Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Carl Oct 2018
Ang buhay ng  tao'y kay daming hugot
Mga problemang sayo'y pumapalupot.
Ang sarap ibaon at wag nang ihugot.
Mga ala-alang saakin na lang ay isang bangungot.

Sobrang saya na sana natin
Naka guhit na ang mga pangarap na sana'y tutuparin
Nasusuka na ako sa salitang sana, gusto sana kitang yakapin
Pero kailanman hindi mo ginustong mapasaakin.

Sayang lang yung mga perang hinugot ko sa bulsa
Oo nga pala, ang lahat nang ito'y nakakabit na sa salitang sana.
Pero hayaan mo na, nabusog ka naman yata.
Kahit 'wag na ako, ganon naman talaga 'diba?

Patapos na yung aking kadramahan.
Iyon naman ang bukambibig mo 'pag gusto ko sanang maramdaman
Mapait na pagmamahal sana sa iba mo na lang inilaan
Tatakpan ko na yung butas sa puso, para hindi mo na mahawaan

Masiyado ka na kasing maraming hinugot saakin

Na akala ko ikaw ang makikinabang.
Isang gabi, sa paghiga
Tumabi kay inang nahihimbing
Di niya batid ang luhang
Sa mga mata ko'y naglalambitin

Di ko alam kung paano
Maitatago ang sakit
Di ko alam kung ano
Ngunit parang sa puso'y gumuguhit

Kinupkop ang sarili sa aking pagtabi
Labi'y halukipkip tinakpab ang bibig
Pilit pinatatahan ang aking sarili
Ngunit luhay umaagos na para ngang tubig

Ang hikbi kong ako lang ang nakakarinig
Ang wasak kong puso, ikaw ang may hatid
Ang huwad na pag-ibig sa akin inilaan
Sino pa ang susunod mo na sasaktan?

Maawa ka, sinta, maawa ka sa kanya
Huwag mo siyang wasakin na katulad ko
Maawa ka, mahal ko, wag mo na siyang saktan
Dahil ang puso niya'y madudurog mo lang

Ina, patawad, hindi ko masabi
Ang pait at hapdi nitong puso kong sawi
Dahil sa estrangherong nagpanggap na anghel
Matapos ko'y iba naman ang pusong kaniyang hinahati...
JOJO C PINCA Nov 2017
"hwag kang mag-alala mahal ka parin nun". ito ang sinabi mo sa akin noong nakaraang taon. hindi ko agad naintindihan palibhasa'y tuliro ang isip ko, problemado ako sa bagong trabaho na kinakaharap ko.
tapos bigla kong naalala, oo nga pala, anibersaryo nga pala ng kasal natin. Ngumite na lang ako para maikubli ang aking pagkapahiya.
hindi ako kailanman nag-alala dahil alam kong mahal mo ako noon pa man hanggang ngayon.
hindi ako kailanman nag-alala dahil alam kong lagi kang tapat sa akin.
hindi ako kailanman nag-alala pagkat batid ko na hindi mo ako iniwan, lagi kang nandyan sa tabi ko umulan ma't umaraw.
hindi ako kailanman nag-alala dahil alam kong matagal mo nang inilaan ang buhay mo't pag-ibig para sa akin.
hindi ako kailanman nag-alala sapagkat alam kong sasamahan mo ako hanggang sa ating pagtanda.
pero nalulungkot ako sa tuwing naaalala ko na maraming beses ka nang umiyak dahil sa akin.
naiinis ako pagkat hindi ko nagawang samahan ka ng mga panahon na kailangan mo ako.
nagagalit ako sa sarili ko dahil hindi ko natapatan ang katapatan mo noong kabataan natin.
namamanglaw ako sa tuwing nakikita ko na kapos ang mga pagsisikap ko.
nalulungkot ako pag naiisip ko na baka mauna ako at hindi kita masamahan sa ating pagtanda.
ang nakaraan ay hindi ko na maibabalik, may mga pagkakamaling hindi ko na maitutuwid. pero pwede pa naman tayo makatawid dahil may ngayon at bukas pang maghahatid.
malapit na naman ang ating anibersaryo. hwag kang mag-alala pagkat hindi ako mag-aalala.
alam ko na mahal mo parin ako kahit konti lang ang iyong napapala sa gagong asawa na tulad ko.
kung sapat lang sana ang sulat at tula, kung ang mga tugma at tayutay at mga saknong nito ay magagawa kong lantay na yaman malamang hayahay ang ating buhay.
hindi ako si Perpekto at lalong hindi ako si Mr. Right
si Jojo lang ako, ganito lang ako kaliit, pero salamat at minahal mo ako.
Erikyle Aguilar Mar 2018
Naging masaya tayo.
dahil sa'yo,
biyak na biyak na puso ko,
nawala ang
pagmamalasakit,
dahil sa'yong
lokohan, naniniwala pa rin ako na
maayos ang lahat, naniniwala akong walang
aalis sa mahigpit na yakap
wala akong halaga, hindi
hindi na ako maniniwalang
magiging totoo ang mga pangako natin sa isa't isa,
nasira tayo,
inakala natin na totoong
pagmamahal ang inilaan natin sa isa't isa,
buti nalang,
inisip kong mabuti na,
wala kang parte sa buhay ko,
nagkakamali ka kung iniisip ****
mahal kita.
a reverse poetry
Nyl Oct 2017
Tulala sapagkat walang ginagawa,
sa maghapong oras ay nagdaraan
Tulala sapagkat napapagal,
buong araw sa trabaho ay inilalaan
Tulala sapagkat sawi,
puso ay humahangos at puno ng pighati
Tulala sapagkat nabigla,
may gantimpala, sa mukha nakapinta ang ngiti

