ng mga sugat at pasang idinulot sayo ng nakaraa'y pawang aalisin Ko. Ako mismo ang kukuha ng bulak at Siyang papahid at dadampi sa bawat kirot at hapding naiwan sayo ng minsang ipinaglaban mo. Ako mismo ang iihip sa bawat nangigitim at sariwang mga pantal at peklat na bumabalot at kumukubli sa dapat sanang ikaw. Handa Ako at kaya Ko -- kaya kong alisin ang lahat --

H-anggang sa makabangon kang muli't maranasan mo ang pagbabagong ganap. At mapagtanto **** hindi naman siya kawalan sa pagkatao at pagkatawag mo. Masakit man pakinggan pero oo, hindi siya ang buhay mo. Uulitin ko: hindi siya ang buhay mo. Tumingin ka sa mga mata Ko. Pagkat oo, buo ka pa rin at walang nagbago sa paningin Ko sayo.

I-iyak ka paminsan pero ang lahat ay mananatiling alaala na lamang; luha mo'y sasaluhi't pupunasan Ko. Bibilangin Ko ang bawat butil na walang humpay na dumarampi at darampi pa sayong mga pisngi, higit pa sa matatamis na pangako niyang napako na rin kalaunan. Oo, napako ang lahat -- napako ang lahat sa Akin.

L-umaban Ako at patuloy Kitang ipinaglalaban. Tiniis ko ang bawat matitinik na hagupit sa mga balat Ko; maging mga pangungutya ng mundo. Para sayo -- para sayo, lahat ay ginawa Ko na; lahat ay tinapos Ko na at lahat ay iginapos Ko na. Pagkat --

M-ahal Kita at hindi Ako magsasawang patunayan yan sayo. Walang anumang bagay sa mundo na makapagtitibag at makahihigit sa pag-ibig Kong laan sayo. Mahal Kita at mas mamahalin pa -- higit sa mga araw na bilang, higit sa mga oras na ninakaw ng dilim pagka maaga ang takipsilim, higit sa kaibuturan ng dagat na wala pang nakalalangoy -- higit sa mga panahong pipiliin **** mahalin na rin Ako.

N-i hindi Kita iiwan, ni hindi pababayaan. Kaya -- wag ka sanang matakot na buksang muli ang puso mo, pagkat ni minsan -- ni minsa'y hindi Ko naisip na biguin ka. At hindi Ko naisip na paasahin ka gamit lamang ang mga salita, pagkat kalauna'y darating Ako para sunduin ka. Totoo ang bawat pangako Ko at lahat ay para sa ikabubuti mo, kaya't panghawakan mo ito -- hindi gaya ng pagsalo ng tubig gamit ang mga kamay mo. Pero hindi, hindi masasayang ang pag-ibig mo.

O-o, naiintindihan Kita, na nahihirapan kang magtiwalang muli dahil sa sobrang nasaktan ka na. Hindi Kita minamadali at hindi Ko ipipilit ang pag-ibig Ko sayo. Hahayaan Kita -- hahayaan Kita kasi gusto kong kusa ang pagtitiwala't pagmamahal mo. At --

P-apasanin Kita. Gaya ng isang Inahing naglilimlim sa kanyang mga inakay, gaya ng isang Inahing hahagis sa kanila sa himpapawid gamit ang sariling mga pakpak. At Gaya ng isang Inahing sasalo at papasan sa kanila pag nahulog silang muli -- hanggang sa makalipad sila -- hanggang sa makalipad kang muli. At buhat sa ereng pinagtambayan, buhat sa ereng pinagkatakutan mo'y, ngayo'y makakaya mo na. Kahit na sabi mo'y naputulan ka na ng pakpak; kahit pa sabi mo'y hindi ka na muling makalilipad pa. Mali, mali ang paniniwala **** yan pagkat --

R-aragasa ang pagpapala't ibubuhos Kong ganap ang Sarili Ko sayo. Ayokong iniisip **** hindi mo na kaya ang buhay; ayokong mawalan ka ng pag-asa dahil lang umasa ka sa maling tao o maling mga bagay o mga sitwasyon. Sabi mo pa nga, wala nang saysay ang buhay mo. Sabi mo nga, hindi mo na kaya. Oo --

S-asabayan Kita -- sasabayan, hindi lamang sa pag-abot ng mga pangarap mo. At sa bawat lubak na madarapa ka, tandaan **** narito Ako't aagapay sayo, kahit ilang beses ka pang matisod sa pagtalikod o pagkatalisod ay handa pa rin Akong saluhin ka -- sasaluhin at payayabungin.

T-atayo Ako sa harap mo at Ako ang magsisilbing harang sa bawat balang ikaw ang puntirya. Manatili ka lang -- manatili nang may buong pananampalataya at Ako -- Ako ang gagawa ng mga bagay na imposible sa paningin mo -- mga bagay na mistulang imahinasyon mo lang; mga bagay na binaon mo na sa limot pagkat huminto ka, huminto ka dahil napagod ka. Pero tapos na, tapos na ang panahon ng kapaguran. At ngayo'y --

U-nti-unti **** mararamdamang kusa na ang pagyapak mo kasama Ako. Na kaya mo na pala, na nakahawak ka na rin sa mga kamay Ko; na hindi ka na bibitaw pa. Pagkat, kailanma'y hinding-hindi Kita binitawan. Oo, hindi Kita hinila noon pagkat ayokong napipilitan ka pero matagal na -- matagal na akong nakahawak sayo; hindi mo lang napapansin o hindi mo Ako nagagawang tingnan.

W-ag kang mag-alala't alam ko ang kapasidad mo - kung kailan mo kaya at kung kailan hindi. Alam kong minsan mahina ka, pero maging mahinahon ka.

Y-ayakapin Kita, Anak; at kung iiyak kang muli, pwede bang sa mga bisig Ko na lang? Ikaw ang tanging Yaman ko't alay Ko sayo ang lahat. Mahal Kita, at ito'y walang hanggan.

---
Ngayon, magtatapos Ako
Magtatapos ako kahit na sarado pa ang puso mo
Kahit na may iba ka pang mahal sa ngayon
Kahit tila naririndi ka na sa pagkatok Ko
Kahit pa pinagsasarudahan mo Ako
Kahit pa ayaw mo pa Akong tanggapin
Kahit pa sabi mo'y hindi ka pa handa
Kahit pa sambit mo'y sa susunod na lang
O kahit pa sigaw mo'y tumigil na Ako
Pero hindi, ayokong magtapos ng ganito.
Magtatapos Ako't maghihintay sa sagot mo
At sana, sana'y dugtungan mo ang liham ng paanyaya
Dalawang letrang magkatulad lang
Dalawang letra lang ay sapat na
At ito -- ito na marahil ang pagtatapos
Na Ikaw ang Simula.
Katryna Jul 2019
Pag gising sa umaga,
Mata mo agad ang nais makita
Pagtawa mo agad ang nais marinig na tila musika sa aking tenga
Yakap mo agad ang nais magsilbing init kapalit ng kapeng bagong timpla.

Ang sarap gumising sa umaga.

Pero lumipas ang mga araw, gabi ay tila kasing lamig na ng kapeng naiwan sa tabi.

Ni hindi ko na magawang haluin at timplahin ng sapat sa aking panlasa.

Mga gabing mas ninais na maging umaga hindi para muling masilayan ang iyong mga ngiti, marinig ang iyong mga tinig at maramdaman ang yong mga bisig.

Mas pinipili ko nalang ang mga umaga upang makaalis at di kana muling masilayan pa.

Hindi ko matiyak kung ang mga umaga ko ba ay gigisingin pa ng may malinaw na ebedensyang mahal pa kita.

Hindi ko tiyak na kung ang dating malinaw ngayon ay malabo na.
Ni hindi ko na masabi ang salitang mahal kita.

Ngunit kung tatanungin mo ako nasan ka sa aking puso.
Kaya kong sagutin na nasa loob ka parin naman nito
Ngunit hindi na sayo ang buong espasyo.

Kung baga sa kwarto, may naka bedspace na dito.
Ginagawa ko nalang biro ang lahat ng ito pero, ito ang totoo.

Hindi ko masabi ang buong kwento kasi natatakot akong mawala ka sapagkat ramdam ko parin naman ang salitang "mahalaga ka" ngunit hindi na ang salitang "mahal kita".

Hindi ko magawang mag paalam at sambitin ang salitang ayokona kasi ramdam ko pa rin ang salitang ika'y mahalaga pa at hindi ko kayang makita kang lumuluha.

Ngunit ang lahat ay pawang salita na lamang.

Masakit aminin na sa mga panahong gusto ko ng iwan ang lahat at gumawa na ng pansariling hakbang ibang kamay ang kinuha para ako'y samahan.

