Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Pusang Tahimik Jan 2023
Sa pagtatapos ng isang kabanata
Malungkot na isasara ang huling pahina
Mag-iisip sa sandaling pagpapahinga
At magbubukas ng panibagong pahina

Hindi na mababago pa ang mga mali
Sa mga nagdaang pahinang naitahi
Ngunit sa bawat aral na sukli
Isusulat ang bagay na nagwagi

Minimithi'y maisulat ko nawa
Sa panibaong aklat na ginagawa
Sa aklat na mayroong pahina
Tatlong daan at animnapu't lima

Ngunit hindi ako ang nagtatakda ng aking daliri
May mga bagay na di alinsunod sa aking wari
Ngunit pakiusap hangga't maari
Ang iyong layunin nasa Langit ang maghari
-JGA
Kurtlopez Mar 2021
Sa bawat ligaya natatamo kaakibat nito ang kalungkutan
Sa bawat halakhak may nakakubling puot
Sa bawat liwanag ay may aninong sumisilip
Ang buhay ay di puro sarap kundi may hirap din
Sa dako paroon aking hinihintay ang pagsilay muli ng araw
Dahil ang bukas lagi may bagong pag asa
Wag magpakulong sa mga kasalukuyan ala ala
Patuloy na humayo at wag kalimutang lingunin ang bakas ng kahapon
jia Jun 2020
sa garagal na takbo ng buhay,
bakit nga ba kapag ikaw ang kasabay
bumibilis ang lahat
kahit hindi naman dapat?
kingjay May 2020
Malamig na ang hangin
Na dumadampi sa pisngi
Ang usok na umiimbulog
Sa langit
Ay lumalamlam na sa paningin

Ang tunog ng mga instrumentong pansaliw
Sa tula na ginawang awit
Ay di na naririnig

Ang pagkalugami sa nakaraan,
Ang bakas ng kahirapan
Ay di na nagpapaligalig,
Nagpapasimangot nang magunita sa sandali

Kung noon sa bawat araw ay masigasig,
Sa kinabukasa'y nananabik
Di na ngayon
Sapagkat sa dapithapon nahuhumaling

Ang nagpupuyos na liwanag
Sa dakong silangan
Na dati'y mainam pagmasdan
Ay nakakasilaw

Ang takipsilim sumisimbolo ng kalumbayan
Ay isa na na tanawin
Para sa kagalakan ng kaluluwa

Ang unos at karimlan
Pag nasa luklukan
Ay isa lamang pangkaraniwan
Pag may lampara
Na hindi ka iiwan
Masarap mabuhay sa saya't kapighatian
sa kasaganaan at kahirapan
sa kawalan ng pag-asa
sa hilahil
sa nakaraan
sa kinabukasan
sa hinaharap
Rena Lyn Bala-oy Apr 2020
Sinakluban man ng langit at lupa
Tinapangan ko pa ring tumindig.
Aakuin ko ang aking ipinangakong
'Yaring buhay ko ay 'di pasusupil sa dilim

-RL
Hindi ngayon, kamatayan.
Ilatag mo na
ang bagong kutson
sa sahig ng malaking silid
na may kisameng
abot langit.

Ipaghehele ka ng ugong
ng nagdaraan
at bulong-bulungan
ng palabas na
ikaw ang minsang pinagmamasdan.

Ibulong mo ang iyong panalangin,
pasasalamat o paghihinagpis,
na nawa
sa pagsikat ng araw, magkatotoo na
ang panaginip.

Ilang beses ka na bang pumipikit nang iniisip na hindi na sana muling didilat pa?
Z Nov 2019
Sa pagdaan ng araw, nadaragdagan
Mga katanungan sa aking isipan
Ngunit paano ko nga ba sisimulan
Saan matatagpuan ang kasagutan

Tama ba na akin pang abuting pilit
Pangarap na noo'y ninais makamit
Kung katumbas nito ay hirap at sakit
Idagdag pa ang mga pangmamaliit

Minsan naisip ko, ano ba ang saysay?
Bakit patuloy pa tayong nabubuhay?
Nagtitiis sa mundong puno ng lumbay
Kung sa huli tayo rin ay mamamatay

Marahil ay alam ko naman ang sagot
Dito sa tanong ko na paikot-ikot
Ako ay sadya lamang na natatakot
Na lahat ay magiging isang bangungot
M e l l o Jul 2019
ang buhay
ay parang pagtawid
sa kalsada
tingin sa kanan
tingin sa kabila
nag aantay na maging
berde ang ilaw
na nasa kabila
mabilisang pagtawid
sa kalsadang abala
sumasabay sa mga taong
hindi kilala
wag kang tumawid
pag ang umilaw ay pula
mas mabuting mag-antay
kesa masagasaan ka
Poem of the day.
Danice May 2019
hindi mawari kung ano't sino ang totoo
dito sa ating magulong mundo
tunay nga't ang mga tao'y magkakaiba
at hindi maaring mapagkumpara
tunay nga't tayo ay may ugaling hindi nais
kapatid, ano pa't magmalinis pa.
ps. ang oras ay bilang, ang buhay ay hiram. bakit magmataas pa? nais ba ang siphayo hanggang dulo ng buhay?
RL Canoy May 2019
Sa bawat paghakbang ng paang maputik,
anaki'y malugmok ang katawang impis.
Hindi iniinda ang ngawit ng bisig,
sa bawat paghampas ng pulpol na karit.

Mata'y pumapait sa agos ng pawis,
di ramdam ang init sa katawang manhid.
Sa bawat pagbuhos ng mumunting bagsik,
tila sumasaliw sa pintig ng dibdib.

Tinig ng sikmura'y parang humihibik,
lalong gumagatong sa hapo at sakit.
Pilit pinapawi sa tuwing iihip,
ang simoy ng hanging tila umaawit.

Sa gitna ng hirap na pinagdaanan,
ang tanging hiling sa Poong Maykapal.
Nawa'y didiligan ang sangkalupaan,
at binhi'y tutubo't ang punla'y mabuhay.

Sapagkat sa munting pawis-magsasaka,
sanlibong sikmura ang pinapasaya.
Ang tinik sa paang nakapanghihina,
Sanlibong katawan ang pinasisigla.

Ginaw ng tag-ulan at init ng sikat,
hindi iniinda kahit naghihirap.
Para may mahain sa mumunting hapag,
at pagsasaluhan na mayroong galak.

Ang iba'y inisip kung anong lutuin,
ngunit sa kanila'y mayr'on bang mahain.
Ito ba ang buhay, Diyos na mahabagin,
ang mga nagtanim salat sa makain?

Ganito ang buhay ng may gintong kamay,
na puno ng lipak, marumi't magaspang.
Subalit malinis ang pusong tinaglay,
bisig ng daigdig, sa pagod nabuhay.

Sila ang bayaning dapat na purihin,
sandata'y palakol, tumana'y suungin.
Sa bawat pagpatak ng pawis sa tanim,
katumbas ang bungang gumigintong butil.

©Raffy Love Canoy |May 2019|
Ang tulang pastoral na ito ay sumasalamin sa mga pinagdaanan ko noon sa kinalakhang bukirin.
Next page