Ito nalang marahil ang tanging pahinga ng isip,
panahon na walang alintana
Masasabi mo nalang ang “bahala na” na nagmula pala sa pariralang “Kay Bathala na”
Ang pagtingin sa kawalan ay para ring
mahimbing na tulog sa gabi-
Gabing mga suliranin na ninanais mo nalang kitilin
at itago ang labi
At kahalintulad din nito ang bagong umaga na ang hudyat ay ang sikat ng araw-
Araw **** pagpapaalala sa iyong sarili na matapos ang unos, bahaghari ay lilitaw

Libu-libong berso at pangungusap na ang nagawa
para gunitain ang pag-ibig
Ngunit bakit bihira ang para sa isip na hindi ito naiisip,
isip na puno ng ibang ligalig
Ang literatura ba sa kanila ay sadyang mailap? Hindi inilaan sa kundiman
Kung hindi man, ay para saan?

Iwaglit na ang mga sapantaha,
sapagkat ang tulang ito ay nagawa na
Tula para sa mga tulala, tula para sa akin, sa iyo, at sa kanila
At hayaan **** ang isip ng isang tulala ay maglayag
Bagamat tahimik, tiyak na marami itong ipahahayag
010717

(Para sa mga may gustong simulan at gustong tapusin. Para sa mga may kahapon at naniniwalang sisirit ang bukas. Para sa mga may pangamba pagkat pakiramdam mo'y kapos ang oras at tila ika'y may gapos ng kagabi o noong isang araw, noong isang taon. Para sayo, nang mahimbing ka sa gabing may pagsuko. Pipikit ka rin, hihimbing ka rin. Didilat ka, may bukas pa.)

Narinig na ng bawat sulok ng kuwarto mo ang mga ibinubulong Ko sa iyo tuwing natutulog ka, habang yakap-yakap Kita, at nakabaon sa dibdib Ko ang mukha **** nasa malalim na pagkakahimbing.

Narinig na ng mga unan mo ang mga Salitang binitiwan Ko noong inamin kong hinding-hindi Kita bibitiwan habang sinusuyod mo ang gabi nang mag-isa, na tila ba ito na ang huling gabing ikaw na lamang ang bida sa istorya.

Narinig nila ang mga bulong Kong narito Ako at Ako pa rin ang kilala Mo noong unang beses Akong humimlay sayong mga bisig para punasan at saluhin ang mga butil ng mala-perlas **** mga luha, kumikinang at mahalaga   pagkat tangan nito ang taimtim **** mga panalangin -- mga panalanging hindi mo binitiwan at lubos **** pinagsindi ng kandila sa bawat gabi't alay ang tinig **** balisa't uhaw sa kasagutan.

Maigting ding nagmamasid ang iyong orasan noong ipinangako Ko sayong inilaan Ko na ang bawat patak ng segundo sa pag-aalaga sa iyo, na hinding-hindi Akong magsasawang pag-ingatan ka, tumigil man sa pagpihit ang lahat ng orasan sa mundong ibabaw -- kitilin man ang bawat bateryang nagbibigay-buhay sa bawat saglit, sa bawat pintig ng oras na hindi mabilang.

Higit sa lahat, narinig Ako ng mga pader ng kuwarto mo, noong unang gabing ginawa Kong umaga para masilayan mo ang lahat, noong una Kong sinabing mahal kita at kahapon, ngayon o bukas at magpakailanman -- ang mga parehong gabing paulit-ulit Kong sasabihin sayong higit ka sa kalawakan, na hindi Ako natutulog at ikaw at ikaw ang tanging tanawing tatanawin.

At habang parating na muli ang umaga at gigising na ang lahat, ay sana manahimik ang kuwarto mo. Ngunit sa katahimikan nito'y sana'y mabuksan ang lihim ng mga narinig niyang mga sinabi Ko.

Narinig na ng bawat sulok ng kuwarto mo ang mga Salitang laan lamang sayo at sa mga gabing ito at sa susunod pa'y haharanahin Kita ng parehas na himig at susuyuin ng parehas na timpla ng pag-ibig. At hindi Ako magbabago, mahimbing ka man ngayo'y asahan **** ang bukas mo'y kasama pa rin Ako.

Matulog ka na, Anak.

#010717 #SpokenWordsNiTatay
Ileana Bendo Dec 2016
“Hindi kita iiwan, pangako yan”
Ito ang mga huling salitang binitawan
Binabalik-balikan ng aking isipan
Hindi na alam kung alin ang imahinasyon sa totoo
Pero ito pala ang totoo
Nagmahal ako ng todo at nadurog ako
Nadurog na tila isang salaming
Tinitignan mo lang para ipaalala sa sarili **** gwapo ka
Matapos nito ay babalewalain

Maniwala ka sa’kin nagsimula kami sa magandang istorya
Isa akong prinsesang noon ay napaniwala ng tadhana
Nahulog sa matatamis niyang ngiti
Nahulog sa malalambing niyang mensahe
Nahulog sa kaniyang malamig na tinig
Nahulog ng walang sumasalo
Nadurog sa pagbitaw mo