Masakit saking aminin na sa pagtanaw ko sa bagong umaga,
sa pag ikot ko sa aking kama,
hindi na ikaw ang nais makasama.

At ang tanging musika na gusto kong marinig ay walang iba kung hindi ang pag "Oo" nya.

At ang huling mga salitang nais kong sambitin sayo ay hanggang sa muli nating pagkikita, sana maging masaya kana sa piling ng iba.
Minsan gagamit ng payak na salita
Ngunit ito'y uusigin ng iilan;
Minsa'y sisisid at muling hihinga
Ngunit tatadtarin ng masasakit na salita.

Kung ang pagsusulat ay pagmulat
Ba't hindi na lang maging simple sa pagpili ng bawat salita't parirala?
Ba't hindi diretsahin nang ang punto'y maging kalma?
Kung saan walang tensyon, ayos pa't plantsado.

Minsa'y wala namang nais ipahiwatig
Tanging ang letra'y nilalaro't nagiging bukambibig
Wala nga bang dahilan?
O ayaw mo na lamang lumaban?

Sa mundong ginagalawan
Hindi lahat makaiintindi
Hindi lahat makikiayon
Pagkat hindi iisa ang bida
May iilang ekstra sa eksena
Kaya marapat na handa ka.

Ang pagsulat ay malaya
Kaya naman hindi tugma ang bawat kataga
Ganyan ang nadudulot ng demokrasya
Malaya ka nga, pero hindi na maganda 'pag sobra.

Kung babasahin, minsa'y nakapapanting ng tainga
Ano ba ang ipinaglalaban sa pagtaas ng tono niya?
Ang pagsulat nga'y musika rin
Kung mali ang basa sa tono'y hindi maganda ang himig
Parang kapeng depende sayo ang magiging timpla't panlasa.

Isang simpleng mamamayan sa magulong pamamalakad
Dagdagan pa nang nagsisipagsalipadpad na dungis ng bayan
Hindi ka nag-iisa, ganun din ang pakiramdam ko.

Ngunit ang bawat Pilipino sumasabay sa himig ng Lupang Hinirang
Nasaan nga ba ang sinasabing "alab ng puso?"
Tila ang bahaging ito ng liriko'y walang saysay sa iba
Ang pluma ng ila'y wala palang tinta
Ngunit patuloy pa rin, walang nagagawa
Walang ginagagawa, walang nais na pagbabago.

Ganoon kahalaga ang pagbitaw ng bawat salita
Sa bawat punto, bawat espasyo, tuldok at kama
Mayroong layong nakapag-iisa
Mayroong sentimyentong ipinangangalandakan
Mayroong uusbong na himagsikan --
Mabuti man o masama.

Abstract/ abstrak
Mabuti pang ganyan ang pagsulat
Nang hiwatig ay pansarili lamang
Ngunit ang leksyo'y hindi manganganak
Hindi aabot sa mga apo ng bagong henerasyon.

Bale wala ang salita
Kung ang mga ito'y walang aksyon;
Bale wala ang salita..
Kung ang puso'y wala namang direksyon.

(6/28/14 @xirlleelang)
Jun Lit Nov 2017
Matalinhaga ang kahapon,
ang nagdaang panahon:
kapeng mainit na pinalalamig, hinihipan
pero di malag-ok, nakakapaso sa lalamunan
Tila alon sa dalampasigan
itinataboy ng pampang
ngunit bumabalik ang mga ala-alang
pilit itinatapon, kinakalimutan.

Mga tagpong akala’y isang dipa lamang
tila ang pagitan
ng lupa at kalangitan
ngunit nang tatawirin na’y
bangin pala ang kailaliman
walang tulay na magdugsong
sa sanlibong katanungan
sa mga gumuhong moog
at nadurog na diyos-diyosan.

Sa sulok ng balintataw
isang paslit ang natanaw
tumatakbo’t humahabol, sumisigaw
tinatawag niyang “Tatay!”
iyong nakalagak, isang bangkay
sa kabaong na ipapasok, ihihimlay
sa nitsong pintado ng puting lantay
- labi ng aking amang hinagilap na suhay

Sa lamay ng patay,
ang kapeng barako ay buhay
bumubukal, walang humpay
maalab ang pakikiramay,
sawsawan ng tinapay
          Sa lamay ng patay
          nagsisikip man ang dibdib
          magkunwari’y kailangan
          nagdurugo man ang puso
          lakas-loob ang kaanyuan

Habang umaagos ang litanya
sa labì ng punong magdarasal
pumapatak ang ulan ng luha
walang puknat ang “Bakit?”, nag-uusisa
Hindi napapahid ng panyong pinipiga
ang hapdi ng sugat sa naulilang diwa
lalo’t ang bayaning inakala
ay pasang-krus pala ng inang dinakila

Matalinhaga sadya ang kahapong nagdaan,
pelikulang kulay sepya, kumupas na sa kalumaan:
Lumamig na ang inuming sa burol ay itinungga
Tahimik na silang nagtungayaw ng sumbat at sumpa
Sa malayo’y kumakaway ang palaspas ng payapa
Nagpahinga na rin ang ilaw na sa aki’y nagkalinga

Sumisilip sa alapaap ang impit na sinag
Naglalaho na ang mga bituin sa liwanag
ng unti-unting pagsabog ng araw na papasikat
At sa pagbangon, bagong umaga’y may pahayag

Gigisingin akong lubos, tila tunog ng gong
ng bagong-luto **** pagsalubong
Isang lag-ok muli, aasa, susulong
kung saan man hahantong . . .
To be translated as "Brewed Coffee IV"
ESP Apr 2015
Umaga
Gigising at babangon
Ni hindi ko man lang
Narinig ang huni ng mga ibon

Umaga
Isusubo ang kakarampot
Na kanin
Na parang di ko nalasahan

Umaga
Na walang kapeng nahigop
Dahil kailangan ko ng
Pumunta roon

Umaga
Na makikita kong
Nakakunot sila
At hindi ko na napapansing
Ako na rin pala

Umaga
Uupo sa silya
Sisimulan ko na
Gusto ko ng matapos na

Tanghali
Parang ayaw ko na
Hindi ko na kaya
Tanghali pa lang pala

Tanghali
Hihigop ng kape
Walang tama
Isa pa

Tanghali
Bakit hindi pa matapos
Ang araw na ito
Wala pa palang kalahati itong
Tinatapos ko

Hapon
Ang saya nila
Anong pinag-uusapan nila?
Pwede bang sumali sa saya?

Hapon
Tangina
Wala na bang katapusan?
Sino ka para sabihan ako
Na tapusin ko na ito?

Gabi
Sa wakas
Malapit na
Kaunting tiis pa

Gabi
Na
Umalis na sila
Ako, nandito pa

Gabi
Ako na lang mag-isa
Pahingi ng tulong
Di ko 'to kaya mag-isa

Gabi
Nagpapasalamat sa langit
Pinatay ang ilaw
Buhay ang diwa
Masaya ang kaluluwa

Gabi
Kay raming tao
Hindi lang pala ako
Marami pala akong kasama
Hindi ako nag-iisa

Gabi
Nang maisip ko
Marami pa pala kaming
Nagpapaalipin
Sa lugar na ito
Sentro kung saan
Ang mga tao
Nagmamadali
Walang pansinan
Walang pakialamanan
Walang buhay
Walang kaluluwa

Gabi
Nang mapagtanto ko
Ayaw ko nito
Kasama nila
Nasaan ang kaligayahan ng puso?
Nasaan ang kalayaan ko?
Nasaan ang kalayaan nila?
May mararating ba?
Sila
Ako
Tayo
Itong tanong na ito
May mararating ba?
Tanong na lang ba talaga?

Gabi
Nang makarating ako
Sa aking lugar pahingahan
Nag-iisip
Natulala...


Umaga.
Bagay na ayokong mangyari sa susunod na mga taon.
Poti Mercado Jan 2018
Puno ng init ang unang higop ng kape
Nakakapaso ngunit ramdam mo ring gumuguhit ito sa iyong mga ugat
Hanggang sa umabot na ito sa iyong pusong bumibilis na ang pagtibok
Sa iyong mga kamay na walang tigil ang panginginig
Sa iyong mga matang mulat na mulat sa hating-gabi
At sa iyong mga bibig na nananatiling bukas at handang sabihin ang lahat ng ninanais

Ngunit sino ba ang iyong kape?
Ang nagbibigay sa’yo ng panandaliang lakas?
Sino ba siyang nagiging rason para manatili kang gising sa gabi kahit gustong-gusto mo nang matulog?
Sino ba siyang nagdudulot ng matinding panginginig sa iyong mga kamay at tuhod sa tuwing nakikita mo siya?
Sino ba siyang nagpapabilis ng pagtibok ng iyong pusong naghahanap lamang ng panibagong taong mamahalin habang inaantay **** mawala ang paso sa iyong dila na nadulot ng iyong nakaraang baso ng kape na punong-puno ng pait?

Ayan na’t naglalakad na siya papunta sa’yo
Inaantok ka pa at walang kamalay-malay na nariyan na pala siya
Papalapit nang papalapit hanggang sa nauwi nang magkahawak ang inyong mga kamay at ayan na naman
Ang pagbilis ng tibok ng iyong puso
Ang walang tigil na panginginig ng iyong mga kamay
Ang pananatiling bukas ng iyong mga mata
Kahit gusto na nitong pumikit, magpahinga, at mamaalam na sa ginagalawang mundo

Ngunit tulad ng epekto ng kapeng iniinom mo araw-araw
Papawi rin ang pananabik at pagkamulat ng iyong mga mata
Mapapagod din ang iyong pusong nalasing na sa dami ng kapeng iyong nainom na akala mo’y matamis ngunit nag-iiwan din pala ng mapait na bakas sa iyong mga labi
Titigil din ang panginginig ng iyong mga kamay
Sadyang panandalian lang at hinding-hindi na tatagal
Sapagkat siyang kape na nagbibigay sa’yo ng lakas
Ay siya ring kape na inubos mo hanggang sa huling patak
Jun Lit Oct 2017
Tumatalbog-talbog
sa sahig ng aking mga ala-ala
ang bola ng jackstone ng até
at sipang tingga ng kuya

paroo’t parito
ang mga trumpo’t yoyo
sa mga tumpok
ng inipong alabok
ng kabataan kong
inihian ng kahapon
upang maging kalamay
at putu-putuhan
- na waring napanis na
sa paminggalan ng kompyuter
at tuluyang ibinaon
sa puntod ng mga cellphone.

Sa kamposanto ng mga ala-ala
nagmumulto pa rin ang kahirapan
di na kailanman matatakasan

sa bawat lagok,
mainit na humahagod
sa lalamunan ang mga tagpo
sa mga dula’t pelikula
sa pinagpugarang bahay
na ngayo’y nagiba na:
          pagkatapos ng maghapon:
          itutulak mo ang kaning mahalimuyak
          - isinaing ng Inay ang kinandang-laon
          inutang pa sa taga-Quezon
          wala kahit kapirasong tuyong maisabay
          walang iba, tanging ikaw,
          masarap nang sawsawan at sabaw.
Translated as Brewed Coffee III
J De Belen Feb 2021
Gusto mo kape?
'O gusto mo tayo nalang,puwede
'O Teka,biro Lang
Pangako kape lang talaga,Tara na
Ano bang gusto **** lasa?
Matamis ba?
Para kahit sa pagtimpla nalang ng kape ko ibabawi yung lasa ng nais ko sa iyo'y ma-ipadama
Gusto mo ba'y Matabang?
'Yung wala ng lasa
'Yung wala ng pag-asa
'Yung kulang sa timpla
Dahil napagod na.

'O baka Gusto mo naman
'Yung sakto lang
'Yung kahit may gusto kang iba
Ako'y patuloy paring aasa
At kahit mangawit man ng sobra
At magpawis man ng kakaiba sa kakahintay,
Sa akin ay ok lang
Kahit ako'y kaibigan lang naman,Mahal
Basta ikaw
At kung ang sagot sa lahat ay pag-papakatanga
Sigurado ako ang nangunguna.

'O baka gusto mo ng 3 in one?
'Cause you want me to be your number one fan
Just like my favorite man
Superman
Spiderman
And maybe a man of mine
Nako ano ba yan!
Ano ba talaga gusto **** lasa?
Ayoko ng manghula pa
Kaya sabihin mo na
Para di nako mahirapan pa na
Ipagtimpla ka pa.

Ah alam ko na!
Gusto mo rin ba yung lasa tulad ng aking pag-timpla?
'Yung nag-kakasalubong yung tamis at pait ng kapeng barako
Oo
Kapeng barako
Parang tayo
Kapag ang mga mata nati'y nag-tatagpo na akala mo naman ay may salitang tayo
Kung nakakapag salita lamang ang ating mga mata
Sigurado
Bistado
Aminado  na gusto natin ang isa't-isa.

Pero
Teka,Kape lang ba 'to talaga?
'O meron pang iba?
Sabihin mo na
Para hindi na ako umasa pa na mahulog ka pa.
Tara kape pa
Para makasama pa kita
Ang sarap lang ma-upo kasama ka sa ating tambayan
Kasabay sa pagtanaw sa ating kalawakan.

'O kay sarap sa pakiramdam noong sandaling  ika'y aking mahagkan
At batid kong ito'y panandalian lamang, Kaya
Tara kape lang
Kahit walang aminan
Dahil alam ko naman na
Tayong dalawa'y malabong mag-katuluyan.
Jun Lit Mar 2018
Naghihintay ang tasa
malinis, walang laman
sa tagpuang mesa
kahapo’y may kabatuhan
ng "¿Hola? at ¡Puñeta!"
at kanina’y may kapalitan
ng "Hello Sir! Wanna? Wanna?"
nasingitan pa saglit
ng malupit, galit sa langit
na si "Arigatou Nakamura"
At nakipag-rigodon
ang mga payaso’t pirata
at mga magnanakaw – mas ganid pa
sa apatnapu ni Alibaba

Nasaan ba si Ina?
Wala na po dito,
nandun na s’ya’t kahalikan
si "Xie xie, Duō shǎo? Ni hao ma?"

Pagkatapos kumulo
ng tubig sa kaldero ng lipunan
inilagay ko ang isang kutsarang
balawbaw ng galapong
nanggaling sa inipong
butil ng kagitingan
mula sa paanan
ng Malarayat na kabundukan
- kaagad-agad ay bumulwak,
nagngangalit na umawas

Kumakalat ang halimuyak
ng kapeng bagong luto
Naiinip na ang tasa
sa tagpuang mesa
ng bayang talisuyo
Kailan kaya may uupo,
yaong hindi bugaw na pinuno
na pagpuputahin ka
kung kani-kanino,
kundi bayaning lingkod
na hindi ka ipagkakanulo?

Kapatid, kahit isang lagok lang,
Malayo ang lakbayin, dapat nang simulan
Ang mahalaga’y kumikilos, humahakbang
Sulong tayo mga Kabayan . . .
To be translated - Brewed Coffee VI
Wretched Jul 2015
Nadudurog na ba ang dila mo?
Ikaw ba'y naghihingalo na?
Nagsasawa ka na ba?
Sabihin mo nga,
nadudurog na ba ang dila mo
sa tuwing binibigkas mo sakin
ang mga salitang
"Mahal kita"
Ngunit siya ang nais ****
makaharap?
Dahil ramdam ko ang pait
sa iyong dila sa bawat letra.
Alam kong ayaw **** ipakita
na nahihirapan ka na.
Pero mahal, sabihin mo kung suko ka na.
Dahil nauubusan na ko ng rason
para manatili pa.
Kung sabihin ko ba sa iyo
na ramdam kong nalalapnos
ang iyong balat
sa tuwing niyayakap kita.
Hindi mo ba halata?
Wala ng init na dumadaloy
sa ating dalawa.
Parang kapeng naiwan,
onti onting nanlalamig na
ngunit hindi ko malimutan
ang pasong iniwan mo saking mga labi.
Kung ako na kaya ang bumitaw?
Mahihirapan ka pa ba?
Madudurog ka pa ba?
O di kaya ikaw na ang magsabing
"Ayoko na"
Sabihin mo nga,

Magdurugo ba ang iyong dila?
Sa malamig na umaga
At nag yeyelong gabi
Nais ko sanang humigop ng mainit na kape
Sa nag babagang tanghali
At mainit na hapon
Kape namang malamig dulot ng yelo

Asukal , gatas o kahit pa barako
Nag iiba ang lasa kapag ikaw ang kasama ko
Sa malamig na umaga o kahit mainit na hapon
Habang nag kukuwento ka kasabay ng pag halo
May kasamang saya kapeng  ihaharap mo

Kagaya ng buhay natin pareho
May matamis , mapakla at kahit pa mapait
Basta mula ito sa iyong puso
Ay lugod kong tatanggapin

Tanggapin mo sana itong kape ng buhay
Sapagkat itong ihahandog ay may tunay na timpla
May kapaitan mang taglay
Hindi mawawalan ng tamis ,  kape ng buhay

Kaya sinta , samahan mo ako nawa
Sa umaga , tanghali , dapit hapon at gabi
Dahil ang kapeng iaalay ay kape ng buhay
Na may saya ,  lumbay at sakit
Ngunit pinatamis at hinalo
Ng tunay na pag-ibig
This poem is for a  friend ! Bless you guys always