At dahil na-ikwento ko na rin naman ang mga ito
Lubos kong ikasasaya kung mauunawaan mo ako
Sana maintindihan **** mahirap ang makalimot
Sana maintindihan **** sariwa pa ang sugat
Sana maintindihan **** hindi mabilis ang paghilom
Lalo na kung sa puso ang tama nito
Sana maintindihan **** ayoko nang mahulog
Dahil basag na basag na ako
Sana maintindihan **** hindi ko pa kayang
Muling magmahal

Sa takot na muling masaktan
Sa takot na hindi masklian ang labis kong pagmamahal
Sa takot na muling ipagpali sa iba
Sa takot na maiwan mag-isa
Naiintindihan ko namang handa kang maghintay
Na sa akin ka nakabatay
Pero tigilan na natin ‘to
Tigilan na natin ang kalokohang ito
Dahil hindi ko na kayang magpanggap
Na kaya ko na
hindi ko na kayang magpanggap
Na wala akong nararamdaman
Dahil hanggang ngayon nasasaktan pa din ako
Ang sakit sakit pa din
Kaya tigil-tigilan mo na ang pag-asang yan
Dahil minsan na akong nilamon ng sistemang yan
Minsan na din akong tumambay
Sa lugar na tinatawag nilang ere
Ngayon pa lang sasabihin ko nang
Wala kang pag-asa

Siguro dahil hindi pa talaga ito ang panahon
At hindi ikaw ang inilaan ng panginoon
Siguro kailangan mo munang ayusin ang sarili mo
Dahil kahi anong pili mo
Hindi nauutusan itong puso ko
for those who tried to flirt but--
Sho Victoria Apr 2018
Di ako umiiyak sa away o sigawan.
Umiiyak ako sa labis na katahimikan.
Sa mga panahong kailangan ko ng kasama
Sa mga panahong pati sarili'y ayaw ko na.

Mga kumukuliglig na huni at bulong.
Mga inipit na hikbi at paghingi ng tulong.
Lahat ‘yan ay naninirahan sa isipan.
Lahat ‘yan ay mahirap takbuhan, mahirap takasan.

Bumibilis na tibok ng puso,
Malalamig na pawis na sa leeg ay namumuo
Mga hiningang hinahabol ang takbo,
Magang mga matang nagmamakaawang ang luha'y huminto.

At unti-unti
Hihimasin ang isip
Mula labas palalim sa loob
Unti-unti
Pipigain ang puso
Makirot sa una ngunit nakakamanhid rin pala kapag nasanay na.

Hahalungkatin ang nakaraan,
Nang dumilim ang kasalukuyan.
Babasagin ang kasalukuyan,
Nang mabaling ang tingin sa iba maliban sa harapan.

"Huwag kang mag-isip."
Ang abiso nila.
Ngunit diba nila naisip
Na tila ka na ring sinabihan na:

"Huwag kang huminga kung ayaw mo na."

"Huwag kang tumingin kung nahihirapan ka."

"Huwag kang makaramdam kung nasasaktan ka."

Huwag ka nalang mabuhay kung di mo na kaya."

Oo, ayaw ko na.
Lahat kinatatamaran pati paghinga.
Bawat gabing inilaan sa iyak.
Tila ang isip, pinipilit na mabiyak.

Oo, nahihirapan na.
Di maiwasang tumingin sa mga mata
Ng iba't ibang taong may iba't ibang kwento.
Ng iba't ibang ngiti sa kabila ng malungkot na  mga anino.

Oo, nasasaktan na.
Mula sakit, gusto ko nang kumawala
Mula sa kadenang mas malambot pa sa bakal
Ngunit kung hawakan ka tila ka sinasakal.

Oo, di ko na kaya.
Sana nga tumigil na.
Na bawat umaga nagdarasal akong gabi na
At sa bawat gabi, nananalangin akong matapos na.

Ang sinimulang buhay na inilaan sa iyak.
Inilaan sa pag-iisip na sa bawat takbo tila ka winawasak.
Bukas sa lahat ng bagay mabuti man o masama.
Bukas rin sa posibilidad na ipagpatuloy pa o tapusin na.

Ito.

Ganito.

Ganito kahirap, ganito kasakit.

Ganito kasimple ang isang atake.
Paano kaya?

Mahal ko ang pilipinas. Sobra.
Mahal ko ang bansang aking kinalakhan.
Mahal ko ang aking pinanggalingan. Kung saan ako nag aral, san tumira, saan nagsisimba. Kung saan naliligo, umiihi, tumatae, Mahal ko!

Pero paano ko kaya matatanggap ang nangyayari sa aking bansa?
Paano ko kaya tatanggapin ang mga basura sa daan.
Ang mga binebentang damit na sinuot muna nila.
Ang mga piniritong fish ball na kahapon pa ang mantika.

Paano kaya?

Sa jeep, na para na kayong sardinas na pinagkasya sa isang lata.
Sa lrt, natumaas man ang bayad. Dama mo parin ang mga pagong na kumikilos at mga amoy na gugustuhin mo na lang amuyin.
Sa paaralan, titiisin ang sira sirang mga silid aralan para sa pangarap na mahirap abutin.

Paano kaya?
Sa pilipiling lugar, na kapag nakakita ng umiilaw na iphone ay parang hokage na mabilis na mang aagaw.
Sa ilalim ng tulay, kapag napadaan kay makikita ang pamilyang walang makain na nakahiga sa kamang matigas at ngunit hindi mabigat dalhin kung saan saan.