(Inaayos ko palang to)
Mahilig akong manood ng pelikula
Sisiyasatin ko ang bawat balangkas
Panonoorin mula sa simula
Papunta sa kasukdulan ng kwento
Hanggang sa katapusan ng kwento

Isa sa paborito kong kategorya nito
Ay ang pag-ibig

Napakasayang manood ng pelikulang pag-iibigan ang tema
Dahil kahit minsan ay katulad din ito ng nararanasan natin

Magsisimula sa pagpapakilala
Sa “ako nga pala si..”
“At ako naman si..”
Sabay ngiti na tila titigil ang mundo
Bibilis ang pintig ng puso
At mapupuno ang tiyan
na tila nakalunok ng sangkatutak paruparo
At nanirahan sa ilalim ng mga kalamnan mo

Napakatamis ng mga simula
Ang mga panahong ang mga mata
Ang nagsisilbing daluyan
Ng enerhiya na nagpapasabay ng tibok
ng puso niyong dalawa
Ang mga panahong ang mga kamay
Ang nagsisilbing hawakan sa pinakamalayong paglalakbay

Kikiligin ka sa simula

Magpapatuloy sa kasukdulan
Magpapatuloy
Sa “Bakit hindi mo agad sinabi?”
Sa “Bakit ka nagsinungaling saakin?”
Sa “Ano bang nagawa ko sa’yo”
Sa “Saan ba ako nagkamali?”

Matututunan mo na ang pag-ibig pala ay nagbabago
Ang dating matamis ay naging mapait
At tila isang kape na dating kumukulo sa init
Ay nanlamig bigla
Sa di inaasahang panahon

At sa katapusan ay makikita mo ang dulo
Ang pagpapaalam
Ang mga salitang “Hanggang dito na lamang tayo”
Na kahit na ipinangako niyo sa isa’t isa ang walang hanggan
Ay naabot niyo pa rin ang dulo

At kahit na masakit ay tatanggapin mo
Dahil ang katotohanan ay
Ang pag-ibig ay nagwawakas

Mahilig ako sa mga kwento
Dahil dito umiikot ang mga pelikulang sinusubaybayan ko
Ang simula, kasukdulan at pagtatapos

Ang paborito kong istorya
Ay ang pag-ibig

Pag-ibig
Na nagsimula sa pagpapakilala
Sa pagtanggap ng katotohanan
na hindi ko kakayanin mag-isa
Sa pagsambit na ikaw lamang
ang kayang magligtas
sa kaluluwa kong ligaw

Hindi man puno ng tamis
Pero puno nmn ng tunay na pagsinta
Ng totoong nagmamahal

Ang mga mata niyang magbabantay saakin
Sa tuwing ako’y nag-iisa’t nasa panganib
Mga labi, na hindi mo man nakikita ang ngiti
pero ramdam ang pagmamahal sa tamis ng salitang sinasambit
Mga kamay, na hindi nagsisilbing hawakan, pero gabay
At sa tuwing naliligaw na ako’y andyan ka pra itama ang aking landas

Pag-ibig
Na ang kasukdulan ay
Naganap sa krus
Kung saan ipinakita ang tunay na kilos ng pagmamahal;
Sakripisyo
Kahit na hindi ako nararapat sa pag-ibig mo’y
Ibinigay mo ang lahat
Para lamang maibalik ang ako, na minsan nang naglibot papalayo
Sa kasabikan na mahanap ang dulo
Kasama ang mundo
pero nagkamali ako

Ang mundo ay iiwan kang lagalak
Sa kalsada
Humahanap ng titirhan
Humihingi ng makakain
At nanlilimos ng ng salapi

Pero ikaw ang pumulot saakin
Sa pagkaalipin ko sa mapanlinlang mundo
Iniangat mo ako sa kahirapan ko
Kahit na tila kapeng nanlamig ako
Ay hindi mo isinantabi
Pinaranas mo ang tunay na pag-ibig
Na hindi kayang ibigay ng kahit sino

At tulad ng mga pelkulang paborito ko
Hilig kong sinusubaybayan ang kwento
Ang paborito kong kwento ay ang pag-iibigan nating dalawa, Panginoon.

At magtatapos ito sa…
Mali.
Hindi pa rito nagtatapos ang kwento
XIII Jun 2015
Ang love story natin
Ay parang kwento ng theme songs ng JaDine
Di ka fan, di mo siguro maaappreciate
Pero kinakantahan tayo ni Nadine Lustre at James Reid

Ang daming tanong nung umpisa
Ang daming pagdududa
Game na ba? Ano na? Sure na ba?
Ang hiling ko, sige na

Para ngang isang pagsusulit
Bawal magbura, one seat apart, walang kopyahan,
Right minus wrong, kung di alam 'wag hulaan,
Kumpletuhin ang patlang, bawal ang tyambahan


Para ngang isang pagsusulit
Pinag-isipang mabuti

Hanggang sa sabi mo, "Oo na.". Yes!
Oh, wala ng bawian, mamatay man, period no erase!

Matapos no'n, nagdagsaan ang mga pagsubok
Katulad din naman sa kahit kaninong relasyon
Pero dahil naniwalang sayo'y may forever
Pareho tayong hindi sumu-render


Pagkat sayo natagpuan ang ipinagkait sa akin
At sakin mo naramdaman and di mo akalain
Ipaglalaban ko
Ipaglalaban mo


Wala na tayong ****, basta bahala na
Alam lang kasi natin mahal natin ang isa't isa
At kahit pa sabihin na, tayo'y di itinadhana
Na na na na na na na na na na na bahala na


Pero katulad din ng ibang relasyon
Lumalamig, parang kapeng napaglipasan ng panahon
Tumitigas, parang pandesal na naiwan sa kahon
Tila di na alam kung san tayo paroroon

Piniling lumayo
Ngunit pilitin man ay bumabalik sayo
Di matatago kahit magpanggap
Ang iyong yakap, ikaw, ang hanap-hanap


Ikaw ang hanap-hanap
Dahil ang puso'y nangangarap
Na magsasamang muli
Na may happy ending bandang huli


Pero di pa tapos
Ang kwento natin hindi pa tapos
Sana'y hindi pa tapos
At sana'y di na matapos

Tatlong kanta pa lang naman
No Erase, Bahala Na at Hanap-hanap
Sana ay kumanta pa sila
Sana ay marami pa

At sana, kahit gaano man karami
Masayang kanta ang maiwan sa huli
Yung may forever, may happy ending
Kaya sige, mag-duet pa kayo *JaDine
Inspired by JaDine's songs, written while listening to them.
To all JaDine music fans! JaDine FTW!!!
All lyrics excerpts are © from JaDine songs: No Erase, Bahala na & Hanap-hanap.
Jun Lit Jul 2021
Lasaping mabuti bawat lagok, paulit-ulit
Namnamin ang pampagising na pait
Habang ang likas na tamis, nilalasang pilit
Sa ‘yong lalamunang sabik, ang init guguhit.
Tulad ng bawat pagtatanghal, sa isip di mawaglit
Todo-bigay ang birit, tila laging huling hirit.

Araw-araw mang nakikita ang Bundok Malarayat
Hindi nagsasawang sulyapan ang Silangan pagmulat
Bawat araw na tayo'y buhay, may dalang sigla’t galak.

Hwag nang ipitin ang kwadrong alas o otso
Di na magiging mahalaga kung sino nga ba’ng nanalo
Kapag ang mga kalaro sa pusoy ay wala na ni anino.

Hagkan si Habagat at yakapin si Amihan,
Daluyong ma’y ihatid, sa kabila’y walang ganyan
Di-pinansing hininga’y aapuhapin sa paglisan

Ang lupang hinamak, tinapak-tapakan
Ang lupa ring naghandog ng susing kabuhayan
Ang lupa ring hihimlayan sa huling hantungan.

Lasaping mabuti bawat lagok, paulit-ulit
Kapeng barako’y masarap habang mainit
Ngunit wala nang bisa sa huling pagpatak ng saglit

Lasaping mabuti bawat lagok, bango’y langhapin
Kapeng barako’y larawan ng pagbangon at paggising
Ng bawat araw, biyayang pasasalamata’t tatanggapin.
16th poem in my series "Kapeng Barako" - Kapeng Barako is brewed coffee in Lipa, Batangas, Philippines, often of the 'liberica" variety and roasted traditionally in large metal vats. The series includes poems that focus mostly  on my memories of Lipa, the place of my birth, childhood and teenage years. The current COVID-19 pandemic has made us realize which things are really essential, who really matter and how volatile human life is, and that every single day when we wake up still alive is a gift in itself.
alvin guanlao Feb 2011
hiniling ng diwang bumalik sa sinapupunan
sa panahong ika'y hinahainan ng hapunan
lahat ng bagay ay pwedeng iisang tabi
tulog sa paghalik ng umaga sa gabi

di akalaing maipaghahalo ang saya at sakit
kailangan **** mamatay para mabuhay
higop sa kamalayan o kapeng mapait
hibang ang sarili, kaisipang mahalay

babarin ang isip sa likidong tutunaw sa lahat
tikman mo ang iyong dagat na walang kasing alat
manlagkit sa salamin, tapos na ang bukas
hahalik ang umaga sa gabi at wala kang takas

ang katamaran ay humahalili sa kapalpakan
hinayaan **** humalik ang umaga sa gabi
wag kang magdahilan, hindi mo sinubukan
pigilan ang paghalik ng umaga sa gabi
Jun Lit Feb 2020
Ikasampung lagok na
at higit pa
ng mainit **** ala-ala
subalit malapit man
wari kung aking tinitingnan
sa sulok ng napadpad na isipan
sa kabilang ibayo ng mga pananaw
sa malayong dalampasigan ng pagkatao,
hindi ko kayang abutin
ang pinutol kong pusod
na sa puting lampin ay ibinalot,
at ibiniting tila bituin sa mga alapaap.

Maghapon ko mang lakarin
mula sa aking pusong pinabango
ng galapong na bagong giling,
na kung saa’y tiniis ang init ng kahirapan
habang isinasangag ang bawat butil
ng sanlibo’t sandaang ari-muhunan
mula sa masuyong pinagsikapan,
pinagtiyagaang alagaan -
puno ng liberikang kape
ng lupang sinilangan.

Malayo, malayo na ang Lipa
madaling lakbayin sa malawak na kalsada
na dumaraan na ngayon sa kabundukan
ng Malarayat
na noong musmos pa’y
malayo, malayo, malayo . . .
tanging nakakarating lamang ay mga uwak
at sabay-sabay na lumilipad na tagak
sa takip-silim nama’y mga nagsasalimbayang kabag.
Noo’y maliliit pa ang puno ng sintunis
Ngayo’y natabunan na ng palitadang makinis
Hinahanap ko ang lungga ng dagang bulilit
At puno ng bitungol sa unahan ng lumang bahay
na inaakyat ng mga paslit
napawi na rin ang matayog na tahanan
tila binura ng kapalaran
at mistulang iginuhit ng chalk lamang
sa pisara’y kumupas na larawan.

Natabunan na ng bundok
ng mga alikabok ng ala-ala,
wala na tahanan, o ang lumang pisara
tila nawaglit ang apat na dekada

Malayo na ang lumang Lipa
at katulad ng dahong alamat ng ngalan nya
makating-masakit at di makakalimutan
ang mga karanasan at mga aral na dala

Kung wala na ang bigas na kinanda
magtitiis ako sa samyo ng binlid at ipa
Kung wala na ang pinipig at nilupak sa baraka
kahit budbod at lumang latik ay yayamanin na
Lalakbayin ko’y lubhang malayo pa
Ngunit sinisinta
ika’y makakaasa:
     Ang pinanggalingan,
          ang pinagmulan,
               lilingunin tuwina.
Brewed Coffee - 10; 10th in a series of poems mostly focusing on my memories of Lipa, the place of my birth, childhood and teenage years.
042522

Sasapit na naman ang pinakahihintay na araw,
At hindi ito mananatiling sagrado magpakailanman.
Lahat ay mabibigyan ng patas na paghuhusga
At mismong lipunan ang syang magpapasya.

Naririnig ko na ang sigawan sa bawat dako ng gintong kompas
Kung saan ang kanilang hiyawa'y pagkakawatak-watak.
Iba't ibang ideolohiya sa demokratikong bansa
Kailan nga ba matatamasa ang tunay na pagkakaisa?

Sa bawat kulay na sinasabi nilang ito raw ang bukas
Ay ito rin ang gumuguhit sa kasaysayang tayo na't makibaka.
Kaya nga nating kulayan ang ating pagdikta
Ngunit sa ganitong paraan nga lang ba tayo kakalma?

Sa tuwing may mauupo sa trono na kataas-taasan,
Paano nga ba ang ating pagtindig
Para sa sinasabing mahal na bayan?

Pilipinas nga ba ang ating pinipili?
O kung saan lamang tayo kampante
Habang nananatiling namamaypay
At abala sa kabi-kabilang pag-uusig.

Iniisip nating tayo'y tunay ngang nasa laylayan na,
Ngunit ito nga ba ang kapeng gumigising
Sa dugo nating makabayan?
At sapat ba ang ating paghiyaw
Na walang hinihinging basbas mula sa Itaas?
Mga bibig natin, paminsan nga'y
Puno lamang ng mga palatastas.

Sapat ba na tayo-tayo na lamang
Ang naghihilaan pababa't paitaas?
Pagkat mismong pananampalataya'y
Nadudungisan ng walang katapusang pagkawatak-watak.

Bayang Magiliw, Perlas ng Silanganan --
Ikaw ang bansang hinirang ng Pagkataas-taasan.
Panatang makabayan, iniibig ko ang Pilipinas --
Sana'y mapaninidigan kita't
Hanggang sa huli'y maipaglaban
Pagkat maging aking hininga'y
Pansamantalata't pahiram lamang.

At hindi ito lotto o binggo,
Hindi tayo nagtataya nang kung sinu-sino.
Ngunit kung sinuman
Ang maging huling sigaw ng bawat Pilipino
Sana tayo pa ri'y magkaisa
Para sa dangal na nais nating isulong.

Ating pagkatandaan na kahit noon pa ma'y
May iisang hindi tayo tinalikuran,
Iisang Pangalan na may hawak ng bawat kapalaran
Higit pa sa bawat kulay na ating tinatayaan --
At Hesus ang Kanyang Ngalan!
Bangon Pilipinas!
solEmn oaSis Nov 2015
ang buhay daw parang umiinom ka lang ng kape
hanggat mainit at umuusok grab ka lang unti-unte
abutin man ng paglamig sa muling pagbabalik
duon mo lang mamamalayan kung paano ka nasabik

ang kape tulad din naman sa ating buhay
kanya-kanyang panlasa para hayahay
ang buhay at kape may pagkakataong hinde natin timpla
ang mahalaga ay kung paano naten haharapin ang bagong umaga

"And what I'm trying to say isn't really new
It's just the things that happen to me when I'm reminded of you !!! "

wala sa tamis o tapang
kahit na nga matabang
ang ikasasarap ng isang kapeng timplado
sa araw-araw na buhay ay nasa pait nito !!!

" Like when I hear your name
or see a place that you've been
or see a picture of your grin
or pass a house that you've been in one time or another
it sets off something in me I can't explain
and I can't wait to see you again !!! "

kamusta ang buhay?  **tara kape tayo
according to a proverb:
be careful what you wish for
because you just might get it.

this poem of mine is  wholeheartedly dedicated to -
its gonna make sense
to the tune of --is it okay if i call you mine
by Michael Johnson..love ko tong kantang to!
Jun Lit May 2018
Ang kape ay buhay

ipinantawid-gutom

kasabay, kaunabay

ng unang subo ng kanin,

sa murà kong isipan -

nilililok ng maalagang haplos

ng katam ng mga pangaral

at talim ng pait ng nakadaupang

mga dospordos ng karanasan,

bawat lagok ay nagbigay

ng iba ibang kulay,

ng alay



Alak ng paglimot ay tinagay

ng kapitbahay

na maingay

sigaw ng inipong luha’y

kakambal,

ngunit ang kape
 -
sa Pilipino'y sawsawan
ng tinapay na inaasam:
paimpit ang napilayang pag-usal

sa binging patron ng pandesal

taimtim ang piping dasal
:
“bigyan mo po kami
ng aming kanin

miski walang ulam

basta may kape
,
pero mas maigi na rin po

pag may bulanglang”

"salamat po sa kape
ngay'ong kami'y buhay
at sa burol
kung kami'y mamatay
na kalul'wa'y pasal,
tirik ang namumuting mata
Inaykupu Nanay!!!"
Part of my childhood memories in my old barrio (village) in Marauoy, Lipa City, Batangas, Philippines
061816 #ElNidoToPPC

Gusto kong magtanong,
"Ba't ayaw **** bumaba?
Ba't wala Kang ginagawa?"
Lumuluha ang Langit,
Pero tila ba pinagmamasdan Mo lamang Siya.

Nawawalan ng kislap ang mga bituin,
Ngunit hindi Mo hinahawi ang mga Ulap
Na pasan ang mga sarili't may pighati ang kalooban.

Ako'y nagyeyelo sa lamig ng pag-ibig,
Hindi maihimbing ang sarili
Pagkat salat sa kumot ang sasakyang bumubulusok.
Nais kong tapalan
Ang pusong nagkulang sa yakap at haplos,
Na parang uhaw sa kapeng mainit
Siyang pantanggal lamig ng kahapon.