Paano kaya?
Ang mga kalsadang pinipilit tapusin kahit mas una pang tinapos ang perang inilaan ng sang katauhan.

Paano kaya?
Ang mga taong halos mamatay sa pagod na tila butas ang bulsa at hindi malagyan ng laman.

Paano kaya?
Sinubukan kong alamin kung saan ito nagsimula. Kung sino ang gumawa? Kung kailan? Kung paano? Kung bakit nandito?
Hanggang napatunayan ko, na kahit ganito ang tinuturi kong bansa.
Alam kong katangi tangi parin ito.

Hindi man kami tulad ng iniisip nyong bansa.
Ang bansang ito ang pinaka mapagmahal ra lahat.

Kayang makipag kaibigan sa kahit sinong tao. Kayang umintindi ng kapwa. marunong makisama. Mapagbigay.

Higit sa lahat sa kabila ng mga nangyayari sa amin, kahit wala nang kakainin, kahit nag aaway na kayo, kahit madami ng problema at  kahit may taning na ang buhay.

MASAYA pa rin. Ang mga ngiti, galak, at tuwang ito ang hindi nila matutumbasan ng iba.
RLF RN Nov 2015
Tulad ng kahit sino,
siya'y isa ring hamak
na nilalang na naghahanap
ng pag-ibig, at iibigin.
Hanggang isang araw,
ika'y kaniyang nakita
mula sa malayo.
Matangkad ka, kung kaya't
agad niyang napansin ang iyong tikas.
Kasing tikas mo ang damdamin,
sa kanya'y umusbong
alinsabay sa iyong pagdating.

Sa tuwing ika'y kaniyang nakikita,
siya'y lihim na napapangiti.
Ang liwanag na minsan ng nakubli
sa kanyang araw-araw,
ay iyong ibinalik.
Binigyang sibol mo ang pananahimik
ng kaniyang puso na minsa'y
napabayaan at nasaktan.

Kaya't salamat sayo,
bagama't hindi pa siguro
napapanahon.
Upang iyong malaman,
itong espesyal na pagtangi
na sa iyo'y kanyang inilaan.
Marahil, sapat na muna
na ika'y kanyang masilayan
kahit man lamang,
sa malayuan.
dalampasigan08 Jun 2015
Sabihin mo sa akin - saan ako nagkulang?
Sa bawat oras ba na sa'yo lang inilaan?
Sa bawat ngiti bang ikaw lang ang dahilan?
O sa bawat sandaling hindi ka nahagkan?

Sabihin mo sa akin ang aking kasalanan.
Mali ba ang mangarap na tayong dal'wa lamang?
Mali ba ang umibig at ika'y ipaglaban?
Mali rin ba'ng lumuha nang ikaw ay lumisan?

Sabihin mo sa akin - bakit ako'y nasasaktan?
Bakit ang puso ko ay iyong sinugatan?
Sa bawat ala-ala ng ating nakaraan,
Bakit kabiguan yaring aking nakamtan?

Sabihin mo sa akin kung paano malimutan?
Kung sa bawat pikit ko'y naroon ang 'yong larawan?
At hanggang sa ngayo'y ito ang aking katanungan,
Bakit 'di ko masabi ang katagang "Paalam?"
01-17-11
9:53 AM
112915 #12:28PM

Naglisawan ang mga katauhang nakaputi
At siya’y mistulang diwata
Sa kanyang putong at pamato.

“May kuwit ang Langit *
Siyang puspos sa pangako –
Pangakong may habilin
Sa naudlot na pagtatapat.
At sa pagniningas ng simboryo’y
Ako ang ‘yong katipang sabik,
At may bantayog na pagsinta.”

Paimpit ang tibok ng puso
Habang sayad ang telang puti sa lupa,
Mistulang palamuti ang mga rosas
Sa pulang salawal ng papag.

“Naging maselan ang puso
Sa tagal ng paghihintay.
Bagkus ito’y maiksing ihip ng hangin,
Tanging hiram sa Tagapagbigay ng Buhay.
Hindi mahinuha
Ang bigkas ng bawat pintig,
Ako’y Kanya bagamat inilaan sayo.”

“Paumanhin, pagkat minsa’y naging duwag,
Duwag akong sa bangin ng pagsuyo
Pagkat baka ang huli’y maging pauna.
At hindi sapat ang pagsinta
Kung wala ang basbas ng Ama.”

“O tamang panahon, salamat sa Kanya!
Ito’y ipinagtirapa nang ilang ulit.
Kung ang pagtugon ay plantsado,
Ilang butil ang buhos ng Langit,
Sagot sa nakaluhod na pagnilay.
Siyang Barandila sa pusong tigang –
Sumuyo sa’ki’t bulong iyong ngalan.”

“Anumang dagok sa nakaraan,
Ang ngayo’y walang katumbas.
Minsan hinayaang magpatibuwal
Ang pangakong laan sayo.
Pagkat pag-ibig Sinta’y
Hindi pa hitik sa bunga.
Kaya kahit anong pagpalahaw ng damdamin,
Tinakpan ito’t di nais na magkayabag.”