Ako'y nanlalamig --
Bagkus puso'y iba ang eksperimento.

Hindi ko maipaabot Sayo ang liham na nakatiklop,
Pero ang ningas ng Iyong kariktan,
Siyang bumubulong sa isipan ng kalinawan.

Trono Mo'y napakataas,
Pero ni minsa'y hindi Ka nagmataas.
Sa paggulong ng sandali,
Ang ulan ay kinitil at ako'y saksi sa'Yong Ilaw.

Panahon, pana-panahon lamang ang ulan
Na siyang susubok sa pusong may laman.
At kung minsang nasubok ko ang Iyong Liwanag,
Ako'y hindi Mo binigo sa *makabagong Silaw.
Jun Lit Jul 2021
Ang Lipa ng aking kabataan, tila kumakatawan,
sumasalamin sa mahal nating Inang Bayan

Ilang tampalasan na ang dumaan
Kolera eltor, malaria, pesteng balang
Mga sundalong Hapon, mga sakang
Malulupit na kampon ni Kamatayan
Dumaan pa ang sakit na kalawang
sa dahon ng kapeng inaalagaan
At bukbok sa bungang manibalang,
nanlalaglag, di na pakikinabangan.

Ngunit ibang klase itong ngayo’y salot
Bala ay di nakikita, mala-bola daw ang balot
at tila may mumunting galamay na nakakakilabot
at masusundan ka, sa’n ka man sumuot.

Binago ng COVID ang ating kapalaran,
pananaw, pagkilos, pati kabuhayan
Nakita kung alin at sino ang dapat pahalagahan
at kung sino ang tunay na karamay at kaibigan.

Kung sa nilagang kape pa ang pagtutularan
kitang-kita kung alin ang latak at alin ang matapang.
Nawa’y may masalok na pag-asa sa Silangan,
Nawa’y may malagok tayong kaligtasan.
15th poem in my series "Kapeng Barako" - Kapeng Barako is brewed coffee in Lipa, Batangas, Philippines, often of the 'liberica" variety and roasted traditionally in large metal vats.
w Dec 2019
94
Ubos na ang mga panahong hindi kailangan magmadali
Yung pagising sa umaga na hindi na kailangan ng nagwawalang awtomatikong orasan

Sa kakamadali ay nalilimutan nating magsoot ng pambahay na tsinelas pagbangon sa kama,
Maging ang pagharap sa salamin at pagbati ng "magandang umaga" ay lipas na

Ang mga pandesal at almusal na dati'y pinagsasaluhan sa lamesa, ngayo'y sa umaandar na sasakyan na inuubos okaya naman minsan ay dumadaan sa isang kainan para doon makakain

Kung noon ay sinusulit ang bawat hakbang ng mga lakad at napapansin ang mga bulaklak at dahon sa iyong paligid
Nalipasan na ng oras ang dati'y hindi ka tumatakbo at nagkukumahog, pinabilis ang pag-asam ng panahon

Kung babalik pa sa kahapon,
Lumipas na ang kapeng ilang beses **** hinalo't di na alam kung tunaw na ba ang bawat piraso ng oras kaya't di na napansing lumamig na sa paglipas ng oras

At sana, sa bawat pagmamadali at takbong gawin para makarating
Huwag mo sanang kalimutan
Na oras man ang kaaway,
Nakadikit ito sa ala-alang bumuo sa pagkatao natin

Muli, ipapa-alala ko na huwag mo sanang kalimutang pwede ka magdahan-dahan
Ipahinga mo ang iyong mga paa
Dahil ubos na ang panahong hindi tayo nagmamadali

Kaya  sana, hayaan mo munang mag-isa ang mundo at umupo ka muna sandali
Gumising kang hindi gula't sa nagwawalang orasan at isoot ang sapin sa paang sabik nang ihatid ka sa hapag-kainan
Timplahin mo ang kapeng mainit at hintaying matunaw ang bawat piraso
At doon, malalasahan mo, ang tunay ng sarap ng bawat segundong matagal mo nang hindi napapansing pinapalipas mo
Jun Lit Jul 2017
nagsasayaw nang hubad
ang aromang umaaso,
kumakabog ang dibdib,
nanginginig ang mga braso,
daluyong kang raragasa
sa lalamunan kong tuyo,
ang tambalang pait-tamis
pulot at dagtang pinaghalo.
Translated as Brewed Coffee I
032217

Ang bilis namang kumupas ng lahat
Yung akala kong aabutin pa ng kinabukasa'y
Kinain na ng alikabok,
Hindi ko na mabasa ang naka-imprinta
Na dati lang, araw-araw kong pinagmamasdan
Na dati lang, parang sabik ka pang maging parte ng araw ko
Na dati lang, sinasabi **** ako ang kumukumpleto nito.

Ang bilis namang maglaho ng lahat
Pumikit lang ako, naiglip lang ako
Parang nagbago na rin ang mundo mo
Iba na ang istilo, iba na ang galaw
Iba na ang sambit, iba na --
Hindi ko na mabasa pa
Hindi ko na nga alam kung nasaan na ba ang "tayo."

Ang bilis namang huminto't sumuko
Na sabi mo'y hindi ka magsasawa
Pero parang kapeng katitimpla lang,
Nanlamig at hindi ko alam kung paanong nawalan ng lasa
Iba na ang nagtimpla,
Ayoko na sana.

Ang bilis naman ng lahat,
Sabi ko pa naman,
"Higitan natin ang tatlong araw"
Oo, sinubukan natin
Nahigitan nga natin at naging "tatlong buwan."

Pasensya, hindi ko kasi matanggap
Na ganito ang bunga nang minsang pinagtayaan ko
Siguro nga ganoon talaga,
Sa huli't huli'y susuko rin ang isa
Bibitaw din at maglalaho ang "tayo."

Pasensya talaga,
Ang hirap tanggapin
Kasi ikaw ang unang sumuko sa ating dal'wa
Ayoko na ring manguna pa
Ayoko na ring ayusin pa
Ayoko na ring bigyang kahulugan pa.

Hindi ko alam kung paano ako uuwi
Kung sasalubungin pa ba ako ng yakap mo
O mag-isa ako uuwi't maghihintay na lang muli
Maghihintay at papara ng iba.

Hindi ko alam kung paano na
Paano na yung mga plano natin
Mga planong napako kahit maaga pa lang
Hindi man lamang umabot sa ninais natin.

Sapat na sigurong itigil ang kahibangang ito
Na minsan, nangarap ako
At ikaw pa ang pinangarap ko.
Nandyan ka man, ang layo mo pa rin.

Kaya siguro, siguro itigil n natin
At siguro nga, hihinto na rin ako sa pagsusulat sayo
Kalilimutan ko na lang ang lahat kahit masakit
Tama na siguro, ayoko na magsulat
Tama na, sumusuko na ako sayo.
"Gusto ko nang lumaya, pero alam kong kailangan mo ako."* -Dagang Electrically Dextrosed

"Pahingi ng kumot, nilalamig na ako." - Kapeng Medyo Mainit (May pinagdaraanan: Evaporation)

"Patayin mo na ako habang wala pang nakakakita, tutal, yun at yun lang din naman ang gagawin mo eh!" - Puyat na Fluorescent Lamp

"Relax lang, sandal ka lang." - Pasensyosong Silya

"Alam ko pagod ka na, tara na." - Kamang Wala sa Lugar

"Hinding-hindi kita iiwan." - Mapagmahal na Eyebag

"Kailangan naming mag-grow! Walang makakapigil s amin!" - Unstoppable Pimples

"Tama na yan!" - **Zombie ko
Naiinis ako kaka-antay sa final rendering ko. Hindi pa nakikisama yung SketchUp. Hay, buhay.. T.T
06092021

Ang damdamin ng poot at lambing
Ay mga mekanismong humahalo sa saya
Ng pusong gustong kumawala
Sa diktador na sumara ng lagusan patungo sa liwanag.

Hindi maipinta ang mga sandaling naging hayag
Sa kung papaanong paraan ba hinabi ang sarili
Sa banig ng karamdamang tumupok sa pangarap --
Sa pangarap na masilayan ang araw
At madampian ng liwanag ang buo nyang pagkatao.

Sa mga nanlilisik na matang mapanghusga,
Tila ba ang pagkutya ay naging agahan sa malamig na umaga,
At ang kapeng mainit ay binuhusan ng malamig na tubig
Sa gabing walang pasabi kung lumisan na ba ang araw
O nanatili itong nakatirik sa tanghaling tapat ngunit mapag-usig.