“Dalpak man ang mga paa,
Damdamin ko nama’y tiyak.
Kanyang isinulat ang pag-iibigan natin,
Siyang patotoo sa tunay na nakapaghihintay.”*

Yayariin ang detalye’t estilo
Ang dunggot ng tuldok,
Doon lamang sa ikalawang pagbabalik.
Mula sa Langit na Siyang Tagapagkatha.
101915

Alam kong sayo ang sakay
Medyo nainip ako buhat sa pagkabigo
Nang minsang inabanga'y
Nakaligtaang arkelado pala.

Nag-abang ako,
Pumara ng iba
Pati ruta pala'y ibang ibayo ang salta.

Ibang kalsada,
Naglakad akong muli
Oo, mas napagod
May paltos at kalyo ang mga paa
Sana'y naghintay na lang ako sayo
Kahit walang kasiguraduhang
Magbabalik para paangkasin.

Bukas makalawa,
Sa panahong hindi mala-Cinderella,
Daraan kang muli
Hihinto kahit di parahin,
Aalukin akong sumakay
Pagkat naihatid mo na ang iba.

Ako marahil ang huling pasahero
Bagkus alam kong may bakanteng silya
Silyang inilaan at palaging pinapagpagan
Nang hindi maalikabuka't
Maihanda sa  oras na nakalaan.

Sasakay ako nang dahan-dahan,
Hindi gaya ng dating may pagmamadali,
Titingnan kong maigi ang hagdanan
Nang hindi ako matalisod
At may mahawakan.

Sasakay akong may panibagong pag-asa
Walang pag-aalinlangan sa pait ng nakaraan
Marahil hihintong muli ang sasakyan
Bagkus totoo nga't
Makabababa na sa tamang hantungan.
JOJO C PINCA Nov 2017
"Life is either a daring adventure or nothing at all"
- Helen Keller


May mga taong tinutugis na parang mga hayop, may mga hayop na nagpapanggap na tao. Mga halimaw na nagaanyong pangkaraniwan. Ang mundo ay isang malaking gubat na punong-puno ng mga ganid sa laman, uhaw sa kapangyarihan at mga alipin na lumuluhod sa kinang ng salapi. Ang lupa ay hindi inilaan para sa mga mababait na tao, ito ay para sa mga ulol, imbi at mga tarantado. Ang mga baliw, sadista at mga putang-ina ang itinakdang maghari. Sa bawat yugto ng kasaysayan ay laging may pag-aaklas, ito na ang panahon nang pag-aalsa. Buksan ang isipan at gisingin ang natutulog na damdamin. Wakasan ang pang-aapi at pabagsakin ang nang-aapi. Sabi nga ni **** Abay "magkakaroon ng rebolusyon". Ngayon ang panahon nang pagbabangon, simulan natin sa ating sarili. Tularan natin ang mga bayani nang ang bayang nakalubog ay maka-ahon. Simulan natin sa tula upang gisingin si Juan sa malalim n'yang pagkakahimbing.
Michelle Yao Dec 2017
Minsan aking naiisip at naaalala,
Mga panahong tayo'y magkasama,
Mga panahong tayo'y masaya at malaya.

Hanggang ngayon,
Aking iniisip at nagpapaka-miserable,
iniisip bakit ika'y aking isinantabi.

Pasensya ka na, aking mahal,
Ay mali, ikaw pala'y kaibigan na lamang.

Sana kaibigan, ika'y maging masaya,
Masaya sa piling niya,
Siya na naghatid sayo ng munting ligaya.

Kaibigan, ako'y masaya,
sapagkat, ika'y aking nakilala,
Ikaw na nagturo saking  umasa,
At mabuhay ng walang kaba

Salamat, kaibigan.
Ika'y aking pinasasalamatan,
sa pagmamahal **** sakin inilaan.
Taltoy Apr 2017
Bakit nga ba hindi?
Bakit nga ba hindi at hindi oo?
Bakit nga ba hindi ang naging sagot ko?
Bakit nga ba hindi kahit gusto ko?

Bakit nga ba hindi kahit nagbabakasakali?
Bakit nga ba hindi? pwede namang siguro?
Bakit nga ba hindi ang naging kasagutan?
Bakit nga ba hindi? di ko rin maintindihan.

Sa relasyon, maraming maaaring mangyari,
Pagkat ang nais ko'y iyong ikabubuti,
Kahit man masakit, yung ang pinili,
Piniling kasaguta'y maging hindi.

Pinairal ang utak bago damdamin,
Pinag-isipan ang gagawin,
Kahit na naging labag sa'king saloobin,
Pagkat sa kasalukuyan, ito'y aanhin?

Oo nga may kasiyahan,
Makasama ang hinahangaan,
Ngunit ano ang susunod?
Pagpatak ng luha? pagkapagod?

Ito'y ninanais, ngunit hindi pangangailangan,
Di biro, di pangkaraniwan,
Di sa lahat ng oras, tamis at saya ang dala,
Baka magkamali't ika'y masaktan pa.

Kahit na ikay mahal ko na,
Kahit na "tayo" ay ninanais na,
Kahit na ako'y may tyansa,
Pagkat di kailangan, wag muna.