Ang bawat pagtulog nang patagilid
At paulit-ulit na pagbangon ay sadyang nakakasawa.
Samantalang sa kanyang pagpihit sa debateryang may impormasyon,
Ay naghalo ang sining ng iba't ibang kwentong
Sana nga'y kanyang hayag na natatamasa.

Ang mga butil buhat sa sisidlan ng kanyang liwanag
Ay tila ba wala nang lalagyan pang sasalo
Sa mga binasag na oras ng mapanghinang delubyo.
Tila ba nagbibilang na lamang sya
Ng mga yapak na walang mukha,
At mga katok na nanatiling multo sa apat na sulok ng kanyang paghinga.

Maging ang bawat larawan ay nagsilbing alaala na lamang
Na hindi na mauulit pa kung bumukas man ang liwanag
At mag-alok ito ng pagsakay
Sa hamong hindi nya na maaabutan pa.

Tila ba nahuli na ang pintig ng bawat kalabit sa kanyang damdamin,
Tila ba ang nakikinig ay nawalan na rin ng boses sa paligid.
At ang kahon na kanyang tirahan
Ay pansamantalang naging palamuting
Binudburan ng mga nagsasayawang bulaklak
At naglalagasang mga dahong walang nagwawalis.
Jun Lit Mar 2021
Binabaran ng mainit
na kapeng barako
ang naiwang tutóng
sa lumang kaldero,
walang panamà
ang kaning binudburan
ng niyadyad na tabliya
sa panlasa ng até at bunso
magkasamang nagmimiryenda
- matamis na bukayo
matamis na ala-ala . . .

Tanyag ang tamis ng sintunis
singkom man o lado
limot na ang hagupit
ng mga Hapones na malulupit
ng kahapong ayaw umidlip.
Nag-aanyaya ng pag-akyat
ang puno ng bitungol, halikayo
manibalang pa ang iba
ngunit tamang-hinog na pangkulunggo
sa mga isipang nahihilo’t nalilito.

Maghapon lamang ang kabataan -
mabilis, mabilis na dumaan
Orasyon na ngayon, wika ng impô
Huwag magpapaabot ng sireno
Pag di’y sip-on ang aanihin n'yo!

Opo, opo,
Dala-dalang buslô
Taglay ang naiwang litrato
sa sulok ng isipan, ng balintata-o.
Sa lahing hindi sumuko,
magkakasama tayo.
Brewed Coffee Poem 13 - 13th in my series "Kapeng Barako" (Brewed Coffee) - focusing mainly on my memories of my childhood in old Lipa City (Philippines); this one has been, in part, inspired by my reminiscence of one of my elder sisters, Ate Malen, as well as other members of our clan.
Sam Po Sep 2014
Ondo! Hain naman tong atong kasabutan
nga kita maghigugma-ay pooreber?
Ni bugnaw nalang ning kape
og ni gahi nalang ang pan,
sa sigeg huwat nimu  nga ma-abot ka
sa akung atubangan.
Ako gikapoy na og susama sa  kapeng bugnaw
nga nahanaw ang katam-is
og napuno sa kapa-it akung dughan.
BISDAK!!

#Ondo #kape #Bugnaw #pait
Jun Lit Nov 2019
Noong musmos pa’y sabaw
sa isang malukong na pinggan
puno ng kaning may kaunting tutong
pagkaliban ko ng bakod, ika’y nakasalubong
kalooban ko’y kimi, dila ko noo’y urong

wala sa aking hinuhà,
walang sinangguning manghuhulà
sino ba’ng mag-aakalà
marmol **** bantayog
gatô palang kahoy ang loob
nang katotohana’y nabantog
sa kaunting yanig, gumuho ang moog

huwag daw sasamba sa mga d’yos-d’yosan
ngunit tila larawan ka ng may-kabanalan
haliging inasam na masasandalan
sa ilaw ko pala’y naging tampalasan

imaheng nadurog ay dagok sa aking likod,
at tila balisong na sa puso’y kumadyot
kulang ba ang hikbi ng pusang malambot?
labis bang nagmahal ang asong malikot?

Mahabang panahon ginugol, dumaan
Ang kapeng mainit lumamig,
Napanis na’t nakalimutan

Sa paglalakad, dinampot, hinimay
ang duming iniwan ng mga alamid
matiyagang pinagyaman
Isinangag ng paulit-ulit sa nagmumuning isipan
Giniling sa puso tumanaw sa pinagmulan
Tinimplahan ng matam-is na kapatawaran
Paglagok ng mainit, aking naramdaman
Tiwasay ang dibdib, may kapayapaan.
My ninth in my Brewed Coffee Poems series - poems much influenced by my memories of my old home and childhood in Lipa, Batangas.
Jun Lit Nov 2018
Sa sulok ng isipang dinadaluyong
ng mga sanlibong sala-salabat na tanong
may paanyaya kang pagdamay ang layon
mula unang lagok, mainit ang pagsalubong.

Maraming katanungang pumapatak sa diwa
Tila ulang tikatik, ulang walang sawa
Hindi lang ‘ano?’, ‘sino?’, o ‘saan?’ ang humiwa
Puso’y sinugatan ng ‘paano?’, ‘bakit’ at ‘kailan kaya?’

Sa bawat pagsikat ng araw sa Malarayat sa Silangan
Lulubog din ito tan’aw ang Maculot sa kinahapunan
Tagumpay at sigla noong kapanahunan
Mga bituing nawawala, pagsapit ng sangang-daan

Kaya’t hindi dapat malasing, malango
Sa naabot na rurok o kayamanang lumago
Pagka’t batas ng Kalikasan ang siyang nagtuturo
Na lahat ng ito sa malaon o madali’y maglalaho

Pag-ibig na busilak, mananatiling buo.
My eighth in my Brewed Coffee Poems series; poems much influenced by my memories of my old home and childhood in Lipa, Batangas.
Jun Lit Aug 2017
makinis kung pagmasdan
ang kayumangging kaligatan
kung damhin ko’y kainitan
ang yakap **** laging asam
ang ngiti mo’y katamisan
nang-aakit ang kabanguhan
kahit puro o may gatas man
panghagod sa lalamunan.
Translated as Brewed Coffee II
ACMP Oct 2015
Mainit-init na umusok-usok
Asukal, gatas, at kape aking hinahalo
Inihip ng onti at marahang hinigop  
Ng aking matikman ang lasa ay malabo
Kumuha ng asukal at inihalo
Nanaig ang tamis ngunit panlasa'y di kuntento
Kumuha ng gatas at inihalo
Nasamid naman sa tabang at dila'y napaso


Binaba ko ang tasa at mga mata'y natulala
Ramdam ang yamot sa aking tinimpla
Ako'y nagulat sa kapeng pinagmamasdan
Repleksyon ng iyong mukha biglang lumitaw
Ako'y napatingala, nariyan ka pala
Sabay hawak sa tasa at humigop ng bahagya
Bitbit ang ngiti sa muli kong pagtingala
Salamat dumating ka, tinama mo ang timpla.
JOJO C PINCA Nov 2017
kanina habang
hinihigop ko
ang kapeng mainit
at hinihithit
ang mapait
na sigarilyo
habang nakaupo
sa may beranda
ng aming opisina
napanood ko
kung paano
sumayaw
ang mga kawayan
sa saliw ng malamig
na hangan
humahapay ito at
humahalik sa beranda at
nangingiliti ang luntiang
mga dahon
dito humahapon
ang mga ibon
at dito rin gumagapang
ang dagang sugapa
sa basura at tira-tirang ulam
habang nag-aabang
ang itim na pusa
na saksakan ng tahimik
sa sayaw ng kawayan
sa awit ng hangin
sa huni ng mga ibon
sa labis na pagkadiri
sa dagang nuknukan ng dugyot
at sa tulong ng kape at sigarilyo
pinalilipas ko ang
nakakainis na pagkabagot.
Ang matinis na tinig ng isang libong nagkakalampagang bakal na maninipis ang tumili mula sa gilid ng 'yong ulunan,
Umaga na naman.
Mauuna ang pagbangon mo mula sa kama kaisa sa pagmulat ng iyong mga mata't pag-gising ng iyong diwang pagal sa 'di maalalang panaginip.
Ang hangin ay umihip--
Mula sa bintanang kumakaway gamit ang mga kurtinang bughaw sa paglisan ng gabi sa pagkamusta ng masalimuot na umaga.

Pumipihit na naman ang oras.

Pinanonood mo ang pagputok ng bawat bulang nabubuo mula sa pag-ugong ng kaldero buhat ng initsigan,
Bagay na 'yong kinaiinggitan.
Ang natatanging paraan para mapainit mo iyong umaga ay ang paglaklak ng kapeng 'sing pait ng pagiisa.
Tapos maliligo ka,
Pipihitin mo ang gripo para bumungad sa'yo ang nagyeyelong tubig na kumikitil sa 'yong kakayanan makaramdam.