Dahil ang lahat ng bagay ay may takdang panahon,
Takdang panahong inilaan ng Panginoon,
Dahil kung ikaw nga talaga at ako,
Hahayaan ko nalang na ang panahon at tadhana ang bumuo.
matagal nang naisulat ngayon lang isinawalat
M e l l o Jan 2020
oras ko na inilaan
kay daling nalimutan
panahon na isinugal
sa pagmamahal na
wala palang katiyakan
ngayo'y nanagnaghoy na
sana'y wag **** iwan

oras ko na inilaan
mga bagay na
kay dali kong binitawan
na walang pag alinlangan
para mapasaya ka lang
huli na nang malaman
pinaglaruan mo lang

para sana sayo to
pero ang dali **** tumalikod
naglakbay ka sa kabilang daan
at bigla na lang naglaho
na parang bula
hindi man lang nagbabala
sana nagpasabi ka
nang ako mismo naghatid sayo

hindi na sana ako
nagbigay ng labis
ngayon ako'y naghihinagpis
sa pag ibig na ipinilit
kong ihandog
sa taong hindi naman
ako ang kailangan

sana nagpasabi ka
nang mabawasan man lang
ang pagtitiis
sa panahon na halos
buong buhay ko
akalain **** kay dali kong
ibigay para sayo
kung sana man lang
umalis ka ng mas maaga
nang hindi pa gaano kalalim
ang nadarama
nang maagapan ko pa
ang sugat na ngayo'y
hanggang buto
tagos sa kaluluwa
ang pagdurusa

sana matapos na ang
araw gusto ko na
magpahinga
Jan. 4
Huwag mo sanang maisipang balikan ang nangyari sa nakaraan.

Wag mo na sanang lakarin muli ang daang iyo nang tinalikuran.

Delikado ito.
Bako-bako.
Mabato.

Muli lang mawawasak ang puso mo.

Huwag mo nang alalahanin pa
Ang kulay ng kanyang mata

Kung ano ang pakiramdam
ng mga halik na iyo paring inaasam

Kalimutan na ang mga kamay na iyong hinawakan ,
Ang tahanang iyong binalik balikan

Masakit isipin na ang mata niya'y iba na ang tinitignan
Habang ang puso mo'y nananatiling sugatan.

Ang taong dati'y kilalang kilala
Ngayon ay mukhang madadaanan nalang sa kalsada

Mahirap man makalimutan ang  pinagsamahan, ang pagmamahal na ipinaglaban

Pero ubos na ang oras na inilaan
kailangan na iiwan ito sa nakaraan.
zee Oct 2019
pilit at pilit na sinusupil
ang karasahan na kumikitil ng buhay
ng mga taong na wala namang kasalanan
ngunit tuloy pa ring pinagdidiinan
hindi dapat tayo masanay na ang trato sa bawat isa'y 'di pantay-pantay
lahat tayo ay may karapatan at dapat lang na ito ay ating ipaglaban
lalo na sa panahon ngayon na kung saan
ang hustisya'y para na lang sa iilan
imbis na paglingkuran ang samabayanan,
kinukurap ang mga pera sa kaban
ng mamayang dugo't pawis ang inilaan
nagmimistulang mga mang-mang sapagkat wala silang kaalam-alam
na ang kanilang panginoong pinaglilingkuran
ang siyang kumakamkam sa kanilang mga pinaghirapan
Inang Bayan, kailan kaya makakamtan ang kalayaang inaasam?

09.21.19
rmi Sep 2019
sa kasalakuyan,
nakatapak tayo sa isang malawak na lupain
at dinig ang mga martsang may ibubulong at aaminin.
sa ilang minutong inilaan,
ipapatunay

na kahit sino ay kayang mahalin.

                       isa, dalawa, tatlo, ang laban ay pasimula na. 'teka, 'wag muna...

balik! balik! tumalikod ka!
ano raw?    paulit-ulit na 'to, hindi pa raw handa.

balik! balik! tumalikod ka!

utos ni heneral                           sa unang mga kawal

na sumilip galing sa bagyong mga mata
na minana sa kalaban.

balik! balik! talikod na!
                                                             ­ - ayon kay heneral Luha
Lauren Librada May 2016
?
Hindi sapat ang mga regalo na matatanggap mo
O kaya ang pagkakaroon ng titulo,
Ano nga ba ang sukatan?
Paano mo malalaman?
Tunay ba talaga ang pag-ibig na inilaan?
Katryna Nov 2018
sa takipsilim ko na lang ibubulong ang mga dasal na sayo ay magpapayaon.

sa paghampas ng hangin ko nalang isasabay ang mga himig na sayo ko dapat inilaan.

sa pag sikat na lang ng araw ako aasa na balang araw,

puso natin ay magiging isa.

sa ngayon,
mahahati muna sila sa dalawa,
akin ang isa,
sayo ang isa.

at ang isip muna ang masusunod at magdidikta ng tama.
out of the blue lines.
05222021

Hindi ko mapigilan ang himig na humihele kasabay ng Iyong tinig.
Kumakatok ang Iyong presensya sa puso kong walang laman kundi ang pagkauhaw --
Nauuhaw buhat sa mundong mapagbalatkayo.
Sa mundong sapat na ang musika ng mga palamuting may hangganan.

Sa aking pagpikit ay umuusad ang Iyong mga pangungusap,
Bagamat walang tinig sa paligid
Ay namumuo pa rin ang habilin **** tangay ng hangin.
Maging mga kulisap ay walang naggawa't nanahimik na lamang.

Batid ko ang Iyong alok na ako'y tuluyang lumapit sa Iyong paanan,
Ang trono **** ni minsa'y hindi pa nasilayan
Bagkus hanap-hanap ng puso kong pagal sa paghihintay.
At kung ito ma'y panaginip, hayaan **** ako'y manatili.

Kinabig ko nang saglit ang parteng kaliwa ng aking dibdib,
Baka sakaling ang sarili'y natuluyan nang mahiwalay sa aking katawan.
At baka ako'y hinagip na rin kung saanmang lupalop --
Kung saan sa Iyong presensya'y mananatili akong akap.

Nais ko pa ring abutin ang pangarap **** inilaan
Ang sinasabi nilang imposible
Bagkus Sayo'y natagpuan ko ang katuturan.
Ang hiwaga na hindi maipaliwanag,
Ang hiwaga na tanging Sayo lamang nahanap.

Sa bawat pahinang hindi ko kayang tapusing maisulat
Ay nais kong habiin ang aking nararamdaman,
Itong pakiramdam na hindi ko masukat;
Pagkat Ikaw ang aking Pahinga, Sayo ang paghinga.
John AD May 2020
Matalas na mata , Tulog lang sumasara
Kadiliman sa kuweba, Nangangaso ng bampira
Walang talab sakit , Manhid ang resistensya
Paniking dinagit ng uwak , Inihanda sa noche buena

Inakit ka ng huni , Siniyasat ang gamot
Iturok sa sarili , Patayin ang salot
Balisa kaibuturan ng iyong isip
Umipekto ba ang eksperimento? Dinalaw ka ng idlip

Napuksa na ang sakit , Galak ang mamamayan
Nagluksa na ang uwak , Sakripisyo'y inilaan
Kampanteng mga hangal , Higanti ng sinaktan
Pagpatay ng mga uwak sa mga taong makasalan
Ang pisi ay patibong
Vincent Liberato Oct 2018
Ang gabi
Inilaan sa mga tahimik
Inilaan nang walang gumagambala,
Ngunit sa gabi ko, walang katahimikan
Sapagka't ikaw ay gumagambala
Sa mga sariwang alaala.
Joseph Floreta Jul 2022
Sa gabing ito, isinulat ko ito para sayo.
Ito ang una’t huling sulat ng pagibig ko para sayo.
Hanggang sa mag tagpo tayong muli.
Dahil sa mga oras na ito’y wala na ako sayong tabi.
Nasa dakong malayo man ako’y, naririnig ko ang ‘yong lambing,
Kung papano mo ako’y tawagin at muling marinig kahit sa pag himbing.
Naalala ko pa kung papano mo ako awitan,
Awit mo nang una kang iniluwal sa sinapupunan,
Yun na nga siguro ang pinaka magandang kantang narinig namin ng iyong ina,
Parang himig ng isang anghel sa tuwi-tuwina.
Ang iyong iyak ay parang mga perlas na isinaboy sa kalawakan,
At bawat kinang ng bituwin ay makikita sa aming mga luha.

Isang gabi, nakaramdam ka ng sobrang pagod.
At hindi mo alam na nandoon ako,
Habang naabutan kitang natutulog sa mesa,
At kaya kinarga kita sa Aking mga bisig, At umiyak ka ng umiyak.
Na parang may masamang panaginip.
Nasa bisig kita nang gabing iyon,
At doon, nakatanggap ka ng pahinga,
Habang nasa malalim na pagkaka-tulog,
At sa wakas, narinig ko mula sa iyo
Ang pinakamagandang salita, “Papa,” naluluha ka.
Hindi ko man ito narinig hanggang sa ikaw ay nagdalaga,
Ibulong mo lang at ako’y parang isang hangin,
Na dadapo’t hahawak sa iyong pisngi.

Narinig na ng mga unan mo ang mga salitang dapat “ako”,
Dapat ako yung pinagsabihan mo nung una kang bumagsak sa skwela,
Nung una kang nagmahal, at umiyak sa pagkakadapa.
Ngunit narinig rin naman ng bawat sulok ng kuwarto mo
Ang mga ibinubulong ko noon sa iyo tuwing natutulog ka nung sanggol kapa,
Habang yakap-yakap Kita, at nakabaon sa dibdib Ko
Ang mukha **** nasa malalim na pagkakahimbing.
Maigting ding nagmamasid ang iyong orasan noong ipinangako Ko sayong
Inilaan Ko na ang bawat patak ng segundo sa pag-aalaga sa iyo,
na hinding-hindi Akong magsasawang pag-ingatan ka,
Tumigil man sa pagpihit ang lahat ng orasan sa mundong ibabaw,
Kitilin man ang bawat bateryang nagbibigay-buhay sa bawat saglit,
Sa bawat pintig ng oras na hindi mabilang ngunit di ko narin maibabalik.

Higit sa lahat, narinig Ako ng mga pader ng kuwarto mo,
Noong unang gabing ginawa Kong umaga para masilayan ko ang lahat,
Noong una kong sinabing mahal kita at kahapon,
Ngayon o bukas at magpakailanman –
Ang mga parehong gabing paulit-ulit Kong sasabihin sayong higit ka sa kalawakan,
Na hindi Ako natutulog at ikaw at ikaw ang tanging tanawing tatanawin.
At habang parating na muli ang umaga at gigising na ang lahat,
Ay sana manahimik ang kuwarto mo.
Ngunit sa katahimikan nito'y sana'y mabuksan
Ang lihim ng mga narinig niyang mga sinabi Ko.
Narinig na ng bawat sulok ng kuwarto mo
Ang mga Salitang laan lamang sayo at sa mga gabing ito
at sa susunod pa'y haharanahin Kita ng parehas na himig
At susuyuin ng parehas na timpla ng pag-ibig.
At hindi Ako magbabago, mahimbing ka man ngayo'y
asahan **** ang bukas mo'y kasama pa rin Ako kahit nasa kabilang dako.