Sana kumukulo rin yung tubig.

Pinanonood mo ang pagdating at paglaho ng mga pangitain ng isang 'di makatarungang siyudad ng maralita't dukha.
Paano pa nila nagagawang ngumiti?
Ika'y naririndi sa malalim na pag-ungol ng mga sasakyang minamaneho ng mga diwang humihiyaw sa pagkakakulong,
Sa pagkaubos ng oras.
Sinusulit mo ang ilang saglit na ang tanging suliraning iyong sinusumpa ay ang pagkahuli sa klase't mga responsibilidad.

Pagkakataon na naman ng buwan.

Huminga ka ng malalim bago mo nilapat ang 'yong palad na 'sing gaspang ng gasgas na pinto ng iyong bahay,
At dahan-dahan mo itong tinulak.
Nilanghap mo ang kulob na amoy ng hanging 'di magimbala sa segundong umapak ka sa loob ng yung 'di maturing na tahanan,
Isinara mo ang pintuan.
Kasabay nito ang pagsara mo ng iyong sarili sa buong mundong tanging inaalala lamang ang kanilang mga sarili.

Bumuhos ang iyong mga luha.

Ang iyong katawan ay nanginginig, ang isip ay nangingimbal at ika'y nangingimi sa kawalan ng katotohanan--
Ng 'yong pagkatao.
Maririnig **** umuugong ang iyong bulsa't napagtantong may nangangailangang marinig ang iyong boses,
Tumatawag si Mikoy.
Sa pag-sambit niya ng iyong pangalan ay napawi ang bumubagyong luha't naglaho ang unos ng 'di maintindihang lungkot.

Sa pagkakataong iyon, saka mo lang sinabing nakauwi ka na.
Check out more of my works on: brixartanart.tumblr.com
Jun Lit Mar 2021
Naampat na ang dugô,
patay na ang mga bayanì
Pipi’t ampaw nakatayo
ang katahimikang naghahari
Tulog ang diyos, Impô,
mga aswang nakangiti
Matatapos na ang “Aba po!”
lasing pa rin ang kudyapi

Kahit matapang ang kape
Di mahulasan ang kapre.

Ginayumang mamamayan
Tila bulag, tanga’t mangmang

Kapag may nagugulantang
Lalayas na rin, ‘kita’y iniiwan.

Ito
ang alamat
ng taumbayang niloloko
at patuloy na nagpapaloko;
ng bayang pinagsamantalahan,
ng bayang pinabayaan.
14th poem in my series "Kapeng Barako" - Kapeng Barako is brewed coffee in Lipa, Batangas, Philippines, often of the 'liberica" variety and roasted traditionally in large metal vats.
Katryna Mar 2018
Hindi mo alam kung gaano ko nakipag laban sa mga kaaway.
Hindi mo alam kung gaano ko nakiramdam sa mga patay.
Hindi mo alam kung gaano ako nakinig sa pipi at bingi.
Hindi mo alam kung gaano ko isintabi ang sarili
sa gitna ng mga kuro kuro,
pag aalala
at pagkalungkot ko bawat gabi.

Hindi mo alam kung gaano kalamig ang init ng tag araw sa tuwing gigising akong wala ka man lang sa aking tabi.

Para kang buhay sa bingit ng katamayan.
Para himig sa kawalan.
Kawalan ng paramdam at kawalan ng malay.

Kasing lamig mo na ang kapeng tinimpla sa mainit na tubig
Kasing lamig mo na ang kanin bahaw sa tabi.

Anong nangyari?
Bakit tila isang bagyo ang nagpawala ng tayo at tanging bakas na iniwan satin ay ito.

Bakanteng lote puwang sa puso
na ni isang ugat ng pag mamahal ay parang ayaw nang tumubo.
When love and hate collide
Jun Lit Dec 2021
Tila namanhid na ang babahaang landas
walang patid ang agos ng luha, habang walang habas
ang malupit na lilik-panggamas -
patuloy ang tila nag-aamok na pagwasiwas.

Kahit mura pa ang uhay
ng nagbubuntis na palay
Namúti na ang katiwala ng mga bunso't panganay:
Walang sinanto ang pakay
ng aninong sumalakay.
Sinimot pati ipa. Ang imbakang burnay
tuyung-tuyô, tila balóng patáy.

Ubos na ang mga ninuno sa Purok
Ang mga inanak at inapo, tila mga but-o ng kapok
nangalat na sa malalayong pook
Hindi na tumalab ang mga erihiyang tampok
Ang lamping ibinalot, balót na ng usok.
Ang binalot na kapirasong pusod, bakas na lamang ng balok.

Karipas na ang binatilyong habol ang mutyang pailaya.
May baon pang pagkain, pagsasaluhan pag nagkita
Ngunit mabilis na napawi ang tanawing kasiya-siya
Ang natapong lomi, natabunan na ng aspalto’t palitada
kasama ng mga bakas nina Utoy at mga kabarkada
sa ilang dekadang araw-araw na pagbagtas, nakasipit at gura
mula sa Baryo Balintawak hanggang Lumang Baraka.
Di na makilala. Wangis ay mistisong pilipit. Ay! Ay! Lipa!
This is the 17th poem in my series "Kapeng Barako" - Kapeng Barako is brewed coffee in Lipa, Batangas, Philippines, often of the 'liberica" variety and roasted traditionally in large metal vats. The series includes poems that focus mostly  on my memories of Lipa, the place of my birth, childhood and teenage years. Change is indeed inevitable. However, forgetting the past and/or revising history, will eventually prove quite costly for a country or people, culturally and in many other ways.
Jun Lit Aug 2020
Ilang dekada na ba ang lumipas
mula nang huling namúti
ng mga labong sa kawayanan
sa dulo ng kapirasong lupang
minana sa kanunuan ng angkan?

May bakas pa sa daanan ang dug-out
na tinabunan na ng mga naputol
na sanga at mga winalis na dahon,
naputol na sanga at bubot na bunga
ng mga chico, caimito at mangga,
na palaging inaakyat ng mga kuya
at nang-iinggit pa kunwari tuwina
at pagkababa’y mamimigay rin pala -
dug-out na tagapagligtas, taguan
noong panahong tila baga’y kani-kanina
lamang, sa mga mababangis na kempeitai,
sa malupit na pandaigdigang giyera.

Halos nalipol ang angkang bansag ay bisero,
umangat sa buhay dulot ng mga alagang kabayo
pagkatapos ng Liberation naging kaminero
mga kabayo’y kinatay ng mga bakero
na sila ring nambayoneta ng maraming tao
pagsaksak patulák sa balong igiban ng baryo
pati mga musmos at mga inang nagpapasuso
kulóng sa kamalig, sinunog nang buhay, at naabó.

Tila nakalimutan na ang madilim na nakaraan
at walang napulot na aral sa kasaysayan
ngunit natakpan man ng ningning ng mga ilaw-neon
at malawak na highway ang dating batalan at tuklong
Ang lansa ng dugong namuo sa balon sa sinturisan,
palaging nagpapaala-ala ng damdaming kinukuyom.

At ngayon,
wala nang mananakop na Hapon.
pero may pumapasok na bagong panginoon -
Handa nang himurin ang puwit ng mga Tsinong maton.
Brewed Coffee - 11; 11th in a series of poems mostly focusing on my memories of Lipa, the place of my birth, childhood and teenage years.
Jun Lit Nov 2020
Bumalikwas ang madaling araw
Mapula ang sinag ng malamlam na ilaw
Mula sa pagkagupiling ng iniwang gabi
Isang paos na tilaok pinilit magsabi
Tila inutil na tuod ang unan at papag
Walang tugon ni tikhim man lang
para sa likod at ulong lumapat

Mapagkunwari ang kulambo
Lamok pala’y kalaguyo
Akala ng balana’y karamay
Sa magdamag na paglalamay
Batang ipinaglihi sa Sto Niño
Ibebenta pala sa demonyo

Naglaga ng kape ang among kapre
Butil daw ay hinirang ng musang na tumae
Galapong pala’y napanis na sapal
Nilagyan ng dagta ng nilinlang na bangkal
Bang-aw na ang panatikong tagasunod
Lublob na sa pusali, puwit pa rin ang hinihimod:

          Sayang ang kita, mamaya’y bayaran na!
          Copy-paste-post - sige pa!
          Ang perang kikitain ay mas mahalaga
          May paburger pa sina konsi at mayora
          O e 'no kung nasa poso ***** tanang kaluluwa?

Bayaning tangan ay tabak, tila nakanganga
Kinain na ng anay ang papel at pluma.
Brewed Coffee - 12; 12th in a series of poems mostly focusing on my memories of Lipa, the place of my birth, childhood and teenage years.

— The End —