Matulog ka na, Anak.
Dedicated to Mariss Rio and her Papa
aL Jan 2019
Hanggang saan pangaabutan?
Ang mga salitang inilaan
Mga titik na pilit pinagtagpi-tagpi
Na tanging ako lang ang nakaiintindi

Sa kasing layo ng pinaglulubugan ng buwan
Aking aking hangad na marating ng aking kasulatan
Para sa aking nagiisang sinisinta
Na sa akin ay wala na atang paggunita
psyche Feb 2022
Wala nang hihigit pa
sa paglayang natamo
matapos ang mahabang gabi
ng unang paglayang ipinagluksa-

ang paglayang inilaan
sa pagbitaw
sa mga ala-alang ipininta
kalakip ng pangakong
bukas,


higit ka nang laya.
Yhinyhin Tan Aug 2022
Ah ngayon mas nauunawaan ko na kapag sinasabi nila na, "Sana umalis ka na lang ng dahan-dahan, hindi ang mabilis hindi rin iyong biglaan."

Dahan-dahan na para bang ipaparamdam mo muna sa kaniya na nanlalamig ka na.

Unti-unti na kulang na lang sabihin mo sa kaniya na wala ka ng gana.

Sa malumanay at hindi sa dahas **** papataying ang pag-ibig niya para sayo hanggang sa kaniyang mapagtanto, "Ayoko na, pagod na ako!"

Iyon na rin ang pagkakataon mo para lumayo at lumisan sa kaniyang kanlungan.

O 'di ba nagtagumpay ka sa pag-alis mo ng dahan-dahan.

Sa isip mo, hindi na siya gaano naman masasaktan.

Dahil unti-unti **** inubos ang pag-ibig niya na sa'yo'y inilaan.

Kaya naman sana mas maging  masaya ka na
dahil ngayon pinalaya ka na niya ng tuluyan.

Salita | Ate Yhin
08162022924am
Lagi **** tinatanong dati sa sarili mo,kung bakit hangang dito ka lang.Samantalang yung iba **** kaibigan,kamaganakan at kakilala andon na sila,
may kanya kanya ng Propisyon sa buhay.
Meron ng naging ****,Sundalo,at namamasukan sa magarang Kompanya.
Lagi **** kinukompara ang sarili mo sa iba.kaya laging pakiramdam mo lugmok ka at wala ng mararating pa.
At ako naman itong laging sayo ay nag papaalala,na ang kapalaran nila ay hindi katulad ng kapalaran na inilaan para lang sayo ng ng ating Ama.
Lagi kang nabubugnot at halos ayaw ng kumilos.Laging tinatanong ang sarili,kelan ba ako magiging TULAD nila?
At isang araw mukhang natauhan ka na,kusa ka ng kumilos at sa akin ay nag sabi.gusto mo na ulit gawin ang mga bagay na gusto mo sa buhay.
paunti-unti nakita kong masaya ka na ulit sa ginagawa mo.
Iniwasan mo na rin ang ikompara ang meron sila na wala ka.
Sipag at tyaga mo at diskarte ko at Awa Ni Ama.
Binigyan tayo ng mga bagay na inaasam nating dalawa.  Negosyo na pinagtulungan nating itayo pareho.
Pagod puyat,ulan at init  ay hindi ininda,makamit lang ang sa una palang  ay pinangarap na nating dalawa.
Ang simula ay masaya,nakakapagod at nakakaiyak,at ang mga sumunod na araw ay may mga suliranin tayong kinakaya.pero Salamat Kay Ama,at tayo'y ginagabayan Nya.
Paunti unti makakabawi din tayo.alam kong wala pa tayo sa dulo pero kahit papano nakakabangon na tayo.
Sipag,tyaga at tiwala lang sa Kanya lalago din ito.
Bawat linggo'y may ginaganap na pulong,
Ngunit ang isang ito'y natatanging pulong;
Gitnang Sanlinggo ang karaniwang tawag dito,
Ang bawat isa'y natututo mula rito.

May isang bahagi, kung tawagi'y Paaralang Teokratiko,
Na kung saan, sinasanay ang kakahayan sa pagtuturo;
Isang paaralang inilaan ni Jah para matutong magsalita,
Upang ang lahat ay maging epektibo sa pangangaral ng Mabuting Balita.

Dito itinuro ang mga paraan para tao'y mahalin,
Upang matulungan sila na kay Jehova'y mapalapit din.
Kahit sino ay puede sa paaralang ito,
Basta't kuwalapikado at handang matuto.

Teksto sa Linggong ito'y maingat na suriin,
At Espiritual na Hiyas ay dapat nating hanapin;
Ibahagi sa mga kapatid, ang ating nahukay;
Nang matulungan din sila na magbulay-bulay.

Midweek meeting dinisenyo para sanayin tayo,
Salamat kay Jehova dahil sa probisyong ito;
Lahat tayo ay samasamang sumamba;
Sa Gitnang Sanlinggong pulong  na Siyang nag-organisa.

— The End —